Tayo ay nabubuhay na sa ilalim ng pamumuno ng Ika-8 “hari,” ang huling papa.
Nais namin ibahagi sa iyo
nang may kababaang-loob at kabigatan ang mahalagang katuparan ng paglitaw ng ikawalong “hari,” ang huling papa, at bakit si Pope Francis ang ikawalo, at
hindi si JPII na dati naming itinuro, at paano kami nagkamali sa aming naunang
pagkakaunawa ng Pahayag 17. Sa aming panalangin, dito sa WLC, na ang mga tunay
na naghahanap ng katotohanan ay mapapatawad kami sa kamaliang ito, at aming
binabago ang aming pangako kay Yahuwah na hindi na kailanman sa Kanyang
pagpapala’y mananatili sa maling posisyon ano pa man, sapagkat seryoso kaming
naghahanap na maging malinis sa Kanya, nang walang katusuhan sa aming mga
doktrina. Hindi nabibigo ang Kanyang Salita sapagkat ito’y hindi nagkakamali;
ang ating mga pagpapakahulugan, gayunman, ay maaaring mabigo dahil tayo ay tao
lamang. Ngunit ang mga nagsisikap sa
paghahanap ng Kanyang Salita sa ilalim ng gabay ng Kanyang Espiritu ay dadalhin
sa tamang pang-unawa ng Kanyang propetikong Salita, sa Kanyang itinakdang
panahon.
Simulan natin ang maiksing
pag-aaral na ito sa pagbahagi ng mga dahilan kung bakit naniniwala kami na si Benedict XVI mismo ang ikapitong hari ng Pahayag
17:
- Ang
7 hari ng Pahayag 17 ay maaaring tumukoy sa mga kaharian o mga hari. Wala
nang ikatlong posibilidad. Ang konteksto ng Pahayag 17 ay tungkol
lahat sa Simbahan ng Roma. Upang gamitin ang mga “hari” sa Pahayag 17 sa
mga kaharian ay magiging isang garapal na paglabag ng conteksto, ngunit
kapag ginamit sa mga hari hanggang sa mga kaharian, walang kumbinasyon ng
mga kaharian ang posible na tutugma sa paglalarawang ibinigay para sa mga
hari, lalo na sa ginagamit sa pamumuno ng ikapitong hari, na nahulaan na
sandaling panahon lamang. Walang
ibang kaharian ngayon ang tumugma sa paglalarawan ng sandaling panahon at
babagsak bago ang pagsisimula ng pamumuno ng ikawalo.
- Ang
konteksto ng “dakong ilang” (berso 3) ay nangangailangan na pagtuunan
natin ng atensyon ang panahon nung ang kapapahan ay tunay ngang nasa
karanasan sa “dakong ilang.” Nangyari ito nung ang kapapahan ay
nakatanggap ng sugat na halos ikamatay nito noong 1798, nang pinalayas at
pintapon ni Napoleon si Pope Pius VI sa Valence sa Pransya. Bago ang 1798,
ang kapapahan ay kataas-taasan sa lahat ng mga emperador, mga hari, at mga
prinsipe ng Europa. At noong 1929, ang kapapahan ay nalugod na makita ang
mga papa na ipagkatiwala sa mga hari lang ng lupain na 100 acres lamang sa
Roma. (Hanggang 1860, ang estado ng kapapahan lamang ay saklaw ang higit
ikatlong bahagi ng Italya.) Ang bilang ng 7 hari ay nagsimula kay Pius XI.
- Ang
pagkakasunod na kahihinatnan ng mga papa mula kay Pius XI hanggang kay
Benedict XVI ay ganap na tumugma sa propetikong paglalarawang ibinigay sa
Pahayag 17 sa dalawang paraan: sa paghahari ng ikaanim na hari/papa, at sa
paghahari ng ikapitong hari/papa. Noon, kinumpirma ng anghel kay Juan ang
paghahari ng ikaanim na papa (JPII), ang pinakamahaba sa pitong hari, at
ang papa na mas maaalala ng huling henerasyon. Ang pagkakasunod na
kahihinatnan ay kagila-gilalas ring kinumpirma ang biglaang pagbibitiw ni
Benedict XVI, na gumulantang sa buong mundo at yumanig sa Simbahang
Katoliko.

Kapag ang ikapitong hari ay
mismong si Benedict XVI, ang susunod na papa pagkatapos niya ay magiging
ikawalo. Hindi pinahintulutan ng Pahayag 17 ang anumang puwang o pagbabago sa
pagitan ng ikapito at ikawalo. Kaya bakit hindi si JPII ang lumitaw matapos ang
pagwawakas ng paghahari ni Benedict XVI? Nagkamali ba kami dito sa WLC sa
pagtukoy sa pagkakakilanlan ng ikawalo? Oo,
tunay kaming nagkamali rito, at para sa hindi sinasadyang pagkakamaling ito,
hinahanap namin nang may kababaang-loob ang kapatawaran ni Yahuwah, ating
mapagmahal na Ama, at Yahushua na ating Tagapagligtas. Hinahangad din namin ang
kapatawaran ng bawat mag-aaral ng propesiya ng Bibliya, na sumang-ayon sa amin
na ang nagkukunwaring JPII ang magiging ikawalong “hari.”
Paano kami nagkamali sa
pagninilay-nilay na ang ikawalong hari/papa ay ang nagkukunwaring JPII? Narito
kung paano:
Ang “napakalalim na hukay”
ay maayos na ipinahayag sa Bibliya na bilangguan ng mga diyablo. Buhat nang ang
ikawalong hari/papa ay magmumula sa “napakalalim na hukay,” aming ipinalagay na
isa siya sa mga bumagsak na anghel ni Satanas na gagaya sa isa sa naunang
pitong hari. Dumating kami sa pariralang ito “at ang halimaw na buhay noong una
ngunit ngayo'y wala na ay isa sa pitong hari” (berso 11.) Sa pitong naunang
hari, si JPII ang pinakamahalaga at pinakakilala ng huling henerasyon. Kaya,
karaniwan na ipalagay na kapag ang ikawalong hari/papa ay isang demonyo,
siguradong gagayahin niya si JPII. Ang
konteksto ng “napakalalim na hukay,” gayunman, ay maaari ring magpahiwatig na
ang ikawalong hari/papa ay ganap na makokontrol ni Satanas at kanyang mga
alagad sa antas na hindi nakita sa mga naunang papa. Ito ngayon ang
nararapat na pagpapaliwanag para sa napakalalim na hukay ng Pahayag 17.
Tulad sa banal na pahiwatig
na “naghahari pa ang isa” (berso 10), binasa rin namin ukol rito nang higit sa
nilalayon. Nung ibinigay kay Juan ang pangitain, dinala siya sa panahon ni
JPII. Karaniwan na dalhin si Juan sa paghahari ng pinakahalaga sa pitong hari. Ang pagdala kay Juan sa paghahari ng ikaanim
lamang ay kinumpirma na ang pitong hari ay ang mismong pitong papa, at ang
ikaanim ang pinili dahil ang kanyang paghahari ay ang pinakamahaba, ang
pinakabantog sa pitong papa, at pinakamahalaga sapagkat siya ang
pinaka-pinagmamasdan, inalala, at pinakamamahal na papa sa panahon natin.
“Ang halimaw na buhay noong
una [hanggang 1798] ngunit ngayo’y wala na [sa panahon ng paghahari ng ikaanim
na hari, ito ay nananatiling nasa dakong-ilang para sa halimaw] ay isa sa
pitong hari [ang ikawalo, bagama’t isang kapangyarihang halimaw ngayon, ay
isang hari, gaya ng mga naunang pitong bumagsak na hari] at siyang magiging
ikawalo [ngunit sa panahon ng paghahari ng ikawalo, ang kapangyarihang halimaw
ay ganap na manunumbalik sa kapapahan]. Siya ay patungo sa kapahamakan [ang
ikawalo ay hindi magtatagumpay, at mawawasak at marahas na parurusahan ng sampu
pang hari, nang kanilang matanto nang huli ang masamang layunin ng halimaw]. ”
(berso 11).
Aling senaryo ang
pinakamainam sa maghahatid sa mapanlinlang na plano ni Satanas para sa huling
krisis: simulan ang ikawalong hari/papa bilang JPII (na dati namin
pinaniwalaan), o si Francis I? Kami ay kumbinsido sa likod ng anino ng
pagdududa na ang pagpapakilala sa ikawalo bilang si Francis I ay maghahatid kay
Satanas, ang panginoon ng pandaraya, ang mas mabuti sa mga sumusunod na mga
kadahilanan:
- Habang
ang mga mag-aaral ng propesiya ay sabik na naghihintay sa paglitaw ni
JPII, palihim ni inihanda ni Satanas ang ikawalong hari/papa nang walang
tokata, at sa gitna ng pandaigdigang pagtanggap. Marami sa atin na
nagdikit ng pag-asa sa panggagaya ni JPII ay lubos na nabigo na ang ating
inaasahan ay hindi dumating, at ang ilan [malungkot] ay nais pa ngang
sumuko sa mga propesiya ng Bibliya. Kami ay umaapela sa lahat nang natukso
at sumuko sa kanilang pananalig sa mga propesiya ng Bibliya na huwag
bigyan ng pagkakataon si Satanas na makuha ang tagumpay.
- Ang
pagpapanggap kay JPII ay nabigyan ang patunay ng isang uri ng katotohanang
kinatatakutan sa lahat ni Satanas. Kaya, napakahalaga para kay Satanas na
magbalangkas ng plano para pagpapakilala ng ikawalong hari/papa na hindi
makakatulong sa layunin ng mga tagasunod ni Yahuwah, at maaaring humantong
sa karamihan na madismaya kapag ang kanilang inaasahan na pagpapanggap kay
JPII ay hindi dumating. Ang kawalang pag-asa na ito ay tagumpay ni
Satanas, at sinigurado niya na ang paglitaw ng ikawalong hari/papa ay
magiging pinagmulan ng kawalang pag-asa na ito para sa karamihan sa mga
tagasunod ni Yahuwah.
- Sa
pamamagitan ng hindi pagpapadala ng isa sa mga masamang anghel na gayahin
si JPII sa panahong ito, nagtagumpay si Satanas sa pag-iwas na walang
silbing pagtatalo sa mga Kristyano na tumuligsa sa paglitaw ni JPII bilang
huwad na muling pagkabuhay, nagpapaalala sa mundo na ang mga patay ay
mananatiling patay hanggang muling mabuhay, at ang paglitaw ng namatay
nang tao ay tunay na gawa ng demonyo. Ang ganung pagtatalo mula sa ilan sa
mga nakaalam na mga Kristyano ay magdudulot ng walang kwentang
paggagambala para kay Satanas at magkakaroon ng, kahit kaunti, sumalungguhit
sa adyenda na inihanda ni Satanas para ikawalong hari/papa na makamit ang
medyo kaunting panahong nalalabi sa kanya. Kailangan nating idiin nang mas malinaw na pagpapanggap sa
hinaharap ay magaganap at posible pa
ring gayahin si JPII at ilan sa mga tauhan ng Bibliya kung saan ang
sukdulan ay mismong si Satanas ang magpapanggap bilang si Yahushua –
matapos ang Unang Lagim kapag ang mundo’y nalinlang sa paniniwalang ang
ikawalong hari/papa ay nagtagumpay na tapusin ang paglusob ng mga
makademonyong banyaga sa ibang planeta. Matapos ang milyaheng ito, ang
mundo’y nasa kondisyong maniwala sa anumang bagay na ipinapahayag ng
ikawalong hari/papa – Francis I.
