Print

Palamuti at ang Kristyano

Si Yahuwah ay isang mangingibig ng kagandahan. Pinuno Niya ang sanlibutan nito! Mula sa pagkislap ng bagong bumabagsak na nyebe hanggang sa kinang ng balahibo ng benggala; mula sa pino at iba’t-ibang pangkulay ng pinakamaliit na bulaklak hanggang sa kinang ng mga mahahalagang bato, ang kagandahan na nagmula sa kaisipan ng Manlilikha ay kahanga-hangang inilarawan. Maging ang Bagong Jerusalem, na magiging sentrong siyudad ng lupa, ay isang bagay ng hindi mailarawang ganda. Ang mga kalsada nito ay nilalatagan ng ginto; ang mga pader nito ay jasper, ang mga tarangkahan nito ay mga perlas. Ang mismong pundasyon ay mga mahahalagang hiyas, pinagtibay: diyamante, safiro, esmeralda, amatista at marami pa.

kolahe ng Paglikha 

Pangkaraniwan na para sa kaisipan ng tao, nilikha mula sa larawan ng Manlilikha, na tangkilikin at hangarin ang kagandahan. Isa sa pinaka-karaniwang lugar kung saan ang tampulan ng mga tao sa kanilang hangarin sa kagandahan ay nasa personal na palamuti. Ito man ay sa pinakabagong uso, makulay na make up sa balat o kumikinang na alahas, ang hangarin na palamutian ang sarili ay karaniwan na sa mga tao ng bawat panahon, sa bawat bansa. Ang pagsusuot ng mga mahahalagang metal at hiyas, mismo, ay hindi likas na makasalanan. Si Yahuwah mismo ang gumawa ng mga ito at ginayakan si Lucifer, noong una ay ang pinakamataas na kerubin, na may mahahalagang alahas. Gamit ang simbulo ng hari ng Tiro, sinabi ni Yahuwah ang tungkol kay Lucifer:

Ikaw ay larawan ng kasakdalan. Puspos ng kaalaman. Ang ganda mo’y walang kapintasan. Tulad mo’y nasa paraiso ng Elohim, sa hardin ng Eden. Nababalot ka ng iba’t-ibang uri ng batong mamahalin: sardinyo, topaz at diyamanteng nagniningning; berilo, onise at jasper na walang kahambing; safiro, esmeralda at karbungko. Ginto ang iyong enggasto. At ang pagkaukit dito ay inihanda noong una pa, nang isilang ka sa mundo. Ikaw ang pinahirang kerubin na tumatakip: at itinatag kita. Nasa ituktok ka ng aking banal na bundok. Ang nilalakaran mo’y mga batong kumikinang. (Tingnan ang Ezekiel 28:12-14)

Lucifer (Satanas)Si Lucifer ay ang pinakamataas na nilikhang nilalang. Siya ang anghel na nakatayo sa pinakamalapit sa trono ng Walang Hanggan. Bawat mamahaling bato, inilatag sa ginto, ay nakabalot sa kanya. Ang walang tigil na liwanag, umaagos mula sa Makapangyarihan, ay sumasalamin sa mga bato, nagpapakita nang kahanga-hanga. Itong pangtakip ay nilikha ni Yahuwah para sa Kanyang pinakamataas na anghel. Ngunit ang susunod na berso ay isang makabiyak-pusong komentaryo sa epekto ng palamuti na nasa bumagsak na mga puso ng mga tao: “Wala kang kapintasan mula pa nang isilang hanggang sa maisipan mong mamuhay sa kasamaan.” (Ezekiel 28:15, MBB)

Kasamaan, kasalanan, pagmamataas: Bumagsak si Lucifer sa pagmamataas. Ang mapagbigay na mga kaloob ng kanyang Manlilikha ay hindi pinuno ang puso ni Lucifer nang pasasalamat na magdudulot ng pag-ibig, ngunit pinili niya na palakihin ang pagkamakasarili at pagmamataas. Ito ang epekto na, madalas, sa personal na palamuti na nasa bumagsak na kalikasan ng tao. Ang tao, nilikha sa larawan ni Yahuwah, ngunit sa pagbagsak ay kinuha ang kalikasan ng dakilang kaaway, si Satanas. Ito man ay pasya at tampulan ng personal na palamuti sa pinakabagong uso, kumikinang na alahas, o make up, kapag ang mga ito’y ginamit upang umakit ng atensyon sa mismong sarili kaya ang iba ay hahangaan ka, ito ay mali at ito’y batay sa pagmamataas.

Sa bawat lugar ng kautusan ni Yahuwah, napakahalaga na maunawaan ang mga alituntunin na inilatag ng kautusan sapagkat ang mga ito’y inaabot ang puso. Ang panlabas na pagbabago ay hindi hinahanap ni Yahuwah. Sa halip, tumitingin si Yahuwah sa kalooban ng puso: ang mga kaugalian at mga paniniwala na namamahala sa kaluluwa. Ang mga salita ni Yahuwah kay Samuel noong pinahiran ang isang hari ay dapat unawain ng lahat ng maghahangad na dalhin ang kanilang mga buhay tungo sa pagsunod sa Kanya: “Huwag mong tingnan ang kanyang taas at kakasigan sapagkat hindi siya ang pinili ko. Si Yahuwah ay hindi tumitingin nang katulad ng pagtingin ng tao. Panlabas na anyo ang tinitingnan ng tao ngunit sa puso tumitingin si Yahuwah.” (Tingnan ang 1 Samuel 16:7.)

Marami na hindi pinangarap ang pagsusuot ng mga alahas ay naghahangad na umakit ng atensyon sa kanilang pananamit o make up. Gaya ng mga mamahaling bato, ang mga make up mismo ay hindi likas na makasalanan. Kapag ginamit sa pagbabalatkayo ng mga marka, o peklat, balutin ang galos o gawin ang tao na mas natural, walang mali rito. Ngunit gaya ng mga mamahaling bato, ang problema ay lumilitaw kapag ang sinumang gumagamit ng make up o pangkinang, sobrang makabago at magastos na mga damit upang makaakit ng atensyon sa sarili, upang makapukaw ng atensyon ng paghanga at inggit sa iba.

Anumang pagpapahusay o pansariling palamuti na ginamit upang pumukaw ng inggit o paghanga sa iba para sa katawan o kayamanan ng sinuman, ay mali. Ito ay ang pagsusuot sa panlabas kaya ang pagmamataas ay naghahari sa puso sa panloob. Ang sinasabi ni Pablo na isinulat niya ay laban sa pagkakasala ng mapagmataas na pagpapakita:

Ang mga babae naman ay dapat maging mahinhin, maayos at maingat sa pananamit at ayos ng buhok. Hindi sila dapat maging magarbo sa pananamit at maluho sa mga mamahaling alahas na ginto o perlas. Sa halip, ang maging kasuotan nila ay mabubuting gawa, gaya ng nararapat sa mga babaing itinuturing na maka-Elohim. (1 Timoteo 2:9-10, MBB)

Ilan ay nagpalagay, batay sa tekstong ito, na wala dapat magtirintas. Gayunman, sinasabi ni Pablo ang kalabisan ng mga kababaihang Romano at ibang mayayamang kababaihan na tinangkang gayahin sila.

Ang mga kababaihang Romano ay ginagayakan ang kanilang mga buhok nang may kapayakan . . . Ang simpleng istilo sa buhok para sa mga babaeng may asawa ay nagbago sa panahon ni Emperador Augustus noong ang iba’t-iba at detalyadong istilo sa buhok ay dumating sa uso. Ang pananamit ng mga kababaihang Romano ay nanatiling simple at hindi nagbabago at ang mga kababaihan [hindi tulad ng mga kalalakihan] na walang espesyal na pananamit na nag-iba ng kanilang estado, ang mayayamang kababaihan ay nagsuot ng mamahaling mga materyal, mas detalyadong istilo ng buhok, make-up at magastos na mga alahas. (http://www.roman-colosseum.info/roman-clothing/roman-hairstyles.htm)

Ang mga kababaihang Romano ay gumamit ng mga pangkulay sa buhok, peluka, mga pangkulot at mga tirintas upang lumikha nang detalyado, madalas kumplikadong istilo na tumatagal ng maraming oras para gawin. Romanong tirintasAng manipis na gintong alambre, madalas may perlas o mamahaling bato, ay pinagsama upang makabuo ng buhol-buhol na hairnet. Sapagkat hindi maitatanggi na maganda, ang buong kasanayan ay para sa layunin ng pansariling pagmamataas at pumukaw ng paghanga (at syempre, inggit) sa iba. Ito ang sinasabi ni Pablo na salungat, hindi ang isang simpleng tirintas.

Ang mga alituntuning ito ay taglay ang patotoo sa bawat larangan ng pananamit at palamuti sa parehong lalaki at babae. Ang mga bagong uso ay madalas binibigyang-diin ang hindi pangkaraniwang ayos. Bughaw, marosas o ibang hindi pangkaraniwang pangkulay sa buhok para sa iilan, malaswang paglalantad ng katawan sa iba, ay parehong nananawagan ng atensyon. Tumingin sa aking katawan. Tumingin sa akin!

Ang mga pagbubutas sa katawan, mga tatu at skaripikasyon na lumaganap sa mga kabataan ngayon ay hayagang ipinagbawal sa Kasulatan. “Huwag kayong maghihiwa sa katawan dahil sa isang namatay ni maglalagay ng tatu. Ako si Yahuwah” (Tingnan ang Levitico 19:28.) Ang mga kasanayang ito ay nagmula sa mga pagano bilang pagpaparangal sa namatay at wala sa mga nagnanais na parangalan ang dalisay, banal na Elohim sa pamumuhay sa matuwid na buhay ang makikilahok sa mga ganung pagsasanay.

lalaki na may mga marka ng tatu at pagbubutas sa katawanTotoo na ang Kasulatan ay nagtala ng pagsusuot ng mga alahas ng mga Israelita. Ang lingkod ni Abraham, ipinadala upang kumuha ng mapapangasawa para kay Isaac, binigyan si Rebeca ng “mamahaling singsing at dalawang pulseras na pawang lantay na ginto.” (Genesis 24:22, MBB) Si Haring Assuero ay ibinigay kay Mardocheo ang kanyang singsing. “At si Mardocheo ay lumabas mula sa harapan ng hari na nakapanamit hari na bughaw, at puti, at may dakilang putong na ginto, at may balabal na mainam na lino at kulay ube.” (Tingnan ang Esther 8:10 at 15.)

Gayunman, ang mga alahas at detalyadong kasuotan ay hindi sinusuot sa panahon ng taos-pusong paghahanap at kapatawaran. Sa mga panahong iyon, lahat ng mga palamuti ay isasantabi at ang mga tao ay nananamit nang napakasimple lang. Maging ang mga pabango ay hindi rin inilalagay. Noong nag-ayuno at nanalangin si Daniel, naghahangad na maunawaan ang pangitain, naitala niya: “Nang mga araw na yao’y akong si Daniel ay nanangis na tatlong buong sanlinggo. Hindi ako kumain ng masarap na tinapay, ni pumasok man ang karne ni alak man sa aking bibig, ni naglangis man ako, hanggang sa natapos ang tatlong buong sanlinggo.” (Daniel 10:2 at 3, ADB)

Noong tinawag ni Yahuwah si Jacob na maglakbay sa Bethel upang sambahin Siya rito, tinawag naman ni Jacob ang kanyang pamilya na magsisi, inihambing ang pagsusuot ng mga hikaw sa pagsamba ng mga huwad na diyos:

Kaya’t sinabi ni Jacob sa kanyang sambahayan at sa lahat ng kasama niya, “Itapon ninyong lahat ang mga diyus-diyosan taglay ninyo, maglinis kayo ng inyong katawan, at magbihis kayo. Aalis tayo rito at pupunta sa Bethel. Magtatayo ako roon ng altar para sa [El] na kasama ko saanman at laging tumutulong sa akin sa panahon ng kagipitan.”

Ibinigay nila kay Jacob ang kanilang mga diyus-diyosan at ang suot nilang mga hikaw. Ang lahat ng ito’y ibinaon ni Jacob sa tabi ng malaking punong malapit sa Shekem. (Genesis 35:2-4, MBB)

Bawat taon sa Araw ng Pagsisisi, lahat ng magarang palamuti at detalyadong kasuotan ay isasantabi sapagkat ang bayan ni Yahuwah ay hangad ang Kanyang mukha para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan, nalalaman man o hindi.

Sa Langit, si Yahushua ang maglalagay ng korona sa ulo ng bawat nagtagumpay. Ang mga ito’y mas maluwalhati kaysa sa anumang koronang inilagay sa mga pinakamakapangyarihang makalupang monarka. Hanggang sa panahong iyon, ang bayan ni Yahuwah ay namumuhay sa mundo ng kasalanan. Ang bumagsak na kalikasan ay naghihintay para sa adorasyon. Iyong mga naghahangad na sumalamin ang kaluwalhatian ni Yahuwah ay hindi maghahangad na kumuha ng atensyon sa kanilang mga sarili.

Ang namana at nalinang na pagkamakasalanan ng sangkatauhan ay ang dahilan kung bakit ang bugtong na Anak ni Yahuwah ay namatay. Upang hangarin ng sinumang may makasalanang katawan ang atensyon ng iba ay isang patibong sa PAGMAMATAAS, ang pagkakasala kung saan bumagsak si Lucifer. Nagbabala ang salita ni Yahuwah: “Ang kapalalua’y humahantong sa pagkawasak, at ang mapagmataas na isipan ay ibabagsak. Higit na mabuti ang mapagpakumbaba kahit na mahirap, kaysa makihati sa yaman ng mapagmataas.” (Kawikaan 16:18 at 19, MBB)

Sa ilalim ng pagpukaw ng Banal na Espiritu, inilatag ni Pedro ang tunay na batayan kung saan ang lahat ay dapat hangarin:

Ang inyong ganda ay huwag maging panlabas tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga gintong alahas at mamahaling damit. Sa halip, pagyamanin ninyo ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa mata ni Yahuwah. Iyan ang kagandahang ipinakita ng mga banal na babaing umasa kay Yahuwah noong unang panahon. (Tingnan ang 1 Pedro 3:3-5.)

Iyong mga nabubuhay sa mga papatapos na kaganapan sa kasaysayan ng daigdig ay hahangarin ang kabanalan ng katangian, isasantabi ang anumang bagay at lahat ng bagay na magiging sagabal o gagawing mali ang kadalisayan ng langit. Tayo ay nabubuhay sa mismong huling nalalabing panahon ng mundo, ang antitipikong Araw ng Pagsisisi. Hayaan ang bawat tunay na anak ni Yahuwah na siyasatin ang kanilang mga sarili at kanilang istilo ng pamumuhay, lahat ng bagay kung saan ang kanilang pasya ay pinamamahalaan, para makita kung nararapat gawin ang pagbabago upang sumalamin ang dalisay na pusong nakatuon kay Yahuwah.

Ang talinghaga ng Sampung Birhen (Tingnan ang Mateo 25:1-13) ay naaangkop nang may kakaibang pwersa sa kasalukuyang panahon. Lahat ng sampung kababaihan, mga naniniwala sa katotohanan, tumungo sa pagtulog. Noong sila’y nagising sa tawag na paparating na Lalaking ikakasal, lahat sila’y nakita na ang kanilang mga ilawan ay nawalan ng liwanag. Lima lamang, kalahati ng bilang, ang mayroong karagdagang langis na kumakatawan sa Banal na Espiritu, at kailangan lamang na “pantayin” ang kanilang mga ilawan para ihanda. Ang salitang “pantayin” sa orihinal na wika ay nangangahulugang gumawa ng menor, kosmetikong pagbabago. Tanging hindi pangkaraniwang pagbabago ang kailangang gawin sa direksyon ng Banal na Espiritu.

Itakda ang iyong landas kay Yahuwah, magtiwala sa Kanya, upang makita sa iyong isipan ang anumang pagbabago, anumang pagpantay, na dapat ginawa sa iyong ilawan para ito’y magliwanag sa napakadilim na mundong ito para mabati mo Siya nang may galak sa Kanyang pagdating.