Ang huling henerasyon ay natatangi. Ito ang pinakamasama sa lahat. Lahat ng nakapagsisi ay matatanggap ang gantimpala na higit pa sa inalok sa sinuman dati. Upang matanggap ang gantimpalang ito, kinakailangan para sa nakapagsising Laodiceans na sumapi sa iglesya ng Kapatirang Pag-Ibig. |
Ang aking ina ay nangilabot. Hindi ito ang paraan ng kanyang pagpapalaki sa kanyang mga anak na magsabi nang ganito sa ibang tao!
Ako ay 15 taong gulang at iniwan ang tahanan mula sa boarding school. Ang kasama ko sa kwarto ay lumapit sa akin at ang aking ina ay napansin ang kanyang anak na natutunan ang isang bagong kakayahan sa pagsasalita: pagtuya.
Sa kasalukuyan, sa ilang mga kultura—gaya sa Britanya—ang pagtuya ay tila isang anyo ng pagpapatawa. Ito’y paraan ng pagpapatalas ng iyong isipan sa paggugol ng iba. At iyon nga.
Sa Estados Unidos, gayunman, ang pagtuya ay itinuturing na bastos, kapag hindi talaga hangarin. Ang pagtuya, gayunman, ay “isang matalas at madalas nakakauyam o mapanuyang pagbigkas na nilikha upang manghinuko o magbigay ng sama ng loob.”1 Ito ay tiyak na hindi isang bagay na sinumang Amerikanong ina na hinihiling na marinig mula sa bibig ng pinalaki nang mabuti na anak.
Pinalapit ako sa isang tabi kung saan maaari niyang ipakita nang pribado, itinama ako ni Ina nang malumanay, sinasabi, “Minsan, tayo ay nahuhulog sa kaugalian nang hindi natatanto ito hanggang ang sinuman ay ipakilala ito. Sigurado ako na hindi mo sinasadya na maging bastos ngunit nakuha mo ang ugali ng pagsasalita sa iyong kasama sa kwarto nang lubos na mapanuya. Iyon ang hindi isang bagay na dapat mong ipagpatuloy o ito’y maghahatid sa inyong dalawa nang hiwalay sa mga nasaktang damdamin.”
Ngayon, pagkakataon ko naman na mangilabot. Hanggang sa ipinunto ng aking ina, hindi ko agad natanto kung paano ang aking “pagpapatawa” (sa kabayaran ng aking kasama sa kuwarto) ay maaaring magdulot ng sakit. Agad akong tumigil sa pagsasalita nang ganon, sapagkat hindi ko nais na maging ganitong klase ng tao.
Walang sinumang tinatamasa na mapuna. Hindi “nararamdaman nang mabuti” na mapuna, kahit na ang kritisismo ay “nakatutulong” o ganap na makatuwiran. Gayunman, minsan, ang mensahe ay napakahalaga na ipagkait dahil sa takot ng pananakit sa damdamin ng sinuman. Minsan, ang mga salita ay dapat sabihin dahil ang resulta kapag ang sinuman ay hindi nagsalita, tiyak na nakapipinsala.
Ito ang kalagayan sa mga mensahe ni Yahushua sa pitong iglesya sa Pahayag 2-3.
Disiplina ... dahil minamahal kita.
![]() |
Ang mga mensahe para sa pitong simbahan ay nagbibigay ng lakas ng loob, pagtuturo at babala para sa mga Kristyano hanggang sa katapusan ng panahon.
http://www.bible-history.com/maps/Map-7-Churches-of-Revelation-Asia.jpg |
Ang aklat ng Pahayag ay binubuksan ang mga mensahe para sa pitong literal na simbahan na kilalang umiral sa Asya Minor. Ang mga mensahe ay hangad na palakasin ang loob, pagpalain, at balaan ang mga sinaunang Kristyano. Dagdag pa, ang mga iskolar ng Bibliya ay dinugtong ang mga mensahe sa iba’t-ibang panahon ng Kristyanismo. Karamihan sa mga mensahe ay naglalaman ng parangal at pagkakatiwala para sa mga matatapat gayon din ang babala at pagtuturo para sa mga bagay na kung saan sila’y kailangan na maging mas maingat.
Ang mga mensahe para sa Filadelfia (ikaanim na iglesya) at Laodicea (ikapitong iglesya) ay ang pinakamahalaga sa mga Kristyano ngayon dahil ang mga ito’y mga mensaheng nilalayon para sa huling henerasyon. Sila’y hindi pangkaraniwan rin diyan sa Filadelfia na nakatanggap ng walang pagwawasto at pagpayo. Ang kanilang kumikinang na pananampalataya ay nakatanggap lamang ng papuri. Kabaligtaran nito, ang Laodicea ay walang natanggap na papuri ano pa man. Ang kanilang espiritwal na kondisyon ay lubos na nakalulungkot, na tanging matapat na pagtuligsa ang ibinigay sa isang desperadong tangka na gisingin sila sa katakut-takot ng kanilang kalagayan at ang panganib na naghihintay sa kanila kapag hindi sila nakapagsisi.
