Ang Bagong Langit At Lupa Ni Yahuwah Ay Isang Matapos Ang Milenyo Na Kaganapan. Narito Kung Bakit.
Ang kalidad ng buhay, para sa matuwid at mga makasalanan, sa panahon ng Milenyo ay magiging isang order ng kataas-taasang kahalagahan sa ating pinakamalakas na imahinasyon. Upang mamuhay sa isang sanlibutan kung saan ang kataas-taasang awtoridad sa lahat ng mga bansa ay hindi ang madungis na UN o maging paksa sa mga kapritso ng mapanakop na order batay sa pamamahala ng US, sa halip ay sa isang sanlibutan kung saan ang hindi matututulang sukdulang awtoridad para kay Yahushua ay isang bagay na dapat magpapasabik sa gana ng bawat mamamayan ng buong mundo. Maraming pandaigdigang lider at entidad ay hindi malulugod kay Yahushua kapag nakita nila sa kaulapan habang lumalapit sa lupa, napaliligiran ng mga anghel ng langit. Sila’y magtatangka na pigilan ang kanyang pagbabalik sa lupa sa pagpapaputok ng lahat ng kanilang mga balistikong misil nang pataas, ngunit walang pakinabang. Ang pagpapabagsak ng kasalukuyang ‘mga lobo ng banyaga’ ay marahil isang lubos na panimulang pagsasanay para sa aktwal na kaganapan. Nagpapaalala sa atin si Lucas ng kapalaran ng mga masasamang hadlang na ito. Bagama’t si Satanas at kanyang mga bumagsak na anghel ay igagapos sa hukay na walang kalaliman sa buong Milenyo, ang mga makasalanan ng mga bansa ay patuloy na kakailanganin ang baras na bakal ni Yahushua upang sumunod at tumahimik.
Kabilang sa mga agarang pakinabang ng pamumuno ni Yahushua ay ang katapusan ng lahat ng mga digmaan at ang paglilipat ng lahat ng mga industriyal na pang-militar na hugnayan, tungo sa agrikultural, industriyal na mga hugnayan. Malamang ang sumpa ng lupa ay bahagyang tinanggal, humahantong sa mga makasalanan na mamuhay nang mas mahaba pa. Walang pandemya, walang pakana ng WEF, walang kurakot na pulitiko, walang diktador, walang diskriminasyon, walang kawalan ng katarungan, walang kagutuman, walang pagkauhaw, sibil na pag-aaklas, walang 1% pili na nagmamay-ari ng 90% ng mga kayamanan ng sanlibutan, walang lindol, walang bagyo, walang pananamantala sa trabaho, walang propagandang LGBT, walang bukas na pedopile, walang mababangis na hayop, at ang listahan ay nagpapatuloy pa ng mga direktang pakinabang ng pamumuno ni Yahushua. Ito ay kung bakit ang bawat selula sa ating katawan ay naghahangad na mamuhay sa panahon na paparating, iyon ay, ang Milenyong Kaharian ng Mesias ni Yahuwah.
Sa kabila ng mga nabanggit, ang Panahon ng Isang Libong Taon ay may depekto rin. Mayroon pang kamatayan sa mga kampo ng mga makasalanan, na nagsasangkot ng kirot, pighati, at kalungkutan sa mga matuwid, nawawalan ng mahal sa buhay. Ang nagpapatuloy na mapanghimagsik na kurso ng ilang makasalanan ay bubuo sa patuloy na pasanin at sakit para sa mga matuwid. Sapagkat ang mga matatapat na mananampalataya ngayon ay naghahangad para sa Panahon ng Isang Libong Taon, ang matuwid, kasama si Yahushua, ay mananabik para sa buhay matapos ang Milenyo kung kailan si Yahuwah ay lilikha ng isang bagong langit at lupa matapos ang huling paghuhukom ni Satanas at matapos ang Dakilang Paghuhukom sa Harap ng Puting Trono ng mga muling binuhay na makasalanan. Ang maiksing paglalarawan ng bagong langit at lupa sa huling dalawang kabanata ng Aklat ng Pahayag ay isang bahagyang sulyap ng buhay sa walang hanggang kaligayahan na magbibigay ng galak sa mga matuwid magpakailanman.
Sa bagong langit at bagong lupa, sinasabi ng Kasulatan, mayroong pitong bagay na kapansin-pansin para sa kanilang kawalan—pitong bagay na “wala na”:
- wala nang dagat (Pahayag 21:1)
- wala nang kamatayan (Pahayag 21:4)
- wala nang pagluluksa (Pahayag 21:4)
- wala nang pagtangis (Pahayag 21:4)
- wala nang kirot (Pahayag 21:4)
- wala nang isinumpa (Pahayag 22:3)
- wala nang gabi (Pahayag 22:5)
Lilikha si Yahuwah ng isang bagong langit at lupa dahil ang lupa, sa halip na langit, ay magiging Kanyang bagong permanenteng tahanan. Kasama Niyang mamumuhay si Yahushua at ang mga matuwid sa siyudad ng Bagong Jerusalem na bababa mula sa langit. Ang makalupang Jerusalem at ang templo nito na itatayo ni Yahushua sa kanyang pagbabalik ay hindi na kakailanganin kapag si Yahuwah ay muling nilikha ang langit at lupa. Ang paglalarawan ng Makalangit na Jerusalem na bababa patungo sa lupa ay lagpas sa anumang salita ng tao. Ang maaari lamang nating gawin ay patuloy na mangarap tungkol sa siyudad na ito na malabong inilarawan ni Apostol Juan sa Pahayag 21 at 22.
Hindi dapat nating pagsamahin ang makalupang Jerusalem sa makalangit:
Mayroong maliwanag na pagkakaiba sa pagitan ng dalawang siyudad. Narito ang ilan sa mga natatanging tampok na magkaiba sa dalawang siyudad:
- Ang makalupang Jerusalem ng Milenyo ay magkakaroon ng isang templo na ang mga panoorin ay binalangkas sa katiting na detalye sa huling siyam na mga kabanata ni Ezekiel. Ang Jerusalem matapos ang Milenyo ay walang templo.
- Ang panghinaharap na tubig na umaagos mula sa ilalim ng templo ng makalupang Milenyong Jerusalem sa silanganang rehiyon na bumababa sa Arabah [ang Dagat na Patay, ang pinakamababang lugar sa lupa na 1,400 talampakan na mababa sa lebel ng dagat, at ang pinakamaalat na anyong-tubig] ay magdadala ng buhay sa patay kaya napakaraming isda ang maaaring anihin mula sa kasalukuyang patay na dagat. Sa Jerusalem matapos ang Milenyo, mababasa natin ang ‘ilog ng tubig ng buhay na kasinlinaw ng kristal. Bumubukal iyon mula sa trono ni Yahuwah at ng Kordero’ at tungkol sa puno ng buhay, kaya nagbibigay ng isang natatanging pagkakaiba sa pagitan ng dalawang Jerusalem.
- Ang presensya ng mga makasalanan sa panahon ng Milenyo ay mangangailangan ng pag-aalay upang linisin ang matuwid mula sa karumihan na nagreresulta mula sa direktang paglapat sa mga makasalanan. Sapagkat wala nang nabubuhay na makasalanan matapos ang Milenyo, wala nang kailangan para sa isang templo o paghahandog ng anumang sakripisyo. Ito ay kung bakit wala nang templo sa Jeresalem matapos ang Milenyo.
- Wala nang gabi sa Jerusalem matapos ang Milenyo, dahil ang kaluwalhatian ni Yahuwah Ama ay mapupuspos ang liwanag ng araw at buwan. Hindi ito ang kaso sa Milenyong Jerusalem, kung saan ang panunungkulan ng araw at buwan ay magpapatuloy sa pamamahala sa araw at gabi.
- Sa Isaias 66:22-24, matatagpuan natin ang isang lubos na makabagbag-damdaming pahiwatig na nagpapakita ng hindi lamang na ang bagong langit at lupa ay magiging isang kaganapan matapos ang Milenyo, kundi nagdadagdag rin ng isang napakahalagang detalye:
“Sapagka’t kung paanong ang mga bagong langit at ang bagong lupa, na aking lilikhain ay mananatili sa harap ko”—ito ay ang deklarasyon ni Yahuwah—“gayon mananatili ang inyong lahi, at ang inyong pangalan. At mangyayari, na mula sa Bagong Buwan hanggang sa panibago, at mula sa isang Sabbath hanggang sa panibago, paroroon ang lahat na tao upang sumamba sa harap ko,” sabi ni Yahuwah. “At sila’y magsisilabas, at magsisitingin sa mga bangkay ng mga taong nagsisalangsang laban sa akin: sapagka’t ang kanilang uod ay hindi mamamatay, o mamamatay man ang kanilang apoy; at sila’y magiging kayamutan sa lahat ng mga tao.”
Sa pagpapahayag ni Yahuwah ng paglikha ng bagong langit at lupa sa ibabaw, Siya’y nagbibigay ng isang konteksto ng panahon para sa gawa na ito. Sinasabi Niya sa atin na ang matuwid ay makikita ang mga bangkay ng tao na naghimagsik laban sa Kanya, sapagkat ang kanilang uod ay hindi mamamatay, at ang kanilang apoy ay hindi matutupok. Ito ay isang matalinghagang paglalarawan para sa huling paghuhukom ng mga masasama matapos ang Ikalawang Muling Pagkabuhay. Sa ibang salita, ang bagong langit at lupa ay darating matapos ang masasama ay hinatulan at sinunog, matapos ang Milenyo.
- Panghuli, ang mga pangyayaring binalangkas sa Aklat ng Pahayag ay isinalaysay nang ayon sa pagkakasunod-sunod. Hindi na kataka-taka na ang bagong lupa, bagong langit, at ang makalangit na Jerusalem ay inilarawan sa mga kabanata 21 at 22, matapos ang kabanata 20, na inilaan sa mga kaganapan sa panahon ng Milenyo.
Mga nakapupukaw na panahon ang naghihintay sa matuwid sa Panahon ng Isang Libong Taon, at walang hanggan na mas kaabang-abang na mga panahon ang naghihintay matapos ang Isang Libong Taon.