Ang Pagbagsak ng Babilonya: Umalis Kayo sa Kanya, Aking Bayan!
Ang mundo ay nasa pagkawasak! Ang oras ay malapit nang matapos. Ang sukdulan ng lahat ng kapanahunan ay nalalapit nang mawasak sa ibabaw ng mundo. Sa oras ng matinding panganib, ang Langit ay hindi tahimik. Hindi iiwan ni Yahuwah ang Kanyang mga anak na haharap sa matinding panganib na kailanman ay hindi pa nararanasan ng mundo, nang hindi muna bibigyang babala sa nakaambang na peligro.
![]() |
Sa oras ng matinding panganib, ang Langit ay hindi tahimik. Hindi iiwan ni Yahuwah ang Kanyang mga anak na haharap sa matinding panganib na kailanman ay hindi pa nararanasan ng mundo, nang hindi muna bibigyang babala sa nakaambang na peligro. |
Ang huling mensahe ng awa na ibibigay sa daigdig ay naglalaman ng pinakataimtim na babala:
Pagkatapos nito, nakita kong bumababa mula sa langit ang isang anghel na may malaking kapangyarihan. . . Ubos-lakas siyang sumigaw, "Bumagsak na! Bumagsak na ang makapangyarihang Babilonya! . . . Umalis kayo sa kanya, Aking bayan! Huwag kang makibahagi sa kanyang mga kasalanan, upang hindi ka maparusahang kasama niya! Sapagkat abot na hanggang langit ang mga kasalanan niya, at hindi nalilimutan ng [Eloah] ang kanyang kasamaan. Gawin ninyo sa kanya ang ginawa niya sa inyo, gumanti kayo nang higit pa sa kanyang ginawa. Punuin ninyo ang kanyang kopa ng inuming higit na mapait kaysa inihanda niya sa inyo. (Pahayag 18: 1-6)
“Babilonya” ang simbulo ayon sa Kasulatan para sa lahat ng maling relihiyon at pagkamakamundo. Ang pinakahuling babala sa daigdig ay ang pagtawag sa bayan ni Yahuwah na nananatili pa sa loob ng Babilonya. Ang nasabing mensahe ay ipinadala nang may kalakip na pangwalang-hanggan na bunga sapagkat ang mabilis na kasunod nito ay ang pag-giba ng Babilonya, nang buong sangkatauhan, sa pamamagitan ng pitong salot. Ang lahat ng mga makakanlungan sa dakilang araw ng matinding poot ay nararapat na nasa ilalim ng pagsanggalang ng Kataas-taasan. Yaon lamang mga nakinig sa tawag na umalis mula sa Babilonya ang tiyak na ligtas sa mga oras na iyon.
Alam ni Satanas na ang lahat na pumansin sa pagbabala ay magpasawalang-hanggang ligtas mula sa mga panlilinlang. Samakatuwid, gumawa siya ng pinakahuli at maling palagay, at lilinlang sa napakaraming tapat na Kristyano. Ang pinakahuling panlilinlang ay:
“Ang mensahe ay hindi para sa akin sapagkat wala ako sa Babilonya!”
Ang bawat tao ay may iba’t-ibang dahilan para ipagkibit-balikat ang huling paanyaya ng langit. Para sa iba, ang babala ay tinanggihan dahil sila ay Protestante. Hindi naman sila naniniwala sa papa, kaya, ang mensahe ay hindi para sa kanila. Ganon din sa iba, ang babala ay hindi pinansin sa kadahilanang sila ay sumasamba tuwing ika-pitong araw ng bawat sanlinggo. Hindi sila sumasamba tuwing araw ng Linggo, ang araw ng pagsamba ng papa, samakatuwid, ang mensahe ay hindi rin para sa kanila.
Lahat ng mga hindi tumanggap sa mensahe ay nanindig sa pinaniniwalaan at pinaghahawakan nilang ibang katotohanan na naghiwalay sa kanila bilang kakaiba, nakahihigit ang kaalamang pang-espiritwal, mula sa bawat isa. Sa kadahilanang nasa kanila ang KATOTOHANAN na ito, sila’y naniniwala na ang mensahe ay hindi para sa kanila.
Ang hindi pagtanggap sa babala ng Langit, ang paniwalaan na hindi ito ukol sa’yo dahil sa pinanghahawakan mong unang pananampalataya, ay lubhang napaka-seryoso. Ito ay isang totoong pang-espiritwal na pagkabulag at pangwalang-hanggang pagpapakamatay. Mas matinding liwanag na natanggap at mas maraming pinaniniwalaang katotohanan mayroon ang isa, mas higit na liwanag at karagdagang katotohanan ang nasa panganib na tanggihan. Binubulag ni Satanas ang isipan ng marami na nagsasabi nang hayagan na sila ay humahawak sa katotohanan ng Banal na Kasulatan para sa pagsulong ng iba. Inaakay niya sa pag-aakalang dala-dala na nila ang lahat ng katotohanan na kinakailangan sa kaligtasan.
Ang malaking pagkahabag ng pag-ibig ni Yahuwah ay patuloy na naglalapit sa Kanyang mga nabubulagang mga anak. Ipinapakita ng Kasulatan na ang pagmamalaki kaagapay ang espiritwal na pagkabulag ay ang higit na mapanganib na harapin ng huling henerasyon.
“Nalalaman ko ang mga ginawa mo. Alam kong hindi ka malamig o mainit man! Higit na mabuti kung ikaw ay malamig o mainit. Ngunit dahil sa ikaw ay maligamgam, hindi mainit o malamig, isusuka kita! Sinasabi mo, 'Ako'y mayaman, sagana sa lahat ng bagay at wala nang kailangan pa,' ngunit hindi mo nalalamang ikaw ay kawawa, kahabag-habag, mahirap, bulag at hubad.” (Pahayag 3:15-17)
Ang huling henerasyon ay pagpapalain ng malawak na kaalaman sa Banal na Kasulatan – higit pa sa naunang mga henerasyon. Subalit, dahil sa pagmamalaki sa katotohanan na natanggap ay gagawa ng kaisipang tatanggi, bilang handa, sa bagong liwanag. Mas higit na liwanag, mas higit na panganib sa espiritwal na pagmamalaki at espiritwal na pagkabulag.
Sapagkat ang mensahe ay tungkol sa babala ng pagkabulag, kinakailangang tanggapin sa pamamagitan ng pananampalatayana ang mensahe na pagiging maligamgam ay patungkol sa iyo. Pagkatapos ang Kalangitan ay magbibigay ng lunas:
“Kaya nga, ipinapayo kong bumili ka sa akin ng purong ginto upang ikaw ay maging tunay na mayaman. Bumili ka rin sa akin ng puting damit upang matakpan ang nakakahiya mong kahubaran, at ng gamot na ipapahid sa iyong mata upang ikaw ay makakita.” (Pahayag 3:18)
Ang panawagan na umalis mula sa Babilonya at humiwalay dito ay para sa mga tinatawag ni Yahuwah na “Aking bayan.” Ang lahat ng mga tumanggap sa kanilang sarili na sila ay bayan ni Yahuwah ay nararapat, samakatuwid, magbigay ng tamang pagpansin sa ganitong babala. Nararapat nila itong pag-aralan kung papaano ito nauugnay sa kanila. Walang sistema ng pinaniniwalaan ay hindi malaya. Walang katangi-tanging sekta ang hindi kasali sa pagtuligsa. LAHAT na tinawag ni Yahuwah na “Aking bayan” ang kasama sa panawagan na umalis sa Babilonya.
Ang Lumang Tipan ay naglalaman ng katulad ng ganitong babala para sa huling henerasyon.
“Humiyaw
ka nang malakas, huwag kang magpigil, ilabas mo ang iyong tinig na
parang trumpeta, at iyong ipahayag sa Aking bayan ang kanilang
pagsalangsang, at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga
kasalanan.” (Isaias 58:1)
![]() |
“Babylon” is the symbol used in Scripture for all false religions, false doctrines, and worldliness. The final call to come out of Babylon goes to Yahuwah’s people who are unaware that they are even in Babylon! |
Ang mga sariling tao ni Yahuwah ang binibigyang babala sa pagkakasala. Ngunit, ang susunod na talata ay naghahayag na sila mismo ay bulag sa kanilang pagkakasala.
“Gayon ma’y hinahanap nila Ako araw-araw, at kinalulugdan nilang malaman ang Aking mga daan: na gaya ng bansa na gumawang matuwid, at hindi lumimot ng alituntunin ng kanilang . . . [Eloah].” (Isaias 58:2)
Itong babala ay para doon sa mga naghahanap sa kanilang Maylikha bawat araw, para doon sa kanilang mga nalulugod na malaman ang Kanyang mga daan. Tumatawag si Yahuwah sa Kanyang bayan na magsisi sa kasalanan kung saan sila ay walang alam.
Ipinahayag ng Isaias 58 ang ordinansang tinalikdan o pinabayaan:
“Kung iyong iurong ang iyong paa sa Sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa Aking banal na kaarawan; at iyong tawagin ang Sabbath na kaluguran, at ang banal ng . . . [Yahuwah] na marangal; at iyong pararangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, o hahanap ng sariling kalayawan, o magsasalita ng iyong mga sariling salita; Kung magkagayo’y malulugod ka nga . . . [kay Yahuwah]. . . .” (Isaias 58:13-14)
Ang paggawa para sa pagpapanumbalik ng Sabbath sa mga huling araw ay ipinaliwanag sa susunod na talata:
“At silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako; Ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming salit-saling lahi; At ikaw ay tatawaging Ang Taga-Paghusay ng Sira, Ang Taga-Pagsauli ng mga Landas na Matatahanan.” (Isaias 58:12)
Ang pinakahuling panawagan ni Yahuwah sa Kanyang bayan na umalis mula sa Babilonya kung saan ay walang muwang na sila ay nasa loob ng Babilonya. Ang mga taong nakalubog ng matindi sa Babilonya ay hindi nalalaman at nakikita ito. Ang nakamamatay na espiritwal na pagkabulag ay nag-aakay sa kanila sa pagmamalaki sa katotohanang kanilang pinanghahawakan at tinatawaran na ang huling babala ng Langit gayong hindi para sa kanila.
-
Ang Babilonya ay hindi lamang ang mga paganong relihiyon na meron sa mundo.
-
Ang Babilonya ay hindi lamang ang Islam.
-
Ang Babilonya ay hindi lamang ang Simbahang Katoliko.
-
Ang Babilonya ay hindi lamang ang mga simbahang sumasamba tuwing araw ng Linggo.
-
Ang Babilonya ay hindi lamang ang mga simbahang sumasamba tuwing araw ng Sabado.
![]() |
Ang Babilonya ay ang lahat ng mga organisadong relihiyon at mga sekta nito, sapagkat lahat ng mga sekta nito ngayon ay gumagamit ng kalendaryo ng papa kung saan ay batay sa paganong kalendaryo na nagtatag kung kailan dapat sumamba: Biyernes, Sabado o Linggo. |
Ang Babilonya ay ang lahat ng mga organisadong relihiyon at mga sekta nito, sapagkat lahat ng mga sekta nito ngayon ay gumagamit ng kalendaryo ng papa kung saan ay batay sa paganong kalendaryo na nagtatag kung kailan dapat sumamba: Biyernes, Sabado o Linggo.
Maging ikaw man ay Romano Katoliko o Sabadista; Maging ikaw man ay Orthodox o World Wide Church of God; Maging ikaw man ay Baptist, Methodist, Presbyterian, Lutheran, Nazarene o ano pa man, kung ang sektang iyong kinaaaniban ay sumasamba tuwing araw ng Biyernes, Sabado o Linggo, ikaw ay nasa Babilonya at ang paanyaya ay para sa iyo.
Ang paglabas sa Babilonya ay isang pagbabagong-buhay na pangyayari. Bawat bahagi ng buhay ng isang tao ay apektado:
-
Minimithing mga Karera
-
Edukasyon
-
Istilo ng Pamumuhay
-
Dyeta
-
Pananamit
-
Pakikipagkaibigan at mga Samahan
-
Libangan
-
Simbahang Kinaaaniban
Ang Babilonya ay ang mundo, gumuho dahil sa kasalanan, ang kanyang pagkakahanay sa paganismo at satanismong mga panlilinlang. Ang pag-alis mula sa Babilonya ay nangangailangan ng buong pagkahiwalay mula sa mundo at sa lahat ng kanyang panghalina. Ang makamundong pang-akit na nagkakaiba-iba para sa iba’t-ibang tao. Para sa iba, ito ay gayak ng makamundong tagumpay. At sa iba naman, ay ang pagsasama-sama ng kapamilyang pang-simbahan.
![]() |
Ang humiwalay ay kakaiba. Karamihan ng tao ay hindi gusto na maging kakaiba. Maaari ito’y maging isang hindi makakalimutang pangyayari sa buhay o kaya naman ay isang kahiya-hiya. Marami ang mawawalan ng pangwalang-hanggan na buhay dahil sa takot na makutya. |
Para sa iba, ang pagmamahal sa kanilang bahay, mga sasakyan, istilo ng pamumuhay, libangan at gayak ng siyudad na pamumuhay ay mga tukso o panghalina na hindi pa nakikilala na angkora patungo sa Babilonya. Para sa lahat, ang mga haka-haka ng iba, maging ito man ay mga katrabaho, asawa, pamilya, mga kaibigan sa simbahan, ay maaaring pinakamatibay na tali patungo sa Babilonya. Ang humiwalay ay kakaiba. Karamihan ng tao ay hindi gusto na maging kakaiba. Maaari ito’y maging isang hindi makakalimutang pangyayari sa buhay o kaya naman ay isang kahiya-hiya. Marami ang mawawalan ng pangwalang-hanggan na buhay dahil sa takot na makutya.
Bawat isang tao ay mayroong iba’t-ibang kombinasyon ng emosyonal na pagkatali at makamundong pagka-akit na tutukso sa kaisipan upang ilagay sa katuwiran papalayo sa tawag na umalis kayo mula sa Babilonya at humiwalay dito. Ang Banal na Espiritu ang hahatol sa bawat isang nilalang kung ano ang “Babilonya” at ano ito sa buhay nila. Ang pangwalang-hanggang bunga nito ang dahilan kung bakit kinakailangan na ang Espiritu ni Yahuwah ay masunod nang may pagmamadali.
Ang pakikinig sa pagtawag na umalis mula sa Babilonya ay nangangailangan ng pagtanggap sa mga nakaraang espiritwal na pagkabulag at ang buong-pusong pagpayag na sumunod sa katotohanan maging ano pa man ang halaga nito. Ibig sabihin ay pagsunod sa tinig ng Banal na Espiritu kapag Kanyang sinabi na, “Pumili ka ngayon sa pagitan ng makamundong mga bagay at makalangit na mga bagay.”
Ang lahat na magmamana nang pangwalang-hanggang buhay ay iyong mga, habang nasa daigdig, sumunod sa Kordero kahit saan man Siya pumunta, kahit ano pa man ang maging halaga nito.
Handa ka na bang buhatin ang iyong krus at sumunod sa Tagapagligtas? Ngayon, tatanggapin mo ba ang imbitasyon? Aalis ka ba sa Babilonya?