Print

Ang Mga Tatak, Ang Mga Trumpeta, at Ang Mausisang Paghuhukom

sunog sa Pioneer International Hotel

Ang mga hagdan ng sasakyan ng pamatay-sunog ay hindi sapat para maabot ang marami sa mga tao na naipit sa mataas na palapag ng Pioneer Hotel.

Hindi nilayon ni Louis Taylor na magtala ng bagong kasaysayan. Nangyari lamang ito sa ganitong paraan.

Ang kantang “I’ll Be There” ng Jackson 5 ay panglima sa billboard charts at ang bagong pelikula na pinagbibidahan nina Ryan O’Neal at Ali MacGraw na pinamagatang “Love Story” ay nailabas. Malamang ang pinaka-nakapukaw sa 16 na taong gulang na si Louis ay ang Pasko ay ilang araw na lang. Hindi niya nalalaman na bago magbukang-liwayway ang umaga, ang kanyang buhay ay magbabago magpakailanman.

Ang gabi ng Disyembre 19, 1970, ay isang maligayang oras sa Pioneer Hotel sa Tucson, Arizona. Ilang daang mga kawani ng Hughes Aircraft Company ang nasa hotel na nagdiriwang ng kanilang taunang Christmas Party. Sandali matapos ang hatinggabi, Disyembre 20, isang sunog ang sumiklab sa hotel. Habang naiwan ang ilang empleyado, “Ang iba ay nagdali-dali sa buong gusali at pinapangunahan ang mga panauhin, karamihan ay mga matatanda, sa kaligtasan. ‘Marami ang gumawa ng kabayanihan,’ sinabi ng isang saksi.”1

Si Louis ay isa sa mga matatapang. “Ang mga mausisang ulat ay ipinahiwatig na siya ay ... tumutulong sa mga tao na takasan ang apoy.”2 Ngunit bago magbukang-liwayway, siya ay inaresto at pinagbintangan ng pagsisimula ng apoy na kumitil sa buhay ng 29 na katao. Si Louis Taylor, isang Aprikano-Amerikano, ay pinanatili ang kanyang kawalang-sala subalit ang lahat ng puting hurado ay itinatag na siya ay nagkasala at siya ay hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo.

“Ang mga apela [ni Taylor] ay ibinasura matapos ang Korte Suprema ng Estados Unidos ay tinanggihan siya sa bagong paglilitis noong 1983. Lahat ay puting lahi, ang mga hurado na namahala sa kanyang paglilitis ay hayagang naglabas ng pagdududa tungkol sa paghatol at pananatiling malapit kay Taylor, padalhan siya ng mga regalo sa Pasko at mga aklat ng batas.”3

Noong 2002, isang ulat mula sa CBS, “60 Minuto” ang ibinigay para sa kapulisan na simulang suriing muli ang ebidensya. Ang Arizona Justice Project ay sinimulang pag-aralan ang kaso ni Taylor para makita kung, siya ay napanatili, sa katunayan ang pagiging inosente. Sa wakas noong Abril 3, 2013, 42 taon matapos ang hatol sa kanya, tuluyang nakalaya si Louis Taylor. Ang kanyang 42 taon sa bilangguan ay ang pinakamahaba sa kasaysayan ng Amerika kung saan ang tao ay nagpalipas ng panahon para sa krimen na pinaniwalaang hindi niya ginawa.4

Elizabeth BáthoryBinigo ng hustisya si Louis Taylor. Binigo rin nito si Elizabeth Báthory. Hindi tiyak na pinakamasamang mamamatay-tao sa kasaysayan na may mahigit 600 biktima. Dahil sa mataas na posisyon sa lipunan ng kanyang pamilya, hindi isinalang si Báthory sa paglilitis. Sa kaso ni Taylor, isang inosenteng tao na pinarusahan para sa isang krimen na hindi niya ginawa. Sa kaso ni Báthory, ang iba ay pinahirapan at sa huli’y pinatay para sa mga krimen kung saan si Báthory ay responsable habang siya ay inilagay lamang sa pantahanang aresto dahil siya ay isang maharlikang babae. Nabigo ang katarungan dahil ito ay hindi “bulag” (walang kinikilingan) sa parehong kaso.

Ang katarungan ay umaasa sa impormasyon. Ang isang paglilitis ay, napakahalagang pag-uusisa na nagtatangkang ilatag ang mga katunayan sa harap ng hukom at hurado. Kapag ang impormasyon ay hindi umiiral o ipinagkait, ang malubhang kawalan ng katarungan ay maaari—at—nagaganap. Para sa tunay na katarungan, lahat ng mga katunayan ay kailangang malinaw at nauunawaan, bawat pagpapagaan ng mga pangyayari ay kukunin sa talaan.

Mausisang Paghuhukom

Ang pamahalaan ni Yahuwah ay mayroong isang hukuman din. Sa hukumang ito, bawat anak ni Adan na nabuhay ay tatayo sa paglilitis. Ang mga taya ay walang hanggan ang taas kaysa sa anumang korteng tinipon ng makalupang paglilitis. Narito, iyong mga pinawalang-sala ay malayang mabubuhay nang walang hanggan. Sila’y pararangalan sa maharlikang estado at ituturing na mga anak ng Kataas-taasan. Sila’y mamumuhay sa palasyo. Sila’y malaya na lakbayin ang lahat ng ibang lugar na pinamamahalaan ng banal na pamahalaan. Sila’y mabubuhay sa buhay na katumbas ng buhay ni Yahuwah.

“Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan.” (Juan 14:2, Ang Dating Biblia 1905)

Iyong mga nagkasala, gayunman, ay hahatulan sa kamatayan. Hindi gaya ni Louis Taylor na sa huli’y pinayagang maging malaya, kapag ang sentensya ay ipinasa sa Makalangit na hukuman, walang makakatakas sa hatol ng kamatayan. Ang kamatayang ito ay hindi kamatayan ng katawan lamang. Ang kanilang mga pangalan ay aalisin sa Aklat ng Buhay ng Kordero. Maging ang mga talaan ng anumang mabuting ginawa nila habang nasa lupa ay buburahin. Ang hatol ay walang hanggang kamatayan kung saan wala nang pagkabuhay pa. Ito ang dahilan kung bakit ang mausisang paghuhukom sa bawat indibidwal na buhay ay napakahalaga. Ito ay isang bagay ng buhay at kamatayan—walang hanggang buhay at kamatayan. Walang pagkakamali ang maaaring gawin. Wala nang ikalawang pagkakataon pa rito. Lahat ng nagkasala ay titigil sa pag-iral sa walang hanggan.

Nakikita ni Yahushua ang napakahalagang paghahatol na ito noong sinabi Niya: “Sapagka't walang bagay na natatago, na di mahahayag; o walang lihim, na di makikilala at mapapasa liwanag.” (Lucas 8:17, ADB) Ito ay isang pangako! Ang ating mga gawa, gaano man na hindi nauunawaan sa lupa, ay hahatulan sa liwanag ng ating mga pinakamalalim na pag-uudyok. Siya na nakakabasa ng puso ay maaaring dalhin ang pinakamaawaing paghuhukom sa pinaka-hindi nauunawaang gawa, habang nakikita nang malinaw ang pagpapaimbabaw na madalas itinatago ng tila “matuwid” na mga gawa.

Makatuwiran na ipalagay na sa anumang pangyayari ang napakadakilang ito ay tatalakayin sa Kasulatan, at ito nga. Ang kahalagahan na itinalaga ng Langit sa paksang ito ay maaaring dumating mula sa bigat ng puwang na inilaan sa paksa. Maliban sa nakakalat na kaugnayan sa mausisang paghuhukom sa Daniel 7, Daniel 8, at Zacarias 3, isang malaking bahagi ng Pahayag ay naglaan sa kahanga-hangang pangyayaring ito. Mula Pahayag 4 hanggang Pahayag 11 ay saklaw ang mga pangyayaring nakapaloob, o na tiyak na magaganap sa panahon, ng mausisang paghuhukom. Walong kabanata sa isang aklat na mayroong 22 kabanata! Malinaw, ang paksang ito ay binigyan ng mataas na prayoridad subalit, kakaiba, kakaunting tao lamang ang nakakaalam nito.

