Print

Mag-ingat! Ang Pitong Trumpeta ay Malapit nang Sumiklab!

shofar

Ang mga Trumpeta ay malapit nang mapuspos sa mundo! Ang Kanyang mga naturingang tagasunod ay masisindak nang hindi alintana habang ang mga karaniwang tao ay lubos na walang palatandaan ng anuman ang babagsak sa kanila. Naatasan ang WLC na patunugin ang hudyat!!!

Ang trumpeta, bilang isang instrumento, ay naunang ginamit para sa pagpapahayag ng mga mahahalagang anunsyo. Ang mga banal na araw ni Yahuwah ay ipinahayag sa mga trumpeta. Ang mga digmaan ay nagsisimula sa mga trumpeta. Ang pagpapatunog ng mga trumpeta ay laging ginamit bilang paraan upang makuha ang pambansang atensyon ng Kanyang bayan sa mga mahahalagang pangyayari sa kasalukuyan.

Napakahalaga ngayon para sa Kanyang tinatawag na bayan na hindi kaligtaan ang mga trumpeta ng Pahayag at ganap na maunawaan ang kanilang likas at tiyempo.

Bakit ang WLC ay ‘Nahuhumaling’ sa babala tungkol sa nalalapit na pagsiklab ng mga Trumpeta?

Wala kaming pagpipilian kundi magpahayag ng babala tungkol sa nalalapit na pagsiklab ng mga trumpeta. Ang Ama ay nagbigay ng liwanag sa ating landas, tumutulong sa atin na maunawaan ang tiyempo at layunin ng mga trumpeta. Maaari ba nating itago ang mga sinag ng liwanag Niya mula sa Kanyang bayan? Ang ating posisyon ay mahusay na umalingawngaw kay Amos ang propeta, nung ipinahayag na:

Kapag umungal ang leon, sino ang hindi matatakot? Kapag nagsalita ang Panginoong Yahuwah, sinong hindi magpapahayag? (Tingnan ang Amos 3:8.)

Ang ating posisyon ay sumasalamin rin sa dalamhati ni Jeremias ang propeta, nung sinigaw niya:

Ang hapdi ay hindi ko halos matagalan! Kumakabog ang aking dibdib! Hindi ako mapalagay; naririnig ko ang tunog ng mga trumpeta at ang sigaw ng digmaan. Sunod-sunod ang mga kapahamakang dumarating sa bayan. Bigla na lamang bumabagsak ang aming mga tolda at napupunit ang mga tabing.

(Jeremias 4:19-20, MBB)

Gaya ni Jeremias, naunawaan natin kung ano ang paraan na gagawin ng pagsiklab ng mga trumpeta sa mundong ito na ginagalawan natin. Dama ng WLC na maging obligado upang ang lahat ng makikinig ay maunawaan ang layunin ni Yahuwah para sa pagsiklab ng pitong trumpeta, at para kumilos nang alinsunod.

trumpeta

Ang lawak ng pagkasira at kawalan ng buhay na tatama sa mundo mula sa pagsiklab ng mga trumpeta ay hindi mailalarawan. Ang pamumuhay sa panahon ng pitong trumpeta ay magiging pinakakagimbal-gimbal na karanasan, at kung wala ang Kanyang kanlungan at silungan, magiging ganap na kawalan ng pag-asa at pagguho. Narito ang malinaw na paglalarawan ng panahong iyon na inilarawan ni propeta Zefanias:

Malapit na ang dakilang araw ni Yahuwah, at ito’y mabilis na dumarating. Kapaitan ang dulot ng araw na iyon; maging ang matatapang ay iiyak nang malakas. Iyon ay araw ng poot, ligalig at dalamhati, araw ng pagkasira at pagkawasak, araw ng kadiliman at kalungkutan, araw ng maitim at makakapal na ulap. Araw ng pagtunog ng trumpeta at ng sigawan ng mga sumasalakay sa mga napapaderang lunsod at nagtataasang tore. “Padadalhan ko ng matinding kalungkutan ang mga tao; lalakad sila na parang bulag, sapagkat nagkasala sila laban kay Yahuwah. Mabubuhos na parang tubig ang kanilang dugo, at mangangalat ang kanilang bangkay na parang basura.” (Zefanias 1:14-17, MBB)

Ito ang dahilan kung bakit kami ay naatasang patunugin ang hudyat sa lahat ng mga naninirahan sa lupa, gaya ng inutos ni Joel ang propeta:

“Hipan ninyo ang trumpeta sa Sion at mangagpatunog kayo ng hudyat sa aking banal na bundok; manginig ang lahat na mananahan sa lupain, sapagkat ang kaarawan ni Yahuwah ay dumarating, sapagkat malapit na.” (Joel 2:1, ADB)

Kapag hindi natin pinatunog ang hudyat tungkol sa mga trumpeta at balaan ang lahat ng makikinig, ang dugo ng mga mapapahamak ay mapapasa-ating mga ulo.

Kung, pagkakita niya ng tabak na dumarating sa lupain, kanyang hipan ang trumpeta, at magbigay alam sa bayan; sinumang makarinig ng tunog ng trumpeta, at hindi pinansin kung ang tabak ay dumating at dalhin siya, ang kanyang dugo ay mapapasa-kanyang sariling ulo. Narinig niya ang tunog ng trumpeta, at hindi pinansin; ang kanyang dugo ay sasa-kanya; sapagkat kung siya’y pumansin ay kanyang nailigtas sana ang kanyang buhay. (Ezekiel 33:3-5, ADB)

Ano naman ang laganap na pananaw na ang mga trumpeta ay mga pangyayari sa nakaraan?

Karamihan sa mga Kristyano ngayon ay humantong sa paniniwala na ang mga trumpeta ay sumiklab na, at kaya isinantabi ang anumang pangangailangan para pag-aralan ito. Sa WLC, naniniwala kami na ito ay isang nakamamatay na posisyong aangkinin. Masigla kaming sumasalungat sa palagay na ang mga trumpeta ay ganap nang sumiklab sa nakalipas sa sumusunod na dahilan:

Ang buong aklat ng Pahayag ay ibinigay upang humula ng mga pangyayari na magaganap bago ang Muling Pagdating ng ating Panginoong Yahushua, mga tiyak na pangyayari na magaganap matapos ang pagsisimula ng ‘panahon ng katapusan’, noong 1798. Ito ang taon nung ang propetikong panahon ng 1260 taon ay dumating sa wakas. Sa aklat ni Daniel, nahanap namin ang mas maraming impormasyon tungkol sa mga pangyayari na hahantong sa mahalagang taon ng 1798, habang ang aklat ng Pahayag ay nagbigay sa amin ng maraming detalye ng anumang mahahayag matapos ang 1798. Dahil dito, ibinigay na ang mga trumpetang nabanggit sa aklat ng Pahayag at hindi sa aklat ni Daniel, ay tumindig na dahilan na ang mga trumpeta ay mga pangyayari na magaganap matapos ang 1798. Ang mga trumpeta ay pinaka-nauukol at mapakay para sa Kanyang bayan sa mga huling araw na ito.

mga anghel na hinihipan ang mga trumpeta 

Ano naman ang mga pananaw na ang mga trumpeta ay magaganap matapos ang wakas ng probasyon (malayang panahon) at hindi bago nito.

Ilan sa mga naniniwala na ang mga trumpeta ay panghinaharap at hindi sa nakaraan ay itinataguyod ang pananaw na ang pitong trumpeta, gaya ng pitong salot, ay magaganap matapos ang wakas ng probasyon. Naabot nila ang pananaw na ito batay sa presensya ng ilang pagkakapareho sa wikang ginamit para sa mga trumpeta at salot (pitong huling salot). Alinsunod, itinuturing nila na ang layunin ng bawat trumpeta ay para ianunsyo ang konektadong salot – pitong trumpeta upang ianunsyo ang pitong salot. Sa WLC, masigla kaming sumasalungat sa maling pagpapaliwanag na ito sa sumusunod na dalawang dahilan:

1. Marami sa mga huling pangyayari ang magkakasunod na inilatag sa loob ng panahon ng mga trumpeta. Malinaw mula sa pag-aaral ng mga pangyayaring ito na ang mga ito’y mga pangyayaring ‘pagsubok’ para sa bawat nabubuhay na kaluluwa sa panahong iyon; kung ang mga ito’y sumusubok na kaganapan, malinaw na ipinahiwatig na ang probasyon ay hindi pa nagwakas. Walang saysay na ipalagay na susubukin ni Yahuwah ang bayan matapos ang pagwawakas ng probasyon, at pagkatapos ang kapalaran ng bawat nabubuhay na kaluluwa ay naitakda na magpakailanman.

2. Ang puwang, o bilang ng mga kabanata, ang salaysay ng mga trumpeta na sumasaklaw sa aklat ng Pahayag ay inatasan kaming magpasya na ang mga trumpeta ay magaganap bago ang pagwawakas ng probasyon. Mayroong 22 kabanata sa Pahayag. Ang unang 18 kabanata ay magdadala sa atin tungo sa Muling Pagdating ni Yahushua. Ang pitong trumpeta ay sumasaklaw sa apat na kabanata, mula sa ikawalo hanggang sa ika-11. Kaya hindi mapapaniwalaan na si Amang Yahuwah ay itatalaga ang apat na kabanata sa mga pangyayari matapos ang pagwawakas ng probasyon, nung itinalaga Niya lamang ang apat na kabanata hanggang sa mga maluwalhating pangyayari matapos ang Muling Pagdating ni Yahushua, mga kabanata 19-22. Walang saysay na ipalagay na ang Ama ay magtatalaga ng kaparehong kahalagahan sa mga pangyayari na naganap sa pagitan ng pagwawakas ng probasyon at ng Muling Pagdating at ang huling pagkawasak ng mga masasama matapos ang Isang Libong Taon at lahat ng mga pangyayaring may kaugnayan.

Ano naman ang gawa ng paghahagis ng insenso ng anghel sa Pahayag 8:5, na hudyat ng pagsiklab ng mga trumpeta at nagpapahiwatig ng paghinto ng paglilingkod ni Yahushua sa Pinakabanal na Lugar, iyon ay ang hudyat ng pagwawakas ng probasyon para sa sangkatauhan bago ang pagsiklab ng mga trumpeta?

Basahin natin ang Pahayag 8:2-5, upang mas maunawaan ang kaganapan kung saan ang insenso ay ihahagis sa lupa:

2 Pagkatapos nito’y nakita ko ang pitong anghel na nakatayo sa harapan ni Yahuwah at binigyan ng trumpeta ang bawat isa sa kanila.

3 Dumating ang isa pang anghel na may dalang gintong sunugan ng insenso at tumayo naman sa harap ng dambana. Binigyan siya ng maraming insenso upang ihandog sa dambanang ginto na nasa harap ng trono, kalakip ng dalangin ng mga hinirang ni Yahuwah.

4 Mula sa kamay ng anghel ay unti-unting tumaas sa harapan ni Yahuwah ang usok ng insenso kalakip ng dalangin ng mga hinirang ni Yahuwah.

5 Pagkatapos, ang anghel ay kumuha ng mga baga mula sa dambana, inilagay sa sunugan ng insenso at inihagis sa lupa, at biglang kumulog, nagkaingay, kumidlat at lumindol. (Pahayag 8:2-5, MBB)

insenso na tatama sa lupa

Madali nating nakuha mula sa dalawang berso na ang anghel na ito ay hindi isa sa pitong anghel na binigyan ng trumpeta bawat isa. Sino ang ‘isa pang anghel’ na dumating at tumayo sa dambana at may dalang insenso? Marami ang nagpalagay na ang ‘isa pang anghel’ na ito ay walang iba kundi si Yahushua. Walang pagpapahayag naming tinatanggihan ang konklusyon na ito, sa sumusunod na tatlong dahilan:

1. Ang ‘isa pang anghel’ na ito ay ginagawa ang kaparehong tungkulin ng 24 na pinuno na inilarawang ginagawa sa Pahayag 5:8, kung saan sila ay inilarawan na mayroong mangkok ng insenso na siyang mga panalangin ng mga banal, at sila’y nasa harapan ng Kordero. ‘Pinabango’ nila ang mga panalangin ng mga banal, at inihandog sa altar ng insenso. Ang 24 na pinuno ay hindi inilarawan na nararapat sambahin, ngunit sa katunayan sila mismo ay sumasamba sa Ama at Kordero (Pahayag 5:14). Dahil dito, ito ay hindi magtatampok kapag kinilala natin ang ‘isa pang anghel’ bilang si Yahushua, kung ang tungkuling itinalaga sa Kanya ay isang tungkulin na ginagawa rin ng 24 na pinuno.

2. Ang ikalawang dahilan kung bakit ang ‘isa pang anghel’ na ito ay hindi maaaring si Yahushua ay ang katunayan na ang anghel na ito ay hindi nagbigay ng insenso; kundi ibinigay sa kanya, at naging malinaw na ang Tagabigay ay si Yahushua, na ang karapat-dapat na pagsunod at kamatayan ay ang insenso, na noong hinalo sa panalangin ng mga banal ay ginagawang kalugud-lugod kay Amang Yahuwah ang mga panalangin.

3. Ang ikatlong dahilan kung bakit ang ‘isa pang anghel’ na ito ay hindi si Yahushua ay ang salitang ‘anghel’ ay hindi ginamit bilang isa sa magkakaibang 35 pangalan at titulong ibinigay kay Yahushua sa Pahayag. Narito ang isang listahan ng lahat ng mga pangalan at mga titulo na ginamit para sa Kanya:

     1. Kristo Yahushua ..... Pahayag 1:1

     2. Tapat na Saksi ..... Pahayag 1:5

     3. Unang Binuhay mula sa mga Patay ..... Pahayag 1:5

     4. Pinuno ng mga Hari sa Lupa ..... Pahayag 1:5

     5. Alpha at Omega  ..... Pahayag 1:8-13

     6. Simula at Wakas ..... Pahayag 1:8, 11, 13

     7. Anak ng Tao ..... Pahayag 1:13

     8. Nabubuhay at namatay ..... Pahayag 1:13, 18

     9. Siya na may hawak na pitong bituin ..... Pahayag 2:1

    10. Siya na lumalakad sa gitna ng pitong ilawang ginto ..... Pahayag 2:1

    11. Siya na may hawak na matalas na tabak na sa magkabila’y may talim ..... Pahayag 2:12

    12. Anak ni Yahuwah ….. Pahayag 2:18

    13. Siya na nakakaalam sa puso’t isip ng mga tao ..... Pahayag 2:23

    14. Siya na nagtataglay ng pitong espiritu ni Yahuwah ….. Pahayag 3:1

    15. Siya na mayroong pitong bituin ….. Pahayag 3:1

    16. Siya na banal at mapagkakatiwalaan ….. Pahayag 3:7

    17. Siya na may hawak ng susi ni David ….. Pahayag 3:7

    18. Walang makakapagsara ng anumang buksan Niya ….. Pahayag 3:7

    19. Walang makakapagbukas ng anumang sarhan Niya ….. Pahayag 3:7

    20. Ang Amen ….. Pahayag 3:14

    21. Ang Matapat at Tunay na Saksi ….. Pahayag 3:14

    22. Ang Pinagmulan ng lahat ng nilalang ni Yahuwah ….. Pahayag 3:14

    23. Panginoon ….. Pahayag 4:11

    24. Ang Leon mula sa lipi ni Juda ….. Pahayag 5:5, 9

    25. Ang Anak ni David ….. Pahayag 5:5, 9

    26. Ang Korderong pinatay ….. Pahayag 5:6, 7

    27. Ang Kordero ….. Pahayag 5:8, 9

    28. Panginoon ng mga Panginoon ….. Pahayag 17:14

    29. Hari ng mga Hari …… Pahayag 17:14

    30. Tapat at Totoo ….. Pahayag 19:11

    31. Nakasakay sa Puting Kabayo ….. Pahayag 19:11

    32. Ang Salita ni Yahuwah ….. Revelation 19:13-16

    33. Kristo ….. Pahayag 20:4

    34. Una at Huli ….. Pahayag 22:13

    35. Ang Maningning na Bituin sa Umaga ….. Pahayag 22:16

Kung ang ‘isa pang anghel’ ay hindi si Yahushua, ang anghel na naghagis ng insenso sa lupa ay hindi nangangahulugang pagtigil ng paglilingkod ni Yahushua sa Pinakabanal na Lugar at dahil dito’y hindi pa ang hudyat ng pagwawakas ng probasyon.

Kaya ano ang tanda ng paghagis ng insenso sa lupa?

Ang paghagis ng insenso ay hudyat na ang huling panawagan ng pagmulat sa sangkatauhan bago ang pagwawakas ng probasyon ay magiging maalab at pinakamalakas, gaya ng mga pangyayaring magaganap matapos ang pagsiklab ng bawat isa sa pitong trumpeta. Ang Kanyang huling imbitasyon sa sangkatauhan ay kailangan maging malakas. Dapat nitong kunin ang atensyon ng bawat nabubuhay na kaluluwa na pansinin ang babala at magsisi bago ang probasyon ay magwakas nang tuluyan.

Ito ay ating sagradong tungkulin at tungkulin ng bawat tagasunod ni Yahushua na balaan ang lahat ng makikinig sa mga kalamidad na malapit nang maganap sa bawat sulok ng mundo. Hindi natin maaaring itago ang katotohanan, at hindi rin maaaring iwasan ang ating responsibilidad ng pagbibigay ng babala. Kalooban ni Yahuwah na walang sinuman ang walang kamalayan. Ang mga anghel mula sa Langit ay hindi gagawin ang maaari at nararapat gawin ng mga tao.

Sina Moises at Aaron ay naunang ibinigay ang kalikasan ng bawat salot at ang eksaktong oras na lilitaw ito. Inanunsyo nila ito sa Paraon kaya walang pagkakataon sa kanya o sa mga taga-Ehipto na magreklamo tungkol sa hindi binalaan; ngayon ang Kanyang bayan ay may kaparehong responsibilidad ng pagbibigay ng babala sa lahat tungkol sa nalalapit na pagsiklab ng mga trumpeta. Noong tumama ang mga salot sa Ehipto, ang mga taga-Ehipto ay inakusahan si Moises ng pagdadala ng mga paghahatol na ito sa kanila. Gayon din, ang Kanyang bayan ay magiging matapat na magtataas ng hudyat at babala sa mundo tungkol sa pagkawasak at pagguho na idinulot ng mga trumpeta. Sila, dahil dito, ang mga pagbibintangan ng mga hindi matuwid sa lahat ng mga pagkawasak na naganap kapag ang mga trumpeta ay sumiklab; sila pa nga ang ituturing na dahilan ng mga ito!

By
 Mstyslav Chernov/Unframe (Self-photographed,
http://mstyslavchernov.com/) [CC BY-SA 3.0
(http://creativecommons.org/licenses/by-sa/3.0)], via Wikimedia Commons 

Gayunman, ito ay hindi kailanman yayanig sa ating taimtim na tungkulin. Tumungo sa paanan ng Krus ng pagsisisi, Minamahal! Ang oras ay kaunti na lamang. Siya ay paparating na, malapit na malapit na!

Kapag umungal ang leon, sino ang hindi matatakot? Kapag nagsalita ang Panginoong Yahuwah, sinong hindi magpapahayag? (Amos 3:8, MBB)

umuungal na leon