Ang Halimaw Mula Sa Dagat: Simbahang Katoliko Sa Propesiya
Ang Aklat ng Pahayag ay nagbigay ng impormasyon ng papalapit na mga magaganap na makakaapekto sa buong mundo. Ang impormasyong ito ay ipinakita sa anyo ng mga propetikong simbulo. Gamit ang mga simbulong ito, nagbabala ang Langit na isa sa mga pinakamalaking mapang-usig na kapangyarihang kilala sa kasaysayan ay lilitaw muli sa katanyagan at aangkinin ang aktibong papel sa pagmamalupit sa mga hinirang ni Yah.
Sa loob ng mahigit 1,000 taon, ang Romanong Simbahang Katoliko ay ang pangunahing instrumento ng persekusyon na namahala laban sa mga matapat, iyong mga nagnanais na sambahin si Yah ayon sa atas ng kanilang mga budhi.
Ang Pahayag 13 ay naglalaman ng propesiyang bumalot sa dangkal ng nakalipas na kasaysayan gayon din ang hinaharap kung kailan ang minsang-dakilang kapangyarihan na ito ay lilitaw muli upang yurakan ang mga karapatan ng bayan ni Yahuwah:
“Pagkatapos ay nakita kong umaahon sa dagat ang isang halimaw na may pitong ulo at sampung sungay. May korona ang bawat sungay nito at sa bawat ulo ay nakasulat ang mga pangalang lumalapastangan sa [Elohim]. Ang halimaw ay parang leopardo, ang mga paa nito'y tulad ng mga paa ng oso, at ang bibig ay parang bibig ng leon. Ibinigay ng dragon sa halimaw ang kanyang sariling lakas, trono at malawak na kapangyarihan. Ang isa sa mga ulo ng halimaw ay parang may sugat na nakamamatay, ngunit ito'y gumaling. Namangha ang buong daigdig sa nangyaring ito, at nagsisunod sila sa halimaw. Sinamba ng lahat ng tao ang dragon sapagkat ibinigay nito ang kanyang kapangyarihan sa halimaw. Sinamba rin nila ang halimaw at sinabi nila, 'Sino ang katulad ng halimaw? Sino ang makakalaban sa kanya?' Pinahintulutang magsalita ng kayabangan ang halimaw, lumapastangan sa [Elohim], at maghari sa loob ng apatnapu't dalawang (42) buwan. Nilapastangan nga niya ang [Elohim], ang pangalan ng [Elohim], ang tahanan ng [Elohim], at ang lahat ng nakatira doon. Pinahintulutan din siyang digmain at lupigin ang mga hinirang ng [Elohim], at binigyan siya ng karapatang mamahala sa bawat lahi, lipi, wika, at bansa. Sasamba sa kanya ang lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa, maliban sa mga taong ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay bago pa likhain ang sanlibutan. Ang aklat na ito'y pag-aari ng Korderong pinatay.” (Pahayag 13:1-8, MBB)
Sa propesiya, ang mga “halimaw” ay simbulo ng mga pandaigdigang kapangyarihan na nag-uusig sa bayan ni Yahuwah. Nakita ni Juan ang halimaw na ito na lumitaw mula sa “dagat.” Sa propesiya ng Bibliya, ang dagat ay simbulo ng mga matataong lugar.
“Ang nakita mong mga tubig . . . ay mga lahi, mga bansa, at mga wika.” (Pahayag 17:15, MBB)
Ito ang unang kinilalang katangian na tumali sa halimaw ng Pahayag 13 sa Simbahang Katoliko ng Roma: lumitaw ito sa “Dating Mundo” – isang lugar na maraming naninirahan at sa lugar ding iyon sinasanay ang kapangyarihan nito.
Ang halimaw mula sa dagat na nakita ni Juan ay mayroong katawan ng leopardo, mga paa ng oso at bibig ng leon. Ito ay napakahalaga dahil ang mga mismong halimaw na ito ay ginamit sa Daniel na kumatawan sa tatlong pandaigdigang kapangyarihan na nag-usig sa bayan ni Yah bago ang paglitaw ng Roma. Ang nakitang halimaw ni Juan ay isang pag-iisa, pagsasama ng mga katangian ng naunang tatlong pandaigdigang kapangyarihan.
Ang Simbahang Katoliko, na kinuha mula sa Paganong Roma bilang kapangyarihang nag-uusig, naglalaman ng pagkamakatao ng Gresya (ang leopardo), ang pagmamataas ng Araw ng Linggo mula sa Medo-Persia (ang oso) at sumasamba gamit ang patuloy na pag-ikot ng sanlinggo mula sa Babilonya (ang leon).
Ipinahayag ng Kasulatan na ang halimaw mula sa dagat ay nakatanggap ng kapangyarihan mula sa Dragon, na kumakatawan sa paganismo at si Satanas mismo:
“Itinapon ang napakalaking dragon, ang matandang ahas na tinatawag na Diyablo at Satanas, na nandaraya sa buong sanlibutan. . . .” (Pahayag 12:9, MBB)
Sa isang dakilang antas, ang Romano Katolisismo ay natanggap ang kapangyarihan mula sa paganismo. Sa pagpapatibay at pagtanggap ng mga kasanayang pagano tungo sa Simbahan, nakakuha ang Katolisismo ng kapangyarihan at katanyagan, pinahaba ang kanyang saklaw, literal, sa buong mundo.
![]() |
Pope Gregory XIII, kilala para sa pagbibigay kapangyarihan at ipinangalan sa kalendaryong Gregorian, na nanatiling tinatanggap na pandaigdigang kalendaryong sibil sa araw na ito. |
Sa walang ibang lugar ay nakita natin ito nang mas malinaw na sa modernong kalendaryo, ibinalangkas at ipinangalan kay Pope Gregory XIII. Ang buong mundo ay nagkaisa sa paggamit ng huwad na kalendaryong ito kasama ang mga huwad na araw ng pagsamba.
Ang mga Katoliko mismo ay ipinagmalaki na ang tanda ng kanilang kapangyarihan ay ang katunayan na kanilang pinalitan ang Sabbath sa araw ng Linggo.
“Sino Ang Aming Iginagalang at Binibigyan ng Parangal sa Pagpapanatili sa Araw ng Linggo Na Banal? Mula rito maaari naming maunawaan kung paano kadakila ang kapangyarihan ng simbahan sa pagbibigay ng kahulugan at pagpapaliwanag sa amin ng mga utos ng Diyos – isang kapangyarihan na kinikilala sa pangkalahatang kasanayan ng buong Kristyanismo, maging iyong mga sekta na nagpahayag na kunin ang Banal na Kasulatan bilang kanilang nag-iisang batayan ng pananampalataya, simula nung kanilang pinagmasdan bilang araw ng pamamahinga ay hindi ang ikapitong araw na hingin ng Bibliya, kundi ang unang araw. Kung saan nalaman namin na panatilihing banal, mula lamang sa tradisyon at turo ng Simbahang Katoliko.” (Henry Gibson, Catechism Made Easy, #2, 9th edition, vol. 1, pp. 341-342.)
Sa Konseho ng Nicæa, ang Biblikal na kalendaryo ay tinalikuran at ang paganong kalendaryong Julian ay pinagtibay para sa pagtatatag ng mga araw ng pagsamba.
Ang katunayang ito ay sumisimbulo sa pinagsama-samang halimaw na mayroong pitong ulo at sampung sungay. Ang Simbahan ng Roma ay tinanggal ang sinaunang kalendaryong luni-solar pabor sa paganong planetaryong sanlinggo ng pitong araw kasama ang patuloy na pag-ikot ng sanlinggong ito.
“Upang mapagkasundo ang mga pagano sa mga naturingang Kristyanismo, ang Roma, ipinagpatuloy ang karaniwang polisiya nito, gumawa ng mga panukala na pag-isahin ang mga kapistahang Kristyano at Pagano, at, sa pamamagitan ng magulo ngunit mahusay na pag-aayos ng kalendaryo, ito’y natuklasan nang walang mahirap na bagay, sa pangkalahatan, na makuha ang Paganismo at Kristyanismo – ngayo’y matagal nang lubog sa idolatrya . . . upang makipagkamayan.” (Alexander Hislop, The Two Babylons, p. 105.)
Ang pagsasama ng Kristyanismo sa paganismo ay kinilala pa sa Pahayag 17:5 bilang: “ANG TANYAG NA BABILONYA, ANG INA NG MGA NANGANGALUNYA AT NG LAHAT NG KAHALAYAN SA LUPA.”
Sa Kasulatan, ang
babae ay ginamit na simbulo ng isang simbahan. Ang “nangangalunya” dahil
dito’y, tumindig para sa isang masamang simbahan.
Ang Simbahang Katoliko ay ang “ina” sapagkat ang lahat ng ibang relihiyon, hindi lamang ang mga sekta ng Kristyanismo, kinakalkula ang kanilang mga araw ng pagsamba gamit ang kalendaryong nilikha ng Simbahang Katoliko.
“Ang araw ng Linggo ay isang institusyon ng Katoliko at ang pag-angkin sa pagtalima nito ay maaari lamang ipagtanggol sa mga alituntunin ng Katoliko… Mula simula hanggang katapusan ng Kasulatan, wala kahit isang sipi na nag-uutos ng paglipat ng sanlingguhang pagsamba ng publiko mula sa huling araw ng sanlinggo tungo sa unang araw.” (Catholic Press, Sydney, Australia, Agosto, 1900.)
Subalit ang nakitang halimaw ni Juan ay nakatanggap ng “sugat na nakamamatay.” Nangyari ito noong 1798 kung kailan ang naghaharing kapangyarihan ng Simbahang Katoliko ay kinuha sa mabilis na serye ng mga pangyayari. Noong Pebrero ng taong 1798, ang kapangyarihang iyon na nagdulot sa mga hari na mangatog sa ilalim ng kapangyarihang pagbabawal nito ay nagpakaaba sa alikabok nung ang Heneral ng Pranses Loius-Alexandre Berthier, isang Huguenot, dinakip si Pope Pius VI sa utos ni Napoleon Bonaparte.
Dalawang buwan ang lumipas, noong Abril 3, ang pamahalaang Pranses ay ipinatupad ang paggamit ng kanilang sariling kalendaryo, na binubuo ng 10 araw na sanlinggo.
Ang muling pagsasaayos ng kalendaryong ito ay sumira sa kapapahang araw ng pagsamba. Sa pagtanggal sa araw ng Linggo mula sa sanlinggo, tumama ito mismo sa pag-angkin ng kapangyarihan ng kapapahan: ang pagpalit ng araw ng pagsamba sa araw ng Linggo mula sa Biblikal na Sabbath. Ito ang “sugat na nakamamatay” na natanggap ng kapapahan.
Ang pagsasaoras ng serye ng mga kaganapan ay nangyari nang tiyak ayon sa propesiya na nagpahayag na “maghari sa loob ng apatnapu't dalawang (42) buwan.”
Sa propetikong panahon, ang isang araw ay pantay sa isang taon at ang bawat buwan ay mayroong 30 araw sa karamihan ng kalagayan. “Bawat araw ay katumbas ng isang taon.” (Ezekiel 4:6, MBB) Ang Biblikal na alituntuning ito ay tumukoy sa lahat na propetikong panahon sa loob ng 2300 taong propesiya, ang pinakamahabang panahon ng propesiya sa Bibliya. Ang katuparan ng propetikong panahon na ito noong 1844 ay nagtakda na nagsisimula na ang “panahon ng katapusan.” Ang alituntunin ng isang araw, kapantay sa isang taon ay hindi maaaring gamitin sa mga propetikong panahon na magaganap sa “panahon ng katapusan.” Sapagkat ang “panahon ng katapusan” ay maikli lamang upang makibagay sa alituntuning ito.
Nagsimula ito noong A.D. 538 nung si Heneral Belasarius, kumikilos para sa emperador ng Byzantine, Justinian, pinalaya ang Roma mula sa kapangyarihan ng Arian Ostrogoths matapos ang isang paglusob na tumagal ng isang taon at siyam na araw.
Habang ang kapangyarihan ng mga Ostrogoths sa Hilagang Italya ay hindi pa agad nawasak, ang pagtanggap ni Belasarius kay Pope Silverius at ang kasunod na pagpapalaya sa Roma mula sa mga Ostrogoths ay nagbigay-daan para sa Simbahang Katoliko na ipatupad ang kanilang paganong doktrina ng trinidad – isang doktrinang marahas na tinanggihan ng mga Kristyanong Ostrogoths.
Ang despotikong bakal na pamumuno na tumagal ng 1,260 taon kung kailan ang milyung-milyong tunay at matapat na Kristyano ay pinatay para sa kanilang pananalig. Natapos ito, tamang-tama sa panahon, noong 1798, sa pagdakip sa papa at pag-alis sa araw ng Linggo, ang tanda ng kapangyarihan ng kapapahan, bilang banal na araw.
Ang pangitain ay hindi pa nagtatapos dyan, gayunman. Ipinapakita ni Yahuwah na ang mismong mapang-usig na kapangyarihan ay muling sasanayin ang kapangyarihan sa buong sanlibutan. Ipinahayag ni Juan na:
“[Ang kanyang sugat na nakamamatay ay] gumaling. Namangha ang buong daigdig sa nangyaring ito, at nagsisunod sila sa halimaw.” (Pahayag 13:3, MBB)
Nagawa ito sapagkat ang buong mundo’y pinangasiwaan ang mga araw ng paggawa at mga banal na araw sa nilikha ng Simbahang Katoliko. Simula noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang buong mundo’y nagkaisa sa paggamit ng kalendaryo ni Pope Gregory XIII.
Ang Simbahang Katoliko ay marahil lumiban mula sa mga pandaigdigang pangyayari simula nang matanggap ang sugat na nakamamatay, ngunit ang siguradong salita ng propesiya ay nagbabala:
“Pinahintulutan din siyang digmain at lupigin ang mga hinirang ng [Elohim], at binigyan siya ng karapatang mamahala sa bawat lahi, lipi, wika, at bansa.
“Sasamba sa kanya ang lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa, maliban sa mga taong ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay bago pa likhain ang sanlibutan.” (Pahayag 13:7, 8, MBB)
![]() |
• Kalendaryo ni Yah Artikulo : I-Click Rito. • Kalendaryo ni Yah Video: I-Click Rito. |
Lahat nang naghahanap
na dakilain ang Manlilikha sa pagbabalik sa pagsamba sa ikapitong araw ng
Sabbath ng sinaunang kalendaryong Biblikal, ay kikitain ang poot ng dragon at
ng halimaw. Subalit ang mata ni Yah ay nasa Kanyang bayan at ang Kanyang tainga
ay bukas sa kanilang malakas na tawag.
Ang sipi ay nagtatapos sa isang pangako para sa mga matapat:
“Ang sinumang itinakdang mabihag ay mabibihag nga; ang itinakdang mamatay sa tabak ay sa tabak nga mamamatay. Ito'y isang panawagan na magpakatatag at manatiling tapat ang mga hinirang ng [Elohim].” (Pahayag 13:10, MBB)
Lahat ng kapangyarihan na nag-uusig sa mga matuwid, sa huli’y haharapin ang banal na katarungan. Magpakatatag at manatiling tapat ang mga hinirang, ang pangakong taglay na magpapalakas sa harap ng pinakamatinding persekusyon – na malapit nang maganap!
“Huwag kang mabalisa dahil sa masama; huwag mong kainggitan liko nilang gawa.
“Katulad ng damo, sila'y malalanta, tulad ng halaman, matutuyo sila.
“Ngunit wawasaking lubos ang masama, lahi'y lilipulin sa balat ng lupa. Ililigtas ni [Yahuwah] ang mga matuwid, iingatan sila kapag naliligalig. Sasaklolohan sila't kanyang tutulungan laban sa masama, ipagsasanggalang; sapagkat si [Yahuwah] ang kanilang sandigan.” (Tingnan ang Awit 37)