Ang mausisang paghuhukom ay magaganap sa mismong kwarto ng trono ng Langit. Ito ay isang lubos na kahanga-hangang tagpuan:

At agad akong napuspos ng Espiritu, at nakita ko sa langit ang isang trono at ... isang bahagharing nagniningning na parang esmeralda sa palibot ng trono. Nakapaligid naman dito ang dalawampu't apat pang trono na sa bawat isa'y may nakaupong matanda na nakadamit ng puti at may koronang ginto sa ulo. Mula sa trono ay gumuguhit ang kidlat, kasabay ng mga ugong at mga kulog. Sa harap ng trono ay may pitong nagniningas na sulo; ito ang pitong espiritu ni Yah.

Sa harap ng trono ay may tila dagat na salamin na sinlinaw ng kristal. Sa apat na panig ng trono ay may apat na buháy na nilalang, na punung-puno ng mga mata sa kanilang harap at likod. Ang bawat isa ay may tig-aanim na pakpak, at punung-puno ng mga mata sa harap at likod. Walang tigil ang kanilang pag-awit araw at gabi, “Banal, banal, banal, si Yahuwah Eloah na Makapangyarihan sa lahat, na siyang nakaraan, kasalukuyan, at darating.”

Tuwing umaawit ng pagluwalhati, parangal at pasasalamat ang apat na buháy na nilalang sa nakaupo sa trono, na nabubuhay magpakailanman, ang dalawampu't apat (24) na matatandang pinuno naman ay nagpapatirapa sa harap ng trono at sinasamba ang nakaupo doon, ang nabubuhay magpakailanman. Inilalagay nila ang kanilang korona sa harap ng trono, at sinasabi, “Aming Panginoon at Eloah! Karapat-dapat kang tumanggap ng kaluwalhatian, karangalan, at kapangyarihan; sapagkat ikaw ang lumalang sa lahat ng bagay, at ayon sa iyong kagustuhan, sila'y nagkaroon ng buhay at nalikha.” (Pahayag 4:2-6, 8-11, MBB)

Ito ay isang makabuod-hanga, mangilig-gulugod na paglalarawan ng trono/hukuman ng Langit. Ito ang tagpuan para sa mismong lubos na taimtim na magaganap na pagsisiyasat ng mga salita, gawa at nakatagong pag-uudyok ng bawat nabubuhay na kaluluwa. Ang buong ikaapat na kabanata ng Pahayag ay tapat sa paglalarawan na ito sapagkat ang Espiritu ni Yah ay nagsasabing, “Bigyang-pansin! Ito ay napakahalaga!”

Si Yahuwah ay higit pa na ating makapangyarihan, banal na Manlilikha. Siya rin ay isang mapagmahal na Ama. Ginawa Niya ang lahat sa Kanyang kapangyarihan na iligtas ang mas maraming anak habang posible. “Iniibig ng Ama ang Anak, at ibinigay niya rito ang pamamahala sa lahat ng bagay.” (Juan 3:35, MBB) Ang Anak ay parehong Hukom at Pinakapunong Pari. Bilang ating hukom, sinasabi Niya, “Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo.” (Juan 8:11, ADB) Bilang ating pinakapunong pari, Siya ang kumukuha sa ating mga pagkakasala. Ngunit higit pa, nararamdaman Niya ang lahat ng ating nararamdaman. Tinitimbang Niya ang bigat ng bawat tukso kaya maaari Niyang malaman kung gaanong lakas ang ibibigay Niya sa atin. Lahat ng ito’y ibinigay upang pumukaw ng kaluluwa nang may tiwala sa pag-ibig ng Ama kaya hahangarin natin ang ipinangakong tulong at magiging ligtas.

Kaya nga, magpakatatag tayo sa ating pananampalataya, dahil mayroon tayong Dakilang Pinakapunong Pari na pumasok na sa kalangitan, doon mismo sa harap ng Eloah. Siya'y walang iba kundi si Yahushua na Anak ni Yah. Ang ating Pinakapunong Paring ito ay nakakaunawa sa ating mga kahinaan sapagkat tulad natin, tinukso siya sa lahat ng paraan, subalit kailanma'y hindi siya nagkasala. Kaya't huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Eloah upang makamtan natin ang habag at pagpapala na tutulong sa atin sa panahon ng ating pangangailangan. (Hebreo 4:14-16, MBB)

Bilang karagdagan sa lahat ng ito, ang pagtitimbang ng paghuhukom sa ating pagpanig, tumungo nang isa pang hakbang si Yahuwah. Tiniyak Niya ang mga hurado ay binubuo ng ating mga kauri: mga kapwa tao na nagtiis sa buhay ng pagsubok at tukso. Ang 24 na matatandang pinuno ay bumubuo sa hurado sa makalangit na hukuman.

Ang mga matatandang pinuno ay mga tao. Suot nila ang korona ng mga nagtagumpay. Dagdag pa, noong pinupuri ang Kordero (Yahushua) sa harap ng trono, tiyak na sinasabi nila, “Ikaw ang karapat-dapat ... Sapagkat pinatay ka, at sa pamamagitan ng iyong dugo ay tinubos mo ang mga tao para kay Yah, mula sa bawat lahi, wika, bayan at bansa. Ginawa mo silang isang lahing maharlika at mga pari na itinalaga upang maglingkod sa ating Eloah; at sila'y maghahari sa lupa.” (Pahayag 5:9-10, MBB) Ang mga matatandang pinuno ay maaaring mga patnyarka: sina Abraham, Isaac, Jacob, mga anak ni Jacob, at iba pa na namuhay nang matuwid sa lupa. Sina Enoc, Elias at Moises ay marahil kabilang sa bilang na ito. Tiyak, karamihan sa kanila ay kinuha mula sa mga binuhay kasama ni Yahushua at dinala sa Langit kasama Niya sa Kanyang pag-akyat. (Tingnan ang Mateo 27:52-53.)

Ang paglilitis ng isang hurado sa kauri ay isang modernong pribilehiyo, isang bagay na hindi umiiral para sa marami sa lahat ng panahon. Ang katunayan na si Yahuwah ay magtatalaga ng isang hurado ng mga tao ay sumasalungguhit sa Kanyang nais para sa isang patas, walang kinikilingan, at makatarungang paghuhukom. Ang apat na nilalang ay inilarawan na punung-puno ng mga mata. Ang mga ito’y makalangit na intelihensya na itinatala ang lahat ng bagay. Kapag ang hurado ay nangailangan pa ng marami pang impormasyon, makukuha nila ito agad-agad mula sa apat na nilalang. Ang mga nilalang na ito ay may ganap na kaalaman, nakita at naitala ang lahat.

Kung ang siping ito ay hindi inilarawan ang mausisang paghuhukom, ano pa ito? Bakit nakatayo si Yahushua? Anong tungkulin ang ginagawa ng mga matatandang pinuno? Sino ang kordero? Ano ang aklat? Kapag ito ay hindi, sa katunayan, ang mausisang paghuhukom, ano naman ito?


Ang Aklat ng Buhay

Inilatag ng Pahayag 4 ang entablado, ngunit nagsisimula sa Pahayag 5 ang pagsasagawa. “At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak.” (Pahayag 5:1, ADB) Ito ang pinakamahalagang aklat na isinulat. Ito ang Aklat ng Buhay. Walang makakapasok sa Langit kung hindi nakasulat ang kanilang pangalan rito.

“Ang ating katayuan sa harap ng Eloah ay manangan, hindi sa bigat ng liwanag na natanggap natin, kundi sa paggamit ng taglay natin. Kaya maging ang mga pagano na pinili ang tama na malayo sa maaari nilang makilala ito ay nasa mas kanais-nais na kondisyon kaysa sa mga mayroong dakilang liwanag, at ipinahayag na pagsilbihan ang Eloah, ngunit pinapabayaan ang liwanag, at kanilang pang-araw-araw na buhay ay sumasalungat sa kanilang propesyon.”

(E. G. White, Desire of Ages, p. 239.)

