Print

Isang Mensahe Mula Kay Mikas: Ang Kanyang Mga Sugat Ay Walang Kagamutan (Mikas 1:1-9)

Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami’y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan.

Isang Mensahe Mula Kay Mikas: Ang Kanyang Mga Sugat Ay Walang Kagamutan (Mikas 1:1-9)

Sinumang tagapagturo ang inatasan sa pagpapakita ng salita ni Yahuwah sa tagapakinig o manonood maliban sa kanyang lokal na kongregasyon ay, sa isang panahon o isa pa, ay haharap sa isyu ng kaugnayan ng kanyang mensahe. Anong kapangahasan ng isang tagalabas sa isang komunidad ang masasabi sa salita ni Yahuwah sa mga tao na itinuturing ang kanilang sarili na mga anak ni Yahuwah, lalo na kapag ito ay hindi gaanong kalugud-lugod na mensahe?

SI MIKAS – ANG TAGALABAS

Ang propetang si Mikas ay humarap sa ganoong pagsubok, sapagkat siya ay isang tagalabas sa Jerusalem, kung saan ipinahayag niya ang salita ni Yahuwah. Kung siya ay mula sa Jerusalem, tutukuyin siya bilang “Mikas, ang anak ng ganoon at ganoong tao.” Humula si Isaias sa Jerusalem sa halos kaparehong panahon kay Mikas; mula sa Jerusalem, siya ay tinukoy bilang “Isaias, anak ni Amoz.” Sa kabilang dako, nagmula si Mikas sa Morastita, isang munting nayon sa maburol na bayan ng Juda, mga 20-25 milya timog-kanluran ng Jerusalem. Ang kanyang palatandaan ay, dahil dito, hindi ang kanyang kaangkanan kundi ang kanyang bayan. Tumungo si Mikas sa Jerusalem upang magsalita ng mga salita sa bayan nito at mga lider na hindi mula sa sarili niya. Hindi nagsasalita si Mikas na ginawa sa sarili niya. Hindi siya nagsasalita mula sa mga kailaliman ng kanyang pagkakaunawa. Hindi siya nagsasalita sa kabila ng mayaman at makapangyarihan. Hindi siya nagsalita ng kainggitan at paninibugho para sa kasaganaan ng kalipunan. Nagturo siya mula sa pagkabahala para sa bansa at sa bayan nito para himukin sila na baguhin ang kanilang mga pamamaraan upang iwasan ang poot ni Yahuwah. Noong nagsalita si Mikas ng paghahatol, kalamidad at pagkawasak, hindi ito kanyang mapanghangad na kaisipan. Nananatili, ito ay ang salita ni Yahuwah na mula sa kanya tungkol sa Samaria at Jerusalem sa mga panahon ng paghahari nina Jotham, Achaz, at Ezechias. Ang Samaria at Jerusalem ay mga kabiserang siyudad ng hilagaang kaharian ng Israel at timugang kaharian ng Juda, batay sa pagkabanggit. Ang dalawang siyudad ay ang dalawang sentro ng awtoridad at kapangyarihan ng mga bansa sa panahon ni Mikas. Ang dalawang siyudad na ito ay kumatawan sa kanilang mga bansa, at, dahil dito, ang mga salita na direktang ipinupunto ang mga siyudad na ito ay ipinahayag rin sa mga bansang Israel at Juda. Bilang mga sentro ng impluwensya, ang mga siyudad na ito ay responsable sa anumang nangyari sa nalalabi ng bansa. Katulad, noong ang Samaria at Jerusalem ay kapwa bumahin, tinamaan ng sipon ang Israel at Juda. Ang sanggunian sa mga paghahari nina Jotham, Achaz, Ezechias ay nagsasalita ng bigat ng ano ang nangyayari sa panahon ng propesiya. Ang mga paghahari ng tatlong hari na ito ng Juda ay tumagal ng 55 taon. Isang henerasyon lamang bago ang panahong ito, mayroong pulitikal na kapayapaan at katatagan sa Israel at Juda, sinamahan ng isang masigla at masayang ekonomiya na nagresulta sa dakilang kayamanan at kasaganaan. Sa panahon nina Jotham, Achaz, at Ezechias, ang mga tao ay patuloy na nagagalak sa kasaganaan, kayamanan, pinagkukunan, at karangyaan ng panahong sumunod.

bayan-sa-labas-ng-Juda

Sa kasamaang-palad, gayunman, mayroong dakilang kawalan ng katarungan sa pamamahagi ng kayamanan. Ito ay isang panahon ng dakilang kasaganaan at ngunit isang panahon ng dakilang pangangailangan. Ito ay isang panahon ng dakilang kabantugan at ngunit dakilang pagkakait. Ito ay isang panahon ng mga dakilang pagkakamit at ngunit dakilang kawalan. Ito ay isang panahon ng dakilang kayamanan at ngunit isang panahon ng dakilang kahirapan. Ito ay isang panahon ng dakilang kagalakan at subalit isang panahon ng dakilang kalungkutan. Ito ay isang panahon ng mga dakilang kaibahan.

