5 Dahilan na Dapat Mapanatili ng mga Kristyano ang Torah
Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ang Bibliya ay naitala para sa atin na ang lahat ng Kasulatan ay ihininga ni Yahuwah at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at pagsasanay sa katuwiran (2 Timoteo 3:16), ngunit maraming Kristyano ngayon ay nakalimutan ang ilan sa mga lubos na mahahalagang bahagi ng Kasulatan—ibig sabihin, ang mga “pagtuturo” ni Yahuwah, o sa Hebreo, ang Torah.
Kaya gaano karami ang nalalaman mo tungkol sa Torah? Kung ikaw ay isang Kristyanong sumasampalataya sa Bibliya, maaari mong ikagulat na matuklasan na ikaw sa katunayan ay naniniwala sa pagpapanatili ng Torah sa ilang saklaw. Mismo, ang Torah (madalas isinalin bilang “Kautusan” sa Tagalog) ay matatagpuan sa unang limang aklat ng Bibliya at binubuo ng mga pagtuturo ni Yahuwah sa Kanyang bayan. Ang mga pagtuturong ito ay isinama ang mga utos gaya ng pag-aalaga ng mga mahihirap at pag-ibig sa mga kaaway; huwag magsinungaling, huwag magnakaw, huwag makiapid, atbp. Karamihan sa mga Kristyano ay tiyak na sasang-ayon sa mga utos na iyon. Gayunman, ang Torah rin ay naglalaman ng ilang kautusan na karaniwang hindi pinapansin ng maraming Kristyano ngayon, gaya ng pagpapanatili ng Sabbath (Exodo 20:8-11), pagpapanatili ng mga Biblikal na kapistahan (Levitico 23), at hindi pagkain ng maruming hayop (Levitico 11). Ang mga sumusunod ay isang listahan ng limang dahilan para sa mga Kristyano na dapat muling bisitahin ang mga bahaging ito ng Kasulatan.
Kung pinaniwalaan ninyo si Moises, sana’y pinaniwalaan din ninyo ako, sapagkat siya ay sumulat tungkol sa akin. Ngunit kung hindi ninyo pinaniniwalaan ang mga sinulat niya, paano ninyo paniniwalaan ang mga sinabi ko? (Juan 5:46-47)
|
1) Ang Torah ay tungkol lahat kay Yahushua.
Kung pinaniwalaan ninyo si Moises, sana’y pinaniwalaan din ninyo ako, sapagkat siya ay sumulat tungkol sa akin. Ngunit kung hindi ninyo pinaniniwalaan ang mga sinulat niya, paano ninyo paniniwalaan ang mga sinabi ko? (Juan 5:46-47)
Si Moises ay isa na nagsulat ng mga pagtuturo ni Yahuwah na nakapaloob sa Torah. Sa lahat ng kanyang mga kasulatan, may mga propetikong pahiwatig tungkol sa Mesias na huling ipinakita sa Bagong Tipan bilang si Yahushua. Sa katunayan, ang mismong pangalan ng Mesias ay nabanggit sa Torah:
Ang Panginoon ay aking lakas at awit, At siya’y naging aking kaligtasan. (Exodo 15:2)
Ang salitang kaligtasan sa bersong ito ay ang salitang Hebreo na yeshû‛âh. Mismo, ang pangalan ni Yahushua ay nangangahulugang “kaligtasan ni Yahuwah.” Ito ay isa sa daan-daang sanggunian kay Yahushua na nasa Torah. Sapagkat ipinahayag ng Bagong Tipan, nagsulat si Moises tungkol kay Yahushua. Dahil dito, kung naniniwala tayo sa mga salita ni Moises, naniniwala rin tayo sa mga salita ni Yahushua. Ipinahayag sa negatibong panig, kung tinanggihan natin ang mga salita ni Moises, sa paraang ito, tinanggihan din natin ang mga salita ni Yahushua.
