SI YAHUWAH AY ISA
Mayroong isang mapagmahal na Manlilikha (Deuteronomio 6:4; Marcos 12:29; 1 Corinto 8:9), isang personal, espiritwal na nabubuhay, makapangyarihan, nalalaman ang lahat, hindi nagbabago (Malakias 3:6) at saanman ay naroroon sa Kanyang banal na espiritu (Awit 139:7).
Ang Manlilikha ay ang dakilang “AKO NGA” (“AKO YAONG AKO NGA” – Exodo 3:14). Ang Kanyang pangalan, binibigkas sa Hebreo (יהוה), ay Yahuwah, na ipapahayag ng Kanyang bayan sa lahat ng mga bansa, paggalang, at karangalan sa kanilang mga buhay, pagsasalitaan, pagsamba, at pagsunod.
ISANG TAGAPAMAGITAN
Mayroong isang tagapamagitan kay Yahuwah at mga tao, ang taong si Yahushua (1 Timoteo 2:5) na unang bugtong, ganap na tao, hindi umiral bago ang paglikha, anak ni Yahuwah na isinilang ng isang birhen (Lucas 1:26-35). Siya ay dumating upang tuparin ang mga pangako at mga tipan ni Yahuwah sa sangkatauhan. Siya ay hindi ang “Diyos Anak” ng huwad na makademonyong “trinidad.” Siya ay nilikha ng binhi ni Abraham at ni David (Roma 1:2). Siya ay sinubok at tinukso gaya natin (Hebreo 4:15), nilabanan ang kasalanan maging sa kamatayan (Filipos 2:8) alang-alang sa ating lahat (Hebreo 2:9) upang gumawa ng handog na pantubos sa mga kasalanan ng mga tao (Hebreo 2:17). Sa pamamagitan din ng isang tao’y dumating ang muling pagkabuhay ng mga patay (1 Corinto 15:21) at siya na unang bunga (1 Corinto 15:20), siya ang tagapagmana at matatanggap ang kaharian mula kay Yahuwah upang maghari hanggang ang lahat ng mga kaaway kabilang ang mismong kamatayan ay tuluyang nawasak (1 Corinto 15:25-26). At sa pagwawakas ng Isang Libong Taon, ipapasakop niya ang lahat kay Yahuwah. (1 Corinto 15:28).
ANG MABUTING BALITA (MAGANDANG BALITA)
Ang Mabuting Balita, na ating ipinagkasundo sa Ama sa pamamagitan ni Yahushua sa kanyang kamatayan, libing at muling pagkabuhay (1 Corinto 15:1-4), ang gantimpala na ang walang hanggang pagkamamamayan sa kaharian ni Yahuwah na itatatag sa lupa bilang Kanyang tirahan sa mga tao. Ito ang sentrong mensahe ni Yahushua sa panahon ng kanyang pansamantalang pananahan sa lupa (Marcos 1:1, 14, 15; Mateo 6:33) at ang kanyang natatanging layunin ay ituro, gawing karapat-dapat, at paganahin ang kapwa tao para magmana, makapasok (Marcos 10:15), at manirahan sa kahariang ito. Ang huling destinasyon ng mga matuwid, dahil dito, ay hindi ang langit – ibabaw ng daigdig (Awit 37:9, Awit 37:11, Juan 3:13, Mga Gawa 2:34, Mateo 5:5), kundi ang kaharian ni Yahuwah, na itatatag sa lupa (Mateo 6:10, Lucas 11:2). Tingnan rin: Daniel 2:34-35, 44-45; 7:13-14, 27
ANG MGA NANANAHAN SA KAHARIAN NI YAHUWAH
Ang lahat ay nagkasala at nakabatay kay Yahushua para sa pagkamatuwid (Roma 3:23-24), pagsunod sa ilalim ng kagandahang-loob (Juan 15:5, Tito 3:5), pagpapakabanal (1 Corinto 1:30), at pagkaluwalhati (Roma 8:17).
Walang sinuman ang makakakita o makakapasok sa kaharian ni Yahuwah maliban kung siya ay ipinanganak sa tubig at Espiritu. Ang tinubos ay bibigyan ng walang kamatayan sa pagbabalik ni Yahushua (Juan 3:3, 5; 1 Corinto 15:52; Lucas 20:36).
BAUTISMO: PAANO, BAKIT, KAILAN, AT PARA KANINO?
Ang Bautismo sa paglulubog ay ang ordinansa na nagpapakita ng pananalig sa kamatayan, libing, at muling pagkabuhay ni Yahushua (Roma 6:3-6; Colosas 2:12). Kasunod ng pananalig at pagsisisi, ang bautismo sa kapangyarihan at pangalan ni Yahushua (Mga Gawa 2:38) ay maaaring isagawa ng sinumang tunay na kasapi ng iglesya (ekklesia) ni Yahuwah (Hebreo 12:18-24). Tingnan rin: Mga Gawa 8:12, Mga Gawa 8:16, Mga Gawa 19:5.
ANG LAHAT NG KASULATAN AY IPINUKAW
Ang mga Banal na Kasulatan, ang Luma at Bagong Tipan, ay ipinukaw ni Yahuwah, naglalaman ng isang buong rebelasyon ng Kanyang kalooban sa tao, at mga natatanging hindi nagkakamaling tuntunin ng pananalig at kasanayan (2 Timoteo 3:16).
ANG KAHALAGAHAN NG PROPESIYA
Ang propesiya ay nagpapakita ng ating posisyon sa kasaysayan bilang isang mahalagang bahagi ng rebelasyon ni Yahuwah (Deuteronomio 29:29, Awit 119:105; 2 Pedro 1:19) at ang pag-aaral nito ay nagbibigay ng isang pagpapala (Pahayag 1:3). Karamihan sa mga ito ay natupad na maliban sa mga pangyayari sa katapusan.
MGA TOLDA: MAKALUPA AT MAKALANGIT
Ang makalangit na santuwaryo o tolda ng bagong tipan (Hebreo 8 at patuloy) kay Yahushua bilang dakilang saserdote ay ang antitipiko ng Mosaikong tolda at makalupang kaparian ng nakaraan (Hebreo 8:1-5).
ANG KAUTUSAN NI YAHUWAH
Ang mga moral na kinakailangan ni Yahuwah, ibinuod sa 10 utos, ay umiiral sa lahat ng mga tao sa lahat ng mga panahon. Ang mga kautusan ay inilagak sa makalupang “kaban ng tipan” (Mga Bilang 10:33, Hebreo 9:4) bilang isang sipi ng nasa makalangit na tolda, nakita sa ilalim ng ikapitong trumpeta (Pahayag 11:19).
ANG MGA PAGTUTURO NI MOISES: ANO ANG ATING SASANAYIN AT ANO ANG NATUPAD NA
Ang mga pagtuturo ni Moises (Mga Gawa 15:21; Mateo 23:1-3) ay susundin nang may katarungan, kahabagan, pananalig at pag-ibig (Mateo 23:23; Lucas 11:42). Habang ang mga pag-aalay ng dugo at mga paghahandog ay natupad na sa krus (Daniel 9:27), at ang nalalabi ng kautusan ay patuloy na umiiral at marapat na ituro sa lahat ng mga bansa sapagkat inutos mismo ni Yahushua (Mateo 23:2-3; 28:20).
SELYO NI YAHUWAH
Ang ikaapat na utos ay inaanyayahan tayo na ilaan ang ikapitong araw ng bawat Biblikal na sanlinggo, ang Sabbath, sa pag-iwas mula sa ating sariling gawa at para sa pagganap sa mga banal at pangrelihiyong tungkulin. Ito’y magpapatuloy sa pagtalima ng mga matapat sa walang hanggan (Isaias 66:22, 23). Ang mga terminong “Sabbath ng Hudyo” at “Kristyanong Sabbath” ay mapanlinlang at hindi makikita saanman sa Kasulatan. Ang Sabbath ay pinabanal sa Paglikha (Genesis 2:2, 3) at ginawa para sa lahat ng tao (Marcos 2:27; Isaias 56:6-7).
