3 PAGSUBOK NA MAGPAPASYA NG ATING WALANG HANGGANG KAPALARAN. IKATLONG PAGSUBOK AY SA PAGSUNOD KAY YAH ANUMAN ANG KABAYARAN.
1/
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
3 PAGSUBOK NA MAGPAPASYA NG ATING WALANG HANGGANG KAPALARAN. Ikatlong Pagsubok Ay Sa Pagsunod Kay Yah Anuman Ang Kabayaran.
Una’y sa modelo ng paglikha ni Yah.
Ikalawa’y itapon ang daya ng Babilonya dahil bumagsak ito.
Ikatlo’y sasamba ba tayo kay Yah kahit maging iligal ito?
2/Ang ika-3 pagsubok ay ang pinakamahirap na haharapin ng Kanyang bayan. Ang kahalagahan ng pagpasa ng nito’y hindi maaaring labis na ilahad. Ang pinakamatinding bantang sinabi sa mga tao ay ikinabit sa mensahe nito. Ang kabiguan dito’y matatamo ang sukdulang poot ni Yah.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
3/Ang huling pagsubok ay matatagpuan ito sa Pahayag 14:9-12.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
“Sumunod ang ika-3 anghel na nagsasabi nang malakas, “Sinumang sumasamba sa halimaw at sa larawan nito at tumatanggap ng tanda sa kanyang mga noo at sa kanyang mga kamay, ay iinom din sa alak ng poot ni Yahuwah..
4/..na ibubuhos na walang halo sa kopa ng kanyang galit. Ang taong iyon ay pahihirapan sa apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel at ng Kordero. Ang usok ng kanilang paghihirap ay pumapailanlang magpakailanpaman. Wala silang kapahingahan araw at gabi..
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
5/..silang sumasamba sa halimaw, sa larawan nito at tumatanggap ng tanda ng pangalan nito. Ito ay panawagan para sa pagtitiis ng mga banal, sila na tumutupad sa mga utos ni Yah at patuloy na sumasampalataya kay Yahushua.”
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
Ito mismo ay: si Yah o ang halimaw at kanyang larawan?
6/Ang halimaw ay napatunayan na ang kapapahan. Ang larawan ng halimaw ay naipakita saanman sa mga vidyo at artikulo ng WLC na ang kalendaryong Gregorian, na tinulungan ng Estados Unidos na itatag bilang isang kalendaryo ng buong mundo para sa kalakal at mga kapakanang sibil.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
7/Matatamo ang poot ni Yah kapag nagbigay-parangal sa Roma at kalendaryo. Hindi masama na gamitin ang kalendaryo ng Roma para sa araw-araw. Pero hindi dapat gamitin ito para sa Sabbath at hindi pararangalan ang araw na pinili ng Roma sa pagsamba, kahit ipatupad ng estado.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
8/Ang mensahe ng ika-3 anghel ay pinakataimtim sa lahat, bago ang pagbabalik ni Kristo, gagamitin ni Satanas ang kapapahan at Estados Unidos upang ipatupad ang pandaigdigang utos, kapag sumunod sa kalooba’y bubuo sa pinakamalalang sala ng pagsamba sa halimaw at larawan nito.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
9/Kapag sumuko tayo sa mga batas na ito, matatanggap natin ang tanda ng halimaw. Ang tanda ay matatanggap sa noo, kapag nakumbinsi na tama ang mga batas. Kapag nalalaman ang mga batas na iyon na pagbibigay ng parangal sa halimaw, ang tanda ay matatanggap sa kanang kamay.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
10/Ang pagtanggap ng tanda sa kanang kamay ay sumasalamin sa kakulangan ng pananalig ng tumanggap. Sapagkat ang pagbili at pagbenta’y bawal sa mga tumangging tanggapin ang tanda, ang tumanggap ay magbibigay-parangal sa halimaw. Ngayon na ang panahon upang pagkatiwalaan si Yah.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
11/Ang mga bansa’y hangad ang ekonomiyang walang salapi, at sa teknolohiya sa buhay ng tao, mas madaling ipatupad ang ‘bawal bumili’t magbenta’ sa mga ayaw ng tanda. Si Yah, sa karunungan Niya, ay ibinigay ang cryptocurrency para mapagaan ang tindi ng mga batas sa Kanyang bayan.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
12/Mahalaga na simulang matutunan kung paano gamitin ang cryptocurrency. Ang WLC ay naniwalang ang Litecoin (LTC) ay kapaki-pakinabang na barya para sa paparating.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
Gayunman, ang mahusay na handa na gagawin upang ipasa ang ika-3 ay ang madalas na pananahan sa kwento sa Daniel 3.
