Print

Ang Sindrom Ni Jonas: Ibigin Ninyo Ang Inyong Mga Kaaway!

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

Ang Sindrom Ni Jonas: Ibigin Ninyo Ang Inyong Mga Kaaway!

Gaano kadalas inilalagay ni Yahuwah ang mga tao sa ating landas na hindi natin gusto? Nagtataka kung bakit? Maaari ito na isang amo, isang katrabaho, isang dating kaibigan, isang kapitbahay, isang kapamilya, isang kapatid kay Kristo, o sinuman na nararamdaman natin ang poot. Ang mga taong ito ay pumasok sa iyong buhay dahil si Yahuwah ay umaayon sa iyo na maging larawan ni Kristo, nagtuturo sa iyo na ibigin maging ang iyong mga kaaway kaya ikaw ay magiging isang instrumento ng pagkahabag. Sinabi sa atin ni Yahushua sa (Mateo 5:44-47, FSV) “Ngunit ako ang nagsasabi sa inyo: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo, {45} “upang kayo’y maging mga anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang kanyang araw sa masasama gayundin sa mabubuti, at nagpapadala siya ng ulan sa mga matuwid, gayundin sa mga di-matuwid. {46} “Sapagkat kung ang mamahalin ninyo ay iyon lamang nagmamahal sa inyo, ano’ng mapapala ninyo? Hindi ba’t ganyan din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis? {47} “At kung sa mga kapatid lamang ninyo kayo bumabati, mayroon ba kayong ginagawang higit kaysa iba? Hindi ba't ganoon din ang ginagawa ng mga Hentil?

Kung hindi natin iniibig ang mga tao na nagsusumpa sa atin, napopoot sa atin, nanggagamit sa atin, at nag-uusig sa atin, hindi tayo mas mabuti sa anumang hindi Kristyano; kung tayo’y napopoot o namumuhi sa sinuman, maaari ba nating tunay na angkinin na maging mga anak ni Yahuwah? Dinadala ni Yahuwah ang mga taong ito sa ating buhay para sa ating espiritwal na pakinabang at paglago, kung tumatalima tayo kay Yahuwah, ito ay para sa pakinabang ng ating mga kaaway rin. Sinasalaysay ni Yahuwah sa atin kung paano ibigin ang ating mga kaaway ay pagpalain sila, na pagsasalita ng mga mabubuting bagay sa kanila, gagawa tayo ng mabuti sa kanila, at pinakamahalaga ay mananalangin tayo para sa kanila. Ang paggawa ng mga bagay na ito ay papalitan ang ating poot ng pag-ibig at pagkatapos si Yahuwah ay maaaring magpadala ng Kanyang pagkahabag sa pamamagitan natin sa kanila; hahawakan sila ng pinakamakapangyarihang pwersa sa sanlibutan, PAG-IBIG. Ang pag-ibig ay palaging natatalo ang poot gaya ng liwanag na namamayani sa kadiliman. Ang tugon ng ating likas na laman ay tumakas sa kanila, naiisip na ang ating buhay ay magiging mas mabuti gaya ng anong naisip ni Jonas.

dalawang galit na lalaki

Ang tanyag na kwento ni “Jonas at ang Balyena” na sinalaysay sa aklat ni Jonas sa Bibliya ay sinasabi ang pagsubok ni Jonas noong inutos ni Yahuwah na magtungo siya sa Ninive at ipahayag ang salita mula kay Yahuwah na magsisi o mapuksa. Ang Ninive ay ang kabisera ng Imperyong Asirya, ang mga Asiryan ay walang puso, malupit, at masasamang tao; sila ay mga dakilang kaaway ng Israel. Hindi nais ni Jonas na magsisi sila, hindi nais ni Jonas na si Yahuwah ay magkaroon ng awa at pakikiramay sa mga ganoong tao kaya tumakas siya sa salungat na direksyon sa pagsakay sa isang sasakyang-dagat upang tumakas mula sa paggawa ng kalooban ni Yahuwah.

