Ang Jerusalem ay gumanap ng isang sentrong papel sa mga plano ni Yahuwah para sa sangkatauhan. Ang deklarasyon ng Israel bilang isang malayang bansa noong Mayo 14, 1948, ay dakila ang kahalagahan sa mga nabubuhay sa mga huling araw. |
Ang siyudad ng Jerusalem ay higit pa sa isang destinasyon ng turismo para sa nagnanais na bisitahin ang “banal na lupain.” Sinabi na ang Jerusalem ay ang mismong sentro ng Hudyong buhay, tradisyon, at Kasulatan, subalit maging ito ay bigo na makuha ang ganap na saklaw ng kahalagahan ng Jerusalem sa mga plano ni Yahuwah para sa sangkatauhan.
Ang mga sanggunian sa Jerusalem ay lumitaw sa Kasulatan nang napakatagal bago pa ang mga Anak ng Israel ay nasakop ang Canaan. Malinaw na mula pa sa Genesis 14 noong si Abram ay bumabalik mula sa pagsagip kay Lot matapos ang pakikipaglaban kay Chedorlaomer, isang hari sa ngalan ni Melquisedek ay ipinahayag na isang pagpapala kay Abram na, dahil dito, ay nagbayad ng ikapu kay Melquisedek. Ang kahalagahan ng gawang ito ay patuloy na naunawaan sa mga panahon ng Bagong Tipan:
Ang Melquizedek na ito, hari ng Salem at pari ng Kataas-taasang Elohim, ay sumalubong kay Abraham sa pagbabalik niya galing sa paglipol sa mga hari, at siya’y binasbasan nito. Sa kanya ibinigay ni Abraham ang ikasampung bahagi ng lahat. Una sa lahat, si Melquizedek ay “hari ng katuwiran”; ito ang kahulugan ng kanyang pangalan. At dahil “hari siya ng Salem,” siya ay “hari din ng kapayapaan.” (Hebreo 7:1-2)
Sa Hebreo, ang Salem ay shalem na nauugnay sa shalom (kapayapaan) at ibig sabihin ay buo o ganap. Ang tradisyon ng Hudyo ay nagpapahiwatig na ang hari ng kapayapaan at hari ng katuwiran na ito ay walang iba kundi si Shem. Siya ay tiyak na mananamba ng nag-iisang tunay na Elohim. Ang pahayag na siya ay “hari ng Salem” ay ipinapakita na namuno siya mula sa huli na naging … Jerusalem.
Apatnapu’t lima hanggang limampung taon ang nakalipas, noong sinabi ni Yahuwah kay Abraham upang ialay si Isaac, sinabihan siya na gawin ito sa “sa lupain ng Moria” (Genesis 22:2). Ang bundok Moria ay ang bundok kung saan, maraming siglo ang lumipas, ang templo ay itinayo sa Jerusalem! Sa mga nakalipas, paulit-ulit na tinukoy ni Moises ang Jerusalem bilang “dakong pipiliin ni Yahuwah ninyong Elohim na patatahanan sa kaniyang pangalan ay doon ninyo dadalhin ang lahat na aking iniuutos sa inyo; ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga hain, ang inyong mga ikasangpung bahagi, at ang handog na itataas ng inyong kamay, at ang lahat ng inyong piling panata na inyong ipinananata kay Yahuwah” (Deuteronomio 12:11). Sa kauna-unahang pagkakataon, sa mga pahayag na ito, ang kahalagahan ng siyudad sa hinaharap ay ipinakita.
Ang Jerusalem, bilang siyudad ni Yah, ay palaging banal. Kapag ang isang tao, bagay o lugar ay itinakda bilang “banal,” ito ay itinakda para sa mga layunin ni Yahuwah. Ang lokasyon ng Jerusalem ay hindi pangyayari. Sa silangan ng Israel ay isang maladisyertong kaparangan. Ang mga tao na naglalakbay mula sa hilaga papuntang timog at pabalik ay dadaan sa Israel (at sa sentrong lokasyon ng Jerusalem). Ito ay banal na layunin ni Yahuwah para sa pagpapalaganap ng totoo. Bilang manlalakbay na dumadaan sa Israel, matutunan nila ang banal na lider ng Israel at iuuwi ang mensahe sa kani-kanilang mga bansa. Ang Jerusalem, dahil dito, ay isang banal na kaloob.
Maging sa ngayon, sa isang moske ng Muslim sa lugar kung saan minsang nakalagak ang templo ni Solomon, ang Jerusalem at ang lahat ng naninindigan rito ay isang liwanag para sa lahat ng bayan. Ngunit hindi pa tapos si Yahuwah sa Jerusalem.
Sa mga huling araw ang bundok ng templo ni Yahuwah ay itinatag bilang pinakamataas sa mga bundok; ito’y itataas sa mga burol, at ang lahat ng mga bansa ay dadaloy rito.
Maraming tao ang darating at magsasabi, “Halina kayo, at tayo’y magsiahon sa bundok ni Yahuwah, sa bahay ng Elohim ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo’y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka’t mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ni Yahuwah ay mula sa Jerusalem.” (Isaias 2:2-3)
Matapos ang pagkawasak ng Jerusalem noong 70 AD, ang mga Hudyo ay nakakalat. Sa mga sumunod na siglo, ang banal na siyudad ay dumating sa ilalim ng kontrol ng iba’t ibang kapangyarihan, madalas sa pamamagitan ng pagdanak ng dugo at karahasan. Noong 1917, ang Britanya ay naging unang bansa na nagtaguyod ng pagkakatatag ng isang bago, malayang estado ng Hudyo. Gayunman, hindi ito hanggang 1948 na ito ay aktwal na naganap. Nakalulungkot, sa loob ng maiksing panahon, ang Silangang Jerusalem, nakapaloob ang Lumang Siyudad, ang Kanlurang Pader, at ang Bundok ng Templo, ay dumating sa ilalim ng kontrol ng Jordan.
Ngunit walang sinuman ang maaaring lumansag ng mga walang hanggang plano ni Yahuwah. Noong Hunyo ng taong 1967, isang himala ang naganap. Sa loob ng 19 na taon mula nang nilikha ang isang estado ng Hudyo, ang mga kalapit-bansang Arabo ng Israel ay naging isang patuloy na banta. Tumindi ang krisis bago tuluyan, noong Hunyo 5, 1967, ang Israel ay naglunsad ng paunang atake na, sa loob lamang ng anim na araw, ay tinalo ang mga militar ng tatlong nakapaligid na mga bansa at nagresulta sa lahat ng Jerusalem ay tuluyang bumalik sa kontrol ng Israel.
Ito ay isang pangwakas na sandali sa kasaysayan.
Isang nagkaisang Jerusalem ang palaging isang mas payapang Jerusalem kaysa sa isang hinati. Ang Banal na Siyudad [ni Yahuwah] ay layon na magdala ng mga tao nang sama-sama at malapit [kay Yah]. Ito ang sukdulang layunin ng Mesianikong Panahon, at sa muling pagkakaisa ng Jerusalem, tayo’y isang hakbang na mas malapit sa layuning iyon, hanggang sa araw ang Templo sa Jerusalem ay “tatawaging bahay na panalanginan para sa lahat ng mga bayan” (Isaias 56:7).1
Ang sukdulang plano ni Yahuwah para sa Jerusalem ay tuluyang matutupad kapag ang Bagong Jerusalem ay inilipat mula sa Langit pababa sa lupa, magiging kapitolyong siyudad ng Kaharian ni Yahuwah magpakailanman, itatakda sa lupa.
Pagkatapos, nakakita ako ng bagong langit at ng bagong lupa; sapagkat lumipas na ang unang langit at ang unang lupa, at wala na ang dagat. Nakita ko ring bumababa mula sa langit, galing kay Yahuwah, ang banal na lungsod, ang bagong Jerusalem, inihandang tulad ng isang babaing ikakasal na inayusan para sa kanyang asawa. At mula sa trono, isang malakas na tinig ang aking narinig, “Masdan ninyo, ang tahanan ni Yah ay kasama na ng mga tao. Maninirahan siya sa kanila bilang Elohim nila; sila’y magiging bayan niya, at si Yahuwah mismo ay makakasama nila at magiging Elohim nila; papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Hindi na magkakaroon ng kamatayan; ni magkakaroon ng pagluluksa at pagtangis, at kahit kirot ay di na rin mararanasan, sapagkat lumipas na ang mga unang bagay.” (Pahayag 21:1-4)
Tunay na maluwalhating hinaharap ang naghihintay sa lahat ng nananatiling tapat kay Yahuwah sa mga paparating na araw! Ang kamakailang kasaysayan ng Jerusalem ay nagpapahiwatig na ang pagbabalik ni Yahushua at ang pagkakatatag ng kaharian ni Yahuwah sa lupa ay magaganap sa nalalapit na hinaharap.
1 International Fellowship of Christians and Jews. “Jerusalem: God’s Eternal City,” pahina 16, binigyang-diin.