Ang Halimaw Mula Sa Lupa: Estados Unidos Sa Propesiya
Ang aklat ng Pahayag ay isang banal na kaloob. Sa nilalaman nito, ibinigay ni Yahuwah ang mahahalagang impormasyon para sa Kanyang bayan na malaman tungkol sa mga araw na papalapit.
Gamit ang mga simbulong ito, ipinakita ng Langit ang mga pangunahing kapangyarihan na makikidigma laban kay Yahuwah sa katauhan ng Kanyang mga hinirang bago ang Muling Pagdating ni Yahushua.
Nahulaan ng propesiya na isa sa mga kapangyarihan ang magsasanay ng dakilang pamamalakad sa buong mundo ay ang Estados Unidos ng Amerika. Inilarawan ito sa Pahayag 13:
“At nakita ko ang isa pang halimaw na lumilitaw mula sa lupa. May dalawang sungay ito na tulad ng mga sungay ng isang batang tupa, ngunit nagsalita ito na parang dragon. Ginamit niya ang lahat ng kapangyarihan ng unang halimaw upang ipatupad ang kagustuhan nito. Ang lahat ng tao sa lupa ay pinilit niyang sumamba sa unang halimaw na nagkaroon ng sugat na nakamamatay ngunit gumaling na.” (Pahayag 13:11, 12, MBB)
Upang maunawaan ang mga simbulo sa propesiyang ito at kung paano ito ginamit sa Estados Unidos, napakahalagang hayaan ang Kasulatan na magbigay ng kahulugan sa kanila. Sa Bibliya, ang mga “halimaw” ay mga simbulo ng kapangyarihan heo-pulitikal. Ipinakita kay Daniel ang apat na halimaw na lumitaw mula sa dagat:
Sinabi ni Daniel na, “Isang gabi nakita ko na kabi-kabila ay binabayo ng malakas na hangin ang malaking dagat. Mula sa dagat ay may umahong apat na iba't ibang halimaw.” (Daniel 7:2, 3, MBB)
Naging tuliro si Daniel sa nakitang pangitain. Hindi pa niya nauunawaan ang mga simbulong ginamit.
“Akong si Daniel ay nalito at nabagabag dahil sa pangitaing iyon. Kaya't nilapitan ko ang isang nakatayo roon at tinanong ko siya kung ano ang kahulugan ng mga bagay na aking nasaksihan. Ipinaliwanag naman niya ang mga ito sa akin. Ang sabi niya, ‘Ang apat na halimaw ay apat na kahariang lilitaw sa daigdig.’ ” (Daniel 7:15-17, MBB)
Dahil dito, ang mga halimaw ay kumakatawan sa mga kapangyarihang heo-pulitikal. Habang mayroong mga kahariang sinasanay ang halos pandaigdigang kontrol sa buong kasaysayan, nakatutok ang Kasulatan nang tiyak sa mga nakidigma laban sa Langit.
“At nakita ko ang isa
pang halimaw na lumilitaw mula sa lupa. . . .” (Pahayag 13:11)
Ang unang halimaw na
nakita ni Juan sa Pahayag 13 ay sumisimbulo sa kapapahan. Nahulaan ng propesiya
na ang halimaw, ang kapapahan, ay makatatanggap ng sugat na nakamamatay:
“Ang isa sa mga ulo ng halimaw ay parang may sugat na nakamamatay, ngunit ito'y gumaling.” (Pahayag 13:3, MBB)
Ang pagkasugat ng kapapahan ay humantong sa serye ng mga pangyayari noong 1798, ilang sandali sa panahon na ang halimaw mula sa lupa, ang Estados Unidos, ay lumitaw sa kapangyarihan.
Ang ikalawang halimaw na nakita ni Juan sa Pahayag 13 ay kakaiba mula sa lahat ng iba dahil ito ay lumitaw mula sa lupa.
Kinamamayaan, sinabi kay Juan na: “Ang nakita mong mga tubig . . . ay mga lahi, mga bansa, at mga wika.” (Pahayag 17:15, MBB) Kaya, ang halimaw mula sa lupa ay marapat na isang pandaigdigang kapangyarihan na lumitaw sa kakaunti o hiwa-hiwalay na mga naninirahan sa mundo.