Nalalaman mo ba na ang Sabbath at ang mga Biblikal na kapistahan sa katunayan ay nagsisilbi bilang mga propetikong pahayag ni Yahushua? Isaalang-alang ang Sabbath: Tayo’y inutusan na ganap na mamahinga sa panustos ni Yahuwah sa ikapitong araw. Sa ibang mga salita, hindi tayo gagawa sa Sabbath ng mga bagay na karaniwang ginagawa natin sa panahon ng pamamahinga sa sanlinggo para sa pansariling panustos (iyon ay iyong karaniwang trabahong binabayaran). Ito ay dahil ang araw ng Sabbath ay isang larawan ng ating sukdulang pamamahinga kay Kristo. Hindi tayo maaaring “gumawa” para sa ating Kaligtasan; maaari lamang tayong sumampalataya sa panustos ni Yahuwah sa pamamagitan ng Kanyang Mesias. Samakatuwid, sa bawat panahon na tayo’y namamahinga sa Sabbath, tayo’y nagpapatibay sa mensahe ng Ebanghelyo. Sa kaparehong paraan, bawat isa sa pitong Biblikal na araw ng kapistahan ay nagsasalaysay ng kwento ng kamatayan, muling pagkabuhay, at muling pagbabalik ni Kristo.
2) Pinanatili at itinuro ni Yahushua ang Torah.
Karamihan sa mga biblikal na iskolar at mananalaysay ay sumasang-ayon na si Yahushua ay namuhay sa kanyang buhay bilang isang tumatalima sa Torah na Hudyo. Ang kanyang mga tagasunod ay tinatawag siyang “Rabi” o guro. Dumadalo siya sa Sinagoga tuwing Sabbath. Nagdiriwang siya ng Paskua at lahat ng ibang Biblikal na kapistahan. Dagdag pa, ang orihinal na Mesyanikong samahan na lumitaw sa kanyang mga pagtuturo na nagpapatuloy na panatilihin ang Torah sa buong unang siglo. Ang propesor ng biblikal na literatura, si Dr. Brad Young, Ph.D., ay inilagay ito nang pinakamahusay:
Madalas tayong tumitingin kay Yahushua sa isang makasaysayang bakyum sa resulta na inilipat natin ang ika-21 siglong mga Kanluraning kahalagahan at alalahanin sa kanya. . . . Ang makasaysayang Yahushua ay nananatiling isang Hudyo. Ang kanyang pananampalataya at pagtalima sa kanyang Ama sa langit ay pinagigitnaan ng mahalagang kaloob na ibinigay sa Bundok Sinai: ang Torah.
|
“Madalas tayong tumitingin kay Yahushua sa isang makasaysayang bakyum sa resulta na inilipat natin ang ika-21 siglong mga Kanluraning kahalagahan at alalahanin sa kanya. Pinanatili natin siya tungo sa mabuting Methodist, Katoliko, Baptist, Anglikan, Pentecostal, o anumang ibang denominasyonal na pag-aangkop. Ang makasaysayang Yahushua ay nananatiling isang Hudyo. Ang kanyang pananampalataya at pagtalima sa kanyang Ama sa langit ay pinagigitnaan ng mahalagang kaloob na ibinigay sa Bundok Sinai: ang Torah.”
Si Yahushua mismo ay sinabi sa atin na huwag isipin na dumating siya para buwagin ang Torah. Dagdag pa niya na walang lilipas mula sa Torah, lumipas man ang langit at ang lupa (Mateo 5:17-19). Kawili-wili, ayon sa Kasulatan, ang ating kasalukuyang langit at lupa ay lilipas sa takdang panahon at isang bagong langit at bagong lupa ang itatatag: Sapagkat lumipas na ang unang langit at ang unang lupa (tingnan ang Pahayag 21:1-4). Ang pangyayaring ito ay magaganap matapos ang isang libong taong paghahari ni Kristo Yahushua sa lupa at kasama ang ganap na katapusan ng kamatayan, pagluluksa, pagtatangis, at kirot (berso 4). Buhat noong ang kamatayan, pagluluksa, pagtatangis, kirot ay nananatiling umiiral sa ating sanlibutan ngayon, sinusundan nito nang makatuwiran na walang lilipas mula sa Torah.
