Print

Daniel 11: Ang Hari ng Hilagaan ay ang Imperyong Ottoman!

Isang maingat, malalimang pag-aaral ng Daniel 11:40-45
ay lubusang itinatatag ang “
Hari ng Hilagaan” bilang Imperyong Ottoman!

Ang mga namimilipit, ang mga ibon (ilan ay nakikita sa isang paraan, ang ilan ay iba pa), ang malaahas (o ito ba’y malakuhol?) na mga linya, ang mga inistilong mata, ay pawang mga lubos na kawili-wili. Mayroong mga larawan ng ano ang maaaring mga balahibo, isang martilyo, at isang bagay na maaaring pataas pababang payong (kapag naaninag mo ito), Ngunit ang mga ito ay walang kabuluhan! Kahit papaano, sa loob ng mahigit 1,000 taon, walang sinuman ang maaaring makapaliwanag kung ano ang mga kahulugan nito.

Rosetta Stone

Ang Batong Rosetta ay nagbigay ng susing kinakailangan para
buksan ang kahulugan ng mga heroglipiko.

Mula Kay © Hans Hillewaert, CC BY-SA 4.0, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=3153928

Sa wakas, noong 1799, isang kapansin-pansing tuklas ang nagawa. Ang mga sundalong Pranses na lumusob sa Egipto, isang taon bago pinadala para palakasin ang kuta sa isang daungang siyudad sa Egipto. Narito, inilantad nila ang isang lubhang nasirang piraso ng bato. Si Tenyente Pierre-François Bouchard ay kinilala na ito ay isang natatanging tuklas. Ang bato ay nakasulat sa tatlong wika: Griyego; isang bihirang nakitang Egiptong sulat na tinatawag na demotikong teksto; at mga heroglipiko! Narito, sa wakas, ang isang pagkakataon na maunawaan ang lahat ng mga kakaibang pilipit at mga guhit.

Ang bagong siyentipikong lipunan ni Napoleon, ang Institut d'Égypte sa Cairo, ay kinuha ang pag-aari ng bato. Sa mga sumunod na taon, ang Batong Rosetta ay tunay na nagbigay ng isang tagumpay sa pagkakaunawa ng kahulugan ng mga sinaunang Egiptong heroglipiko. Ang mga lingguwista ay nangailangan lamang ng isang palahudyatan, ilang susi para magbigay ng isang kaalaman tungo sa kung paano ipapaliwanag ang mga kakaibang palatandaan.

Ang mga Kristyano na nag-aaral ng Daniel 11 ay mayroong matagal nang kailangang palahudyatan para mabasa ang siping ito. Ang susi para mabuksan ang kahulugan ng napakahalagang propesiyang ito ay heograpiya. Ang mga gawaing inilarawan sa propesiya ay dapat palaging maunawaan na may kinalaman sa lokasyon ng Israel. Ang “Hari ng Timugan” ay tinutukoy ang Egipto dahil iyon ang bansa sa timog ng Israel. Ang “Hari ng Hilagaan” ay tinutukoy ang iba’t ibang pulitikal na kapangyarihan na kumokontrol sa mga lugar sa hilaga ng Israel. Noong ang imperyo ni Alexander ang Dakila ay nahati matapos ang kanyang kamatayan, ang lugar sa direktang hilaga ng Israel ay nasa unang kontrol ni Seleucus, at sa huli’y Imperyong Romano. Inilarawan ng Daniel 11 ang pagkakahati ng imperyo ni Alexander at pagkatapos ay binakas ang mga makasaysayang pagkilos ng mga bansa na kumokontrol sa mga heograpikong lokasyon na ito.

Ang kasukdulan ay naganap sa mismong katapusan ng kabanata sa mga bersong 40 hanggang 45:

At sa panahon ng kawakasan ay makikipagkaalit sa kaniya ang hari sa timugan; at ang hari sa hilagaan ay paroroon laban sa kaniya na gaya ng isang ipoipo, na may mga karo, at may mga mangangabayo, at may maraming sasakyan; at kaniyang papasukin ang mga lupain, at aabot at lalagpas.

Siya'y papasok din naman sa maluwalhating lupain, at maraming lupain ay mababagsak; nguni't ang mga ito ay mangaliligtas mula sa kaniyang kamay: ang Edom, at ang Moab, at ang puno ng mga anak ni Ammon.

Kaniyang iuunat din naman ang kaniyang kamay sa mga lupain; at ang lupain ng Egipto ay hindi makatatakas.

Nguni't siya'y magtataglay ng kapangyarihan sa mga kayamanang ginto at pilak, at sa lahat na mahalagang bagay sa Egipto; at ang mga taga Libia at ang mga taga Etiopia ay susunod sa kaniyang mga hakbang.

Nguni't mga balita na mula sa silanganan at mula sa hilagaan ay babagabag sa kaniya; at siya'y lalabas na may malaking kapusukan upang gumiba at lumipol sa marami.

At kaniyang itatayo ang mga tolda ng kaniyang palasio sa pagitan ng dagat at ng maluwalhating banal na bundok; gayon ma'y darating siya sa kaniyang wakas, at walang tutulong sa kaniya. (Daniel 11:40-45, ADB1)

Ang siping ito ay sukdulan ang kahalagahan para sa lahat ng nabubuhay ngayon. Ipinunto nito kung kailan magaganap ang pagsasara ng probasyon! Ang hindi pangkaraniwang pangyayaring ito ay idinugtong sa panahon ng kawakasan at panahon ng kabagabagan (matinding kahirapan). Isang maingat na pag-aaral ng Daniel ay ipinapakita na ang “panahon ng kawakasan” ay nagsimula noong 1798 at ang “panahon ng kabagabagan” ay nagsimula noong 1922. Ito’y nangangahulugan na ang probasyon ay magsasara, malapit na malapit na, malamang sa loob ng ilang buwan para sa 144,000 - iyong mga kinuha ang huling mensahe ng babala para sa mundo.

Ang walang hanggang karunungan at paunang kaalaman ni Yahuwah ay naipakita kapag ang Kasulatan ay ikinumpara sa kasaysayan. Ang Hari ng Hilagaan na tinukoy sa Daniel 11:40-45 ay ang Imperyong Ottoman. Ito ay napanindigan sa katunayan na bawat iisang partikular ng propesiya ay natupad sa kasaysayan.

constantinople

Yeni Cami at Eminönü Bazaar, Constantinople, Turkey (Imperyong Ottoman) ca. 1895
By - trialsanderrors - Yeni Cami and Eminönü bazaar, Constantinople, Turkey, ca. 1895, CC BY 2.0,
https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=11168385 

DANIEL 11:40

“At sa panahon ng kawakasan ay makikipagkaalit sa kaniya ang hari sa timugan; at ang hari sa hilagaan ay paroroon laban sa kaniya na gaya ng isang ipoipo, na may mga karo, at may mga mangangabayo, at may maraming sasakyan; at kaniyang papasukin ang mga lupain, at aabot at lalagpas.”

