3 Pagsubok na Magpapasya ng Ating Walang Hanggang Kapalaran. Ang Unang Pagsubok ay sa Hugis ng Daigdig
1/
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
3 PAGSUBOK NA MAGPAPASYA NG ATING WALANG HANGGANG KAPALARAN. ANG UNANG PAGSUBOK AY SA HUGIS NG DAIGDIG
Ang 3 pagsubok ay nasa Pahayag 14. Ang bayan ni Yah ay binalaan tungkol sa pagpasa ng mga ito para angkop sa walang hanggang buhay. Ang hibla ay nakatuon sa unang pagsubok.
2/Simulan sa pagsipi ng teksto ng unang pagsubok:
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
Pagkatapos, nakita ko ang isang anghel na lumilipad, dala niya ang walang hanggang ebanghelyo upang ipahayag sa mga naninirahan sa lupa, sa bawat bansa, lipi, wika, at bayan. Malakas na sinabi niya, “Matakot kayo kay Yahuwah…
3/at luwalhatiin ninyo Siya, dahil dumating na ang oras ng paghuhukom. Sambahin ninyo Siya na lumikha ng langit at lupa, dagat at mga bukal ng tubig.”
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
Narito ang susing kinuha sa teksto:
-Ang Ebanghelyo ay tungkol sa nalalapit na pagtatatag ng kaharian ni Yahuwah sa lupa.
4/Magmula noon, plano ni Yah na magtatag ng isang walang hanggang kaharian sa lupa. Ngunit ang pagbagsak ni Adan ay naantala ito. Gayunman, ang magandang balita’y kay Kristo kaya ang plano’y magpapatuloy, at sa panahong ito’y hindi na maaantalang muli. Tunay na magandang balita.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
5/Layunin ng 3 pagsubok ay ipakita ang saklaw ng paghihirap ng sinumang kusang-loob na pagtiisan upang patunayan ang kasabikan na maging mamamayan ng walang hanggang kahariang ito. Marami ang magiging martir para sa kanilang nais na maging matapat na kandidato sa kaharian ni Yah.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
6/Ang ika-2 kinuha mula sa teksto:
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
Ang unang pagsubok ay isang taimtim na paalala ng banal na paghuhukom na haharapin ng lahat. Karamihan sa ngayo’y walang kamalayan sa nagaganap na paghuhukom na ito. Ating tungkulin na ipahayag ang 3 pagsubok upang gisingin ang lahat ng tao.
7/Ang ika-3 kinuha mula sa teksto:
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
Kapag nalaman natin ang paghuhukom ay nagaganap, ang unang reaksyon ay makaranas ng takot. Sapagkat ito’y hindi tungkol sa pagtayo sa isang makalupang hukom, kundi sa paninindigan sa harap ni Yahuwah, isang pinaka kagimbal-gimbal na pangyayari.
8/Ang ika-4 na kinuha mula sa teksto:
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
Kapag ang tamang ‘takot’ ay nagising, ito’y magdudulot ng isang sabik na pagnanais na sambahin at luwalhatiin ang Manlilikha, sabik rin na ibigay sa atin ang walang hanggang buhay. Ito’y kabutihan ni Yah na nagbabala tungkol sa paghuhukom.
9/Ang ika-5 kinuha mula sa teksto:
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
Hindi lang ipinabatid ni Yahuwah ang paghuhukom na magpapasya ng ating kapalaran. Sinabi NIYA sa atin kung paano sambahin at luwalhatiin SIYA, na masisiyahan SIYA. Sa pagkilala sa KANYA bilang Manlilikha ng Langit at Lupa, SIYA’Y masisiyahan.
10/Sa lugar na ito ang 99.5% ng mga tao ay bigo, sapagkat ang lupa at langit na pinaniwalaan nila ay 100% na naiiba sa lupa at langit na nilikha ni Yahuwah. Nilikha at itinatag ni Yahuwah ang lupa kaya ito’y hindi maaaring gumalaw. Ito’y hindi rin umiikot.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
11/Ang kalangitan na nilikha ni Yahuwah ay solido na bumabalot sa daigdig. Ang paglikha ng simboryo, na tinawag sa Bibliya na kalawakan ay ang malinaw na pagpapakita ng Kanyang Kapangyarihan na Lumilikha at Walang Hanggan. Ang simboryong ito’y nakita sa dakilang sindak at hanga.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
12/Upang sambahin si Yahuwah sa paraang nais Niya, kilalanin Siya bilang Manlilikha ng Langit at Lupa, sa paglalarawan ng Bibliya. Para palitan ang Kanyang kalangitan at hindi gumagalaw na daigdig ng anumang iba, ay kumakatawan sa sukdulang sala na maaaring makuha ng mga mortal.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
13/Sa Kanyang Salita, nakita natin:
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
Manlilikha: Yahuwah
Tagapamagitan: Yahushua
Para sa walang hanggang buhay: Pananalig kay Yahushua
Ebanghelyo: Ebanghelyo ng Kaharian ni Yahuwah
Paglikha: Hindi gumagalaw na daigdig at solidong kalangitan
Bautismo: Sa paglulubog
Pananampalataya
14/Bilang mga nilikha, walang karangyaan na baguhin ang Kanyang nakapupukaw na mga pahayag. Siya ang Manlilikha at tayo’y mga nilalang lang. Tayo’y hindi maaaring pumili ng anong angkop sa atin sa Kanyang Salita at tanggihan kung anong wala katulad sa ‘kaalamang huwad.’
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
15/Ang patotoo’y kadena na gawa sa maraming kawing. Ang bawat dugtong ay simbulo ng isang elemento ng patotoo. Kapag kusang-loob na tinanggihan ang isang dugtong ng patotoo, dahil hindi tugma sa mga teorya na itinuro’t itinaguyod ng mga tao ng mundo, tinatanggihan ang Ama.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
16/Kabaliwan na maaaring magkaroon ng tugma sa pagitan ng itinuro ng Bibliya at itinuturo ng mga ‘dalub-agham’ ngayon. ‘Nilinlang niya [Satanas] ang buong sanlibutan’ Pahayag 12:9. Nilinlang ang lahat ng Kristyano na tanggapin ang hindi solidong kalangitan at umiikot na mundo.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
17/Ang babala ng paghuhukom ni Yah ay dapat panawagan sa lahat na itapon ang alternatibong modelo ng paglikha. Paano tayo matatagpuan na nasisiyahan sa Kanyang paningin kung iwawaksi natin ang Kanyang patotoo tungkol sa paglikha at papalitan ito ng mga kasinungalingan ni Satanas?
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
18/Ang una sa 3 pagsubok ay sinasabi na hindi sapat na maniwala kay Yah bilang Isang Elohim at kay Kristo, na himalang nabuo sa sinapupunan ni Maria. Dapat tayong maniwala’t tanggapin kung ano ang sinabi NIYA tungkol sa daigdig at kalawakan, kahit na ang lahat ay iba ang naiisip.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
19/Tayo’y hindi maipapasa ang ika-2 at ika-3 pagsubok kung tayo’y mananatili sa mga panloloko ni Satanas tungkol sa hugis ng daigdig at kalangitan. Ang ika-2 at ika-3 pagsubok ay mas mahirap pa sa una. Sa ika-3 pagsubok, marami ang magiging martir sa hindi handa na makompromiso.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
20/Ang tanging paraan na maipapasa natin ang ika-2 at ika-3 pagsubok ay maipapasa ang una, sa pagtanggi sa hindi solidong kalangitan at umiikot na daigdig. Kung ito’y mahirap para sa atin, paano pa natin maipapasa ang mas mahirap na ika-2 at ika-3 pagsubok na naghihintay sa atin?
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
21/Ngayo’y mas malinaw na kung bakit ang mga tagasunod ay hindi maaaring maging kasapi sa anumang bumagsak na denominasyon dahil silang lahat ay tinanggap at itinaguyod ang mga daya ni Satanas tungkol sa hugis ng daigdig at hindi solidong kalangitan.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
22/Ang pag-ibig sa Kanyang patotoo tungkol sa paglikha ay dapat manguna sa kaisipan at puso, habang tayo’y nagpapahayag na ang paghuhukom ay dumating na at dapat matakot at sambahin SIYA, bilang Manlilikha ng hindi gumagalaw na daigdig at ang solidong simboryo sa itaas natin.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
23/Tayo’y sinubok ng unang pagsubok. Ang mga nakapasa sa pagsubok na ito ay makakaya rin ang ika-2. Nalalaman namin ang iilan na nakapasa na sa una at ika-2 pagsubok, habang sabik na naghihintay sa ika-3 pagsubok. Ilang taon na lamang sa maluwalhating pagbabalik ni Kristo.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
24/Nawa’y ang determinasyon na magtiis gaano pa man karami ngayon at sa pagbabalik ni Kristo ay hindi manghina. Ang walang hanggan kasama si Yah at Yahushua [sa daigdig na ito] ay naghihintay sa matapat. Ito’y mas mahalaga pa kaysa anumang kabayarang ibinayad natin para rito.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021