Kung totoo na “Ang mga mangmang ay nagmamadali kung saan ang mga anghel ay natatakot sa pagyapak,” ang buong mundo ay puno ng mga mangmang. Ang Langit ay nagbabala sa buong mundo, ngunit, kakaiba, ang malawak na karamihan ng mga tao ay ipinalagay na ang babala ay hindi naaangkop sa kanila!
Ang Pahayag 18 ay nagbubukas sa mga kagimbal-gimbal na mga salita:
Pagkatapos ng mga ito, nakita ko ang isa pang anghel na bumababa mula sa langit. Taglay niya ang dakilang kapangyarihan; at naliwanagan ng kanyang kaluwalhatian ang daigdig. Sumigaw siya nang napakalakas, “Bumagsak na, bumagsak na ang tanyag na Babilonya! ... Sapagkat lahat ng bansa ay uminomng alak ng kanyang kahalayan ...
Pagkatapos, mula sa langit ay narinig ko ang isa pang tinig na nagsasabi, “Lumabas kayo mula sa kanya, bayan ko, upang kayo'y hindi makabahagi sa kanyang mga kasalanan, at upang sa kanyang mga salot ay hindi kayo madamay; sapagkat abot na sa langit ang kanyang mga kasalanan, at binalingan ni Yahuwah ang kanyang mga kasamaan.
Ibalik ninyo sa kanya kung ano’ng ibinigay niya, at bayaran ninyo siya ng doble sa kanyang mga gawa; sa pinaghaluan niyang kopa, ipaghalo ninyo siya ng doble. (Pahayag 18:1-6, Filipino Standard Version)
Maraming mga Bibliya ay isinalin ang berso bilang isang imbitasyon: “Lumayo kayo sa kanya, bayan Ko.” Ang problema sa ganitong pagsasalin ay ang bawat iisang Kristyano ay ipinalagay na ang kanyang simbahan, bilang isang “nalalabing” simbahan ay hindi saklaw. Dahil dito, siya ay dapat tumungo na baguhin ang sinuman na sumapi sa “kanyang” denominasyon.
Ito ay isang pagkakamali. Ang Langit ay nagpalabas ng banal na kautusan: Lumabas kayo! Ito ay hindi isang imbitasyon na “Halika, sumama sa akin!”
Ang Babilonya ay isang simbulo para sa kapapahan. Ngunit ang banal na karunungan ay ipinaliwanag na ang “lahat ng mga bansa” ay ininom ang kanyang alak, iyon ay ang kanyang mga huwad na doktrina. Ang “alak” na ito ay patunay na walang relihiyon, at walang simbahan, ang hindi saklaw mula sa kautusan na iwanan ang Babilonya. Ang Roma ay ang pinagmulan ng dalawang kamalian na taos-pusong tinanggap ng hindi lamang Kristyanismo, kundi ng buong mundo. Ang pagtanggap na ito ng kamalian ay ang pagdadala nang pababa ng poot ni Yah sa buong mundo, at nagdikta ng banal na babala.
Ang doktrina ng tatluhang ulo ng diyos ay batayan sa teologo ng Romano Katoliko. Ang paring Heswita, si John Hardon ay isinulat: “Ang hiwaga ng Banal na Trinidad ay ang pinakabatayan sa aming pananampalataya. Mula rito ang anumang bagay ay batay at mula rito anumang bagay ay kinuha.”1
Ang doktrinang ito, gayunman, ay nagmula sa sinauna, huwad na mga relihiyon, hindi Banal na Kasulatan. “Ang tanging sipi ng Bagong Tipan na nagpapahayag ng doktrina (1 Juan 5:7-8) ay hindi orihinal na bahagi ng teksto subalit idinagdag ng mga tuso sa doktrina na manunulat sa isang huling petsa (ito’y hindi natagpuan sa anumang mga manuskritong Griyego hanggang sa ika-11 siglo.)”2
Isa pang may-akda ang nagpaliwanag:
Bagama’t ang ibang relihiyon sa loob ng libu-libong taon bago ipinanganak si Kristo ay sumamba sa isang tatluhang diyos, ang trinidad ay hindi isang bahagi ng Kristyanong aral at mga pormal na dokumento ng unang tatlong siglo matapos si Kristo.
Kaya walang pormal, itinatag na doktrina ng trinidad hanggang sa ikaapat na siglo ay isang ganap na dokumentadong makasaysayang katunayan.3
Sa kabila ng mga kahina-hinalang pinagmulan ng doktrinang ito, ito ay niyakap ng halos lahat ng Kristyanismo. Isa sa maliit na sekta, gaya ng Saksi ni Jehovah, ay tinatanggihan ang hindi biblikal na doktrinang ito. Ang mga pangunahing denominasyon ay pinapaalis sila bilang mga kulto dahil sa kanilang pagtanggi ng huwad na pagtuturong ito!
Gayunman, ito ay bahagi ng alak ng Babilonya. Lahat ng makikibahagi sa kanyang mga kasalanan sa pagtanggap ng doktrinang ito ay matatanggap ang kanyang mga salot.
Ang ikalawang kamalian na bumubuo sa alak ng Babilonya ay mas malawak kaysa sa nauna. Iyon ay ang kalendaryong Gregorian.
Isang astronomong Heswita na nagngangalang Christopher Clavius ang nagsaayos ng kalendaryong Gregorian. Ito pa nga ay ipinangalan sa papa na nagkomisyon nito: si Pope Gregory XIII. Ito ay naging talagang kalendaryong sibil ng buong mundo. Ang problema ay, wala sa tunay na araw ng muling pagkabuhay ng Tagapagligtas o sa orihinal na ikapitong araw ng Sabbath ang maaaring mahanap gamit ang kalendaryong solar na ito. Maging ang mga simbahang Orthodox na nagkakalkula ng Pasko ng Pagkabuhay sa kalendaryong Julian ay patuloy na sumasamba sa araw ng Linggo ng kalendaryong Gregorian.
Sa pamamagitan ng dalawang kamaliang ito, literal na ang lahat ng bansa ay nalasing sa alak ng kahalayan ng Roma.
Ang paggamit ng kalendaryo ng kapapahan ng buong mundo ay naghahanda sa lahat na tanggapin ang tanda ng halimaw kapag ang batas ay ipinatupad ito. Ang “tandang” ito ay isang tanda ng katapatan sa papa at, sa pamamagitan nito, kay Satanas.
Ang tanda ng halimaw ay ipinataw kapag ang lehislasyon ay itinataas ang araw ng Linggo—ang araw ng pagsamba ng papa—bilang isang araw ng pamamahinga para sa natitira ng buong mundo. Ang kautusang ito ay itataguyod bilang isang mabuting bagay. Sa pagpapaliban ng komersyo, sarado ang mga arena ng isports, walang obligasyon ng trabaho, walang bagay na makakasagabal, ang mga tao ay makakatuon sa kanilang mga relasyon sa mga kaibigan at pamilya.
Walang pipilitin na tumungo sa simbahan sa araw ng Linggo. Gayunman, sa pagsunod sa konseho ng Roma, sila ay, sa epekto, ay sasamba sa araw ng Linggo dahil sila ay pararangalan ang pinuno ng araw ng Linggo: ang papa.
Kapag ang mga pamahalaan ng mundo ay nagkaisa sa pagtaas ng araw ng Linggo bilang isang araw ng pamamahinga, pagkatapos ang lahat ng susunod sa kautusang ito ay matatanggap ang tanda ng halimaw. Dahil dito, si Satanas ay pinarangalan kapag ang araw ng Linggo ay pinarangalan at ang tunay na Sabbath ni Yahuwah ay pinabayaan.
Huwag linlangin ang iyong sarili. Ang kautusan na lisanin ang Babilonya ay naaangkop rin sa iyo. Ito’y naaangkop sa iyong simbahan, o sa iyong nananampalatayang komunidad rin. Bawat organisadong relihiyon sa lupa ay naglalaman ng kamalian. Sila’y kumapit sa mga huwad na doktrina, o tinanggihan ang sumusulong na liwanag, o pareho.
Ang tangi mong kaligtasan ay nasa pagsunod sa banal na kautusan na iwanan ang lahat ng mga organisadong relihiyon.
Ito’y hindi madali. Sa katunayan, ito’y maaaring isang lubos na mapanglaw na paglalakad. Ngunit hindi ibig sabihin na ito’y mali. Si Yahuwah ay palaging pinapangunahan ang Kanyang mga pinili na hiwalay.
“Kaya't lumabas kayo sa kanila, at humiwalay kayo, sabi ni Yahuwah. Huwag kayong humipo ng anumang bagay na marumi, at kayo'y aking tatanggapin, at ako'y magiging ama ninyo, at kayo'y magiging mga anak ko, sabi ni Yahuwah Makapangyarihan sa lahat.” (2 Corinto 6:17-18, FSV)
Kapag sinunod mo ang kautusang ito, ang Makalangit na Ama ay aampunin ka bilang Kanya. Lahat ng mga pinakukunan ng walang hanggang kapangyarihan ay nasa iyong pagkakaloob. Ang mga anghel ay magiging mga bantay, patnubay, at mga kasama, mula rito hanggang walang hanggan.
Ang mga pangrelihiyong lider ay susubukan ka na manatili. Sila’y manghihimok na ang tanging paraan na magdulot ng pagbabago ay mula sa loob. Ngunit wala nang panahon para maglaro sa kaligtasan. Ang banal na kautusan ang malinaw: walang hindi saklaw.
Sundin si Yahuwah. Iwanan ang lahat ng mga bumagsak na simbahan at mga organisadong relihiyon. Manalangin para sa mga kaibigan at kapamilya na nananatili sa mga entidad na ito, ngunit gawin ito mula sa labas.
Ang gantimpala na naghihintay sa masunurin ay lagpas pa sa sukdulang kaisipan.
“Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at hindi narinig ng tainga, at hindi pumasok sa puso ng tao, ay ang mga bagay na inihanda ni Yahuwah para sa kanila na nagmamahal sa Kanya.” (1 Corinto 2:9, FSV)
Ang pagsunod kay Yahuwah ano pa man ang kabayaran ay karapat-dapat na anumang halaga.
1 https://www.catholiceducation.org/en/culture/catholic-contributions/catholic-doctrine-on-the-holy-trinity.html
2 Bart D. Erhman, Lecture course: “From Jesus to Constantine: A History of Early Christianity.”
3 Victor Paul Wierwille, “Jesus Christ is Not God.”