Ang Lihim Upang Magtagumpay: Taglayin ang Pananalig ni Yahushua
Naglalaman ang Pahayag 14 ng isang kaakit-akit na paglalarawan ng huling henerasyon: “Hindi sila nagsinungaling kailanman at wala silang anumang kapintasan.” “. . . Ang mga hinirang . . . , ang mga sumusunod sa mga utos [ni Yahuwah] at nananatiling tapat kay [Yahushua].” (Tingnan ang Pahayag 14:5 at 12.) Ang huling henerasyon ay kakaiba dahil, sa lahat ng mga henerasyon na nabuhay, sila’y inilarawan na “walang anumang kapintasan” at ito ay dahil sumusunod sila sa utos ni Yahuwah at nananatiling tapat kay Yahushua.
Ang ibig sabihin ng “panatilihin” ay higit pa sa anuman ang taglay. Ibig sabihin din nito ay upang bantayan at upang pangalagaan. Ang huling henerasyon ay walang kapintasan kay Yahuwah sapagkat kanilang pinanatili, binantayan at inalagaan ang pananalig ni Yahushua. Ito, ang pananalig ni Yahushua, ay isang bagay na nagpapagana sa kanilang panatilihin ang banal na kautusan at nakitang walang anumang kapintasan.
Napakaraming pagkalito sa kung ano ang tiyak sa “pananalig ni Yahushua”. May ilang nagtaka kung ito ba ay pananalig kay Yahushua. Ang katunayan ay, mayroong dalawa: pananalig kay Yahushua at pananalig ni Yahushua. Parehong kailangan para sa kaligtasan.
Ang pagtimpla sa pagkalito para sa karamihan ay isang maling pagkakaunawa kung ano, tiyakan, ang pananalig mismo! Maraming tao ang nagpalagay na, maliban kung mayroon silang ilang tumakas na mga mabubuting damdamin, sila’y nagkukulang ng pananampalataya. Sila'y tumatangis sa kakulangang ito, sinasariwa ang mga sandaling dama nila’y puno ng pananalig at sila’y sinusubukang pagsamahin ang mga mabubuting damdamin, humahantong lamang na tapusin ang damdamin gaya ng mga pagkabigo kapag ang kanilang damdamin ay hindi nagbabago. Ito ay isang nakapanlulumong pagkakamali. Ang pananalig ay hindi damdamin! Ang pananalig ay isa lamang kasunduan ng kaisipan na anumang sabihin ng sinuman ay tama. Iyon lamang.
Binigyang kahulugan ng talatinigan ang pananalig bilang:
Paniniwala; ang pahintulot ng kaisipan sa katotohanan na ipinahayag ng sinuman, sumandig sa kanyang karapatan at katapatan, nang walang ibang ebidensya; ang kahatulan ng anumang ipinahayag o nagpatotoo sa katotohanan . . . Ang pahintulot ng kaisipan sa katotohanang iminungkahi ng sinuman...1
Ito
ang dalisay na pananalig ni Yahushua. Ito ang Kanyang sinasanay sa Kanyang Ama
habang narito sa lupa. Habang laging nalalaman na si Yahushua na Siya ang Anak
ni Yahuwah, nung Siya ay isaanyo, Siya ay hindi isinilang nang may benepisyo ng
mga akumuladong gunita ng Kanyang relasyon sa Ama. Sa halip, kailangan Niyang
buuin ang umuunlad na relasyon sa Kanyang Ama sa pamamagitan ng pang-araw-araw
na komunyon at pagsasama. Kapag ang Anak ay isinilang kasama ang ganap na
paggunita ng Kanyang mga nakaraang karanasan sa Kanyang Ama nung Siya ay nasa
Langit, mayroon Siyang kalamangan sa atin; dahil dyan, hindi Siya magiging
tunay na halimbawa sa ating lahat. Si Yahushua, gayunman, ay tunay ngang
halimbawa; purihin ang Kanyang pangalan! Maaari Siyang matukso at Siya ay
natukso nga. Totoo ito, subalit ito ay bahagi lamang ng plano ni Yahuwah na
iligtas ang mga makasalanan. “Sa pamamagitan ng Kanyang pagdurusa, Siya'y
ginawang ganap [ni Yahuwah] at nang sa gayon ay makapagdala Siya ng maraming
anak patungo sa kaluwalhatian. Ito'y dapat lamang gawin [ni Yahuwah] na lumikha
at nangangalaga sa lahat ng bagay, sapagkat si [Yahushua] ang Tagapanguna ng
kanilang kaligtasan.” (Mga Hebreo 2:10, MBB2)
Bilang Tagapanguna ng ating kaligtasan, naging ganap ang pananalig ni Yahushua kay Yahuwah. Nakita ito sa Kanyang buhay sa lupa. Naitala ng Kasulatan sa detalye ang mga panahon ng pinakamalaking pagsubok ng pananampalataya: ang Ilang ng Panunukso at ang Pagpapako sa Krus. Sa kaparehong mga panahon ng pinakadakilang sagupaan, nagtagumpay si Yahushua sa pagsasanay ng pananampalataya sa Kanyang Ama. Upang ilagay sa ibang salita, pinili ni Yahushua na pabayaan ang damdamin at nagtiwala sa mga pangako ng Ama.
Ang Tagapagligtas ay walang kapangyarihang sinanay na hindi ito ang ating pribilehiyo na sanayin rin ang kaparehong paraang ginawa Niya: sa pananalig kay Yahuwah. Ang katunayan na nagtagumpay si Yahushua sa pananalig sa Kanyang Ama ay ipinakita sa sinabi Niya sa mga panahon ng pinakadakilang panunukso: sinipi Niya ang Kasulatan. Kahit nakabitin na sa krus, ang Kanyang sigaw ng matinding paghihirap, “O [El] ko! [El] ko! Bakit mo ako pinabayaan?” ay isang direktang sipi mula sa Mga Awit 22:1. Ipinapakita nito, habang nagdurusa sa malabis na matinding paghihirap at magapi sa mga panunukso ni Satanas na pagdudahan ang kabutihan ng Kanyang Ama, ang kaisipan ni Yahushua ay kumakapit sa mga pangako ni Yah.
Ang Mga Awit 22 ay propesiya ng pagpapako sa krus! Ang mga berso 14 at 16 ay pisikal na paglalarawan ng mga nangyari sa katawan na nahinto sa pagpapako sa krus. Ang berso 18 ay nahulaan nang tiyak kung ano ang ginawa ng mga sundalong Romano sa kasuotan ni Yahushua: “Mga damit ko'y kanilang pinagsugalan, at mga saplot ko'y pinaghati-hatian.” Ang pangungutya ng mga pari na naitala sa Mateo 27:41-43 ay isang salita para sa salitang katuparan ng Mga Awit 22:7 at 8: “Pinagtatawanan ako ng bawat makakita sa akin, inilalabas ang kanilang dila at sila'y pailing-iling. Sabi nila, ‘Nagtiwala siya kay [Yahuwah]; hayaang iligtas siya nito. Kung talagang mahal siya nito, darating ang kanyang saklolo!’ ”
Sa pamamagitan ng pagbalot sa kaisipan ng Banal na Kasulatan, sinanay ni Yahushua ang pananampalataya kay Yahuwah: pinili Niyang ipagsawalang-bahala ang Kanyang damdamin ng pagpapabaya at sa halip, piniling magtiwala sa pag-ibig ng Kanyang Ama, na dati nang ipinakita. Ang kaparehong awit na ganap na nahulaan ang pagsubok ni Yahushua sa krus, ay naglaman din ng mga salitang pumukaw sa pananampalataya: “Ngunit ikaw ang Banal na pinaparangalan, at sa Israel ikaw ay pinapupurihan. Ang mga ninuno nami'y nagtiwala sa iyo, sa iyo umasa kaya sila'y iniligtas mo. Tumawag sila sa iyo at sa panganib ay nakawala, nagtiwala sila sa iyo at di naman sila napahiya.” (Mga Awit 22:3-5, MBB)
“Si Satanas sa kanyang mga marahas na panunukso, ay nagpumilit sa puso [ni Yahushua]. Ang Tagapagligtas ay hindi maaaring makita ang mga lagusan ng puntod. Ang pag-asa’y wala sa Kanya, ang Kanyang emanasyon mula sa libingan ay isang manlulupig, o sabihin sa Kanya ang pagtanggap ng Ama sa alay. Natakot Siya na ang kasalanan ay lubos na nakagagalit [kay Yahuwah] na ang Kanilang paghihiwalay ay magiging walang hanggan. Bumagsak kay Kristo ang dalamhati kung saan ang makasalanan ay mararamdaman kapag ang awa ay hindi na magsumamo para sa makasalanang lahi. Ito ay diwa ng kasalanan, magdadala ng poot ng Ama sa Kanya bilang pamalit sa tao, ang kopa na Kanyang ininom ay labis na mapait, at sumira sa puso ng Anak [ni Yahuwah]. . . . Biglaan, ang lagim ay napawi mula sa krus at sa malinaw, tunog na parang trumpeta, na nakitang umalingawngaw sa buong paglikha, sigaw ni [Yahushua], “Natapos na.” “Aking Ama, sa Iyong mga kamay, ipagkakatiwala ko ang Aking espiritu.” Isang liwanag ang pumaligid sa krus, at ang mukha ng Tagapagligtas ang nagliwanag sa kaluwalhatian tulad ng araw. Tumungo ang ulo Niya sa Kanyang dibdib, at namatay.
“Sa gitna ng kakila-kilabot na kadiliman, tila tinalikdan [ni Yahuwah], pinatuyo ni [Yahushua] ang huling latak sa kopa ng aba ng tao. Sa nakakatakot na sandaling iyon, Siya ay nagtiwala sa ebidensya ng pagtanggap ng Kanyang Ama noong araw na ibinigay sa Kanya. Siya ay nakilala sa katangian ng Kanyang Ama; nauunawaan Niya ang Kanyang katarungan, ang Kanyang awa, at ang Kanyang dakilang pag-ibig. Sa pananalig Siya’y namahinga sa Kanya na naging Kanyang kasiyahan upang sumunod. At sa pagsuko, Siya ay nakatuon [kay Yahuwah], ang diwa ng kawalan ng tulong ng Kanyang Ama ay naglaho. Sa pananalig, si [Yahushua] ay nagtagumpay.3”
Gumawa ng landas ng kaligtasan si Yahushua para sa ating lahat, sa pananalig sa Kanya, na matanggap ang Kanyang mga tagumpay sa ating ngalan sa pananalig. Ito ang pananampalataya ng 144,000 na nagpapahintulot sa kanila na manatili kay Yahuwah nang walang anumang kapintasan. Natutunan nila ang lihim ng kaligtasan: upang piliing maniwala sa mga pangako ni Yah, hindi alintana ang kanilang mga damdamin, at magtiwala sa Kanya, kahit na bumagsak ang kalangitan.
Ang pagdududa sa salita ni Yah ay ang pinakamalaking hadlang para magtagumpay sa laban kontra kasalanan at sarili. Simula nang naniwala si Eba sa salita ng ahas “Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay!” (Genesis 3:4) sa halip na ang salita ni Yahuwah “. . . Huwag na huwag mong kakainin ang bungang iyon, sapagkat sa araw na kainin mo iyon ay mamamatay ka.” (Genesis 2:17) bawat anak ni Adan ay pinagdudahan ang salita ni Yah.
Dito na papasok ang pananalig ni Yahushua. At, kasama ng anumang bagay, ito ay isang kaloob. Ipinagkaloob ni Yahuwah sa bawat tao ang tiyak na sukat ng pananampalataya. “[P]akaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob [ni Yahuwah] sa bawat isa sa inyo.” (Roma 12:3, MBB) Ang sukat ng pananampalataya ay sapat kaya, kapag ang isang tao ay nanalangin at nakiusap na ibigay ang pananalig ni Yahushua, ang pananalig na naging ganap sa pamamagitan ng Kanyang [pagdurusa, mayroong siyang sapat na pananalig kay Yahushua na maniwala na natatanggap ang pananalig ni Yahushua kapag nakiusap siya para rito. “Gumawa si [Yahuwah] ng bawat baon na taong makasalanan ay magtatagumpay sa pamamagitan ng pananampalataya sa ipinangakong Tagapagligtas.”4
Madalas sa mga tao na nagsasanay ng pananalig sa simula ng kanilang paglalakbay bilang Kristyano, subalit naging tuliro at nag-iisip na may dapat silang gawing parte ng paggawa ng pagtatagumpay para sa kanilang sarili. Lahat ng mga ganung pagsisikap ay magwawakas sa pagkabigo. Sinasanay nila ang pananampalataya na maniwala na pinatawad na ni Yahuwah ang kanilang mga nakaraang pagkakasala, ngunit sila’y nabibigo kapag hindi na sila nagpatuloy na sanayin ang pananalig kay Yahushua na ibigay sa kanila ang Kanyang pananampalataya na mapagtagumpayan ang kasalukuyang mga panunukso.
Ang matagumpay na pamumuhay bilang Kristyano, ang pagsunod na nagpapahintulot sa’yo na manatili kay Yahuwah nang walang anumang kapintasan, ay makikita lamang kay Yahushua na nabubuhay sa iyo. Ito ay “ang hiwaga na sa mahabang panahon ay inilihim sa maraming sali't saling lahi, ngunit ngayo'y inihayag na sa kanyang mga hinirang. Niloob [ni Yahuwah] na ihayag sa kanila kung gaano kadakila ang kamangha-manghang hiwagang ito para sa mga Hentil na walang iba kundi si Kristo na nasa inyo. Siya ang ating pag-asa na tayo'y makakabahagi sa kaluwalhatian [ni Yahuwah].” (Colosas 1:26 at 27, MBB)
Ibig sabihin nito’y pinili mong maniwala na nagtagumpay si Yahushua sa bawat lugar na ikaw ay natukso. Pinili mong maniwala na ipinagkaloob Niya sa’yo ang tagumpay na nakamit Niya sa iyong ngalan. Napili mong maniwala rito dahil ang Kanyang salita ay tama, at hindi mo na kailangan pa ng ibang “patunay” na paniwalaan ito. Ang Kanyang salita ay sapat dahil kung ano Siya: dalisay na Pag-ibig, ganap na Kaalaman, kumpletong Katarungan at lubos na Kapangyarihan.
Habang ang pananalig ay isang kaloob, mayroong bagay na dapat mong gawin: dapat mong piliing maniwala. Piliing magtiwala sa pang-araw-araw na batayan. Pag-aralan ang katangian ng Pag-ibig ni Yahuwah (1 Juan 4:8). Magtiwala na nais Niya ang mapagmahal na kabutihan at katarungan (Jeremias 9:23 at 24). Ang pananampalataya na iningatan ay mabilis na lalago. Gawing kaugalian ang magtiwala, hindi alintana ang iyong damdamin. Kung mayroon kang basbas ng mabuting damdamin, hindi ka nagsasanay ng pananampalataya. Sinasanay ang pananampalataya kapag hindi mo nararamdaman ang mainit na hindi maliwanag, ngunit pinili mong magtiwala ano pa man, sa kabila ng iyong damdamin. “Ang pananampalataya ay katiyakan na mangyayari ang ating mga inaasahan, at paninindigan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita.” (Mga Hebreo 11:1, MBB)
Gawing kaugalian na ipahayag ang pasasalamat o utang na loob para sa bawat bagay. “Magalak kayong lagi, palagi kayong manalangin, at magpasalamat kayo sa [Elohim] sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban [ni Yahuwah] para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo [Yahushua].” (1 Tesalonica 5:16-18, MBB) Ito ay isang positibong kautusan. Kapag ginawa mo, ikaw ay pagpapalain nang masagana. Kapag ang mga pagsubok ay dumating, na darating sa buhay na ito, piliing magtiwala. Humanap ng isang bagay sa bawat kalagayan kung saan magpapasalamat sa iyong Ama sa Kalangitan.
Ang pagpapahayag ng pasasalamat kay Yahuwah para sa Kanyang napakaraming pagpapala ay susi sa pagpapaunlad ng pananampalataya. Ang pagkilala ng mga kaloob ni Yahuwah ay naglalabas ng pasasalamat na mula sa puso. Ang pasasalamat ay nagmumulat sa pag-ibig kung saan, susundan ng pag-unlad ng pananalig na anuman ang Kanyang ipinangako, gagawin Niya. Pag-aralan ang katangian ni Yahuwah. Pagmasdan ang Kanyang mapagmahal na kabutihan sa Kanyang pakikitungo sa iba. Siya ay lubos na ligtas na pagkatiwalaan!
Ngayon, ang pagtanggap sa pananampalataya na ang Langit at nagbigay ng anumang bagay na kailangan para sa iyong walang hanggang kaligtasan: kapatawaran para sa mga nakaraang pagkakasala at tagumpay para sa kasulukuyang panunukso. “Hindi ba ninyo alam na tayong lahat na nabautismuhan kay Cristo [Yahushua] ay nabautismuhan sa kanyang kamatayan? Samakatuwid, tayo'y namatay na at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkaroon ng panibagong buhay.” (Roma 6:3, 4, MBB)
Tanggapin ang kaloob ni Yahuwah at mamuhay sa isang bagong buhay sa pagtanggap sa kaloob ng Langit: ang pananalig ni Yahushua.

1 Noah Webster, American Dictionary of the English Language, 1828.
2 Lahat ng mga Kasulatang sanggunian ay kinuha mula sa Magandang Balita Bibliya Tagalog.
3 E. G. White, Desire of Ages, pp. 753 and 756, binigyang-diin.
4 E. G. White, Manuscripts, Vol. 6, p. 147.
5 Inalis namin mula sa orihinal na sipian ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ng ibinigay na orihinal na mga pangalan. – Pangkat ng WLC