Lumabas Kayo Mula sa Kanya, Bayan Ko! | Bahagi 1
Huling Imbitasyon ng Langit
“Pumasok ka rito’t kumuha ka ng tsaketa o babatukan kita!”
Nakatunganga, napanganga ako sa ama ng aking kaibigan. Natakot ako. Hindi pa ako nakarinig ng isang magulang na ganoon magsalita sa kanyang anak. Pumasok ang kaibigan ko, tumakbo sa loob para kumuha ng tsaketa, at bumalik sa paglalaro na parang walang nangyari. Hindi ako makapaniwala na ganon na lamang katahimik niyang kinuha iyon.
Hindi ko kailanman narinig ang aking ina na itinaas ang boses niya. Sinanay niya ang kanyang mga anak upang sundin siya, kaya hindi na niya kailangang itaas ang kanyang boses. Hanggang sa isang araw . . . .
Ang pamumuhay sa isang bansa ay ang pinakamahusay na lugar sa buong mundo para lumaki. Napakaraming masasayang bagay ang magagawa! Napakaraming kawili-wiling lugar ang mapupuntahan! Ang aking kapatid at ako ay naawa para sa aming mga kaibigan na namumuhay sa bayan.
Maligayang lumalaktaw sa maputik na kalsada na humahantong mula sa bahay hanggang sa Malaking Kamalig, hindi ko tinitingnan ang aking dinadaan hanggang sa isang iglap ay narinig ko ang isang tinig na hindi ko pa naririnig. Isang sigaw – mula sa aking ina.
“TIGIL!!”
Agarang pagsunod ang naghatid sa akin na huminto sa aking paglalaktaw. Pahalang sa kalsada sa harapan, kung saan ang aking sumasayaw na mga binti ay tutungtong rito, isang kumakalansing na ahas na isang metro ang haba.
Ang aking ina ay sumigaw sa akin, ngunit niligtas niya ako. Hindi na mahalaga kung hindi ko pa naririnig ang ganoong tono ng boses mula sa kanya. Narinig ko ang takot at pag-ibig para sa akin mula sa kanyang tinig. Niligtas niya ako dahil iniibig niya ako, at inibig ko siya nang higit pa kaysa sa dati.
Kapag nakikita ng Pag-Ibig ang panganib, nagbabala ang Pag-Ibig. Tumitili ang Pag-Ibig. Sumisigaw ang Pag-Ibig. Ginagawa ng Pag-Ibig ang anumang kailangan para magligtas.
Ngayon, ang buong mundo nasa bingit ng isang napakalaking krisis. Ang mga napapaisip na mga tao ng bawat bansa ay napapanood ang mga pagsulong sa loob at labas ng bansa. Nalalaman nila na may isang bagay na nagbabanta ang magaganap. Ang sukdulan ng lahat ng panahon ay malapit nang bumagsak nang may walang humpay na karahasan sa buong mundo.
Sa oras na ito ng matinding panganib, ang Makalangit na Ama ay nagpapadala ng isang mahalagang panawagan sa Kanyang mga anak sa lupa. Gaya ng sinumang magulang sa lupa, mas dakila ang panganib, mas malakas at mas matunog ang panawagan ng Makalangit na Ama. Tinitiyak ng Kanyang Salita: “Tunay na [si Yahuwah] ay walang gagawin, kundi Kaniyang ihahayag ang Kaniyang lihim sa Kaniyang mga lingkod na mga propeta.” (Amos 3:7, ADB)
Ang panghuling imbitasyon ng awa na ibinigay sa sangkatauhan ay iningatan sa huling aklat ng Bibliya. Ito ay ang panghuling babala sa lupa, ang huling pagkakataon ng mundo. Wala nang susunod pa na ibibigay kaya ito ay sukdulan ang kahalagahan na dapat pakinggan ng lahat at bigyang-pansin ang taimtim na babalang ito.
