Ang Aklat na may 7 Tatak: Talasanggunian ng Lahat ng Nahulaang Kaganapan
Huling Binago: Mayo 4, 2018
Anong aming ibinabahagi sa iyo sa ibaba nito ay kumakatawan sa ating kasalukuyang pagkakaunawa ng mga propesiya ni Daniel at ng Pahayag. Si Yahuwah Ama ay pinapangunahan tayo sa ating musmos na hakbang kung saan tayo nakatayo ngayon. Tayo ay may walang hanggang utang na loob sa gabay ng Kanyang Espiritu, para sa pagtamo ng isang mas malinaw na pagkakaunawa ng mga propesiya ng wakas, tayo’y nakakuha ng hindi mailarawang paghihikayat na makatutulong sa atin na magtiis sa dakilang pagsubok at kahirapan na naghihintay sa mga matuwid sa mga huling araw ng kasaysayan ng daigdig. Marami sa atin ang magiging martir sa nalalapit na hinaharap para sa paninindigan sa ipinakitang patotoo ni Yahuwah. Ano pa ang mas mabuting paraan para maghanda sa anumang itinakda sa atin ng Ama kaysa sa armado ng isang mas malalim na pagkakaunawa ng Kanyang mga propesiyang pangwakas?
Tinanggal na namin ang nilalaman na may nakapaloob na itinuturing namin na isang hindi tumpak na pagkakaunawa ng pitong tatak. Ngayon, nalalaman natin nang may lumalagong tiwala na ang aklat na may 7 tatak ay naglalaman ng lahat ng nahulaang pangyayari na ipinakita kay Juan ang Tagapahayag sa isang pagkakasunod mula sa panahon ni Juan hanggang sa katapusan ng panahon.
Isulat ang
[1] mga bagay na nakita mo, at
[2] mga bagay sa kasalukuyan, at
[3] mga bagay na mangyayari pagkatapos nito. (Pahayag 1:19)
Sa tatlong bagay na inutos kay Juan na isulat, ang “mga bagay na mangyayari pagkatapos nito” ang kumatawan sa pangunahing tampulan ng aklat ng Pahayag; sinaklaw ang mga kabanata 6-22. Lahat ng nahulaang pangyayari sa hinaharap na ito mula sa panahon ni Juan hanggang sa katapusan ay tinintahan sa aklat na may 7 tatak. Sa pamamagitan nito, tinitiyak ng Ama na ang mga matuwid sa buong kasaysayan na walang bagay na matutupad sa sanlibutang ito na hindi Niya itinalaga para sa isang layunin. Kapag nakuha ng matuwid ang walang hanggang patotoong ito, wala nang bagay na magpapasindak o magpapalamon sa kanya. Lahat ng nahulaang pangyayari ay binalangkas na ng Ama, kaya kinukumpirma ang Kanyang ganap na kontrol sa mga pangyayari ng ating mundo.
Habang ang mga pangyayari ay nalalahad, mamarkahan namin ang check box sa kaganapang iyon. At kapag ang isang mas mainam na pagkakaunawa ay nakamit tungkol sa tiyak na kaganapan, aming babaguhin ang pahina nang alinsunod.
Agad mong nakikita, ang unang 5 tatak ay nabuksan na, at ngayon, tayo’y naghihintay nang nananalangin at nasasabik sa pagbukas ng ikaanim na tatak sa anumang sandali.
Unang Tatak [1]
Ikalawang Tatak [2]
Ikatlong Tatak [3]
Ikaapat na Tatak [4]
Ikalimang Tatak [5]
Ikaanim na Tatak [6]








Ikapitong Tatak [14]




























Ang maluwalhating Muling Pagdating ni Yahushua
[1] Unang Tatak: Nabuksan na – Ang puting kabayo ay ipinupunto ang paglitaw ng sistema ng kapapahan, noong ang obispo ng Roma ay ipinahayag ang sarili na kinatawan ni Yahushua sa mundong ito, at nakasakay sa puting kabayo gaya ng inilarawan ni Yahushua na ginagawa sa Pahayag 19:11-16, at tumungo sa pananakop sa buong mundo.
[2] Ikalawang Tatak: Nabuksan na – Ang pulang kabayo ay ipinunto ang pag-unlad ng sistema ng kapapahan tungo sa isang madugo at mapang-usig na kapangyarihan sa bayan ni Yahuwah, malayong-malayo mula sa mga pagtuturo at buhay ni Yahushua.
[3] Ikatlong Tatak: Nabuksan na – Ang itim na kabayo ay ipinunto ang paglitaw ng Kalipunan ni Hesus [ang mga Heswita] kasama ang kanilang [Punong Heswita] Heneral na palaging nagsusuot ng itim na balabal. Mainam na tandaan kung paano ang Ama ay hindi pinagtakpan ang pag-unlad ng masamang order na ito, na gumanap ng isang mahalagang papel sa pagpatay sa milyun-milyon ng mga matuwid na tagasunod ni Yahuwah sa Gitnang Panahon.
[4] Ikaapat na Tatak: Nabuksan na – Itong maputlang kulay ng kabayo ay ipinunto ang pagsasama ng sistema ng kapapahan sa pumapatay na makina ng Heswita. Kapag pinagsama mo ang puti sa itim, makakakuha ka ng isang maputlang kulay, maabo. Noong nagsama ang dalawang sistemang ito, sila’y lumikha ng pinaka nakakatakot na umuusig na kapangyarihan sa kasaysayan.
[5] Ikalimang Tatak: Nabuksan na – Ang pagsasama ng sistema ng kapapahan sa mga Heswita ay humantong sa kamatayan ng milyun-milyong Kristyanong martir at ang ikalimang tatak ay nakatuon sa pagtukoy sa kanila.
[6] Ikaanim na Tatak - Sa anumang sandali sa ngayon, ang ikaanim na tatak ay bubuksan. Tayo ay manatiling mapagbantay at maingat. Basahin mabuti ang mga pangyayari na magaganap sa ilalim ng ikaanim na tatak, sapagkat naitala sa Pahayag 6:12-17.
[7] Isang “malakas na lindol” – Malalaman natin na ang ikaanim na tatak ay mabubuksan sa isang “malakas na lindol” na tatama sa lupa. Ito ay hindi kagaya ng anumang nakalipas na paglindol. Sa huling lumipas na taon, halimbawa, mayroong mahigit 12,000 paglindol na inilista nang higit sa magnitude 4 sa Richter scale. Ang lindol na ito ay hindi maihahambing sa anumang nakalipas na paglindol. Ito ay mamumukod-tangi bilang pinakamapaminsalang lindol sa sandaling iyon sa kasaysayan.
[8] “Naging itim ang araw na tulad ng damit-panluksa.” – Hindi sinabi sa atin ang pagsasaoras ng pangyayaring ito, ngunit inaasahan natin na ito’y magaganap sandali matapos ang “malakas na lindol” para sa pinakamahalagang epekto sa mga tao.
[9] Ang mga bituin sa langit ay nahulog sa lupa “tulad ng puno ng igos na naglalaglag ng bubot na bunga kapag niyuyugyog ng malakas na hangin.” – Inaasahan natin ang kaganapang ito ng pagbagsak ng mga bituin na magdudulot ng malaking pinsala at magreresulta sa kamatayan ng maraming tao.