AT SA PANAHON NG KAWAKASAN AY MAKIKIPAGKAALIT SA KANIYA ANG HARI SA TIMUGAN

Ang “panahon ng kawakasan” ay nagsimula noong 1798, gayong naipaliwanag sa ibang mga artikulo sa WLC. Ang “sutil” na Haring inilarawan sa Daniel 11:36-39, ay ang Pransya/Napaleon Bonaparte. Ang Egipto, sa ilalim ng mga Mamluks ay binuwag ang kalakalang Pranses sa Egipto. Ito ay ang Hari ng Timugan na “makikipagkaalit” sa Sutil na Hari, ang Pransya. Ito ay hindi isang bukas na pakikidigma. Ang Egipto ay “makikipagkaalit” lamang sa Sutil na Hari.

Tumugon ang Pransya sa pamamagitan ng paglusob sa Egipto. Sa panahong ito, ang Egipto ay bahagi ng Imperyong Ottoman. Ang Pransya ay matagal nang kaalyado ng Imperyong Ottoman at ipinalagay nila na hahayaan nila ang presensyang Pranses sa Egipto kapalit ng tulong Pranses na pagkuha sa mga malulupit na Mamluks sa ilalim ng kanilang kontrol. Ang pagpapalagay na ito ay isang magastos, at mapagmataas, na pagkakamali.

ANG HARI NG HILAGAAN AY PAROROON LABAN SA KANIYA NA GAYA NG ISANG IPOIPO.

Sir Horatio Nelson

Si Rear-Admiral Ginoong Horatio Nelson ni Lemuel Francis Abbott. 1800. National Maritime Museum. Makikita sa kanyang nakakasang sumbrero ay ang palamuting inihanda ng Sultanong Ottoman bilang gantimpala para sa tagumpay sa Nilo.

Isa sa mga dahilan ng paglusob ng Pransya sa Egipto ay para “humampas ng dagok sa kalakalang Briton sa pagputol ng ruta ng Britanya sa Indya.”2 Ito ay hindi lamang para sa muling pagtatatag ng kalakalang Pranses sa Dulong Silangan. Ito ay para buwagin ang kalakalang Briton. Ang mga Briton ay tumugon nang pwersahan. Huli sa araw noong Agosto 1, 1798, si Admiral Horatio Nelson ay literal na nasumpungan sa plotang Pranses sa Alexandria, Egipto, matapos ang paglaan ng mga buwan sa paghahanap sa Mediteraneo para rito.

Ang mga hukbong Pranses ay ipinalagay na ang mga Briton ay hindi magsisimula ng isang labanan habang papalubog na ang araw. Ito ay isa pang magastos na pagpapalagay dahil ang mga Briton ay agad na humakbang sa aksyon. Ang laban ay halos bumura sa plotang Pranses habang walang kawalan ng mga sasakyang-dagat sa mga Briton. Ito ay mahalaga na maunawaan dahil sa tagumpay na ito ng mga Briton na nagresulta sa Hari ng Hilagaan, ang Imperyong Ottoman, ay pumaroon gaya ng isang ipoipo laban sa lumulusob na hukbong Pranses.

“Ang paglusob ng mga Pranses sa Egipto ay mayroong pangunahing [at pangmatagalang] epekto sa Estadong Ottoman.”3 Hanggang sa panahong ito, ang Pransya ay kaalyado ng Imperyong Ottoman. Gayunman, ang tagumpay ng mga Briton sa Labanan sa Nilo ay inilagay ang Brintanya sa mas makapangyarihan, at dahil dito’y mas maimpluwensyang posisyon.

“Ang diplomasyang Briton sa Istanbul ay may kakayahang nang mamatnubay sa Imperyo tungo sa tahas na oposisyon, at noong Setyembre 9, 1798 ang Imperyong Ottoman ay nagdeklara ng digmaan sa Pransya (maaga noong 1799, ang Ruso ay sumama sa Britanya at Turko, bumubuo sa Ikalawang Koalisyon).”4

NA MAY MGA KARO, AT MAY MGA MANGANGABAYO ...

Matapos ang kanyang nagwawasak na mga kawalan sa Egipto, hindi pa handa si Napoleon na itigil ang kanyang mapaghangad na mga plano para sa Gitnang Silangan. Sa huling bahagi ng Pebrero 1799, nilisan ni Napoleon ang Egipto, nagmartsa pahilaga sa Sirya. Sa Acre, nakasagupa niya ang mga Turko (mga Ottomans). Ang mga Ottomans, ngayo’y kaalyado na ng mga Briton, ay kasama ng isang grupo ng mga manlalayag na Briton, pinangunahan ni Ginoong Sidney Smith. Agad na naglatag si Napoleon ng pagkubkob sa siyudad.

Sampung araw lamang ang lumipas, ang salitang nakarating kay Napoleon ay ang paparating na malakas na hukbong Turko. “Ito ay binubuo ng humigit-kumulang tatlumpung-libong tropa, labing-dalawang libo sa mga ito ay mga pinakamabangis at pinakasinanay na mangangabayo sa buong mundo. Si Napoleon ay mayroon lamang walong libong epektibong tauhan na makakatagpo ng mga mabuting sinanay na hukbo ng mga Europeo at mga Turko sa loob ng mga pader ng Acre at ang maraming hukbong sumusugod sa paghango nito.”5

Isang talaan ng mananalaysay ng sagupaan ay nagdadala ng isang tumatamang pagkakapareho sa propetikong paglalarawan ni Daniel:

Ito ay sa maagang-maaga ng ika-16 ng Abril. Ang hindi nababalutan ng ulap na araw ay sumikat sa mga burol ng Palestino at ipinakita [sa mga Pranses] ang buong mapalabang hukbo ng mga Turko na nakakalat sa harapan nila. Ang mata ay nasilaw sa kahanga-hangang palabas, sapagkat ang mga mapagmalaking bandila at karangyaan, at mga matitingkad na turbante at kumikinang na bakal, at lahat ng barbarikong karingalang pangmilitar ng Silangan, ay sumalamin sa mga sinag ng makinang na umaga. Labing-dalawang libong mangangabayo, pinalamutian ng pinakamarilag na kagayakan ng pagpapakitang militar, at nakasakay sa mabilis na Arabong magpaparatang, ay tumitigidig at lumalaktaw sa lahat ng mga direksyon ... Ang mga Pranses, mapagmataas at tiwala sa pag-urong bago ang anumang kalamangan sa bilang, ay mayroon lamang kakaunting panahon na bumuo sa isa ng hindi mapigilang parisukat ni Napaleon, kapag ang buong kawalkada ng mga mangangabayo, na may kumikislap na mga sable at kasindak-sindak na mga sigawan, at gaya ng lawisan ng hangin, dumating para sumugod sa kanila. Bawat tao sa mga parisukat ng Pranses ay nalaman na ang kanyang buhay ay batay sa kanyang kawalang-kilos, at bawat isa’y tumayo, balikat sa balikat kasama ang kanyang mga kasamahan.6

AT MAY MARAMING SASAKYAN ...