Pagkatapos ng mga ito, nakita ko ang isa pang anghel na bumababa mula sa langit. . . . Sumigaw siya nang napakalakas, Bumagsak na, bumagsak na ang tanyag na Babilonya . . . Lumabas kayo mula sa kanya, bayan ko, upang kayo’y hindi makabahagi sa kanyang mga kasalanan, at upang sa kanyang mga salot ay hindi kayo madamay; sapagkat abot na sa langit ang kanyang mga kasalanan, at binalingan ng [Elohim] ang kanyang mga kasamaan. Ibalik ninyo sa kanya kung ano’ng ibinigay niya, at bayaran ninyo siya ng doble sa kanyang mga gawa; sa pinaghaluan niyang kopa, ipaghalo ninyo siya ng doble. (Pahayag 18:1, 2, 4-6, FSV)
Ang “Babilonya” ay isang simbulo na madalas gamitin sa Kasulatan. Maraming naiibang pagpapaliwanag ng simbulong ito ang inalok. Ang ilan ay naniniwala na ang Babilonya ay ang Simbahang Katoliko. Ang iba’y naniniwala na ito ay ang United Nations habang ang iba pa ay naniniwala na ito ay ang Estados Unidos.
Ang Babilonya ay ang lahat ng ito at marami pa. Sa Bibliya, ang “Babilonya” ay isang simbulo para sa pagkalito dahil sa Tore ng Babel, ginulo ni Yahuwah ang mga wika ng mga naghihimagsik na tagapagtayo. Sa sinaunang Akkadian, ang salitang Babilonya (BAB.ILI) ay nangahulugang “Tarangkahan ng mga diyos.”
Ang Babilonya ay higit na malaki sa isang organisasyon. Ang Babilonya ay “pagkalito” at ito ay ang “Tarangkahan ng mga diyos.” Ang Babilonya ay isang simbulo ng buong imprastraktura ng panlilinlang at daya ni Satanas. Binabalot nito ang lahat ng kamalian at lahat ng mga katawang pangrelihiyon na pinuluputan ng anumang antas ng kamalian.
Ang babala ng Langit na lumabas ng Babilonya ay puspos ng mga walang hanggang kahihinatnan. Sa Biblikal na talaan, bago ang pagkawasak ng buong mundo sa huling pitong salot. Lahat ng nakasilong sa araw na iyon ng poot ay nasa ilalim ng tiyak na proteksyon ng Kataas-taasan. Tanging ang mga sumunod sa panawagan na lumabas ng Babilonya ay mananatiling ligtas sa panahong iyon.
![]() |
Lahat ng tatalima sa babala ay bibigyan ng proteksyon ni Yahuwah |
Nalalaman ni Satanas na ang lahat ng tumalima sa babala ay himalang iingatan at walang hanggang ligtas mula sa kanyang mga panlilinlang. Dahil dito, ang kanyang layunin ay para itago ang mga tao mula sa pagsunod sa utos na lisanin ang Babilonya. Nagawa niya ito sa pamamagitan ng isang dominanteng daya na nagbibitag ng karamihan sa mga matatapat na Kristyano.
Ang sukdulang delusyon ng diyablo ay: “Ang panawagan na lumabas ng Babilonya ay hindi angkop sa akin dahil wala naman ako sa Babilonya!”
Sa pangunguna sa mga tao na tanggihan ang babala sapagkat hindi angkop sa kanila, binulag ni Satanas ang marami sa ibang pagkakataon ay maaaring naligtas.
Maraming iba’t ibang dahilan para hindi pansinin ang maawaing babala ng Langit. Nananahi si Satanas ng mga palusot para sa bawat indibidwal na buhay at sa bawat pangkat ng mga kalagayan. Para sa ilan, ang panawagan na lumabas ng Babilonya ay tinanggihan dahil sila ay mga Protestante. Sila’y hindi mga Katoliko, kaya naniniwala sila na ang mensahe ay hindi angkop sa kanila.
Para sa iba, ang babala ay tinanggihan dahil sila’y sumasamba sa araw ng Sabado. Ang katunayan na sila’y hindi sumasamba sa araw ng Linggo ay nagbibigay ng kasiya-siyang patunay na sila’y hindi maaaring nasa Babilonya. Dahil dito, ang mensahe ay hindi para sa kanila.
Ang panlilinlang ni Satanas ay lubos na matagumpay dahil ito’y nananahan sa espiritwal na pagmamataas. Lahat ng tinanggihan ang panawagan, iginigiit na ito’y hindi maaaring iangkop sa kanila dahil sila ay wala sa Babilonya. Ang bawat isa’y tinataglay ang ilang patotoo na naiisip na siya’y ibinukod na naiiba sa lahat. Ang patotoo na pinaniniwalaan niya ay ginagawa siyang espiritwal na nakakataas. Dahil dito, ang mensahe ay hindi angkop sa kanya.
![]() |
Maraming tao ang tinanggihan ang panawagan na lumabas ng Babilonya dahil sila’y hindi naniniwala na sila’y nasa Babilonya. |
Ito ay isang malalim na espiritwal na pagkabulag at isa sa pinakamatagumpay, na mga pangwakas na delusyon ni Satanas. Ang huling henerasyon ay pinagpala ng isang kayamanan ng espiritwal na patotoo at pagkakaunawa – higit pa sa ibinigay sa anumang naunang henerasyon. Sa desperasyon, binaluktot ni Satanas ang napakadakilang pagpapala na ito sa pamamagitan ng pangunguna sa mga kaisipan na ipalagay na sa mga patotoo na pinaniwalaan na nila, wala nang dagdag pang patotoo na kailangan nila para sa kaligtasan. Kaya sa kawalan, anumang sumulong na liwanag ay awtomatikong tinanggihan bilang mali.
Ang dakilang puso ng pag-ibig ni Yahuwah ay nahulaan ang panganib na ito na naghihintay sa huling henerasyon. Nagbabala ang Kasulatan na ang espiritwal na pagmamataas at ang dulot nitong pagkabulag ay ang pinakadakilang panganib na haharapin ng huling henerasyon.
At sa anghel ng iglesya sa Laodicea, isulat mo . . . Alam ko ang mga gawa mo; hindi ka malamig ni mainit. Nais ko sanang ikaw ay malamig o kaya’y mainit. Kaya dahil ikaw ay maligamgam, hindi malamig ni mainit man, iluluwa kita. Sapagkat sinasabi mo, ‘Mayaman ako, masagana, at wala nang kailangan pa.’ Hindi mo alam na ikaw ay aba, kawawa, dukha, bulag, at hubad.’ (Pahayag 3:14-17, FSV)
Ito ay tinukoy bilang “Mensaheng Laodicean.” Kung gaano kadakila ang patotoong pinaniniwalaan ng isa, ganon din kadakila ang panganib ng espiritwal na pagmamataas at ang epekto na pagkabulag.
Ang mga tao ay magiging bukas pa na kilalanin na sila ay “Laodicean” . . . ngunit dahil sinabi nila ang mga salita, dahil pasalita nilang inamin ang pagiging “Laodicean,” naniniwala sila na ang mensahe ay hindi angkop sa kanila. Kinuha nila ang pagmamataas sa katunayan na sila ay sapat nang mapagpakumbaba na aminin ang kanilang “kondisyong Laodicean” at gamitin ito bilang patunay na ang babala ay hindi na angkop sa kanila. Kaya sila nagpapatuloy sa kanilang espiritwal na pagkabulag, sa pangangailangan ng lahat ng bagay, ngunit inaangkin na wala nang bagay na kailangan pa.
Ito ay isang nakamamatay na delusyon at isa sa pinakamatagumpay na paraan ni Satanas upang ibitag ang mga kaluluwa. Ang tanging pag-asa ng sinuman upang makalaya sa panlilinlang na ito na lubos na nakalulugod sa bumagsak na kalikasan, ay tanggapin sa pananalig na ang isa ay Laodicean dahil sinasabi ng tunay na salita ni Yahuwah. Tanging sa pagtanggap ng mensahe sa pananalig gaya ng matapat na pag-angkop sa iyo bilang indibidwal, maaaring ipagkaloob ang banal na lunas.
Kaya’t, pinapayuhan kita na bumili sa akin ng gintong dinalisay sa apoy para yumaman ka, at ng puting kasuotan na maidadamit sa iyo upang hindi malantad ang nakahihiya mong kahubaran, at bumili ka rin ng gamot na pampahid sa iyong mga mata upang makakita ka. (Pahayag 3:18, FSV)
Ang ginto na dinalisay sa apoy ay ang pananalig at pag-ibig: ang pananalig ay gumagana sa pamamagitan ng pag-ibig at naglilinis ng kaluluwa. Ang puting kasuotan ay ang pagkamatuwid ni Yahushua, tinanggap sa pananalig sa Kanyang mga nagbabayad-sising merito. Ang gamot na pampahid sa mga mata, ay ang espiritwal na pagkakilala. Tanging ang mga tumanggap ng mensahe sa pananalig, ay nasa posisyon para tanggapin ang lunas. Pagkatapos ay handa na nilang tanggapin sa pananalig ang panawagan na lumabas ng Babilonya na angkop sa kanila.
![]() |
Ang panawagan na lumabas ng Babilonya ay isang mensahe na tiyak para sa bayan ni Yahuwah. Walang denominasyon ang hindi kasali. |
Ang mga Laodicean ay napakabilis na iangkop ang panawagan na iwan ang Babilonya sa iba na hindi taglay ang kanilang pang-indibidwal, piniling pangkat ng mga paniniwala. Ito ay ang pagkabulag ng espiritwal na pagmamataas na ipinapakita. Gayunman, ang panawagan na iwan ang Babilonya ay para sa lahat ng bayan ni Yahuwah! Ang banal na imbitasyon ay para sa mga tinukoy ng Ama bilang “Bayan Ko.”
Habang ang lahat ng nakinig sa panawagan ay mapagpalang tatanggapin, ang mensahe ay tiyak na nilayon para sa bayan ni Yahuwah! Walang sistema ng paniniwala ang hindi kasali. Walang partikular na denominasyon ang iiwan sa pagtuligsa. Lahat ng itinuring ang sarili na mga anak ni Yahuwah ay dapat, dahil dito, magbigay ng espesyal na pansin sa babalang ito dahil ito’y angkop sa kanila, gaano man karami o kabigat na patotoo ang kanilang nalalaman. Ang lahat ng tinawagan ni Yahuwah na “Bayan Ko” ay kabilang sa panawagan na lumabas ng Babilonya.
Isa ka ba sa bayan ni Yahuwah? Kailangan mong magbigay ng pansin. Ang mensaheng ito ay para sa iyo.
Pinapalawak ng Lumang Tipan ang babalang ito para sa huling henerasyon:
“Humiyaw ka ng malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang pakakak, at iyong ipahayag sa Aking bayan ang kanilang pagsalangsang, at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan.” (Isaias 58:1, ADB, binigyang-diin.)
Muli, ito ay ang mapagmahal na tinutukoy ni Yahuwah bilang “Bayan Ko” ang binalaan ng pagkakasala. At subalit, ang mismong susunod na berso ay ipinapakita na sila’y bulag sa kanilang kasalanan!
![]() |
Nananawagan si Yahuwah sa Kanyang mga matatapat na tao upang magsisi para sa isang kasalanan na hindi nila namamalayang ginagawa nila! |
“Gayon ma’y hinahanap nila Ako araw-araw, at kinalulugdan nilang maalaman ang Aking mga daan: na gaya ng bansa na gumawang matuwid, at hindi lumimot ng alituntunin ng kanilang [Elohim].” (Isaias 58:2, ADB)
Ito ay hindi naghihimagsik na mga makamundo na binigyan ng mensahe. Ang mga tao na binigyan ng babala tungkol sa kanilang kasalanan ay mismong mga tao na may debosyon tuwing umaga. Araw-araw nilang hangad si Yahuwah. Sila’y nalulugod sa Kanyang mga daan. Kahanga-hanga nga, nananawagan si Yahuwah sa Kanyang bayan na magsisi sa isang kasalanan kung saan wala silang kamalayan.
Ang babala ay nagwawakas sa pagpapakita ng kautusan na pinabayaan at nananawagan para sa isang pagbabalik sa maingat na pagsunod.
“Kung iyong iurong ang iyong paa sa Sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa Aking banal na kaarawan; at iyong tawagin ang Sabbath na kaluguran, at ang banal na araw ni Yahuwah na marangal; at iyong pararangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, ni hahanap ng iyong sariling kalayawan, ni magsasalita ng iyong mga sariling salita. Kung magkagayo’y malulugod ka nga kay Yahuwah . . . .” (Tingnan ang Isaias 58:13-14, ADB)
Nangako si Yahuwah na sa mga huling araw ay magkakaroon ng reporma sa Sabbath na isasagawa ng huling henerasyon:
“At silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali't saling lahi; at ikaw ay tatawagin Ang Tagapaghusay ng Sira, Ang Tagapagsauli ng mga Landas na Matatahanan.” (Isaias 58:12, ADB)
Ang Babilonya, bilang “Tarangkahan ng mga diyos,” ay isinasangkot ang huwad na pagsamba: ang pagsamba kay Lucifer, ang kaaway ni Yahuwah. Kaya ang panawagan na lumabas ng Babilonya ay sangkot ang pagpapanumbalik ng tunay na pagsamba.
Ang problema ay, ang mga tao na ganap na nakalubog sa Babilonya ay hindi nalalaman at hindi nakikita ito. Ang karamdaman ng espiritwal na pagkabulag ay humahantong sa kanila na kunin ang pagmamataas sa mga patotoo na taglay na nila at tanggihan ang anumang sumulong na liwanag na mali. Kaya tinatawad nila ang huling babala ng Langit na hindi para sa kanila.
- Ang Babilonya ay hindi lamang ang United Nations o ang Estados Unidos.
- Ang Babilonya ay hindi lamang ang mga paganong relihiyon ng mundo.
- Ang Babilonya ay hindi lamang ang Islam o Hudaismo.
- Ang Babilonya ay hindi lamang ang Simbahang Katoliko o Simbahang Orthodox.
- Ang Babilonya ay hindi lamang ang mga simbahan na sumasamba sa araw ng Linggo.
- Ang Babilonya ay hindi lamang ang mga simbahan na sumasamba sa araw ng Sabado.
![]() |
Anumang antas ng kamalian ay pinapanatili ang isang tao sa Babilonya. |
Kabilang ang lahat ng mga organisadong relihiyon at denominasyon sa Babilonya dahil ang lahat ng mga kasalukuyang denominasyon ay gumamit ng isang kalendaryo ng kapapahan na batay sa isang paganong kalendaryo para sa pagtukoy kung kailan sasamba: Biyernes, Sabado, o Linggo. Gaano man karami o kabigat ang maaaring angkinin ng isang denominasyon, o ang katumpakan ng kanilang itinuring na propeta, o ang banal na pagkapukaw ng kanilang tradisyon, kung sila’y pinuluputan ng anumang antas ng kamalian, sila ay nasa Babilonya.
Tandaan, ang panawagan na umalis ng Babilonya ay para sa bayan ni Yahuwah. Sapagkat sila nga, hindi nga sila kusang-loob na mananatili sa pagkakamali, ngunit walang kamalayan na nasa kamalian. Gayunman, ang kamalian na nakapulupot sa kanilang sistema ng paniniwala ay ipinapakita na sila ay nasa Babilonya.
Anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ni Yahuwah sa mga diyus-diyosan? Sapagkat tayo ay templo ng Elohim na buhay. Gaya ng sinabi ni Yahuwah, “Ako’y maninirahan sa kanila, at lalakad na kasama nila, Ako’y magiging Elohim nila, at sila’y magiging bayan Ko. Kaya’t lumabas kayo sa kanila, at humiwalay kayo,” sabi ni Yahuwah. “Huwag kayong humipo ng anumang bagay na marumi, at kayo’y Aking tatanggapin, at Ako’y magiging Ama ninyo, at kayo’y magiging mga anak Ko, sabi ng Makapangyarihang Elohim sa lahat.” (Tingnan ang 2 Corinto 6:16-18.)
Siyamnapung porsyentong patotoo na may 10% kamalian, ay hindi ginagawa ang kamalian na mababa. Ang patotoo na pinanghahawakan ay ginagawa lamang ang kamalian na kumapit doon sa mas mapanlinlang.
Kung ikaw man ay Katoliko o Orthodox; kung ikaw man ay Sabadista (SDA), Seventh Day Baptist o World Wide Church of God; kung ikaw man ay Methodist, Baptist, Presbyterian, Lutheran, Nazarene, Episcopalian o anuman, kung ang iyong denominasyon ay sumasamba sa araw ng Biyernes, Sabado o Linggo, ikaw ay nasa Babilonya at ang babala ay para sa iyo.
Ang paglabas ng Babilonya ay isang kaganapang nakakapagbago ng buhay. Ang bawat lugar ng iyong buhay ay maapektuhan.
![]() |
Kapag pinili ng tao na lumabas ng Babilonya, ang bawat lugar ng buhay ay maapektuhan. |
- Layunin ng karera
- Edukasyonal na Oportunidad
- Pagkakaibigan at samahan
- Pagkakaugnay sa simbahan
- Istilo ng pamumuhay
- Diyeta
- Pananamit
- Libangan
Ang Babilonya ay ang buong imprastraktura ng mga kasinungalingan, panlilinlang at makamundong pang-akit ni Satanas.
Ang paglabas ng Babilonya ay nangangailangan ng ganap na paghihiwalay mula sa mundo at mga pang-akit nito. Ang mga makamundong pangrahuyong ito ay naiiba mula sa iba’t ibang tao. Para sa ilan, ito ay mga gayak ng makamundong tagumpay: respeto sa kanilang piniling trabaho; impluwensya sa kanilang mga kapantay. Para sa iba, ito ang pagsasama ng kanilang pamilya sa simbahan: ang reputasyon na nakamit nila bilang isang matapat, taos-pusong Kristyano, masugid sa denominasyonal na kredo.
Para sa iba pa, ang pag-ibig sa kanilang tahanan, mga sasakyan, layunin sa buhay, oportunidad sa karera, istilo ng pamumuhay, paboritong pagtakas, at ang mga gayak ng pamumuhay sa siyudad ay mga bigkis na hindi nakikila bilang mga matatag na angkla sa Babilonya. Para sa lahat, ang mga opinyon ng iba ay maaari ang pinakamalakas na tanikala sa Babilonya. Ito ay maaaring pinakamahirap na gapos sa lahat para sumuko at sabihin, “Hindi ako, kundi si Yahushua.”
Ang mga relasyon sa mga malapit at minamahal ay tiyak na maaapektuhan kung pinili nila na manatili sa Babilonya at ikaw ay umalis na. Gayunman, ang pananatili ay magreresulta sa iyo ng kawalan ng walang hanggang buhay. Isang tunay na kwento ang grapikong naglalarawan ng katunayang ito:
Ang kanyang asawang lalaki ay isang magiliw na tao, kaya siya ay nasanay sa mga panauhin para sa hapunan. Natutunan niya kung paano mabilis na gawin ang ordinaryong hapunan na isang hapunan para sa panauhin. Ang dalawang lalaki na hinatid niya sa tahanan kagabi ay tila hindi karaniwan. Pagkatapos ay naging kakaiba ang mga kalagayan.
“Dapat mong lisanin ang bayan ngayon,” sinabi ng mga panauhin. “Ang siyudad na ito ay mawawasak.”
Tiyak na sila’y nagbibiro lamang! Sino nang nakarinig na ang isang siyudad ay mawawasak nang kabigla-bigla? Wala naman sa digmaan. Isa pa, ang kanilang bayan ay hindi naman kasing-lala ng lahat ng ibang siyudad na nakapaligid. Ngunit ang mga taong ito ay nakakumbinsi. Mapilit, kahit na.
Ang kanyang asawang lalaki ay nagmadali sa bayan upang balaan ang kanyang mga may pamilya nang anak ng panganib. Bumalik siya nang mag-isa. Nagdadalamhati. Natalo. Walang naniwala sa kanya. Lahat sila’y bumalik na sa kani-kanilang mga tulugan, tumatawa sa pagiging mapaniwalain ng isang matandang lalaki.
Siya’y nag-aalinlangan. Ang mga kalagayan ay agad nagaganap. Tiyak, lahat ng ito’y pagkakamali. Bakit kailangan nilang umalis sa kadiliman ng gabi? Maaari silang gumalaw, ngunit nangangailangan ng oras para ibenta ang bahay; kailangan ng tamang panahon para lumipat; humanap ng isa pang lugar, mag-alsa balutan, dalhin ang kanilang mga ari-arian. Imposible na dumampot at umalis lamang. Nangangailangan na lisanin ang lahat ng bagay!
Ang mga lalaki ay naging mas madalian. Bawat isa’y hawak ang isang kamay; kanyang asawa, kanilang dalawang babae. Dinala palabas ng bayan, ang mga lalaki ay sumigaw, “Tumakbo para sa iyong buhay! Dali! At huwag kang lilingon sa likod mo.”
Natulala, medyo hindi naniwala, nalito, nagsimula na silang tumakbo. Dali! Dalian ninyo! Tumakbo lamang! Huwag titigil! Huwag lilingon! Ang takot ay ang manunugis.
Habang ang Bukang-Liwayway ay nagsimula nang kulayan ang langit sa silanganan, isang malakas na kulog ang bumasag sa maagang katahimikan ng umaga. Ang mga bola ng apoy ay nagsimulang bumagsak mula sa kalangitan, patungo sa kanyang tahanan, sa kanyang bayan . . . sa kanyang mga anak!
Ang reaksyon ay hindi planado. Ang kanyang mga anak at apo ay nandoon pa! Tumanggi silang sumama noong binalaan sila ng kanilang ama. Paano niya iniwan ang mga ito?
Tumigil siya. Lumingon siya. Siya ay naging isang hanay ng asin. Ang kanyang mga anak ay nanatili pa sa Sodoma. Iyon ang lugar niya kung saan nanatili ang kanyang puso, kaya namatay ang asawa ni Lot sa pagkawasak na bumagsak sa mga siyudad ng kapatagan, kahit na siya ay nasa ligtas na distansya, sa isang bayan. (Tingnan ang Genesis 19.)
Ang asawa ni Lot ay marahil hindi isang masamang babae. Siya ay isang ina. Iniibig niya ang kanyang mga anak. Lumingon siya dahil ayaw niyang iwan ang kanyang mga anak. Sa kasagutan sa patuloy na mga panalangin ni Abraham (tingnan ang Genesis 18:17-33), nagsugo ang Langit ng dalawang anghel upang kaawaan ang kanyang buhay at ang mga buhay ng lahat ng naniwala sa kanilang mensahe. Ngunit ang pag-ibig sa kanyang mga anak nang higit pa sa pag-ibig para sa kanyang Tagapagligtas, ay humantong sa kamatayan kasama ang pagkawasak ng mga naiwan. Siya ay hindi karapat-dapat sa mapagpalang kaligtasan na inalok.
Bumagsak si Adam noong inibig niya ang kanyang asawa nang higit pa sa kanyang Manlilikha. Ilan ngayon ang gumagawa ng kaparehong pasya?
![]() |
Walang sinuman ang nasisiyahan na pinagtsitsismisan o pinagtatawanan. |
Para maging hiwalay ay para maging kakaiba. Karamihan sa mga tao ay hindi nais na maging kakaiba. Ito’y maaaring hindi maginhawa, mas malala’y nakakahiya. Hindi kaaya-aya na hindi maunawaan, pagtsismisan, o pagtawanan. Marami ang mawawalan ng walang hanggang buhay sa pamamagitan ng takot sa kutya . . . o dahil ang kanilang mga asawa o anak ay tinanggihan ang panawagan na iwan ang Babilonya . . . o dahil ang kanilang mga pastor ay iginigiit ang panawagan ay hindi para sa kanila dahil sila’y wala sa Babilonya.
Ang bawat indibidwal ay magkakaroon ng isang naiibang kombinasyon ng mga emosyonal na bigkis at mga makamundong pang-akit na magpupumilit sa kanila na manatili sa Babilonya. Ang mga tanikalang ito ay maaaring magpunyagi ng napakalaking lundo. Tutuksuhin ni Satanas ang lahat ng maririnig ang panawagan na iwan ang Babilonya upang pangatuwiranan ito nang palayo dahil pang-indibidwal na hindi angkop sa kanila.
Sandali bago siya pagtaksilan sa Getsamani, nangako si Yahushua na isusugo niya ang Banal na Espiritu.
Sa kanyang pagdating, ilalantad niya ang kamalian ng sanlibutan tungkol sa kasalanan at sa katarungan at sa paghatol . . . Kapag dumating siya, ang Espiritu ng katotohanan, gagabayan niya kayo sa lahat ng katotohanan . . . . (Juan 16:8, 13, FSV)
Ang Banal na Espiritu ay hahatulan ang bawat indibidwal kung ano ang ibig sabihin ng “Babilonya” sa kanyang buhay. Hahatulan ka niya kung ano ang gumagapos sa iyo sa Babilonya. Sukdulan ang kahalagahan na ang mga pag-uudyok ng Espiritu ni Yahuwah ay agarang susundin. Tanging ang mga inibig ang kanilang Manlilikha nang higit pa sa anumang bagay ay kusang-loob na isusuko ang lahat, bubuhatin ang krus ng pagsunod, at susundan ang kanilang Tagapagligtas palabas ng Babilonya.
Ang mga ina ay iniibig ang kanilang mga anak nang “higit pa sa buhay.” Ngunit ang lahat ng iniibig ang kanilang Manlilikha at Tagapagligtas, hindi lamang higit sa buhay, kundi higit pa sa mga anak, higit pa sa karera, higit pa sa niyakap na mga pangarap at personal na layunin, higit pa sa impluwensya ng mga kasama, reputasyon o maging ang asawa.
Malinaw na binigkas ni Yahushua ang kabayaran ng kaligtasan:
Ang nagmamahal sa ama o sa ina nang higit kaysa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin; at ang nagmamahal sa anak na lalaki o babae nang higit kaysa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin. Sinumang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin. (Mateo 10:37, 38, FSV)
Ang pakikinig sa panawagan na lumabas ng Babilonya ay nangangailangan ng pagkilala ng mga nakaraang espiritwal na pagkabulag. Ito ay pagpapakumbaba. Ang pag-alis sa Babilonya ay nangangailangan ng kusang-loob na sundin ang patotoo ano pa man ang kabayaran.
Susundin mo ba ang babala? Kung wala kang malakas na pananalig na tumindig mag-isa, kung wala kang sapat na pag-ibig para sa patotoo, o ang katapangan na humiwalay mula sa Babilonya, makiusap para rito! Lahat ng bagay na kailangan mo para sa kaligtasan ay pinangakuan na makukuha sa iyong pakiusap. “Kung magagawa mong sumampalataya, mangyayari ang lahat sa sinumang may pananampalataya.” (Marcos 9:23, FSV)
Kukunin mo ba ang krus at susundin ang iyong Tagapagligtas?
Lalabas ka ba ng Babilonya?