![]() |
Solomo Asch, isang sikologo at mananaliksik. |
Si Solomon Asch ay mausisa. Karamihan sa mga tao ay nais na isipin ang kanilang sarili na may malayang pag-iisip at matapang. Ngunit, kung kailan ang tulak ay dumating sa pagsalya, ilang tao ang may katapangan na manindigan sa kanilang mga hatol? Determinado si Asch na malaman ito.
Nagsagawa siya ng isang serye ng mga eksperimento na maaari niyang subukin ang kapangyarihan ng pagkakaayon. Inilagay niya ang isang tao na sinubok niya sa isang mas malaking “kontroladong” pangkat at nagtanong ng isang serye ng mga katanungan. Sa una, ang lahat ay sumagot nang tama. Matapos ang isang sandali, gayunman, ang pangkat (na tinuruan ni Asch kung paano sumagot) ay nagsimulang magsagot sa ilan sa mga katanungan nang hindi tama. Ang tao na sinubok ay hindi nalalaman na ang ibang tao ay sinabihan na sumagot nang mali. Halos 75% ng mga indibidwal na sinubok ang sumabay sa mayoryang pangkat nang hindi bababa sa isang beses.
Nalalaman nila ang tamang sagot. Ito ay isa lamang “pagsusulit ng pananaw” na maaari nilang makita sa kanilang mga mata! Ngunit sumagot sila nang hindi tama kapag humarap sa hindi komportableng posisyon ng pagiging isa lamang na iginigiit ang kasagutang iyon.
Walang may nais na manindigan nang mag-isa – lalo na kung ang lahat ay iginigiit na ikaw ay mali. Ito ay hindi kaaya-aya. Ito ay hindi nararamdaman na komportable. Ang pagdududa sa sarili ay dumarating at ang tao na mag-isang naninindigan ay maaaring magsimulang batikusin ang kanyang mga sariling pananalig. Lahat ay nais na mayroong “nagtataguyod na pangkat” ng mga indibidwal na may katulad na kaisipan na sumasang-ayon sa sariling paniniwala ng isa.
Natuklasan ni Asch na kapag ang isa pang tao sa kontroladong pangkat ay sumagot nang naiiba mula sa karamihan, ang sinubok na tauhan ay maninindigan sa kanyang mga hatol at hindi mangangatal. Gumagawa ito maging ang ibang tao na hindi sumasang-ayon sa karamihan ay nagbigay ng isang kasagutan na naiiba mula sa tao na sinubok! Mayroong ginhawa kapag napaliligiran ng mga tao gaya ng ginagawa mo – o kahit papaano, may mga tao rin na kusang loob na maging kakaiba.
Ipinunto ng Kasulatan ang isang espesyal na pangkat ng mga tao na matatanggap ang mga dakilang karangalan mula sa langit: “Sumusunod sila sa Kordero saan man siya magpunta.” (Pahayag 14:4) Ang panara ay, bagama’t sila’y pinaparangalan nang mataas sa langit, habang nasa lupa, sila’y mag-isang naninindigan. Ang Tagapagligtas ay nagbabala ng kabayaran ng pagsunod saanman siya mangunguna:
Ang nagmamahal sa ama o sa ina nang higit kaysa akin ay hindi karapat-dapat sa akin; at ang nagmamahal sa anak na lalaki o babae nang higit kaysa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Sinumang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. (Mateo 10:37, 38, FSV)
Ito ang pagsubok na haharapin ng huling henerasyon. Iniibig mo ba ang Tagapagligtas nang higit sa iyong trabaho? Iniibig mo ba ang Tagapagligtas nang higit sa iyong tahanan o iyong panlipunang katayuan? Iniibig mo ba ang Tagapagligtas nang higit sa iyong asawa . . . iniibig mo ba siya nang higit sa iyong mga anak? Lahat ng susunod sa panawagan na iwan ang Babilonya ay sasagot ng oo sa bawat isa sa mga katanungang ito.
Kapag ang isang tao ay unang pinakinggan ang babala na umalis ng Babilonya, ang kanyang unang reaksyon ay madalas ganito: “Ano nang simbahan ang dadaluhan ko? Mayroon bang malapit sa akin ang naniniwala sa paraang ito? Maaari ba tayong magkasamang sumamba?” Ang isang tao na naglaan ng ilang taon ng pagsamba kasama ang mga mananampalataya na pareho din ang kaisipan ay maaaring maramdaman na naaanod sa kaisipan ng pagsamba nang mag-isa lamang. Hindi lamang nararamdaman na tama. Minsan pa nga ay magpapatuloy siya na dumalo sa simbahan, maging sa isang maling araw, sa ngalan lamang ng pagsasama.