Bagama’t ang Turkey ay hindi naging kilala bilang naglalayag na bansa, ang propesiya ay malinaw na ipinahayag na “maraming sasakyan (pandagat)” ang sangkot sa pasabog na tugon ng Hari ng Hilagaan. Ang plotang Pranses ay halos nawasak, isang taon bago ang Labanan sa Nilo. Ang “maraming sasakyan” na ito ay dumating mula sa isang bagong alyansa, nabuo bilang isang resulta ng agresibong aksyong pangmilitar ng Sutil na Hari, ang Pransya. Ang Rusya, bagama’t isang matagal nang kaaway ng Imperyong Ottoman, ay kakampi ng mga Turko para labanan si Napoleon.

Tila na hindi pangkaraniwan, ang Rusya, ang katapat na kalaban ng Turkey, ay nagkaisa sa pagtanggol laban kay Napoleon. Ang Rusong armada ay ipinadala sa maliit na armadang Turko sa daungan ng St. Jean D’Acre at sila’y sinamahan pa rito ng dalawang iskwadron ng Briton. Ang kabuuang bilang ng mga sasakyang-dagat ay umabot ng mahigit tatlumpu.7

Ang mga agresibong aksyon ni Napoleon ay ginising ang nahihimlay na higante na ang Imperyong Ottoman.

AT KANIYANG PAPASUKIN ANG MGA LUPAIN, AT AABOT AT LALAGPAS

Ang salita8 rito na isinalin na “mga lupain” ay mayroong mas malawak na kahulugan kaysa sa “mga bansa” lamang. Ito ay maaaring tumukoy sa mga batawan, panlupa, o isang ilang. Sa katunayan, hinatid nito ang ideya ng isang rehiyon. Ang Hari ng Hilagaan, o ang Imperyong Ottoman, ay pinasok ang maraming rehiyon na dati nitong sinakop. Ito ay aabot at lalagpas sa kanila sapagkat ito’y tumugon sa banta ng Sutil na Hari, ang Pransya.

DANIEL 11:41

“Siya'y papasok din naman sa maluwalhating lupain, at maraming lupain ay mababagsak; nguni't ang mga ito ay mangaliligtas mula sa kaniyang kamay: ang Edom, at ang Moab, at ang puno ng mga anak ni Ammon.

SIYA’Y PAPASOK DIN NAMAN SA MALUWALHATING LUPAIN

Ang ngayong nagising na mga Turko, ang Hari ng Hilagaan, ay hinabol ang mga Pranses patimog. Ang “maluwalhating lupain” rito ay kapareho ng tinukoy sa Daniel 11:16. Ito ay ang Palestino. Si Napoleon ay pinalayas sa Sirya, nilimas pababa mula sa Palestino at tungo sa Egipto. Mula rito, inabandona na niya ang kanyang mga pagsisikap na sarilihin ang ruta ng kalakalan hanggang sa Indya at bumalik sa Europa.

AT MARAMING LUPAIN AY MABABAGSAK

Sa pariralang ito, ang “lupain” ay isang binigay na salita. Ang orihinal na Hebreo ay nagpahayag lamang na: “Marami ay mababagsak.” Sa tulong ng mga Briton, ang Hari ng Hilagaan, ang mga Turko, muli, ay isinama ang Egipto sa ilalim ng kontrol nito. Ang mga pangmilitar na aksyon ay lubos na magastos batay sa kawalan ng buhay ng tao. Noong pinabalik si Napaleon sa Egipto, ang kaaway ay pinatay ang mahigit 1,000 ng kanyang mga tauhan. Anim na raan ay kamatayan mula sa salot at 1,800 ang sugatan.

Ang mga Briton, muling tinulungan ang kanilang bagong kaalyado, ay hinatid ang hukbong Ottoman patungong Egipto sa kanilang mga sasakyang pandagat. Narito, sa unang Labanan ng Abukir noong 1799, ang hukbong Pranses ay nagwagi sa Egipto. Gayunman, ito ay simula na ng katapusan para sa presensya ng mga Pranses sa Egipto. Ang labanan ay nagbayad ng mga buhay ng karagdagang 1,000 sundalong Pranses, ngunit ang kabayaran sa mga Ottomans ay mas malaki. Tinatayang nasa 8,000 tropang Turko ang namatay.

Alinsunod sa siguradong salita ng propesiya, marami ang bumagsak noong ang Hari ng Hilagaan ay dumating gaya ng ipoipo laban sa Sutil na Hari, ang Pransya.

NGUNI’T ANG MGA ITO AY MANGALILIGTAS MULA SA KANIYANG MGA KAMAY:
ANG EDOM, AT ANG MOAB, AT ANG PUNO NG MGA ANAK NI AMMON.

Ang mga lupaing ito ay karamihan sa silangan ng Ilog Jordan. “Ang lupain ng Edom ay nasa mga disyertong rehiyon sa silangan at timog ng Israel. Marami sa mga inapo ng mga bansang ito ay nakakalat sa loob ng Saudi Arabia.”9 Sa kanyang pagsisikap na palayasin si Napoleon sa Gitnang Silangan, ang Hari ng Hilagaan ay nakatuon sa kanyang atensyon kung saan matatagpuan ang mga Pranses. Ito ay kanluran ng Jordan. Dahil dito, ang lahat ng mga lupain sa silangan ng Jordan “ay mangaliligtas mula sa kaniyang kamay” sa pagpapatuloy sa timog.

DANIEL 11:42

“Kaniyang iuunat din naman ang kaniyang kamay sa mga lupain; at ang lupain ng Egipto ay hindi makatatakas.”

