Print

Ang Kasuklam-suklam na Kalapastanganan

Kaunting araw bago ang kamatayan ni Yahushua, ilan sa mga alagad Niya ay humiling sa Kanya na ikwento ang tungkol sa katapusan ng mundo. Ang pag-uusap na ito, ay naitala sa Mateo 24 at Marcos 13, ay naglalaman ng malinaw na babala. salita sa salita sa parehong balita nina Mateo at Marcos. Naging tuliro ang karamihan sa paglipas ng panahon sa tinutukoy na "ang Kasuklam-suklam na Kalapastanganan."

"Unawain ninyo itong mabuti: kapag nakita ninyong nagaganap na sa Dakong Banal ang ‘kasuklam-suklam na kalapastangan’ [na] tinutukoy ni Propeta Daniel, ang mga nasa Judea ay dapat tumakas papunta sa kabundukan, ang nasa bubungan ay huwag nang mag-abala pang kumuha ng kahit ano sa loob ng bahay, at ang nasa bukid ay huwag nang umuwi upang kumuha ng balabal. Sa mga araw na iyon, kawawa ang mga nagdadalang-tao at mga nagpapasuso!" (Mateo 24:15-19, AMB)

tumatakbo sa kapataganAng kahalagahan sa babalang ito ay lubhang matindi. Kapag nakita ng bayan ni Yahuwah anuman ang mangyayari, dapat agad silang lumayo nang walang pag-aalinlangan. Wala nang dapat antayin pa. Kung ikaw ay nasa bubungan, wag nang mag-abalang kumuha ng kahit ano sa loob ng bahay. Dali! Kung ikaw ay nasa kapatagan, wag nang bumalik para kunin ang iyong dyaket. Takbo! Ang tindi ng hirap ng buhay sa mga oras na iyon ay nailarawan sa nakagigimbal na hula:

"Sa mga araw na iyon, kawawa ang mga nagdadalang-tao at mga nagpapasuso! . . . Sa katunayan, kung hindi paiikliin [ni Eloah] ang panahong iyon, walang taong maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang [ni Eloah,] paiikliin ang panahong iyon." (Mateo 24:19, 22, AMB)

Anuman ang "Kasuklam-suklam na Kalapastanganan" na ito, nagpapakita ito ng matinding panganib sa bayan ni Yahuwah. Nais ng Tagapagligtas na nasa proteksyon ang lahat laban sa salot na ito at lumayo kaagad kapag nakita ito. Para maunawaan ang kasuklam-suklam na ito, dapat lang na balikan ang aklat ni Daniel. Parehong tinukoy nina Mateo at Marcos ang propesiya ni Daniel bilang susi na maunawaan ang babala ni Yahushua. Isinulat ni Marcos na:

"Unawain ito ng bumabasa: Kapag nakita na ninyo ang kasuklam-suklam na kalapastanganan na nasa dakong di dapat kalagyan, ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas. . ." (Marcos 13:14, AMB)

Para magbigay pa ng karagdagang pagpapaliwanag sa paalala na hanapin ang kahulugan ng parirala sa aklat ni Daniel, parehong isinulat nina Mateo at Marcos na unawain ito ng bumabasa. Ang pariralang "kasuklam-suklam na kalapastanganan" ay ginamit nang dalawang beses sa aklat ni Daniel.

"Hahadlangan siya ng hukbong-dagat ng Kitim at matatakot siya. Dahil dito, aatras siya at ibubuhos sa relihiyon ng bayan [ni Eloah] ang kanyang poot. Sa pagbabalik niyang ito, pahahalagahan niya ang payo ng mga tumalikod sa presensya [ni Eloah]. Magpapadala siya ng mga hukbong sandatahan upang lapastanganin ang Templo. Ipapatigil niya ang araw-araw na paghahandog at ipapalit ang kasuklam-suklam na kalapastanganan." (Daniel 11:30-31, AMB)

