Print

Pag-Asa Mula Sa Mga Panaghoy!

Ang aklat ng Mga Panaghoy ay naglalaman ng isang makapangyarihang aral sa pananalig at pag-asa, nagpapatibay na si Yahuwah ay isang Diyos na nagpapanatili ng Kanyang mga pangako—lahat ng mga ito.

trak na natigil sa ilalim ng isang tulayIsang drayber ng delivery truck, nagkamali sa pagkalkula ng distansya ng ibabaw ng kanyang sasakyan, siniksik ito sa ilalim ng tulay. Dumating ang mga pulis. Ang inhinyero ng siyudad ay tinawagan. Paano maiaalis ang trak nang hindi nasisira ang tulay ay isang kumplikadong problema. Isang bata, naakit sa lahat ng abala at pagkalito, ay naguguluhan sa mga narinig niya sa mga matatanda sa ganoong pagkalito.

“Bakit hindi ninyo po aalisan ng hangin ang mga gulong?” lehitimong tinanong niya. Ganito ang isang simpleng solusyon sa isang mapaghamong kalagayan! Madalas tayong nakatuon sa ating sariling makitid na pananaw kaya nakakaligtaan natin ang mga mahahalagang aral. Sa ganoong panahon, kailangan nating umatras at ilipat ang ating tampulan sa isang naiibang perspektibo.

Panahon Ng Pagsubok

Ang mga panahon ng pagsubok ay hinahamon ang ating pananalig. Ang kawalan ng isang anak, ang kawalan ng isang pagkakaibigan o isang pag-aasawa, maging ang kawalan ng trabaho ay maaaring mag-iwan sa atin na nalilito, nagdadabog o nagbabatikos sa punto ng buhay. Sa mga ganoong panahon, napakadaling magtaka kung tunay na may malasakit si Yahuwah. Ilan sa mga tao ay tinatanong kung marahil si Yahuwah ay pinaparusahan sila dahil sa mga nakalipas na pagkakamali. Kung hindi tayo naging maingat, ang panahon ng pighati at kahinaan ay maaaring magkaroon ng negatibong salpok sa ating pananalig. Subalit hindi dapat ganito! Kailangan lang nating baguhin ang ating pananaw, at iyon ay kung saan ang aklat ng Mga Panaghoy ay papasok.

Inilaan ni Jeremias ang kanyang buhay sa pagbibigay ng babala sa Juda ng paparating na paglusob ng Babilonya bilang banal na hatol dahil sa pagtalikod kay Yahuwah. Sa huli, ang matagal nang hinihintay na hatol ay dumating, at ang Juda ay nasa pagguho, ang bayan nito ay dinakip tungo sa isang banyagang lupain. Ang dalamhati ni Jeremias mula sa puso ay malinaw sa nagbubukas na salita ng Mga Panaghoy:

Ano’t nakaupong magisa ang bayan
Na puno ng mga tao!
Siya’y naging parang isang bao,
Na naging dakila sa gitna ng mga bansa!
Siya na naging prinsesa sa gitna ng mga lalawigan,
Ay naging mamumuwis!

Ang Juda ay pumasok sa pagkabihag.
Siya’y tumatahan sa gitna ng mga bansa,
Siya’y walang masumpungang kapahingahan

Ang kaniyang mga kalaban ay naging pangulo,
Ang kaniyang mga kaaway ay nagsiginhawa;
Sapagkat pinagdalamhati siya ni Yahuwah
Dahil sa karamihan ng kaniyang mga pagsalangsang. (Mga Panaghoy 1:1, 3, at 5.)

Kung sinuman ang may dahilan sa damdamin na lubos na pinabayaan ni Yahuwah, ito ang bayan ng Juda.

kabundukan at pagsikat ng araw

At gayunman, sa gabi ng kanyang pinakamadilim na pagsubok, nakita ni Jeremias ang pag-asa, at nakita niya ito sa pinaka walang katiyakang lugar!

Pinapanatili Ni Yahuwah Ang Kanyang Mga Pangako

Huwag gumawa ng kamalian, naramdaman ni Jeremias na pinabayaan siya ni Yah. Nagdalamhati siya, “Ako ang tao na nakakita ng pagdadalamhati sa pamalo ng iyong poot. Tunay na laban sa akin ay kaniyang iginagalaw ang kaniyang kamay na muli’t muli buong araw.”

Oo, pagka ako’y dumadaing, at humihinging tulong,
Kaniyang pinagsasarhan ang aking daing.” (Mga Panaghoy 3:1, 3, at 8.)

At gayunman, maging sa kalagitnaan ng kanyang pagdadalamhati, kumapit si Jeremias sa kanyang kaalaman ng katangian ni Yahuwah. Nalalaman na pinaglilingkuran niya ang Diyos ng pag-ibig.

Alalahanin mo ang aking pagdadalamhati at ... ang kaluluwa ko’y naaalaala pa nila,
Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip;
Kaya’t may pagasa ako.
Sa mga kaawaan nga ni Yahuwah ay hindi tayo nalipol,
Sapagkat ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos.
Ang mga yao’y bago tuwing umaga,
Dakila ang inyong pagtatapat.
Si Yahuwah ay aking bahagi, sabi ng aking kaluluwa;
Kaya’t ako’y aasa sa kaniya.

Si Yahuwah ay mabuti sa kanila na nangaghihintay sa kaniya,
Sa kaluluwa na humahanap sa kaniya.
Mabuti nga na ang tao ay umasa at maghintay na tahimik
Sa pagliligtas ni Yahuwah. (Mga Panaghoy 3:19-26)

pagsikat ng araw

Ang pag-alala sa katangian ng pag-ibig ni Yahuwah ay nilinaw kay Jeremias na ang pagkawasak ng Juda ay mismong patunay na pinapanatili ni Yahuwah ang Kanyang mga pangako!

Malinaw na mula sa Deuteronomio 29, nagbabala si Moises sa Israel kung ano ang mangyayari kung sila’y tumalikod para sa ibang diyos. Ang kanilang bayan ay tiyak na mawawasak, nahulaan ni Moises, na ang ibang bansa ay masisindak.

Na anopa’t lahat ng mga bansa ay magsasabi, Bakit ginawa ito ni Yahuwah sa lupaing ito? ano ang kahulugan ng init nitong malaking kagalitan?

Kung magkagayo’y sasabihin ng mga tao, Sapagkat kanilang pinabayaan ang tipan ni Yahuwah, ng Diyos ng kanilang mga magulang, na kaniyang ginawa sa kanila, nang kaniyang kunin sila sa lupain ng Egipto; At sila’y yumaon at naglingkod sa ibang mga diyos, at sinamba nila, na mga diyos na hindi nila nakilala, at hindi niya ibinigay sa kanila.” (Deuteronomio 29:24-26)

Natanto ni Jeremias na ang nakapanlulumong pagkawasak ng Juda sa kamay ng Babilonya ay mismo ang katuparan ng mga pangako ni Yahuwah! Inililipat ang kanyang pananaw ay nagbigay kay Jeremias ng katiyakan na kailangan niyang sumampalataya kay Yahuwah, dahil kung pinanatili ni Yah ang Kanyang mga pangako na wasakin ang Israel dahil sa pagtalikod, pananatilihin din Niya ang Kanyang mga pangako upang muling ibalik ang Israel kapag silang muli ay bumalik sa Kanya.

Sapagkat si Yahuwah ay hindi magtatakuwil
Magpakailan man.
Sapagkat bagaman Siya’y nagpapapanglaw, gayon ma’y magpapakita Siya ng habag
Ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga kaawaan.
Sapagkat Siya’y hindi kusang dumadalamhati,
O nagpapapanglaw man sa mga anak ng mga tao. (Mga Panaghoy 3:31-33)

Anong Ginawa Niya Para Sa Iba, Gagawin Niya Para Sa Iyo

babaeng nagdadalamhatiAng mismong katunayan na tayo’y nabubuhay sa isang mundo ng kasalanan ay isang katiyakan na, sa isang punto sa buhay, mararanasan natin ang nakakadurog ng puso na kalungkutan, pagkalito at kawalan. Ang salita ni Yahuwah ay nagbabala sa atin na “ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.” (Roma 6:23) Tayo’y hindi natatangi sa pagdurusa sa isang mundo ng kasalanan. Sinabi ni Pablo, “Alam nating hanggang ngayon, ang buong sangnilikha ay dumaraing at naghihirap sa tindi ng kirot tulad ng babaing nanganganak.” (Roma 8:22) Ang pagdurusa ay hindi palaging nangangahulugan na tayo’y inisa para parusahan ni Yahuwah. Huwag mahuhulog sa demonikong daya na iyon. Ang pagdurusa ay bahagi lamang ng pamumuhay sa isang makasalanang mundo; ito ay kung ano ang ninanais ni Yahushua na iligtas tayo mula sa unang lugar! At kung marami tayong isusuko, marami tayong madadala sa ating mga buhay sa pagkakahanay sa Kanyang kalooban, mas magiging magalak tayo. (Tingnan ang Hebreo 12:1-8.)

Subalit ang mismong katunayan na ang kasalanan ay naghahatid ng pagdurusa—gaya ng babala ni Yahuwah—ay mismong patotoo na pinapanatili ni Yahuwah ang Kanyang mga pangako. Gaano man kadilim ang hinaharap, ano pa man ang sakit na nararanasan mo, maaari kang sumampalataya kay Yahuwah na nagpapanatili ng Kanyang mga pangako. Isusugo Niya si Yahushua na magtatakda ng Kanyang walang hanggang Kaharian. “At papahirin [ni Yahuwah] ang bawat luha sa kanilang mga mata. Hindi na magkakaroon ng kamatayan; ni magkakaroon ng pagluluksa at pagtangis, at kahit kirot ay di na rin mararanasan, sapagkat lumipas na ang mga unang bagay.” (Pahayag 21:4)

pag-asa mula sa mga panaghoy