Ang ganitong reaksyon laban sa mag-isang pagsamba ay normal. Lahat ay nararamdaman ito sa una. Gayunman, ito ay hindi Biblikal. Mayroong 80 pagkakataon na ang salitang “simbahan” ay ginamit sa Bibliya, at 35 pagkakataon ng salitang “mga simbahan.” Lahat 115 beses ay nasa Bagong Tipan. Sa kasamaang-palad, ang “simbahan” ay isang nakaliligaw na pagsasalin ng orihinal na salita. Ang talatinigan ay binigyang-kahulugan ang “simbahan” bilang:
Isang edipisyong itinalaga para sa pampublikong pagsamba . . . ang panlahatang katawan ng mga Kristyano, binubuo ng tatlong dakilang sangay, ang Romano Katoliko, Protestante, at Silanganang Orthodox. . . . isang partikular na katawan ng mga Kristyano na nagkakaisa sa isang . . . kredo, at gamit ang kaparehong ritwal at mga seremonya . . . anumang pangkat ng mga mananamba; anumang organisadong katawan ng mga Kristyano na sumasakop sa kaparehong edipisyo para sa pagsambang pangrelihiyon.1
Pansinin ang diin sa mga pangkat. Sa kahulugan, ang “simbahan” ay isang pangkat ng mga tao na nagsasama-sama sa batayan ng mga ibinahaging paniniwala. Ito ang eksaktong kabaligtaran ng salita na ginamit sa Bagong Tipan, Ang aktwal na salita ay Ekklesia at ibig sabihin nito’y “isang panawagang lumabas . . . Ekklesia, mula sa ek, ‘palabas,’ at klesis, ‘isang panawagan’ . . . .”2
Ang Ekklesia ay ang salitang ginamit sa buong Bagong Tipan at tinutukoy nito ang mga Tinawagang Lumabas. Ang salitang simbahan, na nagbibigay ng diin sa isang pangkat, ay isang maling pagsasalin at hindi dapat kailanman gamitin. Ang mga Kristyano ay, literal, ang mga Tinawagang Lumabas. Kapag ang panawagan na umalis ng Babilonya ay narinig, wala nang babalik pa sa Babilonyang pagsasama at mga Babilonyang anyo ng pagsamba dahil lamang na hindi komportable na mag-isang manindigan.
Hindi ka nagliligtas ng mga tao mula sa Babilonya sa pagpasok muli sa Babilonya. Sa halip, sa halimbawa, ika’y nagpapakita ng isang mas mabuting landas at tumawag sa kanila na sumama sa iyo palabas ng Babilonya! Marami pang mga matatapat na tao na nananatili sa Babilonya, naghahangad ng mas dakilang liwanag. Gayunman, ito ay hindi nagpapalusot sa sinuman na may liwanag upang magpakita ng suporta para sa Babilonya sa pamamagitan ng magkasamang pagsamba sa Babilonya!
Noong ang mga Israelita ay naghimagsik sa Baal-Peor, ito ay hindi bukas na rebelyon sa una. Ang mga kababaihan ng Moab ay unang nakipagkaibigan sa mga kababaihan ng Israel. Ang pamamahagi ng mga pamamaraan ng pagluluto at salitaan tungkol sa pag-aalaga ng bata at mga asawa, ay hindi isang kasalanan. Gayunman, ang pagkakaibigang ito ay naglatag ng pundasyon na humantong sa pagkakasala. Noong ang mga Moabites ay nanghikayat sa Israel na magkasala, inimbitahan lamang sila sa isang pagdiriwang! “Maligayang pagdating, mga kapitbahay! Magdiwang tayo.” Anong nagsimula bilang inosenteng pagtanggap ng pagkakaibigan, ay humantong sa mga Israelita na diretso sa matinding pagtalikod.
Ang pagsasamang ito ng patotoo at kamalian, ang mga mananampalataya ay sumasamba kasama ang mga hindi sumasampalataya (o maging ang mangmang) ay mahigpit na ipinagbabawal sa Kasulatan.
