Print

Walang Hanggang Pag-ibig | Bahagi 1: Ang Pag-Ibig ni Yahuwah sa Tao

Si Yahuwah ay pag-ibig. Ang Kanyang mga saloobin, Kanyang mga nararamdaman, ang mismong diwa ng Kanyang kalikasan, ng kung sino at kung ano Siya, ay dalisay, walang bahid, hindi masukat na pag-ibig. Bawat gawa ng mapanlikhang kapangyarihan ay umaagos mula sa walang hanggang pag-ibig at ang pagpapahayag ng mismong PAG-IBIG mula sa Kanya.

Ang PAG-IBIG ay aktibong naghahangad na gumawa ng mabuti para sa iba, para magdala ng kagalakan sa iba. Para sa layuning ito, kaya ang PAG-IBIG ay lumikha ng isang sakdal na mundo. “Magkaroon ng liwanag” (Genesis 1:3) ay ang unang kaloob. Ang tuyong lupa, natubigan ng mga hiniwalay na tubig, ang mga tanglaw sa kalangitan, ang mga mariringal na puno, ang mga pinong bulaklak, ang mga nakalulugod na ibon, ang mga magiliw na hayop, lahat ay Kanyang mapagmahal na mga kaloob, binalak bilang isang sakdal na mundo para sa sangkatauhan.

Noong ang Manlilikha ay natapos nang likhain ang isang sakdal na mundo, ito ay hindi na maaari na anumang mas mabuti. Naghahanap sa tanawin, ang PAG-IBIG ay nakita “na mabuti.” (Tingnan ang Genesis 1.) Noong handa na ang mundo, nilikha ng PAG-IBIG ang mga tao. Hindi bilang mga robot o mga alipin, kundi bilang Kanyang mga anak, “ayon sa larawan ng [Elohim] siya nilalang; nilalang Niya sila na lalake at babae.” (Genesis 1:27, ADB)

Bibig sa bibig, hiningahan ni Yahuwah sa tao ang Kanyang sariling hininga ng buhay. Si Yahuwah, AKO YAONG AKO NGA, ay nakipagtipan na maging Elohim ng tao, para ibigay ang lahat ng bagay na kailangan, hindi lamang para sa buhay mismo, kundi para sa kasiyahan, kawili-wiling mga hangarin, kaligayahan, pag-ibig at kapayapaan. Lahat ng ito’y pawang mga dakilang kaloob, umaagos mula sa dakilang puso ng PAG-IBIG Niya.

Ngunit ang tunay na pag-ibig ay higit pa sa mga kaloob. Ito’y higit pa sa mga salita lamang. Ang tunay na pag-ibig ay namumuhunan ng panahon sa mga minamahal.

Nakabuhol ang dulo ng medyas ng batang lalaki sa ilalim ng kanyang suklob sa lubos na kagalakan. Ngayon ay kanyang kaarawan! Ang kanyang Daddy ay nangako sa kanya ng isang lubos na espesyal na araw. Nagtata-talon sa kama, tumakbo siya patungong sala na puno ng pag-asa. Ang paningin na nakatagpo ng kanyang mga mata ay humigit sa katuparan ng kanyang pag-asa: makulay na mga dekorasyon at maraming mga lobo ay binago ang ordinaryong kwarto tungo sa maliwanag at maligayang tagpo. Isang tambak ng magara at binalot na mga pakete ang nangako ng mas maraming kaligayahang darating.

Sabik na naghahangad ang nagbigay sa lahat ng mga mabubuting bagay na ito, ang batang lalaki ay nagmadali sa kusina. Maging ang mesa na pang-almusal ay naging lubos na espesyal at ang amoy ng kanyang mga paboritong pagkain ay naglaway sa kanya. Narito, nananahan sa kanyang plato, ay isang kard. Tiyak na isang kard para sa kaarawan niya! Masayang binuksan ang sobre, binasa ng bata:

Ang batang lalaki ay kumawag sa pagkasabik. Ang kanyang Daddy ay ang pinakamahusay sa buong mundo! Maaari ba ang kanyang espesyal na araw ay mas bubuti pa kaysa rito? Pagkatapos ang kanyang mga mata ay bumagsak sa mga sumusunod na salita:

Ang kasiyahan at pananabik ng araw ay naglaho. Ang mga mata ng bata ay napuno ng mga luha habang tumingin sa mga kaloob ng kanyang ama. Anong nais ng tunay na batang lalaking umiiyak ay makasama ang kanyang Daddy. Lahat ng mga kaloob sa mundo ay hindi maaaring ikumpara sa kanyang Daddy, maglaro kasama ang kanyang Daddy at makasama ang kanyang Daddy na makikinig sa mga sasabihin niya.

Bilang isang mapagmahal, matalinong Ama, nalalaman ni Yahuwah na lahat ng Kanyang mga kaloob nang wala ang Kanyang presensya ay hindi ganap na ikakasaya. Higit pa kaysa sa anumang bagay na ibinigay sa Kanyang mga anak, nalalaman Niya na nais nila ang Kanyang atensyon, nais nila ang pakikipag-ugnayan sa PAG-IBIG Niya. At kaya si Yahuwah ay tumungo nang lagpas pa sa mga materyal na kaloob lamang; gumawa Siya nang higit pa sa pagsasalita ng pag-ibig. Ibinigay Niya ang Kanyang sarili sa pagbibigay sa kanila ng Kanyang panahon.

Bawat sanlinggo, bawat ikapitong araw ay itinangi na isang espesyal na araw sa pagitan ng Manlilikha at Kanyang mga anak. Nakita ng PAG-IBIG “ang lahat ng kaniyang nilikha, at, narito, napakabuti . . . At nayari ang langit at ang lupa, at ang lahat na natatanaw sa mga iyon. At nang ikapitong araw ay nayari ng [PAG-IBIG] ang Kaniyang gawang ginawa; at nagpahinga ng ikapitong araw sa madlang gawa Niyang ginawa.” (Genesis 1:31-2:2)

Binalak ni Yahuwah sa panahon, mga okasyon para sa Kanyang presensya: mga sanlingguhang Sabbath at mga buwanang Araw ng Bagong Buwan ay mga imbitasyon para maglaan ng oras kasama Siya.

Ang ama na umiibig sa kanyang mga anak, masayang naglalaan ng oras kasama sila. Sa kasalukuyang mundo, karamihan sa mga ama ay malalayo mula sa tahanan, nagtatrabaho sa isang mabuting bahagi ng oras. Naghahangad siya sa katapusan ng sanlinggo kung kailan maaari siyang maglaan ng isang buong araw na makasama ang pamilya, subalit ang isang araw sa sanlinggo ay hindi sapat. Kapag ang araw ng pagtatrabaho ay natapos, nagmamadali siyang umuwi at maglalaan ng oras kasama ang mga anak bago matulog. Ang isang araw sa sanlinggo ay hindi rin sapat kay Yahuwah. Ang PAG-IBIG ay nais dumating "sa kulimlim ng araw"1 para maglaan ng oras kasama ang Kanyang mga anak.

Kapag nagkasala ang Kanyang mga anak, ang PAG-IBIG ay hindi aalis sa Kanyang presensya, kundi lalapit pa. Ang mga taunang kapistahan ay ibinigay at kinailangan dahil nalalaman Niya kung wala ang mga kinakailangan ang Kanyang mga bumagsak na anak ay hindi titigil sa paggawa sa sapat na katagalan para maglaan ng oras kasama Siya. Sila’y nais na makalimutan na ang kanilang pinakadakilang kagalakan ay nakasentro sa PAG-IBIG.

Ang banal na pag-ibig ay walang hanggang pag-ibig. Ito'y umaagos mula sa dakilang puso ni Yahuwah na pinagmulan ng lahat ng pag-ibig, kagalakan at kasiyahan. Ang pag-ibig ni Yahuwah ay nag-iisang pinakamalakas na pwersa sa sanlibutan. Ito ang mismong diwa kung sino at ano Siya.

Ang mga bata ay kadalasang hindi nais na magsipilyo ng ngipin. Ang maanghang na toothpaste ay pumapaso sa kanilang dila at, sa totoo lang, kung hindi sila sinabihan na linisin ang kanilang mga ngipin, hindi nila maaalala na gawin iyon. Ang mga mapagmahal na magulang ay kinakailangan sa mga bata na magsipilyo ng ngipin dahil nalalaman ng mga magulang na kapag ang mga ngipin ay hindi napanatiling malinis, ang mga bata ay mararanasan ang sakit ng pagkabulok ng ngipin. Nalalaman rin ng mga magulang na ang araw-araw na pagsisipilyo ng ngipin ay kailangan kapag ang mga bata ay pananatilihin ang lahat ng kanilang mga ngipin sa paglaki at ang mga magulang ay nalalaman na ang kanilang mga bata ay nais na mapanatili ang kanilang mga ngipin kapag lumaki na sila. Ano ang tila isang mabigat na kinakailangan sa mga bata, ay nagmumula sa pag-ibig ng mga magulang na nadarama para sa kanilang mga anak.

Ganito rin ang kaso sa panahon ang PAG-IBIG ay kinakailangan sa Kanyang mga anak na maglaan para sa Kanya. Sapagkat “ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaaabot sa kaluwalhatian ni Yahuwah”, (tingnan ang Roma 3:23) ang mga tao ay nais na maglaan ng oras sa kanilang Makalangit na Ama gaya ng isang pilyong bata na may nagkasalang budhi na nais maglaan ng oras sa kanyang magulang. Gayunman, ang PAG-IBIG ay nalalaman na ang pinakadakilang kagalakan at kasiyahan ng Kanyang mga anak ay matatagpuan kung kailan naglaan sila ng oras kasama Siya, kaya kinailangan Niya ang paglaan ng oras kasama Siya sa pag-asa na ang Kanyang mga anak ay matututo na sila ay hindi na kailangang matakot sa Kanya, na sila’y, sa halip, makikita ang kagandahan ng PAG-IBIG at lalaking iniibig Siya bilang kabayaran.

Ang mga tao ay itinuturing ang Sabbath bilang isang Kautusan kung kailan ito ay isang imbitasyon. Nakikita nila ang mga kapistahan na isang kailangan kung kailan, sa katunayan, ang mga kapistahan ay mga pribilehiyo. Sa pangkabuhayang Hebreo, pinanatili ni Yahuwah ang bawat ikapitong taon para sa Kanyang mga anak na maglaan ng oras kasama Siya. Ang buong taon ay tapat na isang Sabbatikal! Bawat ika-50 taon ay isang lubos na espesyal na sabbatikong panahon, ang taon ng Kagalakan, kung kailan ang mga alipin ay malaya at ang mga utang ay kinansela.

Tanging sa ibinigay na pag-ibig ay ang pag-ibig ay magigising, kaya pinanatili ni Yahuwah ang sapat na oras para sa lahat upang magkaroon ng pagkakataon na makilala Siya, upang maging mapalad sa kagandahan ng Kanyang katangian at matutunan na magtiwala sa Kanyang pag-ibig. Ito ay kinakailangan dahil ang banal na pag-ibig ay lubos na kakaiba mula sa pantaong pag-ibig. Ang pag-ibig ng tao ay isang damdamin na salawahan at hindi karapat-dapat. Ang Banal na Pag-Ibig ay isang alituntunin na nalalamang walang pagbabago at ang tanging pinakamakapangyarihang pwersa sa sanlibutan.

O kay lakas ng pag-ibig . . . sinlakas ng kamatayan . . . Kahit baha ay di kayang pigilin itong paggiliw, buhusan man nitong tubig, di makuhang palamigin. Subukin mong ang pag-ibig ay sa yaman mo daanin, baka nga ang mangyari ay ikaw pa ang siyang kutyain. (Awit ni Solomon 8:6, 7, MBB)

BANAL NA PAG-IBIG VS. PANTAONG PAG-IBIG

Ang mga makata, mga nobelista, mga manunulat ng awit at marami pa ay sinamantala ang mismong batayang nais ng tao na ibigin. Ang mga pelikula ay nagsalaysay ng mga kwento ng tao na naghahanap ng “pag-ibig”; ang mga mang-aawit ay humimig tungkol sa “Walang Hanggang Pag-Ibig” o tumangis sa “Paghahanap ng Pag-Ibig sa Lahat ng mga Maling Lugar.” Lahat saanman ay naghahangad para sa iisa na iibig sa kanila kung sino at ano sila, at tanggapin sila sa kabila ng kung ano ang wala sa kanila. Lahat ng ito’y tinatawag na “pag-ibig.”

Ang ganitong pag-ibig ay hindi kapareho ng banal na Pag-Ibig. Ang pantaong “pag-ibig” ay palaging lumililim sa ilang antas ng pagkamakasarili. Maging ang kahulugan ng “pag-ibig” sa talatinigan ay sinira ng pagkamakasarili: “Sa isang pangunahing diwa para malugod; para isaalang-alang nang may pagsuyo, sa talaan ng ilang kahalagahan na gumigising ng kasiya-siyang mga pakiramdam . . . .”2

Ang tunay na pag-ibig, gayunman, ay nagmumula sa puso ng Walang Hanggang PAG-IBIG: si Yahuwah mismo. Ang Banal na Pag-Ibig, malaya mula sa lahat ng pagkamakasarili, ay minsang mas tumpak na isinalin sa Ingles na Bersyon King James bilang “kawanggawa.” Ito ay dalisay na Pag-Ibig na pumupuno sa puso ng Ama:

Kaya ang disposisyon ng puso na sumasandal sa mga tao na maisip nang pasang-ayon sa kanilang kapwa, at gumawa sa kanila ng kabutihan. . . . Sa isang mas partikular na diwa, ang pag-ibig, kabutihan, pagsuyo, kalambingan, . . . kagandahang-loob sa paghatol sa mga tao at kanilang mga gawa; isang disposisyon na sumasandal sa mga tao na maisip nang pasang-ayon sa kanilang kapwa, at para ilagay ang pinakamahusay na paglikha ng mga salita at mga gawa na aaminin ng kaso.3

Lahat ng Kasulatan ay isang mahaba, paglalahad na talaan ng walang kamatayan, banal na PAG-IBIG. Mula simula hanggang sa huli, ang Bibliya ay ipinapakita ang katangian ni Yahuwah na dalisay na Pag-Ibig, walang dungis ng anumang pahiwatig ng pagkamakasarili.

Ang mga naitala sa Kasulatan ay ipinapakita ang disposisyon ng Pag-Ibig ni Yahuwah sa mga nilalang na nilikha Niya. Bagama’t nagkasala tayo laban sa Kanya, at saktan Siya bilang isang hindi matapat na asawang babae laban sa Asawang Lalaki na palaging mapagmahal na nangangalaga para sa kanya (tingnan ang Hosea), naiisip ng PAG-IBIG ang “pagsang-ayon” sa mga makasalanan at patuloy na naghahangad na “gumawa ng mabuti sa kanila.” Ang PAG-IBIG ay “sumasandal sa mga tao na maisip nang pasang-ayon sa kanilang kapwa, at para ilagay ang pinakamahusay na paglikha ng mga salita at mga gawa na aaminin ng kaso.”4

Narito kaya ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng PAG-IBIG at mga tao ay pinakamalinaw na naipakita.

Mayroong pagkakaiba sa pagitan ng mga aksyon at mga reaksyon. Ang mga aksyon ng tao ay ang resulta ng mga pasya. Ang mga reaksyon, sa kabilang-dako, ay ganap na batay sa pisikal o emosyonal na mga estimulo. Hawakan ang isang mainit na bagay sa iyong kalan, at hindi ka na kukuha ng oras na magpasya kung paano nais mong kumilos. Agad kang tutugon: hahaltak ka at malamang ay sasabihin mo na, “Aray!”

Para malaman kung ano ang tunay na nasa kailaliman ng puso’t kaluluwa ng tao, pag-aralan ang kanyang mga reaksyon. Ang mga reaksyon ay ipinapakita kung sino at ano ang tao sa isang paraan na hindi magagawa sa mga karaniwang aksyon. Narito ang isang halimbawa ng depensibong ina na nagpapakita ng pagkakaiba ng reaksyon ng tao kumpara sa banal na pag-ibig:

“Noong ang aking anak ay umuwi mula sa paaralan na may pasa mula sa isang maton, nakaranas ako ng napakalakas na reaksyon . . . at ito ay hindi isang reaksyon ng agarang kapatawaran para sa bata na nag-iwan ng mga pasa sa aking munting anak na babae. Tahimik akong tumugon sa maingat na pagtuturo ng aking anak kung paano maglalagay ng isang malakas, mahusay na suntok sa tiyan para kunin ang hangin mula sa kanyang mga baga at pumukaw ng respeto mula sa kanya (kahit papaano para sa kanyang lakas kung wala naman) para tuluyan siyang hayaan....”

Ang hindi tamang reaksyon na ito ay batay sa pag-ibig ng ina sa kanyang anak na babae . . . at walang pag-ibig ano pa man na naglaho sa lalaking nanakit sa kanya. Ang ganitong reaksyon ay ganap na pantao at salungat sa reaksyon ni Yahuwah sa personal na pananakit at abuso. Ang alinsunod at agarang reaksyon ni Yahuwah ay: kapatawaran. Ang reaksyon ni Yahuwah sa personal na insulto at pananakit ay naglalagay ng pinakamahusay na paglikha sa mga salita at mga gawa ng ibang tao maging ang mga salita at mga aksyong iyon ay nagdadala ng matindi at personal na sakit kay Yahuwah!

Ito ang mismong diwa ng pag-ibig. Siya’y nagbibigay dahil Siya’y umiibig, nang walang pagpapanatili ng talaan ng gaano kalaki ang natanggap. Ang Kanyang damdamin ay nasasaktan kapag ang Kanyang mga kaloob ay binabalewala lamang, ngunit ang Kanyang unang reaksyon ay magpatawad! Nakikita natin ito sa sukdulang sakripisyo ng Kanyang Pinagpalang Anak, si Yahushua; ang ating sakdal na padron para sa kilos ng LAHAT ng bagay!

Ang PAG-IBIG ay naiisip ang pagsang-ayon sa iba. Ang PAG-IBIG ay kumikilos sa mga paraan na nagdadala ng kagalakan sa iba at Siya ay tumutugon nang may agarang kapatawaran, gaano man kagalit-galit.

Ang PAG-IBIG ay mahabagin at madaling kumilos sa mga pinsala at pagdurusa ng iba.

Ang PAG-IBIG ay mabuti: Siya ay “naglaan na gumawa ng mabuti sa iba, para gawin silang masaya sa pagtupad ng kanilang mga kahilingan, nagbibigay sa kanilang mga nais o tumutulong sa kagipitan; mayroong kalambingan o kabutihan ng kalikasan; mapagkawanggawa.”5

Ang PAG-IBIG ay mapagbigay-loob: Siya ay “mabuti; palakaibigan . . . naglaan na patawarin ang mga kasalanan at pagkalooban ang mga hindi nakuhang pagpapala.”6

Ang PAG-IBIG ay maawain: Taglay Niya ang “kahinahunan o kalambingan ng puso na nag-aayos ng isang tao para patawarin ang mga sugat, o para gamutin ang may sala nang mas mabuti kaysa sa nararapat sa kanya; ang disposisyon na nagpapainit ng katarungan, at nanghihikayat ng isang sugatan na patawarin ang mga pagkakasala at mga sugat, at para pagtiisan ang kaparusahan, o magdulot ng kakaunting batas o katarungan ay papatunay.”7

Bilang Ama ng lahat, ang PAG-IBIG ay nararamdaman ang awa: Nararamdaman Niya “ang sakit o kalungkutan para sa sinumang nasa kagipitan.”8

Higit sa lahat, ang PAG-IBIG ay mapagkawanggawa: Siya ay “mayroong disposisyon na gumawa ng mabuti; tinataglay ang pag-ibig sa sangkatauhan at isang nais na itaguyod ang kanilang kasaganahan at kasiyahan.”9

Ang dalisay, banal na Pag-Ibig ay ang pinakamakapangyarihang pwersa sa buong sanlibutan at si Yahuwah, na Siya mismo ang pinagmulan ng tunay na Pag-Ibig ay nagbibigay sa Kanyang mga anak ng isang malalimang tanaw tungo sa Kanyang katangian sa anong tinatawag na Ang Kabanata ng Pag-Ibig:

Kung makapagsalita man ako ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, wala naman akong pag-ibig, ako'y nagiging isang maingay na pompiyang, o batingaw na umaalingawngaw. Kung mayroon man akong kaloob ng propesiya at nauunawaan ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman, at taglayin ko man ang lahat ng pananampalataya upang mapalipat ko ang mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, ako ay walang kabuluhan. Kahit ipamigay ko pa ang lahat ng aking ari-arian, at ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala itong pakinabang sa akin.

Ang pag-ibig ay matiyaga at mabait; hindi mapanibughuin, hindi mapagmalaki o mayabang; hindi magaspang ang asal; hindi nag-iisip para sa sariling kapakanan, hindi mayayamutin, hindi nagbibilang ng kamalian. Hindi ito nagagalak sa kasamaan, kundi nakikigalak sa katotohanan. Ang pag-ibig ay nagtitiis sa lahat, nagtitiwala sa lahat, may pag-asa sa lahat at may tiyaga sa lahat.

Ang pag-ibig ay walang katapusan. Ngunit maging ang mga propesiya ay matatapos; maging ang iba't ibang wika ay titigil; maging ang kaalaman ay lilipas. Sapagkat bahagi lamang ang ating nalalaman at bahagi lamang ang ipinahahayag nating propesiya; ngunit kapag ang lubusan ay dumating na, lilipas na ang bahagi lamang.

Nang ako'y bata pa, nagsasalita ako tulad ng isang bata, nag-iisip ako tulad ng isang bata, nangangatwiran ako tulad ng isang bata. Nang sumapit na ako sa hustong gulang ay tinalikuran ko na ang mga bagay ng pagkabata. Sapagkat malabo pa ang ating nakikita sa salamin, ngunit pagkatapos nito ay makakakita tayo nang mukhaan. Ang nalalaman ko ngayon ay bahagi lamang, ngunit pagkatapos ay lubos akong makauunawa kung paanong ako ay lubos na nauunawaan.

Samantala, nananatili ang tatlong ito: pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig. (1 Corinto 13:1-13, FSV)

Ang kabanatang ito ay isang napukaw sa isang banal na paglalarawan ng PAG-IBIG Niya. Sa bawat pagkakataon na ang salitang “pag-ibig” ay ginamit, ilagay ang personal na pangalan ng PAG-IBIG, si Yahuwah:

Si Yahuwah ay matiyaga at mabuti; si Yahuwah ay hindi mapanibughuin; si Yahuwah ay hindi mapagmalaki, hindi mayabang; hindi magaspang ang asal, hindi nag-iisip para sa sariling kapakanan, hindi mayayamutin, hindi nagbibilang ng kamalian; hindi nagagalak sa kasamaan, kundi nakikigalak sa katotohanan; nagtitiis sa lahat, nagtitiwala sa lahat, may pag-asa sa lahat at may tiyaga sa lahat. Si Yahuwah ay walang katapusan.

Upang makakuha ng isang mahinahong paghahambing sa pagitan ng banal na PAG-IBIG at pantaong pag-ibig, subukang basahin ang kaparehong sipi ngunit sa halip ay ilagay ang iyong sariling pangalan:

Si [ilagay ang pangalan rito] ay matiyaga at mabuti; si [pangalan] ay hindi mapanibughuin; si [pangalan] ay hindi mapagmalaki, hindi mayabang; hindi magaspang ang asal, hindi nag-iisip para sa sariling kapakanan, hindi mayayamutin, hindi nagbibilang ng kamalian; hindi nagagalak sa kasamaan, kundi nakikigalak sa katotohanan; nagtitiis sa lahat, nagtitiwala sa lahat, may pag-asa sa lahat at may tiyaga sa lahat. Si [pangalan] ay walang katapusan.

Aray. Ang pangalan ko’y hindi naaangkop rito. Paano naman yung sa iyo? Tanging PAG-IBIG lang ang makakatagpo ng lahat ng mga parametro. Tanging ang Kanyang banal na katangian ang maaaring ilarawan rito.

