Ang Simbahang Katoliko ay nananatili na ito lamang ang tunay, lehitimong Kristyanong simbahang umiiral. Inangkin na natanggap ang kapangyarihan nito mula sa karapatan ng apostolikong pagmamana, mula papa hanggang papa pabalik mula sa apostol, si Pedro, at dahil dito, nananatili na hindi nagkakamali.
Ito ay napakalayo na mula sa isang walang saysay na pagmamataas. Ayon kay John J. Kelly, isang dating pari:
Ang Konseho ng Trent, sa Kredo ni Pius IV, ay ginawa nitong imposible para sa Simbahang Katoliko na magbago. Nagdagdag ito . . . ng labing-dalawang bagong artikulo sa Kredong Nicene. . . . Ang Kredong ito ni Pius IV ay isang pasanin sa leeg ng Roma. Binigkis nito ang Simbahang Katoliko magpakailanman sa lahat ng mga paganong kamalian nito. Ito ang kasagutan at hamon sa Repormasyon.2
![]() |
Pope Pius IX |
Ito ay lubos na mahalagang punto na dapat maunawaan. Tiniyak nito na hindi ang pagtuligsa sa karamihan na tinuruang tanggapin ang mga kautusan ng Simbahang Katoliko bilang totoo. Sa halip, ang lahat ay dapat mag-ingat dahil ang lahat ng mga organisadong relihiyon, mula sa malaki o maliit na antas, ay nagpatibay ng maraming kaparehong tindig sa Simbahan ng Roma sa kasanayan ng kapangyarihan nito. Ito ay tindig sa lahat ng nasa lupa dahil, sapagkat naniniwala ang WLC na si Francis ang ikawalo at huling papa ng propesiya, lahat ng nabubuhay sa balat ng lupa ay malapit nang maramdaman ang init ng hininga ng dragon sa muling binuhay na kapangyarihang Romanong ito.
Sapagkat ang Simbahan ng Roma ay tunay na hindi nagbabago, upang maunawaan si Pope Francis, ang kanyang mga motibo, ang kanyang adyenda bilang papa at kanyang tungkulin, kinakailangan lamang na balikan muli ang mga polisiya ng mga nakaraang papa at kung paano nila hinawakan ang lahat ng hindi sumang-ayon sa kanila, maharlika man o karaniwan. Ang Simbahan ng Roma ay palaging may kasakiman sa kapangyarihan, sa parehong pulitikal at espiritwal.
Maagang-maaga, tunay nga, na ginawa ng mga obispo ng Roma ang pagpapakita ng marangya at mapaghangad na diwa; ngunit, sa unang tatlong siglo, ang kanilang angkin para sa kataas-taasang parangal ay naitatag lamang sa dignidad ng kanilang diyosesis, bilang ma-imperyong siyudad, ang kapitolyo ng Romanong mundo. Gayunman, noong ang trono ng imperyo ay inalis para sa Silangan, at ang Constantinople ay nagbantang higitan ang Roma, ilang bagong saligan para sa pagpapanatili ng karangalan ng Obispo ng Roma ang dapat hangarin. Ang bagong saligang ito ay itinatag noong 378, ang papa ay ginawang tagapagmana ng mga susi na simbulo ng dalawang kilalang Paganong diyos sa Roma. Sina Janus at Cybele na kapwa may hawak na susi; at ang mga susing ito ay minarkahan sa braso ng Papa bilang sagisag ng kanyang espiritwal na kapangyarihan. . . Sa halip na ang makalupang karangalan ng Roma bilang siyudad ay dapat maagnas, ang kanyang sariling karangalan bilang obispo ng Roma ay magiging mas matatag kaysa sa dati.3
![]() |
Noong 437 AD, apat na raang taon matapos ang simula ng Kristyanong Ekklesia, ang papa ay inilatag sa publiko ang angkin ng pagiging may-ari ng “mga susi ni Pedro.” |
Sa pagsabi sa mga Kristyano na ang mga “susi” na taglay niya ay ipinamana mula sa Apostol na si Pedro, siniguro ng papa ang sarili sa sukdulang posisyon ng kapangyarihan bilang lider ng parehong Kristyano at paganong relihiyon. Ang pagsasama ng impluwensyang pangrelihiyon na ito sa pulitikal na kapangyarihan sa huli’y dinala sa Katolikong kanoniko. Noong ika-11 siglo, isang sagupaan ang lumitaw sa pagitan ng kapapahan at ni Haring Henry IV ng Alemanya. Si Henry, bilang “Banal na Romanong Emperador,”
ay inangkin ang matagal nang makaharing karapatan na mamuhunan ng isang pansimbahang opisinang pag-aari sa mga simbulo ng kapangyarihan, kaya epektibong mapapanatili ang kontrol ng pagpili at direksyon ng mga obispo at lokal na pari. Ang tamang kautusan ng Kristyanismo ay nakataya sa kontrobersiya. Ang posisyon ng kapapahan ay ipinaliwanag sa Dictatus Papae (1075) ni Gregory VII, na nagbigay-diin sa posisyon ng papa bilang pinakamataas na awtoridad sa simbahan.4
Ang Dictatus Papae ni Gregory VII ay patuloy sa epekto nito sa kasalukuyang panahon. Bawat tunay na nananalig kay Yahuwah ay dapat may kamalayan sa mga ito dahil hindi lamang ito kumakatawan sa mga paniniwala ni Pope Francis, kundi sa iba’t-ibang mga sekta sa loob ng mga organisadong relihiyon, sa malaki o maliit na antas, na nagpatibay ng kaparehong mga posisyon sa pakikitungo sa kanilang mga kasapi na, sa paghahanap sa Kasulatan at mas malaking liwanag, hangad na tanggapin at mamuhay sa liwanag na iyon.
Ang mga mandong ito ay nagpahayag:
![]() |
Larawan ng may ulo ng leon na hawak ang mga susi, kumakatawan sa kapangyarihang buksan o isara ang mga pintuan ng langit at impyerno at kapangyarihan sa kapayapaan at digmaan sa lupa. Ang mga susi ay hawak ni Pluto, “diyos ng impyerno”, at ang mga punong diyos ng Asia minor, sina Janus at Cybele. |
- Ang Romanong simbahan ay itinatag ng Diyos lamang.
- Ang Romanong kapapahan lamang ay may karapatang tawaging pangkalahatan.
- Siya lamang ang maaaring magpatalsik o magtalaga ng mga obispo.
- Sa isang konseho ng kanyang kinatawan, maging sa mababang antas, ay nakakataas sa lahat ng mga obispo, at maaaring magpasa ng pagpapatalsik laban sa kanila.
- Ang papa ay maaaring patalsikin ang lumiban.
- Sa ibang bagay, tayo’y nararapat na hindi manatili sa kaparehong tahanan ng mga itinakwil niya.
- Para sa kanya lamang ay legal, ayon sa pangangailangan ng panahon, na gumawa ng mga bagong batas, upang tipunin ang mga bagong kongregasyon, upang gumawa ng isang kumbento ng isang kanoniko; at, sa ibang dako, upang hatiin ang mayamang titulo ng obispo at pagkaisahin ang mga mahihirap.
- Siya lamang ay maaaring gumamit ng sagisag ng imperyo.
- Sa papa lamang ang lahat ng mga maharlika ay dapat hahalik sa kanyang paa.
- Ang kanyang pangalan lamang ang sasalitain sa mga simbahan.
- Ang kanyang titulo [Papa] ay natatangi sa mundo.
- Maaaring pahintulutan sa kanya ang pagpapatalsik sa mga emperador.
- Maaaring pahintulutan na ilipat ang mga obispo kapag kinakailangan.
- Mayroon siyang kapangyarihan na utusan ang kawani ng anumang simbahan kung nais niya.