Kung ang inyong kapatid na lalake, na anak ng iyong ina, o ang iyong anak na lalake o babae, o ang asawa ng iyong sinapupunan, o ang iyong kaibigan, na parang iyong sariling kaluluwa, ay humimok sa iyo ng lihim, na magsabi, “Tayo’y yumaon at maglingkod sa ibang mga elohim,” na hindi mo nakilala, ninyo o ng iyong mga magulang; Sa mga eloah ng mga bayan na nasa palibot ninyo na malapit sa iyo, o malayo sa iyo . . . Ay huwag mong papayagan siya ni didinggin siya; ni huwag mong kahahabagan siya ng iyong mata, ni patatawarin, ni ikukubli: Kundi papatayin mo nga; ang iyong kamay ang mangunguna sa kaniya upang patayin siya, at pagkatapos ay ang kamay ng buong bayan. At iyong babatuhin siya ng mga bato upang siya'y mamatay, sapagka't kaniyang pinagsikapang ihiwalay ka kay Yahuwah mong Elohim . . . . (Tingnan ang Deuteronomio 13:6-10.)
Karamihan sa mga sumasamba sa diyus-diyosan na nakapaligid sa Israel ay sumasamba ng huwad na elohim mula sa kamangmangan. Gayunman, ito ay hindi nagbibigay ng pahintulot sa Israel na sumama sa kanila sa pagsamba “para sa ngalan ng pagsasama.”
Mga kayabangang walang kabuluhan ang lumalabas sa kanilang bibig, at pinupukaw nila ang masasamang pagnanasa upang akitin pabalik sa kahalayan ang mga taong bahagya pa lang lumalayo sa mga taong namumuhay sa pandaraya. Kung ang mga nakatakas na sa karumihan ng sanlibutan dahil sa kanilang pagkakilala [kay Yahuwah] at Tagapagligtas na si [Kristo Yahushua] ay muling maakit at nagpadaig sa kasamaan, mas masahol pa sa dati ang magiging kalagayan nila. Mas mabuti pang hindi nila nalaman ang daan ng katuwiran, kaysa matapos nila itong makilala ay talikdan nila ang banal na utos na ibinigay sa kanila. Angkop na angkop sa kanila ang kawikaang, “Bumabalik ang aso sa kanyang sariling suka,” at, “Mas nais ng baboy ang maglublob sa putik kahit nahugasan na.” (2 Pedro 2:18, 20-22, FSV)
Kapag nakita mo ang patotoo, ang “Dakilang Babilonya” na “Pinainom niya ang lahat ng bansa ng alak ng poot ng kanyang imoralidad”3 ay ang buong imprastruktura ng kasinungalingan, panlilinlang at mga makamundong pang-akit ni Satanas, kapag nakita mo na ang Babilonya ay isinama ang lahat ng mga organisadong relihiyon at denominasyon na ang pagsamba sa isang maling araw na kalkulado ng isang huwad na kalendaryo, ikaw ay hindi na babalik at sasama sa Babilonya para lamang sa ngalan ng “pagsasama” o maging isang saksi.
Ito ay isang dakilang pagbabago. Nangangailangan ng panahon para maglapat. Kung kailan lamang, sa pananalig, ikaw ay gagawa ng pangako na sumunod, at aktwal na sumunod, ang iyong mga damdamin ay magbabago at tinawagang lumabas ay magsisimulang maramdaman na mas komportable. Sa huli, ang paghihiwalay ay mararamdamang mas natural kaysa sa paglubog sa Babilonya at hindi mo na nais na bumalik pa!
Matatag na manindigan sa lakas ng Isa na makapangyarihan na nagliligtas. Hinding-hindi ka Niya iiwan nang mag-isa. Ang babala na lumabas ng Babilonya ay kaisa ng isang imbitasyon: isang imbitasyon na sumama sa isang natatangi at naiibang pagsasama. Ang pagsasama ng mga Tinawagang Lumabas. Ito ay isang napakataas na panawagan at isang sagradong pribilehiyo. Sa pagsasamang ito na si Yahuwah ay iniimbitahan ang huling henerasyon na magpaparangal sa Kanya at lalabas nang malaya mula sa Babilonya upang sumamba sa Kanyang itinalagang araw.