Simula nang napukaw sa labanan, ang Imperyong Ottoman ay walang awa sa pagdadala ng pamumuno sa mga lugar na dati nitong nasakop. Hindi katulad ng mga kasanayan ng mga hukbong Kanluran, ang gawa ng mga Turko ay hindi kumuha ng mga bilanggo. Pinapahirapan at pinapatay nila ang sinumang sundalong Pranses na makikita nila, sugatan man o hindi. Gayon din, pinapatay nila ang sinuman na hinihinalang umaayon sa mga Pranses at dahil dito kaya “ang lupain ng Egipto ay hindi makatatakas.”

Isang talaarawan ng paglalakbay, naisulat noong ika-19 na siglo, ay ipinahiwatig ang mga pakikitungo ng mga taga-Egipto sa mga Ottomans, nagpapahayag: “Basahin ang mga kalupitan na ipinalagay ni Ginoong Robert Wilson sa mga Pranses, at maiisip mo na ang tanging bagay ng aming panghihimasok ay ang lokal na kasiyahan ng sinalakay na bayan. Subalit, kakaiba na sabihin, ang sinasabi ng mga Arabo sa mga Pranses nang may respeto, at ng kanilang pagpapaalis nang may kadalamhatian.”10 Sapagkat madalas na nasasabi, ang mga nagwagi ay isinusulat ang mga aklat ng kasaysayan at sa kasong ito ay walang naiiba. Kung ang mga Pranses ang masasama sa mga taga-Egipto gayong ipinalagay, ang mga Arabong nabubuhay rito ay walang pagsisisi sa kanilang pagpapaalis.

DANIEL 11:43

“Nguni't siya'y magtataglay ng kapangyarihan sa mga kayamanang ginto at pilak, at sa lahat na mahalagang bagay sa Egipto; at ang mga taga Libia at ang mga taga Etiopia ay susunod sa kaniyang mga hakbang.”

KAPANGYARIHAN SA MGA KAYAMANANG GINTO AT PILAK,
AT ... LAHAT NA MAHALAGANG BAGAY SA EGIPTO

Muhammad Ali Pasha al-Mas'ud ibn Agha

Si Muhammad Ali Pasha ay ang padaluyan kung saan ang Hari ng Hilagaan ay mayroong daanan sa kayamanan ng Egipto.

Si Muhammed Ali ay ipinadala sa Egipto ng mga Ottomans sa kanilang laban na palayasin ang mga Pranses. Siya ay ikalawa sa atasan ng isang rehimentong Albanes. “Taglay ang dakilang pulitikal na kakayahan, pinamahalaan siya noong 1805 na pangalanan na wālī, ang biseroy ng sultanong Ottoman sa Egipto, kasama ang ranggo na pasha.”11

Noong nasa kapangyarihan, “Isinagawa ni Muhammad Ali ang isa sa pinakamalaking pagsaklot ng lupain sa kasaysayan. Kinumpiska niya ang pyudal na bukurin ng mga respetadong Mamluks at tinanggalan ng mga pangrelihiyong institusyon ang Cairo ng kanilang 600,000 pangunahing akre ng mga nagmamay-ari ng lupain. Kaya pinutol ang medyebal na order ng Cairo at ang Egipto ay isa nang pribadong plantasyon ng biseroy.”12

Maaaring paniwalaan si Muhammad Ali sa pagtatatag ng modernong estadong Egipto, ngunit ito ay hindi natapos nang mapayapa. Sa katunayan, ito’y maaaring pangatuwiranan na ang mga aksyon ng hinirang ng Hari ng Hilagaan na ito ay bahagi ng ano ang nahulaan sa propesiya ni Daniel noong ipinahayag ng anghel, “Ang lupain ng Egipto ay hindi makatatakas.”

Tinapos ni Muhammad ʿAlī ang tradisyonal na lipunan ng Egipto. Pinatalsik niya ang mga Mamlūks, ang dating namumunong oligarkiya, kinamkam ang dating mga uri ng humahawak ng lupa, ginawang mga pensyonado ng pamahalaan ang mga pangrelihiyon na uri, ipinagbawal ang mga aktibidad ng mga katutubong mangangalakal at artisan na mga grupo, pinatahimik ang mga Bedouins, at sinira ang lahat ng mga samahan ng rebelyon sa mga pesante.13

Sa panahong ito, ang Egipto ay patuloy na isang probinsya ng Imperyong Ottoman. Ipinataw ni Muhammad Ali ang mapanirang mataas na buwis sa mga tao, nagpahirap sa kanila. Ilan sa mga salaping ito ay ipinadala niya bilang isang pagkilala sa sultanong Ottoman. Kaya, ang “mga kayamanang ginto at pilak” kasama ang “lahat na mahalagang bagay sa Egipto” ay ginawang makukuha sa Hari ng Hilagaan.

ANG MGA TAGA LIBIA AT ANG MGA TAGA ETIOPIA AY SUSUNOD SA KANIYANG MGA HAKBANG

MGA TAGA LIBIA: Ang hilagang dalampasigan ng Aprika ay dinala sa ilalim ng kontrol ng Imperyong Ottoman nang maaga pa. Huli, noong 1711, ang Libia ay naging mas may kasarinlan noong si Amed Karamanli, isang opisyal ng kabalyerya, ay nagsagawa ng kudeta. Pinatay niya ang gobernador na Ottoman at itinatag ang dinastiyang Karamanli, bagama’t siya ay patuloy na nagbabayad ng tanda ng pagkilala sa Imperyong Ottoman. Ang rehiyong ito ay nanatiling mas malaya hanggang 1832. Sa panahong iyon, ang sultanong Ottoman ay nagpadala ng mga tropa upang ibalik ang order kasunod ng pagbibitiw ng namumuno.

MGA TAGA ETIOPIA: Ang heograpiya na bumubuo sa modernong bansa ng Etiopia ay hindi naging bahagi ng Imperyong Ottoman. Gayunman, ang salitang ito na isinalin sa Ang Dating Biblia ay hindi tinutukoy ang modernong bansa na tinatawag na “Etiopia.” Sa halip, ito’y nagmula sa salitang “Cushite” na isinalin namin tungo sa Latin bilang “Æthiops.”

Ang paring Egipto na si Manetho (mga taong 300 BC) ay nilista ang dinastiyang Kushite (ika-25 dinastiya ng) Egipto, ito’y tinatawag na “dinastiyang Aethiopian”. Bukod dito, kapag ang Bibliyang Hebreo ay isinalin sa Griyego (mga taong 200 BC), ang pangalang Hebreo na “Kush, Kushite” ay naging Griyego na “Aethiopia, Aethiopians”, lumilitaw bilang “Ethiopia, Ethiopians” sa Ingles na Bersyong Haring James.14

Ang lugar na ito, dahil dito, ay tinutukoy ang dating lupain na hangganan sa timog ng Egipto. Ang mga taga Libia at mga taga Etiopia ay sakdal na inilarawan noong sinabi na susunod sa mga hakbang ng Hari ng Hilagaan.

DANIEL 11:44

“Nguni't mga balita na mula sa silanganan at mula sa hilagaan ay babagabag sa kaniya; at siya'y lalabas na may malaking kapusukan upang gumiba at lumipol sa marami.”

Ang Hari ng Hilagaan ay wala nang iba kundi ang Imperyong Ottoman. Dahil dito, ang “mga balita na mula sa silanganan at mula sa hilagaan” ay magiging balita mula sa silangan at hilaga ng Imperyong Ottoman, hindi ang silangan at hilaga ng Palestino.

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nagbigay sa Turkey ng palipasan, at ang dahilan na nais nito, para burahin ang mga Armenyong nabubuhay sa loob ng kanilang mga hangganan.

“Ang mga Alon ng Pag-uusig ay sinundan ng isa pa sa paglipas ng mga siglo, ang ilan ay mas malala kaysa sa iba. ... Sa pagsisimula ng ika-20 siglo, ang Armenia bilang isang entidad ay matagal nang tumigil sa pag-iral. Ang teritoryo ... ay kinatay sa tatlong pangunahing bahagi. Ang kanlurang bahagi, nabibilang sa Imperyong Turko; ang hilagang bahagi sa mga bundok ng Caucasus ay naging isa ng mga republika sa ilalim ng pamumunong Ruso; ang silangang bahagi na nasa hangganan ng Dagat Caspian ay matagal nang nasa ilalim ng kontrol ng Persya. Ang mga tao, gaya ng maraming ibang pambansang grupo, ay naging watak-watak; ngunit hindi katulad ng iba, sila’y napanatili ang kanilang pagkakakilanlan.”

(Marie Egitkhanoff, Terror by Night and Day, An Armenian Girl’s Story, p. 6.)

HILAGAAN: Isa sa mga hindi inaasahang resulta ng paglusob ng Sutil na Hari/Pransya sa Egipto, ay ang alyansa ng Imperyong Ottoman sa kanyang kalapit na bansa, ang Rusya. Ang dalawa ay nasa digmaan na sa loob ng ilang siglo. Literal. Ang mga digmaang Ruso-Turko ay sumaklaw ng limang siglo at kabilang sa mga pinakamahabang labanan sa kasaysayan ng Europa. Sa panahon ng mga tunggaliang ito, ang Imperyong Ottoman ay patuloy na nawalan ng lupain sa Imperyong Ruso.

SILANGANAN: Ang Persya ay nasa silangan ng Imperyong Ottoman. Mula 1804-1813, ang Persya at Rusya ay nasa digmaan. “Ang hukbong Persya ay nilamangan ang hukbong Ruso sa Transcaucasia nang ilang beses subalit mas mababa sa sining ng digmaan, militar na pagsasanay, at organisasyon.”15 Natalo ang Persya sa digmaan at lupain sa Rusya. Isa pang digmaan ang sumunod noong 1826-1828. Muli, nagwagi ang Rusya.

“Bilang resulta ng mga digmaang Ruso-Persya, ang Rusya ay dinagdag sa teritoryo nila ang hilagang Azerbaijan at silangang Armenia. Ang mga tagumpay ng mga Ruso ay pinalaya ang mga bayan ng Transcaucasia mula sa pagkaalipin sa mga pyudal na panginoon ng Persya, at ang mga bayang ito ay aktibong itinataguyod ang mga hukbong Ruso sa panahon ng mga digmaan.”16

Ang Rusya, sa pagkuha ng lupain mula sa Persya, ay bahagyang napalibutan ang Imperyong Ottoman, nagdadala ng kagipitan mula sa hilaga at silangan. Ito ang balita mula sa hilaga at sa silangan na tumakot sa Hari ng Hilagaan.

Isang detalyadong paglilista ng mga tensyon sa pagitan ng Imperyong Ottoman at Rusya ay magiging mahaba para sa kasalukuyang artikulo. Gayunman, ilan sa mga tensyong ito ay dahil sa pagkakaiba sa relihiyon sapagkat ang malawak na karamihan ng mga Ottomans ay Muslim habang ang mga Ruso ay mga Kristyano. Noong ipinag-utos ng tsar ang pagpapalayas ng mga Muslim mula sa Hilagang Caucasus, ito’y nagresulta sa isang pagpatay ng lahi na gumastos ng mga buhay ng 1.5 milyong Muslim. Sinumang nakaligtas ay tumakas patimog tungo sa Imperyong Ottoman.

Ito ay hindi isang walang saysay na kasaysayan. Ang mga aksyon ay maaaring bakasin nang direkta pabalik tungo sa Hari ng Timugan na “makikipagkaalit sa” Sutil na Hari (Pransya) at ang napakalaking reaksyon ng Hari ng Hilagaan (Imperyong Ottoman) sa pagtugon. Sa panahon at direktang kasunod ng Unang Digmaang Pandaigdig, ang mga Turko ay responsable para Pagpatay sa Lahing Armenian, ang Pagpatay sa Lahing Griyego, at ang Pagpatay sa Lahing Asiryan kung saan mahigit 3 milyong Kristyano ang pinatay dahil sa hinala na, sapagkat sila’y mga Kristyano, sila’y nakikiisa sa Rusya.

O anong kagimbal-gimbal na mga kahihinatnan ang nagresulta mula sa pakikipagkaalit ng Hari ng Timugan sa Sutil na Hari! Tanging si Yahuwah lamang ang nakakaalam ng kabuuang bilang ng mga buhay na nawasak at ang dakilang paghihirap na tiniis noong ang Hari ng Hilagaan ay tumungo “na may malaking kapusukan upang gumiba at lumipol sa marami.”

DANIEL 11:45

“At kaniyang itatayo ang mga tolda ng kaniyang palasio sa pagitan ng dagat at ng maluwalhating banal na bundok; gayon ma'y darating siya sa kaniyang wakas, at walang tutulong sa kaniya.”

Sultan Abdul Hamid II

Tinupad ni Sultan Abdul Hamid II ang propesiya noong nagpadala siya ng mga opisyal para direktang pamahalaan ang Jerusalem.

Sa bersong ito, ang talaan ng kasaysayan ay muling kinumpirma ang katumpakan ng propetikong pagbigkas. Ang mga Hudyo, at sa huli’y ang mga Khazars, ay matagal nang nais na makontrol ang Palestino. Noong 1897, ang Zionist Organization (sa huli, ang World Zionist Organization) ay ginanap ang Unang Zionist Congress sa Basel, Switzerland. Sa panahon ng tatlong araw na pagpupulong na ito, ang posibilidad ay tinalakay sa pagkakaroon ng Jerusalem bilang kabisera ng isang estado ng Hudyo sa hinaharap. Subalit ang Jerusalem at Palestino mismo ay nasa ilalim pa rin ng kontrol ng Imperyong Ottoman.

