Ang Tanda ng Halimaw: Ano ito at paano maiiwasan ito!
Ang dakilang puso ni Yahuwah na puno ng pag-ibig ay nananabik sa Kanyang mga anak sa lupa. Sa Kanyang walang hanggang karunungan at kaalaman, Siya ay nagbigay ng nakakaintrigang sulyap sa hinaharap sa pamamagitan ng paggamit ng mga simbulo. Ito ay ibinigay upang ihanda ang Kanyang bayan para walang malinlang sa nalalapit na katapusan ng kasaysayan ng daigdig. Isa sa mga hindi masyadong nauunawaan, subalit pinakamaintrigang simbulo na ginamit sa propesiya ay ang “tanda ng halimaw.”
“Sapilitang pinatatakan ng . . . halimaw ang lahat ng tao sa kanilang kanang kamay o sa noo, maging sila'y dakila o hamak, mayaman o mahirap, alipin o malaya. At walang maaaring magtinda o bumili malibang sila'y may tatak ng pangalan ng halimaw o ng bilang na katumbas ng pangalan niyon. Kailangan dito ang karunungan: maaaring malaman ng sinumang matalino ang kahulugan ng bilang ng halimaw, sapagkat ito'y bilang ng isang tao. Ang bilang ay animnaraan at animnapu't anim (666).” (Pahayag 13:16-18, MBBTAG)
Ang katakut-takot na babala laban sa lahat ng makakatanggap nitong nakakakilabot na tanda ay pumukaw ng takot at haka-haka sa puso ng marami.
“Sinumang sumasamba sa halimaw at sa larawan nito, at nagpatatak sa kanyang noo o sa kamay, ay paiinumin [ni Yahuwah] ng purong alak ng kanyang poot na ibinuhos sa kopa ng kanyang galit. Pahihirapan sila sa apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel at sa harapan ng Kordero. Ang usok mula sa apoy na nagpapahirap sa kanila ay patuloy na tataas magpakailanman. Araw at gabi ay maghihirap nang walang pahinga ang mga sumamba sa halimaw at sa kanyang larawan, at ang mga natatakan ng kanyang pangalan.” (Pahayag 14:9-11, MBBTAG)
Malawakang itinuturo
na ang tanda ng halimaw ay isang computer chip na ibabaon sa ilalim ng balat sa
pamamagitan ng operasyon. Ito ay pakana ng isang totalitaryong pamahalaan na
ang nais ay magkaroon ng kabuuang kontrol sa kanyang mamamayan. Ang ilan ay
nagkaroon ng haka-haka na ang tanda ng halimaw ay makikita sa mga bar codes o
kaya sa mga social security numbers na gamit sa Estados Unidos. Sa katunayan,
ang tanda ng halimaw ay mas malawak at mas mapanganib pa kaysa sa mga barcodes,
social security numbers o kaya sa mga RFID chips na binabaon sa ilalim ng
balat.
Kailangan na ang lahat ay magkaroon ng malinaw na pag-unawa kung ano talaga ang bumubuo ng tanda ng halimaw at kung paano maiwasan ito dahil ang lahat ng makatatanggap nito ay magtatamo ng hatol na walang hanggang kamatayan. Para maunawaan ang tanda ng halimaw, kailangan na maunawaan muna kung sino o kung ano ang halimaw. Malawakang sumang-ayon ang mga iskolar ng Bibliya na ang halimaw sa mga propesiya ay isang simbulo ng pampulitikang kapangyarihan sa mundo:
“Ang apat na halimaw ay apat na kahariang lilitaw sa daigdig.” (Daniel 7:17, MBBTAG)
Hindi lamang pampulitikang kapangyarihan sa mundo ang simbulo ng isang halimaw sa Banal na Kasulatan, gayunman. Ang propesiya ay tumutuon sa mga kapangyarihan na nakipagdigma laban kay Yahuwah sa ngalan ng Kanyang mga hinirang. Kaya, ang halimaw na magpapatupad ng “tanda” ay isa ring kapangyarihan sa buong mundo na makikidigma laban sa Kaharian ng Langit bago bumalik si Yahushua.
Tulad ng ipinakita sa video serye ng Ang Mga Halimaw sa Pahayag 13, ang unang halimaw ng Pahayag 13 ay ang kapapahan kung saan mahigpit nitong pinamunuan gamit ang kamay na bakal ang mga Kristyano sa loob ng 1260 na taon.
Ang ikalawang halimaw ng Pahayag 13 ay ang Estados Unidos kung saan, ayon sa maaasahang salita ng propesiya sa nalalapit na hinaharap ay ipatutupad ang “tanda” ng larawan o imahe ng unang halimaw.
Ang “tanda” ng kataas-taasang kapangyarihan ng kapapahan, sa kanila mismong pag-amin, ay ang pagsamba sa araw ng Linggo:
“Ang araw ng Linggo ay tanda ng aming kapangyarihan . . . .” (The Catholic Record, London, Ontario, Setyembre 1, 1923.)
Lahat ng digmaan laban sa Kaharian ng Langit ay laging nakasentro sa pagsamba. Sa simula pa lang, ang matagal nang hangarin ni Lucifer ay kunin ang pagsamba na dapat sa Manlilikha lamang. Nakasulat sa Banal na Kasulatan ang kanyang magarbong plano:
“O Maningning na Bituin sa umaga, anak ng Bukang-liwayway! Bumagsak ka rin sa lupa, at nahulog mula sa langit. Ikaw na nagpasuko sa mga bansa! Hindi ba't sinabi mo sa iyong sarili? ‘Aakyat ako sa langit; at sa ibabaw ng mga bituin ng [Elohim], ilalagay ko ang aking trono. Uupo ako sa ibabaw ng bundok na tagpuan ng mga [elohim] sa malayong hilaga. Aakyat ako sa ibabaw ng mga ulap, papantayan ko ang Kataas-taasan.’ ” (Isaias 14:12-14, MBBTAG)
Ang tanda ng halimaw ay umiikot sa isyu ng pagsamba dahil malaking tunggalian sa pagitan ni Yahuwah at Satanas ay umiikot sa pagsamba. Ito ay binigyang-diin na ang mga taong nakatanggap ng tanda ng halimaw ay tatanggap ng pitong huling salot ay ang mga taong nakatanggap ng tanda ng halimaw at ang sumamba sa kanyang larawan:
“Mula sa templo'y narinig ko ang isang malakas na tinig na nag-uutos sa pitong anghel, ‘Humayo na kayo at ibuhos ninyo sa lupa ang laman ng pitong mangkok ng poot ng [Elohim].’ Kaya umalis ang unang anghel at ibinuhos sa lupa ang laman ng dala niyang mangkok. At nagkaroon ng mahahapdi at nakakapandiring pigsa ang mga taong may tatak ng halimaw at sumamba sa larawan nito.” (Pahayag 16:1, 2, MBBTAG)
Sa tangka ni Satanas na nakawin ang pagsamba na nararapat lamang sa Manlilikha, pinagkaisa niya ang buong mundo sa paggamit ng kalendaryong solar (kalendaryo ng papa) na nag-umpisa sa isang paganong paraan ng pagpapanatili ng oras. |
Sa tangka ni Satanas na nakawin ang pagsamba na nararapat lamang sa Manlilikha, pinagkaisa niya ang buong mundo sa paggamit ng kalendaryong solar (kalendaryo ng papa) na nag-umpisa sa isang paganong paraan ng pagpapanatili ng oras. Kung wala ang tamang kalendaryo, imposible na maitatag ang tamang araw ng pagsamba. Kaya, ang lahat ng nais sumamba kay Yahuwah ngunit kinakalkula ang araw ng pagsamba gamit ang maling kalendaryo, kahit pa sabihin na hindi nila alam, ay sumasamba sa kaaway ni Yahuwah.
Ang tanda ng halimaw ay matatanggap kapag ang isang tao na may ganap na kaalaman sa katotohanan ay sadyang kumakapit sa maling araw ng pagsamba sa kadahilanang ito ay mas magaan at maginhawa sa modernong lipunan kaysa sa pagsamba sa Manlilikha sa Kanyang banal na araw o Sabbath, na kinakalkula sa pamamagitan ng Kanyang orihinal na pamamaraan ng pagpapanatili ng oras, ang kalendaryong luni-solar. Ang ilang sumasamba sa araw ng Sabado ay naniniwala na ang pagsamba sa araw ng Linggo ay ang tanda ng halimaw. Ito ay tama. Ngunit pati rin ang pagsamba sa araw ng Sabado, o ang pagpunta sa Moske sa araw ng Biyernes. Anumang pagsisikap na sumamba sa mga araw na itinatag ni Satanas, ay nagbibigay lamang ng karangalan kay Satanas.
Dito natatanggap ang tanda ng halimaw. Ang mga banal na araw ni Yahuwah ay hindi matatagpuan sa anumang huwad na paraan ng pagpapanatili ng oras.
Kahit na ang kasalukuyang kalendaryong Gregorian ay tinanggap at ipinatupad sa buong mundo, o ang ilang hinaharap na pagbabago nito, ang tanda ng halimaw ay matatanggap kapag ang isang taong nakakaalam ng tunay na Sabbath ay mananatiling nakakapit sa araw ng pagsamba na kinalkula gamit ang huwad na paraan ng pagpapanatili ng oras.
Mula 1920s-1950s, nagkaroon ng malaking pagtatalo para sa isang reporma ng kalendaryong Gregorian. Sa mga nakalipas na taon, ang panukalang pagsasaayos ng kalendaryo ay muling itinaas. Kahit na si Satanas ay nagpapataw ng tanda ng halimaw sa pamamagitan ng kasalukuyang kalendaryo o ilang binagong anyo, ito ay hindi mahalaga. Ang tanda ng halimaw ay matatanggap kung ang banal na araw ni Yahuwah ay binalewala o kinalkula sa paraang maliban sa kalendaryong luni-solar na siyang itinatag sa panahon ng Paglikha ng mundo. Sa bawat kultura at lupain, ang paraan ng pagpapatupad ng tanda ay maiiba ng bahagya. Ngunit ito ang magpipilit ng konsensya na magrebelde laban sa batas ni Yahuwah. Madaling isipin na ang isang nangingibabaw na kapangyarihan ay may isang paraan lamang upang piliting makontrol ang malawak at iba’t-ibang kultura ng mundo.
Kabaliktaran ng tanda ng halimaw ay ang selyo ni Yahuwah.
“At nakita kong umaakyat sa gawing silangan ang isa pang anghel, taglay ang pantatak ng [Elohim] na buhay. Sumigaw siya sa apat na anghel na binigyan ng kapangyarihang maminsala sa lupa at sa dagat, ‘Huwag muna ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat o ang mga punongkahoy hangga't hindi pa namin nalalagyan ng tatak sa noo ang mga lingkod ng ating [Eloah].’ ” (Pahayag 7:2, 3, MBBTAG)
Ang selyo ni Yahuwah ay matatanggap kapag ang isang tao ay isinuko ang kanyang sarili nang buong-buo sa kanyang Manlilikha. Ang pagbabago ng katangian ay makikita lamang sa nais na sumunod sa LAHAT ng kinakailangan ni Yahuwah. Tanging sila lamang na sumuko ang makakatanggap ng selyo ni Yahuwah na magtatanggol sa kanila mula sa pagtanggap ng tanda ng halimaw. Hinihimok ng Banal na Kasulatan ang lahat: “Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay [Yahushua]. (Filipos 2:5, MBBTAG) Ang kaisipan ni Yahushua ay isa sa buong pagsuko sa kalooban ng Kanyang Ama. Sa Getsemani, Siya’y nanalangin: “. . . Ama, kung loloobin mo, ilayo mo sa akin ang kopang ito, ngunit huwag ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo.” (Lucas 22:42, MBBTAG)
Ang tanda ng halimaw at ang selyo ni Yahuwah ay ganap na magkaiba sa isa’t-isa. Ang isa ay simbulo ng buong katapatan kay Satanas at maaaring matanggap sa noo o kanang kamay, na ipinapakita na ang ilan ay tumalima alang-alang sa sariling kapakanan. Ang selyo ni Yahuwah, gayunman, ay matatanggap lamang sa noo, na kumakatawan sa kabuuang pagsuko, katapatan at pagsunod sa Manlilikha. Ang mga makakatanggap ng selyo ni Yahuwah ay magkakaroon ng kaisipan ni Yahushua, ganap na nabuo sa loob ng mga ito. Ang selyo ni Yahuwah ay maipapakita sa pagsunod sa LAHAT ng Kanyang mga kinakailangan, kabilang ang pagsamba sa ikapitong araw ng sanlinggo, kinakalkula sa pamamagitan ng Kanyang orihinal na kalendaryong luni-solar.
Ang kalendaryo ay higit pa sa isang paraan ng pagsukat ng oras. Ang luni-solar na kalendaryo ng Paglikha ay isang mahalagang bahagi ng banal na batas dahil kung wala ito, imposibleng makalkula ang mga banal na araw ni Yahuwah. Ang lahat ng namumuhay sa pagsunod sa banal na kautusan at tumanggap ng selyo ni Yahuwah ay aayusin ang kanilang buhay sa pamamagitan ng orihinal na kalendaryo, sumasamba sa kanilang Manlilikha sa Kanyang mga napiling takdang araw. Walang huwad na pamamaraan ng pagpapanatili ng oras ang maaaring gamitin upang maitatag ang banal na araw ng Langit. Kaya, ang lahat ng mga taong sasamba sa mga araw na kinalkula ng mga huwad na sistema ng pagpapanatili ng oras ay makatatanggap ng tanda ng halimaw. Ang tanda ng halimaw ay matatanggap ng sinumang tatangging isuko nang buo ang kanyang sarili kay Yahuwah at tatangging sumunod sa Kanya. Paghihimagsik ang pag-iisip ni Satanas na ganap na nabuo sa loob.
Ang lahat ng makatatanggap ng selyo ni Yahuwah, ay mapapanatili mula sa darating na pagkawasak na mararanasan ng mga taong tumanggap ng tanda ng halimaw.

“Tinawag niya ang lalaking nakadamit ng telang lino at may panulat sa baywang. Sinabi niya rito, ‘Libutin mo ang lunsod ng Jerusalem at lagyan mo ng tatak sa noo ang lahat ng nagdalamhati dahil sa mga kasuklam-suklam na ginawa roon.’
“Sa iba naman ay narinig kong sinabi niya, ‘Sumunod kayo sa kanya at patayin ninyo ang mga tagaroon. Huwag kayong magtitira maliban sa mga may tanda sa noo. Patayin ninyong lahat ang mga tagaroon: matanda, binata, dalaga, babae at bata. Umpisahan ninyo sa santuwaryo.’ Inuna nga nilang patayin ang matatandang pinuno ng bayan sa harap ng bahay. (Ezekiel 9:3-6, MBBTAG)
Kaya kailangan ang pag-aaral ng bawat isa na nagnanais ng buhay na walang hanggan, na malaman ang mga kinakailangan ni Yahuwah. Kung ang puso ay sadyang matigas at nais kumapit sa kasalanan, may Tagapagligtas na magagawang baguhin kahit pa ang pinakamatigas na puso.
Ngayon, habang nasa pagsubok ng panahon pa (probasyon), piliin na isuko ang iyong kalooban kay Yahuwah at sumunod sa Kanya, kahit na ano pa ang maging kapalit. Kamangha-mangha Niyang babaguhin ang isip ng lahat ng lalapit sa Kanya sa pananampalataya.
Buhay na walang hanggan at kasiyahang lampas pa sa iyong kakayahang maunawaan ang naghihintay sa lahat ng nakatanggap ng selyo ni Yahuwah at sa lahat ng nagtagumpay laban sa halimaw, sa kanyang larawan at sa kanyang tanda:
“May nakita akong parang dagat na kristal na nagliliyab. Nakita ko rin ang mga nagtagumpay laban sa halimaw at sa larawan nito, at sa nagtataglay ng bilang na katumbas ng kanyang pangalan. Nakatayo sila sa tabi ng dagat na kristal, hawak ang mga alpang bigay sa kanila ng [Elohim]. Inaawit nila ang awit ni Moises . . . at ang awit ng Kordero: ‘[Yahuwah Eloah] na Makapangyarihan sa lahat, dakila at kahanga-hanga ang Iyong mga gawa! O Hari ng mga bansa, matuwid at totoo ang iyong mga paraan!’ ” (Pahayag 15:2, 3, MBBTAG)