Ikaw ba ay nagpupunyagi sa pagkabalisa? Hindi ko sinasabi ang pagkagulat sa malalakas na ingay or sa isang makitid na mintis habang nagmamaneho pauwi na nag-iiwan sa iyo na nangangatal nang may adrenalin. Sinasabi ko ang uri ng takot na gumigising sa iyo sa kalagitnaan ng gabi, ang iyong kaisipan ay nangangarera sa kabilugan sapagkat ika’y nag-aalala sa anong maaaring mangyari sa hinaharap.
“Ang tanging bagay na dapat tayong matakot ay ang mismong takot,” ipinahayag ng Amerikanong pangulo, si Franklin D. Roosevelt sa kanyang pampasinayang talumpati. Habang ang takot ay isang mahalagang kasangkapan ng kaligtasan, ang takot na nagpapanatili sa iyo na gising sa gabi, nag-aalala kung ano ang maaaring maganap sa hinaharap, ay maaaring lubos na nakakapanghina. Ang pagkabalisa ay isang kumbinasyon ng pagkatakot at pag-aalala sa mga posibilidad sa hinaharap na madalas hindi nagiging totoo ano pa man.
Kung ikaw ay nagpupunyagi sa pagkabalisa, ang salita ni Yah ay ipinapakita kung paano magtagumpay.
Ang makadiyos na takot ay ang kumbinasyon ng pitagan, respeto, at pag-ibig na nararamdaman natin na mga mortal para sa walang hanggan na lumikha sa atin sa isang walang humpay na pag-ibig.
|
Ang makadiyos na takot ay ang kumbinasyon ng pitagan, respeto, at pag-ibig na nararamdaman natin na mga mortal para sa walang hanggan na lumikha sa atin sa isang walang humpay na pag-ibig. Ang makadiyos na takot ay pinapataas ang ating pananalig. Kabaligtaran, ang hindi makadiyos na takot ay pinapababa ang ating pananalig at maaaring pangunahan tayo sa isang pababang paikid ng takot na napakadakila, ito’y pinipigilan tayo mula sa pagkuha ng mga maagap na hakbang.
Ang hindi makadiyos na takot ay nahahati sa tatlong kategorya:
Ang pagkatakot sa mga tao ay maaaring humantong sa paggawa ng isang idolo nila para lamang mapasaya sila o makamit ang kanilang aprobasyon. Ang pagkatakot sa ninanais ay maaaring humantong sa mga kompromiso sa mga tuntunin upang makamit kung ano ang naiisip natin na hindi natin maaaring gawin kung wala. Ang pagkatakot sa mga kaganapan ay maaaring magparalisa sa atin, nagpapanatili sa atin mula sa pagkuha ng mga kinakailangang maagap na hakbang. Wala sa mga takot na ito ang nagbibigay ng kaluwalhatian kay Yahuwah.
Ang pag-ibig kay Yahuwah, at nalalaman na iniibig Niya tayo bilang kapalit, ay ang lunas na sumasalungat sa takot.
Tayo ang nakaalam at sumampalataya sa pag-ibig na iniuukol ni Yahuwah para sa atin.
Si Yahuwah ay pag-ibig, at ang nananatili sa pag-ibig ay nananatili kay Yahuwah, at si Yahuwah ay nananatili sa kanya. Sa ganitong paraan naging ganap sa atin ang pag-ibig, upang tayo’y magkaroon ng katiyakan sa araw ng paghuhukom, sapagkat kung ano siya ay gayon din tayo sa sanlibutang ito. Walang anumang takot sa pag-ibig. Sa halip, ang ganap na pag-ibig ay nag-aalis ng takot, sapagkat ang takot ay mayroong kaparusahan. Ang sinumang natatakot ay hindi pa lubusang umiibig (1 Juan 4:16-18).
Ang pag-ibig ay ang nagbibigay sa atin ng tiwala na harapin ang takot at dumating nang higit pa sa mga mananakop. Ito ay nakita sa kwento nina David at Goliath. Noong si Goliath, ang Filisteong higante, ay tinutuya ang mga hukbo ng Israel, si “Saul at ng buong Israel … sila’y nanglupaypay, at natakot na mainam” (1 Samuel 17:11).
Ang pag-ibig ay ang nagbibigay sa atin ng tiwala na harapin ang takot at dumating nang higit pa sa mga mananakop.
|
Nakita ni David ang kalagayan; naunawaan niya ang panganib. Subalit hindi katulad ng lahat ng iba, hindi siya natatakot at ang kanyang kakulangan ng takot ay hindi dahil sa pagiging mabuti sa isang tirador. Ang kanyang tiwala ay nasa kay Yahuwah. Noong nag-alinlangan si Haring Saul upang isugo ang kabataan para lumabas, matatag na ipinahayag ni David, “SI Yahuwah na nagligtas sa akin sa mga pangamot ng leon, at sa pangamot ng oso, ay siyang magliligtas sa akin sa kamay ng Filisteong ito” (1 Samuel 17:37).
Si David at ang mga hukbo ng Israel ay kapwa hinaharap ang eksaktong pangyayari. Gayunman, ipinaliwanag nila ang kalagayan nang lubos na naiiba. Habang ang ibang Israelita ay natakot sa higante, nakita ni David ito bilang isang kalagayan kung saan si Yahuwah ay kikilos dahil si Goliath ay lumalaban sa nabubuhay na Diyos. Walang duda na lilitaw si David sa tagumpay dahil ang karangalan ni Yah ang nakataya. Ito ay ang kanyang kaalaman kay Yahuwah na nagbigay sa kanya ng tiwala at tapang upang harapin ang higante.
Si Pablo, sa kanyang sulat sa mga taga-Filipos, ay nagbibigay sa atin ng limang hakbang upang magtagumpay laban sa pagkabalisa:
Kung mayroon tayong isang relasyon na wala sa pagkakasundo, gagawin natin kung ano ang nasa ating kapangyarihan na itama ang anumang mali, mangumpisal, at pagsisihan ang nasa ating bahagi kung anong mali.
|
Ang sigalot sa mga interpersonal na relasyon ay isang karaniwang dahilan ng pagkabalisa. Syempre, hindi natin maaaring makontrol ang isa pang tao, ngunit maaari nating aminin ang ating sariling bahagi sa anumang palatutol na relasyon. Maaari nating piliin na humingi ng tawad at pigilan ang anumang nagdudulot ng pagkakasala (pagsisisi). Ito ang ibig sabihin ni Pablo noong nakikiusap siya sa mga nasa isang mapanlabang relasyon na “magkaisa sila ng pag-iisip bilang bunga ng kanilang pagiging isa sa Panginoon.” (Filipos 4:2) Ang mga nagkakasundong relasyon ay nagdadala ng kapayapaan. Kung mayroon tayong isang relasyon na wala sa pagkakasundo, gagawin natin kung ano ang nasa ating kapangyarihan na itama ang anumang mali, mangumpisal, at pagsisihan ang nasa ating bahagi kung anong mali.
Maraming pagkabalisa ay nagmumula sa pagiging takot sa kalagayan na wala tayong kontrol. Ipinapaalala ni Pablo sa mga mananampalataya na si Yahuwah ay handa at naghihintay upang tulungan ang lahat ng dumarating sa Kanya. “Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay, sa halip ay idulog ninyo kay Yahuwah ang inyong mga kahilingan tungkol sa lahat ng mga bagay, sa pamamagitan ng panalangin at pagsamong may pasasalamat. At ang kapayapaan ni Yahuwah, na higit pa sa kaya nating maunawaan, ang magbabantay sa inyong mga puso at mga pag-iisip sa pamamagitan ni Kristo Yahushua” (Filipos 4:6-7).
Kapag ipinapakita natin ang ating mga pangangailangan, takot, at ninanais kay Yahuwah, maaari nating makilala na Siya ay kikilos sa ating mga pinakamahusay na interes. Maaari tayong magkaroon ng tahimik na katiyakan na ang lahat ng bagay ay magiging tulad ng nararapat.
Piliin na tumanaw ng utang na loob sa lahat ng mga pangyayari ay posible lamang kapag tayo’y nagtitiwala na si Yahuwah ay kumikilos sa ating pinakamahusay na interes.
|
Piliin na tumanaw ng utang na loob sa lahat ng mga pangyayari ay posible lamang kapag tayo’y nagtitiwala na si Yahuwah ay kumikilos sa ating pinakamahusay na interes. Kapag pinipili natin na sanayin ang pasasalamat, mararanasan natin ang kapayapaan at kapanatagan na tiwala maging sa mga pinakamapanghamon na kalagayan.
Ang pagkabalisa, sa kahulugan nito, ay isang takot sa mga panghinaharap na posibilidad. Sinasabi ng Filipos 4:8 na pagtuunan ang ano ang totoo. “Kahuli-hulihan, mga kapatid, anumang bagay na totoo, anumang bagay na kagalang-galang, anumang bagay na matuwid, anumang bagay na malinis, anumang bagay na kanais-nais, anumang bagay na kahanga-hanga, kung may anumang kahusayan, at kung may karapat-dapat parangalan, ang mga bagay na ito ang isipin ninyo.” Kung ang tampulan natin ay nasa ano ang totoo, walang silid upang katakutan ang mga haka-hakang posibilidad.
Ang tamang kaugalian ng kaisipan ay humahantong sa tamang damdamin na, dahil dito’y, humahantong sa mga tamang pagpapasya at mga kapaki-pakinabang na gawa. “Ang lahat ay magagawa ko sa pamamagitan ni Kristo na nagbibigay-lakas sa akin” (Filipos 4:13).
Ang pagkabalisa ay maaaring madaig. Ilipat ang iyong pananaw. Maging iyong tampulan ang totoo at tunay, sa halip na mga posibilidad. Magtiwala na si Yahuwah ay gumagawa sa lahat ng mga bagay para sa iyong kabutihan. Piliin na gawing kaugalian ang pasasalamat at ang kapayapaan ni Yah ay mapupuno ang iyong puso, pinapatahimik ang mga salagimsim ng pagkabalisa ng ano ang hindi naman magaganap.
“Sapagkat nalalaman ko ang aking mga panukala para sa inyo, sabi ni YAHUWAH, mga panukala para sa ikabubuti at hindi sa ikasasama, upang bigyan kayo ng kinabukasan at ng pag-asa.” (Jeremias 29:11).