Ang Halimaw ng Pahayag 13, Kanyang Tanda at Kabayong Troyano
Ang katha-katha ng isang hindi mawasak na patuloy na sanlingguhang pag-ikot ay ang pundasyon kung saan ang "tanda ng halimaw" ay nananahan. Pag-isipan na ang araw ng Sabado ay ang Sabbath ay siniyasat ba nila Adan, Noe, ang mga Patnyarka, Moises, ang mga Propeta, Yahushua, at ang mga Apostol? Pag-isipang muli! Kaunting panahon na lamang, minamahal ni Yahuwah. Pagsikapan mong maging karapat-dapat. |
Sino ang napakasamang “halimaw” ng Pahayag?
Sa Pahayag 13, mahahanap natin ang dalawang halimaw: (1) isang halimaw mula sa dagat; (2) isang halimaw mula sa lupa. Una sa lahat ang unang halimaw ay ang aasikasuhin natin dito, gayunman, dahil ang kanyang tanda ang nais natin pang siyasatin. Para sa mas marami pa ukol sa halimaw mula sa lupa, sumangguni sa: Propesiya ng Bibliya (Direktoryo ng Nilalaman).
![]() |
Sino ang Halimaw sa Aklat ng Pahayag?
|
Ang unang halimaw sa Pahayag 13 ay hindi mapabubulaanan na Roma at, sa pagpapalawak, ang Simbahang Katoliko. Kapag ang mga katangian at kasaysayan ng Simbahang Katoliko ay pinagtabi sa mga katangian ng halimaw mula sa dagat na ibinigay ni Juan ang Mamahayag, mahahanap natin ang hindi pa ganap na tugma. Kapag dinagdag natin sa paglalarawan ni Juan ang “babae” sa Pahayag 17 at paglalarawan ni Daniel ng kapangyarihang antikristo sa Daniel 7, wala nang lugar pang matitira para pagdudahan kung ano ang papel ng Simbahang Katoliko sa propesiya ng Bibliya.
Ang Simbahang Katoliko ay ganap na umangkop sa bawat detalye ng propetikong paglalarawan. Ito ang tinutukoy na “halimaw.”
- Ang Simbahang Katoliko ay parehong isang Simbahan at isang Siyudad.
- Ang Simbahang Katoliko ay nakaupo sa Pitong Burol.
- Ang Simbahang Katoliko ay nakasuot ng telang pula at granate, may mga ginto, mahahalagang bato at perlas.
- Ang Simbahang Katoliko ay ang kapangyarihang naghahari sa LAHAT ng nakatira sa mundo.
- Ang Simbahang Katoliko ay lumitaw kung saan maraming tao na may iba’t ibang kultura.
- Ang Simbahang Katoliko ay ganap na pumuksa sa tatlong ibang kaharian habang lumitaw sa kapangyarihan.
- Ang Simbahang Katoliko ay dinirigma ang mga Hinirang.
- Ang Simbahang Katoliko ay mayroon isang tao na kumikilos at nagsasalita sa lahat.
- Ang papa ay itinataas ang sarili na kasingtaas ni Yahuwah.
- Ang papa ay kinilala sa bilang na “666”.
- Ang Simbahang Katoliko ay nagsasalita ng sobrang kayabangan at panglalait.
- Ang Simbahang Katoliko ay tinangkang baguhin ang Kautusan at Takdang Kapanahunan ni Yahuwah.
- Ang Simbahang Katoliko ay naghari sa loob ng 1,260 taon.
- Ang Simbahang Katoliko ay tinanggalan ng kapangyarihan ng mga sibilyan at “binihag”.
- Ang Simbahang Katoliko ay nasugatan (ngunit gumaling sa huli).
Para sa isang detalyadong pagpapaliwanag ng ganap na katuparan ng mga punto sa ibabaw, sumangguni sa: Sino ang Halimaw sa Aklat ng Pahayag?
Ano ang “tanda” ng halimaw?
Nalalaman natin nang may katiyakan na ang Roma ay ang “halimaw.” Kaya sa halip na isaklaw ang tungkol sa kung ano ang “tanda ng halimaw,” maging tiyak at magtanong kung ano ang “tanda ng Roma.” Upang mahanap ang kasagutan, hindi na tayo lalayo pa. Ang Simbahang Katoliko, sa kanyang dakilang pagka-arogante at Luciferyang pagmamataas, ay hindi nababagabag na nagmalaki na ang “tanda” ng kanyang kapangyarihan ay ang pagmamataas ng araw ng Linggo. Ito, sinasabi niya, ay patunay na siya ay “higit sa Bibliya.”
Ang Araw ng Linggo ay aming tanda ng kapangyarihan . . . ang simbahan ay higit sa Bibliya, at ang pagsasaling ito mula sa pagtalima sa Sabbath ay patunay ng katunayang iyon. (Catholic Record of London, Ontario, Setyembre 1, 1923).
