Print

Espiritwalidad Sa Mga Batas Ng Kadalisayan

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

Espiritwalidad Sa Mga Batas Ng Kadalisayan

Ang aking espiritwal at intelektwal na paglalakbay bilang isang guro ng Torah ay nagsimula sa sistema ng kadalisayan sa Levitico. Malamang ito ay isang kakaibang lugar upang simulan ang pasyon ng aking buhay — paggalugad sa mga pagsipi ng genital, kontaminasyon ng bangkay, at ketong. Gayunman, ang pag-aaral ng biblikal na mga batas ng kadalisayan ay nagbigay sa akin ng isang malalim na pagpapahalaga para sa kagandahan at karunungan ng aming tradisyon.

Bilang isang dalagang peministang mag-aaral ng kolehiyo, natuklasan ko na ang mga sinaunang batas ng Hudyo ng panreglang karumihan ay hindi isang halimbawa ng diskriminasyon ng kasarian o pagbabawal sa dugo. Sa halip, ang Torah ay nagtuturo na ang lahat ng mga pagsipi ng genital, babae at lalaki, ay pinagkukunan ng tumah (ritwal na karumihan). Ang mga batas na ito ay bahagi ng isang mas malapad na simbolikong sistema, ginagawang tampulan ang kapangyarihan ng paghaharap sa mortalidad at ang kasunod na pangangailangan upang iritwal ang muling pagpapatibay ng buhay.

sirkulo-ng-pagkababae

Maraming iskolar ang nagkaisa na ang simbolismo ng buhay/kamatayan ay ang batayang tuntunin sa likod ng biblikal na sistema ng kadalisayan. Ayon sa teoryang ito, ang isang nagiging marumi sa paglapit sa kamatayan o ang kawalan ng potensyal na buhay. Oo, ang pinakamahalagang pinagkukunan ng karumihan ay isang bangkay ng tao (Mga Bilang 19). Ang ketong, isang makaliskis na puting sakit sa balat na parang ginagawa ang tao gaya ng isang bangkay (tingnan ang Mga Bilang 12:12), ay isa pang malalang anyo ng karumihan. Ang mga sinisipi ng genital, na kumakatawan sa kawalan ng lumilikhang materyal mula sa benditahan ng buhay, ay nagdudulot rin ng karumihan (Levitico 15).

Ayon sa biblikal na teolohiya, si Yahuwah ay ang Pinagkukunan ng Buhay. Ang Diyos ng Israel ay kumakatawan sa buhay; tanging ang mga buhay ay maaaring magbigay ng papuri kay Yahuwah (Awit 115). Dahil dito, ang ating mga pagtatagpo sa kamatayan o mga simbolikong paalala ng kamatayan ay saglit na tinatanggal tayo mula sa buhay—pinagtitibay ang mga ritwal ng pananahan ni Yahuwah sa Templo. Tanging matapos ang isang simbolikong muling pagsilang sa pamamagitan ng paglulubog sa “nabubuhay na katubigan” ng mikveh (ritwal na pagliligo) ay maaaring ibalik ang isa sa estado ng kadalisayan.

Sa loob ng maraming taon, naibigan ko ang anumang pagkakataon upang ipangaral ang tungkol sa biblikal na sistema ng kadalisayan at ang makapangyarihang ritwal ng paglilinis ng mikveh. Gayunman, taon matapos ang taon, ako’y hinamon sa pinaka kabalintunaang kaso ng karumihan. Ang Parashat Tazri·a ay nagpapahayag na ang isang ina ay nagiging marumi kasunod ng kapanganakan ng sanggol:

“Kung ang babae ay maglihi, at manganak ng isang lalake, ay magiging karumaldumal na pitong araw ... At siya’y mananatiling tatlong pu’t tatlong araw na maglilinis ng kaniyang dugo ... Ngunit kung manganak siya ng babae, ay magiging karumaldumal nga siya na dalawang linggo ... at mananatiling anim na pu’t anim na araw na maglilinis ng kaniyang dugo” (Levitico 12:2-5).

batang-babae

Bakit ang isang ina ay makukuha ang karumihan sa pagdadala ng bagong buhay tungo sa sanlibutan kung ang karumihan ay nagreresulta mula sa mga simbolikong pwersa ng kamatayan? Dagdag pa, bakit ang panahon ng karumihan ng isang ina ay doble sa kapanganakan ng isang batang babae?

Sa bawat panahon na binabasa ko ang Levitico Kabanata 12, itinuturing ko ang mga makukuhang tugon sa mga walang lubay na katanungan. Mayroong ilang kawili-wiling pagmumungkahi. Una, ang kapanganakan ng sanggol sa sinaunang Malapit sa Silangan ay puspos ng panganib sa ina at mataas ang tsansa ng kamatayan ng sanggol. Kaya, ang bawat kapanganakan ay isang pagtatagpo sa potensyal na kamatayan. Ikalawa, ang babaeng nagdadalang-tao ay isang sisidlan ng masaganang buhay. Kasunod ng panganganak, ang ina ay nararanasan ang isang kawalan ng makapangyarihang presensya ng buhay sa looban. Ang kanyang paglalabas ng buhay ay nag-iiwan ng isang bakante at lumilikha ng ritwal na kinakailangan para sa paglilinis. Habang wala sa mga kasagutang ito ay sakdal na nakikipagsundo sa karumihan ng panganganak sa loob ng simbolikong sistema, parehong nitong sinasalita ang karanasan ng kapanganakan bilang isang punto ng koneksyon sa pagitan ng buhay at kamatayan.

nagdadalang-taong-ina

Sa liwanag ng mga sariwang kaganap, pinagnilay-nilay ko ang isa pang posibleng pagpapaliwanag para sa karumihan ng panganganak. Sa isang kalagim-lagim na talakayan tungkol sa kawalang-tatag sa Gitnang Silangan at ang mahinang estado ng pandaigdigang kaganapan, isang kasamahan ang naglarawan ng nakakatakot na karanasan ng pagdadala ng isang bata tungo sa sanlibutan: “Habang nararamdaman ko ang dakilang kagalakan sa panglilikha ng isang bagong buhay,” puna niya, “Nalalaman ko rin na ako’y lumikha ng isang bagong potensyal para sa kamatayan.” Ang bawat tao ay mamamatay. Ang bawat kapanganakan ay nagdadala ng isa pang marupok, mortal na nilalang sa sanlibutan. Sa ating walang katiyakang mundo, ang katunayang ito ay agarang dumarating tungo sa matalas na tampulan.

Narito namamalagi ang isang pagpapaliwanag para sa dalawahang panahon ng karumihan kasunod ng kapanganakan ng isang batang babae. Ang batang babae ay kumakatawan sa potensyal para sa isang araw na magdadala ng isa pang bagong buhay. Ang bawat buhay na hinatid sa sanlibutan ay nagdadala rin ng isa pang kamatayan. Dahil dito, ang Torah ay nagmamarka ng kapanganakan ng isang babae, isang panghinaharap na banal na sisidlan para sa paglikha ng buhay, gayong puspos sa dalawahang dami ng “simbolismo ng kamatayan.”

Malamang ang mga batas ng Levitico Kabanata 12 ay tumutugon sa mga sumasagupang damdamin ng anumang bagong magulang. Isang bagong kapanganakan ay nagdadala ng kagalakan at pangamba, sindak, at takot. Ang isang bagong magulang ay may pananalig sa potensyal para sa buhay subalit may mga pangamba ng posibilidad ng kamatayan. Ang sistema ng biblikal na kadalisayan ay ipinapahayag na ang ating mga paghaharap sa panlupang kalikasan ng buhay ay nag-iiwan ng isang malalim na espiritwal na bakas – mula sa pagkabatid, sa pagsilang, sa pagkakasakit hanggang sa kamatayan. Sa bawat entablado ng buhay, kinikilala at isinasaritwal natin ang ating pagtatagpo sa kamatayan. Pagkatapos ay niyayakap at lumulubog tayo sa panibagong buhay.

mga-kamay-sa-puso


Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Rabi Lauren Berkun Eichler.

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC