Ang pagsunod sa Kordero saanman siya magtungo ay isang pagkakataon na inalok sa huling henerasyon. Ngunit para tunay na sumunod sa Kordero saanman siya mangunguna ay nangangailangan ng isang pagpayag na ibukod ang mga itinatanging paniniwala. |
Ang Sofanias ay nagbubukas ng isang taimtim na babala na may isang espesyal na paggamit sa huling henerasyon: “At mangyayari sa panahong yaon, na ang Jerusalem ay sisiyasatin kong may mga ilawan; at aking parurusahan ang mga tao na nagsisiupo sa kanilang mga latak, na nangagsasabi sa kanilang puso, si Yahuwah hindi gagawa ng mabuti, ni gagawa man siya ng masama” (Sofanias 1:12).
Ang “latak” ay hindi isang salita na karamihan sa atin ay pamilyar. Minsan kong narinig ang isang tagapagturo na ito’y nangangahulugang “pigi.” Si Yahuwah, sinabi Niya, ay sinasabi sa mga mananampalataya na huwag manahan sa kanilang pagiging kampante at magtiwala sa sarili. Habang ang layon ay naririto, ang aktwal na kahulugan ay isang bagay na ganap na naiiba. Ang latak ay isa pang salita para sa tining na lumilitaw sa ibaba ng mga bote ng alak. Ang deposito, sa katunayan ay isang likas na kasamang dulot ng proseso ng paggawa ng alak.
Ang pagiging kampante—nararamdaman na lubos na nasisiyahan sa iyong kasalukuyang antas ng kaalaman na ikaw ay walang kamalayan ng mga posibleng panganib—ay naglalagay sa maraming kaluluwa ngayon sa peligro.
|
Maaari nga na likas, ngunit walang sinuman ang nagtatapon ng bote ng alak para lamang simutin ang mga latak sa ibaba. Nagbabala sa mga tao si Sofanias na huwag maging kampante sa anong naiisip nila na nalalaman na totoo. Ang pagiging kampante—nararamdaman na lubos na nasisiyahan sa iyong kasalukuyang antas ng kaalaman na ikaw ay walang kamalayan ng mga posibleng panganib—ay naglalagay sa maraming kaluluwa ngayon sa peligro. Sa katunayan, ang huling henerasyon ay higit na nasa panganib ng pag-upo sa labis na pagtitiwala sa sarili at pagiging kampante kaysa sa lahat ng mga pinagsama-samang naunang henerasyon dahil mayroon tayong higit na liwanag kaysa sa anumang naunang henerasyon.
Nakakasukang Pagiging Maligamgam
Ang panganib na ito ay binigkas sa Pahayag 3:15-17: “Alam ko ang mga gawa mo; hindi ka malamig ni mainit. Nais ko sanang ikaw ay malamig o kaya’y mainit. Kaya dahil ikaw ay maligamgam, hindi malamig ni mainit man, iluluwa kita. Sapagkat sinasabi mo, ‘Mayaman ako, masagana, at wala nang kailangan pa.’ Hindi mo alam na ikaw ay aba, kawawa, dukha, bulag, at hubad.”
Nangangailangan ng katapatan para sa katotohanan, nangangailangan ng aktibong paghahanap at paghuhukay para sa marami pang patotoo upang maiwasan ang mga patibong ng kasiyahan sa sarili at pagiging kampante. O para gamitin ang paglalarawan ni Sofanias, nangangailangan ng katapatan para sa katotohanan, ang buong katotohanan at walang iba kundi katotohanan upang tanggihan na masiyahan sa mga latak na masimot. Ang mga latak ay maaari na isang likas na kasamang produkto ng proseso, subalit ang bayan ni Yahuwah ay hindi magiging kuntento na umupo sa pagiging kampante. Tayo’y susulong upang matanggap ang dalisay na alak ng banal na patotoo.
Ito’y maaaring dumating sa dakilang kabayaran. Ang mga relasyon ay maaaring magdusa. Ang iba ay maaaring hindi maunawaan at husgahan, ngunit para sa lahat ng sumusunod sa Kordero saanman siya patungo, mahalaga na ang patotoo ay aktibong hangarin at hindi lamang pasibong tanggapin. Inilalarawan ni Juan ang huling henerasyon na gumagawa nito: “Sila ay ang hindi dumungis ng kanilang sarili sa mga babae, sapagkat hindi sila nakipagtalik. Sumusunod sila sa Kordero saan man siya magpunta. Sila’y tinubos mula sa sangkatauhan bilang mga unang alay kay Yahuwah at sa Kordero. Walang lumabas na kasinungalingan sa kanilang bibig; walang anumang maipaparatang laban sa kanila” (Pahayag 14:4-5).
Hinihiling mo bang masumpungan na walang maipaparating sa harap ng trono ni Yahuwah? Hinihiling mo bang walang panlilinlang na lalabas mula sa iyong bibig? Nangangailangan ng pagkukusa na pag-aralan nang may bukas na kaisipan at tanggapin ang bagong liwanag. Ibig sabihin rin nito ay kusang-loob na tatanggapin kung kailan ka nagkamali at hindi magiging mapagmataas na aminin ito.
Bagong Liwanag na Nagtatama ng mga Dating Pagpapalagay
Ang Pahayag 17 ay naglalaman ng isang sukdulan ang kahalagahang propesiya: “Nangangailangan ito ng isip na may karunungan: ang pitong ulo ay pitong bundok kung saan nakaupo ang babae. Sila rin ang pitong hari, at lima sa kanila ay bumagsak na, ang isa’y buhay pa, ang isa ay hindi pa dumarating; at sa kanyang pagdating, sandali lang siyang mananatili. At ang halimaw na buhay noon at ngayo’y wala na ang ikawalo, ngunit kabilang din sa pito, at siya’y patungo sa pagkawasak.”
Matagal nang itinuro ng WLC na ang pitong bundok o hari ay ang pitong papa, kasama ang yumaong Benedict XVI bilang ikapitong hari. Gayunman, bagong liwanag sa mga propesiya ni Ezekiel ay ipinakita sa amin na ang aming pagpapalagay na si Pope Francis ay ang ikawalong hari ay hindi tama. Ang Ezekiel 38 ay nahulaan ang isang koalisyon ng maraming bansa, pangungunahan ng Rusya, ay lulusob sa Israel.
Si Yahuwah ay makapangyarihan na mamamagitan upang wasakin ang mga kaaway ng Israel. Ipinapahayag ng Ezekiel 39:7 nang walang pag-aalinlangan na ang resulta at panahon ng paggaling ay pitong taon. Idinadagdag ang panahong ito sa kasalukuyang aksyon ng Rusya sa Ukraine at ang demilitarisasyon ng NATO ay nangangailangan ng mas maraming panahon kaysa sa kasalukuyang edad na maaaring pahintulutan kay Pope Francis. Isinilang siya noong 1936, wala na siyang sapat na mga taon ng buhay na nalalabi upang maging ikawalong papa kasama ang lahat ng mga internasyonal na samahang pulitikal na nasasangkot.
“Nguni’t ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag, na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw” (Kawikaan 4:18).
|
Wala pa kami, sa panahong ito, na ganap na pagkakaunawa ng lahat ng mga detalye ng Pahayag 17. Halimbawa, hindi namin nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng Pahayag 17:11 kapag ipinapahayag nito na “At ang halimaw na buhay noon at ngayo’y wala na ang ikawalo, ngunit kabilang din sa pito, at siya’y patungo sa pagkawasak.” Ito’y maaari at posibleng tinutukoy ang isang makademonyong pagpapanggap ng yumao at laganap na minamahal na si Pope John Paul II. Ito’y umaangkop sa paglalarawan ng ikawalo na isa sa pito, ngunit sa puntong ito, iyon ay ganap na haka-haka.
Si Pope Francis, dahil dito, ay isang transisyonal na papa. Siya ay hindi isa sa pito. Sa pandaigdigang entablado, ang mga bansa na humahanay upang tuparin ang propesiya ni Ezekiel na ang sukdulan ay ang pagbabalik ni Yahushua subalit wala pa tayo rito. Nais ni Yahuwah na mas maraming maliligtas hangga’t posible. Dahil dito, Siya ay nag-aantala habang posible upang bigyan ang lahat ng pinakamahusay na pagkakataon na maligtas.
Ang panig na ito ng walang hanggan, habang tayo’y nananatili sa bumagsak na kalikasan, ang pagiging sakdal kahit sa mga pinakatapat na mananampalataya ay hindi posible, ngunit maaari tayong matuto at patuloy na matuto. “Nguni’t ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag, na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw” (Kawikaan 4:18). Tayo’y mangako na iwaksi ang kamalian sapagkat ito’y isiniwalat sa atin, at sumunod sa Kordero saanman siya magpunta.