KAWALAN NG KATARUNGAN NOON

Ito ay ang panahon noong ang salitang Yahuwah ay dumating kay Mikas ang pangitain na nakita niya. Parehong nakita ni Mikas ang pisikal at espiritwal. Nakita niya kung ano ang tumungo sa paligid niya (na maaaring makita ng lahat) at anong gagawin ni Yahuwah bilang resulta ng mga iyon (na hindi maaaring makita ng sinuman). Nakita ni Mikas ang mga epekto ng isang ekonomikong rebolusyon – ang pagdagsa ng materyal na kasaganaan sa bayan. Nakita niya ang kayamanan ng mayorya, ibinigay sa kanilang mga lupain at tahanan, kinuha mula sa kanila dahil inaagaw ang kanilang mga ari-arian sa pamamagitan ng mga hindi matuwid na pamamaraan ng makapangyarihang minorya.

mikas

Ang walang habag na kasakiman at kalupitan ay kapansin-pansin sa pangangasiwa ng mga tao na dapat kumilos nang makatao. Ang mayayaman ay lubos ang kasakiman sa kayamanan kaya sila’y yumuko sa pinakamababang antas upang angkinin at simutin maging ang munting nalalabi mula sa pinakamababa ng lupain. Walang silang humpay upang pakainin ang kanilang kaimbutan. Nakita niya ang makapangyarihang minorya na nagagalak sa mga kaluguran ng materyal na kasaganaan habang ang mga walang kapangyarihan na mayorya ay dinurog nang pisikal at emosyonal ng kahirapan. Nakita ni Mikas ang mga nababalisang tao na inapi ng sakit ng kawalan ng pag-asa. Sa kasamaang-palad, ang mga umaapi ay kanilang mga kapatid. Ang mga mayayaman ay nawalan ng kahihiyan na umokupa sa makasariling materyalismo – nang lubos kaya ang kahirapan ng kanilang mga kapwa at mga panlipunang alalahanin ay nasa ilalim ng kanilang lista ng mga prayoridad. Ang mahirap, ang mahina, ang mga balo, ang mga ulila, at ang naghihikahos ay iniwan sa kanilang kapalaran na parang wala nang may pakialam sa kanila. Ang pagkakawatak-watak ng mga personal at panlipunang kahalagahan ay nasa pinakamataas na bundok, habang ang moralidad ay nasa pinakamababang agos. Ang mahirap ay walang sinumang nakikiusap sa kanilang kaso. Ang nawalan ng pag-aari ay walang nagsasalita sa kanilang ngalan. Ang kawalan ng katapatan ay ang order ng panahon, at ang kawalan ng katarungan ay saanman umiiral. Ang mga huwes na namamahala ng hustisya ay binili ng salapi, kaya palaging pumapabor sa mayaman at makapangyarihan. Ang abuso ng panghukuman at pampulitikal na awtoridad ay humantong sa maraming pagdurusa ng mga masa. Iyong mga dapat magtanggol sa mga tao ay hindi lamang pinababayaan ang kanilang tungkulin upang ipagtanggol; sa halip, sila’y aktibong minamaltrato ang mga kapus-palad. Iyong mga dapat magpakain sa kawan ay hinuhuthutan ang kawan. Nakita ni Mikas ang mga dakilang pang-aabuso ng opisina ng mga lingkod-bayan at pagpapabaya ng mga pangrelihiyong opisyal na itama ang anumang mali. Ang mga kaparian at mga propeta ay itinataguyod kung ano ang dapat nilang kinokondena, at habang ang lahat ng kasamaang ito ay nagpapatuloy, ang mga mayayaman at masaganang tao ay patuloy na “sumasamba” kay Yahuwah na parang walang mali. Ang tunay na relihiyon ay binaluktot para sa relihiyong nagagalak sa sarili. Nakita nila si Yahuwah bilang isang mabuti ang puso, mapagbigay na tagatangkilik na palaging nagbibigay ng pagpapala at hindi nagbibigay ng sumpa, na palaging pumapabor at hindi nagpaparusa. Ang mayaman ay nakita ang kanilang masamang nakuhang kayamanan bilang isang tanda ng banal na pagpabor – sapagkat sinabi sa kanila ng mga propeta na sila’y bumili gamit ang kanilang salapi upang magsalita sa kanila ng mga salita na nais lamang nilang marinig. Kabalintunaan, sa kalagitnaan ng lubos na kasamaan, ang relihiyon ay umuunlad at nagiging lubos na tanyag dahil ito’y gumawa ng walang hinihingi sa kanilang mga masasamang pamamaraan. Panlabas, sila’y lubos na relihiyoso dahil sila’y nagtitipon sa templo at nagbigay ng mga kaloob at mga alay kay Yahuwah, ngunit sa looban, sila’y masama, at ang kanilang mga moral ay nabubulok.

