Print

Walang Hanggang Pag-Ibig | Bahagi 3: Ang Tugon ng Tao

Si Yahuwah ay pag-ibig. Kapag ang alitan sa pagitan ng kabutihan at kasamaan ay tuluyan nang nagwakas, si Yahuwah ay nagtagumpay dahil ang Pag-Ibig ay ang pinakamalakas na pwersa sa sanlibutan. “Kahit baha ay di kayang pigilin itong paggiliw, buhusan man nitong tubig, di makuhang palamigin. Subukin mong ang pag-ibig ay sa yaman mo daanin, baka nga ang mangyari ay ikaw pa ang siyang kutyain.” (Awit ni Solomon 8:7, MBB)

Ang napakatagal na nananatiling tunggalian sa pagitan ng Kaharian ng Pag-Ibig at kaharian ng kasamaan ay nagpakita ng dalawang magkaibang pangkat ng mga alituntunin. Si Yahuwah ay pinamahalaan ang Kanyang kampanya para magwagi ang katapatan ng mga kaluluwa batay sa mga alituntunin ng pag-ibig, kabutihan, kapatawaran at katarungan. Ginamit ni Satanas ang mga alituntunin ng dahas, kalupitan at panlilinlang para humantong sa maraming tao sa pagkawasak. Sa mga panahon, tila ito’y isang hindi patas na labanan dahil maaari lamang gamitin ni Yahuwah ang mga paraang iyon na nasa pagpapanatili ng Kanyang batayan ng Pag-Ibig.

Sa huli, gayunman, magwawagi si Yahuwah dahil ang PAG-IBIG ay ang pinakamakapangyarihang pwersa sa lahat. Ang Pag-Ibig ay ang gumigising sa pag-ibig. Isang pag-ibig dahil ang isa’y inibig. Narito ang lihim ng napakadakilang kapangyarihan ng Pag-Ibig. Ang pag-ibig ay nakakapagbago – ang dahas ay hindi kayang gawin. Maging ang pinakamatigas na puso ay maaaring tumugon sa nagmamahal na kabutihan, habang ang dahas ay naglalabas lamang ng mas dakilang katigasan ng puso.

Ang dahas ay maaaring magpumilit sa katawan, ngunit hindi nito kayang baguhin ang kaisipan. “Ang tao na sumunod nang labag sa kanyang kalooban ay sa kanyang pananaw pa rin.”1 Tanging Pag-Ibig ang mayroong kapangyarihan na baguhin ang mga damdamin at paniniwala, para gawin ang mga kaaway na mga kaibigan.

Ang lagpas ng pag-ibig ng tao ay binuod sa Kasulatan sa pahayag na: “Walang hihigit pa sa pag-ibig ng taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.” (Juan 15:13, FSV)

Ang pagpapalabas ng banal na Pag-Ibig, noong inalay ni Yahuwah ang Kanyang kaisa-isang Anak, ay ipinakita ang Pag-Ibig na lubos na lumagpas sa lahat ng ibang pag-ibig: inalay ni Yahuwah ang Kanyang kaisa-isang Anak para iligtas ang Kanyang mga kaaway!

“Sapagkat ganoon inibig ni Yahuwah ang sanlibutan, kaya ipinagkaloob Niya” . . . ang lahat. Noong pumasok ang kasalanan, ipinakita ni Yahuwah ang mga kailaliman ng pag-ibig na hindi pa nakikita kailanman. Ipinakita Niya ang pag-ibig na maaaring magpatawad ng kasalanan at magligtas ng mga makasalanan. Inibig Niya ang sanlibutan nang lubos kaya “ipinagkaloob Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Juan 3:16)

Ang Kasulatan ay nagbibigay ng dahilan na si Yahuwah ay kusang-loob na iaalay ang Kanya mismong Anak: “Sapagkat isinugo ni Yahuwah ang Anak sa sanlibutan, hindi upang hatulan ang sanlibutan kundi upang sa pamamagitan Niya ay maligtas ang sanlibutan!” (Juan 3:17)

Kapag ang katunayang ito ay pinagnilay-nilayan, kapag ang katunayan ng ganitong uri ng Pag-Ibig ay nagsisimula nang lumubog sa kaisipan at pagkakaunawa, nagaganap ang pagbabago. Ito’y hindi na kailangang tulungan. Ang pasasalamat ay nagising sa puso kapag ang isang tao ay napagtanto na si Yahuwah ay isinugo ang Kanyang Anak para magligtas, hindi para maghatol!

Ang pasasalamat ay isang lubos na kinakailangang bahagi ng nadaramang pag-ibig. Ang mga pinakadakilang kaloob ay maaaring ibigay, ngunit kapag hindi nila nakilala kung ano ang mga ito, ang mga pagpapakita ng pag-ibig, walang paggising ng pasasalamat at walang bumabalik na pag-ibig.

Ang mga bata’y ibig na magbigay. Ang kanilang mga mumunting puso ay naghahangad para sa mga paraan na maipakita ang kanilang pag-ibig, ito man ay isang kinulayang larawan, o isang kamay na may hawak na mga dandelyon.

Ang aking pinakabatang apo ay ibig na pumitas ng mga bulaklak para sa akin. Hindi mahalaga kung ito man ay mga dandelyon o mga rosas. Kapag nakakita siya ng isang bulaklak, nais niya itong kunin at ibigay sa sinuman na iniibig niya. Para sa kanya, ang damo ay hindi ang nakakalason, sinasakop ang lahat sa paanan nito na itinuturing naming mga matatanda. Sa halip, ito ay napakagandang mga bituing lavender na bulaklak at nais niya itong pitasin at ibigay bilang isang palatandaan ng kanyang pag-ibig.

Maraming beses akong sumagot sa kanyang pagkatok sa pinto, para makita ang kanyang maliwanag, nagniningning na mukha sa kanyang kamay na nasa likod niya. Maliwanag siyang ngumiti, “May surpresa ako sa iyo!” Pagkatapos ay pinakita niya ang kanyang mahalagang handog ng pag-ibig.

Sa isang okasyon, dinala ko siya sa bayan kasama ko. Nakakita ng isang malaking pagtatanghal ng mga makukulay na bulaklak, tumungo siya sa akin nang may pagsusumamo sa kanyang mga mata: “Pakiusap, maaari ba akong makahingi ng pera? Kailangan ko ng kaunting pera! Pwede ba?”

Nalalaman nang eksakto kung ano ang nakita niya na nagdikta sa kanya sa agarang nais sa pera, naisip ko ang lahat ng ibang bagay na kailangan ko upang maingat na tipirin ang mga salapi. Gayunman, ang sabik na pagtingin, ang walang dungis na adorasyon sa kanyang mga mata ay nagpanatiling tahimik sa akin tungkol sa aking mga pangangailangan at pag-aalala bilang matanda.

Binigyan ko siya ng ilang pera, siya’y sabik na nagturo sa akin, “Ngayon, huwag ka muna titingin! Ito’y isang surpresa!”

Sa kaunting minuto ang kanyang mga paa na nagsasayaw ay naghudyat ng kanyang pagbabalik.

“Heto na! Para sa iyo ang mga ito! Di ba magaganda?”

Hindi ko makakalimutan ang pag-ibig sa kanyang mukha o ang kagalakan sa kanyang tinig habang ipinapakita niya ang pag-ibig sa akin. Hindi ko kailangan ng mga bulalak, pero kinailangan niya ang pagkakataon na maipakita ang kanyang pag-ibig sa pagbibigay ng mga ito.

Bilang isang matalinong Makalangit na Ama, nalalaman ni Yahuwah na ang lahat ng mga kaloob ng pag-ibig sa sanlibutan ay hindi magpapalapit ng mga puso ng Kanyang anak kung hindi nila kinilala ang Kanyang mga kaloob at madama ang pasasalamat sa kanila. Hindi Niya kailangan ang ating mga pagpapakita ng pag-ibig at pasasalamat – ngunit nalalaman Niya na kailangan nating ibigay ang mga ito.