Ang Aklat ng Buhay, para sa lahat ng mga balak at layunin, ay isang makasaysayang aklat. Nakapaloob rito ang isang detalyadong talaan ng bawat isinagawang kilos, bawat salitang sinabi, bawat lihim na kinupkop simula ng nilikha si Adan. Habang ang Kasulatan ay hindi hayagang sinabi kung paano inilalagay ang mga pangalan sa Aklat ng Buhay, ang Bibliya ay naglalaman ng mga tiyak na palatandaan, kung saan, kapag pinagsama-sama, nagpapahiwatig na ang pangalan ng tao ay naitala sa kapanganakan sa pinakatiyak ng lahat ng mga aklat ng kasaysayan.

Ipinahayag ni Pedro: “Hindi mapagpaliban si Yahuwah tungkol sa kanyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinuman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.” (2 Pedro 3:9, ADB) Noong itinuro ni Pablo sa mga pilosopo at mga natutong tao ng Atenas, tinukoy niya ang katunayan na sila’y lubos na relihiyoso, sinasabi:

“Mga taga-Atenas, napapansin kong kayo'y lubos na napaka-relihiyoso sa maraming bagay. Sapagkat sa paglalakad ko sa lungsod at pagmamasid sa inyong mga sinasamba, nakakita ako ng isang dambana na may nakasulat, ‘SA DIYOS NA HINDI KILALA.’ Ang Diyos na inyong sinasamba kahit hindi ninyo nakikilala ang siya kong ipinapahayag sa inyo. . . . Sa mga nagdaang panahon ay pinalampas ng Diyos5 ang di pagkakilala sa kanya ng mga tao, ngunit ngayon ay iniuutos niya sa lahat ng tao sa bawat lugar na magsisi't talikuran ang kanilang masamang pamumuhay.” (Mga Gawa 17:22-23, 30, MBB)

Hindi lamang nagbubuyo si Pablo sa pagkamakaako ng kanyang mga tagapakinig. Nalaman niya na ang Espiritu ni Yah ay ipinadala sa bawat anak ni Adan na ipinanganak, upang dalhin ang lahat sa kaligtasan. Kinilala niya na ang mga paganong ito, sa pinakamahusay ng kanilang limitadong kaalaman, ay sinusubukan sambahin ang Manlilikha ng Lahat. Sa kanyang sulat sa mga taga-Roma, ipinaliwanag pa ni Pablo, nagpapahayag na:

Sapagkat walang kinikilingan si Yah. Ang mga Hentil ay walang Kautusan ni Moises. Sila ay nagkakasala at paparusahan nang hindi batay sa Kautusan. Ang mga Hudyo ay mayroong Kautusan. Sila ay nagkakasala at hahatulan batay sa Kautusan. Sapagkat hindi ang mga nakikinig sa Kautusan, kundi ang sumusunod dito, ang siyang pawawalang-sala ni Yahuwah.

Kapag ang mga Hentil na hindi saklaw ng Kautusan ay gumagawa batay sa panuntunan nito ayon sa kanilang likas na pag-iisip, ito'y nagiging kautusan na para sa kanila. Ipinapakita ng kanilang mga gawa na nakasulat sa kanilang puso ang panuntunan ng Kautusan. Pinapatunayan din ito ng kanilang budhi, sapagkat kung minsan sila'y sinusumbatan nito; at kung minsan naman, sila'y ipinagtatanggol nito sa kanilang isipan. Ayon sa Magandang Balitang aking ipinapangaral, gayon ang mangyayari sa Araw na ang mga lihim ng mga tao'y hahatulan ni Yahuwah sa pamamagitan ni Kristo Yahushua. (Roma 2:11-16, MBB)

Ang lahat ay may pagkakataong maligtas. Iyon ang ganap na layunin ng kamatayan ni Yahushua sa krus! Kaya ang banal na katarungan ay inilalagay sa lahat sa pantay na kalagayan. Ang lahat ay may kaparehong pagkakataon na piliin ang tama at tumugon sa paglapit sa Banal na Espiritu.

“Gaano kagulat-gulat at kasaya ang mga hamak sa mga bansa, at sa mga pagano, na marinig mula sa labi ng Tagapagligtas, ‘Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, sa akin ninyo ito ginawa!’ Gaano kasaya ang puso ng Walang Hanggang Pag-Ibig gayong ang Kanyang mga tagasunod ay tatanaw nang may paghanga at saya sa Kanyang mga salita ng pagpayag!”6

Kung ang kanilang mga pangalan ay nasa Aklat ng Buhay, gayunman, ay isang bagay ng personal na pagpapasya. Sa patuloy na paghihimagsik, sinuman ay maaaring mabura ang kanyang pangalan sa Aklat ng Buhay:

“At dagdagan mo ng kasamaan ang kanilang kasamaan: at huwag silang masok sa iyong katuwiran. Mapawi sila sa aklat ng buhay, at huwag masulat na kasama ng matuwid.” (Awit 69:27-28, ADB)

“Ang magtatagumpay ay dadamitan ng puti, at hindi ko kailanman buburahin sa aklat ng buhay ang kanyang pangalan. Kikilalanin ko siya sa harap ng aking Ama at ng Kanyang mga anghel.” (Pahayag 3:5, MBB)

Hindi pipilitin ni Yah ang sinuman na maligtas laban sa kanilang kalooban.

Ang Kordero sa Harap ng Trono

Nakikita ni Juan ang isang makapangyarihang anghel na nananawagan para sa sinumang karapat-dapat na humakbang nang pasulong at basagin ang mga tatak upang buksan ang aklat. Gayunman, wala sinuman “sa langit o sa lupa, o maging sa ilalim ng lupa” ang nahanap na maaaring makakapagbukas ng aklat o karapat-dapat na tumingin sa nilalaman nito!

Ito ay lumuray sa matandang propeta. Nauunawaan niya ang kahalagahan ng natatanging aklat na ito. Ito ay ang Aklat ng Buhay ng Kordero! Kung wala ang aklat na ito, ang mausisang paghuhukom ay hindi magaganap! “Buong kapaitan akong umiyak dahil walang natagpuang karapat-dapat na magbukas at tumingin sa nilalaman niyon.” (Pahayag 5:4, MBB)

Isa sa mga matatandang pinuno ang agad umaliw kay Juan, sinabi niya: “Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito.” (Pahayag 5:5, ADB)

Ang Kordero ni Yahuwah

Ang Kordero ni Yah na nag-aalis ng mga kasalanan sa sanlibutan ay karapat-dapat na bumukas ng aklat.

Agad nahuli ang atensyon ni Juan. O kabutihan! Walang nahanap na karapat-dapat na magbubukas ng aklat, ngunit nahanap nila ang isang leon na gagawa nito. Tiyak ang malakas, makapangyarihang hari na ito ng mga nilalang ay magagawa ang tungkulin nito!

Tumungo siya na tumanaw sa dakilang nilalang na ito, may sapat na lakas na gawin ang hindi magagawa ng karaniwang tao. “Pagkatapos, nakita ko sa pagitan ng matatandang pinuno at ng tronong napapaligiran ng apat na buháy na nilalang ang isang Korderong nakatayo na ang anyo ay tulad sa pinatay na. Ito'y may pitong sungay at pitong mata na siyang pitong espiritu ni Yah na ipinadala sa buong daigdig.” (Pahayag 5:6, MBB)

Syempre! Ang Kordero ni Yah na nag-aalis ng mga kasalanan sa sanlibutan ay ang tanging karapat-dapat na kunin at buksan ang aklat. Siya lamang ang nakakuha ng karapatan na gawin ito. Ang apat na nilalang at ang 24 na matatandang pinuno ay agad umawit “Ikaw ang karapat-dapat na kumuha sa kasulatang nakabalumbon at magtanggal sa mga selyo niyon. Sapagkat pinatay ka, at sa pamamagitan ng iyong dugo ay tinubos mo ang mga tao para sa Eloah, mula sa bawat lahi, wika, bayan at bansa.” (Pahayag 5:9, MBB) Ang milyun-milyong anghel sa hukuman ay sumama rin, tumutugma na: “Ang Korderong pinatay ay karapat-dapat tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, kaluwalhatian, papuri at paggalang!” (Pahayag 5:12, MBB)

Pagbubukas sa mga Tatak

Ang ika-anim na kabanata ay inilarawan ang mga mangyayari kapag ang aklat ay nabuksan. Ang aklat na ito ay sumasaklaw sa buong kasaysayan ng daigdig at bawat buhay na namuhay. Ang pitong tatak ay tumayo para sa iba’t-ibang kapanahunan ng kasaysayan ng daigdig. Kapag nabuksan, bawat tatak ay nanatiling bukas nang malinaw hanggang sa huli. Walang pangwakas na punto hanggang sa Muling Pagdating ni Yahushua. Gayunman, kapag nabuksan ang susunod na tatak, isa pang kapanahunan ang magsisimula.

pitong tatak

Ang pitong tatak ay sumasaklaw sa lahat ng kasaysayan,
mula sa paglikha kay Adan hanggang sa isang Sabbatikong libong taon sa Langit.