KAWALAN NG KATARUNGAN NGAYON

Iyon ang nakita ni Mikas noon, ngunit ano ang makikita ng tagalabas sa Amerika ngayon? Kumpara sa nalalabi ng mundo, ang Estados Unidos ay isang bansa na malakas, makapangyarihan, at puno ng mga tao na mayayaman at umaapaw sa materyal na kayamanan; ang mga tao na namumuhay sa kaginhawaan at kasaganaan sa magagandang paligid at mga eleganteng tahanan na may mga katangi-tanging kasangkapan. Ang mga mainam na sasakyan, ang pinakatanging pananamit, at ang pinakapili na pagkain ay anong marangyang ipinapakita ng mga Amerikano sa nalalabi ng mundo. Ang karaniwang Kristyanong tahanan sa Amerika ay mayroong mga kasilyas na puno ng mga pananamit at kalsetin na hindi nasusuot sa loob ng ilang taon at marahil ay hindi na masusuot pa. Subalit ang karamihan sa mga tao ay patuloy sa pagbili ng marami pang bagong pananamit. Ang mga tao na marami na ay patuloy pa rin sa pamimili. Ang mga Amerikano ay tila hindi nasisiyahan hanggang ang pinakabagong sasakyan, pananamit ng mismong ilustrador, libangang gadyet, o moda. Sa kabilang dako, sa nalalabi ng mundo, lalo na sa mga bansang mahihirap, ang mga tao ay may lubos na kakaunti, at maging mga bagay na ipinagkait sa kanila. Ang mga tao ay sinipa sa mga lupain na tinirahan nila sa loob ng ilang daang taon kaya ang mga kumpanya ng pagmimina mula sa ibang bansa ay maaaring magmina ng mga ginto o dyamante upang maabot ang nais ng kanilang mga mayayamang kliyente. Ang mga bata ay namamatay sa gutom at uhaw sa pang-araw-araw na kaganapan. Sa maraming Aprikanong nayon, apat sa bawat limang bata ang namamatay bago ang kanilang ikalimang kaarawan dahil ang tubig na iniinom nila ay pinamugaran ng dumi, mikrobyo, parasitiko, at mga sakit. Karaniwan na makita sa mga kabataan na naghahalungkat ng mga basura para sa pagkain—kung hindi, sila’y dapat na makalagpas sa ilang araw nang walang pagkain. Kalunus-lunos nga ito, ilan sa mga ina ay ibinibenta ang kanilang mga anak sa pagiging alipin o prostitusyon dahil wala silang mukhang maiharap na makita ang kanilang mga anak na mamatay sa harapan nila; sila’y naniniwala na ang pagbenta o pagbubugaw sa kanila ay ang tanging paraan para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga anak. Sa Aprika, ang buong komunidad ay binura ng AIDS, tuberkulosis, at malarya dahil ang mga tao ay hindi mabili ang mga gamot na makakapagligtas ng kanilang mga buhay. Mayroong malawak at malapad na agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap sapagkat ang mayaman ay lalong yumayaman at ang mahirap ay lalong naghihirap. Nakalulungkot, ang mayaman ay nagiging bulag sa karalitaan at pagdurusa ng lahat sa paligid nila. Sila’y bingi sa sigaw ng mga mahirap at mga kapus-palad. Sobra ang kawalan ng katarungan, hindi pagkakapantay-pantay, at inhustisya sa mundong ito.