Tinatawag ng Kasulatan ang espesyal na pagsasamang ito ng mga Tinawagang Lumabas: ang mga Anak ni Sadoc.
Noong ang mga Israelita ay naghimagsik sa gintong baka, isang tribo lamang ang nanatiling matapat at malakas sa oposisyon na nangingibabaw at marahas na pagtalikod. Para sa katapangan at katapatan nito, ang tribo ni Levi ay natatangi kay Yahuwah na binigyan ng papel ng mga saserdote. Ito ay isang dakilang karangalan. Sa lahat ng mga tribo, sila ang nanindigan na pinakamalapit kay Yahuwah at una na matutunan at makilala Siya, dahil dito, sila’y nauugnay sa bayan.
Sa mga sumunod na ilang henerasyon, gayunman, ang pagmamatigas ng puso ay gumapang maging sa linya ng mataas na kaparian. Umabot sa isang krisis noong ang saserdoteng si Eli ay tumangging tanggalin ang kanyang mga anak, sina Ophni at Phinees, mula sa kaparian, sa kabila ng matinding kahihiyan sa Langit.
Si Eli ay isang mapagparayang ama. Iniibig ang kapayapaan at kaluwagan, hindi niya sinanay ang kanyang kapangyarihan upang itama ang mga masasamang kaugalian at kahalingan ng kanyang mga anak. . . . Dahil dito, bagama’t ganap na hindi angkop sa opisina, inilagay sila bilang mga saserdote sa santuwaryo upang maglingkod sa harap [ni Yahuwah].
. . . Ang mga hindi matatapat na saserdoteng ito ay sumuway rin . . . sa kautusan [ni Yahuwah] at binigyan ng kahihiyan ang kanilang sagradong opisina sa pamamagitan ng kanilang kasuklam-suklam at nakabababang kasanayan; subalit sila’y nagpatuloy sa pagpaparumi sa kanilang presensya ang tolda [ni Yahuwah]. Marami sa mga tao, balot ng galit sa maruming kurso nila Ophni at Phinees, ay tumigil sa pagdalo sa itinalagang lugar ng pagsamba. Kaya ang paglilingkod na itinalaga [ni Yahuwah] ay hinamak at pinabayaan dahil nauugnay sa mga kasalanan ng masasamang kalalakihan, habang ang iba na ang mga puso na nakahilig sa kabuktutan ay nagpalakas sa kasalanan. Ang kasamaan, kabastusan, at maging ang idolatrya ay namayani sa isang kagimbal-gimbal na saklaw.4
Dahil sa kapabayaan ni Eli sa pagpapalaki ng kanyang mga anak sa pag-ibig, karangalan at pagsunod kay Yahuwah, ang mensahe mula sa Langit ay:
Ganito ang sabi ni Yahuwah, Eloah ng Israel, “Aking sinabi nga na ang iyong sangbahayan, at ang sangbahayan ng iyong ama, ay lalakad sa harap ko magpakailan man [at maging Aking mga saserdote].” Nguni’t sinasabi ngayon ni Yahuwah, “Malayo sa akin; sapagka’t yaong mga nagpaparangal sa akin ay aking pararangalin, at yaong mga humahamak sa akin ay mawawalan ng kabuluhan. Narito, ang mga araw ay dumarating, na aking ihihiwalay ang iyong bisig, at ang bisig ng sangbahayan ng iyong ama, upang huwag magkaroon ng matanda sa iyong sangbahayan. . . . At ito ang magiging tanda sa iyo, na darating sa iyong dalawang anak, kay Ophni at kay Phinees: sa isang araw, sila’y kapuwa mamamatay. At ako’y magbabangon para sa akin ng isang tapat na saserdote, na gagawa ng ayon sa nasa Aking puso at nasa Aking pagiisip . . . at siya’y lalakad sa harap ng aking pinahiran ng langis, magpakailan man. (Tingnan ang 1 Samuel 2:27-36.)
Sa isang araw, ang mga anak ni Eli kasama ang kanilang matandang ama, ay namatay. Nag-alok si Yahuwah ng pribilehiyo ng paglalakad sa harapan Niya para sa isa pa. Ang kawili-wiling bagay, gayunman, ay ang linya ng kaparian ni Eli ay nagpatuloy. Mayroong dalawang linya ng saserdote! Ang mga anak ni Eli ay naging simbulo ng isang masamang sistema ng relihiyon, nagkukulang ng espiritu at kapangyarihan ni Yahuwah.