Inakusahan ni Satanas si Yahuwah sa paglikha ng mga nilalang para lamang matanggap Niya ang kanilang paglilingkod at malugod nang pansarili sa kanilang adorasyon at papuri. Sa kasamaang-palad, maraming tao ay pinaniwalaan ang kasinungalingang ito. Ito’y ganap na nilaktawan ang punto. Ang tanging paraan para sa pag-ibig na gisingin ng pag-ibig, ay kung ang pag-ibig ay kinilala. Kapag ang pag-ibig ay nakilala, ang pasasalamat ay magpapagising sa bumabalik na pag-ibig.

Ang matalinong magulang ay kinakailangan sa kanilang anak na magsabing, “Salamat po.” Lahat ng bagay na ibinigay sa bata ay dapat makilala at kilalanin sa salita ng pasasalamat. Ang pag-inom ng tubig gayon din ang maliwanag na pagbalot ng mga pakete ay karapat-dapat na bigyan ng “Salamat.” Ang kaugaliang ito ng pagkilala ng pakikinabang ay nagtatayo ng isang damdamin ng pag-ibig at pasasalamat sa puso ng isang bata.

Sa kapanganakan, ang magulang ay agad na iniibig ang kanilang bagong anak, ngunit ang bata ay hindi pa kinakailangang maramdaman ang isang bigkis ng pag-ibig sa magulang. Madalas ang mga kwento sa pahayagan ay nagsalaysay ng nakasusuklam na kwento ng mga pang-aabuso sa mga bata at mapoot sa kanilang mga magulang. Habang ang mga dahilan ay napakarami, isang pinagbabatayang dahilan ay ang mga bata ay binabalewala ang kanilang mga magulang. Ang pasasalamat ay hindi maaaring ituro sa isang napakamusmos na bata sa halimbawa. Ito’y dapat kailanganin para maging isang kaugaliang bahagi sa katangian ng bata.

Sa kadahilanang ito na kinailangan ni Yahuwah ang mga pagkakataon para sa Kanyang bayan na makilala at maipakita ang kanilang pasasalamat sa Kanyang mga pagpapala. Ang Ama ay nalalaman na kung ano ang nasa puso at kaisipan ng bawat tao. Siya ay matalik na kilala na ang bawat indibidwal gayong walang iisang ibang tao sa buong mundo. Nalalaman Niya ang ating mga kaisipan at mga damdamin. Hindi na Niya kailangan sa atin na manalangin sa Kanyang ngalan. Ang panalangin ay para sa ating pakinabang kaya tayo’y maaaring itaas na maisip ang Kanyang mga kaisipan, para pumasok sa Kanyang kaisipan.

Ang panalangin ay nagbibigay ng pagkakataon na pigilan ang maligalig na pagmamadali ng araw, pagnilay-nilayan ang mga pagpapalang ipinagkaloob, ikumpisal ang mga kabiguan, at maranasan ang kapatawaran. Ang pasasalamat na nadarama kapag ang mga pagpapala ay kinilala ay lumilikha ng pag-ibig at tiwala sa puso ng tao – at ito ang kailangan.

Gayundin, “ang araw ng Sabbath ay ginawa para sa tao at hindi ang tao para sa araw ng Sabbath.” (Marcos 2:27) Nalalaman ni Yahuwah na kung walang pangangailangan ng isang araw ng pamamahinga at pagsamba, ang taong sakim ay nais na magpatuloy para sa pansamantalang pakinabang at mawalan ng paningin ng mga walang hanggang katunayan. Nangangailangan na ang pagluluto ay matapos sa araw bago ang Sabbath, palayain ang mga kababaihan mula sa pagtatrabaho sa mainit na kalan, naghahanda ng isang piging para sa pamilya. Nangangailangan na walang hamak na trabahong gagawin, nagbigay sa buong pamilya, gayon din sa mga alagad at mga hayop, ng panahon ng pamamahinga at magpasariwa.

Ang anibersaryo ng kasal ay maaaring isang panahon ng mahalagang pag-alala at muling pagpangako para sa hinaharap. Ang mga Sabbaths ay mga anibersaryo ng Paglikha ng sanlibutan. Isasantabi muna ang pang-araw-araw na paggawa para mamahinga sa Sabbath ay isang paalala ng mga pangako ng Manlilikha na ginawa sa simula pa lang – para pagpalain at panatilihin tayo, at ibigay ang lahat ng bagay na kinakailangan para sa ating pagpapanatili at kasiyahan.

