Sa Gitnang Panahon, ang mga papa ay nalugod sa kapangyarihang higit sa lahat ng mga emperador, mga hari, mga prinsipe, at iba pang mga maharlika ng Europa. Gayunman, noong 1798, ang kapapahan ay nakatanggap ng sugat at tumungo sa dakong “ilang”. (Tingnan ang Pahayag 13:3 at 17:3) Ang paghilom mula sa sugat na ito ay napakabagal, pero matatag na proseso. Noong 1929, ang kapapahan ay pinamahalaan ang mga hakbang sa napakamabilis na paghilom, kasama ang kaharian ng Italya, nilagdaan ang Kasunduan sa Lateran, na magtatalaga sa papa na “hari” ng siyudad ng Vatican. Kahit na napakalayo ng pagkakaiba nito mula sa ganap na kapangyarihan nito noong Gitnang Panahon, ang kapapahan ay nasiyahang tanggapin ang kasunduan, sapagkat ito ay nararapat na hakbang sa kanyang paghilom.
Nakasulat sa Pahayag 17 na mayroong 7 hari, at susundan ng ikawalo at huling hari. Sa panahon ng huling hari na ito, si Pope Francis I, ang kapapahan ay tuluyang gumaling mula sa sugat na tinamo nito mula sa kapangyarihang sibil ng Pransya noong 1798.
Walang sinumang nabubuhay ngayon sa puntong ito ang nakasaksi na ang kapapahan ay naghahari na sa ganap na kapangyarihang halimaw. Nakakalungkot, ngunit ang karamihan ay maaaring walang malay o nakalimot na sa madilim na kasaysayan ng kapapahan sa panahong higit na naghahari ito sa mga hari ng daigdig bilang nakagigimbal na kapangyarihang halimaw. Tinatayang nasa pagitan ng 50 at 100 milyong tagasunod ni Yahuwah ang naging martir o pinatay sa kamay ng kapapahan upang tumindig laban sa masamang institusyong ito para sa katotohanan.
“Ang Simbahan ng Roma ay responsable sa pagpatay ng pinakamaraming inosenteng tao kaysa sa anumang institusyon na itinatag ng sangkatauhan, walang Protestanteng makapagsabi ukol dito na may kumpletong kaalaman ng kasaysayan . . . Imposibleng mabuo ang kaganapan ng kanyang mga biktima . . . at hindi basta-basta maipapaliwanag ng anumang imahinasyon ang naranasan nilang paghihirap.” (W.E.H. Lecky, History of the Rise and Influence of the Spirit of Rationalism in Europe, Vol. 2; 32)
Nasa ilalim nito ang 12 mga katunayan na dapat nating maunawaan tungkol sa pamumuhay sa ilalim ng paghahari ng ikawalong hari, ang huling papa – Francis I.
Katunayan #1: Ang Muling Pagdating ni Yahushua ay ilang taon na lang bago maganap.
Aming
ipinapahayag nang may kasiyahan na ang Muling Pagdating ni Yahushua ay malapit
nang maganap. Kung isaalang-alang namin ang edad ni Pope Francis at ang kanyang
kalusugan sa pangkalahatan, makatuwirang sabihin na hindi na kayang manungkulan
sa kanyang misyon sa maraming taon. Ang
ikapitong hari (Benedict XVI) ay nilisan ang opisina sa edad na 85,
binanggit ang kanyang kawalan ng kakayahang pamunuan ang opisina nang maayos.
Katunayan #2: Ilan sa mga Huling Kaganapan ay isa-isang mangyayari sa napakabilis na pagkakasunod, sa maikling panahon.
Sa pagitan ngayon at ng Muling Pagdating ni Yahushua, ang mga sumusunod na pangyayari ay magaganap:
Kaya makikita natin ang landas ng panahon sa pagitan ngayon at Maluwalhating Pagdating ni Yahushua ay puno ng mga malalaking pangyayari. At amin lamang pagtitibayin, dahil dito, na ang mga huling kaganapang ito ay matutupad sa napakabilis na takbo.
Katunayan #3: Ang kawastuhan ng ating katangian ay dapat na makamit sa napakaikling panahon.
Wala na tayong karangyaan ng oras para magapi ang bawat kahinaan at pagkakasala. Dapat tayong manatili at labanan ang bawat pagkakasala, habang nandyan pa ang Kanyang pagpapala sa atin.
Katunayan #4: Walang anuman kasaganaan pang-ekonomiya sa mundo ang magtatagal.
Sa katunayan, ang kasalukuyang krisis sa ekonimiya na lumaganap sa mundo ay lalala pa at magpapatuloy, lalo na sa pagtunog ng mga Trumpeta. Ang desperasyon sa ekonomiya na malapit nang sumiklab sa mundo ay magiging isa sa mga pangunahing dahilan na aakit sa mga lider ng mundo na isuko ang kanilang kapangyarihan at awtoridad kay Pope Francis, ang ikawalong hari ng Pahayag. Ang hindi pa nangyayaring pagkilos na ito ang magiging kahihinatnan ng kawalan ng pag-asa sa parte ng mga lider ng mundo.
Katunayan #5: Mas mabilis na pagdami ng mga mapaminsalang kalamidad.
Inaasahan namin na mas maraming mga lindol, mga butas sa lupa, mga bagyo, mga buhawi, baha, taggutom, atbp... ang magpapatuloy.
Katunayan #6: Malapit nang maganap... makademonyong paggaya sa mga patay, lalo na si Maria at ang mga disipulo ni Yahushua, aabot sa sukdulang magpapanggap si Satanas bilang si Yahushua mismo.
![]() |
“Pakikipag-usap sa Patay: Pakikipag-usap sa mga Demonyo” |
Sa pag-angat ni Francis sa kapangyarihan, pagtitibayin ang kanyang pandaigdigang pamumuno sa makademonyong paggaya sa mga tauhan sa Bibliya. Malilinlang nito ang mundo sa paniniwalang ang Langit ay tumutulong at pinagpapala ang mga aksyon ni Francis. Ang Kasulatan lamang ang natatanging panangga laban sa malawakang panlilinlang sa buong mundo na mahuhulog sa lahat ng hindi nakatanggap ng pag-ibig ng katotohanan.
Katunayan #7: Ang Espiritu ni Yahuwah ay mabilis na aalis mula sa mundong ito, magdudulot ng pagtaas ng kasamaan, gulo, maging digmaan.
Kahit pa may mga panawagan sa kapayapaan mula kay Pope Francis at sa mga lider ng mundo, tataas pa rin ang bilang ng krisis pang-pulitikal at bilang ng digmaan o anumang may kinalaman rito; ilang sa mga digmaang ito ay magiging nukleyar.
Katunayan #8: Ang batas ng ‘walang pahintulot na bumili o magbenta’ ay ipapatupad sa mga tumatangkilik sa tunay na Sabbath sa iba’t ibang parte ng mundo sa pamumuno ng ikawalong hari, Pope Francis I.
Ang nahulaang ‘walang pahintulot na bumili o magbenta’ na kautusan (Pahayag 13:17) ay ipapataw laban sa mga tumatangkilik sa tunay na Sabbath sa pamumuno ni Pope Francis, ang huling papa. Ipapahayag na ang kasaganaan ng mundo ay nakabatay sa malawakang pagbibigay-pugay sa huwad na Sabbath na araw ng Linggo ng Roma, at ang lahat ng hindi sumunod ay hindi pahihintulutang bumili o magbenta.
Katunayan #9: Sisiklab ang mga digmaan sa iba’t-ibang rehiyon, at walang kakayahan ang United Nations na pigilan ang pagtaas ng mga ito.
Katunayan #10: Ang pagbaba ng suplay ng pagkain at tubig sa buong mundo ay tatama, magdudulot ng kamatayan sa milyun-milyong katao.
Ang mapaminsalang pagbagsak ng mga Trumpeta kasama ang kasalukuyang tagtuyot sa mga nangunguna sa produksyon ng mga pagkain ay hahantong sa pandaigdigang krisis sa pagkain at tubig.
Katunayan #11: Sisisihin ng
ikawalong hari, si Pope Francis ang mga tumatangkilik sa tunay na Sabbath sa
lahat ng problemang sumasalot sa mundo.
Maniniwala ang mundo sa kasinungalingan ng Roma, at ang mga tapat kay Yahuwah ay makakaranas ng matinding persekusyon mula sa mga naghihirap na masa.
Katunayan #12: Patungo sa pagtatapos ng paghahari ni Pope Francis, tatapusin na ni Yahushua ang Kanyang gawang-kalinga sa Pinakabanal na Lugar sa Kalangitan.
Hindi malalaman ng mundo ang mangyayari kapag tinapos na ni Yahushua ang gawang-kalinga sa mga makasalanan. Kapag ang kilabot na pangyayaring ito ay naganap, ibig-sabihin nito’y wala nang kapatawaran sa mga kasalanan; ang huling pagselyo sa parehong mga matuwid at masama ay naganap na.
Tayo nga ay nabubuhay na sa pinakataimtim na panahon. Hindi na ito ang oras na ibaon ang ating sarili sa buhangin. Kung magiging seryoso tayo tungkol sa pagtanggap sa huling panawagan ng awa ni Yahuwah, huwag nang abalahin ang ating ganap na pagsuko sa Kanyang Espiritu. Kailangan natin ang mahahalagang sandaling ibinigay sa atin, upang itatag ang ating mga katangian at linisin ang sarili sa bawat kasalanan at kahinaan. Ang proseso ng paglilinis ay hindi lang panghating-gabi. Mas maraming oras ang kailangan at mas mahabang laban sa sarili. Ang Kanyang Espiritu ay laging handa na tulungan tayo sa napakahalagang pagbabagong ito.
Nawa’y mas pagtuunan natin ngayon ng pansin ito habang nandito pa tayo. Mas malapit na tayo sa walang hanggan, ngunit sa pagitan ng kasalukuyan at walang hanggan, mas maraming bagay tayo na dapat gawin para sa ating sarili at sa iba.