[10] Nahawi ang langit na parang isang balumbon na ibinabalumbong mag-isa. – “At naalis sa kinalalagyan ang bawat bundok at pulo” ay ipinapakita na si Yahuwah Ama ay nakaupo sa Kanyang Makalangit na trono, at nakatayo nang sunod sa Kanya ay ang ating Tagapagligtas, si Yahushua. Habang ang tagpong ito ay magiging pinaka kagimbal-gimbal na eksena na mararanasan ng mga masasamang tao mula pa noong pagbaha, ito ay magiging pinakamaluwalhating pangyayari sa mga nabubuhay nang matuwid. Ang dakilang pag-asa sa mga matutuwid para sa kaganapang ito ay hindi maaaring mailahad nang labis. Ang pagsasaoras ng pagtanaw sa Ama at Anak ng mga matutuwid bilang panghuling pangyayari sa ilalim ng ikaanim na tatak ay mag-uudyok at magpapabago sa kanila sa mga paraang hindi mahuli sa salita. Kapag ang mga matuwid ay binalutan ang kanilang mga mata ng tunay na larawan ng buhay ng Ama at Anak, sila’y agad na makakamit ang banal na kalakasan para pagtiisan ang mga kalamidad ng mga trumpeta, ang pag-uusig ng halimaw, at maging handa sa pagiging martir kapag pinahintulutan ng Ama. Si Esteban ay hindi alintana ang pagbato sa kanya noong “tumitig sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ni Yahuwah, at si Yahushua na nakatayo sa kanang kamay ni Yahuwah” (Mga Gawa 7:55). Ang mga matutuwid ngayon ay malapit nang maranasan ang kanilang “pagtitig sa langit” at mababalutan ang kanilang mga mata ng kagalakan nang makita ang Ama at si Yahushua. Ang kaganapang ito ay maaari na ilang buwan na lamang; nawa’y maging handa tayong lahat para rito.
[11] Nakita ng matuwid ang Ama at Anak na nakaupo sa kani-kanilang mga trono. – Ito ay ang maluwalhating pangyayari na kailangang ipanalangin nang sabik ng mga matutuwid upang masaksihan.
[12] Paglitaw ng 2 propeta/saksi na naglilingkod habang nakadamit panluksa – Naiisip namin na sila’y gaganap ng napakahalagang papel sa pagpapahayag ng mga trumpeta. At sapagkat ang kanilang 1,260 araw na tagal ng paglilingkod ay magwawakas bago ang pagtama ng ikapitong trumpeta, lubos na makatuwiran na pagtibayin na sila’y lilitaw sandali matapos ang pagwawakas ng ikaanim na tatak o sandali matapos ang pagbubukas ng ikapitong tatak para ipahayag ang mga trumpeta at para tumawag sa mga makasalanan na magsisi, habang ipinapahayag din nila ang nalalapit na pagwawakas ng probasyon para sa sangkatauhan. Ang mensahe ay madalas hindi kasiya-siya sa mga tao.
[13] Pagtatatak sa 144,000 – “Nakita ko ang isa pang anghel na umaakyat mula sa silangan, dala-dala ang tatak ng Elohim na buhay, at sumigaw nang malakas sa apat na anghel na binigyan ng kapangyarihang salantain ang lupa at ang dagat. Sinabi niya sa kanila, “Huwag ninyong salantain ang lupa o ang dagat, o ang mga puno, hanggang matatakan na namin sa kanilang noo ang mga alipin ng ating Elohim” (Pahayag 7:2-3). Ang ikapitong tatak ay mabubuksan sandali matapos ang pagtatatak sa 144,000, na isasalin sa Langit nang hindi nakikita ang kamatayan. NGAYON ang panahon para magsikap na maging kabilang sa 144,000.
[14] Ikapitong Tatak – Ang katunayan na ang ikaanim na tatak ay susundan agad ng ikapitong tatak ay positibong patunay na ang mga pangyayari ng ikaanim na tatak ay hindi ipinunto ang Muling Pagdating ni Yahushua gayong minsang pinaniwalaan ng WLC at sa karamihan ng Kristyanismo na pinaniniwalaan ngayon.
[15] “Kumulog, nagkaingay, kumidlat at lumindol.” (Pahayag 8:5), nang itinapon ng anghel sa lupa ang insenso – Gaya ng ikaanim na tatak, ang ikapitong tatak ay magsisimula sa isang paglindol. Gayunman, ang paglindol na ito ay hindi mapaminsala gaya sa kaso ng ikaanim na tatak. Ang lindol na ito sa halip ay sasamahan ng mga pag-ingay, pagkulog, at pagkidlat.
[16] Unang Trumpeta – “Hinipan ng unang anghel ang kanyang trumpeta, at nagkaroon ng yelo at apoy, na may halong dugo. Itinapon ang mga ito sa lupa. Nasunog ang ikatlong bahagi ng lupa at ng mga puno. Ang lahat ng luntiang damo ay nasunog din” (Pahayag 8:7). Iniiwan na namin sa mambabasa na ilarawan ang estado ng sindak na susunggab sa mga nakatira sa mundong ito bilang resulta lamang ng unang trumpeta.
[17] Ikalawang Trumpeta – “Hinipan ng ikalawang anghel ang kanyang trumpeta, at itinapon sa dagat ang isang tulad ng malaking bundok na nagliliyab sa apoy. Naging dugo ang ikatlong bahagi ng dagat, namatay ang ikatlong bahagi ng may buhay sa ilalim ng dagat, at nawasak ang ikatlong bahagi ng mga barko” (Pahayag 8:8-9). Magkakaroon pa ba ng anumang mahalagang paglulan matapos ang trumpetang ito? Maaari mo bang ilarawan ang estado ng pandaigdigang ekonomiya kapag ang pagpapadala ay dumating sa isang pagtigil?
[18] Ikatlong Trumpeta – “Hinipan ng ikatlong anghel ang kanyang trumpeta, at isang malaking bituin ang nahulog mula sa langit, nagliliyab na parang isang sulo. Nahulog ito sa ikatlong bahagi ng mga ilog at sa mga bukal ng tubig. Kapaitan ang pangalan ng bituin. Naging mapait ang ikatlong bahagi ng mga tubig. Maraming tao ang namatay dahil sa tubig, sapagkat ito'y naging mapait” (Pahayag 8:10-11). Paano ang mga pagamutan sa lahat ng mga bansa ay mapapabuti sa mga kahihinatnan ng trumpetang ito?
[19] Ikaapat na Trumpeta – “Hinipan ng ikaapat na anghel ang kanyang trumpeta, at tinamaan ang ikatlong bahagi ng araw, ng buwan, at ng mga bituin, kaya't nagdilim ang ikatlong bahagi ng kanilang liwanag. Nabawasan din ang ikatlong bahagi ng liwanag at ang maghapon at magdamag” (Pahayag 8:12). Ang asteroid na tatama sa lupa ay magdudulot sa lupa ng tone-toneladang alabok at ang kontaminasyon ay ilalabas sa kalangitan. Ang pinsala sa mga tectonic plates ay magdudulot sa pagtaas ng aktibidad ng mga bulkan. Dahil dito, ang ikaapat na trumpeta ay ipapahayag ang araw, buwan, at mga bituin na lubos na padidilimin.
[20] Ikalimang Trumpeta [Unang Lagim] – Ang mga detalye ng unang lagim ay naitala sa Pahayag 9:1-12. Sa lagim na ito, ibibigay kay Satanas ang susi ng walang hanggang kalaliman, at pahihintulutan na ilabas ang kanyang mga masasamang anghel na papayagang magpahirap sa mga hindi nagsisi sa loob ng 150 araw. Sila’y maghuhuwad ng paglusob ng mga banyaga mula sa ibang planeta kaya ang galit ng mga tao ay hindi ipupunto kay Satanas. Pinagtibay namin na ang tanging layunin ng “paglusob ng banyaga” na ito ay para itaas ang estado ng kinatawan ni Satanas sa lupa, iyon ay ang papa, kaya ang papa ay maaari nang ilunsad ang digmaan ni Satanas laban sa mga matutuwid. Ang lagim na ito ay magtatagal ng eksaktong 150 araw, at ang mga tinatakang matutuwid ay ipagtatanggol mula sa sakit na dulot ng mga masasamang anghel ni Satanas sa mga hindi nagsisi, na gaya ng kagat ng alakdan. Ang kredito para sa pagtatapos ng huwad na paglusob ng banyaga na ito ay ibibigay sa papa at kaya, siya ay makakaya na ipatupad ang pandaigdigang pagsamba sa araw ng Linggo.
[21] Pagtatatag ng “kasuklam-suklam na naninira” at simula ng 1,260 araw – Nabigyan ng kredito sa pagtatapos ng kagimbal-gimbal at lubhang masakit na “paglusob ng banyaga,” ang papa ay ilalagay sa isang posisyon para pagkaisahin ang buong mundo sa pagtataas ng araw ng Linggo bilang araw ng pamamahinga at muling pagbabago. Ang mga lider ng mundo ay sabik na isusuko ang kanilang kapangyarihan at ipapahiram ang kanilang walang kondisyong suporta sa anumang imumungkahi ng papa, para tulungan na matiyak laban sa isa pang paglusob ng banyaga. Ang bilang sa panahon ng 1,260 na araw ay magsisimula kapag ang buong mundo ay pinagtibay ang araw ng Linggo bilang araw na walang gawa. Ang dalawang saksi kasama ang mga matatapat ay magbibigay ng babala sa buong mundo laban sa pagtataas ng araw ng Linggo, ang makasaysayang tanda ng kapangyarihan ng Roma. Ang oposisyon ng dalawang saksi at mga matatapat sa pagtataas ng araw ng Linggo ay magdudulot ng tumataas na pagkamuhi at pag-uusig sa Kanyang mga matatapat na tagasunod. Subalit ang Kanyang matatapat ay hindi mapapailing at marami sa panahon ng 1,260 araw (lalo na sa pagtatapos ng panahong ito) ay babayaran ang sukdulang kabayaran sa pagtanggol sa Kanyang tunay na araw ng Sabbath ng pagsamba.
[22] Pagbabalatkayo ni Satanas bilang si Yahushua – Hindi tayo sinabihan kung kailan magaganap ang pagbabalatkayo bilang Yahushua ni Satanas. Maaari lamang tayo magpalagay para sa sukdulang panlilinlang at salpok, ito’y magaganap bago matapos ang probasyon ng tao. Ito ang dahilan kung bakit namin inilagay ang pangyayaring ito sa pagitan ng una at ikalawang lagim.
[23] Kamatayan, muling pagkabuhay, at pag-akyat ng 2 propeta/saksi – Mahalaga na tandaan ang sumusunod: Ang dalawang saksi ay patotohanan ang Kanyang patotoo sa panahon ng 1,260 araw. Eksaktong dami ng araw mula sa panahon na itatatag ang “kasuklam-suklam na naninira” hanggang sa panahon ng probasyon. Bagama’t magkatumbas sa haba, ang simula para sa paglilingkod ng dalawang saksi ay magsisimula nang mas maaga kaysa sa pagsisimula ng “kasuklam-suklam na naninira.” Ito ang pinakamahalaga na tandaan at kunin sa talaan. Ito’y nangangahulugan na ang paglilingkod ng dalawang saksi ay matatapos bago pa ang pagwawakas ng probasyon, iyon ay bago inilaan ang panahon ng 1,260 araw para sa “kasuklam-suklam na naninira.” Ang halimaw [si Pope Francis] ay magpapasiklab ng walang humpay na digmaan laban sa dalawang saksi. Ngunit walang pinsala ang darating sa kanila hanggang sa katapusan ng 1,260 araw ng kanilang paglilingkod, kung kailan ang Ama ay pahihintulutan ang pagpatay sa dalawang saksi. Ang kanilang mga katawan ay ihahatid sa St. Peter’s Square sa Vatican, upang ipagdiwang ang kanilang kamatayan “sapagkat pinahirapan ng dalawang propetang ito ang mga naninirahan sa lupa” (Pahayag 11:10). Ngunit matapos ang tatlong kalahating araw ng pagpapakita ng kanilang bangkay, sila’y ililitaw mula sa kamatayan at dadalhin sa Langit mula sa isang lugar na mangingilabot sa lahat ng nagdiwang ng kanilang kamatayan. Ang mga kamera at mga mamahayag na sumubaybay ng pagdiriwang ng kanilang kamatayan ay mahuhuli at makikita ang kanilang muling pagkabuhay at pag-akyat.
[24] Pagtama ng lindol sa 1/10 ng Vatican at lalamon sa 7,000 nagdiriwang – Sandali matapos ang pag-akyat ng dalawang saksi, isang lindol ang tatama sa St. Peter Square na lalamon sa 7,000 nagdiriwang.
[25] Ikaanim na Trumpeta – Ang ikalawang lagim ay magaganap sa sandali bago ang pagtatapos ng 1,260 araw na inilaan sa “kasuklam-suklam na naninira.” Ang dahilan na pinaniniwalaan namin na ito’y magaganap sa sandali bago ang pagwawakas ng probasyon at katapusan ng panahon ng kasuklam-suklam na naninira ay dahil ito ang lagim kung saan pinahintulutan ni Yahuwah ang mga masasamang anghel ni Satanas na patayin ang ikatlo ng natitirang masasama. Habang papalapit na sa pagwawakas ng probasyon, nababatid na pagtibayin na karamihan sa nabubuhay na tao ay gumawa na ng pasya sa kanilang isipan. At sapagkat ang masama ay magpapatuloy sa kasamaan, hindi na nakagugulat na ang Ama ay pinahintulutan si Satanas na puksain ang ikatlo nila sa isang tiyak na oras, araw, at taon. Sa ibang salita, bawat kaganapan na naitala sa aklat na may pitong tatak ay natutupad sa isang tiyak na itinalagang panahon at si Yahuwah ay hindi lamang tinitiyak ang bawat pangyayari, kundi pinipili rin ang pagsasaoras para sa bawat kaganapan.
[26] Ikapitong Trumpeta – Ang ikatlong lagim ay ang mismong pitong huling salot. Ito’y nagtatakda ng pagwawakas ng probasyon. “At hindi rin sila nagsisi sa kanilang pagpaslang, o pangungulam, pakikiapid, ni sa kanilang pagnanakaw” (Pahayag 9:21). Ganito ang patotoo sa Langit tungkol sa mga masasama matapos ang ikalawang lagim. Hindi nakapagtataka na ipinahayag na ang ikatlong lagim ay agad na susunod matapos ang ikalawang lagim. “Naganap na ang ikalawang malagim na pangyayari. Ang ikatlo'y malapit nang maganap.” (Pahayag 11:14)
[27] Unang Salot – “Kaya umalis ang unang anghel at ibinuhos ang kanyang mangkok sa lupa, at nagkaroon ng nakapandidiri at napakasakit na sugat ang mga may tatak ng halimaw at mga sumasamba sa larawan nito.” (Pahayag 16:2)
[28] Ikalawang Salot – “Ibinuhos ng ikalawang anghel ang kanyang mangkok sa dagat, at ito'y naging tulad ng dugo ng isang bangkay, at ang bawat nilalang na may buhay sa dagat ay namatay.” (Pahayag 16:3)
[29] Ikatlong Salot – “Ibinuhos ng ikatlong anghel ang kanyang mangkok sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig, at naging dugo ang mga ito.” (Pahayag 16:4)
[30] Ikaapat na Salot – “At ibinuhos ng ikaapat na anghel ang kanyang mangkok sa araw, at pinayagan itong pasuin ang mga tao.” (Pahayag 16:8)
[31] Ikalimang Salot – “Ibinuhos ng ikalimang anghel ang kanyang mangkok sa trono ng halimaw, at ang kanyang kaharian ay nagdilim. Dahil sa kirot, kinagat ng mga tao ang kanilang mga dila.” (Pahayag 16:10)
[32] Ikaanim na Salot – “Ibinuhos ng ikaanim na anghel ang kanyang mangkok sa malaking Ilog Eufrates, at natuyo ang tubig nito upang ihanda ang daan para sa mga hari mula sa silangan.” (Pahayag 16:12)
[33] Ikapitong Salot – “At ibinuhos ng ikapitong anghel ang kanyang mangkok sa himpapawid, at mula sa templo ay lumabas ang isang malakas na tinig, mula sa trono, na nagsasabi, ‘Nangyari na!’ At gumuhit ang mga kidlat, nagkaingay, dumagundong ang mga kulog, at lumindol ng malakas, na hindi pa nangyayari buhat nang magkatao sa lupa. Napakalakas ng lindol na iyon. Nahati sa tatlo ang malaking lungsod, at ang mga lungsod ng mga bansa ay nagbagsakan. Ibinaling ni Yahuwah ang Kanyang pansin sa tanyag na Babilonya, at pinasaid Niya rito ang kopa ng alak ng Kanyang matinding poot. Tumakas ang bawat pulo at naglaho ang mga bundok na matagpuan. Mula sa langit ay bumagsak sa mga tao ang malalaking tipak ng yelo na tumitimbang ng halos isandaang libra, at nilait nila si Yahuwah dahil doon. Kasindak-sindak ang salot na iyon.” (Pahayag 16:17-21)
[34] Ganap na pagkawasak ng Dakilang Lungsod, iyon ay ang Vatican – “Nahati sa tatlo ang malaking lungsod, at ang mga lungsod ng mga bansa ay nagbagsakan. Ibinaling ni Yahuwah ang Kanyang pansin sa tanyag na Babilonya, at pinasaid Niya rito ang kopa ng alak ng Kanyang matinding poot.” (Pahayag 16:19)
[35] Simula ng 45 araw na pagluluwalhati ng mga hinirang – Nalalaman natin na ang mga hinirang ay ipagdiriwang sa Langit ng Ama, ng Anak, at lahat ng mga banal na anghel sa kanilang pag-akyat sa Langit. Gayunman, plano ng Ama na ang mga hinirang ay luluwalhatiin, ng mga mismong masasamang tao na nag-usig at nagpakasakit sa kanila sa panahon ng 1,260 araw. Habang ang nalalabing lider ng mundo ay tumungo sa pagpapahirap ng halimaw, kaya tutupad sa mga salita ni Yahushua – “Ang nakita mo namang sampung sungay, ang mga ito at ang halimaw ay masusuklam sa mahalay na babae. Siya'y kanilang pababayaan at iiwang hubad at kanilang lalamunin ang kanyang laman at siya'y susunugin sa apoy” (Pahayag 17:16) – ang mga lider ng mundo na ito na nalinlang ng halimaw at sisira sa sistema ng kapapahan ay pararangalan din ang mga muling nabuhay na hinirang at ang 144,000 para sa kanilang katapatan sa loob ng 45 araw.
Kung paano tayo darating sa 45 araw na bilang para sa panahon ng pagluluwalhati, bumalik tayo sa Daniel 12. “At mula sa panahon na ang palaging handog na susunugin ay aalisin, at matatayo ang kasuklam-suklam na naninira, ay magkakaroon ng isang libo't dalawang daan at siyam na pung araw. Mapalad siyang naghihintay, at datnin ng isang libo't tatlong daan at tatlong pu't limang araw” Daniel 12:11-12. Ang 1,290 literal na araw ay tumutukoy sa panahon kung kailan ang “kasuklam-suklam na naninira” ay mamumuno. Nalalaman natin sa Pahayag 11 na ‘kanilang tatapak-tapakan ang banal na lungsod sa loob ng apatnapu't dalawang buwan.’ Ito ay kung kailan ang ‘kasuklam-suklam na naninira’ at magtatagal ng 42 buwan o 1,260 araw. Kinumpirma rin ng Daniel 12 sa berso 7 ang kaparehong haba ng panahon ‘na magiging sa isang panahon, mga panahon, at kalahati ng isang panahon; at pagka kanilang natapos na mapagputol-putol ang kapangyarihan ng banal na bayan.’ Ang tatlo’t kalahating taon na ito ay katumbas ng 1,260 araw, o 42 buwan. Pinagtitibay namin ang pagkakaiba ng 1,290 araw at ang 1,260 araw ay marapat na panahon na ihahanda ng Ama ang pagbubuhos ng pitong huling salot. Sinabi kay Daniel na ang kasuklam-suklam na naninira ay magtatagal ng 1,290 araw at kinumpirma na ang Kanyang bayan ay kakalat sa panahon ng 1,260 araw, kaya ang nalalabing 30 araw ay ang mismong panahon ng pitong huling salot. Ang poot ni Yahuwah ay ipapahayag sa 14 na salot. Ang unang pito ay tinatawag na trumpeta, at ang mga ito’y ibabagsak habang ang Kanyang pintuan ng awa ay nananatiling bukas. Gayunman, kapag ang pitong huling salot ay ibinuhos, ang pintuan ng awa ay sarado na magpakailanman.
[36] Ang espesyal na muling pagkabuhay ng Daniel 12:2 – “At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak” (Daniel 12:2). Hindi nito tinutukoy ang unang muling pagkabuhay. Ito ay isang sanggunian sa isang muling pagkabuhay kung kailan ang ilan sa mga matutuwid ay ibabangon kasama ang ilan sa mga masasama, nang sabay. Sa unang pagkabuhay, tanging ang mga matutuwid lamang ang muling bubuhayin ng tinig ni Yahushua. Ngunit sa espesyal na muling pagkabuhay na ito na mauuna bago ang Muling Pagdating ni Yahushua, ilan sa mga matutuwid at mga masasama ay gigisingin para masaksihan ang Muling Pagdating ng ating Panginoon. Sinabi ni Juan sa atin ang pagkakakilanlan ng mga masasama na muling bubuhayin bago dumating si Kristo. “Tingnan ninyo! Dumarating siyang nasa mga ulap; makikita siya ng bawat mata, maging ng mga sumaksak sa kanya, at tatangis dahil sa kanya ang lahat ng lipi sa daigdig” (Pahayag 1:7). Paano ang mga sumaksak kay Kristo ay masasaksihan ang kanyang maluwalhating pagdating maliban na lang kung sila’y unang nabuhay muli sa mga patay sa espesyal na pagkabuhay na ito? Ano naman ang ibang grupo? Sino ang mga matutuwid na bubuhaying muli kasama ng mga masasama na nakilahok sa pagpapako sa krus ng ating Panginoon? Hindi sinabi ng Bibliya sa atin kung sino sila. Kami’y nagpalagay na ang mga matutuwid na bubuhaying muli sa pagsisimula ng panahon ng pagluluwalhati sa loob ng 45 araw ay mga martir na namatay sa kamay ng halimaw at huwad na propeta sa panahon ng 1,260 araw ng pag-uusig ng kapapahan. Sa paraang ito, sila ay hindi maiiwan sa pagsalubong sa kanilang minamahal na Panginoong Yahushua, sapagkat binayaran nila ang sukdulang kabayaran sa pagtanggol sa kanyang patotoo. Sila’y makakasama ang kanilang kapanabay na 144,000 na sasalubong sa pagbabalik ni Yahushua nang may mga bukas na kamay.