13/Habang mga binata lamang, ang 3 Hebreo na ito’y nagpakita ng katapangan na dapat tularan ng lahat para sa paparating na pagsubok ng ika-3 anghel. Haharapin nila ang hindi makatarungang utos sa kanila na sumamba sa anito. Para sa kanila, ang pagsamba’y para lamang kay Yahuwah.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
14/Upang matiyak ang drakonikong utos ni Nebucadnezar ay mahigpit na ipinatupad, isang maalab na pugon ang itinayo katabi ng anito. Kapag ang sandali ng pagsamba ay dumating, LAHAT ay yuyuko at sasamba sa anito, maliban sa 3 Hebreong karapat-dapat. Sinuway nila ang utos.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
15/Ang hari’y binigyan sila ng huling tsansa na baguhin ang isipan nila. Sila’y hindi nagsayang ng sandali sa pagtanggi sa alok. Sinabi nila na hindi sila nag-aalala tungkol sa anong mangyayari. Itinapat nila ang pananalig kay Yahuwah, na kaya silang iligtas dahil kalooban Niya.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
16/Ang karanasan ng 3 Hebreo ay mauulit sa lahat ng tatangging sumamba sa halimaw at kanyang larawan. Ilista ang mga pangunahing rurok ng kanilang pagsubok:
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
1. Ang utos na sumamba sa anito ay biglang dumating, nang walang babala. Kaya ito’y makakasama natin.
17/
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
2. Walang kakulangan ng mga tagapagsuplong na nag-ulat sa hari sa pagtanggi ng 3 Hebreo na yumuko sa anito. Ang 3 Hebreo ay hindi nagtago. Sila’y nanatiling nakatayo habang ang awit ay tumutugtog. Gaya nito, ang mga matatapat ay dapat asahan na isumbong ng mga tagapagsuplong.
18/
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
3. Ang hari’y nabalot ng poot at ang kanyang mukha ay nagdilim sa galit sa 3 Hebreo, noong tumanggi sila sa alok na baguhin ang kanilang posisyon. Ganito rin ang lagay ng mga matatapat sa huling pagsubok. Manggagalaiti ang mga awtoridad sa mga tumangging tanggapin ang tanda.
19/
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
4. Ang maalab na pugon ay hindi kinatakutan at hindi pinahina ang 3 Hebreo. Piniling itapon sila sa pugon sa halip na yumuko sa isang anito. Gaya nito, ang mga matatapat sa huling pagsubok ay dapat na handang harapin ang kamatayan, kaysa makitang yumuko sa halimaw at larawan.
20/Ipinakita ng anghel ang 3 katangian ng mga nagtagumpay:
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
1) May mabuting pagkamatiisin, 2) mga tagapagpanatili ng kautusan, 3) may pananalig ni Kristo.
Ang pagkamatiisin ay ipinakita sa buong Bibliya. Nagpakita ng pagiging matiis ang mga hinirang dahil sa kanilang pananalig.
21/Ang kautusa’y sanggunian sa 10 Utos. Lahat ng Kristyanismo’y sumang-ayon sa siyam sa mga ito. Ang isa na kusang hinayaan ay ika-4 na utos. Ang mga tagapagpanatili ng Sabbath ay ang mga magtatagumpay; pinanatili ito gamit ang kalendaryo ni Yah at hindi ang kalendaryong ng Roma.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
22/Isang tinig mula sa Langit ang nag-utos kay Juan na isulat ito: ‘Pinagpala ang mga namatay dahil sa Panginoon. Totoo, magpapahinga sila mula sa mga pagpapagal, dahil susundan sila ng mga gawa nila.’ Maraming magiging martir sa huling pagsubok, sandali bago bumalik si Kristo.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
23/Matapos ito, sinabi ni Juan: ‘Tumingin ako, naroon ang isang puting ulap, nakaupo sa ibabaw nito ang isang tulad ng anak ng tao na may koronang ginto sa kanyang ulo, at may hawak na isang matalas na karit!’ Pahayag 14:14. Isang maluwalhati ang pagbabalik ni Kristo.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
24/Sa pagbabalik ni Kristo, bubuhayin muli ang mga namatay, sila at mga buhay na hinirang ay bibigyan ng imortalidad, upang mamuhay kasama ni Kristo sa lupa magpakailanman. Sila’y tumanggi sa halimaw at kanyang larawan, at ngayo’y maaari na magsaya sa maligayang walang hanggan.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021
25/Gaano man katindi’t katagal ang pagdusahan at pagtiisan ng mga matatapat sa kamay ng halimaw, ito lamang ay sandali kumpara sa walang hanggang kaligayahan na naghihintay sa kanila. Napakaliit lamang na kabayaran. Nawa’y wala sa atin ang sasamba sa halimaw o kanyang larawan.
— WLC_team_Tagalog (@TagalogWlc) March 28, 2021