- Ang inutusan niya ay maaaring mamuno sa isa pang simbahan, ngunit marahil ay hindi hahawak ng mas mababang posisyon; at iyon ay hindi maaaring makatanggap ng mas mataas na antas mula sa sinumang obispo.
- Walang kapulungang pansimbahan ang dapat tawaging heneral nang wala ang kanyang utos.
- Walang kabanata at walang aklat ang dapat isaalang-alang na kanoniko nang walang pahintulot niya.
- Ang sentensyang ipinasa niya ay hindi maaaring bawiin ninuman; at siya mismo lamang ang maaaring bumawi nito.
- Siya ay hindi maaaring husgahan ng sinuman.
- Walang sinumang mangangahas na parusahan ang sinuman na umaapela sa apostolikong luklukan.
- Sa huli’y dapat tukuyin ang mas mahalagang mga kaso ng bawat simbahan.
- Ang Romanong simbahan ay hindi nagkakamali; hindi magkakamali sa walang hanggan, saksi ang Kasulatan.
- Ang Romanong kapapahan, kapag siya ay kanonikong nag-utos, walang duda na gagawing santo ng mga merito ni San Pedro; San Ennodius, obispo ng Pavia, bilang saksi, at maraming mga banal na ama na sumasang-ayon sa kanya. Sapagkat nakapaloob sa mga kautusan ni San Symmachus ang papa.
- Sa kanyang kautusan at pahintulot, naaayon sa batas para sa kanyang mga katulong na magdala ng mga akusasyon.
- Maaaring siyang magpatalsik at magtalaga ng mga obispo nang walang pagtitipon.
- Siya na wala sa kapayapaan sa Romanong simbahan ay hindi ituturing na katoliko.
- Siya ay maaaring magpawalang-sala ng mga nasasakdal mula sa kanilang katapatan sa masasamang tao.
Ang 27 mando na ito ay naglilipat ng ganap at lubos na kapangyarihan tungo sa kamay ng kapapahan, sa walang hanggan, dahil ito’y hindi nagkakamali (Tingnan ang Mando #22.) Ito siguro ang pinakamasama sa lahat ng mga mando. Ito’y sumasalungat sa malinaw na Salita ni Yahuwah na nagpahayag ng kaliwanagan: “Ngunit ngayo’y nahayag na kung paano pinapawalang-sala ni Yahuwah ang tao. Hindi ito sa pamamagitan ng Kautusan; ang Kautusan at ang mga Propeta mismo ang nagpapatotoo tungkol rito. Pinapawalang-sala ni Yahuwah ang lahat ng sumasampalataya kay Kristo Yahushua, sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa Kanya, maging Hudyo man o Hentil. Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ni Yahuwah.” (Tingnan ang Roma 3:21-23.)
![]() |
Habang ang mga Protestanteng simbahan ay walang papa, mayroong silang mga namamahalang konseho at ipinahayag na mga kredo. Sa mga ito, sila’y madalas inaangkin ang karapatang diktahan ang teolohiya ng kanilang mga kasapi, anuman ang tama at anuman ang mali, at tanggihan ang bagong liwanag na sumasalungat sa kanilang itinatag na mga paniniwala o mga tradisyon. |
Habang ang mga Protestanteng simbahan ay walang papa, mayroon silang mga namamahalang konseho at ipinahayag na mga kredo. Sa mga ito, sila’y madalas inaangkin ang karapatang diktahan ang teolohiya ng kanilang mga kasapi, anuman ang tama at anuman ang mali, at tanggihan ang bagong liwanag na sumasalungat sa kanilang itinatag na mga paniniwala o mga tradisyon. Ang mga aklat, mga papeles at mga websites na nagtataguyod ng katotohanan na sumasalungat sa itinatag na posisyon ay tinutuligsa at iyong mga humahamon sa mga doktrinang ito sa batayan ng Banal na Kasulatan lamang, ay madalas sinusupil o itinatakwil. Dahil dito, kaya ang diwa ng Dictatus Papae ay buhay na buhay sa lahat ng organisadong relihiyon – maging ang mga indibidwal na simbahan mismo na tumutuligsa sa mga pagkakamali at mga pang-aabuso ng Katolisismo.
Ang malapit na relasyon sa pagitan ng Simbahang Katoliko at ibang sekta na bumubuo sa organisadong Kristyanismo ay ipinakita sa pinaka-kapansin-pansing mga termino sa Pahayag 17. Sa Kasulatan, ang babae ay ginamit na kumakatawan sa simbahan [naghihimagsik], o isang ekklesia [mga matapat ni Yahuwah]. Sapagkat ang dalisay na babae ng Pahayag 12:1 ay ginamit na kumakatawan sa tunay na ekklesia, ang bumagsak na ekklesia/simbahan ay kumakatawan sa babaeng nangangalunya. Ang Pahayag 17 ay nagbigay ng isang paglalarawan ng Simbahang Katoliko kung saan siya ay inilarawan bilang ina ng mga patutot.
At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Pumarito ka, ipakikita ko sa iyo ang hatol sa bantog na patutot na nakaupo sa maraming tubig; Na siyang pinakiapiran ng mga hari sa lupa . . .
At nararamtan ang babae ng kulay ube at ng pula, at nahihiyasan ng ginto at ng mga mahalagang bato at mga perlas, na sa kanyang kamay ay may isang sarong ginto na puno ng mga kasuklam-suklam, at ng mga bagay na marurumi ng kanyang pakikiapid; At sa kanyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, HIWAGA, DAKILANG BABILONYA, INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAM-SUKLAM SA LUPA. (Pahayag 17:1-2. 4-5, ADB)
Ang salitang “katoliko” ay nangangahulugang pandaigdigan o pangkalahatan. Sapagkat ang iba’t-ibang Protestanteng sekta na sumasaklaw ng organisadong relihiyon ay sumunod nang napakalapit sa mga hakbang ng Simbahang Katoliko, sila ay tunay nga na mga patutot gayon din bilang mga anak ng Babilonya.
Ang makatuwirang karugtong ng Dictatus Papae ay itinayo ni Pope Innocent III at ito ay mamumuhay sa labis na kasamaan sa buong walang hanggan bilang isa sa pinakamasamang pagpaparusang dumating sa mga tao sa ngalan ni Yahuwah. Ito ay ang pagkakatag ng Banal na Opisina ng Ingkisisyon (Holy Office of the Inquisition).
Iyong mga inakusahan ng erehya ay hinatulang ng auto de fe, Gawa ng Pananampalataya. Ang klero ay uupo sa paglilitis at magdadala ng kaparusahan. Ang mga kabilang sa pagpaparusa ay ang pagpapakulong sa bartolina, pisikal na pang-aabuso at pagpapahirap. Iyong mga nakipagsundo sa simbahan ay parurusahan pa rin at marami sa kanilang mga ari-arian ay sinamsam, gayon din ang mga ipinatapon mula sa pampublikong buhay. Iyong mga hindi nangumpisal ay susunugin sa tarakan nang walang pagkakasakal; iyong mga nangungumpisal ay bibigtiin muna.5
Tanging walang hanggan ang magpapakita ng takot, kapighatian at paghihirap na dinanas ng hindi mabilang na milyun-milyon na ang mga budhi ay hindi tutungo o luluhod sa anumang espiritwal na awtoridad maliban sa kanilang Manlilikha. Ang mga masasamang pamamaraang ginamit ng mga tao na ipinalagay na gumagawa sa ngalan ni Yahuwah laban sa kanilang kapwa, ay ipinapakita ang tunay na pinagmulan ng kanilang pagpukaw: si Satanas mismo. Hindi kailanman nanawagan si Yahuwah sa sinumang mortal, nagkamaling tao na ipaghiganti ang Kanyang banal na patotoo. Sa halip, sinabi ng Kasulatan: “Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon kay Yahuwah. Sapagkat nasusulat, Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ni Yahuwah.” (Tingnan ang Roma 12:19.)
“Aming inihanay ang Ingkisisyon . . . bilang pinakamadilim na bahid sa talaan ng sangkatauhan, ipinapakita ang kabangisang hindi nalalaman sa anumang halimaw.” |
Ang mga katakutan ng Ingkisisyon ay napakasama na walang sinuman ang mananahan rito. Gayunman, ang lahat ay dapat may kamalayan tungkol rito, dahil ang Simbahang Katoliko, sapagkat sa kanyang doktrina na ang papa ay hindi nagkakamali at ang Simbahan ay walang dungis, ay hindi kinilala na siya ay nagkasala sa pagpatay nito sa milyun-milyon para sa kanilang pananampalataya. Tunay nga, dahil sa mga polisiya na hindi nagbago at hindi maaaring magbago nang walang pag-amin ng kanilang pagkakamali, ito ang polisiya ng Simbahang Katoliko sa mismong araw na ito. Si Pope Francis, bilang “Tagapagtanggol ng Pananampalataya,” din ay itataas ang mga doktrinang ito, at mayroong kapangyarihan, na maaaring pumatay ng sinuman na ninanais na hindi sasang-ayon sa Katolikong doktrina.
Naniniwala ang WLC na si Francis ang “ikawalong hari” ng Pahayag 17. Siya rin ang huling papa. Sa ilalim ng kanyang panunungkulan na ang mga kaganapang pangkatapusan ng kasaysayan ng daigdig ay mangyayari. Dapat ang lahat ay makitungo sa propesiyang ito, sapagkat ang lahat ay maaapektuhan ng mga aksyon ng huling papa. Ang Pahayag 13 ay isang malinaw na babala ng kapangyarihang malapit nang sanayin ng kapapahan laban sa lahat na ang mga budhi ay sumusunod sa kautusan ni Yahuwah sa halip na mga tradisyon ng mga tao na mula sa Katolikong kanonikong kautusan.
Sinamba ng lahat ng tao ang dragon sapagkat ibinigay nito ang kanyang kapangyarihan sa halimaw. Sinamba rin nila ang halimaw. “Sino ang makakatulad sa halimaw? Sino ang makakalaban sa kanya?” . . . Pinahintulutan din siyang salakayin at gapiin ang mga hinirang [ni Yahuwah], at binigyan siya ng karapatang mamahala sa bawat lahi, lipi, wika, at bansa. (Pahayag 13:4, 7, MBB)
Natatangi si Pope Francis sa kasaysayan ng kapapahan: siya ang kauna-unahang papa na isang Heswita. Ang Kalipunan ni Hesus, o ang mga Heswita, na mas karaniwang katawagan, ay itinatag noong 1534 para sa hayagang layunin ng pagpapatalsik ng lahat ng naiiba ang opinyon sa Simbahang Katoliko. Ito ay patuloy pa ring pangunahing motibo nila sa pag-iral. Dahil dito, ang mga Heswita ay lumaganap sa buong mundo, bilang mga guro sa unibersidad, mga misyonaryo sa mga pagano, mga emisaryo sa mga pamahalaan at mga tagapayo sa mga hari, taglay nila ang kanilang pulitikal na adyenda bilang pribadong hukbo ng papa.
Bawat pari na sasapi sa order ng Heswita ay dapat sumalang sa panunumpa na bibigkis sa pamalagian sa kirot ng kamatayan. Ang nakagigimbal na panunumpang ito, direktang galing mula sa bituka ng impyerno, ay dapat mangilabot sa lahat ng makakabasa nito, sapagkat ipinapakita nito ang patotoo tungkol sa kapapahan sa likod ng matuwid na harapan. Upang mabasa ito, tingnan ang “Sino ang mga Heswita?”
Ang panunumpang ito ay sumasalungat sa bawat alituntunin ng pagkamatuwid at pagkabanal sa Kasulatan. At syempre, ito ang mismong panunumpa kung saan sumalang si Pope Francis sa pagiging malakas na kasapi ng order ng Heswita at isa pa, ang kanyang mga aksyon bilang papa ay patuloy na pamamahalaan ng kagimbal-gimbal na panunumpang ito. Upang ipakita ang kanyang katapatan sa pagpapanatili ng panunumpa, ang bawat Heswita, kabilang si Pope Francis, ay nagpahayag:
“Sa pagpapatibay ng kung alinman, sa pamamagitan nito, iaalay ko ang aking buhay, kaluluwa at lahat ng aking kapangyarihang korporal, at kasama ang punyal na ito na aking tinanggap, ilalagda ko ang aking pangalan na nakasulat sa aking sariling dugo, sa patotoo nito; at kung ako’y mapatunayang mali o mahina sa aking pagpupunyagi, nawa ang aking mga kapatid at kapwa sundalo ng Milisiya ng Papa na putulin ang aking mga kamay at paa, at ang aking lalamunan mula tainga sa tainga, buksan ang aking tiyan at sunugin ng asupre, sa lahat ng kaparusahan na maaaring ipahirap sa akin sa lupa at ang aking kaluluwa ay pahihirapan sa mga demonyo sa walang hanggang impyerno magpakailanman!”6
Sapagkat ang pagmamataas ng Roma na siya ay hindi nagbabago, bawat isa sa mando ni Gregory VII ay patuloy na hinahawakan na maging makatuwiran at totoo. Dagdag pa, ang mga resulta ng paghihirap at pagpatay sa lahat na, sa paghatol ng budhi, hindi sumang-ayon sa Roma (gaya ng nakita sa Ingkisisyon na itinatag ni Innocent III) ay patuloy na hinahawakan na makatuwiran.
Ipinapakita ng Pahayag na ang muling pagbuhay ng mga pag-uusig ng mga nakalipas na taon ay magaganap bago ang katapusan ng mundo. Si Pope Francis, bilang ikawalo at huling papa, gayon din bilang unang papang Heswita ay magiging kasangkapan sa muling pagbuhay ng kapangyarihan ng kapapahan na sinanay sa entablado ng mundo. Ang pinagsamang bigat ng poot ng kapangyarihang halimaw na ito ay magdudulot ng pagpupumilit sa karamihan sa mga tao na sumuko sa mga ninanais nito. “At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kanya, na ang kani-kanyang pangalan ay hindi nasusulat sa aklat ng buhay ng Kordero na pinatay buhat nang itatag ang sanlibutan.” (Pahayag 13:8, ADB)
Lahat ng ilalagay ang kanilang tiwala kay Yahuwah ay pangangalagaan mula sa kasamaang ito. Maging ang ilan na tinawagan na isuko ang kanilang mga buhay gaya ng mga martir ng nakalipas na panahon, bibigyan sila ni Yahuwah ng kalakasan na makapagtiis at sa dakilang bukang-liwayway ng muling pagkabuhay, sila’y babangon, hindi na magugutom, magdurusa o magluluksa.
Nagbigay ang Pahayag ng pangako para sa huling henerasyon na tinawagang manatiling matapat sa Langit sa mismong harapan ng kasamaan: “Kung sinuman ay sa pagkabihag, ay sa pakabihag paroroon siya: kung ang sinuman ay papatay sa tabak, ay dapat siyang mamatay sa tabak. Narito ang pagtitiyaga at ang pananampalataya ng mga banal.” (Pahayag 13:10, ADB) Ang mga pangako ni Yahuwah ay sigurado at sa huling paghuhukom, ang mga makalupang kapangyarihan na nakipagdigma laban kay Yahuwah sa katauhan ng Kanyang mga hinirang, ay matatanggap ang makatarungang kaparusahan.
Ngayon, paunlarin ang personal na relasyon kay Yahuwah na magbibigay sa iyo ng pananampalataya at tiwala na kumapit sa Kanyang mga pangako, maging ang Kalangitan man ay bumagsak.
1 n/a
2 John J. Kelly, “Rome Never Changes.”