Ang mga halimaw na nakita ni Daniel, gayon din ang unang halimaw na nakita naman ni Juan sa Pahayag 13, ay mga lumitaw mula sa walang kaayusang dagat. Ang mga bagong bansa ay kadalasang lumilutaw sa pamamagitan ng paglusob at pagpapabagsak sa ibang bansa, at kunin ang kanilang kinalalagyan. Gayunman, walang ibang bansang nagpabagsak upang magkaroon ng lugar para sa Estados Unidos. Kaya, ito ay isang angkop na simbulo para sa halimaw na lumitaw mula sa lupa.
Ang salitang “lumitaw” ay makikita sa partikular na parirala ng Kasulatan sa orihinal na Griyegong teksto, ay ἀναβαίνω (anabainō), kung saan, kapag pinagsama-sama ang mga Griyegong deribatibo nito, ibig sabihin ay – umangat nang dahan-dahan...para lumago at lumaki (tulad ng halaman). Muli, ito’y lubos na naaangkop.
Si G. A. Townsend, nung inilarawan ang paglitaw ng Estados Unidos, nagsalita ng “ang misteryo ng kanyang pagdating mula sa pagkabakante,” at sinasabing, “Tulad ng isang tahimik na binhi, tayo’y lalaki sa isang imperyo.” (The New World Compared with the Old, pp.462, 635, G.A. Townsend) Isang Europeong talaarawan, The Dublin Nation, noong 1850 nagsalita ukol sa Estados Unidos bilang kahanga-hangang imperyo, na “lumitaw,” at “sa gitna ng katahimikan ng lupa’y araw-araw dumadagdag sa kapangyarihan at pagmamalaki nito.”
“. . . May dalawang
sungay ito na tulad ng mga sungay ng isang batang tupa, ngunit nagsalita ito na
parang dragon.” (Pahayag 13:11)
Ang halimaw mula sa
lupa ay inilarawan na mayroong dalawang sungay, gaya ng isang batang tupa.
Hindi ito kagaya ng halimaw na katulad ng
sa tupa. Sa halip, ang mga sungay nito ay mapanlinlang. Ito ay isang
napakalakas na halimaw na sumila, ngunit ang mga sungay ay tila maliit, hindi
makakasama at mabuti, tulad ng maamong tupa.
Sa loob ng dalawang siglo, ang Estados Unidos, isang bata, kamakailan lamang na lumitaw sa kapangyarihan, umangkop sa paglalarawan. Hindi niya layuning gawing kolonya ang ibang bansa at bukas ang kanyang dalampasigan sa lahat ng tinakasan ang persekusyon sa kanilang mga bansang sinilangan.
Habang inilarawan ito ng marangal na si J. A. Bingham, ang mga taong dumayo sa Amerika ay gustong magtatag ng “Hindi pa nakikitang lugar ng mundo sa loob ng mahabang panahon; iyon ay, isang simbahang walang santo papa, at isang estadong walang hari.”
“Kahanga-hanga ang
mga kababalaghang ginawa ng pangalawang halimaw; nagpaulan siya ng apoy mula sa
langit, at ito'y nasaksihan ng mga tao.” (Pahayag 13:13)
Sa lahat ng mga bansa
ng mundo, ang Estados Unidos ay mabilis na lumitaw sa isang posisiyon ng
kapangyarihan, impluwensya at kayamanan.
Ang teknolohiya ay umunlad at ang siyentipiko pati ang pagsulong ng industriya na umagos mula sa bansang ito ay nakaapekto, sa isang landas o iba pa, sa pamumuhay ng lahat sa buong mundo.
![]() |
Mala-kabuteng ulap na pagsabog ng bomba atomiko sa Hiroshima (kaliwa) at Nagasaki (kanan) |
Ang pagkawasak ng Hiroshima at Nagasaki (bago ang pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig) gamit ang kauna-unahang bomba atomiko sa modernong kasaysayan ay mahusay na nailarawan sa komento ni Juan: “Nagpaulan siya ng apoy mula sa langit, at ito'y nasaksihan ng mga tao.”
Ang tunay na lihim ng makapangyarihang katangian ng Estados Unidos at ang pagtanggap ng bendisyon ng Langit ay ang katunayan na ang mga batas nito ay naghihiwalay sa Simbahan at Estado, umako sa kalayaang sibil at pangrelihiyon – maging ang mga paniniwalang inilagay sa minorya.
Ang halimaw na may dalawang sungay ay hindi maaaring Katolikong bansa para sa Katolisismo na tanging pagkakaisa ng Simbahan at Estado. Ang ganung relasyon ng Simbahan ay ipinapatupad ang mga paniniwala nito sa pamamagitan ng kapangyarihan ng estado na sa panimula’y salungat sa mismong alituntunin kung saan itinatag ang Estados Unidos.
Hindi gaya ng ibang mga simbulo ng halimaw, ang halimaw na lumitaw sa lupa ay lantad sa kanyang kakulangan ng korona, kumakatawan sa bansang may anyong republika ng pamahalaan.
“Ang korona ay isang angkop na simbulo ng makahari o diktatoryal na anyo ng pamahalaan, at ang kawalan ng mga korona, sa puntong ito, ay nagpahiwatig ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ay hindi karapatan ng sinumang namumunong kasapi, subalit naglagak sa kamay ng taong-bayan.” (U. Smith, Daniel and the Revelation, p. 581)
Ang Estados Unidos ay ang kauna-unahang bansa pagkatapos ng Roma na nagkaroon ng tunay na republikang pamahalaan na may personal na kalayaang sibil at pangrelihiyon na naghahatid sa klase ng pamahalaang ito.
Habang nasa pangitain si Juan, gayunman, isang pagbabago ang nagsimula sa maamong anyo. Ang halimaw na may dalawang sungay ay magsisimulang magsalita gaya ng dragon, ang dalawahang simbulo ng paganismo at si Satanas mismo.
“Ginamit niya ang
lahat ng kapangyarihan ng unang halimaw upang ipatupad ang kagustuhan nito. Ang
lahat ng tao sa lupa ay pinilit niyang sumamba sa unang halimaw. . .” (Pahayag
13:12)
Sa halip na naging
huling balwarte ng kalayaang pangrelihiyong natitira sa mundo, ang halimaw na
may dalawang sungay ay nanungkulan sa pandaigdigang pamamahala na hindi naman
nararapat sa kanya. Ang paggamit ng dahas, na alituntuning ng kaharian ni
Satanas, ay ginamit upang ipatupad na sambahin ang isa pang halimaw,
kumakatawan sa Katolisismo.
“Kahanga-hanga ang mga kababalaghang ginawa ng pangalawang halimaw; nagpaulan siya ng apoy mula sa langit, at ito'y nasaksihan ng mga tao. Nalinlang niya ang lahat ng tao sa lupa sa pamamagitan ng mga kababalaghang kanyang ginawa sa harapan ng unang halimaw. Nahikayat niya ang mga taong gumawa ng isang larawan ng unang halimaw na nasugatan ng tabak ngunit nabuhay. Ipinahintulot din sa kanya na bigyan niya ng hininga ang larawan ng unang halimaw. Kaya't nakapagsalita ang larawan at ipinapatay nito ang lahat ng ayaw sumamba sa kanya. Sapilitang pinatatakan ng ikalawang halimaw ang lahat ng tao sa kanilang kanang kamay o sa noo, maging sila'y dakila o hamak, mayaman o mahirap, alipin o malaya. At walang maaaring magtinda o bumili malibang sila'y may tatak ng pangalan ng halimaw o ng bilang na katumbas ng pangalan niyon.” (Pahayag 13:13-17, MBB)
Ang katunayan na ang bagong nanungkulang kapangyarihang sinasanay ng Estados Unidos ay walang bendisyon ng Langit o walang kaloob na maaaring makita sa talaan ng Kasulatan ang ginagawa ng halimaw na ito:

- Nalilinlang niya ang mga naninirahan sa mundo.
- Sapilitan niyang ipinagawa sa mga tao na lumikha ng larawan ng unang halimaw na nakatanggap ng nakamamatay na sugat.
- May kapangyarihan siyang patayin ang sinuman na hindi sumasamba sa unang halimaw.
- Sapilitan niyang pinatatatakan ang lahat ng tanda sa kanilang kanang kamay o sa kanilang noo.
- Nagpapataw siya ng ekonomikong kaparusahan laban sa lahat ng walang tanda, ang pangalan ng halimaw o ang bilang ng kanyang pangalan.
Ang ganitong despotikong katangian ay ganap na salungat sa mga alituntuning mapagmahal sa kalayaan ng Kaharian ng Langit.
Malinaw ang Kasulatan na ang huling sagupaan sa matagal nang digmaan sa pagitan ni Yahuwah at Satanas ay nakasentro sa pagsamba – tiyakan, kung kailan sasamba. Hindi pipilitin ni Yahuwah ang mga tao na sambahin Siya at hindi rin ipatutupad ni Satanas ang pagsamba kay Yahuwah sa Kanyang tunay na Sabbath.
Dahil dito, ang pagsambang naipatupad ng Estados Unidos ay ang pagpapatupad ng huwad na araw ng pagsamba – Araw ng Linggo, na may posibleng rasyong ginawa sa mga sumasamba sa Araw ng Sabado o pagpunta sa Moske para sa panalangin sa Araw ng Biyernes, lahat ay naaayon sa kalendaryong Gregorian ng kapapahan na ginamit ng buong mundo na humanga sa halimaw.
Ang hindi pahihintulutan ay ang kalayaan sa pagsamba ayon sa dikta ng sinumang budhi.
Sa huli, lahat ng tatangging sumunod sa maling doktrina, ipinatupad ng kapangyarihan ng Estados Unidos (o anumang pamahalaan) ay papatawan ng kamatayan. Walang rasyong ibibigay sa sinumang nagnanais na sumamba sa tunay at Biblikal na Sabbath, kalkulado ng orihinal na kalendaryong luni-solar ng Paglikha.
Ang tanging pag-asa ng lahat ay ang ganap at kumpletong pagsuko sa kalooban ni Yahuwah Elohim. Sa harap ng dagundong ng dragon, ang bayan ni Yahuwah ay pangangalagaan.
Lahat ng susunod kay Yahuwah na nangingibabaw sa mga batas at mga tradisyon ng tao, ay pangangalagaan sa panahon ng matinding kahirapan.
Sa panahong iyon, darating ang dakilang anghel na si Miguel, ang makapangyarihang pinuno at tagapagtanggol ng bansang Israel, at magkakaroon ng matinding kahirapang hindi pa nangyayari kailanman. Ngunit maliligtas ang mga kababayan mong ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng Diyos. Muling mabubuhay ang maraming mga namatay sa lahat ng panig ng daigdig; ang iba'y sa buhay na walang hanggan, at ang iba nama'y sa kaparusahang walang hanggan. Ang marurunong na pinuno ay magniningning na gaya ng liwanag sa langit at ang mga umaakay sa marami sa pagiging matuwid ay sisikat na parang bituin magpakailanman.
(Daniel 12:1-3, MBB)
Ang mga pangako ng Kasulatan ay binuksan ang mga pinagkukunan ng Makapangyarihan sa lahat ng dumadakila sa kanilang Manlilikha sa pagpapanatili ng Kanyang utos, sumasamba sa Kanyang banal na Sabbath na maaari lamang tukuyin ng Kanyang itinakdang paraan ng pagpapanatili ng panahon: ang kalendaryong luni-solar.
“Sapagkat tinupad mo ang aking utos na magtiis, iingatan naman kita sa panahon ng pagsubok na darating sa lahat ng tao sa buong daigdig!
“Darating ako sa lalong madaling panahon. Kaya't ingatan mo kung ano ang nasa iyo upang hindi maagaw ninuman ang iyong gantimpala.” (Pahayag 3:10, 11, MBB)
Nauugnay na mga Artikulo: