Ang Pitong Trumpeta ng Aklat ng Pahayag ay malapit nang tumama sa mundo sa mabilis na pagkakasunod. Ang mga epekto ng pagkawasak ng mga Trumpeta ay mas dama at mas mararanasan sa mga nananatili sa loob ng mga siyudad. Hindi na kailangang sabihin, sa mga lugar ito mas nakakalimutan at hindi napapansin ang ating Ama na si Yahuwah, at kaya ito nagresulta sa pagiging lugar ng mga pagkakasala at krimen.
Ang mga tagasunod ni
Yahuwah ay dapat iwanan na ngayon ang siyudad bago pa maging imposible na
gawin. Hindi dapat panatilihin nang matagal ng mga magulang ang kanilang mga
anak sa mga tukso ng siyudad, kung saan tunay na dahilan sa matinding
pagkawasak.
Ang nalalapit na pagtunog ng mga Trumpeta na magpapalala sa mga huling krisis sa mundo, na magpapatindi sa galit ni Satanas sa mga tapat na tagasunod ni Yahuwah. Malapit nang maganap, ang suliranin ng pagbili at pagtinda ay lubhang seryoso sa Kanyang mga hinirang. At ang karunungan ng pagsunod kay Yahuwah, sa paglisan sa mga siyudad patungo sa ibang lugar kung saan ang sarili niyang probisyon ay pwedeng lumago, maaari lamang balewalain ng sarili sa pangwalang-hanggang peligro.
Si Propeta Jeremias ay binigyan ng pangitain ng sulyap sa pagkawasak na tatama sa mga siyudad ng mundo, kung kailan patutunugin ang mga Trumpeta bago pa ang katapusan. Siya ay lubos na nasaktan sa mga nakita niya sa pangitain.
“Ang hapdi ay hindi ko halos matagalan!”, ang kanyang sinisigaw. “Kumakabog ang aking dibdib! Hindi ako mapalagay; naririnig ko ang tunog ng mga trumpeta at ang sigaw ng digmaan.” (Jeremias 4:19)
Siya’y nagpatuloy:
“Sunod-sunod ang mga kapahamakang dumarating sa bayan. Bigla na lamang bumabagsak ang aming mga tolda at napupunit ang mga tabing. Hanggang kailan magtatagal ang paglalaban at maririnig ang tunog ng mga trumpeta?” (Jeremias 4:20, 21)
Binalot ng matinding kalungkutan si Jeremias sa mga nakita niya sa
pangitain ang kawalan ng pagpapahalaga at kapabayaan kung saan ang bayan ni
Yahuwah ay nakita ang mga dakilang babalang ito.
“Napakahangal ng aking bayan; hindi nila ako nakikilala. Tulad nila'y mga batang wala pang pang-unawa. Sanay sila sa paggawa ng masama ngunit bigo sa paggawa ng mabuti.” (Jeremias 4:22)
Ating basahin nang mabuti at taimtim ang pangitain ni Jeremias tungkol sa sasapitin ng mga siyudad sa panahon ng pagtunog ng mga Trumpeta:
“Pagkatapos ay tiningnan ko ang daigdig; wala itong hugis o anumang kaanyuan, at sa langit ay walang anumang tanglaw. Tumingin ako sa mga bundok at mga burol; ang mga ito'y nayayanig dahil sa lindol. Wala akong makitang tao, wala kahit isa; pati mga ibon ay nagliparan na. Ang masaganang lupain ay naging disyerto; nawasak ang mga siyudad nito dahil sa matinding poot ni [Yahuwah]. Sinabi ni [Yahuwah], ‘Masasalanta ang buong lupain ngunit hindi Ko lubusang wawasakin. Magluluksa ang sanlibutan, magdidilim ang kalangitan.’ Sinabi ni [Yahuwah] ang ganito at ang isip Niya'y di magbabago. Nakapagpasya na Siya at hindi na magbabago pa. Sa yabag ng mangangabayo at mamamana, magtatakbuhan ang lahat; ang ilan ay magtatago sa gubat; ang iba nama'y sa kabatuhan aakyat. Lilisanin ng lahat ang siyudad, at walang matitira isa man.... Bakit nakadamit ka pa ng matingkad na pula? Ano't nagsusuot ka pa ng mga alahas, at ang mga mata mo'y may pintang pampaganda? Pagpapaganda mo'y wala nang saysay! Itinakwil ka na ng iyong mga kasintahan; at balak ka pa nilang patayin. Narinig ko ang daing, gaya ng babaing malapit nang manganak. Ito ang taghoy ng naghihingalong Jerusalem na nakadipa ang mga kamay: ‘Ito na ang wakas ko, hayan na sila upang patayin ako!’ ” (Jeremias 4:23-31)
Nakita ni Jeremias sa pangitain na ang lahat ng mga siyudad ay “nawasak” at sa oras na iyon ay papatunugin ang Trumpeta at paghahatol ni Yahuwah. Nakita niya rin na “lilisanin ng lahat ang siyudad, at walang matitira isa man.” Sa madaling salita, nakita niya ang mga siyudad ay magiging abandonado. Ang kalagayan ng mga nananatili pa sa lungsod sa panahong iyon ay kahalintulad sa “babaing malapit nang manganak.”