![]() |
|
Ang ganitong halatang pahayag ay bahagyang hindi pangkaraniwan sa Simbahang Katoliko. Ang “halimaw” ay lubos na nagmalaki sa mga pagsisikap nito na itaas ang paganong araw ng Linggo, habang tinatapak-tapakan ang salita ni Yahuwah:
- “Ang Araw ng Linggo...ay ganap na gawa lamang ng Simbahang Katoliko.” (American Catholic Quarterly Review, Enero 1883)
- “Ang Araw ng Linggo...ay ang kautusan na araw ng Simbahang Katoliko lamang . . .” (American Sentinel (Catholic), Hunyo 1893)
- “Ang araw ng Linggo ay isang Katolikong institusyon at tinanggap sa pagtalima na maaari lamang sumangga sa mga alituntunin ng Simbahang Katoliko.” (Catholic Press, Sydney, Australia, Agosto, 1900)
- “Sila [ang mga Protestante] ay naniniwala sa kanilang tungkulin na panatilihing banal ang araw ng Linggo. Bakit? Sapagkat sinabi sa kanila ng Simbahang Katoliko na gawin ito. Wala silang iba pang dahilan . . . Ang pagsamba sa araw ng Linggo ay tumungo na maging pansimbahang batas na lubos na magkaiba sa Banal na Kautusan ng pagtalima sa Sabbath . . . Ang may-akda ng batas ng Linggo . . . ay ang Simbahang Katoliko.” (Ecclesiastical Review, Pebrero 1914)
- “Hindi ba na-obliga ang bawat Kristyano na pabanalin ang araw ng Linggo at para umiwas sa araw na iyon mula sa mga hindi kailangang trabaho? Hindi ba ang pagtalima sa kautusang ito ay kabilang sa mga pinaka-prominente ng ating mga sagradong tungkulin? Ngunit maaari mong basahin ang Bibliya mula sa Genesis hanggang sa Pahayag, at wala kang makikitang isang linya na nagbibigay ng awtoridad sa pagpapakabanal sa araw ng Linggo.” (James Cardinal Gibbons, The Faith of Our Fathers (1917 edition), p. 72-73 (16th Edition, p. 111; 88th Edition, p. 89).)
- “Mabuting ipaalala sa mga Presbyterians, Baptists, Methodists, at lahat ng ibang Kristyano, na ang Bibliya ay hindi sila itinataguyod saanman sa kanilang pagtalima sa araw ng Linggo. Ang araw ng Linggo ay isang institusyon ng Simbahang Katoliko, at ang mga tumatalima sa araw na iyon ay tumatalima sa utos ng Simbahang Katoliko.” (Priest Brady, sa isang talumpating naiulat ng The News, Elizabeth, New Jersey, Marso 18, 1903.)
- “Sino Ang Aming Iginagalang at Binibigyan ng Parangal sa Pagpapanatili sa Araw ng Linggo Na Banal? Mula rito maaari naming maunawaan kung paano kadakila ang kapangyarihan ng simbahan sa pagbibigay ng kahulugan at pagpapaliwanag sa amin ng mga utos ng Diyos – isang kapangyarihan na kinikilala sa pangkalahatang kasanayan ng buong Kristyanismo, maging iyong mga sekta na nagpahayag na kunin ang Banal na Kasulatan bilang kanilang nag-iisang batayan ng pananampalataya, simula noong kanilang pinagmasdan bilang araw ng pamamahinga ay hindi ang ikapitong araw na hiniling ng Bibliya, kundi ang unang araw. Kung saan nalaman namin na panatilihing banal, mula lamang sa tradisyon at turo ng Simbahang Katoliko.” (Henry Gibson, Catechism Made Easy, #2, 9th edition, vol. 1, pp. 341-342.)
- “Ito ay ang Simbahang Katoliko na...naglipat ng pamamahingang ito patungo sa araw ng Linggo bilang pag-alala sa muling pagkabuhay ng Panginoon. Kaya ang pagtalima sa araw ng Linggo ng mga Protestante ay isang parangal na binabayaran nila, sa kabila nila, sa awtoridad ng Simbahang Katoliko.” (Monsignor Louis Segur, Plain Talk About the Protestantism of Today, 1868, p. 213.)
- “Ang mga Protestante...ay tinanggap ang araw ng Linggo sa halip na araw ng Sabado bilang araw para sa pampublikong pagsamba matapos ginawa ng Simbahang Katoliko ang pagbabago...Ngunit ang kaisipang Protestante ay tila hindi natatanto na...sa pagtalima sa araw ng Linggo, tinatanggap nila ang awtoridad ng tagapagsalita para sa simbahan, ang Santo Papa.” (Our Sunday Visitor, Pebrero 15, 1950.)
- “Ang Simbahang Katoliko ay binago ang pagtalima sa Sabbath sa araw ng Linggo sa pamamagitan ng karapatan ng banal, hindi nagkakamaling awtoridad na ibinigay ng kanyang tagapagtatag, si Hesu-Kristo. Ang pag-aangkin ng Protestante na ang Bibliya ay ang tanging patnubay ng pananampalataya, ay walang kapangyarihan sa pagtalima sa araw ng Linggo.” (The Catholic Universe Bulletin, Agosto 14, 1942, p. 4.)
Ano ang madalas makaligtaan rito ay hindi lamang ang pagbabago ng mga araw na ipinagmalaki ng Simbahang Katoliko, kundi ang pagbabago ng kalendaryo. Habang maraming iskolar, kahit sa loob mismo ng Katolisismo, ay malinaw na walang nalalaman sa katunayang ito, ang kasaysayan ay dala-dala nang walang pag-aalinlangan. Papalawakin pa namin ang tungkol dito mamaya. |
Ang pagmamataas ng Simbahang Katoliko na siya ay mayroong kapangyarihan na baguhin ang mga Banal na Araw ng Langit ay ang bunga ng matagal nang hinahangad ni Satanas na pagtanggap ng pagsamba – sa pamamagitan ng pagtatatag kung kailan sasamba.
![]() |
|
Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa!
At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng El; at ako'y uupo sa bundok ng kapisanan [H4150 – mo’ed], sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan:
Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataas-taasan. (Isaias 14:12-14)
Ang “kapisanan” sa sipi sa ibabaw ay isinalin mula sa salitang Hebreo, mo’ed, na “ginamit sa isang malawakang diwa para sa lahat ng mga pagtitipong pangrelihiyon. Ito ay malapit na nauugnay sa mismong tolda.”1 Ang layunin ni Satanas sa simula pa lang ay magtatag kung kailan sasamba, at sa kahalagahan ng pagsasanay ng kapangyarihang iyon, inaagaw ang karapatan na sambahin. Ang Simbahang Katoliko, bilang kanyang makalupang ahente, ay tinulungan at sinulsulan siya sa bawat hakbang ng landas.
Ibinigay ng dragon [Satanas2] sa halimaw [Roma] ang kanyang kapangyarihan, ang trono, at ang kanyang malawak na pamamahala. (Pahayag 13:2)
Nakalulungkot na makita na napakaraming itinuring na mga Kristyano ngayon ang naiiba sa testimonya ng Kasulatan at ang sukdulan ng mga panahon na nagaganap na sa harapan nila. Ganap na masakit sa puso na makita na napakarami sa mga itinuring na bayan ni Yahuwah ang kampanteng nakaupo sa mga bangkuan ng tradisyon habang ang Kanyang nabubuhay na salita, binalutan ng alabok ng pagpapabaya, ay sumisigaw para sa kanyang mga anak.
Ano ang kabaligtaran ng “tanda” ng halimaw?
Sa Kasulatan, nahanap namin na hindi lamang ang Roma ang mayroong “tanda,” ang Langit ay mayroon din. Minsang tinukoy bilang “selyo” o “tatak,” ang tanda ng Langit ay ang kabaligtaran, o direktang oposisyon, sa tanda ng Roma.
- Tanda ng Roma = Pagtatangi ng araw ng Linggo at ang pagtatatag ng mga araw ng pagsamba sa pamamagitan ng modernong huwad na kalendaryo (kabaligtaran sa banal na kautusan)
- Selyo/Tatak ng Langit = Mapagmahal na pagsunod sa banal na kautusan, kabilang ang pagtalima sa ikapitong araw ng Sabbath, mga Bagong Buwan, at mga taunang kapistahan (lahat ng mga ito’y itinatag sa kalendaryo ng Langit)
Ganap na masakit sa puso na makita na napakarami sa mga itinuring na bayan ni Yahuwah ang kampanteng nakaupo sa mga bangkuan ng tradisyon habang ang Kanyang nabubuhay na salita, binalutan ng alabok ng pagpapabaya, ay sumisigaw para sa kanyang mga anak.
|
Tandaan: Kapag sinasalita ang tatak o selyo ng Langit, sinasabi nating “mapagmahal na pagsunod” sa banal na kautusan dahil hindi natin maaaring makamit ang pabor ng Langit sa mga pantaong gawa o sa panlabas na seremonya. Tayong lahat, walang hindi kasama, ay hindi karapat-dapat sa pagpabor at pag-ibig ng Ama. “Ang lahat nating katuwiran ay naging parang basahang marumi”3 sa paningin ng Langit, at ang ating tanging pag-asa ay si Yahushua at ang kanyang pagkamatuwid. Ang pagpapanatili ng mga kautusan ng Ama ay ang bunga ng ating kaligtasan, hindi ugat. Lahat ng tunay sa isang nagliligtas na relasyon sa Ama, at mga mayroong buhay na koneksyon sa Kanya, ay magagalak na tumalima sa Kanyang mga kautusan at mabubuhay sa lahat ng liwanag na makukuha.4 Narito na ang selyo/tatak ni Yahuwah ay natanggap, sapagkat ang ating mapagmahal na pagsunod ay nagpapakita ng Kanyang Espiritu na gumagawa sa atin.
Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak. Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ni Yahuwah; at sa kautusan Niya nagbubulaybulay siya araw at gabi. (Awit 1:1-2)
Mahigit 2,500 taon ang nakalipas, ang propetang si Ezekiel ay isinulat ang isang kamangha-manghang propetikong paglalarawan ng dalawang kalendasyon na kasalukuyan nating nasasaksihan. Ang kanyang paglalarawan ay hindi na maaaring tumbasan ng higit na katumpakan sapagkat, ngayon, milyun-milyong itinuring na mga Kristyano ang nakatayo sa kanilang mga sinasandalan sa kautusan ni Yahuwah habang itinataas ang huwad na kalendaryong solar ng Roma.
![]() |
Kapaskuhan: Pinagmulan, Kasaysayan, at mga Tradisyon
|
Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Nakita mo baga ito, Oh anak ng tao? iyo pa muling makikita ang lalong malaking mga kasuklam-suklam kay sa mga ito. At dinala niya ako sa pinakaloob na looban ng bahay ng Panginoon, at, narito, sa pintuan ng templo ni Yahuwah sa pagitan ng malaking pintuan at ng dambana, ay may dalawang pu't limang lalake, na sila'y nakatalikod sa dako ng templo ni Yahuwah, at nakaharap sa dakong silanganan; at kanilang sinasamba ang araw sa dakong silanganan. (Ezekiel 8:15-16, binigyang-diin)
Sa kalikasan, kapag naunawaan natin ang lubos na kahalagahan ng mga kapistahan ng Langit (kalkulado ng kalendaryo ng Langit), tayo ay unti-unting nababagabag sa mga nalalaman o hindi nalalaman na pinababayaan ang mga kapistahan habang pabor sa mga araw ng halimaw, gaya ng mga araw ng Sabado/Linggo, Kapaskuhan, Pasko ng Pagkabuhay.
Ang lehitimong malalim na pagsisising ito ay nalalaman kay Yahuwah Ama, gaya sa bawat kaisipan, damdamin, motibo, at layunin ng puso. Sa mapagmahal na pagpapakababa, naglagay Siya ng Kanyang tanda (tatak o selyo) sa lahat ng mga nagbuntong-hininga at nagsidaing sa mga dumadaming kasamaan at kasuklam-suklam na gawain.
At sinabi ni Yahuwah sa kaniya, Pumaroon ka sa gitna ng bayan, sa gitna ng Jerusalem, at maglagay ka ng mga tanda sa mga noo ng mga taong nangagbubuntong-hininga at nagsidaing dahil sa lahat na kasuklam-suklam na nagawa sa gitna niyaon. (Ezekiel 9:4, binigyang-diin)
Pagkatapos ay inutos ni Yahuwah ang Kanyang mga tagapakinig na lipulin ang lahat ng walang taglay ng Kanyang tatak. (Isaisip na ang selyo/tanda ni Yahuwah ay kabaligtaran ng tanda ng halimaw. Sa huli, lahat ng nabubuhay ay magkakaroon ng isa o ng iba; walang sinuman ang nasa pagitan.)
At sa mga iba ay sinabi niya sa aking pakinig, Magsiparoon kayo sa bayan na magsisunod sa kaniya, at manakit kayo: huwag magpatawad ang inyong mata, o kayo man ay mahabag . . . nguni't huwag lumapit sa sinomang lalake na tinandaan; at inyong pasimulan sa aking santuario. Nang magkagayo'y kanilang pinasimulan sa mga matandang lalake na nangasa harap ng bahay. (Ezekiel 9:5-6, binigyang-diin)
Ang Tanda: Literal o Matalinghaga?
Marami ang nangatuwiran na ang “tanda ng halimaw” ay dapat na literal (gaya ng isang computer chip, isang tatu, atbp.) na maaaring makita o mapansin ng mga tao. Sa Ezekiel 9 (sa ibabaw), gayunman, mayroon tayong malinaw na halimbawa ng isang “tanda” na malinaw lamang na nakikita ng Ama at Kanyang mga anghel. Dagdag pa, ang mga sipi sa Pahayag na nagpakilala ng “tanda ng halimaw” sa Pahayag 13 ay napapaligiran ng mga simbulo. Ang halimaw mula sa dagat, halimbawa, ay hindi nilayon na kumatawan sa isang literal na hayop na lumitaw mula sa katubigan. Habang ang wika ay ginamitan ng literal na pagpapahayag, ang kahulugan sa konteksto ay ipapaliwanag nang pasagisag. Ang puntong ito ay inilarawan pa sa kung saan ang tanda ng halimaw ay ilalagay:
![]() |
666: Bilang ng Halimaw | Kilalanin Ang Kapangyarihang Pinili ni Satanas!
|
At pagkatapos, sumunod sa kanila ang ikatlong anghel na nagsasabi nang malakas, Sinumang sumasamba sa halimaw at sa larawan nito at tumatanggap ng tanda sa kanyang mga noo o sa kanyang mga kamay, ay iinom din sa alak ng poot ni Yahuwah, na ibubuhos na walang halo sa kopa ng Kanyang galit. . . . (Pahayag 14:9-10, binigyang-diin)
Ang noo ay ginamit nang pasimbulo sa buong Lumang Tipan upang kumatawan sa kaisipan, pagtingin, o paniniwala:
Kaya't ang ambon, ay napigil, at hindi nagkaroon ng huling ulan; gayon man may noo ka ng isang patutot ikaw ay tumakuwil na mapahiya. (Jeremias 3:3)
Narito, aking pinapagmatigas ang iyong mukha laban sa kanilang mga mukha, at pinatigas ko ang iyong ulo laban sa kanilang mga ulo. Ginawa kong parang isang diamante na lalong matigas kay sa pingkiang bato ang iyong ulo: huwag mo silang katakutan, o manglupaypay man sa kanilang tingin, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan. (Ezekiel 3:8-9, binigyang-diin)
Ang kamay ay ginamit sa buong Lumang Tipan upang ipakilala ang mga aksyon o mga kasanayan ng isang tao.
Anomang masumpungang gawain ng iyong kamay, gawin mo ng iyong kapangyarihan; sapagka't walang gawa, ni katha man, ni kaalaman man, ni karunungan man, sa Sheol, na iyong pinaparunan. (Mangangaral 9:10, binigyang-diin)
Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka; at ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata. Itali mo sa iyong mga daliri; ikintal mo sa iyong puso. (Kawikaan 7:2-3, binigyang-diin)
At sa iyo'y magiging pinakatanda sa ibabaw ng iyong kamay, at pinakaalaala sa pagitan ng iyong mga mata, upang ang kautusan ni Yahuwah ay sumaiyong bibig: sapagka't sa pamamagitan ng malakas na kamay, ay inalis ka ni Yahuwah sa Egipto. (Exodo 13:9, binigyang-diin)
At ang mga salitang ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay sasa iyong puso; At iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon. At iyong itatali na pinakatanda sa iyong kamay at mga magiging pinakatali sa iyong noo. (Deuteronomio 6:6-8, binigyang-diin)
Kaya't inyong ilalagak itong aking mga salita sa inyong puso, at sa inyong kaluluwa; at inyong itatali na pinakatanda sa inyong kamay at magiging pinakatali sa inyong noo. (Deuteronomio 11:18)
Tandaan: Ang pinakatali sa pagitan ng mga mata ay nagpapahiwatig ng noo. Ayon sa Theological Wordbook of the Old Testament, ang pagtatatak sa noo at kamay “ay mayroong pangunahing diwa sa matalinghagang ekwasyon sa mga kautusan [ni Yahuwah] bilang mga ‘pinakatali’ . . . ang mga pangkalahatang kondisyon ng Mosaikong tipan (Deuteronomio 6:8; 11:18) [kabilang ang pagtalima sa mga Sabbath at mga araw ng kapistahan]. Ang mga ‘pinakatali’ na ito ay magiging ‘bantayog’ sa noo . . . nagpapaalala sa Israelita na isipin ang mga kautusan [ni Yahuwah] at panatilihin ang mga ito. Sa huli, ang mga Hudyo ay kinuha ang mga ‘pinakatali’ na ito sa isang literal na pagpaparangyang paraan at tinuligsa ni [Yahushua] (Mateo 23:5).”5
Upang dalhin ang isang bagay bilang isang tanda/tatak sa noo ay para maniwala o itaguyod ito sa mental na kapangyarihan. Upang dalhin ang isang bagay bilang isang tanda/tatak sa kamay ay para itaguyod ito sa pamamagitan ng gawa o kasanayan.
Isaisip na si Juan ay isang mag-aaral ng Kasulatan. Siya ay lubos na pamilyar sa mga sulat ni Moises at mga propeta. Ang matalinghagang paglalarawan na nakita niya sa kanyang pangitain at ang wika na ginamit niya habang nakikipag-usap sa kanila ay hindi dayuhan sa kanya. Mauunawaan niya ang lahat sa konteksto ng mga Kasulatan ng Lumang Tipan. At ito ang aasahan niya sa kanyang mga mambabasa para ipaliwanag ang lahat ng kanyang isinulat.
Anong papel ang ginagampanan ng modernong sanlingguhang pag-ikot sa lahat ng ito?
Sapagkat nabanggit na kanina, ang modernong kalendaryo ay huwad. Ang kalendaryong Gregorian na ginagamit ngayon sa buong mundo ay ang paghantong ng daan-daang taon ng panlilinlang at kompromiso. Hindi ito ang kalendaryong itinatag sa Paglikha at hindi rin ito ang kalendaryong ginamit ng mga patnyarka, propeta at apostol.
Isang dagliang kasaysayan ng modernong kalendaryo:
![]() |
Ang Kasaysayan ng Kalendaryong Julian
|
- Bago ang pagtatatag ng kalendaryong Julian, ang kalendaryo ng Republikang Romano ay isang mapagmasid na kalendaryong lunar na gumamit ng isang 8-araw na sanlinggo.
- 45 B.C. – Ang kalendaryong Julian ay itinatag. Ang kalendaryong Julian ay tinanggal ang pagtalimang lunar ng naunang kalendaryo6, ngunit patuloy na gumamit ng 8-araw na sanlinggo.
- Unang Siglo A.D. – Ang kalendaryong Julian ay inilipat sa isang 7-araw na planetaryong sanlinggo, nagsisimula sa araw ng Sabado (Saturn) at nagtatapos sa araw ng Biyernes (Venus).
- 321-325 A.D. (Konseho ng Nicaea) – Pormal na itinatag ni Constantine ang 7-araw na planetaryong sanlinggo, nagsisimula sa araw ng Linggo at nagtatapos sa araw ng Sabado.
- 1582 – Si Pope Gregory XIII ay ipinakilala ang kalendaryong Gregorian. Noong lumipat tungo sa kalendaryong Gregorian, 10 araw (Oktubre 5-14) ang tinanggal upang dalhin ang kalendaryo sa pagkakahanay sa mga kapanahunan. Ang 7-araw na planetaryong sanlinggo na itinatag ni Constantine sa Konseho ng Nicaea ay hindi naapektuhan ng pagbabago.
- 1927 – Ang buong mundo ay nagkaisa sa paggamit ng kalendaryong Gregorian. (Ang bansang Turkey ay ang pinakahuling bansa na opisyal na gumawa ng pagbabago.7)
Nauugnay na Nilalaman: Ang kamalian ng patuloy na sanlingguhang pag-ikot (Direktoryo ng Nilalaman)
Ginawang malinaw ng kasaysayan na ang 7-araw na planetaryong sanlinggo (nagsisimula sa araw ng Linggo at nagtatapos sa araw ng Sabado) na sinusundan ng buong mundo ay 1,700 taong gulang lamang. Dito nananahan ang suliranin ng kalendaryong ito. Ang itinalagang araw ng Manlilikha ay hindi maaaring makita gamit ang isang 1,700 taong gulang na kalendaryo ng Roma [halimaw]! Iyong mga nagpupumilit sa pagkapit sa paradaym ng isang patuloy na sanlingguhang pag-ikot, nagsisimula sa araw ng Linggo at nagtatapos sa araw ng Sabado, ay gumagawa sa pagbubukod ng parehong Biblikal na patotoo at mga makasaysayang ebidensya. Kung ang sinuman ay natukso sa bulag na pagyakap sa doktrina ng isang patuloy na sanlingguhang pag-ikot, hayaan siyang dalhin sa pagsasaalang-alang din na ang International Date Line na namamahala ng modernong sanlingguhang pag-ikot ay binalangkas ng isang lupon ng mga tao sa Washington D.C., wala pang 200 taon ang nakalipas, noong 1884.
Ang Kalendaryo ng Manlilikha:
Ang Kalendaryo ng Manlilikha ay isang kalendaryong luni-solar, hindi isang Romanong kalendaryong solar.
At sinabi ng Elohim, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon [mga araw ng pagsamba8], ng mga araw at ng mga taon. (Genesis 1:14, binigyang-diin)
Sa Banal na Kasulatan, ang bawat lunasyon ay nagsisimula sa pagdiriwang ng isang espesyal na araw ng pagsamba: Araw ng Bagong Buwan. Dahil ito ay isang araw ng pagsamba, hindi ito nabibilang sa anim na araw ng paggawa sa unang sanlinggo ng bawat buwan. Ang Araw ng Bagong Buwan ay nagsisimula sa paglabas ng unang liwanag pagkatapos ng pang-astronomiyang bagong buwan na kilala rin bilang pag-uugnay. Anim na mga araw ng paggawa ang susunod at pagkatapos ay ang ikapitong araw ng Sabbath, sa ikawalo ng buwan. Tatlo pang sanlinggo ang susunod, na magtatapos sa ika-29 na araw. Sa pamamagitan nang pagsukat at kalkulasyon sa mga araw patungo sa ika-29 na araw, ang panahon ng pag-uugnay ay ipinakita upang malaman ng sinuman kung ang buwan ay mayroong 29 o 30 mga araw. Walang buwan kailanman ang hihigit pa sa 30 araw. Ang tunay na kalendaryong luni-solar ay lubos na madaling gamitin. Ang mga araw ng sanlinggo ay palaging tatapat sa mga kaparehong petsa ng buwan. Sa tuwing ang ikapitong araw ng Sabbath sa Kasulatan ay binigyan ng petsa, ito ay palaging tatapat sa ika-8, ika-15, ika-22 at ika-29 na mga araw ng buwan. (Ang Kalendaryo ng Manlilikha) |
Tandaan, muli, ang malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng tanda ng halimaw at tanda ng Langit:
- Tanda ng Roma = Pagtatangi ng araw ng Linggo at ang pagtatatag ng mga araw ng pagsamba sa pamamagitan ng modernong huwad na kalendaryo (kabaligtaran sa banal na kautusan)
- Selyo/Tatak ng Langit = Mapagmahal na pagsunod sa banal na kautusan, kabilang ang pagtalima sa ikapitong araw ng Sabbath, mga Bagong Buwan, at mga taunang kapistahan (lahat ng mga ito’y itinatag sa kalendaryo ng Langit)
Iyong mga nanindigan sa paggamit ng kalendaryo ng halimaw para sa pagtatatag ng mga araw ng pagsamba, sa huli ay matatanggap ang kanyang tanda (ang “tanda ng halimaw”), samantalang ang mga nagagalak na sumunod sa panawagan na “lumabas kayo sa kanya” at piniling sumamba ayon sa kalendaryo ng Langit, sa huli ay matatanggap ang selyo ni Yahuwah.
Nakamamatay na Pagkukunwari: Ang Kabayong Troyano ng Halimaw
Ang maling paniniwala sa isang patuloy na sanlingguhang pag-ikot ay isang kabayong Troyano sa mga kaisipan ng masa; ito ang paniniwala na magpapagana ng tanda ng halimaw na kaagad tatanggapin nang walang pagtuklas o protesta, kahit sa marami na nagpanggap ng pagsisikap para sa mga Sabbath at mga araw ng kapistahan ni Yahuwah – dahil sila’y walang tigil sa pagkapit sa kapayakan ng isang araw ng Sabado laban sa araw ng Linggo na paradaym.
Hayaan ang bawat kalalakihan at kababaihan na pagsikapang maging karapat-dapat. Sa liwanag ng patotoo ng Kasulatan at ang kasaganaan ng makasaysayang ebidensya, wala nang dahilan para sa sinuman sa pagpipilit na ang modernong 7-araw na planetaryong sanlinggo ay bahagi ng isang hindi nasisirang pag-ikot mula pa noong Paglikha. Hindi talaga ganito. Ito ay pagpapalagay at tradisyon lamang kaya naitayo ang huwad na doktrinang ito. Pakiusap na huwag kunin ang salita ng WLC para sa anuman sa mga ito. Magsaliksik nang may kasamang panalangin ukol sa mga ito para sa iyong sarili. Hindi natatakot ang katotohanan sa ganap na pagsisiyasat.
Hayaan ang bawat kalalakihan at kababaihan na pagsikapan maging karapat-dapat. Sa liwanag ng patotoo ng Kasulatan at ang kasaganaan ng makasaysayang ebidensya, wala nang dahilan para sa sinuman sa pagpipilit na ang modernong 7-araw na planetaryong sanlinggo ay bahagi ng isang hindi nasisirang pag-ikot mula pa noong Paglikha.
|
Malapit nang magwakas ang panahon!
Kaunting panahon na lang, minamahal. Ang buong mundo ay darating nang walang bahid sa mga pinagdugtungan. Tayo ay mabilis na lumalapit sa sukdulan ng lahat ng panahon at sa lalong madaling panahon ang bawat tao sa Daigdig (IKAW ay kabilang) ay gagawa ng walang atrasang pasya na tanggapin ang imbitasyon ng Ama na mamuhay magpakailanman o tanggihan ito. Sa huli, ang bawat taong nabubuhay ay matatanggap ang alinman sa selyo ni Yahuwah o tanda ng Roma (ang “tanda ng halimaw”). Hindi na ngayon ang oras na matigilan tungkol sa mga doktrinang hinahawakan natin, kabilang ang kalendaryong sinusundan natin at mga araw ng kapistahan na ipinagdiriwang natin. Ang pagpili na ginagawa natin ngayon ay ang magpapasya ng ating kinabukasan, at higit sa lahat, ang ating walang hanggan.
Ang kasaysayan ay ginawang malinaw:
- Ang modernong 7-araw na sanlinggo ay hindi bahagi ng isang hindi nasisirang pag-ikot na mula pa noong Paglikha.
- Ang araw ng Sabado ay hindi ang Biblikal na ikapitong araw ng Sabbath.
- Wala sa mga araw ng kapistahan ng Langit ang maaaring mahanap sa kalendaryo ng Roma/halimaw.
- Ang modernong kalendaryo ay isang panlilinlang na isinilang sa Roma.
Ang bigat ng ebidensya ng Kasulatan ay tiyak na malinaw:
- Ang Biblikal na sanlingguhang pag-ikot ay muling nagsisimula sa bawat Bagong Buwan.
- Ang Araw ng Bagong Buwan ay ang unang araw ng buwang lunar at sinundan ng anim na araw ng paggawa at pagkatapos ay isang ikapitong araw ng Sabbath. Anim na araw ng paggawa muli ang susundan at isa pang ikapitong araw ng Sabbath. Ang modelong ito ay inulit para sa kabuuan na apat na sanlinggo sa bawat Biblikal na buwang lunar.
- Ang ikapitong araw ng Sabbath ay palaging tumatapat sa ika-8, ika-15, ika-22 at ika-29 na araw ng buwang lunar.
- Ang Biblikal na ikapitong araw ng Sabbath at ang mga taunang kapistahan ay maaari lamang mahanap sa kalendaryo ng Langit.
![]() |
Iwanan ang Laodicea: Maging Filadelfian
|
Ano ang gagawin mo ngayon?
Magpapatuloy ka ba na yumuko sa katapatan sa kalendaryo ng halimaw. Tatanggapin mo ba ang kanyang tanda nang walang protesta o pag-aalala? O gaya ng isang matapat na Berean, hahanapin ang mga angkin na ito para makita na tunay nga?
Pagsapit ng gabi ay agad pinaalis ng mga kapatid sina Pablo at Silas patungo sa Berea. Pagdating doon ay pumasok sila sa sinagoga ng mga Hudyo. Higit na mararangal ang mga tao roon kaysa mga taga-Tesalonica. Tinanggap nila ang salita nang buong pananabik at sinisiyasat araw-araw ang mga Kasulatan kung tunay nga ang ipinapangaral sa kanila. (Mga Gawa 17:10-11)
Ang walang hanggan ay maaabot na. Piliin sa araw na ito kung sino ang iyong paglilingkuran. Huwag magmatigas sa mga panlilinlang ng pagpapalagay at tradisyon, kundi maghangad ng patotoo nang buong puso.
Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan: itali mo sa palibot ng iyong leeg; ikintal mo sa iyong puso: Sa gayo'y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan, sa paningin ng Elohim at ng tao. Tumiwala ka kay Yahuwah ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo Siya sa lahat ng iyong mga lakad, at Kaniyang ituturo ang iyong mga landas. (Kawikaan 3:3-6)
Lahat ng sipi ng Banal na Kasulatan ay kinuha mula sa Ang Dating Biblia at Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, maliban kung itinala. Ang tamang Pangalan ng Ama at Anak ay ibinalik sa mga nasiping teksto.
1 "Lexical Aids to the Old Testament," Hebrew-Greek Key Word Study Bible, p. 1626.
2 Ang “dragon” sa Pahayag 13:2 ay isang sanggunian kay Satanas. “At itinapon ang malaking dragon, ang matandang ahas, na tinatawag na Diyablo at Satanas, ang nandaraya sa buong daigdig. Itinapon siya sa lupa, kasama ang kanyang mga anghel.” (Pahayag 12:9)
3 Isaias 64:6
4 Marami sa mga matatapat na tagasunod ni Yahuwah na wala na sa ating piling ay hindi taglay ang liwanag na taglay natin ngayon. Sila’y matatapat sa lahat ng mayroon sila, at ngayon ay ating tungkulin na yakapin ang lahat ng ipinakita ni Yahuwah sa ating henerasyon.
5 Harris, R. Laird., Archer, Gleason L., Waltke, Bruce K., Theological Wordbook of the Old Testament, Moody Publishers, 1980, Entry 804a, p. 348, binigyang-diin.
6 “Sa kalagitnaan ng unang siglo B.C. inimbitahan ni Julius Cæsar si Sosigenes, isang astronomong Alexandrian, upang payuhan siya tungkol sa reporma ng kalendaryo, at nagpasya si Sosigenes na ang tanging praktikal na hakbang ay abandonahin ang kalendaryong lunar sa kabuuan. Ang mga buwan ay dapat na ayusin sa kapanahunang batayan, at ang tropiko (solar) na taon ay ginamit, gaya sa kalendaryo ng Ehipto . . . .” (“The Julian Calendar,” Encyclopædia Britannica.)
7 https://www.timeanddate.com/calendar/julian-gregorian-switch.html
8 Ang salitang isinalin bilang “panahon” sa Genesis 1:14 ay mo’ed. “Ang Mo’ed ay ginamit sa isang malawakang diwa para sa lahat ng mga pagtitipong pangrelihiyon. Ito ay malapit na nauugnay sa mismong tolda. . . . Kasama [ni Yahuwah] ang Israel sa tiyak na oras na ito para sa layunin ng pagpapakita ng Kanyang kaloob. Ito ay karaniwang katawagan para sa pagtitipon at pagsamba ng bayan ni Yahuwah.” ("Lexical Aids" to the Old Testament, Hebrew-Greek Key Word Study Bible, p. 1626.) Para sa mas marami pa tungkol sa mahalagang paksang ito, sumangguni sa: Ang Kalendaryo ng Manlilikha (Direktoryo ng Nilalaman)