Print

Pagkamatuwid sa Pananampalataya

Ibinalik namin sa mga isiniping Kasulatan ang mga Pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito’y orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. Iclick rito para madownload ang Restored Names Version (RNV) ng Kasulatan. –Pangkat ng WLC

Ang reaksyon sa hindi kapani-paniwalang pagsasanay ng literal na pagbibili ng kapatawaran para sa kasalanan mula sa Simbahang Katoliko sa ikalabing-anim na siglo ay isa sa mga dahilan na nagpasiklab ng Repormasyong Protestante. Sa panahong iyon, ang Simbahang Katoliko ay pinadugo ang mga pondo ng Gitnang Europa para sa pagtatayo ng Basilika ni San Pedro sa Roma. Ang kwento ng isang tao na bumibili ng indulhensiya para sa kasalanan ng pagnanakaw mula mismo sa mga nagbebenta ng mga ito ay naging tanyag.

Martin Luther

Martin Luther

Ang katunayan ng pagkamatuwid sa pananampalataya ay nagsimula kay Luther sa kanyang pagbisita sa Roma. Nagulat si Luther sa karangyaan at kasamaan ng kaparian sa lahat ng mga antas. Habang paakyat sa hagdanan ni Pilato sa kanyang mga tuhod upang makakuha ng indulhensiya para sa kanya mismo, siya ay biglang napuspos sa teksto ng Bibliya “Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.” Tumayo siya sa kanyang binti at nagsimula ang Repormasyon sa Alemanya sa tuntuning iyon.

“Ito ay sapagkat sa Ebanghelyo, ang katuwiran [ni Yahuwah] ay nahayag mula sa pananampalataya patungo sa pananampalataya. Ayon sa nasulat: ‘Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.’” (Roma 1:17, Ang Salita ng Diyos)

Ang isa ay dapat palaging tandaan na ito ay sa karanasan ng pagtingin sa kasalanan, ang paglabag sa sampung utos, sa simbahan, na pumukaw sa katunayan ng pagkamatuwid sa pananampalataya. Ang ideya na ang pananampalataya kay Yahushua nang walang pagsunod sa kautusan na maaaring magdala ng kaligtasan ay dayametrikong salungat sa karanasan at pagtuturo ni Luther, para magsabi ng walang ibang bagay ng kay Pablo.

Ngunit ang pagkamatuwid sa pananampalataya ay hindi nagsisimula kay Luther at sa kanyang katunayan na ang adorasyon ng mga larawan at labi, mga gawa ng paninikluhod sa mga simbahan, pag-aayuno, paniniwala sa purgatoryo, at dose-dosenang ibang anyo ng kabanalan ay walang makakapagligtas sa sinuman. Hindi rin ang konsepto ng pagkamatuwid sa pananampalataya ay nagsimula kay Pablo sa Bagong Tipan. Ang Aklat ng Genesis ay binalangkas sa dakilang patotoong ito mula sa mismong araw ng pagpapaalis kay Adan at Eba mula sa Eden hanggang sa dakilang pagpapahayag ng pananampalataya ni Abraham sa pagkilala ni Jose ng banal na kalinga. Ang kaligtasan ay palaging isang kaloob ng banal na kagandahang-loob, hindi isang bagay na nakakamit sa mga pagsisikap ng tao.

Ang punong taluktok ng Review and Herald magazine sa loob ng ilang taon ay mayroong buod ng mga doktrinal na pahayag:

Ang bautismo, buhay, kamatayan, muling pagkabuhay at pag-akyat ni Yahushua sa makalangit na santuwaryo para mamagitan sa mga matapat at gumawa ng pagbabayad sa mga kasalanan ay hindi ipinahayag rito. Syempre, pinaniwalaan nila ang mga bagay na ito. Ngunit ang katunayan na sila’y nawalan ng buod ay nag-iwan ng isang puwang sa pagitan ng kautusan ni Yahuwah at ang muling pagdating ni Yahushua. Ito’y nag-ambag sa pagtuturo na nagpabaya sa mga patotoong ito. Ang pagkukulang na ito ay hinatid sa atensyon ng mga mananampalataya noong 1888 General Conference sa Minneapolis, kung saan ang mga nakakatandang sina Waggoner at Jones ay itinuro ang mensahe ng Pagkamatuwid sa pananampalataya.

