Lumalaking Pandaigdigang Ugnayan ni Satanas | Ang Estados Unidos Ay Naging Halimaw
Ang Aklat ng Pahayag ay kaloob ni Yahuwah para sa huling henerasyon. Ito ay isang pangkalahatang-ideya, sa mga simbolo, ng mga huling pangyayaring magaganap sa katapusan ng mundo. Isa sa mga sipi ang nagbabala ukol sa kapangyarihang tutungo sa pandaigdigang pangingibabaw, na magpapatupad ng huwad na pagsamba:
![]() |
Ang Aklat ng Pahayag ay kaloob ni Yahuwah para sa huling henerasyon. Ito ay isang pangkalahatang-ideya, sa mga simbolo, ng mga huling pangyayaring magaganap sa katapusan ng mundo. |
“At nakita ko ang isa pang halimaw na lumilitaw mula sa lupa. May dalawang sungay ito na tulad ng mga sungay ng isang batang tupa, ngunit nagsalita ito na parang dragon.
“Ginamit niya ang lahat ng kapangyarihan ng unang halimaw upang ipatupad ang kagustuhan nito. Ang lahat ng tao sa lupa ay pinilit niyang sumamba sa unang halimaw na nagkaroon ng sugat na nakamamatay ngunit gumaling na.
“Kahanga-hanga ang mga kababalaghang ginawa ng pangalawang halimaw; nagpaulan siya ng apoy mula sa langit, at ito'y nasaksihan ng mga tao.
“Nalinlang niya ang lahat ng tao sa lupa sa pamamagitan ng mga kababalaghang kanyang ginawa sa harapan ng unang halimaw. Nahikayat niya ang mga taong gumawa ng isang larawan ng unang halimaw na nasugatan ng tabak ngunit nabuhay.
“Ipinahintulot din sa kanya na bigyan niya ng hininga ang larawan ng unang halimaw. Kaya't nakapagsalita ang larawan at ipinapatay nito ang lahat ng ayaw sumamba sa kanya.
“Sapilitang pinatatakan ng ikalawang halimaw ang lahat ng tao sa kanilang kanang kamay o sa noo, maging sila'y dakila o hamak, mayaman o mahirap, alipin o malaya.
“At walang maaaring magtinda o bumili malibang sila'y may tatak ng pangalan ng halimaw o ng bilang na katumbas ng pangalan niyon.” (Pahayag 13:11-17, MBB)
Sa pag-aaral sa mga ibinigay na simbolo, maaaring malaman ang babalang ibinigay ng Langit. Ayon sa Kasulatan, ang mga “halimaw” ay laging kumakatawan sa pandaigdigang kapangyarihang pulitikal. Nung si Daniel ay binigyan ng pangitain tungkol sa mga halimaw, ipinaliwanag ng anghel, Ang apat na halimaw ay apat na kahariang lilitaw sa daigdig. Ngunit ang mga hinirang ng Kataas-taasan . . . ang bibigyan ng karapatang mamahala magpakailanman. (Daniel 7:17-18, MBB) Tiniyak ng Kasulatan ang mga halimaw na kumakatawan sa kapangyarihan ay mga nakidigma laban sa bayan ni Yahuwah sa iilang paraan.
Ang simbolikong paglalarawan ng halimaw na nabanggit sa Pahayag 13 ay kinikilala sa propesiya ng Estados Unidos ng Amerika.
Ang halimaw na ito ay lumitaw sa “lupa”. Ayon sa
Kasulatan, ang mga “dagat” at “katubigan” ay kumakatawan sa “mga tao, bayan,
bansa, at wika”. (Tingnan ang Pahayag
17:15) Ang halimaw na lumitaw mula sa lupa, samakatuwid, ay kakatawan sa
kapangyarihang lumabas sa malaking lupaing halos walang nakatira. Mayroon na
lamang isang natitirang “sobra sa kapangyarihan” sa mundo ngayon at, hindi
tulad sa ibang nangungunang bansa sa entablado ng mundo, ito’y lumitaw mula
lupaing hindi halos tinitirahan.
