Mag-Ingat! Ang Daigdig ay Gagawin Na Walang Laman!
Maraming Kristyano ay ipinalagay na ang pagbabalik ni Kristo ay hindi mangyayari sa kanilang buhay. Sa halip, ipinalagay nila na ang buhay ngayon ay magpapatuloy. Gayunman, isang hindi inaasahang serye ng mga kaganapan ay babaguhin ang buhay sa lupa na nalalaman natin . . .
|
Hindi ko maalala ito. Dalawang taon lamang ako, ngunit sinabi sa akin na nagalit ang aking ina sa aking ama. Dinala niya ako sa isang sakay sa rollercoaster, habang naiisip niya na napakabata ko pa. Noong natapos na ang sakay at dinala ng ama ang isang umiiyak na bata sa kanyang ina, torpeng hindi pinapansin ang mga sulyap ng panghuhusga ng ibang matatandang dumadaan sa ama, ang takot ng ina ay tila kumpirmado. Ang dalawang taong gulang ay napakabata pa para isakay sa rollercoaster.
Pagkatapos ay ipinaliwanag niya: Umiiyak ako dahil lubos kong ikinalulugod ang pagsakay na iyon, parang ayoko nang bumaba!
Ilan sa mga tao ay ibig na matakot; ang iba ay hindi, at habang ang sikolohiya ay hindi nalalaman nang tiyakan ang lahat ng bagay na nagdudulot ng iba’t ibang reaksyon sa takot, ilan sa mga mananaliksik ay ipinahiwatig ang pagkakaiba ay may kinalaman sa paano maranasan ng mga tao ang lundo. Ang isang tao na ibig manood ng mga nakakatakot na pelikula, halimbawa, ay mararamdaman na masigla sa isang adrenalin na buntunan, habang ang iba ay iiwasan ang nakakatakot na libangan ay ipapaliwanag ang kaparehong adrenalin na silakbo bilang isang pag-atake ng sindak.
Pagdating sa propesiya, ang mga Kristyano ay tila nahahati rin sa dalawang pangkat. Ang maliit na minorya ay lubos ang tiwala na si Yahuwah ay bibigyan sila ng proteksyon sa panahon ng kabagabagan na sila sa katunayan ay nasasabik sa kaisipan na masaksihan ang mga himalang iyon. Ang malawak na mayorya ng mga Kristyano, gayunman, ay natatakot sa kaisipan ng pamumuhay sa daigdig habang ang poot ni Yah ay ibinubuhos. Ang erehya ng isang mahilim na rapture kung saan ang isang espesyal na nalalabi ay kukunin patungong Langit bago ang huling pitong salot ay umunlad bilang isang paraan na muling pagtitiyak sa mga mananampalataya na hindi, hindi nila kailangang mag-alala tungkol sa panahon ng kabagabagan.
Maaaring maganda ang pantasyang iyon, yun lang ang lahat ng iyon: isang pantasya. Malinaw ang Kasulatan na si Yahuwah ay mayroong nalalabi na mananatiling matapat sa Kanya habang nabubuhay sa huling pitong salot at Siya ay magbibigay ng proteksyon sa kanila. Sa mga araw na paparating, sa lahat ng mga pakikitungo ng Ama, ang pag-ibig ni Yahuwah ay makikita para sa walang kapaguran, walang katapusang himala na ito.
Ang Isaias 24 ay isa sa mga kaloob ng pag-ibig ni Yahuwah sa Kanyang mga anak. Ipinapakita nito kung ano ang mangyayari sa panahon ng dalawang naiibang bahagi ng banal na paghuhukom. Ang unang bahagi ay ipinaliwanag sa Pahayag 8 at 9 sa ilalim ng simbolohiya ng pitong trumpeta. Ang ikalawang bahagi ay ang mas nalalamang huling pitong salot, inilarawan sa Pahayag 16. Ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng dalawa, ay ang mga pangyayari sa ilalim ng mga trumpeta ay ang panawagan sa mga tao na magsisi. Dahil dito, ang mga paghahatol na ito ay hinaluan ng awa. Kabaligtaran nito, ang “huling” pitong salot ay walang halong awa, “sapagka't sa mga yao’y magaganap ang kagalitan ni Yahuwah.” (Pahayag 15;1, ADB1)
Ipinapakita ni Isaias ang mga serye ng pangyayaring ito sa unang pagpapaliwanag kung ano ang magiging panghuling resulta: isang sirang lupa.
Narito, pinawawalan ng laman ni Yahuwah ang lupa,
At sinisira, at binabaligtad,
At pinangangalat ang mga nananahan doon.
At mangyayari,
Na kung paano sa mga tao, gayon sa saserdote;
Kung paano sa alipin, gayon sa kaniyang panginoon;
Kung paano sa alilang babae, gayon sa kaniyang panginoong babae;
Kung paano sa mamimili, gayon sa nagbibili;
Kung paano sa mapagpahiram, gayon sa manghihiram;
Kung paano sa mapagpatubo, gayon sa pinatutubuan.
Ang lupa ay lubos na mawawalan ng laman, at lubos na masasamsaman;
Sapagka't sinalita ni Yahuwah ang salitang ito. (Isaias 24:1-3)
Lahat ng nasa lupa ay maaapektuhan ng mga pangyayaring malapit nang maganap.
Ang lupa ay tumatangis at nasisira,
Ang sanglibutan ay nanghihina at nanglalata,
Ang mapagmataas na bayan sa lupa ay nanghihina.
Ipinapakita ni Isaias na ang panghuling labanan ay nasa pagsamba.
Ang lupa naman ay nadumhan sa ilalim ng mga nananahan doon;
Sapagka't kanilang sinalangsang ang kautusan,
Binago ang alituntunin,
Sinira ang walang hanggang tipan.
Kaya't nilamon ng sumpa ang lupa,
At silang nagsisitahan doon ay nangasumpungang salarin;
Kaya't ang mga nananahan sa lupa ay nangasunog,
At nangagilan ang tao. (Isaias 24:4-6)
Lahat ng matapat kay Yahuwah ay pararangalan Siya sa pagsamba sa Kanya sa Banal na Sabbath, kalkulado ng kalendaryong luni-solar na itinatag Niya sa Paglikha. Ito ay itinatag sa Pahayag 14 kung saan si Juan ay nakakita ng tatlong anghel na ipinadala mula sa Langit na may mga mensahe para maghanda ang buong mundo sa pagbabalik ni Yahushua. Sa wika na nagbibigay ng paalala sa ikaapat na utos, ang unang anghel ay ipinahayag: “Matakot kayo kay Yah at luwalhatiin ninyo Siya, sapagkat ang oras ng Kanyang paghuhukom ay dumating na. Sambahin ninyo Siya—Siyang lumikha ng langit at ng lupa, ng dagat at ng mga bukal ng tubig.” (Pahayag 14:7)
Ngunit hindi lahat ay tatanggapin ang mapagmahal na babala, dahil dito: “Ang bayan ng pagkalito ay nabagsak ... Naiwan sa bayan ay kagibaan, at ang pintuang-bayan ay nawasak.” (Isaias 24:10, 12) Sa Kasulatan, ang “mga bayan” ay sumisimbulo sa mga simbahan. Ang Babilonya ay sumisimbulo sa lahat ng mga huwad na relihiyon, na tiyakan kung bakit ang utos ay ibinigay: “Lumabas kayo mula sa kanya, bayan ko, upang kayo'y hindi makabahagi sa kanyang mga kasalanan, at upang sa kanyang mga salot ay hindi kayo madamay; sapagkat abot na sa langit ang kanyang mga kasalanan, at binalingan ni Yahuwah ang kanyang mga kasamaan.” (Tingnan ang Pahayag 18:4-5, FSV)
Lahat ng gagawa ng ganap na pagsuko kay Yahuwah at tatanggapin ang Kanyang kaloob ng pagkamatuwid ay magagawa na magtiwala sa Kanya sa paparating na krisis.
Ang mga ito ay maglalakas ng kanilang tinig, sila'y magsisihiyaw;
Dahil sa kamahalan ni Yahuwah
Ay nagsisihiyaw sila ng malakas mula sa dagat.
Kaya't luwalhatiin ninyo si Yahuwah sa silanganan,
Sa makatuwid baga'y ang pangalan ni Yahuwah Elohim ng Israel, sa mga pulo ng dagat.
Mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa ay nakarinig kami ng mga awit,
“Kaluwalhatian sa matuwid.” (Isaias 24:14-16)
Sa panahon ng parehong bahagi ng banal na paghuhukom ay mayroong bilang ng mga paglindol. Ang panghuli, ang ikapitong salot, ay ibabalik ang lupa nang lubusan sa estado bago ang Paglikha.
At ang mga patibayan ng lupa ay umuuga.
Ang lupa ay nagibang lubos,
Ang lupa ay lubos na nasira,
Ang lupa ay nakilos ng di kawasa.
Ang lupa ay gigiray na parang lango,
... At mabubuwal, at hindi na magbabangon.
At mangyayari, sa araw na yaon,
Na parurusahan ni Yahuwah ang hukbo ng mga mataas sa itaas,
At ang mga hari sa lupa sa ibabaw ng lupa. (Isaias 24:18-21)
Matapos nito, babalik si Yahushua at si Yahuwah ay itatakda ang Kanyang kaharian sa lupa na ginawang bago.
Kung magkagayo'y malilito ang buwan,
At ang araw ay mapapahiya;
Sapagka't si Yahuwah ng mga hukbo ay maghahari
Sa bundok ng Sion, at sa Jerusalem;
At sa harap ng kaniyang mga matanda ay may kaluwalhatian. (Isaias 24:23)
Isang walang hanggang pamumuhay sa kasiyahan kasama ang Manlilikha sa lupa na ginawang bago ang naghihintay sa lahat ng tatanggapin ang Kanyang kaloob ng kaligtasan.
1 Lahat ng Kasulatan ay kinuha mula sa Ang Dating Biblia at Bagong Tipan: Filipino Standard Version.