Walang sinuman ang nais na mapuna. Ngunit maging ang pinakamalumanay, mahinhin magsalita na magulang ay sisigaw ng isang babala kapag ang kanilang anak ay nasa papalapit na panganib. Ito ang tungkol sa mensahe para sa Laodicea. Ito ay isang desperado, makapihit-tiyan na hiyaw mula sa Tagapagligtas na GUMISING KA! Paparating na ang panganib!
Mahahalagang mga aral at lakas ng loob ang maaaring matutunan mula sa pag-aaral ng lahat ng mga mensahe para sa pitong iglesya. Gayunman, ang artikulong ito ay magiging eksklusibong tampulan ng mga mensahe para sa Filadelfia at Laodicea. Ang mga ito ay babala ng Langit—at imbitasyon—para sa mga nananalig ngayon.
Ang Iglesya ng Kapatirang Pag-Ibig
“At sa anghel ng iglesya sa Filadelfia, isulat mo: Ito ang sinasabi ng banal, at ng totoo na may hawak ng susi ni David, na nagbubukas at walang makapagsasara, na nagsasara at walang makapagbubukas:
“Alam ko ang mga gawa mo. Tingnan mo, naglagay ako sa harapan mo ng isang bukas na pinto, na walang sinumang makapagsasara nito. Maliit lang ang iyong kapangyarihan, gayon ma'y tinupad mo ang aking salita at hindi mo ikinaila ang aking pangalan.
“Tingnan mo ang mga kabilang sa sinagoga ni Satanas na nagsasabing sila'y mga Hudyo ngunit hindi naman, at nagsisinungaling lamang—papupuntahin ko sila sa inyo at pasasambahin sa inyong paanan, at malalaman nilang ikaw ang aking minahal.
“Dahil tinupad mo ang sinabi kong ikaw ay magtiis, ilalayo kita sa oras ng pagsubok na paparating sa buong sanlibutan upang subukin ang mga naninirahan sa ibabaw ng lupa.
“Darating ako agad; manindigan ka sa anumang nasa iyo, nang sa gayon ay walang makaagaw ng iyong korona.
“Ang nagtatagumpay ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Diyos/Theos2; at hindi na siya lalabas mula roon. Isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos/Theos, at ang pangalan ng lungsod ng aking Diyos/Theos, ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit ng aking Diyos/Theos, at ang bago kong pangalan.
“Makinig ang sinumang may pandinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.” (Pahayag 3:7-13, FSV)
Ang mensahe para sa iglesya ng Filadelfia ay nabuhay noong ang ilan sa mga katunayan at kasaysayan ng siyudad ay nakilala. Tumayo ang Filadelfia bilang isang mahalagang sangang daan. Ang imperyal na landas tungo sa Roma ay dumaan sa siyudad. Kaya, gaya ng bansang Israel bago nito, ang siyudad ay isang ulirang lokasyon para sa pagpapalaganap ng Magandang Balita sapagkat ang mga karawan ay dumadaan rito patungong timog sa Aprika at patungong hilaga sa Europa.
Ang lugar na ito sa Asya Minor ay lubos na nakalupasay sa mga paglindol at sa katunayan, isang lindol ang nagwasak sa Filadelfia noong 17 AD. Dahil dito, ang natatangi at lubos na maunlad na mga pamamaraan sa gusali ay ginamit upang masiguro ang mga templo na itinayo sa ganoong paraan ay mananatiling nakatayo maging sa mga malulubhang paglindol.
Isang Haligi sa Templo ni Yah
Ang mga pundasyon [ng templo] ay inilatag sa uling na nababalutan ng lana, na magdudulot sa istruktura na “lumutang” sa lupa gaya ng isang balsa. Bawat bloke ay idinugtong sa isa pang metal na kalambre, kaya ang entablado ay matatag.
Ang templo ay ang pinakasiguradong istruktura sa siyudad, kaya ang pangako na maging isang haligi sa templo [ni Yahuwah] ay isa ng seguridad at kaligtasan. Ang mga minarkahang haligi ay natagpuan sa buong Aegean Turkey. Isang dramatikong halimbawa ay ang templo ni Zeus sa Euromos kasama ang inilaang mga inskripsyon sa sampu ng labing-isang haligi. [Nangako si Yahushua na] isusulat ang banal na pangalan gayon din ang bagong pangalan sa mga taong “haligi” na nagtagumpay.3
Mga Haligi na nananatiling nakatayo mula sa sinaunang Filadelfia.
Kredito ng Larawan: https://www.etbu.edu/php/theintersection/livingintheshadow/
Ang huling henerasyon ay tinawagan na manatiling matapat sa mga pangyayaring babasag sa lupa. Ang kanilang katapatan ay susubukin at ang kanilang pananampalataya ay susubukin sa isang antas na hindi tinahak ng dating pangkat ng mga tao. Iyong mga matatag ay pararangalan sa pagiging “mga haligi” sa templo ni Yahuwah. Sa lahat ng walang hanggan, ang bigat ng ebidensya na si Yah ay mabuti ay mananahan sa kanilang mga patotoo.
Isang Bagong Pangalan
Sa katunayan, ang Filadelfia ay nakatanggap ng bagong pangalan nang dalawang beses sa unang siglo. Unang binago sa Neocaesarea, o “Bagong Bayan ni Caesar”, kasunod ng mapaminsalang lindol noong 17 AD. Mapagbigay na sinagot ni Tiberius Caesar ang pondo sa pagpapanumbalik matapos ang lindol at ang pangalan ay binago bilang pasasalamat sa kanyang tulong na ibinigay. Ang ikalawang pangalan ay binagong muli noong ang emperador, Vespasian, ay nagpadala ng tulong matapos ang isa pang sakuna.
Bawat pagbabago sa pangalan ay naganap upang parangalan at magpakita ng pasasalamat sa sinuman na nagbigay ng tulong. Isa sa mga gantimpala na ibinigay sa iglesya ng Filadelfia ay ang susulatan ng isang bagong pangalan. Iyong mga nananatiling matapat kay Yah sa mga pangyayaring pangkatapusan ng kasaysayan ng daigdig ay mga nabubuhay na saksi para sa walang hanggan sa kabutihan at katarungan ng banal na pamahalaan. Sila ay pararangalan sa pagkakaroon ng pangalan ni Yahuwah at ang Banal na Jerusalem na nakasulat sa kanila.
Ang iglesya ng Filadelfia ay mahusay na pangalan. Sa lahat ng mga iglesya, sila ang pinaka-nagpaparangal kay Yahuwah dahil, sa kanilang mga sariling buhay, ang iglesya ng Filadelfia ay nagpapakita ng halimbawa ng buhay ng Tagapagligtas. Noong ang isang manananggol ay tinanong si Yahushua, “Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan?” (Mateo 22:36, ADB), maagap na sinagot ni Yahushua: “At sinabi sa kaniya, Iibigin mo [si Yahuwah mong Elohim] ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pag-iisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.” (Mateo 22:37-40, ADB)
Pag-ibig. Ang pag-ibig ay ang pundasyon ng pamumuno ni Yahuwah. Ang pag-ibig ay ang Kanyang katangian gayon din ang Kanyang kautusan. Isinulat ni Juan: “Mga minamahal, ibigin natin ang isa't isa, sapagkat ang pag-ibig ay mula sa Diyos. Ang sinumang umiibig ay anak na ng Diyos at nakikilala niya ang Diyos. Ang sinumang hindi umiibig ay hindi nakikilala ang Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.” (1 Juan 4:7-8, FSV) Narito, ang mga Filadelfians ay kumikinang sa makalangit na liwanag, walang kapantay sa anumang ibang iglesya. Sa katunayan, ang mismong salitang “Filadelfia” ay nangangahulugang “kapatirang pag-ibig.” Sila ang Iglesya ng Kapatirang Pag-Ibig. Sila’y minamahal nang lubos dahil sila’y pinatawad nang lubos. Ito’y nagdudulot sa kanila na sumalamin ang imahe ni Yahushua sa antas na hindi nakamit ng anumang ibang simbahan.
Ampiteatro mula sa sinaunang Filadelfia
Kredito ng Larawan: By Ken and Nyetta [CC BY 2.0 (http://creativecommons.org/licenses/by/2.0)], via Wikimedia Commons
Ang Iglesya ng Laodicea
At sa anghel ng iglesya sa Laodicea, isulat mo: Ang sinasabi ng Amen, ang tapat at totoong saksi, ang pinagmulan ng mga nilikha ni Yahuwah:
Alam ko ang mga gawa mo; hindi ka malamig ni mainit. Nais ko sanang ikaw ay malamig o kaya'y mainit.
Kaya dahil ikaw ay maligamgam, hindi malamig ni mainit man, iluluwa kita.
Sapagkat sinasabi mo, ‘Mayaman ako, masagana, at wala nang kailangan pa.’ Hindi mo alam na ikaw ay aba, kawawa, dukha, bulag, at hubad.
Kaya't, pinapayuhan kita na bumili sa akin ng gintong dinalisay sa apoy para yumaman ka, at ng puting kasuotan na maidadamit sa iyo upang hindi malantad ang nakahihiya mong kahubaran, at bumili ka rin ng gamot na pampahid sa iyong mga mata upang makakita ka.
Sinasaway ko at dinidisiplina ang mga minamahal ko. Kaya magsikap ka at magsisi.
