“Matakot kayo [kay Yahuwah] at luwalhatiin ninyo siya! Sapagkat dumating na ang oras ng Kanyang paghatol. Sambahin ninyo ... [Siya] na lumikha ng langit, lupa, dagat, at mga bukal ng tubig!” (Pahayag 14:7, MBB)
Bilang Tagabigay at Tagapanatili ng lahat ng buhay, karapatan ni Yahuwah na tumanggap ng pagsamba mula sa Kanyang mga nilikha. Bilang Tagatanggap ng pagsambang iyon, karapatan Niya rin na italaga ang mga tiyak na araw bilang banal na mga araw.
Tinatawag ng Kasulatan ang mga araw na ito para sa pagsamba na “mga kapistahan” at “mga banal na pagtitipon.” Ang mga ito’y nakalista sa Levitico 23, nagsisimula sa sanlingguhang kapistahan, ang ikapitong araw na Sabbath.
Sinabi ni Yahuwah kay Moises, “Ipahayag mo sa mga Israelita ang mga pistang itinakda ko; ipangingilin nila ang mga banal na pagtitipong ito, at magkakaroon sila ng banal na pagpupulong. Anim na araw kayong magtatrabaho, ngunit sa ikapitong araw kayo'y magpapahinga. Iyon ay araw ng banal na pagtitipon. Huwag magtatrabaho ang sinuman sa inyo, saanman kayo naroroon; iyon ay Araw ng Pamamahinga para kay Yahuwah. (Tingnan ang Levitico 23:1-3.)
Ang sanlingguhang Sabbath ay hindi lamang ang araw na itinalaga para sambahin ang Manlilikha. Bilang karagdagan sa ikapitong araw na Sabbath, mayroong ibang araw ng pagsamba na tinatawag ring “mga banal na pagtitipon.” Lahat ng ito’y binalangkas sa Levitico 23:
- Paskua
- Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa
- Bigkis na Ani
- Pista ng mga Sanlinggo (Pentecostes)
- Pista ng mga Trumpeta
- Araw ng Pagsisisi (Pagbabayad-Sala)
- Pista ng mga Tolda
“Ito ang mga takdang kapistahan [ni Yahuwah] ng mga banal na pagtitipon na inyong itatanyag sa takdang panahon.” (Levitico 23:4)
Walang pagkakaiba ang ginawa sa Kasulatan sa pagitan ng sanlingguhang kapistahan, at ang mga taunang kapistahan. Lahat ay mga itinalagang araw ni Yahuwah sa pagsamba.
Ang salitang isinalin na “kapistahan” ay nagmula sa salitang Hebreo na mo’ed.
Mo’ed o Mo’ada: kongregasyon, pista ng pagtitipon; itinalaga, hudyat. . . . Sapagkat ang mga kapistahan ng mga Hudyo ay nagaganap sa regular na mga agwat, ang salitang ito ay naging mas malapit na kinilala sa kanila . . . Ginamit ang Mo’ed sa isang malawak na kahulugan para sa lahat ng pagtitipong pangrelihiyon. Ito ay malapit na nauugnay sa mismong tolda. Kasama ni [Yahuwah] ang Israel sa tiyak na oras na ito para sa layunin ng pagpapakita ng Kanyang kaloob. Ito ay karaniwang katawagan para sa pagtitipon at pagsamba ng bayan [ni Yahuwah.]” (Hebrew-Greek Key Word Study Bible, “Lexical Aids to the Old Testament,” #4150.)
Maraming tao ang naniniwala na mali para sa mga Kristyano na panatilihin ang mga kapistahan matapos ang kamatayan ni Yahushua. Ipinakilala nila na ang pagpapanatili ng mga kapistahan ay binibigyang-kahihiyan at pinapawalang-bisa ang Kanyang kamatayan.
Ang buong ekonomiya ng Hebreo ay itinuro ang mga dakilang patotoo ng kaligtasan. Ang dugong isinakripisyo ay itinuro nang direkta sa sukdulang katuparan kay Yahushua bilang:
Siya ang Kordero ni Yah na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. (Tingnan ang Juan 1:29.)
Si Yahushua ay ang dakilang Katapat na Uri (Anti-tipiko) kung saan ang mga uri ay nagbabala.
Si Yahushua ay “minsan lamang inihandog upang pawiin ang mga kasalanan ng mga tao.” (Hebreo 9:28, MBB)
Ang sistema ng pagsasakripisyo, ang seremonyang nangangailangan ng dugo, ay natupad sa krus. Kaya ang pagsasakrispisyo ng dugo na itinuro rito ay hindi na kailangan sapagkat ang lahat ng uri ay nakilala ang dakilang Katapat na Uri. Ang mga taunang kapistahan, gayunman, ay higit pa. Ang mga ito’y anibersaryo na ginugunita at hinahangad din ang mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng kaligtasan.
Ang mga kapistahan, gaya ng mga taunang araw ng pagsamba, ay pananatilihin sa walang hanggan. Gaya ng sanlingguhang Sabbath, ang mga taunang kapistahan ay mga araw na itinalaga sa pagsamba. Ipinahayag ni Yahuwah na ang pagtalima sa mga kapistahan ay “tuntuning susundin ninyo habang panahon.” (Tingnan ang Levitico 23:14, 21, 31 at 41.) Ang pagtalima sa direktang utos ni Yahuwah ay hindi pinapawalang-bisa ang anuman. Sinabi ni Yahushua, “Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos.” (Juan 14:15, MBB) Ang pagsunod sa banal na kautusan ay ang pinakadakilang paraan para parangalan ang Manlilikha.
Ang pagtalima ay pinapagtibay ang kautusan gaya ng isang bagay na napakahalaga!
“Pinapawalang-saysay ba namin ang Kautusan dahil sa pananampalatayang ito? Hinding-hindi! Sa halip, pinapagtibay pa nga namin ito.” (Roma 3:31, MBB)
Karamihan sa mga Kristyano, na ninanais na sambahin si Yahuwah, ay binabasag ang banal na kautusan sa pagpapabaya sa banal na itinalagang taunang kapistahan. Ang pagkalito sa tuntunin ayon sa kautusan ay lumilitaw mula sa katunayan na si Yahuwah ay nakipag-usap nang personal kay Moises. Ang pagpapalagay na ang mga tuntunin ayon sa kautusan ay hindi sinabi nang malakas sa buong kampo noong ang Sampung Utos ay sinabi, ang mga ito’y “para lamang sa mga Hudyo.” Ang tuntunin ayon sa kautusan, gayunman, ay patuloy pa ring bahagi ng banal na kautusan. Sa Sinai, ang mga Israelita ay narinig ang tinig ni Yahuwah na nagsasabi ng Sampung Utos. Ang tunog ay umaalingawngaw, sa takot, sila’y nagmakaawa kay Moises na makiusap kay Yahuwah na magsabi sa kanya, at maaari niyang ipahayag kung ang kailangang malaman nila.
Sinabi nila, “Ipinakita sa atin ni Yahuwah na ating Elohim ang Kanyang kaluwalhatian at kadakilaan, at ipinarinig sa atin ang Kanyang tinig. Nakipag-usap Siya sa atin nang harapan ngunit hindi tayo namatay. Bakit natin hihintaying mamatay tayo rito? Lalamunin tayo ng apoy na ito at tiyak na mamamatay tayo kapag nagsalita pa Siya sa atin. Sinong tao ang nanatiling buhay matapos marinig mula sa apoy ang tinig ng Elohim na buhay? Ikaw na lang ang makipag-usap kay Yahuwah na ating Elohim. Sabihin mo na lamang sa amin ang lahat ng sasabihin Niya sa iyo, at susundin namin.” (Tingnan ang Deuteronomio 5:24-27.)
Sumang-ayon si Yahuwah sa panukala. Ang Kanyang tugon sa pakiusap ng bayan ay nauugnay sa kautusan na sinabi Niya kay Moises sa kautusang sinabi Niya nang direkta sa bayan:
Sana nga'y manatili ang takot nila sa akin at lagi nilang sundin ang aking mga utos upang maging matiwasay ang buhay nila at ng kanilang mga anak habang panahon. Magbalik ka sa kanila at pauwiin mo na sila. Ngunit mananatili ka rito at sasabihin ko sa iyo ang aking mga batas at mga tuntunin. Ituturo mo ito sa kanila upang kanilang sundin sa lupaing ibibigay ko sa kanila. Sundin ninyong mabuti ang lahat ng iniuutos sa inyo ni Yahuwah na inyong Elohim. Huwag kayong lilihis sa mga ito. (Tingnan ang Deuteronomio 5:29-32.)
Ibinigay ni Yahuwah kay Moises ang mga tuntunin ayon sa kautusan at inulit muli sa kanyang bayan. Gayunman, ang intensyon ni Yahuwah ay ang mga tuntunin ayon sa kautusan ay laging pananatilihin bilang bahagi ng banal na kautusan.
Ang mga kautusan, tuntunin at hatol ay madalas iniuugnay sa Kasulatan sa paalala na panatilihin at sundin ang mga ito.
Ang BATAS ni Yahuwah, walang labis walang kulang, ito'y nagbibigay sa tao ng panibagong kalakasan.
Ang mga TUNTUNIN ni Yahuwah ay mapagkakatiwalaan, nagbibigay ng talino sa payak na isipan.
Ang mga UTOS ni Yahuwah ay makatuwiran, ito'y nagpapasaya ng puso at kalooban.
Ang mga TAGUBILIN ni Yahuwah ay tama, nagbibigay sa isipan ng hustong pang-unawa.
Paggalang at pagsunod kay Yahuwah ay dalisay, magpapatuloy ito magpakailanman;
Ang mga HATOL ni Yahuwah ay tunay na makatarungan, patas at walang kinikilingan.
Mas kanais-nais pa ito kaysa gintong lantay, mas matamis pa kaysa pulot ng pukyutan.
Ang mga utos mo, Yahuwah, ay babala sa iyong lingkod, may malaking gantimpala kapag aking sinusunod. (Tingnan ang Awit 19:7-11.)
Ang banal na kautusan ay ibinigay para sa kabutihan ng lahat ng Kanyang bayan. Sa Kasulatan, inutos ni Yahuwah na panatilihin ang lahat ng Kanyang mga kautusan:
“Doon, ibinigay ko sa kanila ang Kautusan at mga tuntuning dapat nilang sundin upang sila'y mabuhay. Ibinigay ko rin sa kanila ang mga tuntunin para sa Araw ng Pamamahinga para maalala nila na akong si [Yahuwah] ang nagpapabanal sa kanila.
“Ako si [Yahuwah], ang kanilang [Elohim]. Sinabi kong lumakad sila ayon sa Aking mga tuntunin, at sunding mabuti ang Aking Kautusan, at pahalagahan nila ang Araw ng Pamamahinga sapagkat ito ang mag-uugnay sa kanila at sa Akin, at sa ganito'y makikilala nilang Ako si [Yahuwah], ang kanilang [Elohim].” (Ezekiel 20:11-12, 19-20, MBB)
Ang tanda sa pagitan ni Yahuwah at Kanyang bayan ay pagpapanatili ng lahat ng Kanyang banal na kautusan, kabilang ang mga taunang kapistahan. Walang makakapaghiwalay ng Sampung Utos mula sa mga tuntunin ayon sa kautusan na nagpapaliwanag ng mga ito. Ang lahat ng ito’y banal na Kautusan. Ang paniniwala na ang pagtalima sa mga taunang kapistahan ay nagbibigay ng kahihiyan at pinapawalang-sala ang kamatayan ni Yahushua sa krus ay sumasalungat sa malinaw na patotoo ng Kasulatan na paulit-ulit na nagpahayag na ang mga ito’y magpakailanman. Si Moises, sa ilalim ng banal na pagpukaw, ipinahayag na:
“Huwag ninyo itong daragdagan ni babawasan. Sundin ninyo ang mga utos na ibinigay ko sa inyo mula kay [Yahuwah na inyong Elohim].” (Deuteronomio 4:2, MBB)
Ang paghihiwalay ng mga araw ng pagsamba, sinasabi na ang sanlingguhang Sabbath ay dapat panatilihin, ngunit hindi ang mga taunang kapistahan, ay binabawasan mula sa banal na kautusan. Malinaw na pinagsama ng Kasulatan ang mga tuntunin ayon sa kautusan at ang sampung utos: parehong pangunahing bahagi ng banal na kautusan na palagiang umiiral sa lahat ng mga tao sa lahat ng panahon.
“Alam kong mamamalagi ang lahat ng ginawa ng [Elohim]: wala nang kailangang idagdag, wala ring dapat bawasin. Gayon ang ginawa ng [Elohim] upang ang tao'y magkaroon ng takot sa kanya.” (Mangangaral 3:14, MBB)
Ang kasiyahan ng lahat ng mga nilikha ay patungo sa pagpapanatili ng banal na Kautusan. Bilang mapagmahal na Ama, ipinagkaloob ni Yahuwah ang Kanyang kautusan kaya ang Kanyang mga anak ay magiging malusog at masaya.
“Ito nga ang Kautusan at mga tuntuning ibinigay niya sa akin, na siya ninyong susundin sa lupaing inyong sasakupin. Ang mga ito'y ibinigay sa inyo ni [Yahuwah] at sa inyong mga anak at sa mga susunod na salinlahi upang magkaroon kayo ng takot sa kanya. Kung ito'y susundin ninyo, hahaba ang inyong buhay. Kaya nga, pakinggan ninyo ito at sunding mabuti. Kung magkagayo'y sasagana kayo, at darami ang inyong lahi pagdating ninyo sa lupaing ipinangako ni [Yahuwah], ang [Elohim] ng inyong mga ninuno, sa lupaing mayaman at sagana sa lahat ng bagay.” (Deuteronomio 6:1-3, MBB)
Bilang Manlilikha, inilatag ni Yahuwah ang mga kautusan para sa kabutihan at kasiyahan ng lahat ng Kanyang nilikha. Matuntuning kautusan, na nagpaliwanag sa Sampung Utos, ay patuloy na panatilihin. Igalang ang iyong Manlilikha sa pagsamba sa Kanya sa LAHAT ng Kanyang mga itinalagang araw: sanlingguhan, bagong buwan at mga taunang araw ng pagsamba. Tumindig para sa katotohanan at, sa iyong halimbawa ng pagsunod, magpakita ng mga papuri nang pasulong sa iyong Tagapagligtas.
“Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.” (Kawikaan 3:6, MBB)
“Sa pagsunod sa utos mo nalulugod akong labis, di masukat ang galak ko, pagkat aking iniibig. Mahal ko ang iyong utos, ito'y aking ginagalang, sa aral mo at tuntunin ako'y magbubulay-bulay.” (Awit 119:47-48, MBB)