Print

Mag-Ingat Sa Modernong Pariseismo

Isang kagulat-gulat na bilang ng mga Kristyano ang nagpalipas tungo sa pariseikong kaugalian ng kaisipan at pakikitungo. Nakalulungkot, ang mga ito'y pinakamatapat na mananampalataya na walang kamalayan ng kanilang panganib. Basahin upang matutunan ang tungkol sa lubos na sopistikadong patibong ng diyablo na ito.

Mag-Ingat Sa Modernong Pariseismo

Ang Babilonyang pagkakabihag ay magpakailanman na nagpagaling sa Israel mula sa paghahagad ng ibang diyos. Tuluyan nilang natanto na ang kanilang kasaganaan ay hindi maiiwasang nakadugtong sa kanilang katapatan kay Yahuwah, ang Diyos ng Langit. Si Satanas, gayunman, ay mayroong pantulong na plano at iyon ay dakpin ang mga matatapat na Israelita na panatilihin ang sulat ng kautusan habang sinisira ang espiritu ng kautusan. Sa ibang salita: pariseismo.

Naimpluwensya niya ang mga Israelita na lumikha ng isang halos walang limitasyong sari-saring patakaran at tradisyong gawa ng tao. Sa pamamagitan ng “pampakapal” sa banal na kautusan kasama ang lahat ng mga patakarang gawa ng tao na ito, nakumbinsi ni Satanas ang mga Israelita na imposible para sa kanila na labagin ang kautusan. Kaya naging tutok sa pagpapanatili ng sulat ng kautusan, ganap nilang nilipol ang tunay na layunin ng banal na kautusan. Maraming modernong mananampalataya ang bumagsak sa kaparehong patibong nang hindi ito natatanto. Pagkatapos ay magpapataw ng kahihiyan si Satanas, na nagpapalayo ng mga kaluluwa mula kay Yahuwah. Isang ikalawang tanaw sa pitong nakamamatay na kasalanan ay ipinapakita kung paano siya matagumpay sa paggamit ng pamamaraang ito.

Kapalaluan

Ilan sa mga tao ay naniniwala na para iwasan ang kasalanan ng kapalaluan, sila’y dapat na magpakumbaba. Binigyang-kahulugan nila ito bilang pagkakaroon ng mababang pagpapahalaga sa sarili. Mayroong madalas na takot na ang pagkakaroon ng mataas na pagpahahalaga sa sarili ay ginagawa ang isa na mapagmataas.

Hindi ito. Ang mga tao na may malusog na pagpapahalaga sa sarili ay malayo na mas may kapabilidad ng paninindigan para sa kanilang mga paniniwala kapag humarap sa oposisyon kaysa sa mga mababa ang pagpapahalaga. Maaari silang mas maraming matupad kaysa sa mga tao na ligalig sa pagdududa sa sarili na dumarating sa isang hindi malusog na kakulangan sa pagpapahalaga sa sarili. Ang mga Kristyano ay dapat na mayroong pinakamalusog na pagpapahalaga sa sarili ng sinuman sa lupa buhat nang si Yahuwah ay kusang-loob na iaalay ang Kanyang anak para sa isang tao na maligtas!

Kainggitan

Habang ang kainggitan—ang kawalan ng kasiyahan na nararamdaman ng ilang tao kapag nakikita ang tagumpay ng iba—ay walang pagdududa na isang kasalanan, ang pagnanais na magkaroon ng marami ay hindi. Sa mga matatapat na Kristyanong sirkulo, ang ambisyon ay minsan na itinumbas sa kainggitan. Ipinalagay na kung ikaw ay hindi sakdal na kuntento sa panlipunang estado, ikaw ay nagtatangka ng kasalanan ng kainggitan. Ngunit iyon ay hindi gayong kinakailangan. Hindi isang kasalanan na magnais ng isang mas mabuting buhay para sa iyong sarili o sa iyong mga anak. Hindi isang kasalanan na magsikap para makamit ito. Sa katunayan, nangangailangan si Yahuwah ng mga tao na may ambisyon na magsisikap na maglingkod para sa Kanya.

Kasakiman

Ang kasakiman ay isa pang kasalanan, ngunit si Satanas ay minsang ginagawa sa mga tao na tumungo sa mga sukdulan na hindi maging sakim. Halimbawa, hindi kasakiman na unahin ang pagbibigay para sa iyong sariling pamilya. Minsan, para maging mapagbigay, ang isang tao ay magbibigay nang malaya sa iba ngunit sa kabayaran ng kanyang pamilya. “Magbigay hanggang masaktan na” ay isang bansag na ginagamit ng mga pastor upang kumbinsihin ang kanilang mga kasapi ng simbahan na magbigay ng marami at marami pa, kahit na sa panahon na hindi na nila kayang gawin.

Si Yahuwah ay hindi inaasahan ang mga ganoong sukdulan mula sa Kanyang mga anak. Nagbabala si Pablo, “Ang sinumang hindi nangangalaga sa kanyang mga kamag-anak at lalo na sa kanyang kasambahay ay tumalikod na sa pananampalataya at masahol pa siya sa hindi sumasampalataya” (1 Timoteo 5:8).

Katakawan

Ang dyeta ay isa pang lugar na ipinipilit ni Satanas sa mga tao na tumungo sa sukdulan. “Kung ang isang munting pagtanggi sa sarili ay mabuti, mas marami ay mas mabuti!” ay tila ang ideya na nagpapatakbo sa mga pagsisikap ng maraming matatapat na mananampalataya upang mamuhay ng mga walang kabuluhang istilo ng pamumuhay.

Karaniwan, ang mga mananampalataya ay magnanais na parangalan si Yahuwah sa pamamagitan ng paggawa ng mga malulusog na pasya sa kanilang dyeta ngunit mag-ingat sa pagkahilig na lumikha ng mga patakaran at ibig sabihin ng mga tao kung ano ang bumubuo sa isang malusog na istilo ng pamumuhay. Si Kristo mismo ay inakusahan ng pagiging lasinggero at isang matakaw! Syempre, si Yahushua ay hindi isang lasinggero at hindi isang matakaw, ngunit ang pagkahilig na husgahan at matagpuan ang kasiraan sa iba na hindi gumagawa ng kaparehong pasya sa dyeta na ginagawa mo ay nakita nang madalas sa mga mananampalataya.

Kapootan

Ang kapootan ay isang lubos na damdamin ng tao. Ito’y maaaring isang kumpirmasyon mula sa espiritu ni Yah na anong ginawa ng isa sa iyo ay mali. Ang kapootan o kagalitan ay tumatawid ng linya tungo sa kasalanan kapag iniwan nito ang lugar ng damdamin at pumasok sa salita ng aksyon. Paano ka tutugon sa mga damdamin ng galit? Ginagamit mo ba ang mga ito bilang pagganyak para gawin kung ano ang tama? Upang hangarin ang katarungan para sa sinuman na nagkamali? O isang palusot upang magdulot ng sakit sa iba? Ang kasagutan sa katanungang iyon ay tinutukoy kung ang kasalanan ay ginawa o hindi.

Kalibugan

Lubos na malinaw si Yahushua: “Narinig ninyong sinabi, ‘Huwag kang mangangalunya.’ Ngunit ako ang nagsasabi sa inyo na ang bawat tumitingin sa babae nang may mahalay na pagnanasa ay nagkasala na ng pangangalunya sa kanyang puso. Kung nagiging sanhi ng iyong pagkakasala ang iyong kanang mata, dukutin mo ito at itapon. Sapagkat mas mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa maitapon ang iyong buong katawan sa impiyerno” (Mateo 5:27-29).

Inilagay ni Yahushua ang tungkulin para sa pagpapanatili ng dalisay na kaisipan sa indibidwal, hindi sa bagay ng kanilang kalibugan. Ito’y sumasalungat sa modernong kaugalian ng paglalagay ng tungkulin upang ilayo ang isang lalaki mula sa pagnanasa para sa isang babae. Ang paninisi sa kaisipan ng pagnanasa ng lalaki sa kasuotan ng babae (o, mas malala, sa isang batang babae), nagdidikta kung ano ang dapat niyang suotin, ay pagpapaimbabaw at pariseismo sa pinakadalisay nito.

Katamaran

Ang buhay sa isang makasalanang daigdig ay maaaring lubos na nakababahala. Sapagkat ang mga magulang ay tumatanda at nangangailangan ng mas maraming kalinga, ang lundo ay maaaring lubhang nakakapanghina. Nauunawaan ni Yahuwah ang ating limitasyon at pangangailangan para sa pamamahinga. “Sapagkat ang ama ay nahahabag sa kanyang mga anak, ganon din si Yahuwah na nahahabag sa mga may takot sa Kanya. Sapagkat nalalaman Niya ang ating pangangatawan; nalalaman Niya na tayo’y mula sa alabok.”

Ang pag-iingat sa sarili ay hindi katamaran. Kung hinihiling mo na magkaroon ng enerhiya na magbigay sa iba, mahalaga na maglaan ka rin ng oras para sa iyong sarili. Iyon ay hindi katamaran at hindi rin makasarili.

Ang mga matatapat na Kristyano ay naghahangad na maging kagaya ni Yahuwah. Kapag tayo’y nabibigo, madali na mahulog sa mga pagtatangka ni Satanas na nagtutulak sa atin sa mga sukdulan ng legalismo. Pinupuno niya tayo ng kahihiyan para sa kahinaan ng sangkatauhan at pagkatapos ay tinutukso tayo na husgahan at punahin ang ibang tao. Habang tayo’y may bumagsak na kalikasan, tayo’y mabibigo sa kasakdalan.

Tumanggi na tumutok sa mga kabiguan ng iba. Panatilihin ang iyong mga mata kay Yahuwah at malaman na iniibig ka Niya!