Ang Pagbilang ay Nagsimula na! Ang Panahon ng Kabagabagan ay Ngayon na!
Ang mga propesiya ni Daniel ay ipinunto ang taong 1922 bilang pagsisimula ng huling pagbilang sa katapusan. |
Ang una kong anak ay lubos na mahiyain. Sa katunayan, kapag nakita mo ang pangalang “shy” sa talatinigan, ito ay sunod sa kanyang pangalan! Sa kabutihang-palad sa kanya, ang asawa ko ay nakabasa ng isang artikulo na nagpaliwanag ng isang pag-aaral na nagpapakita na ang mga mahiyaing tao ay tipikal na may mas mahirap na panahon ng pagbabasa nang tama sa wika ng katawan ng mga nakapaligid sa kanila. Ang mga mapagkaibigan, sa kabilang dako, ay makakaya nang tumpak at tuluy-tuloy na mabasa ang wika ng katawan ng ibang tao.
![]() |
Ang mga pag-aaral na ipinakita na ang mga “mahiyaing” bata ay mayroong mas mahirap na panahon sa pagbabasa ng wika ng katawan kaysa sa mas palakaibigan na mga kapantay. |
Sa katunayan, ito ay nagpaliwanag nang marami. Kung hindi mo mabasa ang wika ng katawan, kapag ipinalagay mo na sila’y galit sa iyo (kahit na hindi naman), karaniwan nang nais mo na umalis na. Kaya ang mga taong ito ay “mahiyain.”
Matapos mabasa ang artikulo, ang asawa ko ay nagsimulang ipaliwanag sa aming anak kung ano ang maaari niyang asahan sa anumang ibinigay na panlipunang kalagayan. Habang nasa loob sila ng kanilang sasakyan, nagmamaneho kung saan man pupunta, sasabihin sa anak ko kung sino ang nandoon, ano ang maaaring sabihin sa pagbati sa aming anak, at ano ang maaaring sabihin bilang tugon. Hindi niya pinahintulutan ang anak namin na itungo ang ulo at hindi tumugon. Iginiit niya na maging magalang at magbigay ng mapitagang pagbati ang anak namin, ngunit ginawa niya itong mas madali para sa bata sa pagsabi niya kung ano ang mangyayari at anong aasahan. Kahit na siya’y 10 at 11 taong gulang na, sasabihin niya pa rin sa aming anak kung anong aasahan bago makuha ang mga bagong karanasan.
Sa kaparehong panahon, kami’y naging magkaibigan ng isa pang bagong pamilya na ang anak, gaya ng aming anak, ay lubos na mahiyain. Masakit na ito’y masaksihan. Hindi tulad ng asawa ko, ang ibang nanay ay hindi hinimok ang kanyang anak na tumugon nang magalang kapag nagsasalita sa ibang tao. Hinayaan niya ang batang babae na tumungo, itinatago ang mukha sa palda ng kanyang ina, at hindi pansinin ang tao na sinusubukan na mangusap sa kanya. Kahit na ang mga taon ay lumipas, ang babae ay mayroong antas ng panlipunang kaasiwaan na nagawang lampasan ng aming anak. Ang tanging pagkakaiba lamang ay, ang aking asawa ay inihanda ang aming anak sa pagsabi sa kanya kung anong dapat asahan, at paano kikilos bilang tugon.
![]() |
“Hayaan ang iyong mga plano na madilim at hindi malalampasan gaya ng gabi, at kapag ikaw ay kumilos, bumagsak gaya ng kulog at kidlat.” Heneral Sun Tzu |
Isang salawikaing Latin, “Præmonitus, præmunitus,” ang nagbibigay ng isang pangkalahatang patotoo: “Magbabala ay maghanda.” Nalalaman din ito ni Yahuwah. Ipinahayag ni Propeta Amos: “Tunay na si Adonai Yahuwah ay walang gagawin, kundi Kaniyang ihahayag ang Kaniyang lihim sa Kaniyang mga lingkod na mga propeta.” (Amos 3:7, ADB) Mayroong dahilan para rito. Kapag ang tao ay kinuha sa pagkabigla, siya ay tipikal na nahuhuli nang hindi handa. Sa katunayan, ang tuntuning ito ng pakikidigma ay napakahalaga, na ang sinaunang Intsik na heneral at pilosopo, si Sun Tzu, ay isinama ang elemento ng pagkabigla bilang isa sa mga pangunahing kailangan sa tagumpay. Sa kanyang tanyag na payo sa pangmilitar na istratehiya, The Art of War, ipinahayag ni Sun Tzu: “Siya na magtatagumpay, ay inihahanda ang sarili, naghihintay na mahuli ang kaaway nang hindi handa.” Nagdagdag pa: “Akitin ang mga tao sa anong inaasahan nila; ito ay ano ang makakaya nilang mabatid at kinukumpirma ng kanilang mga pagtudla. Pinanatili sila nito tungo sa mga mahuhulaang huwaran ng pagtugon, sinasakop ang kanilang mga isipan habang ikaw ay naghihintay para sa hindi pangkaraniwang sandali – iyong hindi nila inaasahan.”
Ang pagkabigla ay isang elemento ng digmaan na madalas gamitin nang epektibo ni Satanas. Ang layunin ng diyablo ay palaging manlinlang. Sa panlilinlang sa mga tao kung ano ang totoo, maaari niyang ilihis ang mga ito sa pag-iisip na mas marami pang oras sila na maging handa bago dumating ang Tagapagligtas. Pagkatapos, kung kailan ang mga huling kaganapan ay sumiklab sa kanila, sila’y makukuha sa pagkabigla; nahuling hindi handa na harapin ang pinakamalaking krisis na hindi pa nalalaman sa buong mundo.
Magbabala ay Maghanda
Ang mga propesiya ng Kasulatan ay kaloob ni Yahuwah para sa huling nalalabi. Sa pamamagitan ng propesiya, tayo ay binigyan ng lubos na tumpak na impormasyon tungkol sa panghuling krisis at ano ang hinahawakan ng hinaharap. Wala nang makukuha sa sindak. Ang patotoo, gayunman, ay lubos na kagulat-gulat. Ayon sa tiyak na salita ng propesiya, ang mundo ay nasa “panahon ng kawakasan” mula pa noong 1798, at sangkot na sa “panahon ng kabagabagan” mula pa noong 1922!
Panahon ng Kawakasan
Ang aklat ni Daniel ay ipinaliwanag sa aklat ng Pahayag. Ang mga propesiya, ibinigay sa kaparehong diwa ng pagkapukaw, ay hindi maaaring paghiwalayin. Ang Pahayag 13 ay nagpapakita ng isang propesiya na nagwakas noong 1798:
At nakita ko ang isang halimaw na umaahon mula sa dagat. Mayroon itong sampung sungay at pitong ulo; at sa mga sungay nito ay may sampung korona, at sa mga ulo nito ay may mga pangalang mapaglapastangan.
Tulad ng isang leopardo ang halimaw na nakita ko, ang mga paa nito ay tulad ng sa oso, at ang bibig ay parang sa leon. Ibinigay ng dragon sa halimaw ang kanyang kapangyarihan, ang trono, at ang kanyang malawak na pamamahala.
Ang isa sa mga ulo nito ay may malubhang sugat na maaari nitong ikamatay, subalit ito'y gumaling. Namangha ang buong daigdig at sumunod sa halimaw. (Pahayag 13:1-3, FSV)
Sa loob ng isang libo, dalawang daan at animnapung taon, nagsimula noong 538 CE, ang Simbahang Katoliko ay hawak ang despotikong kapangyarihan sa buong Kristyanong mundo at, sa huli, ipinadala ang mga paring Heswita nito para lupigin ang mga katutubong tao sa buong mundo. Ang panahon ng 1260 taon ay lumitaw nang ilang beses sa parehong Daniel at Pahayag. Ang duluhang punto ay naganap noong 1798 nang mangyari ang dalawang bagay: 1) dinakip at binilanggo ang papa ng isang Pranses na heneral, si Louis-Alexandre Berthier; at, 2) ang ateismo, Rebolusyonaryong pamahalaang Pranses ay itinatag ang isang bagong kalendaryo para sa hayagang layunin ng pagtalikod sa Kristyanismo ng Pransya sa pamamagitan ng pagtanggal sa araw ng Linggo mula sa sanlinggo. (Ang paggamit ng araw ng Linggo bilang araw ng pagsamba, sa halip na Biblikal na Sabbath, ay matagal nang pinagmataas ng Simbahang Katoliko bilang “tanda ng kapangyarihan.”)
