Print

Ang Milenyong Templo ng Ezekiel 40-48

1/Kami’y sabik na ibahagi ang pagkaunawa sa Milenyong Templo ng Eze 40-48. Kinuha namin ang mga detalye sa 8 kabanata ng maluwalhating templo nang literal, sapagkat si Yahuwah ay hindi ibinibigay ang mga detalye kaya ang Kanyang baya’y maaaring hindi pansinin o espiritwalisahin.

— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 27, 2021

2/Ang mga detalye’t simbulo ng pangitain sa templo’y ibinigay nang walang anumang paliwanag, saanman sa Kasulatan, kung kailan ang simbolohiya’y ginamit, isang paliwanag ang ibinigay sa mga simbulo. Dahil dito, walang basehan para sa hindi literal na paliwanag sa Eze 40-48.

— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 27, 2021

3/Ang pangunahing layunin sa isang literal na paliwanag ng templo’y sanggunian sa pag-aalay ng mga hayop na ‘kabayaran’ sa kasalanan. Iyong mga tumanggi sa literal na paliwanag na tinukoy ang mga pag-aalay na iyon bilang mapanglait na salungat sa natapos na gawa ni Kristo.

— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 27, 2021

4/Hindi lamang si Ezekiel ang propeta na nakahula ng mga pag-aalay sa Milenyo. Apat pang propeta’y binanggit ito: Isa 56:7, 66:20-23; Jer 33:18; Zac 14:16-21; Mal 3:3-4. Kaya apat pang propeta’y kinumpirma ang literal na paliwanag ng templo.

— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 27, 2021

5/Tanong namin: ano ang layunin ng pag-aalay sa hinaharap sa Milenyong Templo? Bago sagutin, tandaan natin na sa sistemang Mosaiko hindi lahat ng alay ay nakaturo sa kamatayan ni Kristo. Karamiha’y para sa paglilinis ng kaparian at mga bagay na ginamit sa iba’t-ibang ritwal.

— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 27, 2021

6/Ang kailangan para sa mga ritwal ng pag-aalay sa Milenyong Templo’y nagiging malinaw kapag tinandaan natin ang pangako ni Yahuwah kay Ezekiel na SIYA ay mananahan sa Templo. Sapagkat SIYA ay Banal. Upang magsilbi sa templo, ang mga bagay at kaparian ay dapat linisin.

— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 27, 2021

7/Pagkatapos ng Milenyo, kapag ang Makalangit na Jerusalem ay bumaba mula sa Langit, at ang bagong lupa at bagong langit ay nilikha [Pah 21:1; Isa 66:22], wala nang templo. Dahilan: ang mundo’y may mga imortal na lamang. Gayunman, sa Milenyo ang mga makasalanan ay iiral.

— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 27, 2021

8/Bago ang pagbabalik ni Kristo, na nahulaan mismo ni Kristo at Pablo [Mat 23:39; Rom 11:25-26], maraming Hudyo’y magsisisi’t magtatapat ng pananalig kay Yahushua bilang kanilang Mesias. (Nalaman natin ang kaganapan na magdudulot ng pagbabagong ito.)

— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 27, 2021

9/Hindi lahat ng mga Hudyo sa pagbabalik ni Kristo ay makakamit ang pagka-imortal. Ilan sa mga rebeldeng Hudyo’y nananatili sa Israel kapag si Kristo’y namuno sa pagtatayo ng Milenyong Templo na kanyang himpilan, mula rito’y mamumuno siya, kabilang ang mga hinirang.

— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 27, 2021

10/Ang presensya ng makasalanang mortal sa panahon ng Milenyo ay kailangan ang pagsasagawa ng pag-aalay, para matiyak ang paglilinis ng kaparian [mga anak ni Zadok] at mga bagay sa Templo. Tanging sa malinis na Templo maaaring dumalo ang kaluwalhatian ni Yahuwah.

— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 27, 2021

11/Ang patotoo na ang Milenyong Templo [mga detalye sa Eze 40-48 ay ginawang mas dakila’t maluwalhati sa naunang 2 templo] ay itatayo ni Kristo sa Kanyang pagbabalik, ibig sabihin na anumang plano ng mga rebeldeng Hudyo na muling ibalik ang templo ni Herod ay hindi matutupad.

— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 27, 2021

12/Isang hangal na hindi kunin ang Bibliya nang literal. Ipinakahulugan ni Yahuwah ang sinasabi Niya at sinasabi ang ipinakahulugan Niya. Bilang matapat na mortal, tumatalima tayo’t isunod ang ating buhay sa literal na kahulugan ng ipinakita Niya. Kung hindi ay isang kabaliwan.

— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 27, 2021

13/Kakaunting tagasunod ni Yahuwah ang naniwala na ang katapusan ay ipinakita sa atin sa aklat ng Pahayag, lalo na ang 7 trumpeta. Dahil ang paglalarawan ay nakagugulantang, ang Kristyano’y piniling iwasan ito o mas malala’y angkinin na naganap na ang mga ito.

— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 27, 2021

14/Anong maaaring isipin natin sa mga Trumpeta’y hindi mababago ang plano ng Ama ukol sa pagpapatunog ng mga ito. Malaking kawalan kung marahas nating hahayaan ang anumang ipinakita sa atin nang madetalye. Subalit karamiha’y ganap na hindi alintana ang mga Trumpeta.

— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 27, 2021

15/Ganon din, kung iiwasan ang Eze 40-48 dahil tinukoy ang pagtatatag ng pag-aalay para magbigay ng pagsisisi’t paglilinis para sa kaparian ng Templo, nang walang pagkaunawa na ang pagsisisi’y di lang kalinisan mula sa kasalanan kundi seremonyal na paglilinis ay nakalulungkot.

— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 27, 2021

16/Sabi sa Hebreo 10:4: “Hindi kayang pawiin ng dugo ng mga toro at ng mga kambing ang mga kasalanan.” Ngunit ang mga Leviticong pag-aalay sa sistemang Mosaiko ay sinabi na “itutubos”, [Lev 4:20,26,31]. Mapanglait ba na angkinin ang pagsisisi sa pag-aalay ni Kristo sa hinaharap?

— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 27, 2021

17/Hindi. Kapag malinaw nating naunawaan na ang ‘pagtubos’ ay di lamang paglilinis mula sa kasalanan, kundi pagbabalot din. Ang kamatayan ni Kristo’y tiniyak ang gawa ng paglilinis. Ang pag-aalay nama’y tiniyak ang seremonyal na paglilinis sa Templo dahil sa nagkasalang mortal.

— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 27, 2021

18/Pinupuri namin si Yahuwah sa pangunguna sa amin sa mas malinaw na pagkaunawa ng Milenyong Templo, at hindi hinayaang matisod sa pag-aalay sa hinaharap, isang katunayan na humantong sa marami na tanggalin ang huling 8 kabanata ng Ezekiel. Nawa’y walang hahamakin ang Kasulatan.

— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 27, 2021