“Tumingin ako, at nakita ko ang Kordero na nakatayo sa Bundok ng Zion, kasama ang isandaan at apatnapu't apat na libong tao. Nakasulat sa kanilang noo ang pangalan ng Kordero at ang pangalan ng kanyang Ama.” (Pahayag 14:1, MBB)
Ang Banal na Kasulatan ay nagpapakita ng natatanging pangkat ng mga tao: ang 144,000. Ang pangkat na ito ay tatanggap ng napaka-espesyal na karangalan mula sa Langit. Ang dahilan ay ipinaliwanag:
“Ito ang mga lalaking nanatiling walang dungis at hindi nakipagtalik sa mga babae. Nanatili silang mga birhen. Sumusunod sila sa Kordero saanman siya magpunta. Sila'y tinubos mula sa buong sangkatauhan bilang mga unang handog . . . [kay Yahuwah] at sa Kordero. Hindi sila nagsinungaling kailanman at wala silang anumang kapintasan.” (Pahayag 14:4, 5, MBB)
Walang ibang pangkat
ng mga tao ang maihahalintulad sa kanila. Ang kanilang karanasan ay binukod sa
144,000 bilang mga espesyal. Sa araw-araw na pagsuko nila sa kanilang
Manunubos, ang 144,000 ay nalinis at nalinang. Ang kanilang pagkatao ay nahubog
at nahugis tulad ng banal na wangis at sila’y ganap na sumasalamin sa banal na
imahe. Sila ay iisa sa Ama at sa Anak. Ang kanilang isipan, mga gusto at ayaw,
ang kanilang mga motibo at layunin ay iisa sa banal. Sila’y kumpleto sa Kanya.
Ang 144,000 ay inilarawan bilang mga “walang bahid” dahil mayroon silang dalisay na pananampalataya. Ang mga kasinungalingan ni Satanas at ang mga maling paniniwala ay napalitan sa kanilang mga puso ng mga katotohanan ng Langit. Walang katusuhan ang nagmumula sa kanilang mga bibig. Sa halip, ang kanilang mga salita, ay tulad ng sa Tagapagligtas, nagbibigay linamnam sa buhay. Dahil sa kanilang buong pagsuko sa kalooban ni Yahuwah, sila’y iisa sa banal na kaisipan at kalooban. Kaya naman, sila ay mayroong napakataas na karangalan at pribilehiyo na “sumunod sa Kordero saanman Siya magpunta” sa buong sanlibutan at magpasawalang-hanggan.
Ang pagsunod sa Kordero ay hindi nagsisimula sa Langit, gayunman. Upang makatanggap ng karangalan ng pagsunod sa Kordero ng Langit, sisimulan nilang sundan Siya sa lupa. Sa loob ng halos 6,000 taon, ang mga enerhiya at mga mapagkukunan ng Langit ay nakatuon sa pagdadala ng liwanag at katotohanan sa mga kaluluwang nabubulok sa kawalan ng kaalaman at kasalanan. Habang nasa mundo, ang 144,000 ay nakikipagtulungan sa Langit para sa kaligtasan ng mga kaluluwa. Ibinabahagi nila ang pag-ibig ni Yahuwah para sa mga makasalanan at ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya upang maibahagi ang katotohanan sa iba.