“Marami ang gumawa ng pagkakamali ng pagsubok na tukuyin nang masusi ang mga mainam na punto ng pagkakaiba sa pagitan ng pagkamatuwid at pagpapakabanal. Tungo sa mga kahulugan ng dalawang terminong ito, sila’y madalas nagdadala ng kanilang mga pansariling ideya at pagpapalagay. Bakit susubukan na maging mas masusi kaysa sa Pagkapukaw sa mahalagang katunungan ng pagkamatuwid sa pananampalataya.

“Habang ang nagsisising kasalanan, mahinahon sa harap [ni Yahuwah], kinikilala ang pagbabayad-sisi [ni Yahushua] sa Kanyang ngalan, at tinatanggap ang pagbabayad-sisi na ito bilang kanyang tanging pag-asa sa buhay na ito at sa hinaharap, ang kanyang mga kasalanan ay pinatawad na. Ito ay pagkamatuwid sa pananampalataya.

“Ang pagpapakabanal ay hindi ang gawa sa loob ng isang sandali, isang oras, isang araw, kundi ng habambuhay. Ito ay hindi nakakamit sa isang masayang paglipad ng damdamin, kundi isang resulta ng patuloy na naghihingalo sa kasalanan, at ang patuloy na nabubuhay para [kay Yahushua]. Ang mga kamalian ay hindi maaaring itama at hindi rin maaari ang mga repormasyon ay magawa sa katangian na mahina, paulit-ulit na mga pagsisikap. Ito ay tangi lamang sa mahaba, pagpupunyagi, matinding disiplina, at mahigpit na labanan, upang tayo’y maging matagumpay.

“Ito {ang pagpapakabanal} ay hindi lamang isang teorya, isang damdamin, o isang anyo ng mga salita, kundi isang pamumuhay, aktibong tuntunin, pumapasok sa pang-araw-araw na buhay. Ito’y nangangailangan na ang ating mga ugali ng pagkain, pag-inom, at pananamit gaya ng para masiguro ang pangangalaga ng pisikal, mental, at moral na kalusugan, upang maipakita natin [kay Yahuwah] ang ating mga katawan—hindi isang inaalay na pinasama ng mga maling kaugalian kundi—‘isang nabubuhay na alay, banal, at katanggap-tanggap [kay Yahuwah].’

“Ang mga Kasulatan ay ang dakilang ahensya sa pagbabago ng katangian. . . . Kapag pinag-aralan at sinunod, ang Salita [ni Yahuwah] ay gumagawa sa puso, nilulupig ang bawat masamang katangian.

“Walang bagay gaya ng agarang pagpapakabanal. Ang tunay na pagpapakabanal ay isang pang-araw-araw na gawa, magpapatuloy habang ang buhay ay nagtatagal.” (Ellen G. White, The Faith I Live By, pahina 116.)

Ang tekstong ito ay nagbibigay ng mahalagang payo at impormasyon, tunay nga, isang buod ng buong isyu sa isang maikling salita. Una sa lahat, ipinapakita nito kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa paksa ay sapat na, at dapat na makuntento rito, at hindi na sumalang sa karagdagang pagpapalagay. Sa kaparehong oras, ang teksto ay ipinapakita na ang pagkamatuwid sa pananampalataya ay binubuo ng pagkatuwid at pagpapakabanal.

silweta ng isang mapagnilay-nilay na lalaki sa kahel na kalangitanAng pagkamatuwid ay binigyang-kahulugan bilang karanasan ng pagsisisi. Iyon ay, ito’y maaaring umiral lamang sa ilalim ng kondisyon ng pagninilay-nilay ng kautusan, ang Sampung Utos, na binigyang-kahulugan kung ano ang kasalanan. Ang kapatawaran sa kasalanan ay nagaganap kapag ang nagsisising makasalanan ay tinanggap ang kabayaran ni Yahushua. Ang pagpapakabanal sa halip ay isang mas kumplikado at hindi gaanong tiyak na binigyang-kahulugang bagay. Ito ay panghabambuhay na pagbabago ng katangian na nagaganap kapag ang sinuman ay pinag-aralan at tumalima sa salita ni Yahuwah. Ang salitang iyon ay gumagawa sa puso, lumulupig sa bawat masasamang katangian. Parehong banal na gawa, ngunit ang mga ito ay mga gawa na nangangailangan ng kooperasyon ng tao ng paglalatag sa pagbabayad-sisi nang may pananalig, at pang-araw-araw na pagdating sa salita ni Yahuwah.