Imposible na ituro nang tiyak ang mga eksaktong panahon kung saan ang karamihan sa mga tatak ay nabuksan. At, sa huli, hindi na mahalaga kung kailan ang karamihan sa mga ito ay nabuksan. Tanging karapatan ng Langit na tukuyin ang iba’t-ibang kapanahunan. Habang ang mga tatak ay bumabalot sa kapanahunan ng oras sa lupa, ang mga ito’y ibinigay mula sa pananaw ng Langit. Ang panahon ng oras (at henerasyon) na tatapat sa ilalim ng isang tatak, ay isang paghuhukom sa hukuman ng Langit. Ilang petsa ay maaaring matukoy, ngunit hindi lahat.

Unang Tatak: Mula kay Adan hanggang ?

Ikalawang Tatak: Mula ? hanggang ?

Ikatlong Tatak: Mula ? hanggang ?

Ikaapat na Tatak: Mula ? hanggang ?

Ikalimang Tatak: Naaangkop sa lahat ng mga martir mula kay Adan hanggang ngayon.

Ikaanim na Tatak: Mula 1755 hanggang sa Muling Pagdating ni Yahushua.

Ikapitong Tatak: Magsisimula sa sandali bago ang pagtunog ng unang trumpeta at tutungo hanggang sa Muling Pagdating ni Yahushua.

Naisulat ang Aklat ng Pahayag matapos maganap ang unang apat na tatak. Dahil dito, ilang detalye ang ibinigay para sa mga kapanahunang iyon sapagkat ang pinakamahalaga para sa huling henerasyon ay ang impormasyong nakapaloob sa ikaanim at ikapitong tatak. Sa mga kapanahunang ito, ang Langit ay hindi tahimik. Nagbigay si Yahuwah ng mga hayagang detalye dahil ang mga ito ay sukdulan ang kahalagahan sa mga nabubuhay sa katapusan ng panahon na binalaan ng mga pangyayari sa ilalim ng huling dalawang tatak na direktang tatama sa kanila.

Unang Tatak

“At nakita kong binuksan ng Kordero ang isa sa pitong tatak, at narinig ko ang isa sa apat na buháy na nilalang na nagsasalita na parang dagundong ng kulog, ‘Halika!’ Tumingin ako, at naroon ang isang puting kabayo. Ang nakasakay doon ay may hawak na pana; binigyan siya ng korona, at lumabas siyang nagwawagi sa laban at magwawagi pa.” (Pahayag 6:1-2, FSV)

Nanonood na si Juan ngunit ang utos ay ibinigay: “Halika!” Anuman ang magaganap, dapat niya itong maramdaman at maunawaan nang malinaw.

Ang nakasakay sa puting kabayo ay mayroong pana. Ang pana ay simbulo ng digmaan. Kawili-wili, gayunman, ang salita para sa “pana” (toxon) ay nagmula sa isa pang salita (tikto) na nangangahulugang “para magdulot” at “para magdala.” Ito “ay ginamit nang matalinhaga ... sa kasakiman gaya ng pagdala ng kasalanan.”7

Ito ay lubos na naaangkop dahil ang unang tatak ay nagsisimula kay Adan, ang unang tao, noong ang kasalanan ay “dinala.” Namuhay si Adan ng halos isang libong taon. Sumunod siya sa utos ni Yahuwah na “Magpakarami kayo at punuin ninyo ng inyong mga anak ang buong daigdig, at kayo ang mamahala nito.” (Genesis 1:28, MBB) Ang kanyang buhay ng mapagpakumbabang pagsisisi sa kasalanan ay isang halimbawa sa mga sumusunod na henerasyon at ang kanyang malakas na pananalig sa pangako ng Tagapagligtas na tubusin at ibalik ang nawala sa kanya ay mga kaparehong pangako na kinakapitan ng mga tao sa pananalig sa mismong panahon na ito. Ang mga pangako ay lumitaw na “mamahala at upang pamahalaan” at gagawin nila hanggang sa huli dahil ang kabutihan ay laging magtatagumpay laban sa kasamaan. Bagama’t hindi natin malalaman kung saan ang eksaktong oras ng ikalawang kapanahunan ay nagsimula, ang una’y nagsimula kay Adan. Ang unang kapanahunang ito kung kailan ang kaalaman ng Manlilikha ay malakas pa sa lupa, ay mabuting kumakatawan sa isang puting kabayo.

Ikalawang Tatak

“Nang buksan ng Kordero ang ikalawang tatak, narinig ko ang ikalawang nilalang na nagsasabi, ‘Halika!’ At isang pulang kabayo ang lumitaw, ang nakasakay doon ay pinahintulutang alisin ang kapayapaan sa daigdig, nang sa gayon ay magpatayan ang mga tao, at siya ay binigyan ng malaking tabak.” (Pahayag 6:3-4, FSV)

Ang utos ay muling ibinigay upang maramdaman at maunawaan ang ipinakita. Ang kabayong ito ay pula. Sa Kasulatan, ang kulay pula ay simbulo ng dugo at ito ay naaangkop na kulay para kumatawan sa susunod na kapanahunan ng kasaysayan ng daigdig. Habang hindi posible na matukoy ang tiyak na punto sa panahon, ito ay malamang naganap kasunod ng kamatayan ni Adan o malapit sa katapusan ng kanyang mahabang buhay. Sa panahong ito, isang dakilang paghihimagsik ang dumating at marami, sa panahon ni Adan, na naging matapat sa Manlilikha, ay tumalikod.

Ang Apat na Kabayo ng Pahayag (Pahayag 6)

Ang unang apat na tatak ay naglabas ng apat na kabayo. Bawat isa’y sinabihan si Juan na “Halika!” Ang utos ay para rin sa atin ngayon: maramdaman at maunawaan ang propesiya.

Ang siping ito ay tila nagpapahiwatig sa panahon noong ang lahi ng masasamang higante ay lumaganap sa lupa. “Napakarami na ng mga tao sa daigdig nang panahong iyon. Nagkaroon sila ng mga anak na babae. Nang makita ng mga anak ng Elohim na ang mga babaing anak ng tao ay magaganda, ang mga ito'y pumili sa kanila ng kanya-kanyang asawa.” (Genesis 6:1-2, MBB) Ang resulta ng ipinagbabawal na pag-iisa na ito ay ang mga higante na “pinahintulutang alisin ang kapayapaan sa daigdig.”

Ang karahasan at matinding kasamaan sa panahong ito ay direktang responsable para sa daigdig na kailangang linisin ng pagbaha.

Nang panahong iyon, may mga higante sa ibabaw ng lupa. Sila ang naging bunga ng pakikipagtalik ng mga anak ng Elohim sa mga anak ng tao. Ang mga higanteng iyon ay tinanghal na mga dakilang bayani at tanyag na tao noong unang panahon.

Nakita ni Yahuwah na laganap na ang kasamaan ng tao sa daigdig, at puro kasamaan na lamang ang palaging nasa isip nito. Kaya't labis na ikinalungkot ni Yahuwah na nilikha pa Niya ang tao. Sinabi Niya, “Lilipulin ko ang lahat ng taong aking nilalang. Lilipulin ko rin ang lahat ng hayop at mga ibon. Ikinalulungkot kong nilalang ko pa ang mga ito.”

Masasama ang lahat ng tao sa paningin ng Elohim at laganap ang karahasan sa lahat ng dako. Ito ang kalagayang nakita ng Elohim sa buong daigdig; namumuhay sa kasamaan ang lahat ng tao. (Genesis 6:4-7, 11-12, MBB)

Ang Aklat ni Enoc ay ipinaliwanag ang karahasang dulot ng mga higante habang sila’y lumalaban at pumapatay ng mga tao at iba pa. Ang kapayapaan ay tunay na inalis mula sa daigdig sa ilalim ng mga higante na inilarawan ng ikalawang tatak.