Narito ako! Ako'y nakatayo sa may pintuan at kumakatok; sinumang makinig sa aking tinig at magbukas ng pintuan, papasok ako sa kanya at kakaing kasalo niya, at siya'y kasalo ko.
Ang nagtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang makasama ko sa aking trono, kung paanong nagtagumpay ako at umupo kasama ng aking Ama sa kanyang trono. (Pahayag 3:14-21, FSV)
Kabaligtaran sa Filadalfia ay ang iglesya ng Laodicea. Habang ang iglesya ng Filadelfia ay nakatanggap ng papuri lamang, ang iglesya ng Laodicea ay hindi kapuri-puri sa anumang bagay. Ang espiritwal na kondisyon ng mga Laodicean ay tunay na kahiya-hiya sapagkat walang ibang natatanggap kundi kritisismo!
Ang Laodicea sa Lycus, Phrygia, Turkey
Kredito ng Larawan: Mula kay Carole Raddato mula Frankfurt, Alemanya [CC BY-SA 2.0 (http://creativecommons.org/licenses/by-sa/2.0)], via Wikimedia Commons
Sa propesiya ng paglilingkod ng Mesias, ipinahayag ni Isaias: “Ang gapok na tambo ay hindi niya babaliin, ni ang timsim na umuusok ay hindi niya papatayin: siya'y maglalapat ng kahatulan sa katotohanan.” (Isaias 42:3, ADB) Nagagalak si Yahushua sa pagbibigay ng pag-asa sa iba. Ang Kanyang mga salita ay gaya ng malamig na inumin sa isang tuyo at maalikabok na lupain. Lagi Siyang tumutungo sa Kanyang landas upang hikayatin at sa pasalita’y itatayo ang iba. Ang katunayan na ang Kanyang mensahe para sa Laodicea ay naglalaman ng walang iba kundi kritisismo ay nagpapakita ng panganib na paparating sa kanila. Gaya ng mahinhing magsalita na ina ay sisigaw ng “Tigil!” upang maiwasan ang kanyang anak mula sa pagtakbo sa harapan ng isang trak, ang maligasgas na pagbigkas ni Yahushua para sa Laodicea ay nilikha bilang panghuling pagsisikap na gisingin at iligtas sila mula sa paparating na panganib.
Ang simbahang Laodicean ay kilala bilang isang maligamgam na simbahan. Gaya ng makasaysayang Filadelfia, ang makasaysayang siyudad ng Laodicea ay nagpapakita ng ilang kawili-wiling bagay tungkol sa mga simbahan ng huling henerasyon: Anim na milya, hilaga ng [Laodicea], ay mga mainit na bukal (hindi maaaring inumin) sa Hierapolis, kung saan ang mga maputi at matsok na talampas ay kitang-kita sa distansya. Upang makakuha ng tubig-inumin, ang mga Romano ay nagtayo ng isang lagusan na tatakbo ng limang milya patimog sa masaganang bukal... Ang malamig na bukal ng tubig ay magiging maligamgam habang aagos sa lagusan patungo sa siyudad. Ang siyudad ay nasa estratehikong lokasyon para sa pangangalakal at komersyo, at naging isang nangungunang sentro ng pagbabangko. Tinanggap nito ang tulong mula sa Roma kasunod ng naunang paglindol. Gayunman, matapos ang paglindol noong 60 AD na sumira sa maraming mga Asyanong siyudad, tanging Laodicea lang ang tumangging tanggapin ang pinansyal na tulong dahil napakayamang siyudad ito. Ang kaugaliang ito ng materyal na kaluguran sa sarili, “Mayaman ako,” ay pinasok rin ang simbahan. Ang espiritwal na pagkabulag ng simbahan ay mapanuya dahil ang tanyag na pampahid sa mata na gamot sa sakit sa mata ay nilikha ng medikong paaralan dito. Ang payo na bumili ng puting damit upang hindi malantad ang kanilang nakakahiyang kahubaran ay isa pang halimbawa ng kabalintunaan. Para sa mga mananampalataya na nabubuhay sa siyudad kung saan ang mga Romano ay nagtatag ng mga pagawaan ng tela upang gumawa ng mga damit mula sa tanyag na itim na lana ng rehiyon. |
Dumaraming Liwanag = Lumalaking Pagkakuntento
Ang iglesya ng Laodicea ay kumakatawan sa lahat ng huling henerasyon ng Kristyanismo. Simula noong Repormasyong Protestante ng ikalabing-anim na siglo, ang liwanag ay laganap na ibinigay sa mga nag-aaral ng Bibliya. Bawat simbahan sa loob ng Protestantismo ay nauna nang biniyayaan ng mga patotoo ng anumang taglay ng mga Kristyano sa panahon ng kadiliman. Maging ang Simbahang Katoliko, bagama’t kumakapit sa tradisyon, ay mas maraming liwanag na kaysa sa noong panahon bago si Martin Luther.4
Sa pagdami ng liwanag, gayunman, ay hindi dumarating sa tumitinding debosyon at katapatan. Sa halip, ang pagdami ng liwanag ay naghatid ng pagkakuntento o pagkalugod. Espiritwal na pagmamataas. Isang mayabang na kasiyahan ng espiritwal na kataasan. Ang espiritwal na kondisyong ito ay humihikayat ng pagkaduwal sa Tunay na Saksi.
Oh, ang mga Laodiceans ay “sinasabi ang sinasabi” nang mabuti ngunit hindi nila “nilalakad ang nilalakad.” Ang kanilang mga salita ay “mainit” ngunit ang kanilang mga gawa (na umaagos mula sa puso) ay “malamig.” Sila’y bigo kapag dumating sa tunay na pagpapakita ng halimbawa ng katangian ni Yahushua at sumalamin ang Kanyang imahe.
Ipinunto ng mga Laodiceans kung gaano ang nalalaman nila ngayon kaysa sa naunawaan ng mga Kristyano ng nakaraan, at kinukumpirma nito sa kanila ang kanilang pagmamataas. Sila ay maaaring aminin ang pagiging Laodicean. Ang mga sermon ay paminsan-minsan na itinuro sa kondisyong Laodicean at kung ang mga Kristyano ngayon ay maligamgam. Ang mga tao ay nakaupo sa mga bangkuan, tinatango ang kanilang mga ulo, sumasang-ayon na sila ay maligamgam at sa mismong gawa ng pagkilalang ito, ang tingin sa mga sarili nila ay mas mabuti kaysa sa iba na hindi inaamin na Laodicean.
Ito ay halos walang pag-asang kondisyon. Hindi lamang ang mga Laodiceans na “aba, kawawa, dukha, bulag, at hubad,” kundi, sa mismong gawa ng pagbibigay ng pagsasalita na maging Laodicean, kinumpirma nila sa kanilang mga isipan bilang “mayaman, masagana at wala nang kailangan pa.”
Ang katotohanan ay, ang iglesya ng Laodicea ay kumakatawan sa lahat ng mga simbahang Kristyano ng kasalukuyan. Walang simbahan o sekta ang hindi saklaw. Lahat ng mga simbahan, at lahat ng mga indibidwal, ay Laodicean dahil ang bawat sekta ngayon nang walang malaya ay kuntento na sa mga patotoong taglay nila at ayaw nang lumabas at yakapin ang mas marami pang sumusulong na katotohanan.
- Ang mga Katoliko ay niyakap4 ang doktrina ng pagkamatuwid sa pananampalataya lamang, ngunit patuloy na kumakapit sa makademonyong doktrina ng trinidad at tanggihan ang kaparian ng lahat ng mga mananampalataya, sa halip, mas gusto ang pantaong kaparian.
- Ang Saksi ni Jehovah ay itinatanyag ang kanilang sarili sa tamang pagtanggal sa mga paganong pagdiriwang at mga titulo para kay Yahuwah, ngunit tumangging yakapin ang mga tunay na pagdiriwang ni Yahuwah o gamitin ang Kanyang tunay na pangalan.
- Ang mga Mormons ay namumuhay nang may kamalayan sa pangkalusugan, hindi masyadong magara sa pamumuhay, ngunit kumakapit sa maraming ibang pagkakamali, kabilang ang pagsamba sa araw ng Linggo.
- Ang Seventh-day Adventist, Seventh-day Baptists, at ang daan-daang iba na sumasamba sa araw ng Sabado na Sabbath ay mga tumatalimang sekta na biniyayaan ng kaalaman na ang Manlilikha ay patuloy na ninanais na sambahin sa ikapitong araw ng Sabbath, ngunit tinanggihan nila ang tanging kalendaryo kung saan ang tunay na ikapitong araw ng Sabbath ay maaaring kalkulahin!
Lahat ng mga Kristyanong sekta ngayon ay Laodicean dahil bawat isa sa kanila, sa isang lugar o iba pa, ay tinanggihan ang katotohanan at ayaw na sumulong sa dumaraming liwanag na pinakinang ng Langit sa mundo ngayon. Kaya, ang imbitasyon ng Tunay na Saksi ay umaabot sa bawat Kristyano ngayon.
Ang Banal na Lunas
Ang mga Laodiceans ay ang pinakamasahol sa mga simbahan, ngunit iniibig at nahahabag pa rin ang Tagapagligtas sa kanila. Ang Kanyang dakilang puso ng pag-ibig ay nagnanais sa kanila at nais ang lahat na magsisi at maligtas. Nagbigay Siya ng maginhawang mensahe: “Sinasaway ko at dinidisiplina ang mga minamahal ko. Kaya magsikap ka at magsisi.” (Pahayag 3:19, FSV)
Ang Tagapagligtas ay handa at kusang-loob na ipagkaloob ang lahat ng bagay na kailangan ng isang Laodicean upang magsisi at magbago:
- Ginto na dinalisay sa apoy (na personal na pananampalataya ng Tagapagligtas)
- Puting kasuotan (na personal na pagkamatuwid ng Tagapagligtas)
- Gamot na pampahid sa mga mata (na malubhang kailangan na espiritwal na pagkakilala upang mapagtagumpayan ang mga tukso at mga makademonyong delusyon ng mga huling araw)
Anumang bagay na kailangan mo, Siya ang magbibigay! At sa mga kaloob na ito ay darating ang katuparan ng kung paano lubhang kailangan natin ang mga ito sa bawat lugar.
Ang Iglesya ng Laodicea ay walang pagtuturo ng mga katangian o kalidad. Iyong mga nagsisi ay dadanas ng isang mapaghimalang pagbabago kapag nakinig sa payo ng Tunay na Saksi. Ang mga Laodiceans na nagsisi sa kanilang pansariling kasiyahan, espiritwal na pagmamataas, ay iiwan ang Laodicea at magiging mga kasapi ng Filadelfia, ang iglesya na pinakasakdal na sumasalamin sa imahe ni Yahushua.
Itong gawa ng paglisan sa Laodicea at sumapi sa Filadelfia ay nagtatakda sa huling henerasyon na bukod. Walang ibang grupo ng mga tao ang pinanawagan na umalis sa kanilang espiritwal na pamana at ang relasyon na nagbibigkis sa mga kaibigan at pamilya sa antas na ito. Ang Pahayag 18 ay nagbigay ng kautusan na “Lumabas kayo mula sa kanya, bayan Ko!” (Pahayag 18:4, FSV) Bawat nakapagsising Laodicean ay susunod.
Ang mga Gantimpala para sa Katapatan
Bawat katawang pangrelihiyon ngayon ay Laodicean. Bawat isa sa kanila, sa ilang punto o iba pa, ay tinanggihan ang sumusulong na liwanag. Upang makinig sa payo ng Tunay na Saksi, kinakailangan na gawin ang hindi pa nagagawa dati ng ibang pangkat: sumunod sa Kordero saanman Siya papunta, kahit na ito ay pag-alis sa mga simbahan at organisadong sekta kung saan nabibilang ang iyong buong buhay.
Hindi lahat ay gagawin ito. Karamihan sa mga tao ay nais ang pagsang-ayon ng pagiging kasapi ng grupo ng mga kasundong mananampalataya. Sila’y hindi pa handa na tumayong mag-isa para sa katotohanan. Tanging maliit na nalalabi ang kusang-loob na isasakripisyo ang literal na lahat para sa katotohanan.
Ngunit ang mga gantimpala na naghihintay sa sinuman na gumagawa ay hindi maipapaliwanag!
Isinulat ng Apostol na si Pablo: “Hindi pa nakikita ng mata, o naririnig ng tainga, ni hindi pa sumasagi sa isip ng tao ang mga inihanda ni Yahuwah para sa mga umiibig sa kanya.” (1 Corinto 2:9, MBB) Habang ang pangakong ito ay matutupad para sa lahat ng naligtas, ito ay matutupad lalo na para sa nalalabi na nilisan ang Laodicea at magbabago tungo sa imahe ni Yahushua, sumasapi sa Iglesya ng Kapatirang Pag-ibig.
Ang Iglesya ng Laodicea ay ang ikapitong iglesya at pitong gantimpala ang naghihintay sa mga sumunod sa Tunay na Saksi at nagsisi.
Bawat iglesya ay may kanya-kanyang espesyal na mga gantimpala na ipinagkaloob sa nagtagumpay, ngunit ang gantimpalang ibibigay sa nagsising Laodicean ay higit sa lahat. Kapag ang nagsising Laodicean ay sumapi sa Filadelfia, ang ikaanim na iglesya, ang anim na gantimpala na naghihintay sa mga nagtagumpay sa Filadelfia ay sa kanya na. Ang mga ito ay:
- Ang sinagoga ni Satanas ay sasamba sa paanan ng mga nagtagumpay, malalaman na ang mga nagtagumpay ay iniibig ni Yah. (Tingnan ang Pahayag 3:9)
- Ilalayo mula sa oras ng pagsubok na paparating sa buong sanlibutan. (Tingnan ang Pahayag 3:10.)
- Gagawing haligi sa templo ni Yahuwah at hindi na siya lalabas roon. (Tingnan ang Pahayag 3:12.)
- Nakasulat ang pangalan ni Yahuwah sa kanya. (Tingnan ang Pahayag 3:12.)
- Nakasulat ang pangalang Bagong Jerusalem sa kanya. (Tingnan ang Pahayag 3:12.)
- Nakasulat ang mismong pangalan ni Yahushua sa kanya, ipinapakita na siya ay bahagi ng pamilya ni Yahushua. (Tingnan ang Pahayag 3:12.)
Para sa mga nagpakumbaba at sa pananalig ay tinanggap na ang pagbigkas sa Laodicea na ganap na naglalarawan sa kanilang kondisyon kahit na hindi nila ito nakikita, mayroon pang isang gantimpala.
“Ang nagtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang makasama ko sa aking trono, kung paanong nagtagumpay ako at umupo kasama ng aking Ama sa kanyang trono.” (Pahayag 3:21, FSV)
Kaya nga ang huli ay mauuna, at ang una ay mahuhuli. Sapagkat marami ang tinawag ngunit kakaunti ang pinili.Mateo 20:16 |
Oh anong gantimpala! Uupo kasama ang Tagapagligtas! Paano ito magiging posible?
Sa talinghaga tungkol sa mga manggagawa sa ubusan, ipinaliwanag ni Yahushua: “Kaya nga ang huli ay mauuna, at ang una ay mahuhuli. Sapagkat marami ang tinawag ngunit kakaunti ang pinili.” (Mateo 20:16) Sa pakahulugan, ang huling henerasyon ay pinaparangalan si Yahuwah nang higit kaysa sa sinuman dati. Ang dahilan ay simple lang: sila ang huling henerasyon. Sila ang pinakamalayo mula kay Adan. Namana nila ang anim na libong taon ng akumuladong pagkahilig sa kasamaan ngunit sa pananalig sa Tagapagligtas at sa ganap na pagsuko, sila’y nagtagumpay. Ang nakapagpapabagong kapangyarihan ng banal, nagliligtas na pag-ibig ay naipakita sa kanilang mga buhay at sa kanilang kaligtasan nang higit pa sa anumang nakaraang henerasyon.
Gaya ng huling henerasyon, ang mga Laodiceans ay may naipong patotoo ng huling 6,000 taon, subalit humantong sila sa pagpapakasawa sa espiritwal na pagmamataas na hindi katulad sa anumang nakaraang henerasyon. Ang kanilang mga kaso ay halos wala nang lunas ... ngunit kay Yahushua, mayroon laging pag-asa. Sa Kanyang kapangyarihan, Kanyang lakas, at Kanyang pag-ibig, iyong mga nagsisi ay bibigyan pa rin ng mas maraming liwanag, ipinapakita ang mga pagkakamali na ignoranteng kinakapitan. Ang mga nagtagumpay mula sa Laodicea ay nagpakumbaba, nagsisi at sa mga gawang ito, ay pinapatahimik ang mga akusasyon ni Satanas na ginawa laban sa kautusan ni Yahuwah na hindi pa nagagawa ng mga nakaraang henerasyon.
Ang mga nakapagsisi ng ikapitong iglesya ay maliit na nalalabi mula sa huling henerasyon. Subalit, matatanggap nila ang gantimpala na higit pa sa ibinigay sa anumang nakaraang grupo ng mga nagtagumpay. Bilang karagdagan sa anim na gantimpala na ibinigay sa Filadelfians, makakamit nila ang pag-upo sa trono kasama si Yahushua. At dahil, bilang huli, ang pinakamasahol sa mga pinakamasahol, pinarangalan nila si Yahuwah nang higit pa, sa kabila ng kanilang kahinaan, pagkabulag, at namanang kasamaan, tumungo sila sa Tagapagligtas at, sa pananalig sa Kanya, pinanatili ang Kanyang kautusan, ay naligtas at pinabanal.
Ang mga Laodiceans, gaya ni Maria, ay iniibig nang lubos dahil sila’y pinatawad nang lubos. (Tingnan ang Lucas 7:36-50.) Mauunawaan nila gayong hindi pa naunawaan ng naunang henerasyon, ang kalaliman kung saan ang nagliligtas na pag-ibig ay lumalapit sa kanila at ang awit sa kanilang mga labi sa lahat ng walang hanggan ay ang karangalan sa Ama at pasasalamat sa Anak. Ito ay hindi pa nangyayaring pagpapakita ng banal na pag-ibig at kapangyarihan upang iangat ang mga nalubog sa pagkakasala sapagkat ang huling henerasyon ay uupo sa trono ng sanlibutan kasama mismo ang Tagapagligtas.
Ito ang hinaharap na ipinagkaloob sa iyo ngayon. Hindi mo makikita ang iyong tunay na kondisyon dahil, bilang isang Laodicean, ikaw ay bulag dito. Ngunit tanggapin ang salita Niya na hindi kailanman nagsisinungaling. Tanggapin ito sa pananalig. At saka, sa pananalig, iabot ang iyong kamay para humawak sa Kanya.
Siya ay nakatayo nang may bukas na mga kamay at naghihintay na tanggapin ka. Bubuhusan ka Niya ng ginto ng pananampalataya; dadamitan ka Niya ng Kanyang pagkamatuwid; at papahiran ka Niya ng gamot pampahid sa iyong mga mata. Magtitiwala ka ba na mas nalalaman ni Yahushua ang iyong sarili, magsisi at lumabas sa mga gusot ng Laodicea? Sasama ka ba sa Filadelfia ngayon?
Isang walang hanggang kasiyahan, kagalakan at hindi mailarawang karangalan ang naghihintay sa lahat ng magpapakumbaba na tanggapin ang pahayag ng kanilang tunay na espiritwal na kondisyon, magsisi, at pumasok sa Filadelfia, ang Iglesya ng Kapatirang Pag-ibig.
Dakilang Monarka ng Paglikha, Manlilikha at Nagpapanatili ng lahat, sa pananalig tinatanggap namin ang paglalarawan ng Laodiceans na angkop sa aming isa’t-isa sa mga paraang hindi namin maaari, maging ngayon, maunawaan. Kami’y mapagpapakumbaba na nakikiusap sa Iyo na pasaganahin ang aming pananampalataya. Nawa’y bigyan mo kami ng ginto, dinalisay sa apoy; ang puting kasuotan ng pagkamatuwid ng Tagapagligtas upang itago ang aming kahubaran; at banal na gamot pampahid sa mga mata upang maramdaman namin ang mga kahanga-hangang bagay sa Iyong kautusan. Baguhin mo kami sa Iyong imahe para kami, magpakailanman, ang maging mga saksi sa Iyong kabutihan, Iyong kagandahang-loob, Iyong kapangyarihan, at Iyong mapagmahal na kabaitan sa mga anak ng tao. Sa ngalan ng aming Tagapagligtas, Yahushua, kami’y nakikiusap at nangangako ang aming mga kaluluwa tungo sa Iyong pag-iingat. Amein. |

Tandaan: Ang salitang “simbahan” ay hindi hinatid nang tama ang kahulugan ng orihinal na Griyego, “Ekklesia.” Sa buong Bagong Tipan, tinutukoy ng Ekklesia ang mga Tinawagang Lumabas. Ang tunay na mga tagasunod ni Yahushua ay mga Tinawagang Lumabas mula sa mga organisadong sekta at mga relihiyon ng bumagsak na Babilonya. Kapag ang panawagan na lisanin ang Babilonya ay narinig, wala nang babalik sa mga simbahang Babilonya at mga anyo ng relihiyon.
1 Merriam-Webster Dictionary.
2 Ang pangalan ng “Diyos”, ay syempre, si Yahuwah. Ang pag-uulit ng pariralang “aking Diyos” rito, gayunman, ay sadya. Dinidiin nito na mayroon lamang Nag-Iisa na karapat-dapat na sambahin: ang Manlilikha ng lahat. Sapagkat mahusay na ipinahayag ni Pablo: “Sapagkat kahit may tinatawag na mga diyos, sa langit man o sa lupa, gaya ng pagkakaroon ng maraming “mga diyos” at maraming “mga panginoon,” ngunit para sa atin ay may iisang Diyos, ang Ama, na siyang pinagmulan ng lahat ng mga bagay, at para sa kanya tayo'y nabubuhay, at may iisang Panginoon, si Kristo Yahushua, na sa pamamagitan niya ay nagkaroon ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya, tayo'y nabubuhay.” (1 Corinto 8:5-6, FSV)
3 http://www.meandertravel.com/biblical_asia_minor/biblical_asia_minor.php?details=churchinphiladelphia&m=3&md=sc3
4 Humiwalay si Luther mula sa Katolisismo dahil sa pagkakaiba sa paniniwala sa kung paano ang tao ay naligtas. Naniwala si Martin Luther sa kagandahang-loob sa pamamagitan lamang ng pananalig. Ang Simbahang Katoliko ay itinuro na ang kaligtasan ay batay sa mga mabubuting gawain. Noong 1999, ang Simbahang Katoliko at ang Lutheran World Federation ay nilagda ang isang dokumentong may 47 pahina na pinamagatang, “Joint Declaration on the Doctrine of Justification.” Nakapaloob rito, napagkasunduan nila ang kanilang naiibang mga pananaw sa kaligtasan sa pagsasama ng kahulugan: “Tayo ay mangumpisal: Sa kagandahang-loob lamang, sa pananampalataya sa nagliligtas na gawa ni Kristo at hindi dahil sa anumang merito sa ating bahagi, tinatanggap natin sa Diyos at tanggapin ang Espiritu Santo, na nagpapabago ng ating mga puso habang nilalagay at tinatawagan tayo sa mga mabubuting gawain.” http://www.vatican.va/roman_curia/pontifical_councils/chrstuni/documents/rc_pc_chrstuni_doc_31101999_cath-luth-annex_en.html