Sa isa pang propesiya ng Lumang Tipan, si Isaias ay nagbigay ng karagdagang detalye sa kahahantungan ng mundo sa oras ng pagbagsak ng Trumpeta:
“Manangis kayo sapagkat malapit na ang araw ni [Yahuwah], darating
na ang araw ng pangwawasak ng Diyos na Makapangyarihan. Sa araw na iyon,
manghihina ang lahat ng kamay. Manlulupaypay ang lahat ng tao, ang lahat ng
tao'y masisindak, at manginginig sa takot, makadarama sila ng paghihirap, tulad
ng isang babaing manganganak; Matatakot sila sa isa't isa; mamumula ang
kanilang mukha dahil sa kahihiyan. Dumarating na ang araw ni [Yahuwah], malupit
ito at nag-aalab sa matinding poot, upang wasakin ang lupain at ang masasama ay
lipulin. Hindi na magniningning ang liwanag ng mga bituin sa kalangitan,
magiging madilim ang araw sa pagsikat, pati ang buwan ay hindi na magsasabog ng
liwanag. ‘Paparusahan ko ang daigdig dahil sa kasamaan nito, at ang masasama
dahil sa kanilang kasalanan; wawakasan ko na ang pagmamataas ng mga palalo, at
puputulin ko na ang kayabangan ng mga walang awa. Kaunti lamang ang ititira
kong tao at magiging mahirap pa silang hanapin kaysa gintong lantay na galing
sa Ofir. Kaya nga yayanigin ko ang kalangitan, at ang lupa ay malilihis sa
kinalalagyan nito, sa araw na isinabog ni [Yahuwah] na Makapangyarihan sa lahat
ang kanyang matinding poot. Parang usang hinahabol, parang tupang walang
pastol, ang mga tao'y babalik sa kani-kanilang bayan, sila ay tatakas pabalik
sa sariling lupain. Ang bawat mahuli'y papatayin sa pamamagitan ng tabak. Sa
harapan nila'y luluray-lurayin ang kanilang mga sanggol, lilimasin ang mga
ari-arian sa kanilang mga tahanan, at ang kanilang mga asawa'y
pagsasamantalahan.’” (Isaias 13:6-16)
Sa propesiyang ito, binigyan ni Isaias ng babala ang bayan ni Yahuwah sa mga huling araw ang mga sumusunod:
Ang paghahari ng ikapitong hari, Benedict XVI, ay nagwakas na matapos ang sandaling pananahan, nahulaan sa Kanyang salita. (Pahayag 17:10) Pagkatapos nito ay ang simula na ng pagtunog ng mga Trumpeta anumang oras. Ito ang dahilan kung bakit dapat na nating lisanin ang mga siyudad NGAYON ang pinakamahalaga.
Ang ilan ay magtatanong ukol sa karunungan ng paglisan sa siyudad.
Maaari nilang sabihin ang paglisan ay gaya na rin sa pagsuko sa ating tungkulin
upang bigyan ng babala ang sinumang naninirahan pa doon. Gayunman, dapat nating
tandaan na ang mga siyudad ay binalaan na ng mga tagasunod ni Yahuwah sa pagbisita sa mga ito, hindi sa bayan
Niya na nakatira dito. Ang iba’y maaaring mangamba na sila ay kulang sa
kakayahan kung paano umalis sa lungsod. Sinumang nauudyok na sila ay walang
kakayahang sa pag-alis, dapat nating tandaan kapag sumunod sa Kanya, ang ating
mapagmahal na Ama ay maraming paraan para tulungan tayo, kung sinasanay natin
ang pananalig nang buong puso sa Kanya.
Dapat na tayong umalis sa mga siyudad sa lalong madaling panahon nang walang pagsisisi at pag-aatubili. Ang halimbawa ng asawa ni Lot ay dapat nating makita. Binalaan tayo ni Yahushua: “Alalahanin ninyo ang nangyari sa asawa ni Lot.” (Lucas 17:32) Ang asawa ni Lot ang naging nakahahabag na halimbawa ng mangyayari kung hindi nating susundin nang may galak at saya ang Kanyang utos na lumayo sa lungsod habang posible pa.
Ilang taon ang lumipas, sa mayamang bansa ng Hapon, hindi na posibleng sunugin ang mga bangkay na biktima ng sunami at lindol dahil sa kakulangan sa suplay ng panggatong. Para maipakita ang pragmatismo sa kanilang matagal nang ginaganap na tradisyon, ang mga biktima ay inililibing sa malaking hukay, gamit ang kabaong na gawa sa kahoy habang ang iba ay inilalagay sa mga bughaw na plastik bag.
![]() |
Ang halimbawa ng asawa ni Lot ay dapat nating makita. |
Gayunman, ang Bibliya ay nagbabala na darating ang oras na ang mga patay ay maiiwang hindi na nakalibing:
“Pumasok kayo sa inyong bahay [lumayo sa siyudad], bayan kong hinirang, isara ninyo ang mga pinto, magtago kayo hanggang humupa ang galit ni [Yahuwah]. Sapagkat darating si [Yahuwah] mula sa kalangitan, upang parusahan ang mga tao sa daigdig dahil sa kanilang mga kasalanan. Sa sandaling ito'y mahahayag ang mga lihim na pagpaslang at mabubunyag pati ang kanilang libingan.” (Isaias 26:20, 21)
“Bayan ko, lisanin ninyo siya [siyudad]! Iligtas ng bawat isa ang kanyang sarili mula sa matinding galit ni [Yahuwah].” (Jeremias 51:45)
ORAS NA PARA IWAN ANG MGA SIYUDAD! . . . NGAYON NA!