Ikatlong Tatak

“Nang buksan ng Kordero ang ikatlong tatak, narinig ko ang ikatlong buháy na nilalang na nagsasabi, ‘Halika!’ Tumingin ako at naroon ang isang itim na kabayo, ang nakasakay doon ay may hawak na timbangan. At narinig ko ang parang isang tinig sa gitna ng apat na buháy na nilalang na nagsasabi, ‘Isang takal na trigo para sa isang denaryo, at tatlong takal na sebada, subalit huwag mong pinsalain ang langis at ang alak!’ ” (Pahayag 6:5-6, FSV)

Ang ikatlong tatak ay naglabas ng isang itim na kabayo at isang panibagong pagsisikap ni Satanas na itago ang katotohanan, liwanag, at pag-ibig ni Yahuwah. Sa halip na tabak, ang nakasakay ay may hawak na timbangan sa kamay niya. Ginagamit ang timbangan para sukatin ang trigo sa bigat. Ang bagay ay, ito ay pares ng hindi makatarungang timbangan. Dinaya nila ang mamimili sa ganap na sukat ng trigo dahil ang isang denaryo (salaping pilak) ay para sa isang takal ng trigo at tatlong takal na sebada para sa isang denaryo ay napakamahal sa panahong iyon.

Ang pagkain ay madalas ginamit sa Kasulatan bilang simbulo ng doktrina. Noong sinabi ni Yahushua, “Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa Akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa Akin ay hindi na mauuhaw kailanman. (Juan 6:35, MBB) Ang Kanyang mga tagapakinig ay nalaman nang tiyak ang nais Niya. Posible na ang tatak na ito ay nagpapahiwatig ng kapanahunan kasunod ng pagbaha noong ang kamalian ay lumaganap nang mabilis gaya ng kumakalat na kanser sa balat ng lupa. Ang masamang impluwensya ni Nimrod at kanyang reyna, si Semerimus, kasama ang kanilang masama at mapanghimagsik na sistema ng pananampalataya, ay nagtatag ng dinastiya ng kamalian na maaaring makita sa panahong ito sa kasanayan ng pagpapabanal kay Maria bilang “Reyna ng Langit,” ang pagbibigay ng palamuti sa mga puno ng Kapaskuhan, at marami, marami pang paniniwala na unang itinatag ni Nimrod.

Ang utos na ibigay sa ikatlong mangangabayo, gayunman, ay tiyak: “Subalit huwag mong pinsalain ang langis at ang alak!” Ang langis at ang alak ay parehong simbulo para sa espiritwal na patotoo. Sa panahong ito, habang ang kamalian ay nakakuha ng kapangyarihan at impluwensya, nagtatag si Yahuwah ng Kanyang sariling banal na linya kay Abraham. Ang kaalaman ng Manlilikha ay hindi ganap na nawala mula sa lupa. Iyong mga tunay na nagnanais na malaman at sundin ang katotohanan ay maaari pa ring magawa ito.

Apat na Mangangabayo ng Pahayag 6

Ang unang apat na tatak ay naglabas ng apat na mangangabayo,
kumakatawan sa unang apat na kapanahunan ng makalupang kasaysayan.

Ikaapat na Tatak

“At nang buksan niya ang ikaapat na tatak, narinig ko ang tinig ng ikaapat na buháy na nilalang na nagsasabi, ‘Halika!’ Tumingin ako at naroon ang isang maputlang kabayo, ang nakasakay doon ay may pangalang Kamatayan at ang Hades ay sumusunod sa kanya. Binigyan sila ng kapangyarihan sa ikaapat na bahagi ng daigdig upang pumatay sa pamamagitan ng tabak, taggutom, salot, at mababangis na hayop sa daigdig.” (Pahayag 6:7-8, FSV)

Isang kawili-wiling propesiya mula sa Lumang Tipan tungkol sa Mesias ang naglarawan sa Kanya: “Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kanya.” (Isaias 53:2, ADB) Ang Griyegong katumbas ng salita, chloros na nangangahulugang “sariwang dahon” ay ang pinagmulan ng salitang Ingles na chlorophyll (Tagalog: kloropila). Ito ay kaparehong salitang ginamit upang ilarawan ang ikaapat na kabayo: “’Maputlang berde,’ ang kulay ng batang damo ... ‘bagay na berde,’ kaya, ‘maputla’ ...”8

Si Yahushua ay ang sariwang pananim, isinilang sa pagtatapos ng ikaapat na milenyo, ang Kanyang buhay ay sumasaklaw sa pagtawid sa ikalimang milenyo. Isinuko Niya ang Kanyang sarili na sumalansang sa Kamatayan, ngunit sa paggawa, binago Niya ang talahanayan. “Sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus, nilupig Niya ang mga pinuno at kapangyarihan ng sanlibutan. Ang mga ito'y parang mga bihag na Kanyang ipinarada sa madla bilang katunayan ng kanyang pagtatagumpay.” (Colosas 2:15, MBB) “Ganito ang sinasabi ng Kasulatan: Nang umakyat Siya sa kalangitan, nagdala Siya ng maraming bihag, at nagbigay ng mga kaloob sa mga tao.” “Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?” (Efeso 4:8, MBB; 1 Corinto 15:55, MBB)

At anumang punto sa panahon na ang ikaapat na tatak ay binuksan, ito’y sapat na sumasalamin sa kondisyon ng lupa noong dumating ang Tagapagligtas upang tubusin ang tao. Ipinadala si Yahushua sa pinakamasama sa mga pinakamasama sa panahong ang espiritwal na kadiliman ay halos sinira ang anumang natitirang liwanag. Ang mga Hudyo ay ipinagkatiwala ng dakilang espiritwal na liwanag. Layon ni Yahuwah na ibabahagi nila ito sa mga bansang nakapaligid sa kanila na madalas tumatawid sa Israel sa ruta ng pangangalakal mula hilaga hanggang timog. Gayunman, kasunod ng kanilang pagbabalik mula sa pagkabihag sa Babilonya, ang mga Hudyo ay hindi ibinahagi ang liwanag na taglay nila sa mga bansang nakapaligid sa kanila. Sa halip, sila’y lumubog sa pansariling idolatrya ng pariseikong kaligtasan sa gawa.

Ang pilosopiya at kaalamang Griyego ay pinasama ang mga paaralang Hudyo at naimpluwensya ang bansa sa paraang dati ay hindi pa naririnig. Ang resulta ay ang espiritwal na kamatayan ng marami. Ngunit naapektuhan rin nito ang bansang Hudyo sa pisikal na aspeto rin. Habang ang ilan sa mga Hudyo ay nagsikap na manatiling matapat sa mga sinaunang alituntunin, mula kay Adan, Abraham, at Moises, marami sa kanila ang naging martir sa mapang-aping pulitikal na kapangyarihan (mga halimaw) na namumuno sa Palestino at sa buong mundo.

Ikalimang Tatak

“At nang buksan ng Kordero ang ikalimang tatak, nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga pinaslang dahil sa salita ni Yahuwah at dahil sa patotoong pinanindigan nila. Sumigaw sila nang malakas na nagsasabi, ‘Dakilang Panginoong banal at totoo, kailan mo pa ba hahatulan ang mga naninirahan sa daigdig at ipaghihiganti ang aming dugong dumanak?’ Ang bawat isa sa kanila ay binigyan ng mahabang puting kasuotan at sila'y sinabihang magpahinga ng kaunti pang panahon, hanggang ang bilang ng mga kapwa nila alipin at kapatid ay mabuo; na ang mga ito'y papatayin ding tulad nila.” (Pahayag 6:9-11, FSV)

May mga martir para sa katotohanan simula nang itinaas ni Cain ang marahas na kamay laban sa matuwid na si Abel. Marami sa mga matapat na propeta ng Lumang Tipan ay nakapiling ang kamatayan sa kamay ng mga marahas na tao. Ang pagtatatag at paglaganap ng Kristyanismo, gayunman, ay kinuha ang pagiging martir sa isang ganap na bagong antas. Habang ang mga paganong Romano ay tipikal at lubos na mapagpabaya at tumatanggap ng iba’t-ibang paniniwala, habang ang panahon ay lumilipas at ang dalisay, apostolikong pananampalataya ay naging masama, ang pagkasuklam at pagsira na nadama ng mga Romano para sa mga Kristyano ay lumago at ito’y nagresulta sa pagtaas ng pag-uusig.