Ang mga buwanang Bagong Buwan ay mga panahon din ng pagsasaya. Ang mga pagpapala ng nakaraang buwan ay inalala nang may pasasalamat na nanghihikayat ng muling dedikasyon sa paparating na buwan. Ang mga taunang kapistahan ay kinailangan, mga panahon ng pagbabago, muling dedikasyon at syempre, pagbibigay ng pasasalamat.

Sa lahat ng mga taunang kapistahan, ang Pista ng mga Tolda ay tiyak na itinatag para sa pagbibigay ng pasasalamat. Ito ay isang maringal, sanlinggong-haba na pagdiriwang ng pasasalamat! Ang pag-aani ng taon ay naihatid na at ito ang panahon na sumalamin sa maraming mga kaloob ng pag-ibig na ibinigay ng Ama sa nakaraan. Ang sikat ng araw, ulan at paglaki para sa kanilang mga pananim; proteksyon mula sa mga kaaway at kalusugan para sa kanilang mga pamilya – lahat ay para gisingin ang pagkilala ng mga espesyal na pagpapala mula sa Langit.

Noong sinakop ng mga Israelita ang Canaan, sila’y sumakop ng isang lupain na tinitirahan na. Ang kanilang mga kaaway ay pinalayas sa harap nila at naghihintay para sa kanila na ganap na ayusin ang mga tahanan, masaganang mga ubasan, mayayamang halamanan, masaganang tubigan at bawat mabubuting bagay na kailangan para sa masaganang pamumuhay. Nalalaman ni Yahuwah, gayunman, na ang bumagsak na puso ng tao ay mabilis na makakalimutan ang mga dakilang pagpapala at magsimulang balewalain ang mga ito.

Nais Niya na panatilihin ang kanilang mga alaala na sariwa kaya sila’y magnanais na pagkatiwalaan Siya na magpatuloy sa pag-iingat sa kanila. Kinailangan Niya sa mga Israelita na magtipun-tipon at magtayo ng kampo na gawa mula sa mga sanga. Gagawin nila ito bawat taon sa panahon ng Pista ng mga Tolda at magsaya sa mayamang kapagbigayan ng Langit. Dapat nilang maalala na ang Makalangit na Ama ay inilabas sila bilang isang bansa mula sa pagkakabihag sa Egipto.

Ang pasasalamat para sa pambansang kalayaan at kasalukuyang mga pamanahong pagpapala, ay nais na panatilihin ang pag-ibig at tiwala na nabubuhay sa kanilang mga puso. Ito’y magiging proteksyon laban sa mapang-akit na mga tukso ni Satanas na tumalikod patungong idolatrya. Nalalaman ni Satanas na kung dakpin niya ang mga Israelita na lumayo mula sa katapatan kay Yahuwah at sumamba ng mga huwad na diyos, pagkatapos ang Langit ay hindi na sila maipagtatanggol mula sa pananakop ng mga nakapaligid na kaaway.

Kawili-wili na ang pinakaunang kapistahang pinabayaan ng mga Israelita ay ang pasasalamat sa Pista ng mga Tolda. Ang tunay na pagsamba dahil dito ay bumagsak tungo sa may hangganang mga anyo. Ito’y naging isang relihiyon ng mga tradisyon at kaligtasan sa mga paggawa. Ang ganap na idolatrya ay agad na sumunod. Ang pagkabulok na ito ng kanilang espiritwal na pagsasanay ay dapat magsilbing isang taimtim na babala ng mga kahalagahan ng pagtalima sa lahat ng mga kapistahan ni Yahuwah nang may matapat na puso ng pasasalamat.

Hindi na kailangan ni Yahuwah sa mga Israelita ng pagpapakita ng pasasalamat kaysa sa kailangan Niya ang iyong mga pagpapakita ng pasasalamat. Gayunman, nalalaman Niya na, gaya ng mga Israelita, kailangan mo ng pagkakataon na maalala ang Kanyang mga pagpapala, mapagpasalamat na kilalanin at kilalanin ang Kanyang mga kaloob at hayaan ang iyong puso na mamintog sa pag-ibig sa pagtugon.