"Lilipas ang 1,290 araw mula sa panahon na papatigilin ang araw-araw na paghahandog at ilalagay ang kasuklam-suklam. " (Daniel 12:11, AMB)

Ang mga nagsasalin ng bersyong Haring James ay idinagdag ang salitang ”paghahandog” matapos ang salitang ”araw-araw” subalit wala ito sa orihinal na Hebreo. Ang salitang "araw-araw" ay nangangahulugang "tuluy-tuloy nang walang patid." Ang salitang Ingles ng "kasuklam-suklam" ay galing sa salitang Hebreo na Shiqqûts. Ibig sabihin nito’y:

"Kasumpa-sumpa; marumi, lalo na sa sumasamba sa mga diyus-diyusan o tumutukoy sa anito: - marumi, malaswa, kamumuhian." (The New Strong’s Exhaustive Concordance, #8251.)

Ang "kalapastanganan" sa sinaunang Hebreo ay Shâmêm. Ibig sabihin nito’y:

"Pabagsakin o durugin; wasakin o paguhuin: magulat, masindak, wasakin, gawin para sirain." (The New Strong’s Exhaustive Concordance, #8074.)

Napakahalagang malaman na ang salitang "kasuklam-suklam" ay tumutukoy sa pagsamba sa mga diyus-diyusan. Kaya ang "kasuklam-suklam na kalapastanganan" ay tungkol sa usapin ng pagsamba, lalo na sa maling pagsamba sa huwad na diyos. Isang nangingibabaw na alituntunin ng kaharian ni Satanas ay dahas. Sinumang hindi malinlang ni Satanas ay gagamitan niya ng dahas. Sa huling pagtutuos, sa pagitan ng Kaharian ng Langit at kampon ng kasamaan, isang nakakahimok na pwersa ang darating sa lahat ng nananatiling tapat sa Kalangitan. Ang ganitong pagtutuos ay inilarawan sa Aklat ng Pahayag, isang ”bukas” na aklat na nagpaliwanag sa matagal na panahon na "nakasarang" propesiya ni Daniel.

"Ipinahintulot din sa kanya na bigyan niya ng buhay ang larawan ng unang halimaw. Kaya't nakapagsalita ang larawan at ipinapatay nito ang lahat ng ayaw sumamba sa kanya. Sapilitang pinatatakan ng ikalawang halimaw ang lahat ng tao sa kanilang kanang kamay o sa noo, maging sila'y dakila o hamak, mayaman o mahirap, alipin o malaya. At walang maaaring magtinda o bumili malibang sila'y may tatak ng pangalan ng halimaw o ng bilang na katumbas niyon." (Pahayag 13:15-17, AMB)

Para "makapagsalita" ay para makapagpasa ng batas. "Sapilitan" naman ang paraan para ipatupad ang batas na iyon. Ang batas na ito ay kailangan at alinsunod sa kaharian ni Satanas. Lahat nang ayaw sumamba ay papatawan ng parusang kamatayan. Ang kasuklam-suklam na kalapastanganan ay isang batas na nagpupumilit sa konsensya, hanggang sa hapdi ng kamatayan, na sumuko, tanggapin o di kaya'y magpakita ng katapatan sa anumang maling sistema ng pagsamba, na nagbibigay pahintulot kay Satanas na maghari sa kaluluwa. Ang panganib sa bayan ni Yahuwah ay naipaliwanag ng Tagapagligtas kasunod ang paliwanag Niya sa kasuklam-suklam na kalapastanganan.

"Ipanalangin ninyo na ang inyong pagtakas ay huwag mapataon sa taglamig o sa Araw ng Pamamahinga. Sapagkat sa panahong iyon, ang mga tao'y magdaranas ng matinding kapighatiang hindi pa nararanasan mula nang likhain ang sanlibutan hanggang sa ngayon, at hindi na mararanasan pa kahit kailan." (Mateo 24:20-21, AMB)

Sa panunumbalik ng kaalaman ng tunay na ikapitong Araw ng Sabbath, na kinalkula ng orihinal na kalendaryong luni-solar ng Paglikha. Ipinakita ng Langit na ang pagsamba gamit ang makabagong kalendaryong Gregorian ay pagpapakita ng rebelyon at pagtataksil kay Yahuwah. Anuman ang kasuklam-suklam na ito ay maaaring reporma sa kalendaryo sa hinaharap na literal ”tumatagal ang layo” ng tuluy-tuloy na pag-ikot ng sanlinggo ng kasalukuyang kalendaryo o di kaya'y pagpapatupad ng kasalukuyang kalendaryo ng papa ay di-materyal. Ang punto dito ay sinumang sumusunod kay Satanas, sa paglaban ng pag-iingat sa takdang oras ng Langit, ang kanyang kaluluwa ay ”sisirain.”

Kasuklam-suklam na Kalapastanganan 

Maraming Kristyano ngayon ang nagpapalagay na, sa kabutihan ng pagiging isang "Kristyano," hindi sila sumasamba sa mga diyus-diyosan. Gayunman, hindi lahat ng anito ay gawa sa kahoy, bato o mga mamahaling metal. Maraming klase ng anito. Binigyang kahulugan ng diksyunaryo ang salitang "anito" bilang:

"Anumang bagay na itinatakda ng ating pagmamahal; kung saan magpapakasawa sa labis at makasalanang pagkagiliw." (Noah Webster, American Dictionary of the English Language, 1828.)

"Ang anito ay anumang bagay na umaagaw sa lugar ng Diyos sa puso ng Kanyang mga matatalinong nilikha." (S. Miller) Sa iilan, ang kanilang anito ng kagustuhan ay nalalaman sa kanilang napiling sangay ng trabaho. Sa iba, ito ay ang pagkamit sa mga materyal na bagay. Para sa mas nakararami, ang kanilang napiling anito ay isang PAGTAKAS, sa iba't ibang klase, ito man ay alkohol, droga, sekswal, pelikula, nobela, ehersisyo, isports, o anuman sa libu-libong paraan ni Satanas para akitin ang kaisipan mga anitoat itinakda ng puso. Kahit ang mga bagay na nasa kanila o nasa iba na hindi naman mali, ay maaaring maging anito kapag ipinalit ito kay Yahuwah sa itinakda ng puso. Ang trabaho, pagkakaibigan, pamilya; lahat ng ito ay mabubuting bagay. Gayunman, kung ang mga ito ay naging mas importante kaysa sa pagsunod sa kagustuhan ni Yahuwah, nagiging anito ang mga ito sa kaluluwa, na magiging ugat ng pagwasak nito.

Maraming paraan si Satanas para wasakin ang kaluluwa ng mga tao. Ang mga sumasamba sa demonyo ay nagiging alipin ng dakilang rebelde. Isang makabagong konsepto ng pagtaas ng popularidad ang tinatawag na "Walk-In". Sa paniniwalang ito, ang kaluluwa ng tao ay pinapalitan ng iba, pansamantala man o permanente. Ito ay walang iba kundi pagsapi ng demonyo, at totoong sisira, wawasak sa kaluluwa ng isang tao. Gayunman, napakahalagang maunawaan – mayroong ibang paraan na malapastanganan ang isang kaluluwa sa paalalahanan ng kasuklam-suklam. Ang sinumang malinaw na naunawaan ang Banal na Kautusan ngunit tumangging sumunod ay may sala gaya ng isang mas garapal na makasalanan. Lahat, para sa pansamantalang seguridad o kahit pa iligtas ang kanilang buhay, tumalima sa dikta ng pagsamba ni Satanas ay hahanapin ang kanilang mga kaluluwa na nilapastanganan, wasak at iniwang gumuho. Alam ni Yahushua na ang ganung paghaharap ay naghihintay sa Kanyang bayan sa mga huling araw ng sanlibutan. Kanyang pinayuhan ang mga sumusunod sa Kanya:

“Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi naman nakakapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo [ang Eloah] na may kakayahang pumuksa ng katawan at kaluluwa sa impiyerno.” (Mateo 10:28, AMB)

Sa ibang salita, sinasabi ng Tagapagligtas na, Huwag kayong matakot na mawala ang buhay ninyo dahil sa Akin. Bilang Nagbibigay ng Buhay, Ako rin ang Magbabalik ng Buhay. Ang buhay na inalay para sa katotohanan ay makakakuha ng masaganang pagpasok sa Kaharian ng Langit habang ang sinumang tinalikuran ang katotohanan upang iligtas ang kanilang buhay ay mawawalan ng kaluluwa.

“Ang sinumang magsikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito, ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay ay siyang makakapagligtas nito.” (Lucas 17:33, AMB)

Habang tinukoy ni Mateo ang kasuklam-suklam na kalapastanganan na nasa ”Dakong Banal,” sinabi ni Marcos na ito’y nasa dakong hindi dapat kalagyan. Sa Kasulatan, ang ”mga paa” ay kumakatawan sa pag-aari. Ang kasuklam-suklam, isang anito, nakatayo sa hindi dapat kalagyan nito ay walang iba kundi si Satanas na kokontrol sa kaisipan na ang debosyon ay para anumang bagay maliban na lang sa Manlilikha. Ang isang tao na iniibig si Yahuwah ngunit iniibig din ang mundo ay hindi talaga pag-ibig kay Yahuwah. Si Satanas, sa pamamagitan ng pagkukunwari ng kaluguran ng buhay, namumuno sa puso, kaya nahati.

“Walang aliping makakapaglingkod nang sabay sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod nang sabay sa [Eloah] at sa kayamanan.” (Mateo 6:24, AMB)

Maraming dahilang ibinigay upang tumanggi na sumamba sa tunay na Sabbath:

Ang mga dahilang ito ay laging nasa paligid habang ang mali ay lumalaban sa katotohanan. Ang mga ito’y palusot lamang na ibinigay upang ipangatwiran ang tao na magpatuloy sa kamalian. Kapag pinili ng taong gawin ang bagay na alam namang niya na mali, nagiging anito, isang kasuklam-suklam, ng bagay na iyon, tao man iyon, o trabaho. Ito’y nagbubukas ng pintuan kay Satanas na dumating sa kaisipan, kontrolin, at lapastanganin ang kaluluwa. Lahat ng magpapatuloy sa rebelyon laban sa kaharian ng Langit, tumanggi na bumalik sa pagsamba sa Manlilikha sa Kanyang banal na Sabbath, na kalkulado ng Kanyang kalendaryo ng Paglikha, ay sisirain ang kanilang mga kaluluwa kapag si Satanas ay dumating at pagharian ang kanilang mga kaisipan. Sila ay magiging kaisa ni Satanas. Ang buong plano ng kaligtasan ay isinagawa upang dalhin ang kaisipan ng sangkatauhan na maging kaisa ng banal na kaisipan. Lahat ng naligtas ay magiging KAISA ni Yahuwah, tulad ni Yahushua na naging KAISA Niya. Ito ang pagkakaisa kung saan, sa mga huling araw ng kasaysayan ng daigdig, naghahanap si Satanas na putulin sa pamamagitan ng pag-agaw sa tamang posisyon ni Yahuwah sa kaluluwa ng tao.

Ang desisyon ay simple lamang. Ngunit ang mga resulta, ay malayo ang mararating. Sasamba ka ba ayon sa kalendaryo ng Langit at hayaan si Yahuwah na maghari sa iyong puso at kaisipan? O di kaya’y, para sa kapakanan ng kaginhawaan, tumalima sa kagustuhan ni Satanas at mamuno? Imbitahan si Yahuwah tungo sa iyong puso ngayon. Maaaring iwanan ang anumang bagay, sinuman na dumarating sa’yo at iyong Manlilikha. Hayaan ang panalangin ng Tagapagligtas para sa’yo’y tumugon:

pamilyang magkahawak-kamay