gutom-na-aprikanong-batang-lalaki

ANG TAGAHATOL

Ipinakita ni Yahuwah kay Mikas na magpapadala Siya ng kahatulan sa mga tao dahil sa dakilang kawalan ng katarungan at inhustisya sa lupain. Nagpipinta si Mikas ng isang larawan ng isang hukuman kung saan si Yahuwah ay tinipun-tipon ang lahat sa lupa sa isang pagdinig. Ang bagay ay lubos na malubha kaya ang buong daigdig ay tinawag upang limitaw sa makapangyarihang Panginoon. Ito ay hindi isang larawan ng isang Amerikanong hukuman kung saan ang isa ay hindi maaaring tagausig at huwes at kung saan ang hatol ng huwes ay maaaring hamunin sa isa pang hukuman ng batas. Inilalarawan ni Mikas ang isang tradisyonal na hukuman kung saan ang hari ay makapangyarihan, at ang kanyang hatol ay panghuli. Si Yahuwah ay ang makapangyarihang Panginoon sa lahat ng lupa. Maaari Niyang tawagin ang sinuman at lahat sa anumang panahon, saanman; ang Kanyang hatol ay panghuli. Sa Mikas 1:3, inaanyayahan tayo ni Mikas na maging saksi sa paglitaw ni Yahuwah upang magdala ng kahatulan. Kapag ang makapangyarihang Panginoon ay lumilitaw, ito ay isang kahanga-hangang eksenang pagmamasdan.

Noong ipinakita ni Yahuwah ang Kanyang sarili kay Isaias sa templo, sumigaw si Isaias: “Sa aba ko! sapagkat ako’y napahamak!” (Isaias 6:5). Maaari mo bang maisip kung ano ang katulad kapag si Yahuwah ay dumating sa galit upang magdala ng hatol? Sinasabi ni Mikas, ‘At ang mga bundok ay mangatutunaw sa ilalim niya, at ang mga libis ay mauupos, na parang pagkit sa harap ng apoy, parang tubig na bumubuhos mula sa isang bundok.’ (Mikas 1:4) Mayroong pagkawasak na hindi pa nakikita noong una! Ang teopaniya ni Yahuwah ay nagreresulta sa ganap na pagkawasak!

ANG KAHATULAN

Bakit si Yahuwah ay lubos ang galit? Ano ang nagdudulot ng ganoong poot at kahatulan mula kay Yahuwah? Ano ang maaaring gawin ng isang maawaing Yahuwah na lubos na walang awa sa kanyang kahatulan at kaparusahan? Ito ay dahil sa pagsalangsang at pagkakasala ng mga anak ni Yahuwah. Ito ay dahil sa idolatrya, katiwalian, at kasamaan: ang kakila-kilabot na mga kondisyon ng mga mahihirap, ang aba, ang inaapi, at ang pinabayaan. Mayroong pagdurusa ng mga tao na nagpapatuloy, ngunit iyong mga tinatawag ang sarili na mga anak ni Yahuwah ay namumuhay sa karangyaan at kasaganaan at may nagawang kakaunti o wala tungkol sa kalagayan ng kapwa tao. Kaya’t gagawin ko ang Samaria na parang bunton sa parang, at parang mga pananim sa ubasan; at aking ilalagpak ang mga bato niyaon sa libis, at aking ililitaw ang mga patibayan niyaon. At lahat niyang larawang inanyuan ay pagpuputolputulin, at ang lahat niyang kaupahan ay susupukin sa apoy, at ang lahat niyang diyus-diyosan ay aking ihahandusay na sira; sapagkat sa kaupahan sa isang patutot ay kaniyang mga pinisan, at sa kaupahan sa isang patutot ay mangauuwi. Dahil dito tataghoy ako, at mananambitan; ako’y yayaong hinubdan at hubad; ako'y uungal na parang chakal, at mananangis na gaya ng mga avestruz.

Sapagkat ang kaniyang mga sugat ay walang kagamutan; sapagkat dumarating hanggang sa Juda; umaabot hanggang sa pintuang-bayan ng aking bansa, hanggang sa Jerusalem. (Mikas 1:6-9)

Sapagkat ang kaniyang mga sugat ay walang kagamutan; sapagkat dumarating hanggang sa Juda; umaabot hanggang sa pintuang-bayan ng aking bansa, hanggang sa Jerusalem. (Mikas 1:6-9) Si Yahuwah ay magdadala ng kagimbal-gimbal na kahatulan, sadyang pagkawasak, paghihirap, at kahihiyan sa Israel. Ginamit ni Yahuwah at Asirya upang tanggalin ang bansang Israel mula sa pag-iral. Sila’y ipinatapon at ikinalat sa balat ng lupa, hindi na muling titipunin bilang isang bansa muli. Ang kahatulan ni Yahuwah ay hindi nagwawakas sa Israel. Ang trahedya ng Israel ay nagsisilbi bilang isang babala sa Juda. Buhat nang ang Jerusalem ay pantay na nagkasala sa mga pagsalangsang ng Samaria, ang kaparehong kapalaran ang naghihintay na bumagsak sa Jerusalem. Sapagkat parehong nagkasala, hindi makakatakas ang Juda sa trahedya na bumagsak sa Israel. Ang kahatulan na dumarating sa mga anak ni Yahuwah ay hindi lamang pulitikal sa kalikasan o pinagmulan. Ito ay banal na pinagmulan – si Yahuwah mismo ang tagadala ng kalamidad. Ang paparating na tadhana ay nagdudulot sa propeta na magluksa. Siya ay nasa dakilang kirot at dalamhati dahil sa katiyakan ng kalamidad. Ang mga inaasam-asam ng Israel ay walang pag-asa. Naabot niya ang isang punto ng wala nang babalikan. Ang kanyang mga sugat ay walang kagamutan. Ang larawan na ipinipinta ni Yahuwah sa kanyang mga anak ay isang karima-rimarim na sakit sa mata. Isang walang gamot na sugat na walang band-aid. Ito ay isang malubha at nakamamatay na sakit na nag-iiwan lamang ng pagkawasak at paghihirap sa alaala nito.

PAGWAWAKAS

Ang kahatulan ni Yahuwah sa Israel at Juda ay nagsisilbing isang babala sa lahat ng mga anak ni Yahuwah para sa lahat ng panahong nabibilang. Uupo lang ba si Yahuwah sa katahimikan kapag ang ating mga kasilyas ay puno na ng mga pananamit na hindi natin nasusuot, subalit ang mga bata sa Aprika ay pumapasok sa paaralan at pagtitipon ng simbahan nang nakahubad? Kapag ang tubig sa ating palikuran ay mas malinis pa sa tubig-inumin ng maraming tao sa mga umuunlad na bansa sa mundo? Kapag ang pagkain na tinatapon natin sa bawat araw ay maaaring makapagpakain sa libu-libong takas? Pag-isipan ang mga nakagugulantang na istatistika: ang per capita income ng Estados Unidos lamang ay mas marami pa kaysa sa pinakamahirap na 70 bansa nang magkakasama. Ang mga aklat na itinapon sa pagtatapos ng bawat semestro ng mga mag-aaral sa mga Kristyanong kolehiyo at unibersidad sa Estados Unidos ay sapat na upang punan ang mga walang lamang istante ng mga Kristyanong paaralan sa mga umuunlad na bansa sa iba’t ibang panig ng daigdig. Dalawa’t kalahating milyong Aprikano ang namamatay sa taong ito mula sa kakulangan ng anti-retroviral na gamot upang labanan ang HIV/AIDS. Ang bilang na ito ay hindi isinasama ang mga namatay mula sa malarya, tuberkulosis, at iba pang mga sakit. Uupo lang ba si Yahuwah nang walang bahala at walang gagawin habang tayo’y namumuhay sa karangyaan at kasaganaan habang ang buong mundo ay nagdurusa sa paghihirap? Ang kasagutan ay isang napakalakas na “Hindi!” Hindi uupo si Yahuwah nang walang bahala sa katahimikan. Hindi uupo si Yahuwah at walang gagawin. Kabaligtaran, may gagawin si Yahuwah. Ang makapangyarihang Panginoon ng lahat ng lupa ay bababa kasama ang kahatulan sa kanyang mga anak. Ang babala ni Mikas sa lahat ng mga anak ni Yahuwah ay dapat tayong hindi lamang nakaupo nang walang pakialam sa harap ng paparating na paghahatol ni Yahuwah. Ang anak ni Yahuwah ay hinimok na tulungan ang aba, pakainin ang nagugutom, bigyan ng maiinom ang nauuhaw, suotan ang hubad, at tulungan ang inaapi. Habang mayroon pang panahon, tayo’y “ililigtas ang nanganganib, mag-aalaga sa naghihingalo, sunggaban sila sa awa mula sa kasalanan at libingan, tumangis sa nagkakamali, itaas ang bumagsak, sabihin sa kanila na si Yahushua ay Makapangyarihan na magliligtas.” Ang mga salita ni Kristo Yahushua ay dapat na isang patuloy na paalala sa ating lahat, “Ang binigyan ng marami ay pananagutin ng marami” (Lucas 12:48). Amen!

tinutulungan-ang-nagugutom


Ito ay isang hindi-WLC na artikulo ni Fred Asare.

Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC