Ang dahas ay isang tuntunin ng kaharian ni Satanas. Ito ay palagi at magpapatuloy sa paggamit ng mga pwersa ng kasamaan hangga’t nandyan ang sinuman na maninindigan para sa patotoo at pagkamatuwid sa pagsalungat sa kamalian.
Umaapela si Yahuwah sa mga nakakaunawa. “Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y magkatuwiranan,” ang Kanyang mapagpalang imbitasyon na naitala sa Isaias 1:18. Ang katotohanan ay may kalakasan na ang malinaw at bukas na pag-aaral ay kinakailangan para makumbinsi ang matapat na kaisipan.
Ang kamalian, sa kabilang dako, ay mahina. Kapag ang pambobola, panunuhol at pagbabanta ay nabigo, ang dahas ay ang panghuling paraan na gagamitin para pilitin ang budhi at baluktutin ang kalooban. Ang kasaysayan ay naglalaman ng madilim na talaan ng kasamaan na isinagawa ng mga tao sa kapwa niya – lahat sa ngalan ng relihiyon. Tanging sa Langit lang nalalaman ang abot ng paghihirap at pagdurusang naranasan ng milyun-milyon na nanatiling matapat sa kanilang Tagapagligtas.
Ang paggamit ng dahas upang pilitin ang budhi ay hindi lamang isang labi ng kasaysayan, isang maalikabok na talababa sa isang madilim, barbarikong panahon. Sa halip, ito’y nananatiling isang mahalagang tuntunin ng isang hindi nagsisising Simbahang Katoliko. Ang “karapatan” na pilitin ang isang tao sa kasalanan laban sa kanyang budhi upang iligtas ang kanyang buhay ay isang doktrina na patuloy na pinanghahawakan ng kapangyarihang halimaw na ito.
Ang mga sumusunod ay isang bahagyang paglilista ng iba’t ibang pamamaraan na ginamit ng kapapahan para pilitin ang budhi. Habang ito ay isang nakakasuyang rebelasyon ng ano ang maaaring gawin ng tao sa ilalim ng impluwensya ng mga demonyo, ay gayunman, isang matagumpay na patotoo sa kapangyarihan ni Yahuwah na panatilihin ang nararapat sa Kanya. Iyong mga nabubuhay sa mga huling araw ng kasaysayan ng daigdig ay dapat na may kamalayan na ang tuntunin ng dahas ay nagpapatuloy na itinatanging doktrina ng Simbahang Katoliko sa maraming panahon na hindi pa rin nagbabago ang Katolisismo. Hindi rin nabawasan ang kapangyarihan ni Yahuwah upang protektahan ang mga nakatuon sa Kanyang kalinga.
---------------------
Ang terminong ginamit sa isang institusyon ng Simbahang Katoliko ay unang pinamagatang “Ang Kataas-taasang Sagradong Kongregasyon ng Romano at Pangkalahatang Ingkisisyon.” Ang “Banal na Opisina” na ito, sapagkat nalalaman, ay tiyak na nilikha para labanan ang anumang pagtuturo na sumasalungat sa doktrina ng Romano Katoliko, lalo na ang anumang pagtuturo na sumasalungat sa paniniwala na ang mga Katolikong sakramento, ay kinakailangan para makamit ang kaligtasan at maggawad ng pagpapala.
Ito’y nagsimula noong 1203 A.D.
Si Pope Innocent III.
Hindi bababa sa 50 milyong lalaki, babae at bata ang walang awang pinatay ng opisina ng simbahang ito, na may ilang pagtatala na kasing-taas ng mga 100 milyon. Ang Ingkisisyon ay pinatay ang mga Hudyo, Protestante, katutubo at maging ang ibang Katoliko. Mula sa isinilang para maging prinsipe, hanggang sa abang pesante, walang hindi kasali mula sa brutal na kapasidad nito.
Ang kredito para sa pagtatatag ng pagpapahirap bilang bahagi ng Ingkisisyon ay mapupunta kay Pope Innocent IV, na nagpatupad ng kautusang Ad extirpanda, na nagtatakda ng paggamit ng pagpapahirap sa Ingkisisyon para sa layunin ng pagkamit ng mga pag-amin mula sa mga “erehe.”
Ang unang biktima ng kagimbal-gimbal na Ingkisisyon ay ang mga Albigenses, na namumuhay sa katimugang bahagi ng Pransya. Sila ang unang tinamaan dahil pinanghahawakan nila ang Biblikal na paniniwala na ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ni Yahushua at hindi sa pagsasagawa ng mga sakramento, o kaligtasan sa mga gawa.
Mayroong 75 sunud-sunod na papa ang nagpatupad ng Ingkisisyon nang malakas, bawat isa’y nagdadagdag ng isang kasangkapan ng pagpapahirap. Mahalaga na tandaan na wala kahit isa sa mga papa na ito ang tumuligsa o hindi sumang-ayon sa paggamit ng pagpapahirap para makuha ang pag-amin.
Ang pinakamalupit ay ang Ingkisisyong Espanyol. Ang Ingkisisyong ito ay itinatag ng Katolikong reyna, si Isabella. Sapagkat ang sinuman ay maaaring tuligsain bilang erehe at, kung natagpuang nagkasala, ang kanilang pag-aari ay kukunin, ginamit niya ito bilang paraan ng pagpopondo ng kanyang mga pagsaliksik sa Bagong Mundo.
Ang tuntunin na nagbibigay-diin sa Ingkisisyon ay ang maling paniniwala na ang papa ay mayroong dakilang kapangyarihan sa buhay at kamatayan. Kaya dahil dito, ang sinumang sumuway sa papa ay dapat na subukan at pahirapan hanggang mamatay kung hindi siya tumalikod.
Narito ang ilan sa mga pinaka kasuklam-suklam na kasangkapan ng pagpapahirap. Pero bago namin gawin ito...
“Ang salalayan ay karaniwang itinuturing na pinakamasakit na paraan ng medyebal na pagpapahirap. Ito ay isang kuwardro na gawa sa kahoy na kadalasang mataas sa lupa na may dalawang lubid sa nasa ibaba at dalawa pang nakatali sa hawakan sa itaas.
“Ang tagapagpahirap ay iniikot ang hawakan na magdudulot sa lubid na hilahin ang mga braso ng biktima. Sa huli, ang mga buto ng biktima ay malilinsad sa isang malakas na lagot. Kapag ang tagapagpahirap ay patuloy pang inikot ang mga hawakan, ilan sa mga biyas ay magugutay, kadalasan ang braso.
“Ang paraang ito ay kadalasang ginamit para kumatas ng mga pag-amin, sapagkat ang hindi pag-amin ay nangahulugan na ang tagapagpahirap ay maaari pang mag-inat. Minsan, ang mga tagapagpahirap ay pinilit ang kanilang biktima na panoorin ng ibang tao habang pinapasakit ng kasangkapang ito para magtanim ng sikolohikal na takot.
“Minsan ang pamamaraang ito ay limitado sa pagbabali ng ilang buto, ngunit ang tagapagpahirap ay madalas sumasagad at iginawad ang mga binti o braso (minsan ay pareho) na wala nang silbi. Sa huling bahagi ng gitnang panahon, ilan sa bagong baryente ng instrumentong ito ang lumitaw. Mayroon nang mga patusok na tatagos sa likod ng biktima – habang ang mga biyas ay hinihila, ang gulugod niya din ay pinapataas hindi lamang ang pisikal na sakit, kundi ang sikolohikal na sakit din ng pinapahirapan.”1
“Kung ang sunog ay napakalaki na, ang kamatayan ay unang nagaganap sa kawalan ng paghinga sa halip na sa pinsala na gawa mismo ng apoy. Gayunman, ito ay isang nalalamang katunayan at ang mga biktima ay sinusunog sa isang maliit na apoy kaya sila’y “maghihirap hanggang katapusan.” Kapag ang apoy ay maliit, nagaganap ang kamatayan dahil sa kawalan ng dugo o sa isang heatstroke na maaaring maganap matapos ang ilang oras.”2
“Sa paraan ng pagpapahirap sa gulong, ang mga braso at mga binti ng biktima ay itinali sa rayos ng gulong na kahoy na dahan-dahang pinapaikot. Ang isang ingkisitor ay gagamit ng isang bakal na maso para baliin ang kanyang mga buto habang ang gulong ay pinapaikot. Ang mga biktima ay kadalasang iniiwan sa umiikot na gulong upang pahirapan hanggang sa napakasakit na kamatayan.”3
“Ang Upuan ni Hudas ay isang hugis piramideng upuan. Ang biktima na kinakausap na ikumpisal ang mga kasalanan laban kay Kristo ay inilalagay rito, habang ang dulo ay inilalagay sa butas ng rektal o kaluban. Pagkatapos, habang patuloy ang pagtatanong, ang ingkisitor ay dahan-dahang ibinababa ang biktima at patuloy hanggang sa punto na ang mga lubid ay nasa taas na ng ulo.
“Ilang mga teorya ay nagpapahiwatig na ang layong epekto ay ihatak ang butas sa mahabang oras, o dahan-dahang itusok. Ang biktima ay kadalasang nakahubad, nagdadagdag sa kahihiyan na tinitiis na.”4
“Ito ay nilagyan ng mga patusok sa loob na tutusok sa iba’t ibang bahagi ng katawan ngunit hindi tatagos sa mga mahahalagang bahagi ng katawan upang mapanatiling buhay ang biktima, nakabitin nang tuwid, at patuloy na naghihirap hanggang tuluyang makuha ang hiling at mamatay. Ang kasangkapang ito ay parehong bukas mula sa harapan at mula sa likod nang hindi makakayang makalabas ng biktima. Ang lalagyan ay makapal kaya walang sigaw ang maririnig mula sa labas maliban kung bukas ang mga pintuan.”5
Ang mga butas sa ilalim ay hinahayaan ang dugo at iba pang likido sa katawan na maubos.
“Ang ulo ay nakalagay sa ilalim ng pantaas na takip at ang baba ay nasa ibabang bareta, ang itaas na turnilyo ng kagimbal-gimbal na kasangkapang ito ay marahan na iniikot, pinipiga ang bungo nang napakahigpit. Una ang mga ngipin ay masisira, mabibiyak at madudurog sa panga. Pagkatapos ang mga mata ay kukurutin mula sa mga saksakan – ang ilang bersyon ay mayroong mga espesyal na lalagyan para saluhin ang mga ito. Panghuli, ang mga bali ng bungo at ang mga nilalaman ng ulo ay pilit na ilalabas. Sa mga maagang yugto, ang tagapagpahirap ay maaaring panatilihin ang ulo na mahigpit na ibunton at tamaan ang bakal na gora sa tamang oras; bawat dagok ay umaalingawngaw ng sakit sa buong katawan ng biktima.”6
“Ang kagamitang ito ay madalas ginamit upang patahimikin ang biktima tungo sa pagliliyab sa istaka, kaya hindi mailalabas kung anong naganap sa silid ng pagpapahirap o ipagtanggol ang kanilang sarili sa anumang paraan.”7
“Ang tubo ng buwaya ay hindi pangkaraniwan, ngunit ginamit ito para patayin ang maraming hindi nananampalataya at magnanakaw.
“Ang biktima ay inilagay sa loob ng tubo na sapat ang butas para ipasok ang biktima. Ang tubo, na mayroong mga patusok gaya ng mga ngipin ng buwaya, ay mabagal na hinihigpitan kaya nag-iiwan sa biktima na ganap na hindi na makagalaw. Ang tagapagpahirap ay maaari lamang makita ang kanyang mukha at mga paa.
“Sa tulong ng karbon at apoy sa ilalim ng tubo, ang tagapagpahirap ay mabagal na pinainit ang tubo hanggang makuha niya ang pag-amin o mapatay ang biktima. Ang dating kagamitang ito ay laganap, sapagkat ito ay isa sa pinakamabagsik at pinakamasakit na pagpapahirap na ginamit sa sangkatauhan.
“Dahil ang mukha at mga paa ay nakalabas, ang tagapagpahirap ay gagawa pa ng masasakit na sugat sa biktima. Ang pagsusugat sa mukha at pagpupunit sa binti ay ang mga piniling gawin.”8
“Ang nakahubad na biktima ay ilalagay sa matalas na parang piramideng bagay, gaya ng pagsakay sa buriko. Ang tagapagpahirap ay maglalagay ng mga magagaang pampabigat sa mga paa ng biktima hanggang sa pinakamabibigat na mabagal na hahati sa tao! Isang napakasakit na kasangkapan!”9
“Ito ay hugis peras na kagamitan, gawa sa apat na bakal na dahon na magkasama sa isang bisagra sa itaas nito, at isang susi o pihitan sa kabilang dulo nito. Ang peras ay ipinapasok sa kaluban, rektal o lalamunan, depende sa kalikasan ng nagawang krimen: Ang kasangkapang oral ay para sa mga erehe, habang ang rektal at kaluban na kasangkapan ay ginamit sa mga homosekswal at mga mangkukulam. Ang pag-ikot ng susi at binubuksan ang mga dahon, nagdudulot ng matinding panloob na pinsala. Ang kagamitan ay bihira na nakamamatay, ngunit iba pang pamamaraan ng pagpapahirap ay madalas sumusunod.”10
“Ang pagtatalop ay nangangahulugan na pagbabalat (pagtatanggal ng balat mula sa katawan ng tao. . . ). Bilang pagbitay at paraan ng pagpapahirap, ang pagtatalop ng mga tao ay isinagawa, syempre, habang sila’y nabubuhay pa. Kung ito ay pagpapahirap nang walang kamatayan, iilang bahagi lamang ng katawan ang tinanggal. Gayunman, kung ang biktima ay hinatulan ng kamatayan sa pagtatalop o sila’y nahuli ng mga kaaway, kamatayan ang layunin ng kasanayang ito at madalas na maraming balat ang napunit na.”11
“Ang kagimbal-gimbal na kasangkapang ito ay ginamit sa karamihan sa Europa sa Gitnang Panahon. Ito ay lubos na simpleng instrumento na ginamit para punitin ang balat ng biktima. Dahil sa hugis nito, maging ang mga buto at kalamnan ay hindi rin ligtas.
“Ang biktima ay nakahubad at nakatali kaya siya ay ganap na walang magagawa. Pagkatapos ang mga tagapagpahirap ay sinisimulan (minsan na pampubliko) ang gawa ng pagsusugat sa biktima. Sila ay madalas na nagsisimula sa mga binti at mabagal na lilipat sa dibdib, likod, leeg at panghuli sa mukha.
“Sa kabuuan, ang Pangkiliting Espanyol o Pangkalmot ng Musang, ay walang iba kundi isang pagpapalawig sa kamay ng tagapagpahirap. Ang mga patusok nito ay napakatalas na upang punitin ang anumang bagay sa kanilang landas.”
“Ang pangsibak sa tuhod ay isang sinaunang anyo ng pagpapahirap kung saan ang dalawang tabla, ang bawat isa ay may mga patusok mula 3-20 bilang, at inilalagay sa magkabilang gilid ng tuhod ng biktima. Ang mga tabla na konektado ng dalawang malaking turnilyo sa magkabilang-gilid ay ang humahawak sa posisyon nito sa paligid ng tuhod. Ang mga turnilyo ay iikutin, mabagal na pinaglalapit ang mga tabla at pinipilit ang mga pantusok sa binti. Ito’y babaon sa laman at, habang lumalalim, pinipinsala ang mga buto sa loob, sinusugat ang binti at nag-iiwan ng permanenteng pinsala. Sa kabila ng pangalan nito, ang pangsibak sa tuhod ay maaaring gamitin sa anuman na magkakasya ito. Ang pagpapahirap na ito ay hindi palaging mag-isang ginagamit at sa katunayan ay madalas sinasamahan ng maraming ibang pagpaparusa gaya ng pagliliyab, pag-iipit, pagpapako, at marami pang iba.”12
“Naimbento at ipinangalan kay Skevington na isang Briton. Ito ay alternatibong tinawag bilang posas ni Skeffington. Ang aparato ay naglalaman ng isang aro ng bakal na may bisagra sa gitna. Ang biktima ay mapipilitang lumuhod sa isang kalahati ng aro habang ang ibang kalahati ay inikot at inilagay sa likod niya. (Isipin kung paano ilagay sa isang napakalaking pulutong ng mga pustisong bakal.) Ang tagapagpahirap ay gagamitin ang isang turnilyo upang higpitan ang bisagra, dudurog at dudurog sa biktima hanggang sa kanyang kusang loob na pagluhod. Sa huli, ang mga buto sa dibdib ay mabibiyak at ang gulugod ay mawawala sa ayos. Minsan pa nga ang paghihigipit ay napakadakila kaya ang dugo ay dadanak mula sa dulo ng mga darili at mukha. Si Reyna Elizabeth ng Inglatera ay ginamit ang kasangkapang ito laban sa mga Protestante na inakusahan niya ng pagtataksil sa bayan.”13
“Ginamit bilang paraan ng pagpaparusa sa mga kababaihan, ang pangtastas ng dibdib ay isang napakasakit at malupit na paraan para sugatin ang dibdib ng babae. . . . Ang mga kuko ay ginamit na mainit o malamig sa lantad na dibdib ng biktima. Kung ang biktima ay hindi namatay, siya ay habangbuhay na may pilat sapagkat ang kanyang dibdib ay literal na nagutay.”
“Isang karaniwang baryante ng pangtastas ng dibdib ay madalas tinatawag na gagamba na isang parehong instrumento na dinidikit sa isang pader. Ang dibdib ng biktima ay nakapirmi sa mga kuko at ang babaeng biktima ay hinihila ng tagapagpahirap palayo sa pader; matagumpay na nagtatanggal sa kanila.”14
“Kapag kinailangan lamang na tatakan ang isang salarin sa kadustaan, siya ay ilalagay sa Medyebal na Pilorya, na karaniwang isang uri ng entabladong bitayan nang may mga kadena at mga bakal na panliig, at dinadala sa harapan nito ang mga sandata ng pyudal na panginoon. Sa Paris, ang pangalang ito ay ibinigay sa isang bilog na nag-iisang tore na itinayo sa gitna ng pamilihan. Ang tore ay may taas na 60 talampakan, at mayroong mga malalaking bukasan sa makapal na pader nito, at isinama ang isang pahigang gulong, na umiikot sa pinaglulunduan nito. Ang gulong na ito ay tinusukan sa mga butas nito, ginawa upang hawakan ang mga kamay at ulo ng kriminal, na sa pagdaan at muling pagdaan sa harap ng madla, nakita sa ganap na tanaw, at sumailalim sa kanilang mga paghiyaw at mga panunuya. Ang mga pilorya ay palaging inilalagay sa pinakamadalas puntahang mga lugar, gaya ng mga pamilihan at mga daanan.”15
“May bigat na higit sa 11 libra, ang panliig na ito ay hinigpitan sa leeg at nanahan sa mga balikat. Unang ginamit para sa pagpapahirap ng mga bilanggo, sa mga panahon na ito ay naging paraan ng pagbitay sapagkat ang mga pagkagalos at pagtutusok ay naging nahawaan ng kanggrena at ang biktima ay lilipas sa koma. May mga salitaan na ang panliig na ito ay patuloy pa ring ginagamit sa ilang bahagi ng mundo.”16
“Ang turnilyo ng hinlalaki ay ginamit sa Gitnang Panahon. Ang mga daliri ng biktima ay inilagay sa instrumento at mabagal na dumudurog sapagkat ang tagapagpahirap ay iniikot ang hawakan sa ibabaw. Ang paraang ito ay karaniwang ginamit para makakuha ng pag-amin dahil ito ay parehong napakasakit at napakatagal. . . . Ang instrumentong ito ay ginamit rin para durugin ang mga daliri sa paa.”17
Ang mga turnilyo ng hinlalaki ay patuloy pa ring ginagamit sa ilang bahagi ng mundo.
“Ang Tansong Toro ay isang hukab na tansong istatwa na hinugis sa totoong toro. Ang mga biktima ay ilalagay sa loob, kadalasan ay pinuputol muna ang kanilang mga dila. Ang pintuan ay isasara, magkukulong sa kanila. Ang apoy ay sisindihan sa paligid ng toro. Habang ang biktima ay susuko sa nakapapasong init sa loob, siya ay magkakawag at sisigaw sa paghihirap. Ang mga paggalaw at mga tunog, pinahina ng bigat ng toro, ay ginawa ang aparato na parang buhay, ang mga tunog sa loob ay gaya ng isang totoong toro. Ang epekto nito ay lumikha ng karagdangang aliwan sa mga manonood, at nagsilbi ng dagdag na bunga ng paghihiwalay sa kanila mula sa kalupitan ng pagpapahirap, sapagkat hindi nila direktang nakikita ang biktima.”18
“Ang tansong toro ay isang kasangkapan ng pagbitay na unang naimbento sa Sinaunang Gresya. . . . Kapag ang isang biktima ay inilagay sa loob ng tansong toro, siya ay mabagal na sinusunog hanggang mamatay. Ang kagamitang ito ay naging mas sopistikado hanggang ang mga Griyego ay nakaimbento ng isang kumplikadong sistema ng mga tubo upang gawin ang mga sigaw ng biktima gaya ng isang galit na galit na baka. Kahit na ang pagpapahirap na ito ay hindi kadalasang ginamit sa Gitnang Panahon hindi tulad noong unang ginamit ng mga Griyego at mga Romano, ito ay patuloy na ginamit sa Gitnang Europa. Ang pagpapahirap na ito ay pareho sa pagpapakulo nang buhay.”19
Ang sagot ay isang malinaw na OO. Ang nakagugulantang na katunayang ito ay bahagyang napapansin o nalalaman maging ng mga Katoliko. Ito ay kinumpirma ng Kanoniko 1311 at Kanoniko 752.
“Ang simbahan ay mayroong likas at nararapat na karapatan na pwersahin ang mga nagkasalang kasapi ng mga matatapat na Kristyano sa anumang paraan ng tungkulin ng kapapahan.” Canon 1311
“Isang pangrelihiyong pagpapasakop ng katalinuhan at kalooban ang dapat na ibigay sa isang aral na ipinapahayag ng Kataas-taasang Kapapahan o ang kolehiyo ng mga obispo ukol sa pananampalataya o mga moral.” Canon 752
Ang pangalan ng kagimbal-gimbal na opisinang ito ay hinugasan nang ilang beses para magbalatkayo at palambutin ang imahe nito. Noong 1908, pinangalanan ito ni Pope Pius X na ‘Banal na Opisina.’ Noong 1965, si Pope Paul VI, ay pinalambot ang pangalan at muling pinangalanan na ‘Kongregasyon para sa Doktrina ng Pananampalataya.’
Noong Nobyembre 25, 1981, muling binuhay ni Pope John Paul II ang pangalang “Banal na Opisina ng Ingkisisyon” noong itinakda si Kardinal Joseph Ratzinger (naging Pope Benedict XVI) bilang Mahistrado ng Kongregasyon para sa Doktrina ng Pananampalataya. Sa ibang salita, hinirang ni Pope John Paul II si Kardinal Ratzinger sa opisina ng Punong Ingkisitor.
Ang pinaka nakapangingilabot na bagong Ingkisisyon na isinagawa ng Simbahang Katoliko ay naganap noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa bagong likhang Estado ng Croatia. Si Ante Pavelić ang lider ng bagong estado ng Croatia, kasama ang Katolikong Arsobispo na si Aloysius Stepinac ay ipinatupad ang isang ‘sumampalataya o mamatay’ na humantong sa pagpatay sa daan-daang libong Griyegong Orthodox at Hudyo.
“Sa panahon ng apat na taong paghahari ni Pavelić, siya at kanyang Katolikong prelado, si Arsobispo Aloysius Stepinac, ay tinuloy ang polisiya ng ‘sumampalataya o mamatay’ sa 900,000 Griyegong Orthodox na Serbs, Hudyo, at iba pa sa Croatia. 200,000 ang sumampalataya; ang 700,000 na piniling mamatay ay pinahirapan, sinunog, inilibing nang buhay, o binaril matapos maghukay ng kanilang sariling libingan.”
“Ang mga pinsala ay kakila-kilabot, ang mga paghihirap ay mapanira, at ang kalupitan ay matindi. Ang Simbahang Katoliko ay hindi iniwan ang pagsasagawa ng isang digmaang pangrelihiyon sa sekular na armas. Siya ay nandyan, bukas na hinahayaan ang mga pag-iingat at mas mapangahas na kaysa noon sa loob ng mahabang panahon. Hawak ang palakol o punyal, kalabit ang gatilyo, magsasagawa ng malakawang pagpatay, ang mga Katolikong pari ay naging kanilang mga sariling instrumento ng Ingkisisyon....”20
“(Ito ay) isang gawa ng ‘katutubong paglilinis’ bago pa ang nakakikilabot na terminong iyon ay dumating sa katanyagan, ito ay isang tangka na lumikha ng isang ‘dalisay’ na Katolikong Croatia sa pagpapatupad ng pagsampalataya, deportasyon, at malawakang pagpatay. Kagimbal-gimbal ang mga gawa ng pagpapahirap at pagpatay maging ang mga tropang Aleman ay itinala ang kanilang kasindakan. Kahit ikumpara sa pinakahuling pagdanak ng dugo sa Yugoslavia at panahon ng pagsusulat, ang pagsalakay ni Pavelic laban sa mga Orthodox Serbs ay nananatiling isa sa pinaka napanlulumong pagpatay sa mga sibilyan na nalalaman sa kasaysayan.”21
“Ang mga pari, mga walang pagbabagong Pransiskano, ay kumuha ng pangunahing papel sa mga pagpatay. Marami, ang regular na armado at nagsagawa ng kanilang pagpaslang nang may sigasig. Isang Father Bozidar Bralow, nalalaman sa machine gun na palagi niyang kasama, ay inakusahan ng pagsasagawa ng pagsayaw sa paligid ng mga pinaslang na 180 katawan ng mga Serbs sa Alipasin-Most. Ang mga indibidwal na Pransiskano ay pumatay, sinunog ang mga tahanan, nagdarambong ng mga nayon, at namuksa sa kanayunan ng Bosnia sa lider ng mga pangkat ng Ustashe. Noong Setyembre 1941, isang Italyanong mamamahayag ang nagsulat ukol sa isang Pransiskano na nasaksihan niya sa timog ng Banja Luka na nanghihimok sa isang pangkat ng Ustashe kasama ang kanyang krusipiho.”22
“Natanggap ni Pope Pius XII si Ante Pavelić sa Vatican nang may karangalan dahil isang lider ng estado at tinawag niyang ‘Isang Taong Lubos Manirang-Puri.’ Ang Vatican ay napanatili ang isang malapit na relasyon sa Ustashe [ang pangalan ng rehimeng Croatian na pinangunahan ni Ante Pavelić] hanggang sa katapusan ng digmaan, at matapos nito.”23
“Ang Vatican ay may kamalayan sa madalas na palatuntunan ng BBC sa Croatia, kung kailan ang sumusunod (na sinubaybayan ng Estado ng Vatican), noong Pebrero 16, 1942, ay tipikal:
“’Ang mga pinakamasasamang kalupitan ay isinagawa sa mga kapaligiran ng arsobispo ng Zagreb [Stepinac]. Ang dugo ng mga kapatiran ay umaagos sa mga daluyan ng tubig. Ang Orthodox ay pinilit na ilipat sa Katolisismo at hindi natin naririnig ang tinig ng nagtuturong protesta ng arsobispo. Sa halip siya ay naiulat na nakibahagi sa mga parada ng Pasismo at Nazi.’”24
“Maraming Katolikong pari ang nagsilbi sa estado ng Ustasha sa mga matataas na posisyon. Ang papa ay itinalaga ang pinakamataas na bikaryong militar para sa Croatia. Ang huli ay mayroong isang kapelyan sa bawat yunit ng hukbong Ustasha. [Tingnan ang kanilang simbulo sa kaliwa.] Ang tungkulin ng kapelyang ito ay bumubuo sa ibang bagay ng paulit-ulit na pagbunsod ng mga yunit ng Ustasha sa kanilang malawakang pagpatay ng populasyong pesante. Ang mga matataas na opisyal ng Simbahang Katoliko at ng estado ng Ustasha ay nag-organisa ng malawakang paglipat ng populasyon ng Orthodox Serbian. Daan-daang simbahang Orthodox sa Serbia ay nilooban at sinira; ang tatlong pinakamataas na opisyal at dalawang-daang klerigo ay pinatay; ang nalalabi ng mga klerigo ay ipinatapon. Sa concentration camp ng Jasenovac, daan-daang libong Serbs ang pinatay sa ilalim ng utos ng mga Katolikong pari.”25
“...ang mga ahente na nangangaso sa mga nakatakas na kriminal ng digmaan na Nazi ay sinadyang iwasan ang pagkakahuli ng isang tao dahil ang kanyang mga koneksyon ay napakataas at ang kanyang kasalukuyang posiyon ay lubos na makokompromiso sa Vatican, na anumang ekstradisyon sa paksa ay magdudulot ng isang nakakasuray na dagok sa Simbahang Katoliko...”26
Ang taong tinutukoy na kusang iniwasang hulihin ay si Ante Pavelić.
Ang mga pamamaraan ng pagpapahirap ay patuloy na nilinang at inimbento sapagkat si Satanas, na nagagalak sa karalitaan at pagpapahirap, ay naghahangad na pahabain hangga’t posible ang paghihirap ng mga pinapahirapan.
Hindi. Ang mga tiyak na pamamaraan ng pagpapahirap ay maaaring bakasin mula pa sa mga Griyego at Romano. Gayunman, ang Simbahang Katoliko ay hindi mag-aalinlangan na gamitin ang bawat makukuhang satanikong kasangkapan. Dagdag pa, gumawa siya ng malawak na bagong pamamaraan sapagkat ang mga ito ay makukuha sa iba’t ibang bansa sa ilalim ng kanyang impluwensya. Ang kapapahan ay palaging pinananatili ang bago sa mga pinaka epektibong paraan upang makamit ang kanyang mga ninanais na layunin.
Ngayon, bago at mas mapanirang mga kasangkapan ng pagpapahirap ang pinapaunlad gayong nakalista sa ibaba. Inaasahan ng WLC na ang Roma ay gagamitin ang mga bago, mas epektibong pamamaraan ng pagpapahirap kapag dumating ang kanyang panahon at siya ay naibalik sa kapangyarihan. Sapagkat ang WLC ay naniniwala na ang halimaw ng Pahayag ay tinutukoy ang herarkiya ng Simbahang Katoliko, ang Pahayag 17:12 ay isang propesiya ng kapangyarihan na hawak ng isang muling pinasiglang Simbahang Katoliko. Ang kapangyarihang ito, ayon sa Kasulatan ay, gaya sa nakalipas na panahon, muling sasanayin sa pamamagitan ng iba’t ibang pamahalaang sekular na isinuko ang kanilang kapangyarihan sa Roma.
“Ang sampung sungay na nakita mo ay ang sampung hari na hindi pa nakakatanggap ng kaharian, subalit tatanggap sila ng kapangyarihan bilang mga hari sa loob ng isang oras, kasama ng halimaw.
“Nagkakaisa ang mga ito sa pag-iisip, at ibinigay nila ang kanilang kapangyarihan at pamamahala sa halimaw.
“Makikipagdigma sila laban sa Kordero, ngunit dadaigin sila ng Kordero, sapagkat siya ang Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari, at ang mga kasama niya ay yaong mga tinawag, mga hinirang at mga tapat.” (Pahayag 17:12, FSV)
Ito ay dapat na maunawaan, gayunman, na ang Roma ay maaaring sanayin ang kapangyarihan sa pamamagitan ng mga pamahalaan kahit na ang pamahalaan ay hindi malinaw na nakikita na may alyansang namuo sa kapapahan. Anumang pamahalaan na nagtataguyod ng adyenda ng Roma ay gumagawa kasama ng Roma kahit na angkinin na isang Protestante, ateista o malaya sa anumang impluwensyang pangrelihiyon. Tingnan ang 10 KATUNAYANG Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Mga Heswita!
Hindi. Anuman ang inangkin ng iba’t ibang kasunduan na nilagdaan ng mga pamahalaan ng mundo, ang pagpapahirap ay patuloy na ginagamit sa modernong mundo. Mismo, ang modernong agham ay nilinang ang pagpapahirap sa punto na ito ay ginawang mas epektibo kaysa sa magaspang na mga paraang ginamit sa Panahon ng Kadiliman. Sa panahon ng Ingkisisyon, ang mga tagapagpahirap ay mayroon lamang limitadong bilang ng paraan upang madala ng sakit at pwersahin ang budhi. Ang mga ito ay limitado lamang sa: pagsunog, pagkurot, pagputol o pagtusok, pagdurog o paghila hanggang mahiwalay at pagpapalunod.
Ngayon ang mga pamamaraang ito ay kagimbal-gimbal subalit lumang-luma nang pamamaraan. Dagdag pa, madalas humahantong sa kamatayan ng tao ang mga ito habang ang ibang anyo ng pagpapahirap ay tiyak na ginawa para panatilihing buhay ang biktima hangga’t posible. Kasalukuyan nang mayroong mas sopistikadong pamamaraan para may pahirapan – at ang bawat isa sa mga ito ay lubos na ginawang bago ng mga kapangyarihan na gumamit ng mga ito. Ang mga naisamang pamamaraang ito ngunit hindi limitado sa:
Mula sa mga tunog sa kalimitan na nagdudulot ng pisikal na sakit, hanggang sa mga tunog na nagtatanim ng sindak at nagpapahina ng kalooban, ang paggamit ng tunog bilang pagpapahirap ay paulit-ulit na ginawa ng mga nasa kapangyarihan para sakupin ang kalooban ng mga tao na nais nilang makuhanan ng kontrol. Isang dokumentadong halimbawa nito ay noong 1993, ang pamahalaan ng Estados Unidos ay pinatay ang 76 tao, lalaki, babae at bata sa isang looban ng simbahan sa Waco, Texas para sa mga krimen na diumano’y ginawa ng kanilang lider ngunit hindi napatunayan sa isang korte ng batas. Ang mga tunog na pinaghalo-halo sa mga malalakas na ispiker na pinatunog nang maghapon ay mga tunog ng mga pag-aawit ng mga mongheng Tibetan, sigaw ng mga hayop na kinakatay at mabigat na musikang metal.27
Ang mga tunog ay ginamit rin para magtanim ng gulat, at kontrolin o ikalat ang madla.28
“Ang opisyal na website ng Departamento ng Enerhiya ng Estados Unidos ay nagbalangkas ng isang ekstraordinaryong bilang ng mga medikong eksperimento sa mga lalaki, babae, at mga bata nang talamak na ginamitan ng mga kemikal at radyaktibong sangkap na malinaw na naunawaan na mga nakamamatay na sangkap. Ito ay malinaw na isang paraan upang ituro, kumalap, at magpalaki ng badyet para palaganapin ang paggamit sa publiko ng ibang mas modernong de-kuryenteng kasangkapan ang nagaganap.”29
Ang “Truth Serum”, isang kolokyal na pangalan para sa isang saklaw ng mga sikoaktibong droga na ginamit para makamit ang impormasyon mula sa mga nagpasakop na hindi makakaya o walang kusa na ibigay ang mga ito. Ang Sodium thiopental, ipinagbibili bilang Pentothal, ay isang anyo ng pampatulog na droga na ginamit sa narkong pagsusuri (ang kontroladong administrasyon ng nasabing droga). Ang paggamit ng drogang ito ay dumating noong 1930’s at patuloy na ginagamit hanggang ngayon. Isang hukom ang umayon sa paggamit ng narkong pagsusuri sa paglilitis sa 2012 Aurora shooting upang suriin kung ang estado ng kaisipan ni James Eagan Holmes ay wasto para sa isang baliw na panawagan. [kinuha mula sa: http://en.wikipedia.org/wiki/Truth_serum and P. Solomon Banda; Dan Elliott (11 Mar 2013). “Judge OKs medication for Colorado shooting suspect”. Yahoo! News. AP.]
Sa panahon ng Cold War, ang Unyong Sobyet ay gumamit ng iba’t ibang nakalalasong droga laban sa sarili nitong mamamayan, itinuturok sa mga Kristyano at ibang pulitikal na oposisyon nang may lason na nilikha hindi lamang para magbuod ng sakit kundi para baguhin ang pag-iisip ng mga indibidwal na ito na itinuring ng mga korte na may problema sa pag-iisip.
Ang mga lason ay ginamit rin para sa pagkontrol ng populasyon at mga oposisyon. Ang parehong Nazi at Sobyet ay nagdagdag ng flouride sa iniinom na tubig ng kani-kanilang concentration camps upang gawin ang mga bilanggo na mas masunurin at mas matamlay. Ang United States Air Force Major, si George R. Jordan, ay nagpatotoo sa Kongreso ng paggamit nito ng Sobyet noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ngayon, ang flouride ay karaniwang dinadagdag sa mga pambayang suplay ng tubig sa ilalim ng pagbabalatkayo ng “kalusugan.”
“Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang pamahalaan ng Estados Unidos ay ipinadala si Charles Elliot Perkins, isang manggagawa ng pananaliksik sa kimika, byokimika, pisyolohiya at patolohiya, upang mamuno sa malawak na kemikal na planta ng Farben sa Alemanya. Habang nandito, sinabi sa kanya ng kimikong Aleman ang isang pamamaraan na ginawa nila noong panahon ng digmaan at inampon ng Pangkalahatang Kasapi ng Alemanya.
“Ang pamamaraang ito ay para kontrolin ang populasyon sa anumang ibinigay na lugar sa pamamagitan ng malawakang medikasyon ng pag-inom ng tubig. Sa paraang ito, ang sodium flouride ay sakop ang isang prominenteng lugar.
“Ang paulit-ulit na dosis ng katiting na dami ng flouride sa paglipas ng panahon ay magbabawas sa kapangyarihan ng indibidwal na labanan ang dominasyon sa mabagal na paglalason at pagtutulog ng isang tiyak na bahagi ng utak, at kaya ito ang magdudulot sa kanya na magpasakop sa kalooban ng mga nagnanais na mamahala sa kanya.
“Ang parehong Aleman at Ruso ay nagdagdag ng flouride sa inuming tubig ng mga bilanggo ng digmaan para gawin silang mangmang at maamo.”30
Sa pagsalakay sa looban ng simbahan sa Waco, Texas noong 1993, ang pamahalaan ng Estados Unidos ay nagturok rin ng mga nakalalasong usog sa mga gusali. Ang mga lalaki, babae, at mga bata na lantad sa hangin na ito ay namatay habang ang kanilang mga kalamnan ay kumupis nang matindi kaya ang kanilang mga gulugod ay lumagot. Iyong mga nakatakas sa hangin ay pinatay sa apoy na itinakda ng mga tangke o binaril ng mga ahente na nakapalibot sa looban.
Ang paggamit ng microwaves ay isang partikular na brutal na anyo ng modernong pagpapahirap. Sukdulan ang katumpakan, ang sinag ng microwave ay maaaring tumagos sa mga gusali at literal na luluto sa mga lamang-loob ng tao, nagdudulot ng nakapangingilabot na sakit. Ang ibang gamit ng microwaves ay para sa pandinig sa kalikasan nito:
![]() |
Ang Korean Atomic Energy Group at LIG Nex1 (isang aerospace at sangay pang depensa ng LG Corp) ay magkasamang bumuo ng tinatawag nilang kauna-unahang defense robot laban sa ibon. Kumpletong artikulo: http://skewsme.com/tinfoilhat/chapter/voice-to-skull-v2k/#ixzz2d2yjq8Gx Skews.Me http://skewsme.com/tinfoilhat/chapter/voice-to-skull-v2k/#axzz2d2rRQIao |
“Ang mga mananaliksik ay nasa proseso ng pagbuo ng Mob Excess Deterrent Using Silent Audio o MEDUSA (oo, mula sa mitolohiyang Griyego), na gumagamit ng isang sinag ng microwave upang magbuod ng hindi komportableng mga pandinig sa bungo. Ang gamit na ito ay pinapaunlad ang epekto ng pandinig na microwave, kung saan ang mga maiiksing pulso ng microwave ay mabilis na pinapainit ang tisyu, nagdudulot ng isang shockwave sa loob ng bungo na maaaring matiktikan ng mga tainga. Ang pandinig na epekto ng MEDUSA ay sapat nang malakas para magdulot ng balisa o maging kawalan ng kakayahan. Ito ay maaari ring magdulot ng maliit na pinsala sa utak mula sa tindi ng shockwave na nilikha ng mga pulso ng microwave.”31
Isa pang gamit ng teknolohiyang microwave ay nalalaman bilang “Invisible Pain Ray”:
“Ito ay parang sandata mula sa Star Wars. Ang Active Denial System, or ADS, ay gumagawa gaya ng isang bukas na microwave oven, tumitira ng isang nakatuong sinag ng elektromagnetikong radyasyon para painitin ang balat ng tudlaan nito sa 130 digri. Ito’y lumilikha ng isang hindi matitiis na mainit na padamdam na pwersado sa landas nito para kusang tumakas (isang tugon sa tawag ng Air Force na ‘goodbye effect’).
“Ang Joint Non-Lethal Weapons Program ng Pentagon (JNLWP) ay nagsasabi, ‘ang kakayahang ito ay magdadagdag sa kasanayan na pigilan, hadlangan at palayasin ang isang sumusulong na kaaway, nagbibigay ng isang alternatibo sa nakamamatay na pwersa.’ Bagama’t ang ADS ay inilarawan na hindi nakamamatay, isang ulat noong 2008 ng isang pisiko at eksperto sa mga armas na hindi gaanong nakamamatay na si Dr. Jürgen Altmann ay nagpahiwatig ng iba:
“’ ... ang ADS ay nagbibigay ng teknikal na posibilidad na magdulot ng paso ng ikalawa at ikatlong antas. Dahil ang sinag ng 2 metrong haba at sa ibabaw ay mas mahaba kaysa sa laki ng tao, ang ganitong paso ay magaganap sa malaking bahagi ng katawan, hanggang 50% ng kabuuang balat. Ang ikalawa at ikatlong antas ng paso na bumabalot sa higit sa 20% ng balat sa katawan ay potensyal na mapanganib sa buhay ng tao – dahil sa lasong dulot ng produktong nakakapag-agnas ng tisyu at tumataas na pagkadamdam sa impeksyon – at nangangailangan ng matinding pangangalaga sa isang madalubhasang yunit. Kung wala ang isang teknikal na kagamitan na maaasahang pinipigilan ang muling pagdulot sa parehong tudlaan, ang ADS ay may potensyal na lumikha ng permanenteng pinsala o kamatayan.’”32
Ang pinaka nakakatakot sa lahat ng iba’t ibang anyo ng sikolohikal na pakikidigma. Unang ibinunsod ng Unyong Sobyet noong 1960s, ngunit agad sinundan ng Estados Unidos at kanyang mga kaalyado, ang mga siko-ops ay gumagamit ng lubos na sopistikadong anyo ng pag-atake para baluktutin ang kalooban, palitan ang personalidad at maging ang pagbabago sa mga malalalim na pinanghahawakang paniniwala. Ang isang halimbawa nito ay nakita sa Unang Digmaang Golpo noong ang walang kamalayang tunog ay sininag sa mga tropang Iraqi na humantong sa malawakang mapayapang pagtalikod at pagsuko sa mga tropa ng UN. Iba’t ibang ulat ay inangkin rin na ang pamahalaang Briton ay gumamit ng teknolohiyang ito laban sa sarili nitong mamamayan upang hawiin ang mga demonstrador at mga nagprotesta.
Habang ang mga paunang anyo ng pagpapahirap na ito ay kasalukuyan nang ginagamit ng mga pamahalaan at walang ebidensya na nagpapahiwatig na ang Simbahang Katoliko ay ginagamit ang mga pamamaraang ito sa kasalukuyang panahon, ang lahat ay dapat may kamalayan sa mga modernong pamamaraang ito. Madalas ang tanging bagay para pigilan ang kapangyarihan mula sa paggamit ng labis na pwersa ay simpleng kakulangan ng oportunidad.
Hindi. Ang tunay na bilang ng mga inosenteng namatay sa kamay ng herarkiyang Romano ay malalaman lamang sa Langit. Gayunman, madalas, ang Simbahang Katoliko ay gumamit ng kapangyarihan ng mga pamahalaang sekular upang ibunsod ang kanyang adyenda. Ang isang natatanging halimbawa nito ay ang napakasamang “Ingkisisyong Espanyol” na itinatag ni Reyna Isabella ng Espanya.
Dahil ang estado ng sinumang hinatulang tao ay isinuko sa estado, pinansyal na kumikita si Isabella mula sa bawat sentensya ng “nagkasala.” Ang mga kinitang ito ay ginamit niya para pondohan ang paglalakbay ni Christopher Columbus sa “Bagong Mundo.” Iba’t ibang mananaliksik ay dokumentado ang katunayan na ang mga mayayamang byuda ay mas madalas akusahang “erehe” sa ilalim ng Ingkisisyong Espanyol kaysa sa anumang demograpikong pangkat. Habang ang estado ay pinansyal na nakikinabang, ang Simbahan ay kumikita mula sa halos walang limitasyong kapangyarihang inilagay sa kanyang pamamahagi.
Ibang halimbawa ng paggamit ng mga sekular na prinsipe ng Simbahan upang usigin ang kanyang mga kalabang pangrelihiyon ay maaaring matagpuan sa kasaysayan ng Pransya at Bavaria, kabilang ang pagdakip, pagkakakulong at sa huli’y pagkamartir ni John Huss na naglakbay sa ilalim ng ipinangakong proteksyon ng kanyang hari, si Sigismund. Sa ilalim ng presyon mula sa mga Katolikong prelado na “Hindi kailangan ang pananampalataya at hindi dapat panatilihin sa mga erehe,” pinagtaksilan ni Sigismund ang kanyang pangako, at si Huss ay dinakip, hinatulan at sinunog sa istaka.
Ang kasanayang ito ng paggamit ng kapangyarihang sekular para isulong ang kanyang sariling adyenda ay nagpapatuloy sa kasalukuyang panahon na ito. Ang mga Katolikong lehistrador ay inaasahan na papanig sa mga bagay na nasa harapan nila sa pagpapanatili sa mga dinidikta ng Katolikong dogma, ano pa man ang mga pinili ng kanilang mga nasasakupan. Ang mga mamamayang Katoliko ay kailangan na pumanig sa sekular at pulitikal na arena sa pagpapanatili sa doktrina ng Simbahan. Ang Banal na Opisina ng Ingkisisyon, tinatawag rin bilang Kongregasyon para sa Doktrina ng Pananampalataya, ay nagbibigay, sa opisyal na website ng Vatican, ng mga pagtuturo para sa mga Katoliko na interesado sa pulitika: Doctrinal Note: The Participation of Catholics in Political Life.33
Ang Roma ay hindi kailanman pabubulaanan ang kanyang mga doktrina ng paglipat gamit ang dahas, unang ginawa sa Ingkisisyon at, mas kamakailan, sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Habang hindi bukas na gumagamit ng dahas ngayon, siya ay gayunman maingat na naghihintay ng kanyang pagkakataon na muling gampanan ang mga renda ng kapangyarihan.
“At hayaan na tandaan, ito ay ang pagmamataas ng Roma na siya ay hindi kailanman nagbabago. Ang mga tuntunin ni Gregory VII at Innocent III ay patuloy pa ring mga tuntunin ng Simbahang Katoliko. At kapag nakamit ang kapangyarihan, ilalagay niya ito sa kasanayan nang may mas pwersa ngayon kaysa sa nakalipas na mga siglo.”34
Ang mga patotoo, gaya ng ibinigay ng nakatakas na mongha na si Charlotte Wells, ay isiniwalat na ang Simbahang Katoliko ay nagpapatuloy hanggang ngayon para pumaslang, magpahirap, manggahasa at pumatay, matanda man o bata, sa likod ng mga pader ng kumbento kung saan ang liwanag ng labas ay hindi kailanman sumisinag para isiwalat ang kasamaang ginagawa sa mga naipit sa loob.35
Ang talaan ng kasaysayan ay malinaw na pinatutunayan na ang Simbahang Katoliko ay may kasanayan ng pag-anib sa anumang pulitikal na kapangyarihan na nasa pwersa sa isang ibinigay na panahon, ito man ay mga haring Carolingian ng Pransya, o si Hitler sa Alemanya. Ang yumaong Malachi Martin, siya mismo na isang Heswita at kilalang manunulat, ay ipinakita ang moderno at ang mismong totoong presensya ni Satanas sa Vatican: “Ang Panunuluyan ng Bumagsak na Arkanghel Lucifer ay naisakatuparan sa loob ng Romano Katolikong Muog noong Hunyo 29, 1963; isang naaangkop na petsa para sa makasaysayang pangako na malapit nang matupad. Bilang punong ahente ng seremonyal na mabuting nalalaman, ang Satanikong tradisyon ay matagal nang nahulaan na ang Panahon ng Prinsipe ay ihahatid sa sandali na ang Papa ay kukunin ang pangalan ni Apostol Pablo [Pope Paul VI].”36
Noong Marso 2010, ang Punong Exorcist ng Vatican, si Father Gabriele Amorth ay sinipi sa Italyanong pahayagan, La Republica: “Ang diablo ay nananahan sa Vatican at maaari mong makita ang mga kahihinatnan. Maaari siyang manatiling nakatago, o magsalita sa iba’t ibang wika, o maging madamayin kapag lumitaw. Isang panahon ay ginawa niyang akong katatawanan. Ngunit ako ay tao na masaya sa kanyang gawa.”37 Dagdag pa niya na ang impluwensya ni Satanas sa mga pinakamatataas na ranggo ng Katolisismo ay nakita sa “mga kardinal na hindi naniniwala kay Hesus at ang mga obispo na idinugtong sa demonyo.”38
Saanman ang presensya ni Satanas, mayroon ding pwersa tulad sa isang batayang tuntunin ng kanyang pamahalaan. Ang bigat ng makasaysayang ebidensya ay ipinapakita na ang Simbahang Katoliko ay madalas at paulit-ulit na ginamit ang mga pulitikal na kapangyarihan bilang kasangkapan upang isulong ang sarili nitong layunin. Kaya, makatuwiran na tapusin na, sa pagdating ng mga modernong paraan ng pagpapahirap, siya ay hindi inilayo ang sarili sapagkat hawak niya pa rin ang doktrina ng karapatan na ilipat ang sinuman sa Katolisismo sa pamamagitan ng dahas. Ang muling pagbuhay ng pag-uusig ng Roma, direkta man o hindi direkta sa pamamagitan ng mga pamahalaan na nasa ilalim ng impluwensya niya, ay dagdag na kumpirmasyon ng kanyang pagmamatas na ang Roma ay hindi kailanman nagbabago.
“Ang salita ng Diyos ay ibinigay ang babala ng papalapit na panganib; hayaan ito na hindi pansinin, at ang mundo ng Protestantismo ay matutunan kung anu-ano ang mga tunay na layunin ng Roma, huli na ang lahat para matakasan ang patibong. Siya ay tahimik na lumalakas sa kapangyarihan. Ang kanyang mga doktrina ay ipinipilit sa kanilang impluwensya sa mga pambatasang bulwagan, sa mga simbahan, at sa mga puso ng tao. Sinasalansan niya ang kanyang mga matatayog at malalaking istruktura sa mga malihim na pahingahan kung saan ang mga dati niyang pag-uusig ay mauulit. Patago at hindi nababatid, pinapalakas ang kanyang pwersa upang isulong ang kanyang sariling layunin kapag ang panahon ay dumating na para sa kanya na umatake. Ninanais lamang niya ang isang mataas na posisyon, at ito ay nasa kanya na. Makikita natin at mararamdaman kung ano ang layunin ng Romanong elemento. Sinumang naniniwala at sumusunod sa salita ng Diyos ay matatamo ang kahihiyan at pag-uusig.”39
Habang ang lahat ng mga pamahalaan ay, sa isang dakila o munting antas, ay sasapi sa laban kontra patotoo at Langit sa katauhan ng mga hinirang, naniniwala ang WLC na ang Estados Unidos, bilang ikalawang halimaw ng Pahayag 13, ay kukunin ang pangunahing papel sa pag-uusig na muling mabubuhay. Lahat ng mga bansa sa daigdig ay susundin ang kanyang halimbawa sa paghahanay sa Roma para sa pag-uusig ng mga hinirang.
Naatasan ang World’s Last Chance na bigyan ng babala ang lahat sa pagbabalik ng Ingkisisyon, mas mabagsik kaysa noon itong itinatag.
At nang buksan ng Kordero ang ikalimang tatak, nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga pinaslang dahil sa salita ng Diyos at dahil sa patotoong pinanindigan nila.
Sumigaw sila nang malakas na nagsasabi, “Dakilang Yahuwah na banal at totoo, kailan mo pa ba hahatulan ang mga naninirahan sa daigdig at ipaghihiganti ang aming dugong dumanak?”
Ang bawat isa sa kanila ay binigyan ng mahabang puting kasuotan at sila'y sinabihang magpahinga ng kaunti pang panahon, hanggang ang bilang ng mga kapwa nila alipin at kapatid ay mabuo; na ang mga ito'y papatayin ding tulad nila. (Pahayag 6:9-11)
Ang Kapapahan ay inaangkin ang kawalan ng pagkakasala para sa mga naging papa nito. Kaya, ang mga pagdikta ng mga papa nito ay hindi maaaring magbago kailanman o patutunayan nito na sila, mismo, ay makasalanan, bumagsak na mga tao. Bilang isang hindi nagbabagong institusyon, ang kapapahan ay ang “obra maestra ng kapangyarihan ni Satanas – isang monumento sa kanyang mga pagsisikap upang iposisyon ang kanyang sarili sa trono para mamuno sa lupa ayon sa kanyang kalooban.”40
Naniniwala ang WLC na ang apoy ng isang muling nabuhay na Ingkisisyon ay lilinisin ang bayan ni Yahuwah ng anumang nananatiling pagmamahal para sa mundo, nagpapaliyab sa kanilang mga puso ang init para sa Langit na hindi nakikita sa loob ng maraming siglo.
Ang madilim na kwento ng kalupitan ng tao sa kapwa nito tao ay nananatiling isang matagumpay na patotoo sa kapangyarihan ni Yahuwah upang iligtas hanggang sa sukdulan ang lahat nang inilagay ang kanilang pananalig at tiwala sa Kanya. Ito ay lagpas sa kalakasan ng sinumang tao na makatagal sa pisikal na pagpapahirap na pinukaw ng mga demonyo. Ito ay pisikal na imposible para sa anumang utak na makatiis sa mga droga at hipnosis na tunog na tiyak na nilikha para palitan ang mga saloobin at mga paniniwala. Ang mga Kristyano ngayon, gaya ng mga Kristyano ng nakalipas, ay matatagpuan na si Yahuwah ang kanilang kalakasan at tulong sa panahon ng pangangailangan.
Sandali bago ang kanyang pagkamartir, ang apostol na si Pablo ay nagsulat kay Timoteo na siya ay itinalaga ni Yahushua na maging isang tagapagturo, isang apostol at isang guro, dagdag pa: “Ito rin ang dahilan ng aking mga pagdurusa. Ngunit hindi ako nahihiya, sapagkat kilala ko ang aking sinasampalatayanan, at ako'y nagtitiwalang maiingatan niya hanggang sa araw na iyon ang aking ipinagkatiwala sa kanya.” (2 Timoteo 1:12, FSV)
Ito ang magiging patotoo ng lahat ng inilagay ang kanilang tiwala kay Yahuwah. Gayunman, NGAYON ang araw ng kaligtasan. NGAYON ang panahon na gawin ang iyong panawagan at tiyak na paghalal. Gawin itong isang kaugalian na magtiwala kay Yahuwah para sa mga mumunting bagay. Ang pananalig ay isang halaman na, kapag inalagaan, ay mabilis na uunlad. Sa pagtitiwala kay Yahuwah sa mga pang-araw-araw na ginagawa, ang iyong pananalig at pagtitiwala ay palalakasin upang manahan sa Kanya sa mga mas malalaking bagay at kaya, araw-araw, ang iyong karanasan ay lalalim at uunlad.
“Oh inyong tikman at tingnan ninyo na si Yahuwah ay mabuti:
Mapalad ang tao na nanganganlong sa Kaniya.
Ang mga mata ni Yahuwah ay nakatitig sa mga matuwid,
At ang Kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing.
Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ni Yahuwah,
At iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan.
Marami ang kadalamhatian ng matuwid;
Nguni't inililigtas ni Yahuwah sa lahat.”
(Awit 34:8, 15, 17, at 19)
Nauugnay na Nilalaman:
11 http://curioustendency.blogspot.com/2011/09/6-execution-methods-you-had-no-idea.html#.UZwUhCv71Us
21 John Cornwell, Hitler's Pope: The Secret History of Pius XII (London: Viking), 1999, p. 249.
22 Ibid., p. 254.
23 Clive Ponting, Armaggeddon: The Reality Behind the Distortions, Myths, Lies, Illusions of World War II, (Random House),1995, p. 232.
24 http://libcom.org/library/role-catholic-church-yugoslavias-holocaust-se-n-mac-math-na-1941-1945
26 US Army Intelligence Corps, 12 September 1947
30 http://members.iimetro.com.au/~hubbca/fluoride.htm, emphasis supplied.
33 http://www.vatican.va/roman_curia/congregations/cfaith/documents/rc_con_cfaith_doc_20021124 _politica_en.html
34 E. G. White, The Great Controversy, p. 581.
35 http://www.arcticbeacon.com/articles/29-Jan-2008.html
36 See Martin’s book, Windswept House, a novel based on real events, fictionalized to protect the innocent.
37 www.wnd.com/2013/08/pope-electors-told-of-smoke-of-satan-in-vatican/
38 Ibid.
39 E. G. White, The Great Controversy, p. 581.
40 Ellen G. White, The Great Controversy, p. 50.