Karamihan sa mga bansa ay maaaring tandaan ang kasaysayan sa nakalipas na ilang libong taon. Ang Estados Unidos lamang, na isang kaukulang bagong dating sa tagpuang-pulitikal, lumitaw mula sa “bagong lupain” at bilang isang bansa, ay nasa kinalalagyan na nito sa loob lamang ng mahigit 200 taon.
Ang Estados Unidos ay matagal nang kilala sa dalawang katangian: ang Protestantismo at Republikanismo (hindi dapat malito sa partido pulitikal ng kaparehong pangalan). Ang mga tampok na katangiang ito ay nagtakda sa Estados Unidos na kakaiba mula sa lahat ng ibang bansa. Ito ay isang bansang walang hari at mayroong simbahan na walang papa. Ganoon, ito ay nag-alok ng antas ng kalayaan at libertad ng budhi na wala kahit saan man sa mundo.
Ang dalawang natatanging palatandaang ito ay kumakatawan sa “dalawang sungay tulad sa batang tupa” na taglay ng halimaw. Sa katunayan, ang dalawang sungay na ito ay lubos na kakaiba ngunit nagbigay lamang ng pisikal na paglalarawan sa halimaw. Ayon sa Kasulatan, ang mga sungay ay simbulo ng kapangyarihan, at ito ay nagtaguyod ng kalayaan sa ilalim ng Protestantismo at pamahalaang Republika na kung saan ang Estados Unidos ay ginagamit ang kanyang kapangyarihan.
Subalit ang propesiya ay nagpatuloy, ipinapakita ang nagbabantang ekspedisyon. Ang “mga sungay” ay mapanlinlang dahil ang halimaw na ito ay “maririnig tulad sa dragon” sa lalong madaling panahon. Ang Bagong Tipan ay mayroong dalawang magkaibang salita na isinalin sa isang Tagalog na salita, “halimaw”. Ang una, inilarawan ng mga nilalang na nagtipon sa paligid ng trono (tingnan ang Pahayag 4:6-11), tumutukoy sa isang masunurin, at maamong nilalang. Ang ikalawa, isang kaharian ng mundo, ay mabangis, mapanglupig na halimaw na sumila! Tinutukoy ng Pahayag 13 ang ikalawa. Ito’y hindi na maamo tulad ng tupa na halimaw. Ito na ay mabangis, nagsasalita tulad sa dragon na halimaw na pumupunit at sinisira anuman sa kanyang daraanan.
Naging totoo na biniyayaan ni Yahuwah ang Estados Unidos habang ang mamamayan ay nabubuhay sa mga simulain ng katotohanan at kaluwalhatian sa kanyang sarili, indibidwal na buhay. Ang Estados Unidos ay naging taguang kanlungan, isang lupang pangako para sa marami na nakaranas ng persekusyon at pagmamalupit sa lupain na kanilang pinagmulan. Gayunman, may plano rin si Satanas sa bagong bansa na ito. Masyado pang maaga, ang Estados Unidos ay nagsimulang ipakita ang katangiang kakaiba sa kanyang maamong ugali, at mga sungay tulad sa tupa.
Ang Washington D.C. mismo ay kakaiba sa mga
siyudad ng E.U. sapagkat ito ay itinatag ng Konstitusyon para mamuno na bagong
kabisera ng bansa. Si George Washington, ang kauna-unahan, rebolusyonaryong
pangulo at 33° Freemason ay pinili ang kapwa mason, si Pierre Charles L’Enfant of
France, upang disenyohin ang kaayusan ng Washington D.C.
Malayo mula sa pagiging madaling lakbayin na siyudad dahil sadyang inaayos, ito ay isa sa pinakamahirap na siyudad sa mundo na galain sa loob sapagkat ang kaayusan ay binalangkas na lagyan ng nakatago, mahiwagang simbolismo sa mga lansangan, parke, at kinalalagyan ng mga gusali sa loob ng siyudad!
Ang White House, sagisag ng pamahalaang Amerika, ay nakaupo sa tuktok ng saliwang pentagram, nabuo sa maraming dayagonal na lansangan ng siyudad. Ang parisukat at ang kumpas, matagal nang mga sagisag ng freemasonry, nag-abot mula sa White House hanggang sa gusali ng Kapitolyo. Mas kamakailang itinayo, ang Pentagon, sentro ng kapangyarihang militar ng Amerika, ay nasa hugis ng pentagon na sentrong hugis ng isang pentagram.1
Karamihan sa ika-19 na siglo ay lumipas sa paglaki ng hangganan ng Amerika hanggang ito ay naging bansa bilang pangatlong may pinakamalaking lupain sa buong mundo. Sa maagang ika-20 siglo, ang pundasyon ng pandaigdigang paghahari sa pananalapi ng Amerika ay inilatag sa pagbuo ng Federal Reserve noong Disyembre 23, 1913, Ito ay tiniyak ang pinagkasundong pagkabusabos ng mga salinlahi ng mga Amerikano, at ibang pang mga bansa na ang pamahalaan ay “bumili” sa debito ng Amerika.
![]() |
Si Von Braun noong Mayo 1964 kasama ang mga modelo ng Saturn rocket na pamilya na umusad sa karera ng |
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay labis na kapaki-pakinabang sa pamahalaang Amerika. Sa pagtatapos ng digmaan, ang Estados Unidos at ang Unyon Soviet ay “hinati ang mga natira” ng napakabagong-teknolohikong bansang Alemanya, ninakaw hindi lamang ang mga lihim pangmilitar sa mga makabagong armas, kundi makabagong teknolohiya sa industriya at komersyo rin. Sa ilalim ng Proyektong Paperclip, maraming nangungunang siyentipikong Aleman, karamihan sa kanila ay mataas na direktiba ng SS, ang pinadala sa Estados Unidos at binuo ang batayan ng kasalukayang CIA at NASA.2 Si Werhner von Braun, dating direktiba ng SS, nanungkulan sa NASA bilang direktor ng Marshall Space Flight Center, at nagwagi ng National Medal of Science noong 1975. Maging ang kilabot ng mga kalangitan ng Amerika, ang Stealth Bomber, ay base sa disenyong Aleman noong 1944.
Ang Cold War matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagbigay sa Estados Unidos ng paulit-ulit na dispensa para sa paglahok sa mga internasyonal na digmaang banyaga, lahat sa ilalim ng pagbabalat-kayo na “pigilan ang Komunismo”. Mula Korea, sa Vietnam, hanggang sa Unang Digmaang Golpo, ang huling bahagi ng ika-20 siglo ay balot ng lumalaking pagsalakay ng mga Amerikano. Maging ang ilan sa mga banyagang lider ay hindi lusot mula sa pagkamatay dahil sa mga misyon ng operatibang black ops kapag ang kanilang adyendang pulitikal ay salungat sa Estados Unidos.
Sa pagtatapos ng Cold War, ang ugnayang militar ng Amerika ay nangailangan ng bagong kaaway para labanan sa pakikipag-agawan sa pandaigdigang paghahari. Isang bukas na lihim, kinilala ng maraming Amerikano, ay ang maayos at dokumentadong katotohanan na ang kasuklam-suklam na ginawa laban sa mga mamamayan ng Amerika noong Setyembre 11, 2001, ay sa katunayan isang trabahong panlooban (inside job) ng pamahalaan ng Amerika, tiyak na inayos upang makagawa ng pandaigdigang kalaban.3 Ang mga hindi malilimutang larawan ng mga Muslim na nagbubunyi sa balita ng nakagigimbal na pangyayari nung umaga ng taglagas ay nagpapakita ng pandaigdigang kamangmangan na ang napakasamang krimen ay balangkasin para bigyan ang Estados Unidos at mga kaalyado sa United Nations (UN) ng kailangang palusot na pasukin ang ibang nagsasariling bansa.
Noon pa man, ang pagkilos ng pagpasok sa malayang bansa ay itinuturing na isang pagkilos sa digmaan. Ngayon, sa ilalim ng hindi malinaw na kalahatan ng isang “digmaan sa malaking takot”, anumang pamahalaan na nais ng Estados Unidos na sakupin kailangan lamang na akusahan ng “pagpapatira” o “may panukala” sa mga terorista kapag ang Estados Unidos at kanyang mga kaalyado ay inatake. Ang mga buhay ng di-mabilang na sibilyan sa Afghanistan at Iraq ay nawasak ng mapanglupig na kapangyarihang-halimaw ng Estados Unidos. Radiation poisoning mula sa mga nasimot na armas na uranium, na ginamit sa Gitnang Silangan, ay isang krimen laban sa sangkatauhan.4 Hindi lamang nito naaapektuhan ang mga sibilyang nadadamay sa atakeng militar ng Estados Unidos, kundi pati mga buhay ng mga sundalong Amerikano at kanilang mga pamilya na nalilinlang sa kaisipang sila ay lumalaban para sa kanilang bansa.5
Ang mga military drones ng Estados Unidos ay isa
lamang sa mga paraan ng kapangyarihang-halimaw bilang panakot sa buong mundo. Ilang
drones ang lumilipad nang mataas sa teritoryo ng kalaban, nagpapabawas sa bilang
ng mga namatay sa mga hanay ng Amerikanong militar habang inaasinta ang mga
kalaban ng mga Amerikano. Ang mga mamamayan ng Amerika ay hindi ligtas mula sa
mapang-abalang pang-eespiya. Ang paggamit ng mga drones sa loob ng Estados
Unidos, minsang tiniwalag bilang “conspiracy theory”, ay ngayon isang inaming
katotohanan.6 Ang pagsasarili ay isang bagay na lamang ng nakaraan
sa lahat ng namumuhay na saklaw ng pamahalaang Amerika. Ngunit ang mga drones
ay isa lamang sa mga paraan ng pamahalaang Amerika para gamitin ang despotikong
kontrol sa lahat ng mamamayan at iba pa. May mga kamera sa mga lansangan na
nagpapanatili ng pagtatanod sa mga mamamayan habang ang mga mabisang Super-Cray
komputers ay nagpapayo sa bawat internasyonal at karamihan pambansang mga phone
calls at mga e-mail.
Ang Amerika, minsang “matamis na lupain ng kalayaan”, ngayon ay isa nang mapanglupig na kapangyarihang-halimaw laban sa mga Amerikano o banyaga man. Isang paglaganap ng libo-libong batas na ginagawa sa karaniwang mamamayan, sa totoo lang hindi alam bilang isang krimen. Habang ang mga Amerikano ay patuloy na naniniwala na ang kanilang bansa ang pinakamalaya sa buong mundo, sa totoo lang, ang Estados Unidos ay may pinakamalaking populasyon sa mga bilangguan bawat capita sa buong mundo. Isinasagawa ang mga “shock drills” ng mga militar sa mga siyudad ng Amerika, at sinasanay ang mga hukbo sa digmang urban laban sa sarili nitong mamamayan!7
Ang pamahalaang Amerika ay kumukuha ng walang
uliran at aggresibong aksyon laban sa sarili nitong mamamayan, nilulusob ang
mga maliliit na negosyo at bukirin, kinukumpiska o sinisira ang mga paninda at
sinasara ang mga kooperatiba ng pagkain.8 At sa kaparehong panahon,
ang mga kumpanyang pharmaceutical ay nakakakuha ng higit na kapangyarihan, sa
Amerika man o sa ibayong-dagat, ipinagbabawal ang maraming epektibong likas na
panlunas, habang patuloy na tinataguyod ang mga droga at binabagsak ang mga tao
tungkol sa tunay na pisikal at mental na epekto ng kanilang mga lason. Ang
pamahalaang Amerika ay ginagamit ang mga makapangyarihang kumpanyang ito sa
paraang todo-todo para sa pandaigdigang pamumuno. Malawak na dinokumentado na
ang AIDS virus sa Afrika ay itinurok sa mga katutubong populasyon sa
pamamagitan ng “libreng” bakuna na ibinigay ng Western health care workers.
Sa walang-hanggan lamang ang mga masasamang ginagawa na ito, at sa ilalim ng impluwensya nito, ang kapangyarihang-halimaw na ito ay makikita sa sagad na saklaw. Hindi lamang mga mamamayang Amerikano, kundi milyun-milyong sa buong mundo ay tuluyang naging biktima ng mga additives at preservatives, ang mga pagkaing genetically-modified na itinaguyod ng pamahalaang Amerika at iba’t ibang entidad sa ilalim ng proteksyon nito. Maging ang mga sariwang pagkain ay nahawaan na kaya ang mga pagkaing nabibili ay wala nang halagang sustansya ano pa man. Ang pag-“soft killing” sa masa ay malayong napatupad gamit ang pagsaboy ng chem-trails sa mga bansang NATO.
Ang pag-unlad ng Estados Unidos mula sa mapagmahal sa kalayaang lupain hanggang sa halimaw na naririnig tulad sa dragon ng propesiya ay umabot sa walang pakundangang sukdulang paggamit ng mga executive order. Ang salungat sa saligang-batas na mga utos na ito ay nagiging batas, simple lang sa pamamagitan ng paglathala sa Federal Registry nang hindi na dumadaan sa Kongreso. Ang mga executive orders na ito kamakailan lamang ay nagbigay sa Pangulo ng pahapyaw na kapangyarihan anuman mula sa pagkumpiska ng mga personal na pagmamay-ari hanggang sa di-tiyak na pagkakakulong nang walang paglilitis at maging pagpatay. Ang labis na paglabag sa karapatang-pantao ay maaaring madamay kahit sino, mamamayang Amerikano man o hindi, ang pangulo ng Estados Unidos ay maaaring ideklara ang sinumang tao bilang “kalaban” at lahat ng kalaban ay maaaring mapatay nang ligal.
![]() |
Pangulong Obama, naglalagda ng isang executive order. |
Karamihan sa mga Amerikano ay nananatiling mangmang sa mga pagbabago sa kanilang pamahalaang minsang nagbigay ng tunay na kalayaan. Ang kontroladong media ay naglalathala lamang ng mga kwento na nais ng pamahalaan na kilalanin. Dun sa mga nakakaalam ng patotoo, nabubuhay sa takot sa kapangyarihang ito na umabot nang pandaigdigan.
Ipinapakita ng propesiya ng Pahayag na ang ganap na pagbabagong-anyo ay matatapos kapag ang Estados Unidos ay nagtakda na ng pagtanggap sa “tanda ng halimaw” at huwad na pagsamba hanggang sa panaghoy ng kamatayan. Ang kapangyarihang heo-pulitikal na ito ay lilinlang sa...
“. . . lahat ng tao sa lupa sa pamamagitan ng mga kababalaghang kanyang ginawa sa harapan ng unang halimaw. Nahikayat niya ang mga taong gumawa ng isang larawan ng unang halimaw . . .
“Ipinahintulot din sa kanya na bigyan niya ng hininga ang larawan ng unang halimaw. Kaya't nakapagsalita ang larawan at ipinapatay nito ang lahat ng ayaw sumamba sa kanya.
“Sapilitang pinatatakan ng ikalawang halimaw ang lahat ng tao sa kanilang kanang kamay o sa noo, maging sila'y dakila o hamak, mayaman o mahirap, alipin o malaya.
“At walang maaaring magtinda o bumili malibang sila'y may tatak ng pangalan ng halimaw o ng bilang na katumbas ng pangalan niyon.” (Pahayag 13:14-17, MBB)
“Nagsasalita” ang halimaw kapag nagpapatupad ng batas. “Sapilitan” naman niyang ipinatutupad ang mga batas na ito kapag naipasa na. Ang siping ito ay nagpapakita na walang maaaring magtinda o bumili, at gagawin sa lahat ng hindi sumunod at sumamba sa larawan ng halimaw. Ang huling pagpapatupad ay magaganap sa panaghoy ng kamatayan. Tunay ngang si Satanas ay mayroong pandaigdigang ugnayan sa pagmamay-ari ng bangkong estadong pulis ng Amerika; ito na lamang ang heo-pulitikal na pwersa sa mundo na may saklaw at lakas ng militar na ipatupad ang nais nito sa buong mundo.
Lahat ng mananatiling matapat kay Yahuwah ay dapat tumayo at humarap sa makapangyarihan at napakasamang kaaway na ito.
Para maging larawan, mayroon dapat na orihinal.
Ang orihinal na halimaw na kinopya sa katapusan ng panahon ay ang
herarkiya ng Simbahang Katoliko, ang kapangyarihang sungay. Ang kanilang
hugis tatsulok na relihiyo-pulitikal na makina ng pagkaalipin ay nagdala ng
kamatayan sa karamihan sa mga katutubong taong-nayon dahil sa anumang itinuring
na kasalanan laban sa simbahan noong Panahon ng Kadiliman. Tulad noon, malapit
nang maganap, ang anti-Kristo na kapangyarihang relihiyoso ay itatayo at
itataguyod ng Estados Unidos.
Sa awa, si Yahuwah ay nagbigay ng isang sulyap ng nalalapit na hinaharap, ang hinaharap na makakapekto sa bawat taong nabubuhay sa lupa. Ngayon ang oras para gawin ang iyong pagtawag at siguradong paghalal. Ngayon ang panahon na isagawa ang kapayapaan kasama ang iyong Tagapaglikha at Siya ang babago sa iyong kaluluwa. Matutunang manalig sa Tagapagligtas kaya kung kailan ang huling pagsubok ay darating, ikaw ay mananatiling matapat sa Kanya, kahit pa buhay mo ang maging kapalit.
Ngayon na magdesisyon na tumayo para sa katotohanan kahit ano pa man ang maging katumbas nito.
“Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matatakot o mawawalan ng pag-asa, sapagkat akong si [Yahuwah], na iyong [Eloah], ay kasama mo saan ka man magpunta.”
(Josue 1:9, Magandang Balita Biblia Tagalog)
1 Tingnan ang http://www.jesus-is-savior.com/False%20Religions/Illuminati/dc.htm.
2 Tingnan ang Project Paperclip: Dark Side of the Moon.
3 Tingnan ang http://theintelhub.com/2012/09/11/911-the-ultimate-inside-job-and-false-flag-operation/.
4 Tingnan ang http://www.globalresearch.ca/death-made-in-america-impacts-of-depleted-uranium-contamination-on-afghanistan-s-children/2412 at http://thewe.cc/weplanet/news/depleted_uranium_iraq_afghanistan_balkans.html.
5 Tingnan ang http://www.cuttingedge.org/News/n2063.cfm.
6 Tignan ang http://www.latimes.com/news/nationworld/nation/la-na-domestic-drones-20130216,0,3374671.story.
7 Tingnan ang http://www.infowars.com/report-realistic-urban-training-is-dhs-and-dod-conducting-desensitizing-exercises/.
8 Tingnan ang http://grist.org/article/food-five-tips-for-surviving-a-raid-on-your-farm-or-food-club/full/.