Mas masahol pa sa anumang pag-uusig ng mga pagano, gayunman, ay ang pag-uusig sa mga Kristyano ng mga kapwa Kristyano. Ang Obispo ng Roma ay naging isang lider ng simbahan sa marami, ngunit habang siya ay nakakuha ng kapangyarihan at impluwensya, hangad niya na dalhin ang marami pang tao at teritoryo sa ilalim ng kanyang kontrol. Sapilitang siyang nagpapatupad sa gastos ng pagsasakripisyo ng budhi o buhay. Tanging Langit lang ang magpapakita ng hindi mabilang na milyon na mga nagbuwis ng buhay sa despotikong kapangyarihang ito sa pagtanggol sa katotohanan.

Ang mga pangalan ng mga indibidwal na ito ay marahil naglaho sa kasaysayan. Walang nabubuhay na kaluluwa ang makakaalala sa kanila at lahat ng kanilang pagtitiis na manatiling matapat kay Yahuwah. Ngunit sila’y hindi makakalimutan. Ang kanilang mga pangalan ay nakasulat sa Aklat ng Buhay ng Kordero at hawak nila ang isang lubos na espesyal na lugar sa puso ng Ama. Ang ikalimang tatak ay inilagay bilang isang mensahe ng kalinga sa mga tao na ang patotoo ay tinatakan ng kanilang dugo. Maging sa gitna ng mausisang paghuhukom, kumuha si Yahuwah ng oras na magpadala ng isang mensahe ng pag-asa at kalinga. Hindi sila makakalimutan. Sila ay masaganang bibiyayaan para sa anumang bagay na pinanawagan sa kanila na pagtiisan sa lupa.

At ang pangakong iyon ay para rin sa huling henerasyon. Kung sino man sa atin ang tinawagang tatakan ang ating patotoo ng ating dugo, maaaring mamahinga sa ating kaalaman na tayo rin, ay maaalala at gigisinging muli sa huling araw.

naghahanda ang ISIS na pugutan ng ulo ang mga Kristyano sa dalampasigan

Ang mga pagkakakilanlan ng mga ibinigay ang kanilang buhay para sa katotohanan ay hindi maaaring makalimutan.
Ang kanilang mga pangalan ay itinala sa dugo sa mga palad ng Tagapagligtas.

Ikaanim na Tatak

“Nang buksan ng Kordero ang ikaanim na tatak, tumingin ako, at nagkaroon ng malakas na lindol, naging itim ang araw na tulad ng damit-panluksa, at naging parang dugo ang buwang kabilugan; at ang mga bituin sa langit ay nahulog sa lupa tulad ng puno ng igos na naglalaglag ng bubot na bunga kapag niyuyugyog ng malakas na hangin. Nahawi ang langit na parang isang balumbon na ibinabalumbong mag-isa, at naalis sa kinalalagyan ang bawat bundok at pulo.

“Ang mga hari ng daigdig, tagapamahala, mga pinuno, mga mayaman, mga makapangyarihan, ang bawat alipin, at bawat malaya ay nagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok. Sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato, “Mahulog kayo sa amin at ikubli ninyo kami mula sa mukha niya na nakaupo sa trono at mula sa galit ng Kordero; sapagkat dumating na ang dakilang araw ng kanyang pagkapoot, at sino ang makatatagal dito?” (Pahayag 6:12-17, FSV)

Lahat ng mga tatak, kapag binuksan, ay magpapatuloy sa huli. Ang ikaanim na tatak, ay nagsisimula sa lindol sa Lisbon noong 1755, pangunahing nakatutok sa mga pangyayari na nauugnay sa pagsisimula ng panahon ng katapusan at ang panahon ng matinding kahirapan hanggang sa muling pagdating. Bawat isa sa mga mahahalagang pangyayari na kumuha ng atensyon hanggang sa katapusan ng sanlibutan ay binalangkas sa anim na mga bersong ito:

“Malakas na lindol” – Ang Lindol sa Lisbon, Nobyembre 1, 1755

Itim na Araw – Mayo 19, 1780

Mga Bituin sa Langit na Nahulog sa Lupa – Nobyembre 13, 1833

Sa ngayon, hindi pa nahahawi ang langit gaya ng balumbon, gayon din na hindi pa “naalis sa kinalalagyan ang bawat bundok at pulo.” Wala pang nagtatago sa mga yungib at nagsasabi sa mga bato at bundok na mahulog sa kanila. Ang mga pangyayaring ito ay magaganap sa paglitaw ni Yahushua sa muling pagdating. Nagpapatunay ito na ang ikaanim na tatak ay hahantong sa muling pagdating ni Yahushua.

Ang ikaanim na tatak ay sukdulan ang kahalagahan sa huling henerasyon. Bawat isa sa unang apat na tatak ay dalawang berso lamang ang haba. Ang ikalimang tatak ay tatlong berso ang haba. Ang mga pangyayari na magaganap sa ikaanim na tatak, gayunman, ay mas masalimuot dahil ito’y direktang makakaapekto sa mga nabubuhay hanggang sa mismong katapusan. Mas dakilang detalye ang ibinigay kaya walang magugulantang sa sindak.

Ang pitong trumpeta ay ang tagapagbalita ng katapusan ng kasaysayan ng daigdig.
Ang mga ito'y panawagan na ang oras ay halos tapos na.

Ang Pagtatatak

Mayroong pitong tatak, ngunit matapos ang ikaanim na tatak ay binuksan, ang atensyon ni Juan ay kinuha saanman. Anumang susunod na ipinakita sa kanya ay magaganap sa ikaanim na tatak sapagkat ang ikapito ay hindi pa nabubuksan.

Pagkatapos nito, nakakita ako ng apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, at pumipigil sa apat na hangin ng lupa, upang walang hanging makaihip sa lupa, sa dagat, at maging sa anumang puno. Nakita ko ang isa pang anghel na umaakyat mula sa silangan, dala-dala ang tatak ni Yah na buháy, at sumigaw nang malakas sa apat na anghel na binigyan ng kapangyarihang salantain ang lupa at ang dagat. Sinabi niya sa kanila, “Huwag ninyong salantain ang lupa o ang dagat, o ang mga puno, hanggang matatakan na namin sa kanilang noo ang mga alipin ng ating Eloah.” At narinig ko ang bilang ng mga tinatakan—isandaan at apatnapu't apat na libo ang tinatakan, mula sa bawat lipi ng mga anak ni Israel. (Pahayag 7:1-4, FSV)

Ito ay kung ano ang lahat ng tungkol sa mausisang paghuhukom! Iyong mga isinuko ang kanilang mga buhay sa Manlilikha at pinapayagan Siya na isulat ang Kanyang kautusan sa kanilang mga puso ay tatatakan para sa lahat ng walang hanggan! Sila’y sigurado nang ligtas. Ang pagtatatak ay pinanatili sila sa katotohanan kaya hindi na sila maaalog. At hindi lamang huling henerasyon ang tatatakan, kundi ang lahat ng namatay sa pag-asa ng isang Tagapagligtas ay tatatakan rin.

“Pagkatapos nito ay tumingin ako, at naroon ang napakakapal na bilang ng taong hindi kayang bilangin ng sinuman, mula sa bawat bansa, mula sa lahat ng lipi, mga bayan, at mga wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at sa harap ng Kordero, nakasuot ng puting damit at may hawak-hawak na mga sanga ng palma. Sumisigaw sila na nagsasabi, ‘Ang kaligtasan ay buhat sa ating Yah na nakaupo sa trono at sa Kordero!’ ” (Pahayag 7:9-10, FSV)

Sinabi kay Juan na ang dakilang kapal ng bilang ng mga taong ito ay ang naligtas sa bawat henerasyon, mula kay Adan hanggang sa huling sanggol na isinilang sa mundo.