Ang mga salitang pananampalataya at pagkamatuwid ay magkasamang ginamit sa iilan lamang mga teksto, ngunit tinukoy nila sa mismong simula ng Bibliya. Ang unang tao na sinabing nakakuha ng pagkamatuwid sa pananampalataya ay si Abel:

“Sa pamamagitan ng pananampalataya, si Abel ay nag-alay kay Yahuwah ng higit na mainam na handog kaysa kay Cain. Sa pamamagitan nito, siya'y pinatunayang matuwid nang tanggapin ni Yahuwah ang kanyang mga kaloob. Sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya ay nagsasalita pa siya bagaman siya ay patay na.” (Hebreo 11:4)

Halos lahat ng mga tekstong ito ay matatagpuan sa mga sulat ni Pablo. Ngunit si Pedro ay isinama rin ang mga termino ng pananampalataya at pagkamatuwid:

“Mula kay Simon Pedro, lingkod at apostol ni Kristo Yahushua. Para sa mga tulad naming tumanggap ng mahalagang pananampalataya sa pamamagitan ng katuwiran ng ating Eloah at Tagapagligtas na si Kristo Yahushua.” (2 Pedro 1:1)

Karapat-dapat na itala na ang ating pananalig na pinanghahawakan, hindi sa ilang ipinalagay na pagkamatuwid ng ating sarili, kundi sa pagkamatuwid ni Yahuwah mismo. Ipinakilala rin ni Pablo ang kanyang talakayan ng pagkamatuwid sa pananampalataya sa kaparehong punto:

“Sapagkat sa Ebanghelyo ipinapahayag ang katuwiran ni Yahuwah, kung paano maging matuwid sa Kanyang harapan. At ito, buhat sa simula hanggang sa wakas, ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya. Gaya ng nasusulat, ‘Sa pamamagitan ng pananampalataya, mabubuhay ang matuwid.’” (Roma 1:17)

Tumungo pa si Pablo na gawin ang punto na ang pagkamatuwid ni Yahuwah, ang tanging pagkamatuwid na makakamit, ay hindi limitado sa anumang tiyak na pangkat ng mga tao. Iyon ay isang halatang konklusyon, kung ang pagkamatuwid ay hindi pagkamatuwid ng tao kundi isang banal:

“Ang pagiging matuwid mula kay Yahuwah ay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo Yahushua. Ito ay para sa lahat ng mga sumasampalataya yamang sa lahat ay walang pagkakaiba.” (Roma 3:22)

Itinatag na tanging ang pagkamatuwid ni Yahuwah ang epektibo, at ito ay mararating ng lahat ng tao nang walang pagkakaiba. Ngunit hindi pa nakikita kung paano ang pagkamatuwid ay naililipat sa sangkatauhan. Sunod na inilarawan ang proseso:

“Subalit dahil sa kagandahang-loob ni Yahuwah, sila ngayon ay itinuturing na matuwid sa pamamagitan ng pagpapalaya na ginawa ni Kristo Yahushua. Siya ang inialay ni Yahuwah bilang handog na makapapayapa sa Kanyang galit dahil sa kasalanan ng sanlibutan, upang sa pamamagitan ng pananampalataya sa bisa ng Kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan ng lahat ng sasampalataya sa Kanya.” (Roma 3:24, 25)

Ang kaisipan ng tao ay napakasutil kaya ito karaniwang tumatakbo sa katanungan ng ano ang dapat gawin ng tao. Ang pagninilay-nilay ng tinatawag umano na mga gawa ay lumitaw na sa mga isinulat ni Pablo:

“Sa kanya namang walang kalakip na gawa ngunit sumasampalataya kay Yahuwah at nagtuturing na matuwid sa masama, ang kanyang pananampalataya ang batayan ng kanyang pagiging matuwid.” (Roma 4:5)

bukas na BibliyaSubalit ano ang katumpakan ng mga gawa na walang saysay ay isang bagay ng argumento. Sa panahon ni Luther, ito ay isang bagay ng hindi maka-Kasulatan na ritwal, sa karamihan sa bahagi. Sa panahon ni Pablo, ang naglalagablab na tanong sa Hudaismo ay alinman sa ang matandang lumipat ay dapat na tuliin sa pagbabago. Kasunod nito, ang alitang ito ay kumalat sa maagang ekklesia rin:

“Ang pagpapala bang ito ay para lamang sa mga tuli, o para din sa mga hindi tuli? Sapagkat sinasabi natin ayon sa kasulatan, ‘Ang pananampalataya ay pinagbatayan ng pagiging matuwid ni Abraham.’” (Roma 4:9)