Si Abdul Hamid II, Sultan ng Imperyong Ottoman at Caliph ng Ottoman Caliphate, ay tumugon sa isang paraan na sakdal na tumupad sa tekstong ito. Nagpadala siya ng mga opisyal mula sa kanyang sariling palasyo para pamahalaan ang probinsya sa paligid ng Jerusalem. Nais niya na panatilihin ang kontrol ng bahaging ito ng kanyang imperyo at madama na ang pagkakaroon ng mga opisyal na Ottoman sa Jerusalem ay magpapagana sa kanya na panatilihing kaagapay ang anumang tangka ng mga banyagang pamahalaan na sakupin ang lugar.

Ang mga pagkabahala ng Sultan ay itinatag nang mabuti. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nasa kagiliran. Ang mga tensyon na humahantong sa “digmaan para tapusin ang lahat ng digmaan” ay nasa proseso na. Ngunit kakaunting tao lang ang may kaalaman na isa sa mga pangunahing motibo na nagpapatakbo ng polisiya ng Inglatera sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang pagtatatag ng isang sariling bayan para sa mga “Hudyo.”

...Ang mga Briton ay hindi naman inimungkahi na tumungo sa mga mosyon ng pagkonsulta ng mga katutubong tao sa bansa. Sapagkat ang may-akda ng tanyag na Deklarasyong Balfour, si Arthur Balfour, sinabi kay Panginoong Curzon: “Ang Apat na Dakilang Kapangyarihan ay nakatuon sa Zionismo. At Zionismo, ito man ay tama o mali, mabuti o masama, ay nakaugat na sa mga matagal nang tradisyon, sa mga kasalukuyang pangangailangan, sa mga panghinaharap na inaasahan, ng mas masalimuot na angkat kaysa sa mga pagnanais at pagtatangi ng mga Arabo na nananahan sa sinaunang lupain na iyon.”

... Anumang sumunod ay isang sistematikong pagsisikap na pahinain ang pansariling pamamahala at pansariling pamumuno, sa pamamagitan ng malambot na rehimen at, sa kaso ng Palestino, ay tahasang tanggihan ang mga karapatan ng naninirahan sa isang malaya at nagsasariling bansa. ...

Pabalintuna, isa ng mga badya ng Britanya para sa pagpapalehitimo ng polisiya nito sa panahon na ipunto ito sa mataas na pag-iisip; ito ay ang pagpapalaya ng mga Arabo mula sa pagkaalipin ng banyagang pamumunong Ottoman.17

Ang Alemanya sa katunayan ay ang nagwagi sa digmaan at ipinakita sa Inglatera ang isang tapat na alok ng kapayapaan. Kung tinanggap ng Inglatera ang kapayapaang ibinibigay ng Alemanya, milyung-milyong buhay sana ang nailigtas. Sa halip, isang bagay ang ganap na nangyari nang kakaiba.

Ang internasyonal na mga bangkerong Hudyo ay ang anong nangyari. Ang mga Zionistang Hudyo ay pinopondohan ang digmaan na nagsisikap na nais ang Palestino, kung kailan sa panahong iyon ay bahagi ng Imperyong Ottoman. Ang tanging paraan para ibigay ang Palestino sa mga Hudyo ay para kunin ito mula sa mga Ottomans. Bilang kapalit sa pagpasok ng Estados Unidos sa digmaan, ang mga Briton ay ipinangako ang Palestino sa mga Hudyo para sa isang sariling bayan.

Ito ay isang makademonyong pakikitungo at isang bagay sa Britanya na walang karapatan na ipangako. Subalit, iyon ang nangyari sa ilalim ng Kasunduang Balfour.18

Balfour visits Jerusalem

Binisita ni Balfour ang Jerusalem

Ang pulitikong Briton na si Panginoong Arthur Balfour (1848 – 1930) ay ipinunto ang isang tampok ng Simbahan ng Banal na Sepulkro (Church of the Holy Sepulchre) kay Gobernador Ginoong Ronald Storrs sa panahon ng isang pagbisita sa Jerusalem, ikasiyam ng Abril, taong 1925. Ang mga residenteng Arabo ng siyudad ay nasa isang welga gayong may protesta laban sa Deklarasyong Balfour na nagtataguyod ng mga plano para sa isang sariling bayan ng mga Hudyo sa Palestino. (Ang larawan ay mula sa Topical Press Agency/Hulton Archive/Getty Images)

 

Si Arthur James Balfour ay ang Pambanyagang Kalihim ng United Kingdom. Siya ay may kamalayan ng imoral na kalikasan ng adyenda ng mga Briton na kunin ang Palestino mula sa mga Turko. Sa isang sulat para kay Panginoong Curzon, isinulat noong 1919, inamin niya: “Sa Palestino, hindi naman natin inimungkahi na tumungo sa anyo ng pagkonsulta ng mga hinihiling ng mga kasalukuyang naninirahan sa bansa....Ang Apat na Dakilang Kapangyarihan ay nakatuon sa Zionismo. At Zionismo, ito man ay tama o mali, mabuti o masama, ay nakaugat na sa mga matagal nang tradisyon, sa mga kasalukuyang pangangailangan, sa mga panghinaharap na inaasahan, ng mas masalimuot na angkat kaysa sa mga pagnanais at pagtatangi ng 700,000 mga Arabo na kasalukuyang nananahan sa sinaunang lupain na iyon ...”19 Ang mga Briton at iba’t ibang Zionista na kumikilos para sa isang sariling bayan ng mga Hudyo sa Palestino ay gumawa ng mga magkasalungat na mga pangako. Kasama ang suporta ng dinastiyang Rothschild, sila’y nangako ng isang sariling bayan sa mga Hudyo habang sa kaparehong panahon ay gumawa sila ng mga pangako sa mga lokal na Arabo na sila’y wala naman intensyon na panatilihin.

“MGA TOLDA”

Sa mas malaking bahagi ng ika-19 na siglo, isang bilang ng mga iskolar ng Bibliya ay ipinahiwatig na ang Imperyong Ottoman ay ang Hari ng Hilagaan. Bilang ang Hari ng Hilagaan, nahulaan nila na ang Imperyong Ottoman ay ililipat ang punong-tanggapan nito sa Jerusalem. Noong ang Imperyong Ottoman ay nabuwag kasunod ng Unang Digmaang Pandaigdig nang hindi ito nangyayari, maraming nagpalagay na ang kanilang interpretasyon ay hindi tama.