Ang Pag-Ibig na ito, tunay na Pag-Ibig, dalisay na Pag-Ibig, ay ang PAG-IBIG Niya na inaalok sa iyo.

Lahat ng makaamang pag-ibig na dumating mula henerasyon hanggang henerasyon sa pamamagitan ng lagusan ng mga puso ng tao, lahat ng mga bukal ng kalambingan na nagbukas sa mga kaluluwa ng mga tao, ay mga maliliit na sapa [patak ng tubig] sa walang hanggang karagatan kapag ikinumpara sa walang katapusan, walang kapagurang pag-ibig [ni Yahuwah]. Ang wika ay hindi maaaring bigkasin ito; ang pluma ay hindi maaaring iguhit ito. Maaari mong pagnilay-nilayin ito araw-araw; maaari mong hanapin ang mga Kasulatan nang masigasig upang maunawaan ito; maaari mong tawagin ang bawat kapangyarihan at kakayahan na ibinigay [ni Yahuwah] sa iyo, sa pagsisikap na maunawaan ang pag-ibig at pagkahabag ng Makalangit na Ama; subalit mayroon pang isang lagpas sa walang hanggan. Maaari mong pag-aralan ang pag-ibig na iyon para sa mga panahon; ngunit hindi mo ganap na mauunawaan ang haba at ang lawak, ang lalim at ang taas, ng pag-ibig [ni Yahuwah] . . . .10

Ang Pag-Ibig ng Diyos [Yahuwah]

Ang pag-ibig ng Diyos [Yah] ay mas dakila
Kaysa sa maaaring isalaysay ng wika o pluma;
Ito’y lalagpas sa pinakamataas na bituin,
At aabot sa pinakamababang impyerno;
Ang nagkasalang pares, yumuko nang may alaga,
Ibinigay ng Diyos ang Kanyang Anak para magwagi;
Kanyang nagkamaling anak ay itinalaga Niya,
At pinatawad mula sa kanyang kasalanan.

Repran:
O, pag-ibig ng Diyos, sagana’t dalisay!
Hindi masukat at napakalakas!
Ito’y magtitiis magpakailanman—
Ang awit ng mga anghel at hinirang.
Maaari ba natin tintahan ang punan ng karagatan,
At ang mga kalangitan ng pergamino ay ginawa,
Bawat tangkay sa lupa ay isang pakpak,
At ang bawat tao'y isang eskriba sa kalakal;
Para isulat ang pag-ibig ng Diyos sa itaas
Nais higupin ang dagat hangga’t matuyo;
Kahit ang balumbon ay maaaring maglaman nang buo,
Bagama’t lumapad mula sa kalangitan.

Repran:
O, pag-ibig ng Diyos, sagana’t dalisay!
Hindi masukat at napakalakas!
Ito’y magtitiis magpakailanman—
Ang awit ng mga anghel at hinirang.

Buksan ang iyong puso sa PAG-IBIG. Ang Kanyang mga salita ng pagsamo ay umaalingawngaw sa maraming siglo: “Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta sa mga bansa. Oo, inibig kita ng walang hanggang pagibig: kaya't ako'y lumapit sa iyo na may kagandahang-loob.” (Jeremias 1:5; 31:3, ADB)

Magtiwala sa iyong Manlilikha. Maglaan ng oras sa pag-aaral ng Kanyang katangian. Ilagak ang iyong sarili sa Kanyang alaga at pagpapanatili dahil si Yahuwah ay Pag-Ibig.

 



1 Genesis 3:8

2 PAG-IBIG, Noah Webster, American Dictionary of the English Language, 1928.

3 KAWANGGAWA, Ibid., binigyang-diin.

4 KAWANGGAWA, Webster, op. cit.

5 MABUTI, Webster, op. cit.

6 MAPAGBIGAY-LOOB, Webster, op. cit.

7 MAAWAIN, Webster, op. cit.

8 MAHABAGIN, Webster, op. cit.

9 MAPAGKAWANGGAWA, Webster, op. cit.

10 E. G. White, Testimonies for the Church, Vol. 5, p. 740.