Print

Ang Milenyo ay Pinapakita ang Pag-Ibig ni Yahuwah Para sa Naligaw!

Ipinapakita ng Kasulatan kung ano ang mangyayari sa mga naligaw sa panahon ng isang libong taon kasunod ng pagbabalik ng Tagapagligtas . . . at inilalabas nito ang lalim ng pag-ibig ng Ama.

Nalalaman ni Satanas na ang pag-ibig ay gumigising sa pag-ibig. Dahil dito, ang kanyang pinaka epektibong paraan upang paghiwalayin ang mga makasalanan sa kanilang Manlilikha ay gawin silang matatakutin sa Kanya.

natakot na babae

Ang katotohanan ng anong mangyayari sa mga makasalanan ay isang malalim, napakagandang patotoo na inilalabas, hindi pa nangyayari bago nito, ang lalim ng walang hanggang pag-ibig ni Yahuwah.

Ano ang susunod na mangyayari?

Kapag bumalik si Yahushua, lahat ng namatay sa pagtitiwala sa mga merito ng Tagapagligtas ay muling bubuhayin, habang ang mga nabubuhay pa ay babaguhin “sa isang saglit, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta.” (1 Corinto 15:52, FSV)

Ang susunod na katanungan ay: Ano ang mangyayari sa mga naligaw? Tuluyan ba silang mapupuksa sa pagdating ni Kristo?

Ang patotoo ay napakaganda at kagulat-gulat: habang ang mga hinirang ay mamumuhay at mamumuno kasama si Kristo sa loob ng isang libong taon, ang mga naligaw ay may isang huling pagkakataon para magsisi.

Kung ang tunog nito ay erehya, magpatuloy sa pagbabasa, dahil ito ay napatunayan sa Kasulatan.

Masdan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig ...

mga anak ng taoAng mga propeta ng Lumang Tipan ay mayroong natatanging pagkakaunawa ng katangian ni Yahuwah. Habang ang kanilang mga propesiya ay madalas may kaugnayan sa kaparusahang nag-aabang sa mga tumalikod, mayroon din silang malinaw na pagkakaunawa ng banal na pag-ibig sa mga makasalanan. Ipinahayag ni Jeremias:

Sapagka’t si Yahuwah ay hindi magtatakuwil magpakailan man.
Sapagka't bagaman Siya'y nagpapapanglaw,
Gayon ma'y magpapakita Siya ng habag
Ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga kaawaan.
Sapagka’t Siya'y hindi kusang dumadalamhati,
O nagpapapanglaw man sa mga anak ng mga tao.
(Tingnan ang Mga Panaghoy 3:31-33.)

Ipinaliwanag ni Yahushua ang saloobin ng Ama sa mga makasalanan sa isang talinghaga ng nawalang tupa, tinatapos: “Sinasabi ko sa inyo, sa gayunding paraan, magkakaroon ng higit pang kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisi kaysa siyamnapu't siyam na matutuwid na hindi nangangailangan ng pagsisisi.” (Lucas 15:7, FSV)

Sa pamamagitan ni Isaias, ipinahayag ni Yahuwah:

Ako’y napagsasangunian ng mga hindi nagsipagtanong tungkol sa Akin;
Ako’y nasusumpungan nila na hindi nagsihanap sa Akin:
Aking sinabi, “Narito Ako, narito Ako,”
Sa bansa na hindi tinawag sa Aking pangalan.
Aking iniunat ang Aking mga kamay buong araw sa mapanghimagsik na bayan,
Na lumalakad sa daang hindi mabuti,
Ayon sa kanilang sariling mga pagiisip. (Isaias 65:1-2, ADB)

Naghahangad si Yahuwah na marami ang maligtas hangga’t posible. Bago ang panghuling pagsasagawa ng katarungan, sa katapusan ng milenyo, Siya ay magbibigay ng isang huling pagkakataon para sa mga makasalanan na maligtas.

Nakagapos si Satanas sa loob ng 1,000 taon

Ang pagkakasala ay nalalamang mas malala kaysa sa pagkakasala mula sa panlilinlang. Ito ay kung bakit, bagama’t unang nagkasala si Eba, ang kasalanan ni Adan ay ang pinakadakila. Nalinlang si Eba. Nalalamang nagkasala si Adan.

Nalalaman ni Yahuwah ang laki ng mga panlilinlang ni Satanas at nalalaman Niya na may ilan na magsisisi kung ang kanilang mga kaisipan ay maaaring makita ang patotoo. Sa pagsisimula ng isang libong taon, igagapos Niya si Satanas:

Pagkatapos ay nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit, dala ang susi ng walang hanggang kalaliman at ang isang malaking tanikala. Sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diyablo at Satanas, at iginapos niya ito ng sanlibong taon. Itinapon niya ito sa walang hanggang kalaliman, isinara niya ito at tinatakan sa ibabaw, upang hindi na ito makapanlinlang ng mga bansa, hanggang sa matapos ang sanlibong taon. Pagkalipas nito ay pakakawalan siya sa maikling panahon. (Pahayag 20:1-3, FSV)

nakagapos si SatanasAng mga binagong hinirang ay tuluyan nang malaya mula sa mga delusyon ni Satanas. Pinahintulutan nila si Yahuwah na isulat ang Kanyang kautusan sa kanilang mga puso at ganap silang sumalamin sa banal na larawan. Ang mga tao lamang na maaaring malinlang ay ang mga dating pinigilan mula sa kaalaman at pagtanggap sa patotoo. Ang isang libong taon ay binibigyan ang mga mahahalagang kaluluwang ito ng pinakahuling pagkakataon na tanggapin ang kaligtasan.

Ipinaliwanag ni Isaias ang pagkawasak na magaganap sa panahon ng ikapitong salot:

Kaya't nilamon ng sumpa ang lupa,
At silang nagsisitahan doon ay nangasumpungang salarin;
Kaya't ang mga nananahan sa lupa ay nangasunog,
At nangagilan ang tao. (Isaias 24:6, ADB)

Ang nangagilan ay hindi pareho sa wala. Inilarawan ni Juan ang matuwid bilang “ang napakakapal na bilang ng taong hindi kayang bilangin ng sinuman, mula sa bawat bansa, mula sa lahat ng lipi, mga bayan, at mga wika.” (Pahayag 7:9, FSV) Malinaw, ang “nangagilan” na nabanggit sa Isaias ay maaari lamang tumukoy sa mga tao na hindi pa gumawa ng huling pasya.

Isang huling pagkakataon

Ang Zacarias 14 ay naglalaman ng isang kahanga-hangang propesiya na nagpapakita ng mga pagsisikap ni Yahuwah maging sa panahon ng isang libong taon, upang bigyan ang mga kaluluwang ito ng isang huling pagkakataon.

At mangyayari, na bawa’t maiwan, sa lahat na bansa na naparoon laban sa Jerusalem ay aahon taon-taon upang sumamba sa Hari, si Yahuwah ng mga hukbo, at upang ipangilin ang mga Kapistahan ng mga Balag.

At mangyayari, na ang sinoman sa mga angkan sa lupa na hindi umahon sa Jerusalem upang sumamba sa Hari, si Yahuwah ng mga hukbo, sila’y mawawalan ng ulan. At kung ang angkan ng Egipto ay hindi umahon at hindi pumaroon, mawawalan din ng ulan sila, magkakaroon ng salot, na ipinanalot ni Yahuwah sa mga bansa na hindi magsisiahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga balag. Ito ang magiging kaparusahan sa Egipto, at kaparusahan sa lahat na bansa na hindi magsisiahon upang ipagdiwang ang Kapistahan ng mga Balag. (Zacarias 14:16-19)

Sa pagkakagapos sa kapangyarihan ni Satanas na manlinlang, ilan sa mga naligaw na kaluluwa ang magsisisi, tatanggapin ang kaligtasan, at sa pasasalamat, tutungo sa upang sambahin si Yah bawat taon sa Pista ng mga Balag o Tolda. Iyong mga walang tigil sa pagtanggi, ay mahahanap na si Yahuwah ay ipagkakait ang mga pagpapala na makukuha lamang ng mga sumunod.

Ang milenyo ng kapayapaan ay ang panghuling tangka ni Yah na maabot ang mga naligaw. Siya’y naghahangad na iligtas ang bawat kaluluwa na isinilang. Habang marami ang mananatiling matigas at mapanghimagsik, may mga mahahalagang kakaunti na, lumaya mula sa impluwensya ni Satanas, ay makikita ang pag-ibig ni Yah at tatanggapin ang kaligtasan. Kapag ang isa ay inibig sa lawak na iyon, sino pa hindi magbabalik ng pag-ibig na iyon?

“Masdan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig na ibinigay sa atin ng Ama, upang tayo'y tawaging mga anak ni Yah.” (Tingnan ang 1 Juan 3:1.)

ama at anak