Si Sadoc, isang saserdote na nanindigan para sa pinahiran ni Yahuwah sa panahon ng matinding sambayanang panganib,5 ang naging simboliko ng isang naiibang espiritwal na pamana na nagmumula lamang sa isang dalisay, matalik na relasyon kay Yahuwah.
Ang mga Anak ni Eli at ang mga Anak ni Sadoc ay may dalawang magkahiwalay at naiibang tungkulin. Ang mga anak ni Eli ay naglingkod para sa bayan.
Nguni’t ang mga Levita na nagsilayo sa akin nang ang Israel ay maligaw sa akin sa pagsunod sa kanilang mga diosdiosan; mangagdadanas sila ng kanilang kasamaan. Gayon ma’y magiging tagapangasiwa sila sa aking santuario, na sila ang mamamahala sa mga pintuang-daan ng bahay, at magsisipangasiwa sa bahay: kanilang papatayin ang handog na susunugin at ang hain para sa bayan, at sila’y magsisitayo sa harap ng mga yaon upang pangasiwaan nila.
Sapagka’t kanilang pinangasiwaan sila sa harap ng kanilang mga diosdiosan, at naging ikatitisod sila sa ikasasama ng sangbahayan ni Israel; kaya't itinaas ko ang aking kamay laban sa kanila, sabi [ni Yahuwah], at dadanasin nila ang kanilang kasamaan. At hindi sila magsisilapit sa akin upang magsagawa ng katungkulan ng saserdote sa akin, o magsisilapit man sa alin man sa mga banal na bagay ko, sa mga bagay na kabanalbanalan; . . . Gayon ma’y gagawin ko silang tagapangasiwa sa bahay, para sa buong paglilingkod doon, at sa lahat na gagawin doon. (Ezekiel 44:10-14, ADB)
Ang mga Anak ni Eli ay pinanatili na maglingkod, ngunit sila’y naglilingkod lamang sa mga tao. Hindi lamang ang kanilang mga masasamang puso ay ganap na tumutugma sa isang bayan ng mga matitigas ang puso, kundi ang mga tao ay nais sila.
Sinong maglilibing ng patay, mag-aasawa ng mga binata’t dalaga, maglalaan ng oras sa mga bata, bibisita sa may karamdaman, magpapayo sa mga problemado, mag-aalaga sa mga walang tirahan, at tatangkilik sa mga hapunan ng simbahan? Sino ang magtuturo sa araw ng Linggo o Sabado o anumang araw na pinili bilang banal? Sino ang magpapasya kung anong gusali ang itatayo at mga palatuntunan na susundin? Sino ang magpapanatili ng paunawa ng simbahan na puno ng impormasyon? Sino ang gagawa ng pasya na ang bukas sa loob na paglilingkod ay bibisita upang mag-alok ng isang sariwang mukha at ilang bagong palatuntunan sa kongregasyon? . . . Sino ang magiging responsible para sa mga pagtitipon at isda na hapunan? Hayaan ang mga nakompromisong anak ni Eli ay hawakan ang mga bagay na ito . . . .6
Para sa saserdote, para rin sa mga tao. Ang mga tao na may pusong-bato ay tinuruan ng mga saserdote na may pusong-bato. Ang mga Anak ni Eli ay naglingkod sa mga tao, ngunit hindi sila naglingkod kay Yahuwah. Tanging mga may dalisay na puso lamang ang maaaring maglingkod sa tunay na Eloah at ang mga Anak ni Eli ay hindi kuwalipikado. Ang mataas na karangalang ito ay tiyak na para sa mga Anak ni Sadoc.