Ang Imperyong Ottoman ay hindi nalupig ng mga banyagang kapangyarihan. Ito lamang ay tumigil sa pag-iral. Ang mga Europeo sa panahon na may kamalayan ng hindi pagkakasundo ng anong nangyayari sa minsang kinatatakutang imperyo. Ang Literary Digest ng 1919 ay nag-ulat sa presensya ng mga legado mula sa Imperyong Ottoman sa Konseho ng Ten, ngunit hindi bilang mga kalahok, ipinahayag:

“Kung ang mga lilim ay maaaring tumawa, ang mga espiritu nina Peter ang Hermit, Louis IX, at Richard ang Lion-Hearted ay maaaring sumama sa isang pagsabog ng isang malisyosong tawanan sa ibang araw kapag ang imperyo na bigong wasakin ng sampung krusada sa loob ng tatlong siglo, ipadala ang Dakilang Biser nito sa Paris, at isang delegasyon ng mga kilalang Turko kasama niya. Sa kanilang landas patungo at mula sa mga sesyon ng Konseho ng Ten ng Pagpupulong para sa Kapayapaan ... sila’y nangailangan na pumasok at umalis sa iba’t ibang mga pintuan mula sa mga ginamit ng mga kasapi. Sapagkat sa pagmamasid ng Charleston Evening Post: ‘Ang mga makikinis magsalita na mga ginoo mula sa Golden Horn ay hindi mga legado ng isang imperyo, sapagkat hindi pa lubusang tinukoy kung ang Turkey ay ituturing na mayroon pang isang pambansang entidad.’ Binisita lamang nila ang Paris bilang mga eksperto kung saan ang Konseho ng Ten ay maaaring makakuha ng impormasyon tungkol sa mga kapakanan ng mga Turko.”

Ang pagpapalagay na ito, gayunman, ay batay sa isang maling pagkakaunawa ng salitang “mga tolda.” Kapag naunawaan nang tama, malinaw na makikita na ang Hari ng Hilagaan ay ang Imperyong Ottoman at tunay na ginawa niya kung ano ang hinulaan ng propesiya. Itinayo niya ang “mga tolda ng kaniyang palasio sa pagitan ng dagat at ng maluwalhating banal na bundok.” Sa ibang mga salita, ang Sultanong Ottoman ay itinatag ang kanyang pulitikal na presensya sa pagitan ng Ilog Jordan na nasa silangan, at ang Dagat Mediteraneo na nasa kanluran.

Ang salitang “tolda” ay nagmula sa salitang Hebreo, ohel. Ito’y nangangahulugan na “isang kulandong...pambalot, (pansamantalang tirahan) (bahay), tahanan, tolda, isang suklob.”20 Ang mga anak ni Israel ay nagtayo ng tolda sa dakong ilang. Ito ay ang kaparehong salitang ginamit nang paulit-ulit sa mga aklat ni Moises para ilarawan ang tolda ng pagpupulong at ang santuwaryo. Ang tolda ay isang pansamantalang tirahan. Ito ay isang kulandong! Sa kadahilanang ito kaya si David ay nagnais na magtayo ng isang permanenteng tahanan para kay Yahuwah.

Ang Sultan ay hindi na kailangang ilipat ang upuan ng kanyang pamahalaan sa Jerusalem upang matupad ang Daniel 11:45. Tinupad niya ito noong sinadya niya na ilipat ang bahagi ng kanyang pamahalaan sa Jerusalem para salubungin ang lumalaking banta ng pagpapalawak ng mga bankerong Zionista. Ito ay hindi isang permanenteng pagtatatag kundi isang pansamantala. Ang “tolda ng kanyang palasyo.”

DARATING SIYA SA KANIYANG WAKAS,
AT WALANG TUTULONG SA KANIYA

Ang makapangyarihang Imperyong Ottoman, ang kinatatakutang salot ng mga Krusada, ay dumating sa katapusan nito, hindi sa isang kalampag, kundi sa pagkakalanta tungo sa kawalang-kasaysayan. Si Tsar Nicholas I ng Rusya ay tinukoy ang Imperyong Ottoman bilang isang “sakiting tao,” ipinahayag:

Ang Turkey ay tila bumabagsak sa mga piraso, ang pagbagsak ay isang dakilang kasawian. Ito ay lubos na mahalaga na ang Inglatera at Rusya ay dapat na dumating sa isang ganap na mabuting pagkakaunawa ... at wala dapat na kumuha ng anumang tiyak na hakbang na ang iba ay hindi ipinahayag ... Mayroon tayong isang sakiting tao sa ating mga kamay, isang tao na lubos na may karamdaman, ito ay magiging isang dakilang kasawian kapag ang isa ng mga araw na ito ay nadulas siya sa ating mga kamay, lalo na bago ang mga kinakailangang kaayusan ay nagawa.21

Ang pangalan ay agad nahuli at sa lalong madaling panahon, ang mga tao mula sa mga mamamahayag ng peryodiko hanggang sa mga iskolar ng Bibliya ay nakatuon sa bumabagsak na kapangyarihan ng minsang dakilang Imperyong Ottoman na tinutukoy bilang “sakiting tao ng Europa.” Sa maraming tao, ang Britanya at Pransya ay tinulungan itayo ang Imperyong Ottoman sa isang tangka na panatilihin ang Rusya mula sa pagkamkam at pagpapalawak pa. Sa huli, gayunman, ang mga gulo sa Europa ay inilipat ang atensyon at mga pananalapi palayo mula sa “sakiting tao.”

Mustafa Kemal Atatürk

Mustafa Kemal Atatürk

Ang Hari ng Hilagaan ay inilipat ang “mga tolda ng kanyang palasyo” sa Jerusalem dahil kinatatakutan niya ang mga banyagang kapangyarihan na maaaring sakupin ang lugar na ito ng Imperyong Ottoman. Ito ang eksaktong nangyari. Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, ang nagtagumpay na pwersang Alyado ay pinaghatian ang mga samsam ng digmaan para sa kanila at ang Palestino ay ibinigay sa kontrol ng Imperyong Briton.

Ang Imperyong Ottoman ay nawalan ng teritoryo kasunod ng Unang Digmaang Pandaigdig ngunit, sa huli, ito ay hindi nasakop ng ibang bansa. Dumating ito sa katapusan sa panloob. Si Mustafa Kemal, isang Turkong opisyal na pangmilitar, ay binuwag ang sultanatong Ottoman at, sa huli, ang caliphate, itinatag ang modernong Republika ng Turkey. Ganap na 99% ng mga Turko ay mga Muslim, at ngunit, nakakaintriga, ang Turkey ay hindi isang opisyal na bansang Muslim.

Ginawang modernisado ni Kemal ang Turkey sa pamamagitan ng pagiging sekular nito. Siya ay binigyan ng pangalang Atatürk (“Ama ng mga Turko”) sa pagkilala sa malawak, pahapyaw na mga pagbabago na hinatid niya sa bansa. Sinigurado niya na ang pamahalaang Turko sa hinaharap ay maaaring ganap na humiwalay mula sa Islam. Inilatag niya ang isang pundasyon ng mga batas na ginawang imposible para sa Imperyong Ottoman at caliphate na mabuhay muli. Siya ay “nagtatag ng bagong sibil na kodigo, batay sa modelong Europeo. At itinatag niya ang isang konstitusyon na hayagang pinuputol ang lahat ng koneksyon sa Islamikong batas [Sharia].”22

Binigyan ni Mustafa Kemal Atatürk sa Imperyong Ottoman (at Islam sa pangkalahatan) ang isang sugat na nakamamatay kung saan ito ay hindi—at hindi na kailanman—gumaling. Ang Hari ng Hilagaan ay dumating sa kanyang katapusan at walang tumulong sa kanya.

ANG BANSANG TURKEY NGAYON

Ang Turkey ay tinupad ang nakatakdang papel nito sa propesiya. Ang ilang tao ay patuloy pang naghahanap ng karagdagang mga pag-unlad sa dating Imperyong Ottoman. Gayunman, wala nang matutupad pa sa propesiya ng Daniel 11. Ang Hari ng Hilagaan ay dumating sa kanyang katapusan noong 1922 matapos ang mga pwersang Europeo ay tinalikuran ang kanilang suporta.

Ang ganap na pagtatayo ng Daniel 11 ay para sa isang layunin at isang layunin lamang: para tukuyin para sa huling henerasyon kung kailan ang probasyon ay magsasara! Sapagkat ang “panahon ng kawakasan” ay nagsimula noong 1798, ang “panahon ng kabagabagan” ay nagsimula noong 1922. Anumang bagay na magaganap pa sa Turkey ay tatapat sa loob ng mga parametro ng panahon ng kabagabagan.

Tapos na ang Daniel 11. Nagwakas na! Wala nang matutupad pa. Tayo ngayon ay nabubuhay sa panahon ng Daniel 12:1. Ito ay isang pinakataimtim na katunayan. Sinabi ng anghel kay Daniel:

At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.

At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.

At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man. (Daniel 12:1-3)

Gising na! Ito na ang oras kung kailan tayo nabubuhay ngayon! Ang probasyon ay magsasara na sa lalong madaling panahon! Mayroong iisang pangyayari sa pagitan ng taimtim na kalagayang iyon at tayo: ang pagpapatunog ng mga trumpeta.

Ang mga trumpeta ay pinapatunog para maghudyat o magbabala, at iyon ang gagawin ng mga trumpeta. Ibinigay ang mga ito para kunin ang atensyon sa pagsasara ng probasyon. Ang mga ito ay magiging pinakamalalang salot na babagsak sa sangkatauhan hanggang sa oras na iyon. Ang kanilang layunin ay para gisingin ang mga kaluluwa dahil ang darating matapos ang wakas ng probasyon, ang huling pitong salot, ay magiging lubos na kalunos-lunos, kaya, kung hindi pinanatili ni Yahuwah ang Kanyang mga anak sa mga ito, wala nang buhay ang matitira.

Ang walang hanggang awa ay nais na magising ang kaluluwa, may kamalayan, at may kakayahang gumawa ng mga matatalinong pasya. Ang mga trumpeta ay mga kukuha sa atensyon ng bawat taong nabubuhay sa balat ng lupa sa mga patotoo na kailangan nilang malaman upang maging handa para sa pagsasara ng probasyon at ang Muling Pagdating.

Ngayon, sa mga papatapos na sandaling ito, gumawa ng ganap na pagsuko kay Yahuwah. Hanapin ang iyong puso. Isantabi ang bawat sagabal at, sa ganap na katiyakan ng pananalig, kunin ang ipinangakong kaligtasan.

Ang kamay ng Ama ay nakikipag-ugnayan, naghihintay na kunin ka at dadalhin ka sa kaligtasan. Di ka ba papaabot sa pinakamatalik mong kaibigan na mayroon ka?

 

 


Nauugnay na Nilalaman:


1 Lahat ng Kasulatan ay kinuha mula sa Ang Dating Biblia.

2 https://www.expertsmind.com/library/french-invasion-and-occupation-of-egypt-in-1798-5235506.aspx

3 Güven Dinç, “The Ports of Cyprus and the French Invasion of Egypt (1798-1801),” Mediterranean Studies, Vol. 24, No. 1 (2016).

4 https://www.historyofwar.org/articles/wars_french_egypt.html

5 John Stevens C. Abbott, The Life of Napoleon Bonaparte, pp. 102-103.

6 Ibid., binigyang-diin.

7 https://www.inlightofprophecyfulfilled.org/studies/pdf/articles/KON/KON_Part3.pdf, p. 3.

8 Erets, (#776), Strong’s Exhaustive Concordance.

9 https://www.inlightofprophecyfulfilled.org/studies/pdf/articles/KON/KON_Part3.pdf, p. 5.

10 Richard R. Madden, Travels in Turkey, Egypt, Nubia and Palestine in 1824, 1825, 1826 & 1827, p. 173, binigyang-diin.

11 https://www.britannica.com/biography/Muhammad-Ali-pasha-and-viceroy-of-Egypt

12 https://egyptianagriculture.com/muhammad_ali.html

13 https://www.britannica.com/biography/Muhammad-Ali-pasha-and-viceroy-of-Egypt

14 https://murakushsociety.org/index.php/2016/09/23/dictionary-defines-the-hebrew-term-cushite-as-moor-in-english/

15 https://encyclopedia2.thefreedictionary.com/Russo-Persian+Wars+of+the+19th+Century

16 Ibid., binigyang-diin.

17 https://www.middleeastmonitor.com/20141114-world-war-one-and-palestine-does-the-connection-still-matter/, binigyang-diin.

18 I-click rito para sa mas maraming impromasyon sa Kasunduang Balfour at mga pangyayari na humantong rito.

19 https://www.balfourproject.org/a-few-quotes/

20 Tingnan ang Strong’s Concordance, #168.

21 Harold Temperley, England and the Near East, p. 272.

22 https://www.bbc.com/news/magazine-23810527, binigyang-diin.