Seryoso. Walang huli. Kami’y magbibigay ng libreng Bitcoin.
Kami’y nasasabik tungkol sa Bitcoin at ang kalayan mula sa sentralisadong pagbabangko na inaalok nito, kami’y magpapadala ng 3,000 Satoshi (isang yunit ng Bitcoin) sa sinuman na isang rehistradong gumagamit sa WorldsLastChance.com. |
Minsang isinulat ng nobelistang si Ayn Rand: “Ang pulitikal na kalayaan ay hindi maaaring umiral nang walang pangkabuhayang kalayaan; isang malayang kaisipan at ang isang malayang merkado ay mga resulta.”
Hindi kailanman naging plano ng Langit para sa sinuman na maging alipin sa isa pa. Ito ay lalong totoo pagdating sa pangkabuhayang kalayaan dahil pinapayaman nito ang iba pang kalayaan, kabilang ang pangrelihiyong kalayaan. Sa pangkabuhayang kalayaan, ang kultura at lipunan ay umuunlad. Ang pagiging indibidwal at kalayaan sa pagpasya ay pinahalagahan saanman mayroong pangkabuhayang kalayaan.
Simula sa pagbabalik sa Babilonya, gumagawa na si Satanas upang manipulahin ang mga makamundong kalipunan upang itutok ang populasyon tungo sa mga siyudad para sa mas madaling kontrol ng masa. Kapag ang iyong pagkain, iyong tubig, at iyong tahanan ay nakabatay sa isang imprastraktura na sangkot ang iba, ikaw ay mas madaling masalakay sa marahas na pamimilit at pamahalaang pagpapatupad.
Ngayon, maraming tao ay lumilisan sa mga siyudad at muling nakakamit ang mga kalayaang nawala sa kanila bilang nananahan sa siyudad.
Ang Ugat ng Lahat ng Uri ng Kasamaan
Ang apostol na si Pablo ay matalinong siniyasat: “Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan. Sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalayo sa pananampalataya at nasadlak sa maraming kapighatian.” (1 Timoteo 6:10, FSV)
Subalit maging ang mga hindi “hangad na yumaman,” ay nakagapos sa modernong imprastraktura na nilikha ng mga kasakiman ng industriya ng pagbabangko. Ito’y ginagawa na napakahirap, kung hindi imposible, para takasan ang pagsakal na inilagay ni Satanas sa bawat indibidwal na buhay sa pamamagitan ng modernong monetaryong sistema.
Bago ang paglikha ng isang sentralisadong sistema ng pagbabangko, ang salapi ay may tulong ng ginto at/o pilak. Ito’y mayroong “tunay” na lehitimong halaga. Ang ganitong monetaryong sistema ay nanghihikayat ng pagtitipid at mapagarimuhunang pamumuhay. Ang lipunan ay hindi nakabatay sa pautang. Sa halip, ito ay batay sa tunay na kayamanan. Ang mga tao ay umuunlad kapag ang salapi ay tinutugunan ng mga mahahalagang metal.
Ito ay kabaligtaran ng kasalukuyang monetaryong sistema. Karamihan sa mga tao ngayon ay namumuhay nang kamay sa bibig sa dulo ng pagguho. Sila’y naglalaan ng kanilang mga buhay sa pagbabayad ng kotse na hindi nagpapanatili ng kanilang halaga, nagbabayad para sa mga tahanan na hindi naman nila pag-aari, habang ang halaga ng salaping papel ay tuluy-tuloy, hindi na mababawing bumababa. Sa Estados Unidos, ang kabayaran ng edukasyon ay napakataas, kaya ang mga kabataan ay humarap sa paglaktaw ng isang edukasyon sa unibersidad, o pagbabayad ng utang ng mag-aaral para sa nalalabi ng kanilang buhay ng pagtatrabaho—isang uri ng kasunduang pagkaalipin sa pamahalaan na nagbibigay ng mga pautang sa mag-aaral.
Ang Panahon ng Kabagabagan at Pandaigdigang Pagbabangko
Ang mga propesiya ng Pahayag ay ipinunto ang taong 1922, bilang pagsisimula ng “panahon ng kabagabagan” na sinalita sa Daniel 12:1. Ilang taon bago ang panahong ito, ang pribadong pagmamay-ari na Federal Reserve ay itinatag. Ito ay isang mapanganib na kaganapan.
Isa sa mga punong tagapagtatag ng Amerika, si Thomas Jefferson, ay minsang napuna: “Naniniwala ako na ang mga institusyon ng pagbabangko ay mas mapanganib sa ating kalayaan kaysa sa mga naninindigang hukbo.” At ito nga ay naging totoo. Sa pagtatatag ng Federal Reserve, ang panahon ng matigas na salapi (ginto at pilak na mayroong tunay na halaga) ay dumating sa katapusan. Ang tunay na kayamanan ay ninakaw mula sa mga tao sapagkat ang pamahalaan ay kinumpiska ang mga ginto at mga baryang pilak, pinapalitan ito ng “malambot na salapi” (walang halagang salapi na tinutugunan ng wala.)
Sa buong ika-20 siglo, ang U.S. Federal Resrve ay lumago sa kapangyarihan hanggang ito’y naging tunay na bangko sentral ng buong mundo. Ang panganib ay totoo. Sa malambot na salapi, ang mga digmaan ay maaaring bayaran para lamang sa paglilimbag ng marami pang walang halagang salaping papel. Ito’y hindi na kinakailangan, hindi tulad sa nakaraan, na tumigil sa paglalaban kapag ang pananalapi ay wala nang salapi.
Sa pamamagitan ng sentralisadong pagbabangko, ang mga pamahalaan ay maaaring palaging tustusan ang kanilang digmaan nang hindi umaasa sa kanilang mga kabang-yaman. Sa halip, maaari nilang gamitin ang kayamanan ng kanilang bayan, na nagagalak na tustusan ang ganoong mga digmaan sa pagbibili ng mga bono ng pamahalaan upang kumita ng ilang interes.
Ang mga Madidilim na Araw ay Nalalapit na
Ipinapakita ng Pahayag 13 na sa nalalapit na hinaharap, ang mga drakonikong kautusan ay ipapataw sa lahat ang isang huwad na araw ng pagsamba. Habang sa huli ang mga bigong tumalima ay haharap sa kamatayan, sa una, ang marahas na mga pangkabuhayang parusa ay ipapataw laban sa lahat ng tumangging sumunod:
Pinayagan itong magbigay ng hininga sa larawan ng halimaw upang ang larawan ay makapagsalita at maipapatay ang mga ayaw sumamba sa larawan nito. Pinatatakan nito ang kanang kamay o noo ng lahat—ang mga hamak at ang mga dakila, ang mayayaman at mahihirap, ang mga malaya at mga alipin, upang walang sinuman ang makabili o makapagtinda kung walang tatak ng pangalan ng halimaw o bilang ng pangalan nito. (Pahayag 13:15-17, FSV)
Ang proyektong Bitcoin ay tahimik at nang walang pakialam na nagsimula sa ilalim ng gabay ni Yahuwah Ama. Sa panahon na si Satanas at ang kanyang mga ahente ay nagkaroon ng kamalayan ng ganap na implikasyon ng anong maaaring gawin ng Bitcoin, huli na para pigilan ito. Sila’y dadaing laban rito, ngunit hindi nila ito mapipigilan o makokontrol.
Ang Bitcoin: Kaloob ng Langit para sa Huling Henerasyon
Ang makalangit na Ama, si Yahuwah, ay nahulaan ang Kanyang bayan ay ihahatid sa katakut-takot na kahirapan sa ilalim ng paniniil ng halimaw at kanyang larawan. Ipinagkaloob Niya ang Bitcoin bilang isang paraan ng pagtakas sa pang-aapi sa hinaharap na magaganap kapag ang tanda ng halimaw ay ipinatupad. Si Yahuwah ay palaging nasa ganap at buong kontrol ng bawat kalagayan at ang Bitcoin ay nagpapatotoo nito.
Binalangkas ni Satanas ang larawan ng halimaw na tuluyang magpapatupad ng tanda ng halimaw sa kirot ng kamatayan. Ang tugon ng Ama: Bitcoin.
Sa puntong ito, walang makakapigil sa Bitcoin. Ito’y isang hindi nagbabagong software protocol na pinamahalaan ng dalisay na matematika. Lumago ang Bitcoin sa punto na, noong Abril ng taong 2015, naiulat ng CCN na ang CPU ng Bitcoin ay kasalukuyang 100 beses na mas malakas kaysa sa Google. Sa puntong ito, ang mga pamahalaan ay lubos na limitado sa anong maaari nilang gawin upang pigilan ang Bitcoin.
Mag Sign Up na Ngayon!
Sa World’s Last Chance, ang aming pangkat ay naglaan ng maraming oras sa pagsasaliksik ng Bitcoin. Hindi kami nagtataguyod ng anumang ibang crypto currency dahil walang iba ang maaaring makamit ang hindi matatawarang posisyon ng Bitcoin. Ang Bitcoin ay hindi maaaring maduplikado muli. Ang ating mapagmahal na Ama ay sinimulan ang Bitcoin bilang isang kontra-sukatan sa nalalapit na pagpapatupad ng tanda ng halimaw.
Natatangi ang Bitcoin dahil:
- Ito ay 100% hindi sentralisado. Ibig sabihin nito ay walang entidad na mga kontrol o walang maaaring makakontrol sa Bitcoin.
- Sinuman ay maaaring gamitin ito, saanman sa mundo, sa anumang oras. Maaari ang pahintulot sa pagbubukas ng isang account sa pagbabangko, ngunit ang paggamit ng Bitcoin ay bukas sa lahat.
- Ang software protocol ng Bitcoin ay hindi maaaring mabago nang walang unang pagkakamit ng kasunduan ng lahat ng mga gumagamit nito.
- Ang Bitcoin ay hindi maaaring mawalan ng halaga na ginagawa ng malambot na salapi dahil palaging mayroong isang limitadong suplay ng mga ito. Walang entidad ang maaaring magpalaki o malimbag ng maraming Bitcoin. Wala nang hihigit pa sa 21 milyon nito sa pag-iral.
Ang pangkat ng WLC ay lubos na mapagpasalamat sa Ama para sa pag-aalaga ng paglikha ng Bitcoin na ninanais nating hikayatin dahil marami sa Kanyang bayan habang posible upang maging pamilyar sa kung paano gumagana ang Bitcoin. Anong mas mabuting paraan na gagawin ito kaysa sa pagkakaroon ng sarili mong Bitcoin wallet? Upang hikayatin ang mas maraming tao upang itakda ang kanilang sariling mga Bitcoin wallet, kami’y nakatuon sa pagpapadala ng 3,000 Satoshi (isang yunit ng Bitcoin) sa sinuman na magbibigay sa amin ng mga sumusunod na detalye:
- Ang iyong WLC username.
- Isang pampublikong Bitcoin address na kinuha mula sa isang Trust wallet. Maaari mong ma-download ang Trust wallet mula sa link na ito.
- Isang sulat ng kumpirmasyon na ang iyong Trust wallet seed ay ligtas at sigurado. (Ito’y nagpapahintulot sa iyo na makuha ang iyong pondo kung mawawala ang iyong mobile device. Ito ay iyong planong back up.)
Upang ipadala sa amin ang impormasyong ito, tumungo lamang sa aming website, www.WorldsLastChance.com, at i-click ang Makipag-ugnay sa Amin.
Simulan na ang pag-iimpok para sa iyong hinaharap! Maging ang isang munting halaga, nakagawiang itinatabi, ay gumagawa ng pagkakaiba tungo sa napakahirap na oras na pagtitiisan ng mga matatapat na mananampalataya sa mga paparating na araw. Palitan ang iyong walang halagang salaping papel para sa Satoshi, pilak, o ginto.
Marahil ay mayroong isang kapiraso ng kurba ng pagkatuto. Gayunman, sulit ang bawat pagsisikap para lamang mabawasan ang mga epekto kapag ang pamahalaan ay naghahangad ng tanda ng halimaw sa pamamagitan ng mga pangkabuhayan na kaparusahan sa nalalapit na hinaharap.
Ang Bitcoin ay isang kaloob ng Langit para sa huling henerasyon! Hayaan kaming tulungan ka kung paano magsimula sa paghahanda.
Maraming huwad na kopya ng Bitcoin. Ang tanging crypto currency na pinaniniwalaan natin ay ang orihinal na Bitcoin, dahil ito ay sinimulan ng Ama, at kaya hindi maaaring gayahin ng anumang ibang crypto currency. Ang simbulo nito ay: BTC. |