“Ngunit ako ang nagsasabi sa inyo: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo, “upang kayo'y maging mga anak ng inyong Amang nasa langit.” (Mateo 5)

Pagkatapos ay nagpadala si Yahuwah ng isang dakilang hangin sa dagat, at dahil dito ay isang marahas na unos ang lumitaw kaya ang sasakyang-dagat ay nagbantang maghiwalay. Sinabi ni Jonas sa tauhan ng sasakyang-dagat, “Ako’y inyong buhatin, at ihagis ninyo ako sa dagat; sa gayo’y ang dagat ay tatahimik sa inyo: sapagkat talastas ko na dahil sa akin dumating ang malaking unos na ito sa inyo.” Sa halip, ang mga tripulante ay ginawa ang kanilang makakaya na makabalik sa lupain. Ngunit hindi, sapagkat ang dagat ay nagiging mas mabangis. Sila’y sumigaw sa PANGINOON, “OH PANGINOON, ipinamamanhik namin sa iyo, huwag mo kaming ipahamak dahil sa buhay ng lalaking ito, at huwag mong ihulog sa amin ang walang salang dugo; sapagkat ikaw, OH PANGINOON, iyong ginawa ang nakalulugod sa iyo.” Pagkatapos ay kinuha nila si Jonas at hinagis siya sa dagat, at ang mabangis na dagat ay unti-unting kumalma. Dahil dito, ang mga tauhan ng sasakyang-dagat ay natakot sa PANGINOON, at sila’y nagbigay ng handog kay Yahuwah at gumawa ng mga panata sa Kanya.

Ngunit si Yahuwah ay nagpadala ng isang dakilang isda na lulunok kay Jonas, at si Jonas ay nasa tiyan ng balyena sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi. Mula sa tiyan ng isda, nanalangin si Jonas kay Yahuwah na kanyang Diyos. Sinabi niya: “Tinawagan ko si Yahuwah dahil sa aking pagdadalamhati, At siya’y sumagot sa akin; Mula sa tiyan ng Sheol ako’y sumigaw, At iyong dininig ang aking tinig. Ang nagsisilingap ng mga walang kabuluhang magdaraya. Binabayaan ang kanilang sariling kaawaan. Ngunit ako’y maghahain sa iyo ng tinig ng pasasalamat; Aking tutuparin yaong aking ipinanata. Kaligtasa’y kay Yahuwah.” At si Yahuwah ay nagsalita sa isda, at iniluwa si Jonas sa tuyong lupa.

Pagkatapos ang salita ni Yahuwah ay dumating kay Jonas na ikalawa: “Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at ipangaral mo ang pangaral na aking iniutos sa iyo.” Sumunod si Jonas sa salita ni Yahuwah at tumungo sa Ninive. Sa panahong ito, ang Ninive ay isang malaking siyudad—ang pagbisita ay nangailangan ng tatlong araw para malibot ang buong siyudad. Sa unang araw, nagsimula na si Jonas patungo sa siyudad. Nagpahayag siya: “Apat na pung araw pa at ang Ninive ay mawawasak.”

Ang mga taga-Ninive ay nananiwala sa babala ni Yahuwah. At sila’y agad nagpahayag ng ayuno, at nagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadaki-dakilaan sa kanila hanggang sa kaliit-liitan sa kanila. At ang mga balita ay dumating sa hari sa Ninive, at siya'y tumindig sa kaniyang luklukan, at hinubad niya ang kaniyang balabal, at nagbalot siya ng kayong magaspang, at naupo sa mga abo. Pagkatapos ay ipinahayag niya sa bayan ng Ninive: “Huwag lumasa maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig; Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang, ang tao at gayon din ang hayop, at magsidaing silang mainam kay Yahuwah: oo, talikdan ng bawat isa ang kaniyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay. Sino ang nakaaalam kung manumbalik kay Yahuwah at magsisisi, at hihiwalay sa kaniyang mabangis na galit, upang tayo’y huwag mangamatay.” Noong nakita ni Yahuwah kung ano ang ginawa nila at paano sila tumalikod mula sa mga masasamang pamamaraan, nahabag Siya at hindi na ipapadala ang pagkawasak na minsang binanta laban sa kanila.

ninive
Ang bayan ng Ninive ay naniwala sa babala ni Yahuwah

Nais ni Yahuwah na tayo ay maging instrumento ng Kanyang pagkahabag kaya maaari Niyang maabot ang isang naligaw at nasasaktang sanlibutan.

Subalit si Jonas ay lubos na hindi nasisiyahan at nagalit. Nanalangin siya kay Yahuwah, “Ako’y nakikipanayam sa iyo, Oh Yahuwah, di baga ito ang aking sinabi, nang ako’y nasa aking lupain pa? Kaya’t ako’y nagmadaling tumakas na patungo sa Tarsis; sapagkat talastas ko na ikaw ay Diyos na mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi ka sa kasamaan. Kaya nga, Oh Yahuwah, isinasamo ko sa iyo, na kitlin mo ang aking buhay; sapagkat mabuti sa akin ang mamatay kay sa mabuhay.” Ang tugon ni Yahuwah, “Mabuti baga ang iyong ginagawa na magalit?” Nang magkagayo’y lumabas si Jonas sa bayan, at naupo sa dakong silanganan ng bayan, at doo’y gumawa siya ng isang balag, at naupo siya sa ilalim niyaon sa lilim, hanggang sa kaniyang makita kung ano ang mangyayari sa siyudad. Pagkatapos ay naghanda si Yahuwah ng isang halamang kikayon, at pinataas sa itaas ni Jonas, upang maging lilim sa kaniyang ulo, upang iligtas siya sa kaniyang masamang kalagayan. Sa gayo’y natuwang mainam si Jonas dahil sa kikayon.

Sa bukang-liwayway ng sumunod na araw, naghanda si Yahuwah ng isang uod at sinira ang halamang kikayon, na anopa’t natuyo. Nang sumikat ang araw, naghanda si Yahuwah ng mainit na hanging silanganan; at sinikatan ng araw ang ulo ni Jonas, na anopa’t siya’y nanglupaypay, at hiniling niya tungkol sa kaniya na siya’y mamatay, at nagsasabi, “Mabuti sa akin ang mamatay kay sa mabuhay.” Ngunit sinabi ni Yahuwah kay Jonas, “Mabuti baga ang ginagawa mo na magalit dahil sa kikayon?” At kaniyang sinabi, “Mabuti ang ginagawa ko na magalit hanggang sa kamatayan.” Sagot ni Yahuwah, “Ikaw ay nanghinayang sa kikayon na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man; na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang gabi: At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking bayang yaon, na mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao na hindi marunong magmunimuni ng kanilang kamay at ng kanilang kaliwang kamay; at marami ring hayop?”

Sa pamamagitan ng karanasang ito, hindi lamang gumagawa si Yahuwah sa bayan ng Ninive, tinuturuan Niya rin si Jonas ng isang aral tungkol sa tunay na pag-ibig at pagkahabag. Nais ni Yahuwah na tayo ay maging instrumento ng Kanyang pagkahabag kaya maaari Niyang maabot ang isang naligaw at nasasaktang sanlibutan. Ang mga tao na hindi natin gusto ay marahil ang mga tao na pinaka nasasaktan mula sa loob. Sino tayo para manghusga na hindi sila karapat-dapat ng pag-ibig ni Yahuwah upang hawakan ang kanilang mga puso? Sino tayo para pigilan ang kabutihan, pagpapala at ating pananalangin para sa kanila, kaya nagpapanatili ng kaalaman ni Yahuwah mula sa kanila? Ang Kristyanong buhay ay tila isang serye ng mga aral tungkol sa kung gaano tayo naging masama at gaano kadakila ang awa at habag ni Yahuwah.

dalawang babae sa isang argumento

Hindi natin dapat kalimutan na tayo ay wala sa pakikidigma sa mga tao; tayo ay nasa pakikidigma kay Satanas. Ang mga tao na itinuturing nating kaaway ay mga bilanggo lamang ng digmaan ni Satanas. (Efeso 6:12) Sapagkat ang pakikipaglaban natin ay hindi sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga makasanlibutang hukbo ng kadilimang ito, laban sa mga espirituwal na puwersa ng kasamaan na nasa kaitaasan. Ang kapangyarihan ni Yahuwah, ang kapangyarihan ng pag-ibig, ay maaaring magpabago sa isang kaaway tungo sa isang matalik na kaibigan. Ang pagpapakita ng pag-ibig sa isang kaaway ay nagbibigay ng kagalakan kay Yahuwah at nagpapatotoo na mayroon tayong dakilang espiritwal na pagkahinog. (Kawikaan 16:6-7) Sa pamamagitan ng kaawaan at katotohanan ay nalilinis ang kasamaan: at sa pamamagitan ng pagkatakot kay Yahuwah ay humihiwalay ang mga tao sa kasamaan. {7} Pagka ang mga lakad ng tao ay nakapagpapalugod sa PANGINOON, kaniyang tinitiwasay sa kaniya pati ng kaniyang mga kaaway.

“Sapagkat ang pakikipaglaban natin ay hindi sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga makasanlibutang hukbo ng kadilimang ito, laban sa mga espirituwal na puwersa ng kasamaan na nasa kaitaasan.” (Efeso 6:12)

Hindi natin dapat kalimutan na tayo ay mga embahador na isinugo upang kumatawan sa kaharian ni Yahuwah, at sa ating Hari, si Kristo Yahushua. Tanging sa pagkahabag at pag-ibig maaari tayong kumatawan sa Diyos ng pag-ibig, ang Diyos ng pagkahabag. Tayo’y magpapakita ng pag-ibig maging sa mga kaaway sa paggawa ng kabutihan sa kanila. Sa pagpapala sa kanila, na pagsasalita ng mga mabubuting bagay sa kanila, at nagsasalita ng mga mabubuting bagay tungkol sa kanila nang patalikod, nagsasalita ng mga pagpapala at hindi sumpa. (Kawikaan 18:21) Kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila; at ang nagsisiibig sa kaniya ay magsisikain ng kaniyang bunga. Ang pinakamahalagang paraan ng pagpapakita ng ating pag-ibig ay sa pamamagitan ng panalangin, kung saan ang mga espiritwal na labanan ay nilalabanan at napapanalunan. Sa paggawa ng lahat ng mga bagay na ito ay magdudulot sa kahabagan ni Yahuwah na aagos sa ating mga puso bilang isang ilog ng buhay. Ito’y magbabago ng buhay ng ating mga kaaway, at kahit na hindi ito mangyari sa kanila, ito’y makakapagbago ng ating mga buhay, na plano ni Yahuwah ano pa man.

Huwag mong subukang iwasan ang kalooban ni Yahuwah para sa iyong buhay. Ikaw ay tatakbo tungo sa isang unos. Kung ang iyong kapalaran ay umayon sa larawan ni Yahushua, ikaw ay aayon, ano pa man ang mangyari. (Roma 8:28-29) At alam nating si Yahuwah ay gumagawa ng lahat ng bagay para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, sa kanilang mga tinawag ayon sa kanyang layunin. {29} Sapagkat ang mga kinilala niya noong una pa man ay itinalaga rin niya na maging katulad sa larawan ng kanyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid.

Paminsan-minsan bilang mga Kristyano, tayo’y nagpapaunlad ng isang kaisipan ng kompetisyon sa ating mga kapatid. Kaya hinahawakan natin ang paggawa ng mabuti, pagpapala, at maging pananalangin sa ating mga kapatid, naiisip na sila’y pinagpala na, o ano kung mas pinagpapala sila ni Yahuwah kaysa sa akin? Ano naman ako? Ito ay nagpapakita ng espiritwal na kahilawan dahil, sa kaharian ni Yahuwah, ang tagabigay ay palaging mas pinagpala kaysa sa tagatanggap, Marahil ang iyong pagpapala ay hinahawakan dahil si Yahuwah ay nais na pagpalain mo ang iba kaya maaari ka Niyang pagpalain. Dagdag pa, ang mga tao na naiisip natin sa itaas at “dumating” ay ang mga tao na pinaka nangangailangan ng ating mga panalangin, ang mga taong ito ay nasa bungad ng labanan, at hindi natin nalalaman kung ano ang hinaharap nila, ngunit tayo ay inutusan na manalangin para sa iba. Ito’y nagdudulot sa atin na nagkakaisa, at nalalaman natin na tayo ay bahagi ng kanilang tagumpay o kabiguan sa anong sinasabi natin at ipinapanalangin.

Pinagpala ang mga nagsisikap para sa kapayapaan, sapagkat sila ay ituturing na mga anak ni Yahuwah. (Mateo 5:9)

Tandaan ang sinabi ni Yahushua sa atin sa (Mateo 5:44-47) “Ngunit ako ang nagsasabi sa inyo: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo, {45} “upang kayo’y maging mga anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang kanyang araw sa masasama gayundin sa mabubuti, at nagpapadala siya ng ulan sa mga matuwid, gayundin sa mga di-matuwid. {46} “Sapagkat kung ang mamahalin ninyo ay iyon lamang nagmamahal sa inyo, ano’ng mapapala ninyo? Hindi ba’t ganyan din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis? {47} “At kung sa mga kapatid lamang ninyo kayo bumabati, mayroon ba kayong ginagawang higit kaysa iba? Hindi ba’t ganoon din ang ginagawa ng mga Hentil?”

(Mateo 5:9) Pinagpala ang mga nagsisikap para sa kapayapaan, sapagkat sila ay ituturing na mga anak ni Yahuwah.

nakangiting lalaking aprikano


Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Gary Robert Ballard.

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. –Pangkat ng WLC