Kinuha ni Pablo ang halimbawa ni Abraham:

“Tinanggap niya ang tanda ng pagtutuli, ang tatak na dahil sa kanyang pananampalataya ay itinuring siyang matuwid sa harapan ni Yahuwah. Taglay na niya ang pananampalatayang ito bago pa siya tinuli. Sa gayon, siya'y naging ama ng mga sumasampalataya, bagama't hindi mga tuli, ay itinuring na matuwid.” (Roma 4:11)

Sapat nang kawili-wili, iniwasan ni Pablo ang isyu ng mabubuting gawa sapagkat ang mga gawa sa kabuuan at nakatuon sa pagbubukas ng pagkamatuwid sa pananampalataya sa lahat ng sangkatauhan. Muli, ang tampulan ng pangako ay hindi sa sangkatauhan, sapagkat nais magpahiwatig ng mga gawa, kundi ang binhi ni Abraham, si Yahushua, na tagapagmana ng sanlibutan. Ang pagbubukas ng kaligtasan sa lahat ng mga tao ay hindi sa ginagawa ng lahat ng tao, kundi sa tungkulin ng pamana na ipinanalo ni Yahushua. Ito ang makatuwirang dahilan sa likod ng kawalan ng kakayahan ng mga gawa:

“Sapagkat ang pangako kay Abraham at sa kanyang mga supling na mamanahin nila ang sanlibutan ay dumating hindi dahil sa pamamagitan ng Kautusan, kundi ng pagiging matuwid mula sa pananampalataya.” (Roma 4:13)

“Ano ngayon ang sasabihin natin? Ang mga Hentil na hindi nagsikap na maging matuwid ay naging matuwid, at ito'y mula sa pananampalataya.” (Roma 9:30)

Ang mga gawa ay tunay na binigyang-kahulugan, sa pamamagitan ng pagtutuli, sapagkat nabibilang sa isang partikular na mga tao sa halip na sa mga mananampalataya lamang ng lahat ng mga tao na babahagian ni Yahushua ng pamana. Ang aspeto ng itinalagang banal na pagkahari tungkol sa pagkamatuwid sa pananampalataya ay lubos na napabayaan, at iyon rin ay ipinaliwanag ang biglang nagbagong pananaw na nagbakasakali sa relasyon ng mga gawa sa pananampalataya na ikinalumbay ni Ellen White sa maagang ipinahayag na teksto.

Ibinigay na ang pagkamatuwid sa pananampalataya ay ang ligal na pamana ni Yahushua, na magmamana ng sanlibutan, naghari sa kamatayan, at naging bukal ng buhay, ito’y direktang batay sa relasyon ng tao sa muling pagkabuhay ni Yahushua:

“Ngunit ganito naman ang sinasabi ng pagiging matuwid batay sa pananampalataya,... Malapit sa iyo ang salita, nasa iyong bibig, at nasa iyong puso.” Ito ang salita ng pananampalataya na aming ipinapangaral. Sapagkat kung ipahahayag mo sa pamamagitan ng iyong bibig na si Yahushua ay Panginoon, at sasampalataya ka nang buong puso na binuhay siyang muli ni Yahuwah mula sa kamatayan ay maliligtas ka. Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng puso tungo sa pagiging matuwid at nagpapahayag sa pamamagitan ng bibig tungo sa kaligtasan.” (Roma 10:6, 8-10)

Nagbigay si Pablo ng isang maiksing paglalahad ng isyu sa mga taga-Galacia:

“Subalit kami ay taimtim na umaasang ituturing na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya at ng kapangyarihan ng Espiritu.” (Galacia 5:5)

Sa parehong Roma at Galacia, ipinagkatiwala ni Pablo ang pansariling walang saysay na pagkamatuwid ng sinuman sa kautusan. Ang konteksto ay syempre, ang unang siglong pagtulong ng mga Hudyo sa Roma, kung saan ang kautusan ay binigyang-diin, at kaya biglang binago at inabuso. Ang dalawang hibla ng pananampalatayang Israelita ay ang kautusan at ang banal na itinalaga, ang anyo ng Mesias. Ang mga Romano ay lubos na sensitibo sa sinumang karibal ni Caesar. Para maligtas, ang mga Hudyo ay nakatuon sa kautusan at isinantabi ang Mesias. Ang mga Pariseo ay ginawa ito sa rabinikong paraan, ang makaiskolar na paggamit ng kautusan sa lahat ng aspeto ng buhay. Ang mga Saduceo ay ginawa ito sa naisip nila na isang literal na paggamit ng kautusan, ngunit limitado sa ipinahayag na lugar, iniwan ang nalalabi ng buhay nang bukas sa kompromiso sa Roma. Kaya, parehong itinaguyod ang pagkamatuwid ng kautusan na tumatanggi kay Yahushua. Sa kaparehong panahon, ang makaharing papel ng Mesias ay nasa gitna. Tunay na si Pablo ang kampeon, hindi ng isang bagong pananampalataya, kundi ng konserbatibong pananampalatayang Israelita, pananampalataya na lubos na matapat sa itinalagang lider, ang banal na itinatag na hari. Ito ay lumitaw sa isang buod sa Filipos 3:9:

“At ako'y matagpuan na nasa kanya. Wala akong sariling katuwiran batay sa kautusan, kundi ang katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo, ang katuwirang buhat kay Yahuwah na nakabatay sa pananampalataya.” (Filipos 3:9)

Ngunit hindi na iyon mas nagpaginhawa sa mga tao ng kanilang moral na obligasyon matapos ang pagdating ni Yahushua kaysa sa bago Siya dumating, o mas maaga sa ilalim ng mga mesias ng kaharian ng Israel o maging mas maaga sa ilalim ng mga mesias ng mga hukom at panahon ng patriyarka. Lahat ng mga maagang mesias o mga pinahiran ay maaaring magbigay lamang ng makalupa, pisikal na kasiyahan. Ang literal na pagpapanatili ng Sampung Utos ay parehong pamamaraan at layunin, ngunit ang pagpapanatili ng mga kautusan ay hindi maaaring magpanatili sa mga tao mula sa bingit ng kamatayan. Si Yahushua ay maaari at nagbibigay ng walang hanggang buhay. Siya ay hindi nagbigay nang mas kakaunti kaysa sa mga mesias ng Lumang Tipan, na nagbigay ng pamamaraan para sa pagpapanatili ng Sampung Utos, kundi nagbigay pa nang mas marami. Siya ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan sa mga magmamana sa pamamagitan ng Kanyang pagtatagumpay sa kamatayan. Kaya, sa sulat kay Timoteo, pinagsama ni Pablo ang mga termino ng pagkamatuwid at pananampalataya sa kabanalan, pag-ibig, pagtitiis, at kahinahunan:

“Ngunit ikaw na lingkod ni Yahuwah, layuan mo ang mga bagay na ito. Pagsikapan mong mamuhay sa katuwiran, kabanalan, pananampalataya, pag-ibig, pagtitiis, at kahinahunan.” (1 Timoteo 6:11)

Ang mga positibong kagalingan ay binuo sa paglayo sa kasalanan:

“Layuan mo ang masasamang pagnanasa ng kabataan. Pagsikapan mong mabuhay ka sa katuwiran, pananampalataya, pag-ibig, at kapayapaan, kasama ng mga tumatawag sa Panginoon mula sa pusong dalisay.” (2 Timoteo 2:22)

Ang isang ganap na teolohiya ng pagkamatuwid sa pananampalataya ay natagpuan lamang sa pagsisiyasat ng higit sa kakaunting puntos ng mga teksto na nagbanggit ng mga salitang “pagkamatuwid sa pananampalataya” nang direkta.

Arko ni Noe: Isang tunay na halimbawa ng pagkamatuwid sa pananampalatayaMarahil walang anyo ng pagkamatuwid sa pananampalataya ang mas nakakahimok kaysa sa ng arko. Iyong mga nagsikap na panatilihin ang kautusan, ngunit bigong pasukin ang arko, ay kasamang nalunod sa mga tahasang makasalanan. Wala nang bagay ang maaaring mas malinaw at mahusay na ipinahayag kung bakit at paano ang pagkamatuwid sa pananampalataya ay hindi ang mga gawa ng kautusan.

“Sa pamamagitan ng pananampalataya, pinakinggan ni Noe ang babala ni Yahuwah tungkol sa mga bagay na hindi pa niya nakikita, kaya't siya'y gumawa ng isang daong para sa kaligtasan ng kanyang sambahayan. Sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanlibutan, at siya'y naging tagapagmana ng pagiging matuwid na bunga ng pananampalataya.” (Hebreo 11:7)