Ang dalawahang aksyon na ito ay nagbigay sa kapapahan ng “malubhang sugat,” nagdadala sa pagwawakas ng 1260 taong paghahari ng kapapahan. Mula sa taong ito, pagkatapos, ang buong mundo ay nasa “panahon ng kawakasan” na. Ang propesiya ay may ninais na epekto: ito ay isang panawagan ng pagkamulat sa mga matatapat na Kristyano noong ika-19 na siglo at humantong sa muling pagkabuhay ng malalim na pag-aaral ng Bibliya at paghahanap para sa patotoo. Ngunit ang katapusan ay lubos na hindi pa naman.
Ang Rebolusyonaryong Pranses ay tinanggihan ang kalendaryong “Gregorian” ng kapapahan sa isang mapangahas na pagtalikod sa kapangyarihan ng kapapahan. “Ang kalendaryo ng Republikang Pranses . . . ay hindi dapat maging katulad sa anumang paraan sa opisyal na mga taunan ng apostoliko at Simbahang Romano.” Pierre-Sylvain Maréchal
Larawan: Sa Debucourt, Philibert Louis - Bibliothèque nationale de France,
Pampublikong Dominyo, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=276075
Panahon ng Kabagabagan
Ang mga idinitalyeng propesiya ni Daniel at ng Pahayag ay mga kaloob mula kay Yah para sa Kanyang bayan. Lalo na ang magusot na detalyadong propesiya ni Daniel ay kaloob para sa huling henerasyon. Sa mga propesiyang ito, inilarawan ang Pransya bilang “Sutil na Hari” ng Daniel 11; ang Egipto bilang “Hari ng Timugan,” at ang Imperyong Ottoman bilang “Hari ng Hilagaan.”
Lagpas na sa saklaw ng artikulong ito na tumungo sa lahat na nakapaloob sa mga propesiya. Gayunman, para ibuod: Ang Imperyong Ottoman ay matagal nang itinuring ng mga nalalabi ng Kanluran bilang “maysakit ng Europa.” Nahulaan ni Daniel: “At sa panahon ng kawakasan ay makikipagkaalit sa kaniya [ang Sutil na Hari, Pransya] ang hari sa timugan [Egipto]; at ang hari sa hilagaan [ang Imperyong Ottoman] ay paroroon laban sa kaniya na gaya ng isang ipoipo ... gayon ma'y darating siya [ang Hari ng Hilagaan] sa kaniyang wakas, at walang tutulong sa kaniya.” (Daniel 11:40 at 45, ADB)
Si Mustafa Kemal, kilala bilang Atatürk, o ang “Ama ng mga Turko” ay ganap na binago ang dating Imperyong Ottoman. Binuwag niya ang sultanato noong 1922 at “itinatag ang bagong kodigong sibil, batay sa alinsunurang Europeo. At nagbalangkas siya ng isang konstitusyon na hayagang nagpuputol sa lahat ng koneksyon sa batas Islamiko [Sharia].” Ito ang nagbigay sa Islam ng malubhang sugat kung saan ito ay hindi na gumaling. (http://www.bbc.com/news/magazine-23810527, binigyang-diin.) |
Ito ang eksaktong nangyari. Ang Imperyong Ottoman—na minsang makapangyarihang rehime na halos naghatid sa Europa sa pagkakalugmok nito, na nagdulot sa kamatayan at pagkakaalipin ng milyun-milyong Kristyano—ay dumating sa katapusan nito, hindi nang may pagsabog, kundi sa halos payapang bulong. At walang tumulong sa kanya. Gaya noong isang siglo bago nito, nagbigay si Heneral Berthier ng malubhang sugat sa kapapahan, si Mustafa Kemal, binigyan ng titulong Atatürk, ang nagbigay sa Islam ng malubhang sugat.
Binuwag ni Atatürk ang sultanatong Ottoman ganon din ang Islamikong caliphate at itinatag ang modernong Republika ng Turkey. Ginawa niyang modernisado ang Turkey sa pagiging sekular nito at sinadyang ilayo ang mga batas nito sa Islamikong kautusan. Ang Imperyong Ottoman ay opisyal na dumating sa katapusan nito noong Nobyembre 1, 1922. Ito ang pangyayaring napakahalaga sa bayan ni Yah dahil ito ang tanda ng pagsisimula ng “panahon ng kabagabagan.”
Ang propesiya, ipinupunto ang tiyak na taong ito, ay may napakalawak na kahalagahan para sa bayan ni Yah. Ang Imperyong Ottoman, nagwakas noong 1922, ay ang Hari ng Hilagaan na dumating sa kanyang katapusan nang walang tumulong. Kinukumpirma nito nang lagpas sa anino ng pagdududa na tayo ay nasa panahon ng kabagabagan na. Ginagawa ito sa mga sumusunod na paraan.
1. Ang katuparan ng propesiyang ito, ipinupunto ang taong 1922 bilang pagsisimula ng panahon ng kabagabagan, kinukumpirma sa lahat ng matatapat na isipan ang katumpakan ng lahat ng propetikong salita ni Yahuwah at ginagawa ito sa isang lubos na madula, mapagkakatiwalaang paraan. Ang mga katunayan ng pagbagsak ng Imperyong Ottoman ay madaling napatunayan at dokumentado nang mabuti. Walang iniiwan si Yahuwah sa ganong kahalaga na malabo at mahirap na pagtibayin.
2. Ang katuparan ng propesiyang ito ay kinukumpirma na ang Hari ng Hilagaan na sinasabi sa Daniel 11 ay ang mismong Imperyong Ottoman. Ang propesiyang ito ay itinatatag nang lagpas sa anino ng pagdududa ang kagulat-gulat na punto para sa nahulaang “Panahon ng Kabagabagan” ni Daniel. Nagwawakas ang Daniel 11 sa pagpapaliwanag na ang Hari ng Hilagaan ay darating “sa kaniyang wakas, at walang tutulong sa kaniya.” (Daniel 11:45, ADB)
Ang mismong susunod na berso ay nagpahayag: “At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.” (Daniel 12:1, ADB) Wala nang maiiwang panahon. Habang ang Hari ng Hilagaan ay dumating sa katapusan niya, sa panahong iyon, “magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon.”
![]() |
Sa loob lamang ng 100 araw, ang Rwandan Genocide noong 1994 ay pumuksa sa 800,000 buhay (ilan ay tinaya hanggang 1 milyong buhay). Mga buong pamilya ay pinatay. Ang paghihirap ay hindi mailarawan. |
Ito ang panahon kung kailan tayo ay nabubuhay na ngayon. Ang ika-20 siglo ay nasaksihan ang pinakamaraming digmaan, at ang pinakamaraming tao na pinatay ng kanilang mga pamahalaan, kaysa sa anumang naunang panahon sa kasaysayan. Si Milton Leitenberg, sa kanyang “Deaths in Wars and Conflicts in the 20th Century,” ay tinataya na humigit-kumulang 231 milyong tao ang namatay sa huling siglo lamang. Ang ibang mananaliksik ay inaangkin ang nadagdag na 260 milyong indibidwal ang namatay sa kamay ng kanilang sariling pamahalaan.
Sa loob lamang ng 10 taon, 1966 hanggang 1976, hanggang 2 milyong Intsik ang pinatay ng kanilang sariling pamahalaan sa panahon ng kanilang Rebolusyong Kultural. Sa loob ng apat na taon, 1975 hanggang 1979, mahigit 1 milyong Cambodians ang namatay sa mga batawan ng pagpatay sa ilalim ng despotikong pamumuno ng Khmer Rouge. Ngunit ang mga bilang na ito ay barak lamang sa paghahambing sa milyun-milyong nawalan ng buhay sa ilalim ng diktador ng Sobyet, si Joseph Stalin. Ang ilang tinataya ay inilagay ang bilang ng mga buhay ng Sobyet na kasingtaas ng 60 milyon. Tunay nga, ang mga dekada mula noong 1922 ay naging panahon ng kabagabagan na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon.
3. Sa petsa ng pagsisimula ng panahon ng kabagabagan na matibay na itinatag, ang bayan ni Yahuwah ay protektado mula sa mga delusyon ni Satanas. Kung wala ang taong 1922 bilang pagsisimula, ang “panahon ng kabagabagan” ay paulit-ulit na itinutulak sa hinaharap. Ang mga matatapat na tao ay pinag-aaralan ang kanilang mga Bibliya, naghahanap para sa isang bagay upang ilarawan kung saan na tayo sa agos ng kasaysayan, subalit kung walang taong 1922 bilang punto ng angkla, maghahangad sila sa mga huwad na nagpapakilala at ganap na walang kamalayan na ang panahon ng kabagabagan ay nagsimula na! Nakakakuha si Satanas ng tagumpay dahil, sa pagtutulak ng panahon ng kabagabagan sa madilim na hinaharap, ang indibidwal ay inaantala ang paggawa ng ganap na pagsuko at pagiging handa para sa nalalapit na pagdating ni Yahushua.
Para sa mga ganitong tao ang mga malulungkot na salitang ito ay sinabi:
Hindi lahat ng tumatawag sa akin ng ‘Panginoon, Panginoon’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang nagsasagawa ng kagustuhan ng aking Amang nasa langit.
Marami ang magsasabi sa akin sa araw na iyon, ‘Panginoon, Panginoon, hindi ba't sa iyong pangalan ay nagpahayag kami ng propesiya, nakapagpalayas ng mga demonyo, at sa iyong pangalan din ay gumawa kami ng maraming himala?’
At sasabihin ko naman sa kanila, ‘Kailanma'y hindi ko kayo nakikilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan!’ (Mateo 7:21-23, FSV)
4. Ang taong 1922 ay malinaw na itinangi sa pagitan ng panahon ng kabagabagan na sinabi sa Daniel 12:1, at ang tinukoy sa Mateo 24:21. Ang mga ito’y hindi magkatulad. Ang propesiya ni Yahushua ay mas maiksing panahon na dumarating sa mismong katapusan:
Ngunit kay saklap para sa mga buntis at mga nagpapasuso ang mga araw na iyon! Kaya't ipanalangin ninyo na ang pagtakas ninyo ay hindi matapat sa taglamig o sa araw ng Sabbath.
Sapagkat sa panahong iyon ay magkakaroon ng matinding kapighatiang hindi pa nangyari mula sa pasimula ng sanlibutan hanggang ngayon, at hindi na kailanman mangyayari pa. At malibang paiikliin ang mga araw na iyon, ang lahat ng laman ay mapapahamak. Ngunit alang-alang sa mga pinili ay paiikliin ang mga araw na iyon.
At kapag may nagsabi sa inyo, ‘Tingnan ninyo, narito ang Kristo!’ o, ‘Naroon siya!’ huwag kayong maniwala. Sapagkat may magsisilitaw na mga huwad na Kristo at mga huwad na propeta, at magpapakita ng mga kahanga-hangang himala at mga kababalaghan, na dahil dito'y maililihis, kung maaari, pati ang mga pinili.
Tandaan ninyo, sinabi ko na sa inyo bago pa man ito mangyari. (Mateo 24:21-25, FSV)
![]() |
Kung wala ang taong 1922 bilang taon ng angkla, ang mga mag-aaral ng Bibliya ay maiiwang magkukumayod, mapanganib na ipinagpapaliban ang panahon ng kawakasan sa ilang mahiwagang panahon sa hinaharap. |
Sa panahon ng kabagabagan na ito kung kailan ang malakas na panawagan (ang huling maawaing mensahe ng babala) ay ibinigay sa buong mundo, marami ang babawian ng buhay nang tiyakan sa ngalan ng patotoo. Ang panahon ng kabagabagan, nagsimula noong 1922, ay bumabalot sa lahat ng mga bansa ng daigdig. Hindi lahat ng mga binawian ng kanilang buhay sa panahong ito ay mga kinakailangang martir para sa patotoo. Ang panahon ng kabagabagan na tinukoy ni Yahushua ay mas malala sa panahon ng kabagabagan ni Daniel. Ang panahon ng kabagabagan ni Yahushua ay dumarating sa katapusan at maiksi lang o wala nang buhay na matitira.
5. Ang propesiya ng Hari ng Hilagaan ay dumating sa kanyang wakas noong 1922 at ang panahon ng kabagabagan ay nagsimula, ipinapaliwanag sa mga isipang nagtatanong kung bakit ang buong mundo ay nasa patuloy na krisis mula pa noong 1922, at magpapatuloy hanggang dumating si Yahushua.
Ayon sa Science Daily, ang bilang ng mga bagyo sa Karagatang Atlantiko ay dumoble sa nakalipas na huling siglo.1 At ang mga ito ay mga bagyo lamang. Ang bilang, kadalasan, at tindi ng mga lindol ay tumaas nang maramihan. Sa katunayan, sa sampung pinakamalalakas na lindol sa naitalang kasaysayan, siyam sa mga ito ay naganap matapos ang taong 1922. Si Propesor Mike Sandiford, isang heologo sa Unibersidad ng Melbourne, ay sinasabing ang “mga seismologist ay nabatid ang pagtaas sa lakas, tindi ng mga lindol sa huling dekada.”2
Ang napakalaking bilang ng mga kamatayan, mula sa mga digmaan, democide (mga pamahalaan na pumapatay ng sarili nilang mamamayan), pagpatay sa lahi at mga kalamidad ng kalikasan mula pa noong 1922 ay hindi pa nangyayari sa kasaysayan.
“Ang mga krimen na hinahangad natin na hatulan at parusahan ay naging lubos na kalkulado, lubhang mapaminsala at nakapopoot, na ang isang sibilisasyon ay hindi na maaaring tiisan ang kapabayaan sa kanila, dahil ito’y hindi maaaring manatili upang hindi na maulit.” |
6. Ang propesiya ni Daniel ay nagbibigay ng isang babala na ang wakas ng panahon ay hindi isang pangyayari sa malayong hinaharap, lagpas sa saklaw ng mga kasalukuyang nabubuhay. Sa halip, tayo ay “mga sandali na lang sa hatinggabi.” Ang wakas ng panahon ay malapit na at wala nang sandaling ilalaan sa pagiging handa ng ating mga puso.
7. Ang lubos na katumpakan ng katuparan ng Hari ng Hilagaan na dumating sa wakas nang walang tumulong ay kinukumpirma na ang mga kakaunting propesiya na hindi pa natutupad ay, sa kaparehong bagay ay tumpak na matutupad. Ito ay isang mahalagang punto sapagkat sa ilan sa mga ito, sa puntong ito, ay maaari lamang makita sa mata ng pananalig. Subalit, sa lahat ng mga kautusan ni Yahuwah, ang mga ito ay matutupad sa panahon, at sa paraan, nahulaan.
Mga Sandali na lang sa Hatinggabi
Tayo ay ilang sandali na lamang bago ang plegarya ng hatinggabi.
Noong ako ay bata pa, ang mga magulang ko ay mayroong lumang orasan mula pa sa lolo ko at hawak na ng pamilya ko sa loob ng ilang henerasyon. Ito ay tutunog sa sangkapat na oras, sa kalahati, at sa isa pang sangkapat. Sa itaas ng oras, gayunman, ito ay magpapatugtog ng munting awitin bago tumunog sa malalim, napakalakas na tono. Walang segundong kamay para ipakita ang mga segundong lumipas, kamay ng minuto at oras lamang ang mayroon.
Gayunman, kung ikaw ay nakinig nang mas malapit, bago tumunog ang awitin, mayroong isang tahimik na lagitik habang ang panloob na mekanismo ay nagsimulang umugong. Kapag nagtatapos ang isang oras ng takdang aralin, ang lagitik na iyon ay hudyat ng aking kapatid at ako na hinihintay namin, nagpapakilala sa amin na ang oras ng paghihirap ay tapos na at ang aming matagal na hinihintay na oras ng paglalaro ay dumating na.
Iyon ay kung saan na tayo sa kasaysayan ng daigdig. Ang panahon ng kabagabagan ay hindi ilang pangyayari sa hinaharap. Karamihan sa mga tao ay binabasa ang artikulong ito ay isinilang na matapos magsimula ang panahon ng kabagabagan! Tayo ay naghihintay na lamang sa halos tahimik na lagitik na iyon na maghuhudyat na tapos na ang lahat. Huwag madala sa pagkabigla. Kunin ang oras ngayon para matutunan ang mga propesiya. Kalooban ni Yahuwah na malalaman mo kung ano ang sisiklab sa lupa nang may napakalaking pwersa, sapagkat ang mga trumpeta ay nagsimula nang tumunog, wala nang palugit hanggang sa katapusan.
Noong si Yahushua ay tinanong para ilarawan ang katapusan ng sanlibutan bago ang kanyang kamatayan, nagbigay siya ng mga nakasisiglang salita, “At kapag nagsimula na ang mga ito, tumayo kayo at itingala ang inyong ulo sapagkat malapit na ang pagtubos sa inyo.” (Lucas 21:28, FSV)
Tayo ay nasa mga sandali na lamang sa hatinggabi. Ang katapusan ay mas malapit kaysa sa naiisip mo.
Para sa mas maraming kaalaman tungo sa nalalapit na hinaharap, iniimbitahan ka ng WLC na basahin ang mga sumusunod:
Ang Huling Pandaraya: Si Satanas sa Kasuotan ng Liwanag
Ang Huling Ulan ay Bumubuhos! (Natatanggap mo ba ito?)
1 https://www.sciencedaily.com/releases/2007/07/070730092544.htm
2 http://www.australiangeographic.com.au/topics/science-environment/2011/03/earthquakes-the-10-biggest-in-history/