Matagal ding itinuro ng WLC na ang milenyo o isang libong taon ay magaganap sa Langit. Isang bagong pagkakaunawa ng Kasulatan ay ipinakita na ang isang libong taon matapos ang pagbabalik ni Yahushua sa katunayan ay magaganap sa lupa.
|
Ang Kasulatan ay umaapaw sa mga pangako para sa bawat kalagayan: mga pangako para sa mabuting kalusugan; mga pangako para sa proteksyon at pagtulong; mga pangako para sa karunungan at gabay. May mga pangako rin na nagbibigay ng mga sulyap ng gantimpala na naghihintay sa lahat ng tatanggapin ang kaloob ng kaligtasan.
Ang mga Hinirang ay Mamamahala
Isa sa mga gantimpala na ipinangako sa mga naligtas ay sila’y bibigyan ng “kapamahalaan.”
Ang magtatagumpay at ang tutupad ng aking mga gawa hanggang sa wakas ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa— “Mamamahala siya sa kanila bilang isang pastol sa pamamagitan ng isang bakal na tungkod, sa pamaraan ng pagdudurog ng isang tao sa palayok”— Ito ay katulad din sa paraan ng pagtanggap ko ng kapamahalaang mula sa aking Ama. (Pahayag 2:26-27, ASND)
Mamamahala kay Kristo! Anong hindi gugustuhin? Ngunit ang katanungan ay: Sino ang mga hinirang na mamamahala? Ang mga anghel na gumagawa para kay Yah. Sila’y masunurin sa Kanya. Sila’y hindi mga tao para mamuno sa kanila. Tiyak na sila’y hindi sa “pamaraan ng pagdudurog ng isang tao sa palayok.”
Tanging ang mga masasama lang ang dudurugin sa piraso. Dahil dito, ang mga tao kung saan mamumuno si Kristo at ang mga hinirang ay dapat mga makasalanan. At dahil walang makasalanan ang makakapasok sa Langit, ang tanging ibang lugar para sa mga hinirang upang mamahala ay sa lupa.
Paghahari sa Lupa
Kung ito ay bagong ideya sa iyo, pakiusap na magpatuloy sa pagbabasa. Ang ating paniniwala ay dapat palaging ihahatid tungo sa pag-alinsunod sa Kasulatan, hindi sa iba pang paraan.
Ang Pahayag 5 ay nagsipi ng isang awit na inawit sa Langit ng 24 matatanda. Ang mga matatandang ito ay mga tao na naligtas at, maging sa ngayon, ay nasa Langit.1
Nang kunin niya ang balumbon, ang apat na buhay na nilalang at ang dalawampu't apat na mga matanda ay may mga alpa at mga gintong mangkok na pinuno ng kamangyan na ito ang mga panalangin ng mga banal. At sila ay umawit ng bagong awit. Sinabi nila:
Ikaw ay karapat-dapat kumuha ng balumbon
at magbukas ng selyo nito.
Dahil pinatay ka nila
at tinubos mo kami para kay Yah ng iyong dugo,
sa bawat lipi at wika, mga tao at bansa.
Ginawa mo kaming mga hari at mga saserdote para sa aming Diyos.
At kami ay maghahari sa ibabaw ng lupa.” (Tingnan ang Pahayag 5:8-10.)
Ang mga tinubos ay maghahari sa lupa! Wala sa Kasulatan na nagsasabi na ang isang libong taon matapos ang pagbabalik ng Tagapagligtas ay ilalaan sa Langit. Sa halip, ipinahayag ng Kasulatan na ang kaharian ni Yah ay ihahanda sa lupa, at dito ang mga hinirang ay maghahari.
Ang Gantimpala ng mga Matuwid
Sapagkat dakila ang gantimpala ng mga matutuwid, ito’y ibibigay sa lupa. Iyon ang kanilang pamana. Ipinahayag ni Yahushua: “Pinagpala ang mga maaamo sapagkat mamanahin nila ang lupa.”
Ang Isaias 65 at 66 ay naglalaman rin ng isang paglalarawan ng gantimpala na naghihintay sa matuwid, at anumang inilalarawan nito ay ang milenyong kaharian ni Yah sa lupa.
Sapagka't narito, ako'y lumilikha ng mga bagong langit, at ng bagong lupa,
at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasa isip man.
At ako'y magagalak sa Jerusalem,
at maliligaya sa aking bayan;
at ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya,
o ang tinig man ng daing.
Hindi na magkakaroon mula ngayon ng sanggol na mamamatay,
o ng matanda man na hindi nalubos ang kaniyang mga kaarawan;
sapagka't ang bata ay mamamatay na may isang daang taong gulang,
at ang makasalanan na may isang daang taon ang gulang ay susumpain.
At sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at ang mga yao'y kanilang tatahanan;
at sila'y mangaguubasan, at magsisikain ng bunga niyaon.
Sila'y hindi magtatayo, at iba ang tatahan; sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain;
sapagka't kung paano ang mga kaarawan ng punong kahoy,
ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking bayan,
at ang aking mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay.
Sila'y hindi gagawa ng walang kabuluhan,
o manganganak man para sa kasakunaan,
sapagka't sila ang lahi ng mga pinagpala ni Yahuwah,
at ang kanilang mga anak na kasama nila. (Tingnan ang Isaias 65:17, 19-23.)
Ang katunayan na ang mga makasalanan ay nabanggit sa siping ito ay nagdadala ng isang nakagugulat na punto sa liwanag.
Ang mga Makasalanan at ang Matuwid
Ang pamana ng matuwid ay isang bagong likhang lupa, ngunit sa panahon ng sanlibong taon, sila’y maghahari sa mga makasalanan, ilan sa kanila ay, sa huli, nagsisi! Ito ay nakagugulat na punto na ginawang malinaw sa Zacarias.
Narito ang araw ni Yahuwah ay dumarating, na ang iyong samsam ay babahagihin sa gitna mo.
Sapagka't aking pipisanin ang lahat na bansa laban sa Jerusalem sa pagbabaka; at ang bayan ay masasakop, at ang mga bahay ay lolooban, at ang mga babae ay dadahasin; at ang kalahati ng bayan ay yayaon sa pagkabihag, at ang nalabi sa bayan ay hindi mahihiwalay sa bayan.
Kung magkagayo'y lalabas si Yahuwah, at makikipaglaban sa mga bansang yaon, gaya nang siya'y makipaglaban sa araw ng pagbabaka.
At si Yahuwah ay magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao'y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa.
At mangyayari, na bawa't maiwan, sa lahat na bansa na naparoon laban sa Jerusalem ay aahon taon-taon upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, at upang ipangilin ang mga kapistahan ng mga balag.
At mangyayari, na ang sinoman sa mga angkan sa lupa na hindi umahon sa Jerusalem upang sumamba sa Hari, kay Yahuwah ng mga hukbo, sila'y mawawalan ng ulan. (Tingnan ang Zacarias 14:1-3, 9, 16-17.)
Ito ay inilalarawang pangyayari na magaganap at pagkatapos ng pagbabalik ni Yahushua sa lupa. Ito ay isang mahalagang sipi dahil ipinapakita nito na ang mga hinirang at makasalanan ay sabay na mamumuhay sa lupa.
Sandali bago ang kanyang kamatayan, sinabi ni Yahushua:
Sa bahay ng aking Ama ay maraming tirahan. Kung hindi gayon ay sinabi ko sana sa inyo. Ako ay paroroon upang maghanda ng dako para sa inyo. Kapag ako ay pumaroon at makapaghanda ng dako para sa inyo, ako ay muling babalik. Kayo ay aking tatanggapin sa aking sarili upang kung saan ako naroon ay dumuon din kayo. (Tingnan ang Juan 14:2-3.)
Ang lugar na ito ay ang Bagong Jerusalem na magiging kapitolyo ng bagong lupa, ang walang hanggang tahanan ni Yahushua at ng mga hinirang.
1 Hindi nito ibig sabihin na ang mga mananampalataya ay agad tutungo sa Langit kapag namatay sila. Sa halip, ang Bibliya ay itinuturo na, ang mga tiyak na matutuwid na indibidwal ay binuhay muli sa panahon ng kamatayan ni Yahushua. (Tingnan ang Mateo 27:52-53.) Ang muling binuhay na mga hinirang na ito ay maaaring dinala sa Langit kasama niya sa kanyang pag-akyat upang maging 24 na matatanda na nabanggit sa Pahayag.