Ang sistemang Eli ay isang suhayang palatuntunan. Maaari lamang itong panatilihin habang mayroong nais na itayo ito. . . . Ang mensahe [ni Yahuwah] ay ang mga Anak ni Sadoc, sa ilalim ng Kanyang kapangyarihan, ay ihahatid sa pangunahan, at ang suhayan ay babagsak. . . . Lilikha [si Yahuwah] ng mga kaganapan sa kurso ng Kasaysayan na mangangailangan ng kanilang paglitaw. Ang mga Anak ni Sadoc ay hahamunin ang bawat malungkot na detalye ng sistemang Eli.7
Ang mga Anak ni Sadoc ay mayroong buhay na koneksyon sa kanilang Manlilikha. Sila’y lumago sa patuloy na pakikitungo kay Yahuwah. Umabot sila sa punto kung saan imposible na sabihin kung saan Siya nagsisimula at sila’y nagwawakas. Si Yahuwah at ang mga Anak ni Sadoc ay magkaisa. “Anuman ang dinadala ng mga Anak sa panalangin, pamamagitan, o malasakit ay Kanya rin pansinin. Anumang nararamdaman Niya, ninanais Niya, gusto Niya ay nagiging kanilang pinakadakilang konsentrasyon.”8 Ang mga ganitong tao lamang ay ang mga makakapaglingkod kay Yahuwah.
Nguni’t ang mga saserdoteng Levita na mga anak na lalake ni Sadoc, na nagiingat ng katungkulan sa Aking santuario nang ang mga anak ni Israel ay magsihiwalay sa akin, sila’y magsisilapit sa Akin upang magsipangasiwa sa Akin; at sila’y magsisitayo sa harap Ko upang mangaghandog sa Akin ng taba at ng dugo . . . Sila’y magsisipasok sa Aking santuario, at sila’y magsisilapit sa Aking dulang, upang magsipangasiwa sa Akin, at iingatan nila ang kanilang katungkulan sa Akin.
. . . Sa pagtatalo ay magsisitayo sila upang magsihatol; ayon sa Aking mga kahatulan ay kanilang hahatulan: at kanilang iingatan ang Aking mga kautusan at ang Aking mga palatuntunan sa lahat Kong takdang kapistahan; at kanilang ipangingilin ang Aking mga Sabbath. (Ezekiel 44:15, 16, 24, ADB)
Ang mga Anak ni Sadoc ay mayroong napakataas na panawagan.
Tanging mga Anak ni Sadoc (Pagkamatuwid) ang maaaring dumating sa harap [ni Yahuwah] at maglingkod sa Kanya. Iyong mga naglalakad sa kabanalan, walang kompromiso sa anumang aspeto ng Salita, at nagtuturo sa mga tao na maging kwalipikado sa kabanalan. Upang maglingkod [kay Yahuwah] ay nagsisimula sa malilinis na mga kamay at dalisay na puso. Ang gantimpala nito ay naiiba; sa halip na mga parangal [papuri] mula sa mga tao, ang mga Anak ni Sadoc ay nakakakita ng parangal mula [kay Yahuwah]. Ang Kanyang presensya ay nagtitiyak na ang kapayapaan ay maghahari at ang “bawa’t bagay na itinalaga sa Israel ay magiging kanila” (Ezekiel 44:29). Ang kapayapaan ay mananahan sa mga tahanan ng nagtitipon sapagkat sila’y naglilingkod tungo sa kabanalan at sa paraan [ni Yahuwah].9
Ang mga Anak ni Sadoc lamang ang maaaring maglingkod kay Yahuwah. At dahil sa kanilang katumpakan, dahil sa kanilang katapatan at pag-ibig para sa Kanya, isang lubos na espesyal na gantimpala, isang makalangit na pabuya ang ibibigay sa kanila:
At sila’y mangagkakaroon ng mana; ako’y kanilang mana; at hindi ninyo bibigyan sila ng pag-aari sa Israel; ako’y kanilang pag-aari. (Ezekiel 44:28, ADB)
Si Yahuwah ay ang pamana ng mga Anak ni Sadoc! Isang napakadakilang espiritwal na mana ang mapapasakanila!
Ang mga Anak ni Sadoc ay hindi na kailangan ng mga panlabas na gayak. Hindi na nila kailangan ng klerikal na kwelyo, magarbong edipisyo ng simbahan, mamahaling sasakyan o mataas na digri. Sila’y natuto sa Paaralan ng Langit at ang bawat lugar ng kanilang buhay ay apektado.
Ang mga ritwal ay hindi siniyasat ng mga Anak ni Sadoc; sila’y pumasok sa presensya [ni Yahuwah] habang ginagawa ang kanilang mga tungkulin. (Nakatayo sa presensya ng Kataas-taasan ay binabago ang mga pamamaraan ng isa at pakikitungo sa paglilingkod.) Tinuruan nila ang mga tao ng pagkakaiba sa pagitan ng banal at hindi banal. Sila’y hindi nagsusuot ng mga banal na pananamit na ginamit sa mga paglilingkod habang sila’y naglalakad sa mga kalsada. Hindi nila kailangan ang katanyagan [kabantugan at pansin] bilang mga saserdote sa harap ng bayan. Nasiyasat ng mga tao ang pagkakaiba ng kanilang mga kilos. Sila’y mga banal na tao na gumagawa ng mga banal na bagay, at [si Yahuwah] ay pinagpala sila. Iba ang kanilang paglalakad at pananalita; ngunit ang kanilang mga buhay ay sumalamin sa kabanalan [ni Yahuwah]. Taimtim nilang kinuha, “Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal (1 Pedro 1:16).” Kinuha nila ang pagkakataon na turuan ang mga tao na “ipakikilala nila sa kanila ang marumi at malinis (Ezekiel 44:23).” . . . Ang mga tao ay maaaring makita ang mga Anak ni Sadoc na natatangi.10
Hindi lamang ang mga nag-iisa ang “itinalaga sa paglilingkod” na tinawagang maging mga tagapaglingkod kay Yahuwah. Hindi lamang ang mga kalalakihan, o mga matatanda lamang ang tinawagan sa napakataas na densidad na ito. Naghahanap ang Langit para sa lahat na unang-unang ilalagay si Yahuwah sa kanilang mga buhay upang maging mga Anak ni Sadoc.
Ang ganoong mga tao, ay mga natatangi. Ang iba’y sisiyasatin ang mga Anak ni Sadoc at, nakikita si Yahuwah sa kanila, ay kukunin ang “pagkilala nila, na sila’y nangakasama ni Yahushua.” (Mga Gawa 4:13, ADB)
Kung saan may mahahanap ka na isang tao, isang pangkat, isang tunay na mga matutuwid na kalalakihan at kababaihan na lilitaw at mamumuhay ng Sadoc na buhay? Tanging [si Yahuwah] ang maaaring magdulot na mangyari ito. . . . [Si Yahushua] ay nagtatayo na ng pangkat na ito ngayon. Ang pangkat na ito ay nauunawaan ang Sistema at tinanggihan ito mula sa pundasyon nito hanggang sa panlabas na mga karangyaan. Ang mga Anak ni Sadoc ay nasa eksena, at sila’y may kamalayan ng kabayaran na nauugnay sa pagtanggi sa “Sistema.” Iyong mga tinawag ang sarili na “mga hinirang” ay tatayo at ipagtatanggol hanggang kamatayan ang sinaunang order na ito; nagawa ng Israel at gagawin ng simbahan. Iyong nasa pamumuno ay ituturo na ang mga Anak ni Sadoc ay hindi lehitimo, mga huwad na propeta, mga hindi maaasahang mistiko, at dapat na iwasan sa bawat pagkakataon. Ang ilan ay magsisimulang usigin sila. Ang iba ay mananawagan para sa [nakababaliw na] asilo habang ang mga mas katamtaman, ay Kristyanong pagpapayo lamang. Ang Sistema ay hindi mamamatay nang walang laban, ngunit ito’y mapapahamak kasama ang bawat dayaming istrukturang itinayo ng tao sa mga buhangin ng kasaysayan.11
Hindi ka pinapalabas ni Yahuwah sa piitan ng Babilonya nang walang pag-aalok sa iyo ng isang bagay na mas dakila, mas mahalaga. Ang Langit ay nagtayo ng isang buong henerasyon ng mga saserdote, mga Anak ni Sadoc, na maglalakad sa pagkatuwid sa harapan Niya.
Ang mga taong ito’y pinahahalagahan Siya. Sila’y naghahangad na makilala pa ang Kanyang kalooban at kapag natutunan ang Kanyang kalooban, sila’y magbibigay ng agarang pagsunod sa kaloobang iyon. Walang pansariling interes na nagpapasama sa kanilang paglilingkod ng Pag-ibig. Nakita nila ang kaluwalhatian ng Banal at naghahangad sa walang iba kundi paglingkuran Siya na iniibig nila. Para kay David, sila’y magiging tagatanod-pinto sa bahay ni Yahuwah, kay sa tumahan sa mga tolda ng kasamaan. (Awit 84:10)
Ang makamundong Sistema ng mga Anak ni Eli ay walang pinanghahawakang pantawag-pansin para sa mga Anak ni Sadoc. Ang paglilingkod kay Yahuwah ay isang gantimpala na sapat na para sa kabayaran ng mag-isang paninindigan, gaano man kabigat ang kabayaran. Siya ang kanilang pamana, at wala na silang hinihiling pa.
Alin sa dalawang paglilingkod ang pipiliin mo? Nais mo bang maglingkod sa Sistema ng mga Anak ni Eli? Maaari kang sumamba sa isang napakagandang simbahan, makinig sa kapana-panabik na musika ng mabuting koro, magsaya sa patak-patak at magkakasama sa hapunan. Maaari kang maging isang respetadong lider sa iyong lokal na simbahan, nakaupo sa lupon at sinasabi kung paano gagastusin ang mga handog. Maaari kang gumawa ng karera para rito, kung saan ang mataas na edukasyon ay magtutulak sa mas mataas na digri at mapanatili ang respeto. Maaari kang maglingkod sa mga tao at paglingkuran ng ibang tao, nakatuon sa mga “pangangailangan.” Maaari mong matanggap ang mga papuri at pagkalugod ng mga tao . . . NGUNIT maaaring hindi ka naglilingkod kay Yahuwah.
O, nakahanda ka bang lumabas ng Babilonya? Handa ka bang lisanin ang lahat ng mga organisasyon ng tao, lahat ng istruktura at sistema, lumabas, maging malaya at mag-isa, at maglilingkod kay Yahuwah? Maaari mong harapin ang pag-uusig. Tiyak mong haharapin ang oposisyon. Hindi maaaring makompromiso sa kamunduhan. Nakahanda ka dapat na isakripisyo ang anumang bagay na hadlang sa pagitan mo at iyong Manlilikha. Ang paglilingkod kay Yahuwah ay nagsisimula sa mga malilinis na kamay at isang dalisay na puso, sapagkat ang mga tao lamang na may pagkakasundo sa Elohim ay maaaring maglingkod para sa Kanya.
Ang mga gantimpala ay lubos na naiiba. Sa halip na papuri at adorasyon ng mga tao, ikaw ay magiging minamahal ng Langit. Magkakaroon ka ng direktang daanan sa lahat ng panahon sa trono ng walang hanggang kapangyarihan dahil ang iyong mga panalangin ay umaakyat, sakdal na nakikibagay sa kalooban ng Makalangit na Ama. Ang mga anghel ay makikipagtulungan sa iyo habang ikaw ay naninindigan bilang isang tagapagsalita ng Langit. Ang kapayapaan na walang panlabas na kalagayan ay maaaring sumira ng kalooban na bumabalot sa iyong puso. Ikaw ay paliligiran ng isang makalangit na kapaligiran na hinihingahan ng lahat ng lalapitan mo at, sa kabila ng oposisyon at pag-uusig, ikaw ay magiging isang pagpapala saan ka man magpunta. Ikaw ang magiging boses, mga kamay, at puso ni Yahuwah upang umabot sa iba sapagkat walang paghihiwalay sa pagitan ng iyong kalooban at Kanyang kalooban.
Alin sa dalawang paglilingkod ang pipiliin mo na maging bahagi ka? Ano ang ihahanda mong sakripisyo para kay Yahuwah na magiging iyong pamana?
Pumili ka sa araw na ito:
Ikaw ba ay magiging isang tagapaglingkod sa mga tao lamang?
O ikaw ay maglilingkod para kay Yahuwah?
Ang mga gantimpala ng paglabas sa Babilonya ay sulit at karapat-dapat sa kabayarang ibinayad!
1 “Church,” Webster’s New Universal Unabridged Dictionary, binigyang-diin.
2 Ekklesia, #1577, The New Strong’s Expanded Dictionary of Bible Words.
3 Tingnan ang Pahayag 14:8 at 18:1-3.
4 E. G. White, Patriarchs and Prophets, pp. 575-577.
5 Tingnan ang 2 Samuel 15.
6 C. R. Oliver, The Sons of Zadok, p. 78.
7 Oliver, The Sons of Zadok, p. 55.
8 Oliver, The Sons of Zadok, p. 218.
9 Oliver, The Sons of Zadok, p. 20-21.
10 Oliver, The Sons of Zadok, p. 19-20.
11 Oliver, The Sons of Zadok, p. 99, binigyang-diin.