Nakabibiglang bagong liwanag mula sa Ezekiel ay ipinapakita ang isang internasyonal na alyansang pinamunuan ng Russia ay lulusob sa Israel! Ang aksyong ito ay ginamit ng Langit upang tipunin ang mas maraming tao kay Yahuwah. |
Sa aksyong militar ng Russia laban sa Ukraine, marami at marami pang Kristyano ang nagtatanong kung ito ay isang katuparan ng talaan ni Ezekiel ng isang malaking digmaan sa mga huling araw. Ang kasagutan ay hindi . . . hindi pa. Lumitaw nga ang Russia sa propesiya, gayunman, at ito ay para sa isang lubos na tiyak na dahilan.
Ang Layunin ng Propesiya
Ang propesiya ay hindi ibinigay para sa libangan o para lamang palugurin ang walang ampat na pagkamausisa ng tao. Sa halip, ang propesiya ay isang kaloob para sa hayagang layunin ng pagpapalakas ng pananalig kapag ito ay natupad. Sa Ezekiel, ito’y ipinahayag bilang, “At inyong malalaman na ako si Yahuwah” (Ezekiel 37:6b) at “Kanilang malalaman na ako si Yahuwah” (Ezekiel 38:23b). Sa katunayan, ang pariralang iyon ay ginamit nang 72 beses sa aklat ni Ezekiel lamang!
Ang Russia ay lumilitaw rin sa Kasulatan, bagama’t hindi sa pangalang iyon. Ang sumusunod ay tatlong saksi mula sa Kasulatan na nagtatatag sa Russia bilang isang paksa ng isang mahalagang propesiya.
Russia ng Kasalukuyan, Magog ng Nakaraan
Ang pangunahing dahilan sa mga mananampalataya na hindi kinikilala ang mga propesiya ni Ezekiel tungkol sa Russia ay dahil sa pangalan na binago. Nagbubukas ang Ezekiel 38 sa mga salita, “At ang salita ni Yahuwah ay dumating sa akin, na nagsasabi, ‘Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha sa dako ni Gog, sa lupain ng Magog, na prinsipe sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal, at manghula ka laban sa kaniya’” (Ezekiel 38:1-2). Ang pangalang “Magog” ay unang lumitaw sa talahanayan ng mga bansa na binalangkas sa Genesis 10. Si Magog ay ikalawang anak ni Japhet. Siya at kanyang mga inapo ay sumaklaw sa hilaga. Sila’y mga nomadikong tribo na gumagala sa mga kapatagan ng kasalukuyang Russia. Mula sa Ukraine sa kanluran hanggang sa Mongolia sa silangan, ang mga anak ni Japhet ay mga mandirigma at mga mahuhusay na mangangabayo.
Si Flavius Josephus, isang Hudyong mananalaysay ng unang siglo, ay isinulat sa Kanyang Antiquities, 1.123: “Itinatag ni Magog ang mga Magogians, kaya ipinangalan sa kanya, ngunit sa mga Griyego ay tinawag na mga Scythians.” Ito ay isang kawili-wiling pahayag dahil ang mga Griyego ay nagsulat nang medyo malawak tungkol sa mga paladigmang Scythians na dumating nang dumadagundong mula sa hilaga upang lusubin ang mga lupain sa timog. Ang mga Intsik at mga Assyrians na nagsulat tungkol sa mga inapo na ito ni Japhet ay ginawang tirahan ang mga lupain sa hilaga.
Nagmumula ang Magog mula sa Dulong Hilaga
Sinasabi ng Ezekiel 38 ang dulong hilaga na nauugnay sa Magog. Dagdag pa, sa mga bansa na sinabi na kaalyado ng Magog, nabanggit ang ilan na mula rin sa hilaga.
Ang Gomer at ang lahat niyang mga pulutong; ang sangbahayan ni Togarma sa mga pinakahuling bahagi ng hilagaan, at lahat niyang mga pulutong; maraming bayan na kasama mo.
At ikaw ay darating na mula sa iyong dako, mula sa mga kahulihulihang bahagi ng hilagaan, ikaw, at ang maraming tao na kasama mo, silang lahat na nangakasakay sa mga kabayo, malaking pulutong at makapangyarihang hukbo (Ezekiel 38:6 at 15).
Kapag ang mga sinaunang kasulatan tungkol sa mga Scythians/mga anak ni Magog ay kinumpara sa isang mapa, malinaw na isang rehiyon lamang ng daigdig ang sumasaklaw sa lugar na inilarawan at iyon ay ang Russia. Noong unang panahon, ang lugar sa ibabaw ng Dagat Mediterraneo ay inilarawan bilang “madilim at mapanglaw.” Kailangan mong maglakbay nang malayo sa hilaga upang dumating sa mga lupaing “madilim at mapanglaw.” Tiyakan, ang Italya (na nalalaman sa sinaunang panahon) ay hindi maaaring ilarawan bilang “madilim at mapanglaw,” kaya ito ay nasa malayong hilaga. Tanging isang bansa sa daigdig ngayon ang nangingibabaw sa hilaga, ang mga lupaing “madilim at mapanglaw,” at iyon ay ang Russia.
Mga Kaalyado ni Magog
Ayon sa Ezekiel 38, nakipag-alyansa ang Magog/Russia sa mga bansa na nalalaman sa panahong ito!
- Persia = Binago ang pangalan sa Iran noong 1935.
- Meshech/Meshek (Mesech) = Gitnang Turkey
- Gomer = Turkey
- Tubal = Silangang Turkey sa rehiyon ng Pontus.
- Ethiopia/Cush = Sudan, Timog Sudan at Ethiopia, lahat ng mga bansa na direktang nasa ilalim ng Egypt.
- Libya = Isang kilalang bansa ngayon. Ang rehiyong ito ay maaaring isama ang mga bansang Tunisia, Algeria, Morocco.
- Togarma = Armenia. Hanggang sa panahong ito, ipinahayag ng mga mananalaysay sa Armenia, “Sa sinaunang panahon, nakilala kami bilang Togarma.”
Lahat ng mga kilalang bansang ito, ayon sa Ezekiel 38, ay magsasanib-pwersa sa Magog/Russia upang lusubin ang Israel. Ito’y hindi pa nagaganap, nagpapahiwatig na ang propesiyang ito ay matutupad pa lang.
Ang Russia at mga Kaalyado Laban sa Israel
Binibigyan ng kahulugan ang iba’t ibang bansa na binalangkas sa Ezekiel 38 ay ipinapakita ang isang napakalinaw na larawan. Sa mga araw na paparating, mamumuno ang Russia ng isang internasyonal na alyansa.
At ang salita ni Yahuwah ay dumating sa akin, na nagsasabi, “Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha sa dako ni Gog, sa lupain ng Magog, na prinsipe sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal, at manghula ka laban sa kaniya,” At iyong sabihin, ganito ang sabi ni Yahuwah: “Narito, ako’y laban sa iyo, Oh Gog, na pangulo sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal: At aking ipipihit ka sa palibot, at kakawitan ko ng mga pangbingwit ang iyong mga panga, at ilalabas kita, at ang iyong buong kawal, mga kabayo at mga mangangabayo, na nasusuutan silang lahat ng buong kasakbatan, na malaking pulutong na may longki at kalasag, silang lahat ay nangagtatangan ng mga tabak: Ang Persia, ang Cus, at ang Phut ay kasama nila; silang lahat na may kalasag at turbante; Ang Gomer at ang lahat niyang mga pulutong; ang sangbahayan ni Togarma sa mga pinakahuling bahagi ng hilagaan, at lahat niyang mga pulutong; maraming bayan na kasama mo.” (Ezekiel 38:1-6)
Ngayon, nalalaman kung anu-anong bansa ang tinalakay; kawili-wili na siyasatin na lahat ng bansa maliban sa isa ay Muslim; lahat maliban sa isa ay kaalyado ng Russia, at lahat maliban sa isa sa kanila ay pulitikal na salungat sa Israel!
Kaya’t, anak ng tao, ikaw ay manghula, at sabihin mo kay Gog, Ganito ang sabi ni Yahuwah: “Sa araw na ang aking bayang Israel ay tatahang tiwasay, hindi mo baga malalaman? At ikaw ay darating na mula sa iyong dako, mula sa mga kahulihulihang bahagi ng hilagaan, ikaw, at ang maraming tao na kasama mo, silang lahat na nangakasakay sa mga kabayo, malaking pulutong at makapangyarihang hukbo; At ikaw ay sasampa laban sa aking bayang Israel, na parang ulap na tatakip sa lupain: mangyayari sa mga huling araw, na dadalhin kita laban sa aking lupain, upang makilala ako ng mga bansa, pagka ako’y aariing banal sa iyo, Oh Gog, sa harap ng kanilang mga mata.” (Ezekiel 38:14-16)
Sa huli, syempre, ang kanilang paglusob ay mabibigo. Gayunman, ito’y magreresulta sa isang muling pagkabuhay at panghuling pagtitipon ng mga kaluluwa. Iyon ang tanging dahilan kung bakit pahihintulutan ni Yahuwah maging ang mga masasamang bagay na maganap: upang ilapit ang marami pang kaluluwa tungo sa isang nagliligtas na relasyon sa Kanya. “At ako’y pakikitang dakila at banal, at ako’y pakikilala sa harap ng mga mata ng maraming bansa; at kanilang malalaman na ako si Yahuwah” (Ezekiel 38:23).