Kapag ang isa’y inibig at tinanggap nang may walang kamatayan, walang kondisyon na pag-ibig, ang mga hadlang ay babagsak. Ang puso’y hindi maaaring tumulong kundi tumugon dahil ang Pag-Ibig ay nagpapagising sa pag-ibig!

Ang natural na tugon ng puso na nakakaramdam ng pag-ibig ay para ipakita ang pagbabalik ng pag-ibig sa mga aksyon. Ang tao na minsang nadarama ang banal na Pag-Ibig, ay naghahangad na maipakita ang pag-ibig bilang ganti. Ito’y nagiging pinaka karaniwang bagay sa mundo para sundin ang Ama. Ang minsang naghimagsik na puso, ngayo’y pinalambot ng pag-ibig, ay nakikita ang pinakadakilang kagalakan nito sa pagpapanatili ng banal na kautusan ng Pag-Ibig.

Si Yahushua ay naglatag ng tunay na pagsubok kung ang tao ay iniibig Siya: “Kung iniibig ninyo Ako, tutuparin ninyo ang Aking mga utos.”2 Ang pagtalima sa lahat ng mga kautusan ni Yahuwah ay mga natural na tugon ng isang puso na puno ng pag-ibig para sa Tagabigay ng Utos.

Ito ay hindi legalismo. Si Satanas ay napakabilis na itaas ang paratang ng legalismo sa anumang panahon na ang tao ay sinusubukang panatilihin ang banal na kautusan. Sa kasamaang-palad, maraming tao ang sumusunod mula sa takot ng mga kalalabasan – o dahil naniniwala sila na maaaring “gumawa ng kanilang landas tungo sa Langit” sa pagsunod. Ito’y hindi palaging posible na agad makilala sa pagitan ng isang tao na sumusunod lamang para “gumawa ng kanyang landas patungong Langit” laban sa tao na sumusunod mula sa pag-ibig. Ang pagtalima ay maaaring makita na pareho kahit na diniktahan sa magkasalungat na mga pag-uudyok.

Gayunman, nalalaman ni Yahuwah. “Sapagka't hindi tumitingin si Yahuwah na gaya ng pagtingin ng tao: sapagka't ang tao ay tumitingin sa mukha, nguni’t si Yahuwah ay tumitingin sa puso.”3 Kapag ang pagtalima ay dumating lamang na isang paraan para “makamit” ang Langit, ang tao ay mapapahamak.

Ipinaliwanag ni Yahushua:

Hindi lahat ng tumatawag sa Akin ng Yahushua, Yahushua ay papasok sa Kaharian ng Langit, kundi yaon lamang nagsasagawa ng kagustuhan ng Aking Amang nasa Langit.

Marami ang magsasabi sa akin sa araw na iyon, Yahushua, Yahushua, hindi ba’t sa iyong pangalan ay nagpahayag kami ng propesiya, nakapagpalayas ng mga demonyo, at sa iyong pangalan din ay gumawa kami ng maraming himala?

At sasabihin ko naman sa kanila, Kailanma’y hindi ko kayo nakikilala. Lumayo kayo sa Akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan!” (Tingnan ang Mateo 7:21-23.)

Posible na tumungo sa lahat ng mga pagkilos, panatilihin ang bawat kautusan at mapahamak pa rin. Ang pagkakaiba ay ang pag-uudyok para sa mga pagkilos. Ang Kanyang mga kautusan ba ay pinanatili mula sa pag-ibig? O mula sa isang nais na “makamit” ang Langit?

Sinasabi ni Yahushua na iyong mga gumawa ng “maraming himala” na ito ay hindi mga kandidato para sa Langit sa isang simpleng dahilan: Siya ay hindi nakikilala. Ang salitang “kilala” sa Kasulatan ay mayroong malalim na kahalagahan kaysa sa modernong Tagalog. “At nakilala ng lalake si Eva na kaniyang asawa; at siya’y naglihi at ipinanganak si Cain . . . .” (Genesis 4:1, ADB) Ito ay higit pa sa kaalaman sa ulo. Ito ay isang matalik na pagkilala, gaya sa magkasintahan.

Sapagkat para makilala si Yahuwah ay para ibigin Siya, ang pagtalima ay ang natural na tugon ng puso na umiibig. Kaya, tanging ang paglilingkod at pagsunod ng pag-ibig ay tatanggapin.

Sapat na kakaiba, kapag ang pag-ibig ay ang pag-uudyok para sa pagsunod, ang mga “gawa ng kautusan” ay hindi napansin na nagawa. Ang pag-ibig ay hindi nagpapanatili ng isang kard ng puntos, inaasahan ang isang bagay bilang kapalit sa nagawang paglilingkod. Magandang inilarawan ni Yahushua ito sa isang aral na ibinigay Niya tungkol sa katapusan ng sanlibutan:

“Pagdating ng Anak ng Tao taglay ang kanyang kaluwalhatian, kasama ang lahat ng kanyang mga anghel, siya'y luluklok sa kanyang maluwalhating trono. Sa kanyang harapan ay titipunin ang lahat ng mga bansa at sila'y kanyang pagbubukud-bukurin, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at sa mga kambing. Ilalagay niya ang mga tupa sa kanyang kanan, ngunit ang mga kambing naman ay sa kaliwa.

“Pagkatapos ay sasabihin ng Hari sa mga nasa kanyang kanan, ‘Halikayo! mga pinagpala ng aking Ama. Manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang itatag ang daigdig. Sapagkat ako'y nagutom at ako'y inyong pinakain. Ako'y nauhaw, at ako'y inyong pinainom. Ako'y naging isang dayuhan, at ako'y inyong pinatuloy. Ako'y naging hubad at ako'y inyong dinamitan. Ako'y nagkasakit at ako'y inyong dinalaw. Ako'y nabilanggo at ako'y inyong pinuntahan.’

“Pagkatapos ay itatanong sa kanya ng mga matuwid, ‘Panginoon [Yahushua], kailan ka namin nakitang gutom, at ika'y pinakain, o kaya'y uhaw, at aming pinainom? Kailan ka namin nakitang isang dayuhan at pinatuloy ka, o kaya'y hubad, at dinamitan ka? At kailan ka namin nakitang maysakit, o nakabilanggo at dinalaw ka namin?’

“At sasagot sa kanila ang Hari ng ganito: ‘Tinitiyak ko sa inyo, yamang ginawa ninyo ito sa isa sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, sa akin ninyo ito ginawa.’” (Mateo 25:31-40, FSV)

Para makilala ang Ama at ang Anak nang matalik, at para makilala nila, kinakailangan na maglaan ng oras kasama nila. Kapag wala ka pang relasyon sa kanila na ninanais mo, mamuhunan ng oras sa relasyon, gaya ng nais mo sa anumang pagkakaibigan. Magbasa ukol sa kanila sa Salita; pag-aralan ang mga pagpapahayag ng pag-ibig sa kalikasan.

Kapag nararamdaman mong malayo at hindi iniibig ang Ama at ang Anak nang iyong buong puso, kaisipan at kaluluwa, ito’y maaaring magbago. Kusang-loob na piliing isipin ang napakaraming pagpapala sa iyong buhay, ang maraming mga paraan na ipinakita nila ang kanilang pag-ibig sa iyo. May panahon ba sa iyong buhay kung kailan ka espesyal na protektado? Maaari mo bang maalala ang mga okasyon kung kailan mo natanggap ang mga hindi pangkaraniwang pakikinabang? Magnilay-nilay sa mga bagay na ito. Panatilihin itong sariwa sa iyong alaala.

Siguraduhin na mapansin ang napakaraming maliliit na bagay na dumarating sa iyong landas sa isang pang-araw-araw na batayan. Hayaan ang iyong puso na lumapit sa iyong Manlilikha sa panalangin. Habang ika’y may lakad palabas ng iyong tahanan, magpasalamat sa Kanya para sa maayang panahon . . . o para sa payong na nagpapanatili sa iyo na hindi mabasa ng ulan. Kapag nagtutupi ng mga bagong labang damit, magpasalamat sa Kanya para sa kakayahan na panatilihin ang iyong pamilya na nakadamit. Kapag abala sa ikot ng pang-araw-araw na mga gawain, magpasalamat sa Kanya para sa kalakasan na gawin ang kailangang tapusin.

Para sa buhay, para sa kalusugan, para sa katotohanan, para sa pag-ibig, para sa mga kaibigan, para sa anumang bagay na nagdadala ng kasiyahan, kaligayahan at kapayapaan, ang dakilang Tagabigay ng Kaloob ay maaaring makilala at mapasalamatan. Ito ay sakdal na lunas para sa kalungkutan at depresyon din.

Ang kagalakan na iyong mararanasan sa Langit ay magiging katapat sa pag-ibig at tiwala na natutunan mong ibigay kay Yahuwah sa lupa. Sa buong walang katapusang panahon ng walang hanggan, ang mga tinubos ay makikita ang kanilang pinakadakilang kagalakan sa pag-ibig at iniibig ng kanilang Manlilikha. “Ang minamahal [ni Yahuwah] ay tatahang ligtas sa siping Niya; Siya’y kakanlungan Niya buong araw, At siya'y mananahan sa pagitan ng Kaniyang mga balikat.” (Deuteronomio 33:12, ADB)

Narito, ang mga walang kamatayang kaisipan ay pagninilayan sa hindi nabibigong kagalakan ang mga kahanga-hanga ng mapanlikhang kapangyarihan, ang mga hiwaga ng nagtutubos na pag-ibig. Walang kalupitan, nanlilinlang na kaaway para manukso sa pagkalimot [kay Yahuwah]. Bawat kakayahan ay papaunlarin, bawat laman ay tataas. Ang pagkamit ng kaalaman ay hindi papagurin ang kaisipan o lakas. Ang mga ito ay pinakamaringal na mga hakbang na maaaring isulong, ang pinakamamahal na mga hangad ay maaabot, ang mga pinakamatataas na mga pangarap ay matatanto; at patuloy pang may tatayo sa bagong tayog para magtagumpay, bagong mga kahanga-hanga, bagong mga patotoong mauunawaan, mga sariwang bagay na tatawagin ang mga kapangyarihan ng kaisipan, kaluluwa, at katawan.

. . . At sa mga taon ng walang hanggan, habang sila’y tumutuloy, ay magdadala ng mas sagana at mas maluwalhating mga rebelasyon ng [Ama at Anak]. Habang ang kaalaman ay umuunlad, gayon din ang pag-ibig, paggalang, at kasiyahan ay tataas.4

Isang walang hanggan ng tumataas na kagalakan, kaligayahan, kawili-wiling mga gawain at walang hanggang pag-ibig ang naghihintay sa iyo dahil si Yahuwah ay pag-ibig.

“Marinig ang Tinig ng Aking Minamahal”

Marinig ang tinig ng aking minamahal
Malumanay na tumatawag sa wakas ng araw.
“Halika, aking iniibig! Halika’t makatagpo Ako.
Tumindig, O tumindig, at umalis.”

Ang kadiliman ng taglamig ay malapit nang magwakas
At ang ulan ay halos tapos na.
Ang mga kasibulan ng bulaklak at puno ay namumuko.
Oras na sa pag-awit na magsimula.

Ako’y naghintay sa mga anino
Para sa Panginoon na tumawag sa akin.
Ngayon ang umaga’y nagbukang-liwayway.
Sa Kanyang liwanag, nakikita ko ang Kanyang mukha.

Ngayon ang umaga’y nagbukang-liwayway,
At sa huli’y ang Kanyang mukha’y nakita ko.
Kapag nakita mo ang namumukong puno ng igos
Malalaman mong ang tag-init ay narito na.

Kapag narinig mo ang mga salitang sinasabi ko
Makikilala mong paparating na ang Aking pagdating.
Manatili sa pakikinig aking minamahal,
Sapagkat ang Aking pagdating ay malapit na.

 



1 Samuel Butler (1612-1680), Hudibras., Part iii. Canto iii., Line 547.

2 Tingnan ang Juan 14:15.

3 Tingnan ang 1 Samuel 16:7.

4 E. G. White, Great Controversy, p. 677.