Tulad ni Elias sa panahon ng paghihimagsik ng mga Israelita, ang 144,000 ay tatawagin ang lahat sa buong mundo na magsisi at muling sambahin ang Manlilikha. |
Ang kanilang mensahe ay tulad ng isang malakas na sigaw, maririnig hanggang sa dulo ng mundo:
“. . . ‘Matakot kayo [kay Yahuwah] at luwalhatiin ninyo Siya! Sapagkat dumating na ang oras ng Kanyang paghatol. Sambahin ninyo ang [Elohim] na lumikha ng langit, lupa, dagat, at mga bukal ng tubig!’ ” (Pahayag 14:7, MBB)
Tulad noong panahon ni Elias, ito’y hindi lubusang tanyag na mensahe. Ang mga kapangyarihan ng mundo ay magsasama-sama upang pigilin ang paglawig nito. Sa ilalim ng simbulo ng isang halimaw, ang Banal na Kasulatan ay nagpahayag ng mga makamundong kapangyarihan sa mga huling araw:
“Ipinahintulot din sa kanya na bigyan niya ng hininga ang larawan ng unang halimaw. Kaya't nakapagsalita ang larawan at ipinapatay nito ang lahat ng ayaw sumamba sa kanya. Sapilitang pinatatakan ng ikalawang halimaw ang lahat ng tao sa kanilang kanang kamay o sa noo, maging sila'y dakila o hamak, mayaman o mahirap, alipin o malaya. At walang maaaring magtinda o bumili malibang sila'y may tatak ng pangalan ng halimaw o ng bilang na katumbas ng pangalan niyon.” (Pahayag 13:15-17, MBB)
Sa harap ng malawakang pagtuligsa sa kanila, ang 144,000 ay binalaan ang lahat:
“Sinumang sumasamba sa halimaw at sa larawan nito, at nagpatatak sa kanyang noo o sa kamay, ay paiinumin [ni Yahuwah] ng purong alak ng kanyang poot na ibinuhos sa kopa ng Kanyang galit.” (Pahayag 14:9, 10, MBB)
![]() |
Ang 144,000 ay ibinabahagi ang pag-ibig ng Tagapagligtas para sa mga kaluluwa. |
Ang 144,000 ay ibinabahagi ang pag-ibig ng Tagapagligtas para sa mga kaluluwa. Kahit na ito’y magdudulot ng panganib sa kanila, sila’y makikisama sa Langit sa pagpapahayag ng huling babala sa mundo para sa huling henerasyon. Sila’y katulong ni Yahushua sa kaligtasan ng mga kaluluwa at ang Kanyang gantimpala ay magiging kanila:
“At yamang mga anak, tayo'y mga tagapagmana [ni Yahuwah] at kasamang tagapagmana ni [Yahushua].” (Roma 8:17, MBB)
Kasamang tagapagmana ni Yahushua! Mga Anak ng Hari ng Langit! O kay gandang gantimpala para sa katapatan! Si Yahushua, sa pagtubos Niya sa makasalanang lahi sa pamamagitan ng pagtatagumpay Niya sa puntong ikinabagsak ni Adan, ay ang magiging pangalawang Adan:
“Kung paanong dumating ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao, gayundin naman, dumating ang muling pagkabuhay sa pamamagitan din ng isang tao. Sapagkat kung paanong namamatay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Adan, gayundin naman, mabubuhay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay [Yahushua].” (1 Corinto 15:21, 22, MBB)
Ang 144,000, sa ganap na pagsuko ng sarili, ay papasok sa isang relasyon sa Manlilikha na mas matalik pa sa sinumang nag-iibigan. Dahil si Yahushua ang Ikalawang Adan, sila naman ang Ikalawang Eba, ang babaing ikakasal sa Kordero. Habang ang Espiritu ni Yahuwah ay kumakatok sa mga puso para sa pagsisisi, ang 144,000 bilang babaing ikakasal sa Kordero, ay makikisama sa Kanyang tinig, hinihimok ang lahat sa pagsisisi at pagtalima.
“Sinasabi ng Espiritu at ng babaing ikakasal, ‘Halikayo!’ Lahat ng nakakarinig nito ay magsabi rin, ‘Halikayo!’ Lumapit ang sinumang nauuhaw; kumuha ang may gusto ng tubig na nagbibigay-buhay; ito'y walang bayad.” (Pahayag 22:17, MBB)
Sa ganap na pagpasok sa kaisipan at kalooban ni Yahuwah, ang 144,000 ay ibinuhos ang kanilang buong lakas sa pakikipagtulungan sa Tagapagligtas para sa kaligtasan ng mga kaluluwa. Ang pagiging ISA nila sa Kanya sa mundo ay hindi mapuputol ng kamatayan. Sila ang mga tapat na mapupunta sa Langit na hindi mararanasan ang kamatayan at ang mapagmahal na relasyong naumpisahan sa mundo ay magpapatuloy sa walang-hanggan. Ang kayamanan ng kawalang-hanggan ay binuksan para sa mga natubos, ngunit ang 144,000, bilang ang babaing ikakasal, ay magkakaroon ng espesyal na kalapitan sa Tagapagligtas. Ang kanilang mga puso, nag-uumapaw sa pag-ibig, galak at pasasalamat ay ihahayag ang kanilang nararamdaman sa pamamagitan ng awitin:
“Sila'y umaawit ng isang bagong awit sa harap ng trono. . . Walang matututong umawit sa awit na iyon kundi ang isandaan at apatnapu't apat na libong tinubos mula sa daigdig.” (Pahayag 14:3, MBB)
Ang awiting ito ay awit ng kanilang mga pinagdaanan; mga pinagdaanang sila lamang ang nakaranas. Sila’y lubusang nagmamahal dahil sila’y lubusang pinatawad at malaki ang kanilang gantimpala sa Langit. Nakita nila ang mundo na winasak ng taggutom, salot, at lindol sa huling pagbuhos ng poot ni Yahuwah sa pitong huling salot, ngunit napatunayan nila ang tibay ng pangako ng Tagapagligtas:
“Sapagkat tinupad mo ang aking utos na magtiis, iingatan naman kita sa panahon ng pagsubok na darating sa lahat ng tao sa buong daigdig!” (Pahayag 3:10, MBB)
Sila’y nalinis at nalinang sa mga dalamhating kanilang dinanas. Ang kanilang mga katangian, walang bahid o mantsa ng kasalanan, ay ganap na sumasalamin sa kanilang Manlilikha. Ngayon, ang karangalan ay ibinigay sa kanila:
“Ang magtatagumpay ay gagawin kong isang haligi sa templo ng aking [Elohim], at hinding-hindi na siya lalabas doon. . .” (Pahayag 3:12, MBB)
Hindi ito isang mahigpit na utos, na nagsasabing ang 144,000 ay hindi pahihintulutang iwanan ang presensya ni Yahuwah. Sa halip, ito’y nagpapahayag ng kanilang pribilehiyo: ang 144,000 ay laging mayroong agarang daan tungo sa presenya ng Ama. Kasama ng mga natubos, ang 144,000 ay binigyan ng karapatan na “kumain ng bunga ng punungkahoy ng buhay.” (Pahayag 2:7, MBB) Sila ay tatanggap ng sariling “korona ng buhay.” (Pahayag 2:10, MBB) Sila’y bibigyan ng “batong puti na kinasusulatan ng isang bagong pangalan, na walang sinumang nakakaalam maliban sa tatanggap niyon.” (Pahayag 2:17, MBB) Ang bagong pangalan na ito ay sumasalamin sa kung naging anuman ang kanilang pagkatao sa ilalim ng paglilinis at paglilinang ng dakilang Tagapagdalisay.
Hindi doon natatapos ang pag-ibig at pagkamapagkaloob ng Lalaking Ikakasal sa Langit. Ang 144,000, ang babaing ikakasal sa Kanya na tumulong sa kanyang Minamahal para sa kaligtasan ng mga kaluluwa, ay tatanggap ng isa pang gantimpala, higit na mas malaki sa lahat:
“Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang umupo na katabi ko sa aking trono, tulad ko na nagtagumpay at nakaupo ngayon katabi ng aking Ama sa kanyang trono.” (Pahayag 3:21, MBB)
Kahit na ang 144,000 ay isang espesyal na pangkat, ito’y hindi eksklusibo. Ang lahat ng nais na mapabilang sa pangkat na ito ay may pagkakataon, sa pamamagitan ng pagsuko at pagsunod sa banal na Batas, na maging kasapi ng 144,000. |
Ang Banal na Kasulatan ay ipinapakita ang matalik na relasyong ito ng Kordero at ng babaing ikakasal sa Kanya sa katanungang:
“Sino itong dumarating na buhat sa kaparangan, hawak-hawak pa ang kamay ng kanyang minamahal?” (Awit ni Solomon 8:5, MBB)
Ang 144,000, ang babaing ikakasal kay Yahushua dahil isinuko nila ang kanilang kalooban sa Kanya; nanalig sila sa lahat ng mga pangako. Sila’y naging matatag sa Kanyang kalakasan. Ang Kanyang katuwiran ay sa kanila.
Ang tinig ng Lalaking Ikakasal sa Langit ay humahalimuyak sa tainga ng babaing ikakasal:
“Kay ganda mo, aking sinta; kay ganda mo, aking mahal. Wala akong maipintas sa taglay mong kagandahan.” (Awit ni Solomon 4:7, MBB)
Sumuko sa Tagapagligtas ngayon na. Sundan Siya ngayon, bukas . . . at magpakailanman.