Kawili-wili rin na tandaan na ang salitang Kristyano ay literal na nangangahulugang “Tagasunod ni Kristo.” Mismo, tayo bilang mga Kristyano ay tinuruan na lakarin ang nilakad ni Yahushua. Sapagkat pinanatili at itinuro ni Yahushua ang Torah, naniniwala ako na nararapat para sa mga Kristyano na gawin rin ito.
Ang sinumang nagsasabing nananatili siya kay Yahuwah ay dapat mamuhay kung paano namuhay si Yahushua. (1 Juan 2:6)
3) Ang mga Apostol ay pinanatili at itinuro ang Torah.
Gaya ng kanilang Rabi Yahushua, ang mga Apostol ay pinanatili ang lahat ng Torah. Ang mga kautusan gaya ng Sabbath, mga Kapistahan, at mga pang-dyetang pagtuturo ay nanatiling mga sentrong kasanayan ng kanilang pananampalataya nang matagal matapos ang muling pagkabuhay ng kanilang Panginoon. Sa katunayan, ang mga pagtuturo ni Yahushua sa kanyang mga alagad bago ang kanyang pag-akyat ay para magkaroon ng “alagad ang lahat ng mga bansa” at ituro sa lahat ang inutos niya sa kanila (Mateo 28:19-20). “Lahat” ng inutos niya ay halatang kasama ang Torah.
Gaya ng kanilang Rabi Yahushua, ang mga Apostol ay pinanatili ang lahat ng Torah. Ang mga kautusan gaya ng Sabbath, mga Kapistahan, at mga pang-dyetang pagtuturo ay nanatiling mga sentrong kasanayan ng kanilang pananampalataya nang matagal matapos ang muling pagkabuhay ng kanilang Panginoon.
|
Maging ang Apostol na si Pablo ay sumang-ayon kay Yahushua na ang Torah ay hindi bubuwagin; pinayuhan niya ang mga Kristyano na itaguyod ang Torah sa pamamagitan ng pananalig kay Kristo (Roma 3:31). Itinuro niya sa mga Hentil na Kristyano sa ekklesia ng Corinto na tumalima sa Pista ng Paskua:
Alisin ninyo ang lumang pampaalsa, upang kayo’y maging bagong masa, na talaga namang kayo’y walang pampaalsa. Sapagkat si Kristo na Kordero ng ating paskua ay naialay na. Kaya’t magdiwang tayo ng pista, nang walang lumang pampaalsa, ni pampaalsa ng maruming pag-iisip at kasamaan. Sa halip, magdiwang tayo nang may tinapay ng kalinisan at katotohanan, isang tinapay na walang pampaalsa. (1 Corinto 5:7-8)
Dagdag pa, nalalaman natin na ang mga alagad ay nagdiriwang ng Pista ng Shavout (Pentecostes), noong tinanggap nila ang Banal na Espiritu (Mga Gawa 2). Sinasabi sa atin ng Mga Gawa 17:1-2 ang kaugalian ni Pablo na dumalo sa Sinagogang paglilingkod tuwing Sabbath, at sa ilang okasyon, makikita natin si Pablo na ipinagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga maling akusasyon na itinuro niya laban sa Torah (Mga Gawa 21:20-24 & 24:14). Isa pa, itinuro nang pahiwatig ni Pablo ang mga Kristyano sa 1 Timoteo 4:4-5 na huwag kumain ng maruruming karne ng hayop kundi tanggapin ang pagkain na pinabanal ng Salita ni Yahuwah. (Ang Salita ni Yahuwah ay pinapabanal lamang ang malilinis na mga hayop.)
Maraming beses sa buong Bagong Tipan ay isinalaysay sa atin na tularan ang mga Apostol (tingnan ang 1 Corinto 4:16; 11:1; Filipos 3:17; 1 Tesalonica 1:6; 2 Tesalonica 3:7-9). Dahil dito, hindi ba natin sila gagayahin sa pagpapanatili ng Torah?
4) Ang Banal na Espiritu ay pinalalakas ang mga Kristyano sa pagpapanatili ng Torah.
Ayon kay Pablo, ang ating batayang pantaong kalikasan ay may kaugaliang hindi pumanig kay Yahuwah. Gayunman, ang mabuting balita ay mayroon tayong tulong mula sa Banal na Espiritu na lumakad sa mga pamamaraan ni Yahuwah. Tinatalakay ni Pablo ang malalim na ito sa ikawalong kabanata ng Roma. Sinasabi niya na ang ating laman (ang ating batayang pantaong kalikasan) ay salungat kay Yahuwah at hindi nagpapasakop sa Kanyang Torah:
Ang pag-iisip ng laman ay pagkapoot laban kay Yahuwah, sapagkat hindi ito nagpapasakop sa Kautusan ni Yahuwah, at talaga namang hindi niya ito magagawa. (Roma 8:7)
Ayon kay Pablo, ang ating batayang pantaong kalikasan ay may kaugaliang hindi pumanig kay Yahuwah. Gayunman, ang mabuting balita ay mayroon tayong tulong mula sa Banal na Espiritu na lumakad sa mga pamamaraan ni Yahuwah.
|
Ito ay dahil ang Torah ay “Espiritwal” (Roma 7:14), at ang ating laman ay itinuturing lamang ang mga bagay na malaman. Sinasabi ni Pablo na tanging ang mga nabubuhay lamang ayon sa Espiritu ang isasaalang-alang lamang ang Espiritwal na bagay, kabilang na ang Torah:
Ang mga namumuhay ayon sa laman ay nagtutuon ng kanilang isipan sa masasamang hilig nito. Subalit ang mga namumuhay ayon sa Espiritu ay nakatuon sa mga nais ng Espiritu. (Roma 8:5)
Bilang mga Kristyano, tayo’y maglalakad ayon sa Espiritu, hindi sa laman. Ang laman ay mahina at hindi maaaring magpasakop sa Torah. Gayunman, ang Banal na Espiritu ay ibinigay upang bigyan ng kapangyarihan ang mga Kristyano na panatilihin ang Torah:
Ang hindi magawa ng Kautusan, na pinahihina ng laman, ay ginawa ni Yahuwah sa pamamagitan ng pagsusugo sa kanyang sariling Anak sa anyo ng makasalanang pagkatao upang hatulan niya ang kasalanan. Sa gayon, sa kanya iginawad ang hatol sa kasalanan. Ginawa ito ni Yahuwah upang ang makatarungang itinatakda ng Kautusan ay matupad sa atin, na namumuhay ayon sa Espiritu at hindi ayon sa laman. (Roma 8:3-4)
5) Ang pagpapanatili sa Torah ay isang pagpapala.
Marami sa mga Kristyano ay hindi nauunawaan kung ano ang itinuturo ng Bagong Tipan tungkol sa Torah at dahil dito’y itinuturing ito na isang pasanin, subalit hindi ito ang nararamdaman ng mga manunulat ng Bibliya tungkol rito. Ang tanging paraan sa Torah na maaaring isang pasanin ay kung ang isang tao ay mali ang pagkakaunawa rito at sinusubukan na makakuha ng kaligtasan sa pagpapanatili nito. Iyon ay ang mga huwad na guro na ipinahayag ni Pablo na pinaniwalaan ng mga taga-Galacia. Itinuro nila na ang mga Hentil ay maaari lamang maligtas kung tinuli na sila ayon sa kautusan. Ang isyu na ito ay ipinahayag din sa Mga Gawa 15:
Marami sa mga Kristyano ay hindi nauunawaan kung ano ang itinuturo ng Bagong Tipan tungkol sa Torah at dahil dito’y itinuturing ito na isang pasanin, subalit hindi ito ang nararamdaman ng mga manunulat ng Bibliya tungkol rito.
|
May ilang taong dumating sa Antioquia mula sa Judea na nagtuturo ng ganito sa mga kapatid, “Malibang kayo'y tuliin ayon sa Kautusan ni Moises, hindi kayo maliligtas.” (Mga Gawa 15:1)
Ang mga Apostol ay itinuro na ang kaligtasan ay tangi lamang sa kagandahang-loob sa pamamagitan ng pananalig kay Kristo Yahushua, hindi sa pagtutuli:
Sumasampalataya tayo na tayo’y maliligtas sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Panginoong Yahushua, gayundin sila. (Mga Gawa 15:11)
Mismo, ang ating pagtalima sa Torah ay resulta lamang ng isang nagbagong buhay kay Kristo Yahushua. Hindi natin pinanatili ang Torah para maligtas; pinanatili natin ito dahil tayo’y naligtas!
Kapag naunawaan natin nang tama ang lugar ng Torah sa ating mga buhay, ito’y isang pinagkukunan ng pagpapala. Sa katunayan, ang pinakamahabang kabanata sa Bibliya (Awit 119) ay nakalaan sa pagpapahayag ng kagalakan sa Torah. Sa Awit na ito, nagpapahayag si Haring David ng pag-ibig sa Torah at ang lahat ng mga mananampalataya ay dapat taglayin ito.
Halimbawa: Kapag isinaalang-alang natin ang naglalahong maliit na bahagdan ng mga pamilya na nananatiling kumakain ng hapunan nang magkakasama sa ating panahon, maaari nating makita kung paano ang pagpapanatili ng Torah ay isang pagpapala. Ang Torah ay naglilingkod upang pagpalain ang mga pamilya sa pagsasama ng mga kasapi, isang beses sa araw ng Shabbat (Sabbath). Narinig ko ang hindi mabilang na mga testimonya mula sa mga pamilyang Kristyano na nakatuon sa pagtalima sa Sabbath bawat sanlinggo, at sa bawat kasong ito, hinatid sila nang mas malapit at maging ang mga nagkawatak-watak na relasyon ay naayos din.
Mismo, ang ating pagtalima sa Torah ay resulta lamang ng isang nagbagong buhay kay Kristo Yahushua. Hindi natin pinanatili ang Torah para maligtas; pinanatili natin ito dahil tayo’y naligtas!
|
Dagdag pa, ang modernong agham ay sa wakas humahabol na sa Salita ni Yahuwah dahil ang mga pag-aaral ay nagpapakita ng pangwakas na ebidensya na ang mga maseselang peligro sa kalusugan na may kinalaman sa paglagpas sa pang-dyetang hangganan ni Yahuwah. Napatunayan nito na ang pinakamaruming karne ng hayop ay nagdadala ng mga parasito, sakit, at lubos na mataas ang nilalamang lason. Dahil dito, ang Torah ay pinagpapala ang ating kalusugan sa pagbibigay sa atin ng mabuting patnubay para sa malusog na pagkain.
Iyon ay ilan lamang sa mga halimbawa kung paano ang Torah ay isang pagpapala. Hindi na kagulat-gulat na si Moises ay ipinahayag na ilalagay niya sa harap mo ang buhay at ang kamatayan, ang pagpapala at ang sumpa (Deuteronomio 30:19). Gaya ng sinasabi ng Salita ni Yahuwah, tayo’y pinagpala kapag pinanatili natin ang Torah.
Ano naman ang sa iyo?
Umaasa ako na ang maiksing listahang ito ay nagbigay sa iyo ng isang bagay para pag-isipan nang mabuti! Madasaling isaalang-alang ang pagsama sa mga Kristyano sa buong mundo na bumabalik sa mga ugat ng kanilang pananampalataya at magalak sa mga pagpapala ng pagpapanatili ng Torah.
Ito ay isang hindi-WLC na artikulong isinulat ni David Wilber.
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC