Ito ay isang hindi-WLC na artikulo. Kapag gumagamit ng mga pinagkukunan mula sa mga labas na may-akda, kami'y naglalathala lamang ng nilalaman na may 100% pagkakatugma sa Bibliya at sa mga kasalukuyang paniniwalang biblikal. Kaya ang ganitong mga artikulo ay maaaring ituring na parang direktang galing sa WLC. Kami’y lubos na pinagpala sa paglilingkod ng maraming tagapaglingkod ni Yahuwah. Ngunit hindi namin inaabiso ang aming mga kasapi na galugarin ang iba pang gawa ng mga may-akda na ito. Ang mga gawang iyon ay hindi na namin isinama mula sa paglalathala dahil ang mga iyon ay naglalaman ng mga kamalian. Nakalulungkot, wala pa kaming nahahanap na paglilingkod na walang dungis. Kung ikaw ay nagulantang sa ilang hindi-WLC na inilathalang nilalaman [artikulo/episodyo], tandaan ang Kawikaan 4:18. Ang aming pagkakaunawa ng Kanyang patotoo ay umuusbong, sapagkat mas maraming liwanag sa ating landas. Mas itinatangi namin ang katotohanan nang higit sa buhay, at hangad ito saanman ito matatagpuan. |
Ang premilenyonismo ay ang pananaw na ang muling pagdating ni Kristo ay magaganap bago ang kanyang milenyong kaharian, at ang milenyong kaharian ay isang literal na isang libong taong pamumuno ni Kristo sa lupa. Upang maunawaan at ipaliwanag ang mga sipi sa Kasulatan na may kaugnayan sa mga kaganapan na magwawakas sa panahon, mayroong dalawang bagay na dapat na malinaw na maunawaan: isang tamang pamamaraan ng pagpapaliwanag ng Kasulatan at ang pagkakaiba sa pagitan ng Israel (mga Hudyo) at ang iglesya (ang katawan ng lahat ng mga mananampalataya kay Kristo Yahushua).
Isang tamang pamamaraan ng pagpapaliwanag ng Kasulatan ay nangangailangan na ang Kasulatan ay dapat na ipaliwanag sa isang paraan na naaayon sa konteksto nito … sa tagapakinig kung saan ito isinulat, iyong mga nauukol na isinulat, para kanino isinulat, at iba pa.
|
Una, isang tamang pamamaraan ng pagpapaliwanag ng Kasulatan ay nangangailangan na ang Kasulatan ay dapat na ipaliwanag sa isang paraan na naaayon sa konteksto nito. Ibig sabihin nito na ang isang sipi ay dapat na ipaliwanag sa isang paraan na naaayon sa tagapakinig kung saan ito isinulat, iyong mga nauukol na isinulat, para kanino isinulat, at iba pa. Kritikal na malaman ang may-akda, nilalayong tagapakinig, at makasaysayang karanasan ng bawat sipi na ipinapaliwanag ng isa. Ang makasaysayan at kultural na tagpuan ay madalas ipinapakita ang tamang kahulugan ng isang sipi. Mahalaga rin na tandaan na ang Kasulatan ay ipinapaliwanag ang Kasulatan. Iyon ay, madalas ang isang sipi ay sasaklaw ng isang paksa na ipinahayag rin saanman sa Bibliya. Mahalaga na ipaliwanag ang lahat ng mga siping ito nang naaayon sa isa’t isa.
Sa wakas, at pinakamahalaga, ang mga sipi ay dapat palaging kinukuha sa kanilang normal, regular, malinaw, literal na kahulugan maliban kung ang konteksto ng sipi ay nagpapahiwatig na ito’y matalinghaga sa kalikasan. Ang isang literal na pagpapaliwanag ay hindi pinawawalang-bisa ang posibilidad na talinghaga ang ginamit. Sa halip, ito’y naghihikayat sa tagapagpaliwanag na hindi babasahin ang matalinghagang wika tungo sa kahulugan ng isang sipi maliban kung ito’y nararapat para sa kontekstong iyon. Mahalaga na hindi maghahangad ng isang “mas malalim, mas espiritwal” na kahulugan kaysa sa naipakita. Ang pag-eespiritwal ng isang sipi ay mapanganib dahil inililipat nito ang batayan para sa tumpakang pagpapaliwanag mula sa Kasulatan tungo sa kaisipan ng mambabasa. Pagkatapos, walang maaaring puntahang batayan ng interpretasyon; sa halip, ang Kasulatan ay nagiging paksa sa bawat sariling sapantaha ng isa kung ano ang ibig sabihin nito. Ang 2 Pedro 1:20-21 ay nagpapaalala sa atin na “na walang propesiya ng Kasulatan na nahayag dahil sa pansariling pagpapakahulugan ng sinuman. Sapagkat walang propesiyang dumating kailanman na nagbuhat sa kalooban ng tao; sa halip, nagsalita ang mga tao ng mga bagay na galing kay Yahuwah nang sila’y magpahayag sa ilalim ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.”
Pinakamahalaga, ang mga sipi ay dapat palaging kinukuha sa kanilang normal, regular, malinaw, literal na kahulugan maliban kung ang konteksto ng sipi ay nagpapahiwatig na ito’y matalinghaga sa kalikasan. … Ang pag-eespiritwal ng isang sipi ay mapanganib dahil inililipat nito ang batayan nito para sa tumpakang pagpapaliwanag mula sa Kasulatan tungo sa kaisipan ng mambabasa. Pagkatapos, walang maaaring puntahing batayan ng interpretasyon; sa halip, ang Kasulatan ay nagiging paksa sa bawat sariling sapantaha ng isa kung ano ang ibig sabihin nito.
|
Ang pag-aangkop ng mga tuntuning ito ng Biblikal na pagpapaliwanag, ito’y dapat na makita na ang Israel (pisikal na inapo ni Abraham) at ang iglesya (lahat ng mga mananampalataya ng Bagong Tipan) ay dalawang naiibang pangkat. Mahalaga na makilala na ang Israel at ang iglesya ay magkaiba dahil, kung ito’y maunawaan nang mali, ang Kasulatan ay maipapaliwanag nang mali. Mas lalo nang nakadapa sa maling pagpapaliwanag ay ang mga sipi na nauukol sa mga pangako na ginawa para sa Israel (natupad at hindi pa). Ang ganoong mga pangako ay hindi dapat na iangkop sa simbahan. Tandaan, ang konteksto ng sipi ay tutukuyin kung kanino ito ipinahayag at ipupunto sa pinaka nararapat na pagpapaliwanag.
Sa mga tinandaang konseptong iyon, maaari na tayong tumingin sa iba’t ibang sipi ng Kasulatan na lumilikha ng premilenyong pananaw. Genesis 12:1-3: “Sinabi nga ni Yahuwah kay Abram, ‘Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo: At gagawin kitang isang malaking bansa, at ikaw ay aking pagpapalain, at padadakilain ko ang iyong pangalan; at ikaw ay maging isang kapalaran: At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo: at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa.’”
Nangangako si Yahuwah kay Abraham ng tatlong bagay rito: Magkakaroon si Abraham ng maraming inapo, ang bansang ito ay mag-aari at manunungkulan ng isang lupain, at isang pangkalahatang pagpapala ang darating sa lahat ng sangkatauhan mula sa linya ni Abraham (ang Hudyo). Sa Genesis 15:9-17, pinagtitibay ni Yahuwah ang Kanyang tipan kay Abraham. Ito ay natupad, gayunman, inilalagay ni Yahuwah ang iisang tungkulin para sa tipan sa Kanyang sarili. Iyon ay, walang maaaring gawin si Abraham na matutupad o mabibigo na magpapawalang-bisa sa ginawa nilang tipan ni Yahuwah. Dagdag pa sa siping ito, ang mga hangganan ay itinakda sa lupain na sasakupin ng mga Hudyo. Para sa isang detalyadong listahan ng mga hangganan, tingnan ang Deuteronomio 34. Ang iba pang sipi na tumutukoy sa pangako ng lupain ay Deuteronomio 30:3-5 at Ezekiel 20:42-44.
Sa 2 Samuel 7:10-17, makikita natin ang pangakong ginawa ni Yahuwah kay Haring David. Gumawa si Yahuwah ng ilang espesyal na pangako tungkol sa mga anak ni David: Itatatag ni Yahuwah ang kanyang kaharian (berso 12), magiging kanyang ama (berso 14), at hindi aalisin ang Kanyang pag-ibig mula sa kanya (berso 15). Dagdag pa, sinasabi ni Yahuwah ang anak na ito ay “Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking Pangalan” (berso 13). Ang mga pangakong ito ay tinupad ni Solomon. Gayunman, ang bahagi ng pangako ni Yahuwah ay ang luklukan ng anak ni David ay itatatag “magpakailanman” (berso 13). Ang bahaging ito ng propesiya ay hindi maaaring tumukoy kay Solomon, dahil namatay si Solomon at hindi napanatili ang luklukan magpakailanman. Kaya mayroon tayong dalawahang katuparan: ito ay natupad nang bahagya kay Solomon at natupad nang ganap kay Kristo Yahushua, tinawag rin bilang Anak ni David (Mateo 1:1). Nagawa ni Solomon, sa ilang paraan, inilarawan si Kristo sa kanyang paghahari, karunungan, at mapayapang pamumuno. Syempre, higit na dakila si Yahushua kay Solomon sa bawat respeto (Mateo 12:42). Dahil dito, ang 2 Samuel 7 ay gumagawa ng sanggunian sa pansamantalang pamumuno ni Solomon at sa pamumuno ni Kristo Yahushua sa panahon ng milenyo at magpakailanman. Si Haring Solomon ay hindi maaari ang sukdulang katuparan ng pangakong ginawa kay David; ito ay isang tipan na hindi pa ganap na natanto.
Sa mga tinandaang ito, siyasatin ang naitala sa Pahayag 20:1-7. Ang isang libong taon na paulit-ulit na nabanggit sa siping ito ay tumutugma sa literal na isang libong taong pamumuno ni Kristo Yahushua sa lupa. Ang premilenyonismo ay nakikita ang siping ito na naglalarawan ng panghinaharap na katuparan ng pangako na uupo sa luklukan ni David. Gumawa si Yahuwah ng mga walang kondisyong tipan kay Abraham at kay David. Wala sa mga tipan na ito ang ganap o permanente nang natupad. Ang isang literal, pisikal na pamumuno ni Kristo ay ang tanging paraan na maaaring matupad sapagkat ang mga ito ay ipinangako ni Yahuwah.
Ang paggamit ng isang literal na pamamaraan ng pagpapaliwanag sa Kasulatan ay nagreresulta sa mga piraso ng palaisipan na mapagsama-sama. Lahat ng mga propesiya ng Lumang Tipan ng unang paglitaw ni Yahushua ay literal na natupad. Dahil dito, dapat nating asahan ang mga propesiya tungkol sa kanyang pagbabalik na matutupad nang literal din. Ang premilenyonismo ay ang tanging sistema na pumapabor sa isang literal na pagpapaliwanag ng mga tipan ni Yahuwah at mga propesiya ng wakas.
Ito’y isang hindi-WLC na artikulo mula sa: https://www.gotquestions.org/premillennialism.html
Tinanggal namin mula sa orihinal na artikulo ang lahat ng mga paganong pangalan at titulo ng Ama at Anak, at pinalitan ang mga ito ng mga orihinal na pangalan. Dagdag pa, ibinalik namin sa mga siniping Kasulatan ang pangalan ng Ama at Anak, sapagkat ang mga ito ay orihinal na isinulat ng mga napukaw na may-akda ng Bibliya. -Pangkat ng WLC