Naglalakad na Taong Patay: Nahulaan ni Yahushua ang Huling Papa!
Nahulaan ni Yahushua ang Huling Papa!
Nagbabagang Balita!! Bagong Maka-Kasulatang kumpirmasyon na si Pope Francis ay talagang ikawalo at huling papa na natagpuan sa mga salita ni Yahushua! Basahin ito upang matuklasan ang bago at nakagugulantang na ebidensya na makikita sa Bibliya . . . . |
“Tigil!”
“Dumungaw!”
“Mag-ingat!”
Ang
mga mapagmahal na magulang ay babalaanan ang kanilang mga anak kapag nasa
panganib para ang anak ay may kamalayan. Kapag ang babala ay pinanawagan, ang
tao ay magiging mas maingat o mas batid ang panganib. Si Yahuwah rin ay
nagbigay ng mga babala sa Kanyang mga anak dahil nais Niya na iligtas ang mga
ito. “Si Yahuwah . . . hindi Niya nais na may mapahamak, kundi ang lahat ay
makapagsisi at tumalikod sa kasalanan.” (2 Pedro 3:9-10)
Si Yahuwah, bilang banal na Ama ng lahat, nais ang Kanyang mga anak na maghanda para sa mga pangyayaring pangkatapusan ng kasaysayan ng daigdig. Itinabi Niya ang tabing sa hinaharap para ang mga nananalig ay maaaring balaanan ng anumang paparating. Ang propesiya ay ang mapagmahal na kaloob ng Ama upang ihanda ang mga matapat para sa mga huling araw. “Tunay na si Yahuwah Eloah ay walang gagawin, kundi Kanyang ihahayag ang Kanyang lihim sa Kanyang mga lingkod na mga propeta.” (Amos 3:7)
Ilang araw bago ang kamatayan ni Yahushua, Siya ay nakaupo sa Bundok ng Olibo nung sina Pedro at Andres, Santiago at Juan ay dumating sa Kanya nang palihim at nagtanong: “Ano po ang magiging palatandaan ng inyong muling pagparito at ng katapusan ng mundo?” (Mateo 24:3) Ang mga alagad ay tinuruan na ang templo ay mananatiling nakatayo hanggang sa katapusan ng mundo. Kaya, sa kanilang mga kaisipan, ang pagkawasak ng templo ay hindi magaganap hanggang si Yahushua ay bumalik sa katapusan ng mundo.
Hindi sinagot ni [Yahushua] ang Kanyang mga alagad sa paghihiwalay sa pagkawasak ng Jerusalem at ang dakilang araw ng Kanyang pagbabalik. Pinaghalo Niya ang paglalarawan ng dalawang pangyayaring ito. Binuksan Niya sa Kanyang mga alagad ang mga pangyayari sa hinaharap gayong pinakita Niya sa kanila, sila ay walang lakas na tiisin ang pananaw. Sa awa sa kanila, pinaghalo Niya ang paglalarawan ng dalawang dakilang krisis, iniwan sa mga alagad upang pag-aralan ang kahulugan para sa kanila. Nung tinukoy Niya ang pagkawasak ng Jerusalem, ang Kanyang hinulaang mga salita ay umabot nang lagpas pa sa pangyayaring iyon hanggang sa huling alab ng araw na iyon kung kailan [si Yahuwah] ay lilitaw mula sa Kanyang lugar upang parusahan ang sanlibutan sa mga pagkakasala, kung kailan ang lupa ay binuksan ang pagdanak ng dugo, at hindi na tatakpan ang mga pinatay. Ang buong talakayang ito ay ibinigay, hindi lamang para sa mga alagad, kundi para sa lahat ng nabubuhay sa mga huling pangyayari ng kasaysayan ng daigdig.1
Ang propesiya ito na nakapaloob sa Mateo 24 ay lubos at matindi ang kahalagahan sa mga nabubuhay sa mga huling araw ng daigdig. Ito’y naglalaman ng mga babalang hindi nakita sa ibang mga propetikong aklat ng mga Bibliya na mas tiyak na aplikado sa bansang Israel. Bilang karagdagan sa Mateo 24 (at ang mga katuwang na talaan sa Marcos 13 at Lucas 21), nandyan ang buong aklat ng Pahayag at mga tiyak na propesiya ng Lumang Tipan upang ihanda ang mga matapat sa katapusan ng panahon.
Isang partikular at mahalagang propesiya para sa huling henerasyon ay makikita sa Pahayag 17:
Ang mga ito rin ay pitong hari: bumagsak na ang lima sa kanila, naghahari pa ang isa, at ang huli ay hindi pa dumarating. Pagdating niya, sandali lamang siyang maghahari.
At ang halimaw na buhay noong una ngunit ngayo'y wala na ay isa sa pitong hari at siyang magiging ikawalo. Siya ay patungo sa kapahamakan.
Ang sampung sungay na nakita mo ay sampung haring hindi pa naghahari, ngunit bibigyan sila ng kapangyarihang maghari kasama ng halimaw sa loob ng isang oras.
Iisa ang layunin ng sampung ito, at ipapailalim nila sa halimaw ang kanilang kapangyarihan at karapatan.
Makikidigma sila laban sa Kordero ngunit tatalunin sila ng Kordero, sapagkat Siya ang Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari. Kasama Niya sa tagumpay ang Kanyang mga tinawag, pinili, at tapat na tagasunod. (Pahayag 17:9-14, MBB)
Matagal nang itinuro ng World’s Last Chance na ang mga hari ng Pahayag 17 ay ang mga papa na namumuno mula sa trono ng kapapahan. Ang unang papa ay si Pope Pius XI (1922-1929). Sapagkat ang Kasunduan sa Lateran ay nagbibigay sa kapapahan ang siyudad ng Vatican, siya ang unang hari. Si Benedict XVI (2005-2013) ay ang ikapitong “hari.” Si Pope Francis naman, ay ang ikawalo at huling papa bago ang Muling Pagdating ni Yahushua.
Matapang na ipinahayag ng WLC ang pagpapaliwanag na ito sa loob ng ilang taon, naghahangad na balaan ang mundo ng nalalapit na pagbabalik ni Yahushua at ang katapusan. Ngayon, isang bagong maka-Kasulatang ebidensya bilang taguyod sa pagtuturong ito ang natuklasan.
Nakatago sa gitna ng babala ni Yahushua sa Mateo 24 ang isang partikular na berso na lumilitaw na kinumpirma ang pagkakaunawang ito ng Pahayag 17. Nung una, ito ay hindi pansinin, hindi naunawaan sa ganap na kahalagahan nito o ang napapanahong paggamit nito. Ngayon, binuksan na ng Langit ang tunay na kahulugan ng tekstong ito para sa huling henerasyon.
Kung may magsasabi sa inyo, ‘Narito ang Kristo!’ o ‘Naroon siya!’ huwag kayong maniniwala.
Sapagkat may lilitaw na mga huwad na Cristo at mga huwad na propeta. Magpapakita sila ng mga kamangha-manghang himala at mga kababalaghan upang iligaw, kung maaari, maging ang mga hinirang ng Diyos.
Tandaan ninyo, ipinagpauna ko nang sabihin ito sa inyo.
Kaya't kung sabihin nila sa inyo, ‘Naroon siya sa ilang,’ huwag kayong pumunta roon. Kung sabihin naman nilang, ‘Naroon siya sa silid,’ huwag kayong maniniwala.
Sapagkat darating ang Anak ng Tao na parang kidlat na gumuguhit mula sa silangan hanggang sa kanluran.
Kung nasaan ang bangkay, doon nagkakatipon ang mga buwitre. (Mateo 24:23-28, MBB)
Ang salitang “bangkay” ay nagmula sa salitang Griyego na ptoma. Ibig sabihin nito ay “walang buhay na katawan (patay, nabubulok na bangkay): -- patay na katawan.”2 Ito ay literal na, “bumagsak . . . kaya, ‘napahamak, isang bangkay.’ ”3
Sapagkat nalalaman ng sinumang Kristyano, mayroong higit pa sa isang kahulugan ng “bumagsak.” Mayroong isang literal na pagbagsak, gayong kamalian ng tao. Ngunit mayroon ding isang moral na pagbagsak, kagaya ng pagkakasala nina Adan at Eba at tumalikod sa kanilang katapatan mula sa Manlilikha. Kawili-wili na ang kahulugan nito ay nakapaloob sa salitang “bangkay” dahil mayroong tiyak na moral na pagbagsak na sangkot sa pagbibigay ng kahalagahan ng tekstong ito.
![]() |
Katolikong Kompidensyal | Mga Itinagong Lihim ng Heswita ay Inilabas! |
Kapag ang pari ay sumapi sa order ng Heswita, sasalang siya sa Matinding Panunumpa ng Pagtatalaga. Matapos inulit ang panunumpa, ang nakakataas, sasagutin ng bagong kandidato, tatanungin ng isang serye ng mga katanungan.
Tanong: “Nakapanumpa ka na?”
Sagot: “Nagawa ko na, upang wasakin ang mga erehe at ang kanilang mga pamahalaan at mga namumuno, at walang kaaawaan ano pa man ang kanilang edad, kasarian o kondisyon. Upang maging isang bangkay nang walang anumang opinyon o pansariling kalooban, kundi walang pasubali na sundin ang aking mga Nakakataas sa lahat ng bagay nang walang pag-aalinlangan ng paglagaslas.”
Ang ganap na pagpapasakop ng kalooban ng tao sa nakakataas ay nagtatakda sa order ng Heswita na natatangi. Ito ay binuo sa pariralang Latin na, Perinde ac cadaver na nangangahulugang “kagaya ng bangkay sa kalooban ng Papa.” Ang mga Heswita, sa kanilang sariling panunumpa, ay mga bangkay, pinamamahalaan ng kalooban ng iba. Naniniwala ang WLC na ito ang kumpirmasyon na si Francis, ang ikawalo at huling papa ng propesiya, ay ang bangkay na tinutukoy sa Mateo 24.
Marso 13, 2013, ay isang mapalad na petsa. Si Jorge Mario Bergolio ay itinalaga bilang ika-266 na papa, Francis I. Ito ay kauna-unahan sa kasaysayan ng order ng Heswita na isang Heswita ang naging papa! Makasaysayan, ang herarkiya ng Simbahang Katoliko ay laging maingat sa order ng Heswita, ang pinakamalaking order sa Katolisismo na may mahigit 19,000 kasapi. “Ang mga Heswita ay laging isang pinakamakapangyarihang order ng mga pari. Nagdulot ito sa mga natitira ng simbahan na kumilos nang lubos na maingat sa kanila sa panahong patungo sa tangka ng pagbuwag sa kanila.”4 Ang katunayan na ang ikawalong papa ng propesiya ay nanggaling mula sa order na ito ay hindi dapat makaligtaan ng sinumang mag-aaral ng propesiya.
Nakikita ng WLC sa isang malalim na pagkakaunawa ang propesiya ng Mateo 24 na isang banal na palatandaan na nagkumpirma ng paniniwala na si Pope Francis nga ang huling papa bago ang pagbabalik ni Yahushua: “Kung nasaan ang bangkay, doon nagkakatipon ang mga buwitre.” (Mateo 24:28)
Ang mga simbulo ay madalas ginamit sa Kasulatan dahil ang mga ito’y naglalaman ng maraming bahagi ng kahulugan. Gayunman, upang maunawaan ang mga simbulo, kinakailangan kilalanin muna ang mga ito.
![]() |
“Kung nasaan ang bangkay, doon nagkakatipon ang mga buwitre.” (Mateo 24:28) |
Ang teksto ay tinutukoy ang mga “buwitre.” Ang mga buwitre o agila ay mga kumakain ng mga nabubulok. Dahil dyan, nakalista sila sa Bibliya bilang marurumi. Hindi katulad ng mga ibon na kumakain ng mga butil o prutas, ang mga buwitre ay kumakain ng patay, nabubulok na laman. Ang mga buwitre o agila ay ginamit rin bilang simbulo ng Roma. Sa mga pangwakas na kabanata ng Deuteronomio, nagbabala si Yahuwah sa Israel sa pamamagitan ni Moises ng kapalaran ng bansa kapag tumalikod mula sa Kanya.
“Sa pamamagitan ng Espiritu ng Inspirasyon, naghahanap pa sa malayong panahon, inilarawan ni Moises ang kagimbal-gimbal na pangyayari ng huling pagbagsak ng Israel bilang bansa, at ang pagkawasak ng Jerusalem sa mga hukbo ng Roma: ‘Ipapalusob kayo ni [Yahuwah] sa isang bansang mula pa sa kabilang panig ng daigdig. Hindi ninyo alam ang kanilang wika. Simbilis ng agila na sasalakayin nila kayo. Matitigas ang kalooban ng mga taong iyon, at walang awa sa matanda man o bata.’ Ang ganap na pagkasira ng lupain at ang nakagigimbal na paghihirap ng mga tao sa panahon ng paglusob sa Jerusalem sa ilalim ni Titus, ilang siglo ang lumipas, ay malinaw na inilarawan.”5
Narito, ang hukbo ng Roma ay itinutulad sa mga agila. Ito ay bagay na simbulo dahil ang mga agila ay sagisag ng paganong Roma.
Ngunit habang pinagsama ni Yahushua ang mga paglalarawan ng pagbagsak ng Jerusalem sa katapusan ng mundo, mayroon pang isang paggamit ng “agila” sa Mateo 24:28. Ang pambansang sagisag ng natitirang “super power” (ang Estados Unidos) ay walang iba kundi isang agila.
Ang sagisag ng paganong Roma ay isang agila. Itong lubusang paganong sagisag ay kinuha rin ng rehimeng Nazi sa kanilang tangka na magtatag ng ikatlong imperyong Romano, o Ikatlong Reich. (Larawan hatid ng galleryhip.com.) |
Bumagsak ang Jerusalem noong 70 AD sa agila ng Roma. Ngayon, ang mundo’y haharap sa hindi pa nagaganap na panganib gayong ang agila ng Estados Unidos ay nagsikap ng mapang-aping kapangyarihan, nagpupumilit sa lahat na yumuko sa kalooban nito o humarap sa lakas ng militar nito. Kasama ang papang Heswita, umuugoy sa setro ng kapapahan, ito ay maaari kundi kakaunting panahon bago ang agila ng Amerika ay ipatupad na sabbath ng kapapahan (araw ng Linggo) sa pagpapanatili ng propesiya:
At nakita ko ang isa pang halimaw na lumilitaw mula sa lupa. May dalawang sungay ito na tulad ng mga sungay ng isang batang tupa, ngunit nagsalita ito na parang dragon.
Ipinahintulot din sa kanya na bigyan niya ng hininga ang larawan ng unang halimaw. Kaya't nakapagsalita ang larawan at ipinapatay nito ang lahat ng ayaw sumamba sa kanya.
Sapilitang pinatatakan ng ikalawang halimaw ang lahat ng tao sa kanilang kanang kamay o sa noo, maging sila'y dakila o hamak, mayaman o mahirap, alipin o malaya.
At walang maaaring magtinda o bumili malibang sila'y may tatak ng pangalan ng halimaw o ng bilang na katumbas ng pangalan niyon. (Pahayag 13:11, 15-17, MBB)
Kapag si Pope Francis, ang huling papa ng kasaysayan, kinuha ang entablado ng mundo bilang ikawalong hari, titipunin niya ang lahat ng mga lider ng mundo sa ilalim ng kanyang impluwensya at kontrol. Sa Kasulatan, ang mga “sungay” ay mga simbulo ng kapangyarihan at ang bilang na sampu ay sagisag ng pandaigdigang kabuuan.
Ang sampung sungay na nakita mo ay sampung haring hindi pa naghahari, ngunit bibigyan sila ng kapangyarihang maghari kasama ng halimaw sa loob ng isang oras.
Iisa ang layunin ng sampung ito, at ipapailalim nila sa halimaw ang kanilang kapangyarihan at karapatan.
Makikidigma sila laban sa Kordero ngunit tatalunin sila ng Kordero, sapagkat siya ang Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari. Kasama niya sa tagumpay ang kanyang mga tinawag, pinili, at tapat na tagasunod. (Pahayag 17:12-14, MBB)
![]() |
Ang nababatid na mata ay maaaring makita ang pagkakapareho sa pagitan ng paganong Romanong sagisag at ang pambansang sagisag ng Estados Unidos ng Amerika at para sa mabuting katuwiran: parehong pandaigdigang kapangyarihang nag-uusig. |
Si Pope Francis, bilang bangkay ng Mateo 24:28, ay titipunin ang lahat ng mga buwitre/agila sa kanya sa ilalim ng panghihimok ng punong agila, ang Estados Unidos. Gaya ng mga buwitre na karaniwang lumalapit sa isang bangkay, ganon din sa mga lider ng mundo na ipapailalim ang kanilang kapangyarihan at karapatan sa papa. Habang lumalala ang pandaigdigang pag-urong, tumungo sa pandaigdigang depresyon, ang mga tao ng mundo ay maghahangad ng mga kasagutan, tutungo sa papa na maging kanilang lider.
Gayong nakaupo na ang ikawalo at huling papa ngayon sa “trono ni San Pedro,” ang mga salitang isinulat mahigit 100 taon ang lumipas. Sila’y nagpapatibay para sa huling dakilang krisis. Dakilang pagbabago ang magaganap sa ating daigdig, at ang mga huling pagkilos ay pawang mabibilis.”6 Ang mga pangyayari sa mundo ngayon ay malinaw na ipinahayag na ang Muling Pagdating ay malapit na, nasa mga pintuan. Ang matagal na inaasahang pagpapatupad ng araw ng Linggo ay malapit nang bumagsak sa mundo at ang pag-uusig ay tatama sa lahat ng ayaw sumunod.
Ang panahon ay hindi na malayo, gaya ng mga naunang alagad, tayo ay mapipilitang maghanap ng kanlungan sa mga pinabayaan at mapanglaw na lugar. Sapagkat ang paglusob sa Jerusalem ng mga hukbo ng Roma ay tanda ng pagtakas ng mga Kristyanong Hudyo, gayon din ang pagpapalagay ng kapangyarihan sa parte ng ating bansa, (Amerika) sa kautusang nagpapatupad sa kapapahang sabbath, ay magiging babala sa atin. Ito ang magiging panahon para lisanin ang mga malalaking siyudad, tumungo sa mga retiradong tirahan sa mga liblib na lugar sa kabundukan.7
Ang
propesiya ay mauunawaan lamang sa panahon ng katuparan nito. Pinupuri ng WLC
ang Langit para sa paglalantad ng propesiyang ito sa mismong tiyak na oras. Ang
unang hindi naunawaang berso ay kinumpirma ang pagkakakilanlan ni Pope Francis
bilang nahulaang ikawalong papa ng Pahayag 17.
Ang katotohanan ay magtatagumpay nang maluwalhati. Ang mga hukbo ng Langit ay tatalunin ang mga pwersa ng kasamaan. Maraming sinaunang Kristyano ang nagbuwis ng kanilang mga buhay sa pagpapalaganap ng Magandang Balita, ngunit ang kanilang dugo ay magbubunga ng isang masaganang ani sa mga huling araw na ito.
Sa kawalan ay ang mga pagsisikap ni Satanas na wasakin ang simbahan ni Kristo gamit ang dahas. Ang dakilang sagupaan kung saan ang mga alagad ni [Yahushua] ay itinaya ang kanilang mga buhay ay hindi tumigil kapag ang mga matapat na tagatangan ng bandila ay nalaglag sa kanilang pwesto. Sa pagkatalo, sila’y sinakop. Ang mga manggagawa [ni Yahuwah] ay napaslang, ngunit ang Kanyang gawa ay patuloy na susulong. Ang magandang balita ay patuloy na lalaganap at ang bilang ng mga lingkod nito ay tataas. Ito ay tatagos sa mga rehiyong hindi pa napupuntahan maging sa mga agila ng Roma.8
Ngayon, sa mga araw ng pagtatapos ng kasaysayan ng daigdig, ang bayan ni Yahuwah ay muling masasakop. Ang katotohanan ay mananatiling matagumpay, matatag at matapat, kaharap ang magiting na pangrelihiyong agila ng Roma at ang pangmilitar na agila ng Estados Unidos.
1 Ellen G. White, Desire of Ages, p. 628, binigyang-diin.
2 Ptoma, #4430, The New Strong’s Expanded Dictionary of Bible Words, p. 1348.
3 Ibid.
4 http://papafrancis.net/2013/03/why-there-hasnt-been-a-jesuit-pope-before-francis-i/
5 Ellen G. White, Patriarchs and Prophets, p. 467.
6 Ellen G. White, Testimonies for the Church, Vol. 9, p. 11.
7 Ellen G. White, Testimonies for the Church, Vol. 5, pp. 464-465.
8 Ellen G. White, The Great Controversy, p. 41.