
Karamihan sa mga lihim na lipunan ay tumalunton sa kanilang mga pinagmulan sa nakalipas na daang-daan, kahit na libu-libong taon. Ang mga kasapi ay pinasok ang mga pamahalaan, mga simbahan, mga industriya at maging ang pananalapi. Ang mga hari, pangulo, at mga nakatataas na opisyal ay pinapatay; nangyayari ang digmaan – lahat ay upang itaguyod ang mga plano ng makapangyarihan, napakasamang pinili.
Iyong mga mayroong kaalaman ng tunay na banta na ito, ay lubos na kinatatakutan ito. Ang pangulo ng Amerika, Woodrow Wilson ay may kamalayan sa gumagapang na kasamaang ito. Noong 1913, ipinahayag niya na:
![]() |
Pangulo ng Amerika Woodrow Wilson |
“Isang dakilang bansang industriyal ay nakontrol ng sistema ng kredito nito. Ang aming sistema ng kredito ay ganap na pangpersonal. Ang paglago ng bansa, kaya, at lahat ng aming aktibidad ay nasa kamay ng iilang tao ... Dumating na tayo sa isa sa pinakamasamang pamumuno, isa sa pinakaganap na kontrolado at dominado, mga pamahalaan sa sibilisadong mundo --- hindi na isang pamahalaan ng libreng pananaw, hindi na isang pamahalaan ng pananalig at boto ng mayorya, kundi isang pamahalaan ng opinyon at pamimilit ng mga maliliit na grupo ng mga dominanteng tao. ... Simula nang pinasok ko ang mundo ng pulitika, una sa lahat, nagkaroon ako ng pananaw na ipinagkatiwala sa akin nang personal. Ilan sa mga dakilang tao sa Estados Unidos, sa batawan ng komersyo at paggawa, ay natatakot sa isang tao, sa isang bagay. Alam nila na mayroong kapangyarihan saanman na napaka-organisado, mapaglalang, napakaingat, magkasalabid, lubusan, malaganap, na sila’y mas mabuti na lang manahimik sa ibabaw ng kanilang paghinga kapag kanilang sinasabi ang pagtuligsa nito.”1
Nagtrabaho si Satanas sa mga kapangyarihang pinili na ito, na lumaganap sa bawat bansa sa lupa, simula pa noong unang panahon, nagtrabaho, patuloy at sa kadiliman, bawat sanlibong taon ang lumipas, upang lumikha ng pandaigdigang sistema na maaari niyang gamitin sa kanyang huling pagpupunyagi laban sa Kaharian ng Langit.
Sapagka't ang salita [ni Yahuwah] ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso. At walang anomang nilalang na hindi nahahayag sa kaniyang paningin: nguni't ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa harapan ng mga mata niyaong ating pagsusulitan. (Hebreo 4:12, 13, ADB2)
Gayunman, nalalaman ang lahat at nakikita ang lahat ni Yahuwah. “Sapagka't walang bagay na natatago, na di mahahayag; o walang lihim, na di makikilala at mapapasa liwanag.” (Lucas 8:17) Sa Kanyang pagmamalasakit para sa sinumang nabubuhay sa panahon ng katapusan ng kasaysayan ng daigdig, tinukoy ni Yahuwah ang isang masama at makapangyarihang katawan, umabot pa noong unang panahon: “Kailangan dito ang karunungan: maaaring malaman ng sinumang matalino ang kahulugan ng bilang ng halimaw, sapagkat ito'y bilang ng isang tao. Ang bilang ay animnaraan at animnapu't anim (666).” (Pahayag 13:18, MBB)
Habang ang Kasulatan ay puno ng mga simbulo na mayaman sa kahulugan, ang “666” ay hindi isang bilang na nagmula sa lihim na palahudyatan ng Langit. Sa halip, ito ay isang sakdal na sinaunang bilang na mayroong kahulugan na ginamit ng mga kasapi sa mga mahiwagang paganong relihiyon. Kumakatawan ito sa isang kapangyarihan na matagal nang nakipagtulungan kay Satanas sa kanyang paghihimagsik laban sa Kalangitan. Ipinakita ni Yahuwah na ang mismong sinaunang kapangyarihan na ito ay lilitaw muli sa pandaigdigang katanyagan sa nalalapit na katapusan ng panahon.
![]() |
Mga Anting-anting sa Museo ng Berlin. Mga pagguhit mula sa mga litrato, 1910. |
Ang mga modernong okultista, gaya ng mga sinaunang pagano, ay gumagamit ng numerolohiya para sa pakikipag-usap sa “lihim” na impormasyon gayon din para sa pagkamit ng mga okultong kapangyarihan. Ito ay sa sinaunang okultong numerolohiya na ang bilang na 666 ay unang lumitaw. Ang mga paganong pari ay nagsuot ng metal na anting-anting na tinatawag na Sigilla Solis, o “selyo ng araw”.
Ang mga anting-anting na ito na suot ng mga paganong pari, at ang mga ito’y naglalaman ng lahat ng mga bilang mula 1 hanggang 36. Sa mga pigurang ito ay inangkin nila na maaari nilang hulaan ang mga pangyayari sa hinaharap. Ang mga anting-anting na ito ay karaniwang gawa sa ginto, dilaw na kulay ng araw. Habang dala-dala, ang mga anting-anting na ito ay nakabalot sa dilaw na seda, sapagkat naisip ito na ang may suot nito ay maaaring makatanggap ng kapaki-pakinabang na kapangyarihan na pinaniwalaang nagmula sa hiyas.3
![]() |
Isang solar na parilya gamit ang makabagong pagbibilang. |
Sa Sigilla Solis,
isang parilya ang naglalaman ng lahat ng bilang mula isa hanggang 36. Bawat
haligi, gayon din ang bawat dayagonal, kapag sama-samang idinagdag, katumbas ng
111. Anim na haligi ng 111 ay may kabuuang katumbas na 666, o 6 x 111 = 666. Ang
bilang na ito ay nagmula sa mga sinaunang mahiwagang relihiyon ng Sumeria at Babilonya,
at dumaan sa mahabang panahon at patuloy pa ring naglalaman ng kahulugan sa mga
nakakaunawa ng kahalagahan nito ngayon. Sa kadahilanang ito kaya ibinigay ni
Yahuwah ang bilang na 666 sa Pahayag 13 bilang pagkakakilanlan ng sinauna, relihiyoso, umuusig na kapangyarihan na
lilitaw muli at hahawakan ang despotikong ugoy sa katapusan ng panahon.
Sa maraming sinaunang mga wika, ang mga letra ay binigyan ng numerikong kahulugan. Ang mga Romano ang kilala para sa ganitong pagsasagawa, bagama’t anim lamang sa kanilang mga letra ang mayroong numerikong kahulugan. Malinaw ang sinabi ayon kay Juan: “Ang bilang ng halimaw, . . . ay bilang ng isang tao. Ang bilang ay animnaraan at animnapu't anim (666). (Pahayag 13:18) Ang bilang na ito ay matatagpuan sa titulong inangkin lamang ng isang santo papa, at ang titulong ito na nasa korona ng kapapahan ay: Vicarius Filii Dei. Ibig sabihin nito ay: “Bikaryo ng Anak ng Diyos.” Kapag ang mga letra nito ay sama-samang idinagdag, ang kabuuang bilang ay 666:
Habang ang bilang ay naitala noong unang panahon, ang paggamit ng titulo para sa papa ay nagmula noong ikawalong siglo nung ang huwad na dokumento na pinamagatang Donasyon ni Constantine ay unang ginamit ang pariralang ito upang patunayan ang apostolikong paghalili mula kay “Pedro.” Ang papel na ito ay kinumpirma ng konseho ng simbahan, isinama sa Romano Katoliko Batas Kanoniko ni Gratian, itinaguyod ni Pope Gregory XIII; at sinipi ng Katolikong iskolar at mananalaysay na si Lucius Ferraris, na nagpatunay na ito ay isang huwad na dokumento.
“Ut sicut Beatus Petrus in terris Vicarius Filii Dei fuit constitutus, ita et Pontifices eius successores in terris principatus potestatem amplius, quam terrenae imperialis nostrae serenitatis mansuetudo haber videtur” Lucius Ferraris, Prompta Biblietheca, (edition of 1890), art, "Papa," II, Vol. VI, p. 43.
Ngayon, basahin sa isinalin sa Tagalog ang Latin na sipi na ito mula sa Batas Kanoniko ni Gratian, na kapag sinariwa mo, ay sa paninindigang isinulat ni Constantine ang Dakila:
“Habang ang pinagpalang Pedro ay hinirang na Bikaryo ng Anak ng Diyos sa lupa, gayon ang mga obispo na mga kumakatawan sa kaparehong hepe ng mga apostol, ay dapat tamuhin mula sa amin at aming imperyo ang kapangyarihan ng kadakilaang mas malaki pa sa kainaman ng aming makalupang imperyal na kapayapaan.” Christopher B. Coleman, The Treatise of Lorenzo Valla on the Donation of Constantine, p. 13.
Sa
mga unang taon ng unang sanlibong taon matapos ang panahon ni Yahushua, ang
Simbahang Katoliko ay umunlad sa kapangyarihan at impluwensya. Ito ay
nagawa sa pamamagitan ng muling pagbibinyag sa paganismo kasama ang mga bagong
pangalang “Kristyano.” Ito ay napakahalagang punto. Ang Kristyanismo ay hindi sinipsip ang paganismo. Sa halip, ang
paganismo, puro at lantay, ay pinalitan ang pangalan at ipinasa bilang
Kristyanismo. Kaya ang Obispo ng Roma ay nakakuha ng kapangyarihan sa mga
Kristyano at mga pagano.
Sa loob ng Romano Katolisismo, ang papa ay may hawak na dalawang “susi.” Nakikita ito sa bawat eskudo ng kapapahan at ito’y kumakatawan sa “mga susi ni Pedro.”
Hindi mahirap na makita kung paano ang mga Pagano na magsasama-sama sa papa ang lahat na mas maluwag sa loob kapag kanilang narinig na nahanap niya ang kanyang kapangyarihan sa pagtataglay ng mga susi ni Pedro. Ang mga susi na dala ng Papa ay mga susi ng isang “Pedro” na kilala ng mga Paganong kasapi sa mga Hiwaga ng Chaldean . . . . Mayroong isang “Pedro” sa Roma na ginagamit ang pinakamataas na lugar sa kaparian ng Pagano. Ang pari na nagpaliwanag sa mga Hiwaga sa mga kasapi ay minsang tinawag sa isang terminong Griyego, ang Hierophant; ngunit sa sinaunang Chaldee, ang tunay na wika ng mga Hiwaga, ang kanyang titulo, ay binigkas nang walang puntos, ay “Pedro” – iyon ay “ang tagapagsalin.”4
Ang koneksyong ito mula sa papa sa paganismo ay patuloy na umiiral pa rin at ang mismong paganismong pagbabalatkayo bilang Kristyanismo na ipinakita ni Yahuwah sa Pahayag ay ang pangunahing kapangyarihang mag-uusig laban sa mga matuwid sa mga nalalapit na mga araw. Sa pagbibigay ng babala na “ang bilang ng tao” ay 666, tiyak na tinukoy ni Yahuwah ang nakakatakot na kapangyarihang ito.
Mayroong pinakamalakas na ebidensya na, sa mga bansa na malayo, at malayo mula sa Roma, ang mga susing ito ay kinilala ng mga kasaping Pagano ay hindi mga “susi ni Pedro,” kundi mga susi ng isang Pedro na tinukoy sa Roma. . . . Ang pag-iral ng ganung titulo ay lubos na mahalaga na makaligtaan ng Kapapahan . . . Nung dumating ang Papa, gayon na ginagawa niya, sa malapit na koneksyon sa Paganong kaparian; kapag dumating sila sa wakas . . . sa ilalim ng kanyang kontrol, anumang mas karaniwan kaysa sa hanapin hindi lamang na mapakasundo ang Paganismo at Kristyanismo, kundi para ilabas na ang Paganong “Pedro-Roma,” kasama ang kanyang mga susi, ibig sabihin ay “Pedro ng Roma,” at ang “Pedro ng Roma” ay ang mismong apostol na pinagkalooban ng Panginoong Hesu-Kristo ng “mga susi ng kaharian ng langit”?
Dahil dito, mula lamang sa kuliling ng mga salita, ang mga tao at mga bagay na talagang magkaiba ay pinaghalo; at ang Paganismo at Kristyanismo ay pinaghalo, kaya ang matayog na ambisyon ng masamang pari ay maaaring palugurin; at kaya, sa mga nabulag na mga Kristyano ng paghihimagsik, ang Papa ay kumakatawan kay Pedro ang apostol, habang sa mga kasaping Pagano, siya lamang ay kumakatawan kay Pedro, ang tagapagsalin ng kanilang kilalang mga Hiwaga.5
Bilang tagapagbantay ng “mga susi ni Pedro,” ang papa ang nag-iisang lehitimong lider ng mga hiwaga ng Babilonya. Sa katunayan, ang Pahayag 17:5 ay tinutukoy ang paganong sistema ng relihiyon na ito na ginawang Kristyano bilang “Mahiwagang Babilonya.”
Laganap na kinilala na ang pag-angkin ng paghahari ng Simbahang Katoliko ay nakita sa kanyang pag-amin na pinalitan niya ang araw ng pagsamba mula sa Sabbath tungo sa araw ng Linggo. Isang Katolikong lathala ang nagbansag na:
Sila [ang mga Protestante] ay naniniwala sa kanilang tungkulin na panatilihing banal ang araw ng Linggo. Bakit? Sapagkat sinabi sa kanila ng Simbahang Katoliko na gawin ito. Wala silang iba pang dahilan . . . Ang pagsamba sa araw ng Linggo ay tumungo na maging pansimbahang batas na lubos na magkaiba sa Banal na Kautusan ng pagtalima sa Sabbath . . . Ang may-akda ng batas ng Linggo . . . ay ang Simbahang Katoliko.6
Ipinakita ng Aklat ng Pahayag na ang huling sagupaan sa pagitan ng pwersa ng kasamaan at ng Kaharian ng Langit ay nasa pagsamba. Ang halimaw ay tataglayin ang bilang na 666 at,
Ipinahintulot din sa kanya na bigyan niya ng hininga ang larawan ng unang halimaw. Kaya't nakapagsalita ang larawan at ipinapatay nito ang lahat ng ayaw sumamba sa kanya. Sapilitang pinatatakan ng ikalawang halimaw ang lahat ng tao sa kanilang kanang kamay o sa noo, maging sila'y dakila o hamak, mayaman o mahirap, alipin o malaya. At walang maaaring magtinda o bumili malibang sila'y may tatak ng pangalan ng halimaw o ng bilang na katumbas ng pangalan niyon.
Kailangan dito ang karunungan: maaaring malaman ng sinumang matalino ang kahulugan ng bilang ng halimaw, sapagkat ito'y bilang ng isang tao. Ang bilang ay animnaraan at animnapu't anim (666). (Pahayag 13:15-18)
Ang
siping ito ay nahulaan ang Simbahang Katoliko, kasama ang papa na lider nito bilang
tagapagmana ng mahiwagang relihiyon ng Babilonya, ay hahawakan ang
pandaigdigang kapangyarihan. Sinumang hindi tumalima ay hindi pahihintulutang
bumili o magtinda, at sa huli’y, parurusahan ng kamatayan.
Sa nakalipas na 200 taon, ang Simbahang Katoliko ay wala sa prominenteng katayuan hindi gaya ng mga nakaraan pang mga siglo. Maraming tao na tumungo na siguro’y mali na gamitin ang siping ito ng Kasulatan sa papa. Gayunman, isang sinaunang salawikain ang nagsabi na: “Siya na kumokontrol sa kalendaryo, ay kumokontrol sa buong mundo.”
Ngayon, ang itinakdang oras para sa trabaho, paaralan, okasyon at pagsamba ng buong mundo ay ginagamitan ng kalendaryong nilikha ng Simbahang Katoliko. Ito ay tinatawag na kalendaryong “Gregorian” ipinangalan kay Pope Gregory XIII. Ang paganismo ay buhay na buhay sa loob ng Katolisismo. Para sa Kristyanismo, ang panlinlang ay mas matindi pa.
Upang mapagkasundo ang mga Pagano sa naturingang Kristyanismo, ang Roma, nagpapatuloy sa karaniwang pamamalakad nito, gumawa ng mga panukala na pag-isahin ang mga kapistahan ng mga Kristyano at pagano, at sa pamamagitan ng magulo ngunit mahusay na pag-aayos ng kalendaryo, natagpuan nang walang mahirap na bagay, sa pangkalahatan, upang makuha ang Paganismo at Kristyanismo – ngayo’y mas lubog na sa idolatrya . . . na makipagkamayan.7
Habang ang mga Hudyo at maraming mga Protestante ay natanto na ang papa na wala namang kapangyarihan na palitan ang Sabbath ni Yahuwah at gumawa ng sariling araw ng pagsamba sa araw ng Linggo, ang mga tao ding ito ay nalinlang sa pagpapalagay na ang araw ng Sabado ng kalendaryong Gregorian ay ang tunay na ikapitong araw ng Sabbath ng Kasulatan. Lahat ng sumasamba sa pagano/kapapahang kalendaryo ay walang nalalaman na dumadakila ng paganong diyos!
Ang araw ng Sabado ay ipinangalan kay “Saturn,” ang pinakauhaw sa dugo sa lahat ng paganong diyos. Ito ang lihim na nakatago sa mismong puso ng mga relihiyon ng mahiwagang pagano. Ang pagsamba sa araw ng Sabado/Saturn ay dumadakila kay Satanas, ang pinagmulan ng lahat ng pagano at relihiyon ng papa.
Ang Saturn at Hiwaga ay parehong salitang Chaldean, at sila ay maugnaying mga termino. Habang ang Hiwaga ay tanda ng Nakatagong sistema, ang Saturn ay tanda ng Nakatagong diyos. Sa mga kasapi, nakalantad ang diyos; sa lahat ng iba, siya ay nakatago. Ngayon, ang pangalang Saturn sa Chaldee ay binigkas na Satur; ngunit, ang nalalaman ng bawat iskolar na Chaldee, naglalaman lamang ng apat na letra – Stur . . .
. . . Ang papa ay . . . ang lehitimong kumakatawan kay Saturn, ang bilang ng Papa, na pinuno ng Hiwaga ng Katampalasanan, ay 666. Ngunit patuloy pang nahayag, . . . na ang orihinal na ngalan ng Roma mismo ay Saturnia, “ang siyudad ni Saturn.” . . . Dahil dyan, ang Papa ay mayroong dobleng bansag sa pangalan at bilang ng halimaw. Siya lamang ang lehitimong kumakatawan sa orihinal na Saturn hanggang sa araw na ito, at siya ay naghahari sa mismong siyudad ng pitong burol kung saan ang Romanong Saturn ay dating naghahari; at, mula sa kanyang paninirahan, ang buong Italya ay “matagal nang tinawag sa kanyang pangalan,” karaniwang tinawag na “ang lupain ni Saturn.”8
LAHAT ng sumasamba sa paganong kalendaryo ay nagbibigay karangalan kay Satanas, ito man ay araw ng Linggo, Sabado o panalangin sa moske sa araw ng Biyernes. Upang dakilain ang Manlilikha, ang sinuman ay dapat Siyang parangalan sa Ikapitong Araw ng Sabbath ng Kanyang itinakdang paraan ng pagpapanatili ng oras: ang Kalendaryong Luni-Solar.
Ang dakilang babala ay patuloy na papatunugin:
“Matakot kayo kay Yahuwah at luwalhatiin ninyo Siya! Sapagkat dumating na ang oras ng Kanyang paghatol. Sambahin Siya na lumikha ng langit, lupa, dagat, at mga bukal ng tubig! Sumunod naman ang ikalawang anghel na nagsasabi, “Bumagsak na! Bumagsak na ang makapangyarihang Babilonya, na nagpainom sa lahat ng mga bansa ng alak ng kanyang kahalayan!” (Tingnan ang Pahayag 14:7, 8)
Ang Mahiwagang Babilonya, kasama ang kanyang pag-aari ng makabagong kalendaryo at ang mga araw ng pagsamba nito, ay bumagsak na. Ito ay bumagsak na dahil sa pagpapanumbalik ng kaalaman ng tunay na kalendaryo at ang Sabbath ni Yahuwah.
Ipinapakita ng Kasulatan na ang huling henerasyon ng mga hinirang ay itataas ang Manlilikha sa pagpapanatili sa lahat ng Kanyang mga Kautusan na gawing banal, kabilang na ang pagsamba sa Ikapitong Araw sa Biblikal na Kalendaryo. Ang mga naghimagsik ay makikipagtulungan sa kinilalang kapangyarihang halimaw na 666 ng Romanong Simbahang Katoliko at mawawalan ng buhay na walang hanggan.
Piliin mo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran kaya ang pinagpalang bendisyon ay sasabihin sa iyo: “Ito'y panawagan na magpakatatag ang mga hinirang, ang mga sumusunod sa mga utos ni Yahuwah at nananatiling tapat kay Yahushua.” (Tingnan ang Pahayag 14:12.)
1 Woodrow Wilson, The New Freedom: A Call for the Emancipation of the Generous Energies of a People, (New York: Doubleday, Page & Co.), 1913.
2 Lahat ng sanggunian ng Kasulatan ay kinuha mula sa Ang Dating Biblia 1905 at Magandang Balita Biblia maliban kung kinilala.
3 Roy Allen Anderson, Unfolding the Revelation. Tingnan mula sa mga pahina 125-127.
4 Alexander Hislop, The Two Babylons, p. 208.
5 Hislop, ibid., pp. 208-210, orihinal na diin.
6 Ecclesiastical Review, February, 1914.
7 Hislop, op. cit., p. 105, binigyang-diin.
8 Hislop, ibid., pp. 269-270, orihinal na diin.