Sinabi ko sa kanya, “Ginoo, ikaw po ang nakaaalam.” At sinabi niya sa akin, “Ang mga ito ang nanggaling sa matinding kapighatian; hinugasan nila at pinaputi ang kanilang mga damit sa pamamagitan ng dugo ng Kordero.

Dahil dito, sila'y nasa harap ng trono ni Yah, at naglilingkod sa Kanya araw-gabi sa Kanyang templo, at sila'y kukupkupin ng nakaupo sa trono.

Hindi na sila magugutom ni mauuhaw man; hindi na sila sasaktan ng sikat ng araw, o ng anumang nakapapasong init.

Sapagkat ang Korderong nasa gitna ng trono ang kanilang magiging pastol, at kanyang aakayin sila tungo sa mga bukal ng tubig ng buhay, at papahirin ni Yahuwah ang luha sa kanilang mga mata.” (Pahayag 7:14-17, FSV)

Muli, ito’y kukunin ang tagpuan ng pagsasagawa tungo sa hinaharap, nagpapakita ng matagumpay, nagdiriwang na resolusyon ng mausisang paghuhukom. Hindi mabilang na kaluluwa ang maliligtas sa sakripisyo ng bugtong na Anak ni Yahuwah. Sapagkat nahulaan dati, “Ang kanyang kamatayan ay handog para sa kapatawaran ng kasalanan. Dahil dito'y mabubuhay siya nang matagal, makikita ang lahing susunod sa kanya. At sa pamamagitan niya'y maisasagawa ang aking panukala. Pagkatapos ng mahabang pagdurusa, muli siyang lalasap ng ligaya; malalaman niyang hindi nawalan ng kabuluhan ang kanyang pagtitiis. Ang tapat kong lingkod na lubos kong kinalulugdan ang siyang tatanggap sa parusa ng marami, at alang-alang sa kanya sila'y aking patatawarin.” (Isaias 53:10-11, MBB)

Ikapitong Tatak

“Nang buksan ng Kordero ang ikapitong tatak, nagkaroon ng katahimikan sa langit nang halos kalahating oras.” (Pahayag 8:1, FSV)

Nang binuksan ang ikapitong tatak, maging ang Langit ay tumahimik gayong ang lahat ng mga gawain ay natigil. Ang mga pangyayari na magaganap sa ilalim ng huling kapanahunang ito ng kasaysayan ng daigdig ay napakataimtim maging ang angelikong intelihensya ay naghihintay nang may bawas na hininga para makita kung ano ang susunod na magaganap.

Si Juan rin, ay napupuno ng mabigat na pag-asa. Ano ang susunod na mangyayari? Ang kasagutan ay darating:

At nakita ko ang pitong anghel na nakatayo sa harap ni Yahuwah, at binigyan sila ng pitong trumpeta.

Isa pang anghel na may dalang gintong lalagyan ng insenso ang dumating at tumayo sa dambana. Binigyan siya ng maraming insenso upang kanyang ialay kasama ang mga panalangin ng lahat ng banal sa gintong dambanang nasa harap ng trono.

At ang usok ng mga insenso, kasama ang mga panalangin ng mga banal, ay umakyat sa harapan ni Yah mula sa kamay ng anghel.

Kinuha ng anghel ang lalagyan ng insenso at pinuno ito ng apoy mula sa dambana at itinapon ito sa lupa. Noon di'y kumulog, nagkaingay, kumidlat at lumindol.

Ang pitong anghel na may pitong trumpeta ay humanda upang hipan ang mga ito. (Pahayag 8:2-6, FSV)

Anumang pangyayari ang susunod, ang mga ito’y tiyak na napakahalaga para hulihin ang atensyon ng lahat sa hukuman ng Langit.

At sila nga. Ang mga mapanglaw na pangyayari na magaganap matapos buksan ang ikapitong tatak ay tungkol lahat sa katapusan ng buhay na nalalaman natin dito sa lupa. Ipapahayag ng mga trumpeta ang paglapit ng pagkahari; papatunugin ng mga ito ang hudyat ng panganib; kukunin ng mga ito ang atensyon sa pag-anunsyo. Ang mga trumpeta na patutunugin sa ilalim ng huling tatak ay gagawin ang lahat ng mga bagay na ito. Ang mga ito’y pinaka-kakila-kilabot na pangyayari sa buong mundo sa panahong iyon. Sa panahong ito ay lilitaw si Satanas, magbabalatkayo sa pagkasakdal ng Tagapagligtas mismo.

Ang pagwawakas ng probasyon at ang huling pitong salot ay magaganap rin sa panahon ng ikapitong tatak. Hindi nakapagtataka na tumahimik ang Langit kapag ang ikapitong tatak ay binuksan! Ang ikapitong tatak, gaya ng ikaanim na tatak bago nito, ay magwawakas sa muling pagdating ni Yahushua.

Ang Katiyakan ng Kaligtasan

Ang mga tatak ay sinigurado ang Aklat ng Buhay. Dahil dito, ang mga ito’y pumaligid sa lahat. Sumasaklaw ang mga ito mula sa paglikha kay Adan, hanggang sa muling pagdating kung kailan ang sagupaan ay matatapos at darating si Yahushua para tanggapin ang sarili Niya. Karamihan sa Kristyanismo ay tinatanggihan ang doktrina ng mausisang paghuhukom, ngunit ito ay naririto! At ito’y nakapaloob sa maraming kabanata sa Pahayag. Ito ay pinakamasaklaw na paksa sa huling aklat ng Bibliya.

Maraming tao ang natakot sa mausisang paghuhukom. Pinapahirapan sila ni Satanas nang may pagdududa at pinapalaki ang kanilang kawalan ng kapanatagan. Binubulong niya, “Ano kung hindi ka pa handa? Ano kung hindi pa naikumpisal o pagsisihan ang bawat kasalanan? Ano kung hindi mo matandaan ang bawat kasalanan? Hindi mo maaaring ikumpisal ang anumang hindi mo natatandaan!”

Ang magandang balita ay ang iyong hukom ay pareho mong matalik na kaibigan at iyong tagapagtanggol na abugado! Siya mismo ay ibinigay ang Kanyang buhay para sa iyo! Dagdag pa, Siya ay makatarungan sa mga argumento na kailangan upang patahimikin si Satanas, ang “mapang-aping abugado.” Ito ay magandang tinukoy sa pangitain tungkol kay Josue at ng Anghel. Si Josue ay ang pinakapunong pari. Pasan niya ang mga kasalanan ng bayan at dahil dito, sa pakahulugan, siya ang kumatawan—o simbulo para sa—indibidwal.

“Ipinakita sa akin ni Yahuwah ang pinakapunong paring si Josue na nakatayo sa harapan ng anghel ni Yahuwah. Siya ay paparatangan ni Satanas na noo'y nasa kanyang kanan.

“Sinabi ng anghel ni Yahuwah kay Satanas, ‘Hatulan ka nawa ni Yahuwah, Satanas. Hatulan ka nawa ni Yahuwah na pumili sa Jerusalem. Ang taong ito ay gaya ng isang patpat na inagaw sa apoy.’

“Nakatayo si Josue sa harapan ng anghel at ang suot ay maruming damit.

“Sinabi ng anghel sa mga naroon, ‘Hubarin ang gulanit niyang kasuotan.’ Bumaling siya kay Josue at sinabi, ‘Nilinis na kita sa iyong kasamaan at ngayo'y bibihisan ng magarang kasuotan.’

“Bumaling muli ang anghel sa kanyang mga inutusan at sinabi, ‘Suotan ninyo siya ng malinis na turbante.’ Gayon nga ang ginawa nila. At binihisan nila si Josue habang nakamasid ang anghel ni Yahuwah.” (Zacarias 3:1-5, MBB)

Ang anghel ni Yahuwah ay tinutukoy ang hindi pa nagkatawang-tao na si Yahushua. Sa tagpuang ito, Siya ang hukom. Si Satanas ay ang akusador ng mga kapanalig. Tumayo siya sa kanan ni Josue upang akusahan siya at ipakita sa hukuman ang mga kasalanan ni Josue sa pinakamasamang posibleng liwanag.

Iyong mga nagbibigay ng parangal [kay Yahuwah] at pinapanatili ang Kanyang mga kautusan ay paksa sa mga akusasyon ni Satanas. Ang kaaway ay gumagawa nang lahat ng kanyang enerhiya upang humantong ang mga tao sa kasalanan. Pagkatapos ay magdadahilan siya sa talaan ng kanilang mga nakaraang pagkakasala, dapat siyang pahintulutang isagawa ang kanyang mala-impyernong kalupitan sa kanila bilang kanyang sariling mga biktima. Sa gawang ito, isinulat ni Zacarias na, “Ipinakita sa akin [ni Yahuwah] ang pinakapunong paring si Josue”—isang kumakatawan sa mga tao na nagpapanatili ng mga kautusan [ni Yah]—“na nakatayo sa harapan ng anghel [ni Yahuwah.] Siya ay paparatangan ni Satanas na noo'y nasa kanyang kanan.”

[Si Yahushua] ang ating Pinakapunong Pari. Nakatayo si Satanas sa harap Niya nang gabi at araw bilang akusador ng mga kapanalig. Sa kanyang mala-maestrong kapangyarihan ay nagpapakita siya ng bawat hindi kanais-nais na tampok ng katangian bilang sapat na dahilan para sa pagtanggal sa nagtatanggol na kapangyarihan [ni Yahushua], kaya nagpapahintulot kay Satanas na pahinain ang loob at sirain ang sinuman para lumikha ng pagkakasala. Ngunit gumawa [si Yahushua] ng pagtubos para sa bawat makasalanan. Maaari ba tayo sa pamamagitan ng pananalig ay marinig ang sinasabi ng Tagapagtanggol, “Hatulan ka nawa ni Yahuwah, Satanas. Hatulan ka nawa ni Yahuwah na pumili sa Jerusalem. Ang taong ito ay gaya ng isang patpat na inagaw sa apoy.”

“Nakatayo si Josue sa harapan ng anghel at ang suot ay maruming damit.” Kaya ang mga makasalanan ay lumitaw sa harap ng kaaway na, sa kanyang mala-maestro, mapanlinlang na kapangyarihan, ay humantong sa kanila na lumayo mula sa katapatan [kay Yah]. Sa kasuotan ng kasalanan at kahihiyan, ang kaaway ay sinuotan ang mga nalupig ng kanyang mga tukso, at pagkatapos ay ipapahayag niya na hindi makatarungan para [kay Yahushua] na maging kanilang Liwanag, at kanilang Tagapagtanggol.9

Ngunit isang tinig ang nagpatahimik sa mga akusasyon ni Satanas, at noong Siya’y nagsalita, ang lahat ay sumunod.

Ngunit, mahirap, nakapagsising mga mortal, pakinggan ang mga salita [ni Yahushua], at maniwala habang ika’y nakikinig: “At sumagot siya (ang akusasyon ni Satanas) at nagsalita sa mga (anghel na) nakatayo sa harapan niya (upang gawin ang kanyang pagtawad), nagsasabi na, Hubarin ang gulanit niyang kasuotan.” Buburahin ko ang lahat ng kanyang paglabag. Babalatan ko ang kanyang mga pagkakasala. Ilalagay ko sa kanya ang Aking pagkamatuwid. “Nilinis na kita sa iyong kasamaan at ngayo'y bibihisan ng magarang kasuotan.”

At [si Yahushua] ay higit pa rito ang ginawa para sa kanila: “Suotan ninyo siya ng malinis na turbante.” Gayon nga ang ginawa nila. At binihisan nila si Josue habang nakamasid ang anghel [ni Yahuwah]. Pagkatapos, tinagubilinan si Josue ng anghel [ni Yahuwah.] Ito ang ipinapasabi [ni Yahuwah] na Makapangyarihan sa lahat: ‘Kung lalakad ka sa aking mga landas at susundin mo ang aking mga utos, pamamahalain kita sa aking templo at sa buong paligid nito. Bukod dito, diringgin ko ang mga dalangin mo tulad ng pagdinig ko sa dalangin ng mga anghel na ito.’ ”

Ito ang karangalan na ipagkakaloob [ni Yahuwah] sa mga sinuotan ng kasuotan ng pagkamatuwid [ni Yahushua]. Sa ganitong pagbibigay ng lakas at pag-asa, paano pa ba magpapatuloy ang tao sa kasalanan?10

Ang mausisang paghuhukom na sumasaklaw sa ganitong detalye mula sa mga tatak ay isang bagay na hindi dapat katakutan! Ito ang huling kaloob ni Yahuwah para ihanda ka sa Langit. Ang ating mabubuting gawa ay maruruming basahan ang katulad (Isaias 64:6). At walang mapanglaw na bagay ang maaari nating gawin tungkol rito. Ngunit si Yahushua ay hindi tayo iiwan sa ating pangangailangan.

Ang maruming kasuotan ay natanggal na; sapagkat sinasabi [ni Yahushua,] “Nilinis na kita sa iyong kasamaan at ngayo'y bibihisan ng magarang kasuotan” (Berso 4). Ang kasamaan ay nalipat na sa inosente, ang dalisay, ang banal na Anak [ni Yah]; at ang mga tao, lahat ay hindi karapat-dapat, mga nakatayo sa harapan [ni Yahuwah] at nalinis mula sa kasamaan, at sinuotan ng ipinagkaloob na pagkamatuwid [ni Yahushua]. O anong pagbabago ng kasuotang ito!

Kinuha Niya ang bawat pagkakasala, at ibinigay sa atin ang Kanyang damit ng pagkamatuwid na hinabi sa habihan ng langit.... Tayo ay pinagtibay sa makalangit na pamilya, at mamanahin natin ang mga mansyon na inihanda para sa mga masunurin.11

Ngayon, tumungo sa iyong pinakamatalik na kaibigan sa lahat na mayroon ka. Kapag gumawa ka ng ganap na pagsuko at pangako, sisiguraduhin Niya na ikaw ay handa na. Iyon ay Kanyang tungkulin, hindi sa iyo. Kapag hindi mo pa nalalaman kung paano isusuko ang lahat, sabihin mo sa Kanya! Hayaan Siyang tumulong sa iyo. Sa anumang lugar na kailangan mo ng tulong, Siya ay nanumpa na ibibigay sa iyo ang lahat ng tulong na kailangan mo.

Tumungo sa Kanya nang may sigaw, “Yahuwah, tulungan mo ako! Mapapahamak ako!”

Ang panalanging ito ay laging makakatanggap ng agarang kasagutan. Ipanalangin na ito ngayon. Huwag pahuhuli. Siya ay nakatayo, naghihintay, nang may bukas na mga kamay upang maligayang salubungin ka.

magkapares na nananalangin


 


1 Arizona Daily Star, Disyembre 20, 1970, http://tucson.com/pioneer-hotel-fire/article_b0b75412-c5e8-11e5-846f-b7da6b43a579.html.

2 http://www.insidermonkey.com/blog/10-longest-prison-sentences-served-by-an-innocent-man-321799/8/

3 http://www.dailymail.co.uk/news/article-2303620/Louis-Taylor-Innocent-man-convicted-starting-Tucson-hotel-went-In-N-Out-Burger-freed-said-believes-U-S-judicial-best-world.html

4 Sa halip na maghintay ng karagdagang dalawa o tatlong taon sa bilangguan upang ang kanyang pangalan ay ipawalang-sala sa isa pang paglilitis. Pinili ni Taylor ang panukalang depensa upang agad na makalaya. Ipinaliwanag niya, “Hindi ko na sila bibigyan pa ng isa pang oras, ni isa pang minuto.” (Ibid.)

5 Ang pangalan ng Manlilikha ay si Yahuwah. Ngunit sa kanyang sermon sa mga Griyego, lumapit si Pablo sa kanila upang dalhin sila sa mas dakilang liwanag. Kaya ginamit niya ang salitang “Theos” o Diyos sapagkat ang pangalang “Yahuwah” ay walang kahulugan sa kanila.

6 E. G. White, Desire of Ages, pp. 637-638.

7 Tikto, #5088, The New Strong’s Expanded Dictionary of Bible Words.

8 Chloros, #5515, Ibid.

9 Ellen G. White, Manuscript 125, 1901, Disyembre 9, 1901.

10 Ibid.

11 Ellen White, That I May Know Him, p. 108.