Ang sanlingguhang Sabbath [naglalaman ng selyo ni Yahuwah], araw ng bagong buwan, at ang mga taunang kapistahan ay kakalkulahin gamit ang kalendaryong luni-solar. Ang bawat buwan ay lunar at ang sanlingguhang pag-ikot ay muling nagsisimula sa bawat Bagong Buwan. Ang mga lunasyon ay nakatali sa taong solar sa pamamagitan ng equinox ng tagsibol. Ang tunay na kalendaryo ay ginagamit ang parehong galaw ng araw at buwan. Lahat ng mga huwad na kalendaryo ay istriktong gumagamit ng lunar o solar na kalendasyon.
Ang suwail, ang kapapahan, ay naisip na baguhin ang panahon at ang kautusan, ang kalendaryo ng Manlilikha (Daniel 7:25), at iniligaw ang halos lahat ng Kristyanismo tungkol sa ikaapat na utos. Nahanap namin ang propesiya ng isang pangkatapusang reporma sa bagay na ito (Isaias 56:1-2; 1 Pedro 1:5; Pahayag 14:12). Sa mga gawa na sumasagisag sa tatlong mensahe ng Pahayag 14, ang huli ay ang reporma sa Sabbath, upang kumpletuhin ang kahandaan ng mga tunay na mananampalataya para sa pagbabalik ni Yahushua (Isaias 58:12-14).
MGA KALOOB NG ESPIRITU
Ang Banal na Espiritu ay nagbibigay ng mga kaloob sa mga kasapi ng iglesya para sa paglaki nito (1 Corinto 12; Efeso 4).
PAGSASALITA SA MGA WIKA / IBANG LENGGUWAHE
Ang tunay na “kaloob ng mga wika” ay palaging lumuluwalhati kay Yahuwah at tanging ibinigay para sa layunin ng pakikipag-usap ng mga banal na patotoo sa mga maaaring hindi makaunawa ng mga salitang binibigkas. Kabaligtaran nito, ang mga tunog na binigkas ng marami na kasalukuyang inaangkin na mayroong “kaloob ng mga wika” ay walang iba kundi walang kabuluhang pangangawa. Ang mga tunog na ginawa ay hindi mga naiibang wika at sila’y tiyak na hindi itinuturo ang sinuman sa patotoo at pagkamatuwid. Sa katunayan, ang glossolalia, o “pagsasalita sa mga wika,” na sinanay ng karamihan sa mga tao ngayon ay direktang sumasalungat sa mga patnubay na ibinigay sa Kasulatan na nagpapakita kung ito man ay lehitimo o huwad. “Iwasan mo ang mga usapang walang kabuluhan, sapagkat lalo lang magtutulak ito sa mga tao sa higit pang kasamaan.” (Tingnan ang 2 Timoteo 2:16.)
ANG ESTADO NG PATAY
Ang libingan (sheol sa Hebreo; hades sa Griyego) ay isang lugar ng kadiliman na walang gawa, katha, karunungan, o kaalaman (Mangangaral 9:10). Ang estado kung saan tayo ay bababa sa kamatayan ay isa ng katahimikan, kawalan ng gawa, at kawalan ng pag-iisip (Awit 146:4; Mangangaral 9:5; Daniel 12:2).
Sa pagbabalik ni Yahushua, ang mga matutuwid na patay ay ibabalik sa buhay at bibigyan ng walang hanggang buhay; ito ang unang muling pagkabuhay. Ang mga masasamang patay ay mananatili sa kanilang himlayan hanggang sa ikalawang muling pagkabuhay sa katapusan ng isang libong taon (Pahayag 20:4-6).
ANG MGA PAPALAPIT NA KAPANA-PANABIK NA PANAHON
Sa huling tramp, ang nabubuhay na mga matutuwid ay magkakaroon ng walang hanggang buhay at makakasama ang mga matutuwid na muling nabuhay, titipunin upang makasama si Yahushua sa ulap (1 Tesalonica 4:16, 17). Sasamahan ng mga ito si Yahushua habang siya ay bumabalik sa lupa kung saan siya, kasama ang mga tinubos, ay mamumuno sa mga nabubuhay na hindi nakapagsisi (Zacarias 14:16 at Isaias 24:6).
Isang bagong langit at bagong lupa ay sisibol mula sa mga abo ng nakalipas (2 Pedro 3:7-12) kasama ang Bagong Jerusalem na kabisera nito. Narito, ang mga tinubos ay maghahari kasama si Yahushua sa loob ng 1,000 taon at pagkatapos noon ay mananahan sa kanilang walang hanggang pamana (2 Pedro 3:13; Awit 37:11, 29; Mateo 5:5).
Sa pagwawakas ng 1,000 taon, ang mga masasamang patay ay ibabalik sa buhay at papaligiran ang Bagong Jerusalem (Pahayag 20:9). Ang apoy mula sa kalangitan ay lalamon sa kanilang “ugat at sanga” (Malakias 4:1) na parang sila ay hindi nabuhay (Obadias 1:15, 16). Ito ang panghuling pagkawasak (2 Tesalonica 1:9) at walang hanggang kaparusahan (Mateo 25:46); ito ang kapahamakan ng mga masasamang tao. Ang daigdig ay tuluyan nang malilinis mula sa kasalanan.
NGUNIT—BALIK SA MAPANGLAW NA KASALUKUYAN...
Ngayon, walang simbahan o denominasyon ang naninindigan sa mga paniniwala nang ganap sa ibabaw nito, tumutupad sa Isaias 4:1. Ang “pitong” babae (ang pito ay simbolikong nagpapahiwatig sa pagiging kumpleto, iyon ay pitong araw ng paglikha, pitong huling salot, atbp.). LAHAT ng “babae” (mga simbahan na madalas kumatawan bilang babae sa Kasulatan; Pahayag 12:1 vs. Pahayag 17:3.) “ay magsisihawak sa isang lalake sa araw na yaon” (LAHAT ng mga simbahan ay magpapahayag na “Kristyano.”) “na mangagsasabi, kami ay magsisikain ng aming sariling tinapay” (Tinanggihan nila ang tunay na Tinapay – si Yahushua, Juan 6:51, para sa kanilang huwad na mga doktrina at tradisyon, Isaias 8:20) “at mangagsusuot ng aming sariling kasuotan” (Tinanggihan nila ang dalisay, puting kasuotan ng kanyang pagkamatuwid, pinili ang kanilang sariling gawa at pagkamatuwid, Isaias 61:10; Pahayag 3:4, 5, 18). “Tawagin lamang kami sa iyong pangalan,” (Sa kabila ng kanilang rebelyon, sabik sila sa pagkilala bilang bahagi ng ekklesia.) “alisin mo ang aming kadustaan” (upang itago ang kanilang kahihiyan bilang GANAP NA HUBAD na patutot na mga anak ng Babilonya! – Pahayag 17:5).
ANO ANG DAPAT NATING GAWIN?
Iyong mga “sumusunod sa Kordero” (Pahayag 14:4) at sumusunod sa Kasulatan lamang bilang hindi nagkakamaling tuntunin ng pananalig ay walang pagpipilian kundi sambahin Siya sa espiritu at katotohanan nang sarilinan sa kanilang mga tahanan, malayo mula sa mga bumagsak, mga tumalikod na simbahan – ang sinagoga ni Satanas. Sa aklat ng Pahayag, nananawagan si Yahuwah at tinatakan ang mga entidad na iyon bilang “Babilonya.” Dinagdag pa Niya sa Kanyang bayan na lumabas mula sa mga entidad na iyon bago Niya ibuhos ang Kanyang mga salot sa Babilonya – “sapagkat abot na sa langit ang kanyang mga kasalanan.” (Pahayag 18:1-5)