- Nahulaan
ni Satanas na ang depresyong pang-ekonomiya na babalot sa mundo sa huling
sagupaan bago pa ang Muling Pagdating ni Yahushua, magdudulot ng
mapaminsalang pwersang kanyang ipapalaganap sa ating mundo. Kaya, plano
niya na ang ikawalong hari/papa ay magiging sinuman na magtatatag ng
nakaiinggit na katotohanan sa mga mahihirap sa kanyang inang bayan. Armado
ng patotoong ito, ang ikawalong hari/papa ay kakasangkapanin ito na dalhin
sa panig niya ang lumalaki at hindi na mabilang na dami ng mahihirap sa
mundo; kanyang igagalbanisa ang mga mahihirap na magdadala ng panggigipit na
titiisin ng mga pulitiko ng mundo na magpatupad ng uri ng kautusan na
puputol sa kalayaang pangrelihiyon na mayroong sa maraming bansa ngayon.
Habang patuloy na tumataas ang bilang ng mga mahihirap sa iba’t-ibang
panig ng mundo, dahil sa mas malalang mga kondisyon ng pandaigdigang ekonomiya,
ang mga mahihirap ay magiging makapangyarihan, mapaminsala, at nagbabalang
instrumento sa kamay ng ikawalong hari/papa laban sa mga pandaigdigang
lider.
Sino
ang maaaring makapagdulot ng mas maraming pinsala at pagmamartir kaysa sa isang papang Heswita? Kauna-unahan
si Pope Francis sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko na isang Heswita.
Inihahanda ni Satanas ang ikawalong hari/papa sa loob ng maraming dekada,
at hindi siya makakahanap ng mas mabuting kandidato para sa papel ng
ikawalong hari kaysa sa isang papang Heswita. Hindi na kagulat-gulat
ngayon para sa atin na maisip kung paano at bakit hindi mabilang na mga
matapat na mga hinirang ang magiging martir sa mga paparating na taon sa
utos ng ikawalong hari!
- Ang
paghahari ng ikawalong hari/papa ay ilalakip ang tatlo’t kalahating taon,
sa panahon kung saan ang mga matapat na tagasunod Yahuwah ay nahulaang
nakadamit ng sako (Pahayag
11:3). Karagdagan sa tatlo’t kalahating taon ang panahon para sa mga
anghel ni Yahuwah na patunugin ang unang apat na trumpeta (Pahayag
8), kasama pa ang ikalimang trumpeta na magtatagal ng limang buwan (Pahayag
9:1-5). Kaya, maaari naming
ipalagay na ang paghahari ng ikawalo ay posibleng mas maikli kaysa sa
paghahari ng ikapitong hari/papa. At, ang kasalukuyang edad ng
ikawalong papa dahil dyan ay hindi isang balakid. Ang ikawalo ay
ikinalugod na ang kanyang edad ay malaking karagdagan, at sinasalamin nito
ang akumuladong kaalaman at karunungan. Hindi isinasaalang-alang kung
gaano pa katagal manunungkulan si Francis I, tiniyak na siya ang huling
papa bago ang nalalapit na pagdating ng ating Panginoon at Tagapagligtas,
Yahushua ang Pinahiran.
 |
Pope Francis I © REUTERS/ Max Rossi |
Ang magandang balita na
ating hiling na ibahagi sa iyo ay tayo’y nabubuhay na sa panahon ng ikawalong
“hari” at tayo’y kaunting taon na lamang ang layo mula sa maluwalhating
Pagbabalik ni Yahushua, at ng walang hanggan. gayunman, sa pagitan ng
kasalukuyan at Muling Pagdating, tayo ay dadaan sa ina ng lahat ng persekusyon
at mga pagsubok. Mayroong mas maraming trabahong dapat gawin sa ating mga puso
at katangian, at mas maraming gawa ang dapat gawin na nagbabala sa mundo nang
ano ang dapat mahayag. Handa ba tayo sa
buhay sa ilalim ng paghahari ng ikawalong “hari,” ang huling papa ng
Roma? Nananalangin kami na ang lahat ay magiging handa bago pa ang personal na
probasyon ay magsara magpakailanman.
Kaugnay na Nilalaman: